Share

You're Mine Sergeant
You're Mine Sergeant
Author: Lyniel

Chapter 1

Author: Lyniel
last update Huling Na-update: 2022-10-05 21:00:37

“Ninong please sige na sabihin mo na sa’ken kung merong bagong story na pwede ko isulat sa newspaper namin,” pagmamakaawang sambit ni Cris or Crisanta Manalastas, isang baguhang newspaper writer sa isang di kalakihang tabloid sa kanilang lugar. Madalas siyang magtungo sa presinto para mangulit sa kanyang ninong na hepe lang naman sa kanilang bayan. Parang anak na ang turing nito sa kanya dahil matapos mamatay ng kanyang pulis na ama sa isang engkwentro noong araw ay ito na halos ang umako ng responsibilidad ng pag papalaki sa kanya.

“Crisanta, tigilan mo ko!” seryosong pahayag ng ninong n’ya. “Wala ka ng makukuha na kahit anong balita sa’ken ang mabuti pa bumalik ka na sa opisina ninyo at marami pa akong gagawin.” Matigas na tugon ng kanyang ninong sabay balik sa mga papeles sa lamesa nito.

Agad namang napasimangot si Cris at nag umpisang suminghot singhot at nag kunwang naiiyak. Nag taas naman ng ulo ang kanyang ninong at agad siyang tiningnan at ng makita nito ang malungkot na mukha ng anak-anakan na tila naiiyak pa ay agad itong na pa buntong hininga. Hindi niya talaga matitiis ang batang ito, sa loob loob pa niya.

“Okay fine!” napipilitang sambit ng kanyang ninong. Agad namang nagtaas ng tingin si Cris at mabilis na lumapit sa kanyang ninong, alam na alam niya talaga ang kahinaan ng kanyang ninong/tatay-tatayan.

“O ayan ang folder ng buong mission,” inabot nito sa kanya ang folder. “Ikaw Crisanta ha kapag yan nakalabas at nabulilyaso ang operation nila malilintikan ka sa’ken!” nagbabantang turan pa nito.

Siyempre alam naman niya ang salitang confidential, ayaw rin naman niyang malagay sa alanganin ang reputasyon ng kaniyang ninong. Kaya hinding hindi niya ito ipapahiya. Impact babasahin lang naman niya ang nilalaman ng folder at pag katapos niyon ay saka siya gagawa ng hakbang kung paano makakagawa ng isang magandang story. Sa story na gagawin niya nakasalalay ang future niya bilang news writer. Nagkaroon kasi ng opening ang kanilang sister company na na ka base sa Manila for news writer at gusto niya na ma-impress ang kanilang managing director para siya ang ipadala nito na representative ng kanilang kompanya.

Mabilis na pinasadahan ni Cris ang nilalaman ng folder at nagulat siya sa kanyang nabasa. Ang mission ay tungkol sa mga nakatakas na miyembro ng isang malaking drug syndicate na na ka base sa maynila. Sinasabi rin sa file na ang mga ito ay mga ma-impluwensiyang tao sa lipunan at may sinsabi sa buhay. Mayroon din daw silang mga koneksiyong sa mga international syndicate. Pero paanong narito sila sa maliit na bayan ng Santa Fe? Oo nga at bulubundukin ang lugar nila pero wala naman silang mapapala dito. “It’s weird.” mahina niyang usal sa sarili.

Binuklat niya muli ang file at doon nakita niya ang mga pangalan ng mga pulis na mag handle ng kaso.

“Master Sgt. Alexander Ricafort”, basa n’ya sa pangalang naroon. “Sino siya ninong?”

Huminga muna ng malalim ang ninong niya bago ito sumagot sa kanya,

“Siya ang hahawak ng case at dito siya na assign sa division namin, isa siyang magaling at mahusay na pulis, dati rin s’ya sa navy army, nag silbi rin siya bilang sundalo at na assign noon sa Mindanao. Siya talaga ang pinapadala ng kapulungan sa mga ganitong sensitibo at critical na mission.” Seryosong saad nito habang nakatingin sa kanya.

“Kaya naman Crisanta utang na loob ‘wag kang gagawa ng ikakasira ng mission nila kundi pareho taong malilintikan.” mahabang litanya ni Chief Enrico Dela paz.

“Ninong naman palagay mo naman saken?” baling n’ya rito sabay ngiti. “Laging gulo ang dala? Syempre hindi kita ipapahamak. Trust me ninong,” kumindat kindat pang saad niya.

Nag pa-beautiful eyes pa siya para mawala ang alalahanin nito sa kanya. Naiintindihan naman niya kasi kung bakit ganon na lamang ang pag aalala ng ninong niya sa kanya. Nang minsan kasi may scoop siyang sinusundan na galing din dito ang tip ay muntik na siyang mapahamak and worse muntik ng pumalpak ang lakad ng mga bataang niyang pulis. Napa ngiwi siya ng maalala ang nangyari noon.

“Don’t worry ninong, this time I’ll behave”. She assured him.

Mabilis niyang ibinalik ang folder sa ninong niya at nag paalam na dito at tinungo ang pinto. Saktong pag pihit niya ng door knob ay sakto naman bumukas ito kaya napasubsob tuloy siya sa malapad na dibdib ng isang lalaki. Sinalat salat niya pa ito bahagyang napisil!

