You're Mine Sergeant

You're Mine Sergeant

last updateLast Updated : 2022-11-01
By:   Lyniel  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
23Chapters
980views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Si Crisanta ay may matagal ng pangarap na maging isang sikat na news writer kaya naman madalas siyang tumambay sa opisina ng kanyang ninong na hepe ng pulisya sa kanilang bayan upang makasagap ng scoop or balita. Dito niya unang nakita ang gwapo at makisig na pulis na si Sergeant Alexander Ricarfort, pangalan pa lang ang kisig na. Tinamaan ka agad siya ng palaso ni kupido lalo na ng masalat niya kung gaano "katambok" at "katigas" ang abs nito. Gumawa siya ng paraan para mapalapit sa binata at ng makakuha na rin siya ng magandang article para sa kanilang newspaper. ayun nga lang mukhang lagi siyang inaalat, dahil sa tuwing mag lalapit sila ni Alex ay kung ano-ano namang kapalpakan ang nagagawa niya na lalong ikinainis ng binata sa kanya. Paano pa kaya siya magugustuhan ni Alex kung lahat ng gusto nito sa isang babae ay wala sa kanya? idagdag pa na meron na pala itong "babe". Wala na nga kayang pag-asa ang mapagmahal na puso ni Cris para sa makisig nating pulis?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“Ninong please sige na sabihin mo na sa’ken kung merong bagong story na pwede ko isulat sa newspaper namin,” pagmamakaawang sambit ni Cris or Crisanta Manalastas, isang baguhang newspaper writer sa isang di kalakihang tabloid sa kanilang lugar. Madalas siyang magtungo sa presinto para mangulit sa kanyang ninong na hepe lang naman sa kanilang bayan. Parang anak na ang turing nito sa kanya dahil matapos mamatay ng kanyang pulis na ama sa isang engkwentro noong araw ay ito na halos ang umako ng responsibilidad ng pag papalaki sa kanya. “Crisanta, tigilan mo ko!” seryosong pahayag ng ninong n’ya. “Wala ka ng makukuha na kahit anong balita sa’ken ang mabuti pa bumalik ka na sa opisina ninyo at marami pa akong gagawin.” Matigas na tugon ng kanyang ninong sabay balik sa mga papeles sa lamesa nito. Agad namang napasimangot si Cris at nag umpisang suminghot singhot at nag kunwang naiiyak. Nag taas naman ng ulo ang kanyang ninong at agad siyang tiningnan at ng makita nito ang malungkot na muk...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
23 Chapters
Chapter 1
“Ninong please sige na sabihin mo na sa’ken kung merong bagong story na pwede ko isulat sa newspaper namin,” pagmamakaawang sambit ni Cris or Crisanta Manalastas, isang baguhang newspaper writer sa isang di kalakihang tabloid sa kanilang lugar. Madalas siyang magtungo sa presinto para mangulit sa kanyang ninong na hepe lang naman sa kanilang bayan. Parang anak na ang turing nito sa kanya dahil matapos mamatay ng kanyang pulis na ama sa isang engkwentro noong araw ay ito na halos ang umako ng responsibilidad ng pag papalaki sa kanya. “Crisanta, tigilan mo ko!” seryosong pahayag ng ninong n’ya. “Wala ka ng makukuha na kahit anong balita sa’ken ang mabuti pa bumalik ka na sa opisina ninyo at marami pa akong gagawin.” Matigas na tugon ng kanyang ninong sabay balik sa mga papeles sa lamesa nito. Agad namang napasimangot si Cris at nag umpisang suminghot singhot at nag kunwang naiiyak. Nag taas naman ng ulo ang kanyang ninong at agad siyang tiningnan at ng makita nito ang malungkot na muk
last updateLast Updated : 2022-10-05
Read more
Chapter 2
“O anong sabi sayo ni Ms. Tiger lily?” tanong ni Max kay Rigo pagbalik nito galing sa kabilang bahay. “Wala naman, siya pala ang dating naglilinis nitong bahay kaso one-week na raw niya hindi nalinis dahil busy sa trabaho, sa atin na nga lang daw itong walis tambo may extra naman daw siya.” mahabang sagot ni Rigo at nag patuloy na ito sa pag lilinis. “Hindi ka man lang tinarayan or kaya kinagat?” pangungulit nito sabay tingin kay Alex. Kinuha na rin nito ang dustpan at tumulong na sa pag lilinis. “Kung ako sayo titigilan ko na siya sa pang iinis nakakahiya kay Chief,” tumalikod na sa Rigo at nagtungo sa pwesto ni Alex. “Alex ano nga pala ang gagawin natin ngayong araw bukod sa pag lilinis?” tanong nito. “Wala muna sa ngayon, kailangan ko muna pag aralan ang profile ng mga involved na personalidad sa kasong ito.” Sagot nito sabay tayo at dumiretso sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang folder at agad binuksan ang kanyang laptop upang tingnan naman ang laman ng hard drive na binigay ni