Shemay! ang tigas ng masel! Ilan kayang pandesal este abs meron ito, mabilang kaya? Bahagya pa siyang napapitlag ng may mag salita sa likuran ng lalaking may matigas na dibdib.

“Miss, baka may mabuhay sa pag pisil mo na yan, ikaw rin!” sabay tawanan ng mga kasama nito. Tumikhim yung lalaking may masarap na pandesal este abs at napatingala siya dito.

Oh my ang gwapo! Kulang ang salitang gwapo para isalarawan ang itsura ng lalaki.

“Are you done?” malamig na turan ng lalaki sa kanya. Marahil nahalata nito ang ginawa niyang pag kabisa sa itsura nito.

“Ha?” pag mamaang-maangan niya. “Anong sinasabi mo? Pwede ba tumabi nga kayo sa daan! ang lalaki n’yo nakaharang kayo sa daan!” pagtataray pa niya sa mga ito para lang pag takpan ang pag kapahiya niya.

“Crazy,” narinig pa niyang turan ng lalaki sa kanya. Mabilis siyang lumingon dito at nakapamewang na hinarap ito. “Hoy mister na may matigas na abs, hindi ako baliw no! for your information isa akong journalist at ninong ko lang naman ang hepe ng pulisya dito sa bayan namin,” pag mamalaki pa niya.

“Kaya wag mo kong masabi sabihin ng baliw kung ayaw mong kagatin kita!” pag kasabi ‘nun ay mabilis na siyang tumalilis ng lakad at hindi na nilingon ang lalaki.

“Sgt. Alexander Ricarfort, nice seeing you again,” galak na turan ni Chief Dela paz. “Pag- pasensiyahan mo na ang inasal ng inaanak ko kanina, ganoon talaga ‘yun may pagka-isip bata pa. Na spoil ko kasi.” Naka ngiting turan nito sa kanila.

“Teka pala bago ko makalimutan narito ang folder ng lahat ng information na kailangan ninyo. Ito rin ang hard drive na binigay sa’ken ni General Agustin, nariyan ang lahat ng iba pang critical information na magagamit ninyo sa mission.” Inabot ng hepe ang lahat ng kailangan nila sa pag sisimula ng kanilang misyon dito sa bayan ng Santa Fe. Marahan siyang umupo sa harap ng lamesa ng hepe habang ang mga kasama naman niya ay naupo sa mahabang sofa na naroon. anim silang lahat ang naka assign sa mission na ito, at lahat sila ay well-trained army at navy. Mga bihasa sa pag tugis ng mga criminal at pag buwag sa mga malalaking sindikato. Matagal na silang magkakasama sa grupo kaya naman lahat sila ay sanay na sa bawat isa.

“Maraming Salamat dito Chief at salamat din sa pag payag ninyong pansamantala kaming tumuloy sa bahay ninyo.” Nakangiti niyang turan sa butihing hepe. Matagal na rin niya itong nakilala ‘nung minsan nag karoon siya ng mission sa kalapit bayan ng Santa Fe.

“Naku wala yun, Mabuti nga at may titira doon, matagal ko na rin hindi natitirhan iyon, yung inaanak ko na lamang ang matyagang nag lilinis sa bahay dahil katabi lang din naman ng bahay n’ya iyon.” Masayang pahayag pa nito. “Kapag may kailangan kayo maaari kayong mag sabi sa batang iyon at tiyak tutulungan kayo ‘nun.” Naka ngiting turan ng hepe sa kanila.

“E mukhang kasing tapang ng tigre iyong inaanak niyo hepe, hindi kaya sakmalin kami ‘nun?” tugon naman ng isa sa kasama niya si Max or Maximo Barrientos pinaka maloko sa kanila pero pinaka bihasa sa martial arts.

“Kayo naman nagulantang lang yung si Ms. Abs dito kay Sgt. Alex, banggain ba naman ng napaka-tikas nitong dibdib!” palatak naman ni Rom or Romouldo Perez ang sniper ng grupo. Sabay sabay naman nag tawanan ang grupo.

“O siya alam kong pagod kayo sa biyahe, mabuti pa eh mag pahinga na muna kayo sa bahay at nag pahanda ako ng makakain niyo dun sa kasambahay namin malamang naroon na iyon ngayon.” Sabay-sabay na silang tumindig at nag paalam sa hepe. Tinungo nila ang parking area kung saan naka parada ang service vehicle nila.

Habang binabagtas ang kahabaan ng daan patungo sa lumang bahay ng hepe, hindi maiwasang sumagi sa isip ni alex ang babaeng pumisil pisil sa kanyang dibdib, bahagya pa siyang napangiti ng maalala ang itsura nito kanina. Halatang napahiya ito at pulang pula ang mukha. Maganda rin ito at may sinasabi ang katawan yun nga lang may pag-katigasin itong kumilos. “D*mn hindi naman siguro siya tomboy,” Mahina niyang usal sa sarili.

Malapit na sila na kinaroroonan ng bahay ni hepe ng mapansin nila ang dalaga na nag lalakad habang may kausap sa cellphone nito. Agad itong binusinahan ng malakas ni Lucas Hererra ang hacker ng grupo sanhi para magulat ang dalaga “ay s*so ng kalabaw!” mabilis nitong turan at bahagyang namula ang mukha ng masilayan nito kung sino ang sakay ng owner type jeep na bumusina sa kanya. “Hey, watch your mouth young lady,” naka ngising sabi ni Lucas sa kanya. Sabay sibat ng owner jeep ng mga ito.

Napaka-bastos talaga ng mga walanghiyang yun! Naku nakakagigil talaga.

Mabilis na naglakad pa uwi si Cris at baka abutan pa siya ng dilim sa daan though alam naman niyang walang gagalaw sa kanya sa lugar na iyon dahil malaki ang respeto ng mga tao sa namayapa niyang mga magulang lalo na sa kanyang ama na dating marangal na pulis sa kanilang bayan. Bigla ang dating ng kalungkutan sa kanya ng maalala ang mga magulang.

Matagal na rin ng maulila siya ng mga ito. Namatay sa engkwentro ang kanyang ama at makalipas lang ng isang taon sumunod naman ang kanyang ina sa sobrang kalungkutan. Naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang ninong hepe.

“Hay! ang hirap ng walang magulang”, buntong hininga niya, “Ang daya niyo naman Nay at Tay iniwan niyo ako kaagad. Ni hindi niyo man lang nahintay ang magiging apo n’yo sa’ken.” Madamdamin niyang kausap sa mga ito at tumingala sa langit. Sa isiping iyon ay biglang pumasok sa isip niya ang gwapong pulis na nakabangga niya kanina sa opisina ng ninong niya. Particular ang mga mata nitong parang nang-hihigop ng lakas at ang mga Abs nitong ang titigas. Napangiti siya sa isiping iyon. “Hmp! gwapo nga ang antipatiko naman! Sarap umbagin ang mukha!”

***

“Hmmm ok din naman pala itong bahay ni Chief eh. Malawak ang solar at presko ang hangin,” si Rigo habang pinagmamasdan ang paligid. Pasimpleng lumanghap pa ito ng hangin.

 “Makakapag isip tayo dito ng maayos para sa mission natin, di’ba Alex?” baling ni Rigo Suarez ang spy ng grupo. Tumango lamang siya at nag-tuloy na sa loob ng bahay. Siya ang tumatayong lider at pinaka-utak ng grupo. Hindi na sana niya tatanggapin ang mission na ito dahil plano na niyang mag early retirement. Oo sa edad niyang 35 ay nais na niyang bitawan ang pag-seserbisyo sa kapulisan.

Nais naman niyang pag-bigyan ang kanyang ama na pamahalaan ang hacienda nila dahil ito ay tumatanda na. Hindi n’ya lamang matanggihan ang kanilang General. Malaki ang tiwala nito sa kanya at sa grupo niya kaya naman sila ang napili nito para sa mission. Alam din n’ya na may kanya kanya ng plano ang mga tao n’ya sa kanilang mga personal na buhay at gaya niya rin ay nag-nagnanais na rin ang mga ito na mag retiro.

“Oy kita mo nga naman kapag sinuswerte ka,” malakas na turan ni Max na ngayon ay naka-tingin sa nag lalakad na dalaga.

“Hi Ms. Tiger lily akalain mo mag kapitbahay pa pala tayo!” narinig niyang sigaw muli ni Max. Kaagad niyang sinilip sa bintana ang dalagang tinutukoy nito. Nakita niyang papasok na sa gate ang dalaga, lumingon pa ito at gulat ang mukha ng makita ang grupo niya. Halata sa mukha nito ang inis at nang amba pa ito ng suntok kay Max. Napailing nalamang siya sa nakita. Mukhang may bago na namang “aasarin” ang bataan niya.

Inis na inis si Cris ng makapasok ng bahay niya ng makita ang grupo ng mga pulis na iyon. Dito pa talaga sila pinatira ng ninong n’ya sa dati nitong bahay. Ibig sabihin araw-araw siyang mabubuwisit sa mga antipatikong iyon.

“Pero teka bakit parang wala si Mr. abs kanina? Di kaya hiwalay siya ng bahay?” kausap niya sa sarili.

 “Pero imposible naman dahil andito ang mga kasama niya, ay teka bakit ba iniisip ko yung mayabang na iyon.”

Tinutukan pa niya ng mahina ang ulo dahil sa inis. Para pa siyang nababaliw na ginulo gulo ang buhok niya. Mabilis siyang nagtungo sa kanyang silid at naligo. Kailangan pa niyang maghanda ng pagkain niya at marami pa siyang gagawin. Kailangan niyang pag isipan kung paano siya makakakuha ng magandang scoop mula dun sa pinakitang mission ng ninong niya. Alam niyang ang mga kapitbahay niyang pulis ang naka-assign sa mission na iyon.

Kailangan sigurong maging mabait ako sa kanila para makakuha ako ng magandang information.

“Aha, tama mag luluto ako ng ulam at bibigyan ko sila.” Napa-ngiwi naman siya sa naisip niya. Baka naman kasi mag duda ang mga ito kapag iyon ang ginawa n’ya. “Kailangan siguro palipasin ko muna ng ilang araw. Tama mag oobserba muna ako sa kanila.” Kumbinsi n’ya pa sa sarili.