last updateLast Updated : 2022-10-05
Read more
Chapter 3
"Oh my god!" gulat na singhap ni Cris ng mabungaran siya ni Alex na nakasalampak sa sahig na walang ibang saplot kundi yung kanyang bath towel! nadulas lang naman siya at aksidenteng nahawakan ang cabinet niya na may mga collection ng pigurin ng yumaong ina. Dali dali siyang nilapitan ni Alex at inalalayang tumayo at dahang dahang iniupo sa sofa. "Anong nangyari?" tanong nito. mariin siyang napapikit ng bahagyang kumirot ang balakang niya, napasama yata ang tama niya sa sahig. "Nadulas ako eh, nag mamadali kasi akong tumakbo ng mag ring yung phone ko". sabay sulyap sa naka bukas na silid kung saan naroon ang lintik niyang cellphone! nakakahiya nakita siya ng crush niya sa ganitong sitwasyon. "You better watch your step next time, and please get dress." masungit nitong saad sa kanya sabay tayo at diretsong nag tungo sa pinto. hindi pa ito nakakalabas ng marinig nito ang pag ikig niya. Sinubukan niya kasing tumayo kaso talagang masama ang tama ng balakang niya at napaupo na naman siy
last updateLast Updated : 2022-10-05
Read more
Chapter 4
Mataman siyang tinitigan ng mga kasama ng makapasok sila sa bahay. May mga nakakalokong ngiti pa ang mga ito. "Tss wag niyo ko tignan ng ganyan, tinulungan ko lang ang clumsy na yun, nothing happen Ok!" Naiinis niyang turan sa mga ito. "Sabi nga namin wala! pero ano ba kasi nadatnan mo kanina?" tanong ni Lucas. Napatingin siya sa mga ito at biglang naisip ang nangyari kanina. Sinubukan ni Cris tumayo pero nalaglag ito sa sofa at nakalas ang tapis nito at lumitaw ang malulusog nitong dibdib! damn sa isiping iyon biglang uminit ang pakiramdam niya. sinara niya agad ang pinto at baka makita pa ng mga kolokoy na to ang katawan ni Cris. She is hot and gorgeous wearing only a towel! " Nothing happen okay, ang mabuti pa Rigo sumaglit ka sa bayan isama mo si Max mag masid masid kayo at pag aralan ang bawat sulok, daanan at labasan." pag iiba niya ng usapan. Nag punta sila dito para sa misyon at hindi sa kung ano pa man. Mabilis namang sumunod ang dalawa sa kanya. Nag tuloy na siya sa kan
last updateLast Updated : 2022-10-05
Read more
Chapter 5
Sabay sina Tarcy at Cris umalis ng bahay para bumalik sa kanilang opisina. Kailangan nilang mag research at kumuha ng mga kakailanganin nila. Pagdating nila sa opisina agad nilang tinungo ang computer at nag type ng kailangan nilang malaman. "Tarcy, ano kaya kung puntahan ko si ninong?" Baling niya sa kaibigan na busy din sa ginagawa. "Para saan naman?" "Itatanong ko lang yung tungkol sa mission nila Alexander dito, yung buong detalye." Naka pangalumbaba niyang sagot dito. "Hindi niya yun ibibigay sayo dahil alam ‘nun masisira mo lang ang plano. Ang mabuting gawin natin ay i-cover ang mission once tapos na ito para tayo ang mag lalabas ng balita." Mahaba nitong litanya sa kanya. May point ito malamang hindi ibigay ng ninong niya ang detalye ng misyon. Masyadong delikado. Matapos magawa ang lahat ay sabay na rin silang tumayo ni Tarcy para umuwi. Bago pa man sila makalabas ng opisina ay tinawag na siya ni Marco. "Cris sandali!" Habol nito. "Bakit Marco, may kailangan ka ba?" Tan
last updateLast Updated : 2022-10-05
Read more
Chapter 6
Hanggang sa makarating ng bahay ay wala pa rin kibo si Sarge. Hindi niya tuloy alam kung anong nasa isip nito. Nang makababa ng sasakyan ay sumenyas na lamang siya na mauuna na siya. Tumango lang amg mga lalake sa kanya at deretso ns siyang pumasok sa loob ng bakuran niya. Hapong hapo na napa upo siya sa sofa at pilit iniisip kung anong problema ni Sarge."Hayyy bahala ka nga! ang sakeet mo sa bangs!" inis na turan niya."Sinong sinasabihan mo na masakit sa bangs?"kinalabaw ka!" nagulat siya ng may mag salita sa may harap ng pinto niya. nakita niya si alex na nakatayo dun at hawak hawak nito ang pouch niya. Marahan itong pumasok sa loob at iniabot ang pouch sa kanya."You forgot this" natameme naman siya bigla at kinuha yung inaabot nito. Ngumisi siya rito."Ah salamat, siguro nahulog kanina nung napadaan tayo sa lubak.""So sino yung masakit sa bangs mo"? ulit nito sa tanong kanina. biglang umilap ang mata niya dahil di niya alam ang isasagot."Ah yun ba wala yun. kwan sa ano eh.. s