Kinabukasan maagang nagising si Cris at nag timpla ng kape at umupo sa terrace at malayang pinagmasdan ang kanyang mga tanim na halaman. Sa ina niya pa ang halaman na iyon lalo na ang mga malalaking rosas na kulay pula at puti. Napangiti siya ng maalala ang ina mahilig kasi silang dalawa sa mga flowering plants kaya punong puno ng halamang namumulaklak ang kanilang bakuran. Simula ng mawala ito siya na ang nag alaga sa mga tanim nila. Bahagya siyang napalingon sa kabilang bakuran ng makarinig ng kaluskos. Nakita niya si Mr. Abs na nakatingin sa kanya. Bigla ang kabog ng dibdib niya na hindi niya maintindihan. Sa taranta ay napataas niya ang kamay na may hawak ng tasa ng kape at kiming ngumiti sa lalaki. Blanko naman ang mukha ng binata at kaagad pumasok sa loob ng bahay.

“Hmp ang suplado talaga!” napasimangot siya sa ginawa ng binata. Ni hindi man lang kasi ito ngumiti sa kanya. Nang maubos ang kape ay mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay at naligo. Kailangan niyang makapunta ng opisina nila at kahapon pa siya hinahanap ng boss nila. Bagaman alam niyang hindi siya pagagalitan nito dahil patay na patay lang naman ito sa kanyang kagandahan.

Hindi niya lang talaga type ang binatang boss, masyado kasi itong good boy looking. I mean parang hindi sila bagay mukha itong mabait samantalang siya mukhang mataray at matapang ang aura. Ang gusto niya sa lalaki iyong matapang ang dating, brusko, laging salubong ang kilay yung tipong kagaya ni Mr. Abs.

Napangiti siya sa na isip at inimagine ang mukha ni Mr. Abs. Ang ganda na sana ng eksena sa isip niya ng makarinig siya ng malakas na katok mula sa gate niya. Dali dali siyang nagbanlaw at nag tapis ng tuwalya at bahagyang sumungaw sa bintana. Nang makita niyang isa sa mga pulis sa kabila ay mabilis siyang nag bihis ng T-shirt at skinny pants, hinayaan niya lang ang towel sa kanyang buhok at lumabas na.

“Ahmm Miss ano kasi manghihiram sana kami ng walis tambo at dustpan sa’yo,” nahihiyang turan ng lalaki. Hmm kumpara dun sa kasama nito na mapang-asar mas mabait ang aura nito. Marahan siyang tumango at binuksan ang gate niya. Naisip niya baka ito na ang chance niya para makipag- lapit sa mga herodes sa kabila. Kaagad niyang kinuha ang extrang walis tambo at dustpan sa loob at ibinigay ito sa lalaki.

“Wag mo ng isoli yan, sa inyo na yan meron naman ako dito sa bahay na extra.” Sabi niya dito sabay abot ng mga gamit. “May isang linggo ko na kasing hindi nalilinis ang bahay na yan dahil naging busy ako sa trabaho,” sabi niya muli sa lalaki. Ngumiti ito at inilahad ang palad sa kanya para mag-pakilala.

“Ako nga pala si Rigo Suarez,” pakilala nito. Naka-ngiting inabot niya ang palad nito at nag-pakilala sa kanya.

“Ako naman si Crisanta Manalastas, Cris na lang for short masyadong luma ang pangalan ko eh,” biro niya dito.

“Sige nice meeting you Cris at pag pasensiyahan mo nasi Max ganun talaga iyon masyadong maloko.” Natatawang ani nito.

“Max?” alanganing tugon niya dito.

“Yung tumawag sayo kahapon,” napakamot sa batok na tugon ni Rigo. Napa ah na lang siya. Umalis na rin naman si Rigo at mag lilinis pa nga daw muna sila ng bahay. Napag pasyahan ni Cris na umalis na at tumungo sa kanilang opisina. Baka mag huramentado na naman sa kanya si Tarcy or Tarsila Dimagiba. Ewan ko ba naman dito sa bayan namin kung bakit ka-gaganda nilang babae e ke-papanget ng binigay sa kanilang mga pangalan kaya naman binabawi na lang nila sa mga nicknames.

Kaugnay na kabanata

  • You're Mine Sergeant   Chapter 2

    “O anong sabi sayo ni Ms. Tiger lily?” tanong ni Max kay Rigo pagbalik nito galing sa kabilang bahay. “Wala naman, siya pala ang dating naglilinis nitong bahay kaso one-week na raw niya hindi nalinis dahil busy sa trabaho, sa atin na nga lang daw itong walis tambo may extra naman daw siya.” mahabang sagot ni Rigo at nag patuloy na ito sa pag lilinis. “Hindi ka man lang tinarayan or kaya kinagat?” pangungulit nito sabay tingin kay Alex. Kinuha na rin nito ang dustpan at tumulong na sa pag lilinis. “Kung ako sayo titigilan ko na siya sa pang iinis nakakahiya kay Chief,” tumalikod na sa Rigo at nagtungo sa pwesto ni Alex. “Alex ano nga pala ang gagawin natin ngayong araw bukod sa pag lilinis?” tanong nito. “Wala muna sa ngayon, kailangan ko muna pag aralan ang profile ng mga involved na personalidad sa kasong ito.” Sagot nito sabay tayo at dumiretso sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang folder at agad binuksan ang kanyang laptop upang tingnan naman ang laman ng hard drive na binigay ni

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • You're Mine Sergeant   Chapter 3

    "Oh my god!" gulat na singhap ni Cris ng mabungaran siya ni Alex na nakasalampak sa sahig na walang ibang saplot kundi yung kanyang bath towel! nadulas lang naman siya at aksidenteng nahawakan ang cabinet niya na may mga collection ng pigurin ng yumaong ina. Dali dali siyang nilapitan ni Alex at inalalayang tumayo at dahang dahang iniupo sa sofa. "Anong nangyari?" tanong nito. mariin siyang napapikit ng bahagyang kumirot ang balakang niya, napasama yata ang tama niya sa sahig. "Nadulas ako eh, nag mamadali kasi akong tumakbo ng mag ring yung phone ko". sabay sulyap sa naka bukas na silid kung saan naroon ang lintik niyang cellphone! nakakahiya nakita siya ng crush niya sa ganitong sitwasyon. "You better watch your step next time, and please get dress." masungit nitong saad sa kanya sabay tayo at diretsong nag tungo sa pinto. hindi pa ito nakakalabas ng marinig nito ang pag ikig niya. Sinubukan niya kasing tumayo kaso talagang masama ang tama ng balakang niya at napaupo na naman siy

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • You're Mine Sergeant   Chapter 4

    Mataman siyang tinitigan ng mga kasama ng makapasok sila sa bahay. May mga nakakalokong ngiti pa ang mga ito. "Tss wag niyo ko tignan ng ganyan, tinulungan ko lang ang clumsy na yun, nothing happen Ok!" Naiinis niyang turan sa mga ito. "Sabi nga namin wala! pero ano ba kasi nadatnan mo kanina?" tanong ni Lucas. Napatingin siya sa mga ito at biglang naisip ang nangyari kanina. Sinubukan ni Cris tumayo pero nalaglag ito sa sofa at nakalas ang tapis nito at lumitaw ang malulusog nitong dibdib! damn sa isiping iyon biglang uminit ang pakiramdam niya. sinara niya agad ang pinto at baka makita pa ng mga kolokoy na to ang katawan ni Cris. She is hot and gorgeous wearing only a towel! " Nothing happen okay, ang mabuti pa Rigo sumaglit ka sa bayan isama mo si Max mag masid masid kayo at pag aralan ang bawat sulok, daanan at labasan." pag iiba niya ng usapan. Nag punta sila dito para sa misyon at hindi sa kung ano pa man. Mabilis namang sumunod ang dalawa sa kanya. Nag tuloy na siya sa kan

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • You're Mine Sergeant   Chapter 5

    Sabay sina Tarcy at Cris umalis ng bahay para bumalik sa kanilang opisina. Kailangan nilang mag research at kumuha ng mga kakailanganin nila. Pagdating nila sa opisina agad nilang tinungo ang computer at nag type ng kailangan nilang malaman. "Tarcy, ano kaya kung puntahan ko si ninong?" Baling niya sa kaibigan na busy din sa ginagawa. "Para saan naman?" "Itatanong ko lang yung tungkol sa mission nila Alexander dito, yung buong detalye." Naka pangalumbaba niyang sagot dito. "Hindi niya yun ibibigay sayo dahil alam ‘nun masisira mo lang ang plano. Ang mabuting gawin natin ay i-cover ang mission once tapos na ito para tayo ang mag lalabas ng balita." Mahaba nitong litanya sa kanya. May point ito malamang hindi ibigay ng ninong niya ang detalye ng misyon. Masyadong delikado. Matapos magawa ang lahat ay sabay na rin silang tumayo ni Tarcy para umuwi. Bago pa man sila makalabas ng opisina ay tinawag na siya ni Marco. "Cris sandali!" Habol nito. "Bakit Marco, may kailangan ka ba?" Tan

    Huling Na-update : 2022-10-05
  • You're Mine Sergeant   Chapter 6

    Hanggang sa makarating ng bahay ay wala pa rin kibo si Sarge. Hindi niya tuloy alam kung anong nasa isip nito. Nang makababa ng sasakyan ay sumenyas na lamang siya na mauuna na siya. Tumango lang amg mga lalake sa kanya at deretso ns siyang pumasok sa loob ng bakuran niya. Hapong hapo na napa upo siya sa sofa at pilit iniisip kung anong problema ni Sarge."Hayyy bahala ka nga! ang sakeet mo sa bangs!" inis na turan niya."Sinong sinasabihan mo na masakit sa bangs?"kinalabaw ka!" nagulat siya ng may mag salita sa may harap ng pinto niya. nakita niya si alex na nakatayo dun at hawak hawak nito ang pouch niya. Marahan itong pumasok sa loob at iniabot ang pouch sa kanya."You forgot this" natameme naman siya bigla at kinuha yung inaabot nito. Ngumisi siya rito."Ah salamat, siguro nahulog kanina nung napadaan tayo sa lubak.""So sino yung masakit sa bangs mo"? ulit nito sa tanong kanina. biglang umilap ang mata niya dahil di niya alam ang isasagot."Ah yun ba wala yun. kwan sa ano eh.. s