last updateLast Updated : 2022-10-11
Read more
Chapter 7
Matapos ang naging usapan sa magiging partisipasyon niya sa misyon nila Sgt.Alexander, kaagad din naman siyang nag plano ng gagawin niya para makukuhang magandang scoop mula. Sinimulan niya munang isipi kung paano siya makakakuha ng mga information nang hindi siya nahahalata. huh! kailangan naka buntot ako sa kanila palagi, pero pano ko gagawin yun kung lagi na lang ako na didisgrasya? pano ba naman sa tuwing nakikita niya si Sarge at ang mala adonis nitong anyo nawiwindang siya.Kung tutuusin plain and simple lang ang gagawin niya. kailangan lang niyang i-tour ang mga ito sa isla talahib. kailangan mag mukhang natural lang ang lahat. Tama! doon ko sisimulan ang pag kuha ng scoop. Excited na siya para sa darating na linggo. kailangan niyang masabihan si Tarcila .Matamang nag iisip si Alex habang nasa labas ng bahay. Doon siya pumwesto sa ilalim ng puno. Pinag iisipan niya kung tama ba ng isama nila si Cris sa misyon. posible kasing madamay ito. Habang iniisip iyon ay sumagi sa isip
last updateLast Updated : 2022-10-11
Read more
Chapter 8
Linggo lahat ay maagang nag sigayak. Inihandan na ng grupo nila Alex ang mga dadalhin sa sasakyan. Ang mga armas nila ay itinago nila sa pinaka ilalim ng sasakyan. Si Lucas naman ay inihahanda na ang drone na gagamitin nila para ma view ang Isla in 360 degrees. Si Rom naman ang bahala sa mga pagkain na dadalhin. Habang si Rigo naman ang magiging official photographer nila. Tiningnan ni Alex ang relo niya at ng makitang 4:30 na ng umaga ay nag pasya siyang lumabas para silipin si Crisanta sa kabilang bahay. Simula ng kausapin niya ito tungkol sa plano ay hindi pa ito nag papakita sa kanya.Samantala, sina Crisanta naman at Tarcila ay hindi mag kamayaw sa dami ng kanilang bitbitin. Kulang na lang buong bahay nila ay dala dala nilang dalawa.“Ahh!! Ano ba kasi itong mga dala dala mo Crisanta! Bakit ang bigat bigat yata ng bag mo!?” palatak ni Tarcy. Habang pilit binubuhat ang backpack niya. Inagawa niya ito sa kanya at baka masira pa. ang mahal pa naman ng bili niya dito.“Ako na lang ma
last updateLast Updated : 2022-10-11
Read more
Chapter 9
Pagkadating nila sa pantalan kung saan naroon ang bangkang mag hahatid sa kanila sa Isala Talahib ay agad nag sipagbabaan ang mga kasama niya sa sasakyan. Habang siya naman at si Tarcila ay binitbit na rin ang mga personal nilang gamit. Nakita niyang si Alexander pa rin ang nag dala ng bag na pinaglalagyan niya ng niluto niyang pagkain. Halos lahat ng mga turistang babae na naroon sa pantalan ay napapatingin sa mga ‘Hunks’ na kasama nila. Well pano ba naman ang mga porma ng mga ito hindi mo iisipin na naroon sila para sa mission. Mga mukha silang turista na ang hanap ay adventure!Nang sumenyas ang bangkero na pwede na silang sumakay ay mabilis na nagpuntahan ang mga pasahero. Ang ferry boat na magdadala sa kanila sa Isla Talahib ay naglalaman ng hanggang labin-limang pasahero kasama na ang bangkero at alalay nito. Walo silang lahat kaya kulang pa ng limang pasahero ang bangka nila bago ito lumarga. Isa-isa ng nagsikayan ang mga ‘hunks’ niyang kasama saka sila sumunod ni Tarcy. Dun si
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more
Chapter 10
Nang tuluyang makalapit sina Tarcy at Cris sa cottage ay agad nilang inihanda ang mga pagkain. Ala sais ‘y media pa lang ng umaga at nag sisimula ng mag si datingan ang mga mangingisdang pumalaot sa dagat dala dala ang kani-kanilang mga huli. Inihanda na nila Cris ang kanilang aalmusalin. Inilabas niya ang niluto niyang pagkain.Tortang talong at crispy fry pork chop ang inihandan niyang almusal para sa mga ito. Nag luto rin siya ng fried rice at nadala ng 3-in-1 na kape. Binigyan na niya ng paper plate ang paper cups ang mga ito. Samantalang si Tarcy naman ay kumuha ng mainit ng tubig.“Wow! Ang sarap naman ng almusal natin!” palatak ni Rom. “Buti na lang nag dala ka ng pagkain Cris. Para itong mga dala dala namin ay mamayang tanghalian o kaya hapunan na lang natin.” Dugtong pa nito.“Sige kain lang kayo ng kain kasi malayo layo rin ang lalakarin natin mamaya.” Tugon naman niya.Naglagay siya ng fried rice, talong at pork chop sa isang pinggan at iniabot ito kay Alexander. Kinuha nam
last updateLast Updated : 2022-10-15
Read more
DMCA.com Protection Status