    Huling Na-update : 2022-10-11
  • You're Mine Sergeant   Chapter 7

    Matapos ang naging usapan sa magiging partisipasyon niya sa misyon nila Sgt.Alexander, kaagad din naman siyang nag plano ng gagawin niya para makukuhang magandang scoop mula. Sinimulan niya munang isipi kung paano siya makakakuha ng mga information nang hindi siya nahahalata. huh! kailangan naka buntot ako sa kanila palagi, pero pano ko gagawin yun kung lagi na lang ako na didisgrasya? pano ba naman sa tuwing nakikita niya si Sarge at ang mala adonis nitong anyo nawiwindang siya.Kung tutuusin plain and simple lang ang gagawin niya. kailangan lang niyang i-tour ang mga ito sa isla talahib. kailangan mag mukhang natural lang ang lahat. Tama! doon ko sisimulan ang pag kuha ng scoop. Excited na siya para sa darating na linggo. kailangan niyang masabihan si Tarcila .Matamang nag iisip si Alex habang nasa labas ng bahay. Doon siya pumwesto sa ilalim ng puno. Pinag iisipan niya kung tama ba ng isama nila si Cris sa misyon. posible kasing madamay ito. Habang iniisip iyon ay sumagi sa isip

    Huling Na-update : 2022-10-11
  • You're Mine Sergeant   Chapter 8

    Linggo lahat ay maagang nag sigayak. Inihandan na ng grupo nila Alex ang mga dadalhin sa sasakyan. Ang mga armas nila ay itinago nila sa pinaka ilalim ng sasakyan. Si Lucas naman ay inihahanda na ang drone na gagamitin nila para ma view ang Isla in 360 degrees. Si Rom naman ang bahala sa mga pagkain na dadalhin. Habang si Rigo naman ang magiging official photographer nila. Tiningnan ni Alex ang relo niya at ng makitang 4:30 na ng umaga ay nag pasya siyang lumabas para silipin si Crisanta sa kabilang bahay. Simula ng kausapin niya ito tungkol sa plano ay hindi pa ito nag papakita sa kanya.Samantala, sina Crisanta naman at Tarcila ay hindi mag kamayaw sa dami ng kanilang bitbitin. Kulang na lang buong bahay nila ay dala dala nilang dalawa.“Ahh!! Ano ba kasi itong mga dala dala mo Crisanta! Bakit ang bigat bigat yata ng bag mo!?” palatak ni Tarcy. Habang pilit binubuhat ang backpack niya. Inagawa niya ito sa kanya at baka masira pa. ang mahal pa naman ng bili niya dito.“Ako na lang ma

    Huling Na-update : 2022-10-11
  • You're Mine Sergeant   Chapter 9

    Pagkadating nila sa pantalan kung saan naroon ang bangkang mag hahatid sa kanila sa Isala Talahib ay agad nag sipagbabaan ang mga kasama niya sa sasakyan. Habang siya naman at si Tarcila ay binitbit na rin ang mga personal nilang gamit. Nakita niyang si Alexander pa rin ang nag dala ng bag na pinaglalagyan niya ng niluto niyang pagkain. Halos lahat ng mga turistang babae na naroon sa pantalan ay napapatingin sa mga ‘Hunks’ na kasama nila. Well pano ba naman ang mga porma ng mga ito hindi mo iisipin na naroon sila para sa mission. Mga mukha silang turista na ang hanap ay adventure!Nang sumenyas ang bangkero na pwede na silang sumakay ay mabilis na nagpuntahan ang mga pasahero. Ang ferry boat na magdadala sa kanila sa Isla Talahib ay naglalaman ng hanggang labin-limang pasahero kasama na ang bangkero at alalay nito. Walo silang lahat kaya kulang pa ng limang pasahero ang bangka nila bago ito lumarga. Isa-isa ng nagsikayan ang mga ‘hunks’ niyang kasama saka sila sumunod ni Tarcy. Dun si

    Huling Na-update : 2022-10-15

Pinakabagong kabanata

  • You're Mine Sergeant   Chapter 22

    Five months later.Naging maayos ang kasal nila Alex, ginanap ito sa Hacienda Ricafort na pagmamay-ari ng mga magulang ni Alex. Napagpasyahan nilang dito na rin mamalagi at bumuo ng pamilya. Tanggap na tanggap siya ng pamilya ng asawa. Kung tutuusin wala na talaga siya'ng mahihiling pa."Babe, bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit? wag mo sabihin sa'ken na yan ang ipantutulog mo?mahihirapan ako hubarin yan." lumapit pa si Alexander sa kanya at naupo sa tabi niya. Hinawi nito ang strap ng damit pangkasal niya at ibinaba hanggang balikat. Hinalikan nito ang balikat niya papuntang leeg at doon na siya biglang napatayo."Maliligo lang ako" dali-dali siya nagtungong banyo at doon hinubad ang traje de boda niya. Maluwag naman ang banyo sa kwarto ni Alex, may bathtub at shower area. Nang mahubad ang damit ay binuksan niya ang shower at tumapat doon. May kalahating oras na siya sa banyo ng kumatok ang asawa."Babe matagal ka pa ba?""Sandali na lang, ano kasi naiinitan ako eh!""Labas ka na b

  • You're Mine Sergeant   Chapter 21

    Isang linggo matapos ang naging engkwentro nila Alex sa Isla Talahib ay nagawa ng i-publish ni Cris ang article niya tungkol sa mga sindikatong nanahan sa Isla Talahib at kung paano ang mga magigiting na grupo ng Kanyang Mr. Abs natalo at nahuli ang mga ito. Naging malaking balita sa kanilang bayan ang nangyaring engkwentro at syempre sikat na sikat naman ang pangalan niya. Dahil dito ginawaran din siya ng Award ng kanilang company at pinangakuan na bibigyan ng isang magandang position sa Manila.Samantalang ang grupo naman nila Alex ay ipinatawag sa Malacanang para gawaran ng natatanging mga pulis ng kanilang henerasyon. Napanood pa niya sa TV ang ginawang parangal sa kanila. Hindi na siya sumama kina Alex sa Manila dahil mayroon din kaunting salo salo dito sa kanilang opisina kasabay ng parangal sa grupo nila. Mamaya lang din naman matapos ang parangal sa Malacanang ay babalik na rin si Alex dito sa Santa fe. iyon kasi ang sabi nito sa kanya kahapon bago ito umalis."Tarcy, ano na n

  • You're Mine Sergeant   Chapter 20

    Nagpupumiglas si Cris sa pagkakahawak sa kanya ng estranghero. Nakatakas nga siya kay Marco pero eto at mukhang mapapahamak na naman siya. Nagkakawag siya na parang isda wala siyang pakialam kahit natatamaan na ng mga sanga-sanga ang binti niya. biglang tumigil ang estranghero sa pagkaladkad sa kanya at nagtago ito sa ilalim ng isang malaking puno. lumuwang ang pagkakahawak nito sa kanya at kaagad niya itong hinarap."Alex!" nabuhayan ng loob si cris ng si alex pala ang kumaladkad sa kanya. mabilis niyang niyakap ang binata at umiyak sa dibdib nito. Hindi niya kasi akalain na ito ang mag liligtas sa kanya."Shhh. stop crying babe.. I'm here your safe now" marahan nitong hinaplos ang ulo niya at ginawaran siya ng halik sa labi."Natakot ako akala ko hindi na kita makikita pa" humihikbing sabi niya sa binata."Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama iyo. kaya hush now babe ligtas kana.""Si Marco siya ang kasabwat ng mga sindikato. Nabasa niya ang ginagawa kong article. nabuksan

  • You're Mine Sergeant   Chapter 19

    Nang makarating sa Isla Talahib ang grupo nila Alex ay agad na silang tumuloy sa bahay na itinalaga sa kanila ni General. Naka handa na ang lahat maging ang reinforcement nila in case magkaroon ng bulilyaso ang plano. Inihanda na ng grupo niya ang magagamitin sa pag suong sa loob ng Isla. Marami din silang nalaman na inpormasyon patungkol sa Isla mula sa ama ni Tarcy. Malaking bagay din ang nabigay nitong lumang Mapa ng Isla."Alex, ok na naka ready lahat. o eto ang mga radio niyo." isa-isang inabot ni Lucas ang mga radio. "May naka insert na device sa bawat radio natin, para malaman natin ang bawat location ng bawat isa." sabi pa nito. Siya ang maaasahan pagdating sa mga technology."Nga pla Alex yung mga baril na nabinigay ni Mang Teban, dadalhin ko na rin." si Max. Tumango naman siya dito."Okay Team let's Moved!" Mabilis na silang nag si-galaw lahat. gusto na niyang matapos ito ng sagayon ay maipakilala na niya si Cris sa pamilya niya. Natitiyak niyang magugustuhan ito kanyang mga

  • You're Mine Sergeant   Chapter 18

    Matapos ang gabing iyon ay naging mas sweet si Alexander sa kanya. Kinabukasan ay maaga siyang inihatid nito sa opisina. Matapos mag paalam ay agad na rin itong umalis. Siya naman ay tila nakalutang pa sa alapaap. Ganito pala ang feeling ng may boyfriend."Wow blooming tayo ngayon ah? pareho kayo ni Tarcila na nag puso-puso ang mga mata! anong meron ha?" Tanong sa kanila ng kanilang graphic artist."Secret!" Kaagad na siyang nagtungo sa upuan niya at marahang binuksan ang kanyang computer. Nang buksan niya ito ay kaagad lumitaw ang istoryang sinusulat niya. indikasyon na may gumalaw ng computer niya. pero sino naman ang gagalaw nito? tumingin siya sa paligid. Lima lamang silang naroon sa opisina imposible naman isa sa kanila. Nagkibit balikat na lamang siya. Baka naman naiwan niya lang itong naka open kahapon dahil sa pagmamadali na puntahan si Alex. itinuloy niya na lamang ang sinusulat niya at dinugtong dito ang nabanggit sa kanya ni Alex kagabi. Sinabi na niya kasi kay Alex ang tot

  • You're Mine Sergeant   Chapter 17

    Matapos ang aminan ng feelings nila ni Alexander ay hinatid na siya nito pabalik sa kanilang opisina. Bago bumaba ng sasakyan ay ginawaran pa ulit siya nito ng isang mariing halik sa labi. Nakaka-adik talaga ang halik ng kanyang Mr. Abs. Nang maghiwalay sila at agad na siyang bumaba sa sasakyan. nag sabi pa ito na susunduin siya nito sa hapon. kumaway pa ito sa kanya bago umalis.Masayang masaya naman siya ng pumasok sa loob ng opisina nila. Nakita niya si Marco na hinihintay siya at masama ang tingin sa kanya. malamang nakita nito ang ginawang pag halik ni Alexander sa kanya."Siya ba yung sa restaurant ha Cris?" mariing sabi nito sabay hawak sa braso niya. madilim ang mukha nito at ngayon niya lang iton nakita na magalit ng ganun."Aray Marco nasasaktan ako, please bitawan mo ko." sabi niya dito at pilit kumakawala sa hawak niya."Bagong kilala mo pa lang iyon pero kung makipag halikan ka kulang na lang ipagkaloob mo ang sarili mo sa kanya" gigil nitong sigaw sa kanya. Nagpanting an

  • You're Mine Sergeant   Chapter 16

    Napatulala siya ng makita ang pink na papel na iyon na ngayon ay hawak na ni Alexander!"Paano napunta sa iyo iyan?" nagtatakang tanong niya sabay hablot sa papel pero maagap niya itong nailayo sa kanya."Well nakita ko lang naman siya sa ibabaw ng center table mo. at kung tatanungin mo ko kung pano ako nakapasok sa bahay mo.. well young lady naiwan mo lang naman hindi naka lock ang pinto mo." ngingiti ngiting tugon nito sa kanya. binuklat nito ang papel at akmang babasahin sa harap niya pero pinigilan niya ito."Stop!" na aamuse naman tumingin ang binata sa kanya. nakakaloko pa itong ngumiti sa kanya. sa sobrang hiya niya ay naitakip niya ang palad sa mukha."Sooo.. do you want to hear my answer?" panunukso pa nito. tumingin siya dito at agad itong kumindat sa kanya. ngee wala na lalo na tuloy siyang na in love dito. hindi niya alam kung kelan nag simula at kung paano. basta ang alam niya at naramdaman na lamang niya na gusto na niya ang binata. siguro simula noong unang beses niyang

  • You're Mine Sergeant   Chapter 15

    Kinaumagahan pag gising ni Cris nakita niyang namamaga ang mata niya. Halata ang pamumugto nito. Mukha na siyang si Mrs. Panda. Tinatamad na lumabas siya ng silid at nagtungo sa banyo para maligo. Matapos niyon ay nagtungo siya sa kusina para mag timpla ng kape. Balak niyang sa opisina na lang niya mag almusal. Nagsuot lang siya ng shades para di mahalata ang kanyang mata. Mabilis na siyang lumabas ng bahay para mag abang ng tricycle na mag hahatid sa kanya sa opisina.“Good morning cris!” masiglang bati ni Marco sa kanya. Hinubad niya ang suot na shades at tinatamad na nginitian ito. “What happen to your eyes” tanong pa nito.“Ah eto wala lang to. Naalala ko kasi sina Tatay eh!” pag dadahilan niya at mabilis ng nagtungo sa kanyang desk. Mas gusto niyang abalahin ang sarili niya kesa maisip pa si Alexander. Sinundan naman siya ni Marco sa kanyang desk at tumunghay ito sa kanya.“if you want we can go out, wag kana muna magtrabaho. Mamasyal muna tayo” malumanay na sabi nito.“naku wag

  • You're Mine Sergeant   Chapter 14

    Mabilis na binitawan ni Alex si Cris at sinundan ang aninong nakita niya. Tumakbo siya para maabutan ito. Nakita niyang dumiretso ito ng lakad papasok sa kakahuyan. Hindi niya nakita ang mukha nito pero natitiyak niyang nag mamanman ito sa kanila. Kaagad niyang binalikan ang dalaga.“Nakita mo ba Alex?” bungad nito sa kanya. Umiling lamang siya.“nagtungo siya roon sa kakahuyan. Kailangan na natin makaalis dito bukas ng umaga. May kutob akong nakilala ka nila”. Nag aalalang pahayag ng binata sa kanya. Nilukuban naman ng takot ang dalaga sa isiping iyon at agad yumakap kay Alex. Wala na siyang pakialam sa iisipin nito. Tutal wala nga rin itong pakialam kanina sa pag galugad nito ng bibig niya.“Let’s go ihahatid na kita sa cabin niyo.” Aya pa nito sa kanya. Tumango siya at sumama ng lumakad dito papunta sa Cabin nila. Nang makarating sa pinto ng cabin ay nag paalam na sya dito na papasok. Subalit bigla siya nitong hinapit sa bewang at muling hinalikan sa labi. Agad din niyang tinugon a

DMCA.com Protection Status