Chapter 15 “Hindi ko man lang alam na nasa sinapupunan ko pala siya.” Ipinagawa ni Nexus ang tree house para sa kanya. Sabi nito iyon daw ang bahay nila kapag ayaw niyang matulog sa mansion. It was big enough to accommodate three to five people. May malaking kama, mga unan at cabinet na pwedeng lagyan ng pagkain at inumin. Doon siya nito dinala nang bahagya siyang kumalma sa pag-iyak sa loob ng kubong-pahingahan ng mga trabahador. Malapit ang tree house sa ilog na siyang nagdudugtong patungo sa talon na nasa pinakadulong bahagi ng hacienda. “W-Wala kasi akong alam. Hindi ko pinansin ang mga senyales na buntis ako. I was stress because I couldn’t reach you. Ang nasa isip ko lang no’n ay kailangan kitang makausap. Iniwan mo ako sa hacienda nang hindi man lang nagpapaliwanag.” “You can stop talking, Steph. Kung hindi mo kayang ikwento, huwag mong pilitin ang sarili mo.” Umiling siya at marahas na pi
Chapter 16 (Part 1) ************************ It was her and Nix’s wedding. After being in official relationship, they finally decided to get married. Dalawang buwan nanligaw—mas tamang sabihin na nangulit—bago niya ito sinagot. Isang buwan silang naging magkasintahan hanggang sa inalok siya nito ng kasal. Umuo agad siya ng walang patumpik-tumpik dahil mahal naman niya ang lalaki. Hulog na hulog siya at kita niya rin naman sa mga mata nito at kung paano siya alagaan na mahal na mahal din siya ni Nexus. Ngumiti si Nexus sa kanya habang papalapit sila sa kinaroroonan nito. Nakita niya ang pasimple nitong pagpunas sa pisngi kaya napngiti na rin siya. ‘Ang ganda ko talaga,’ pilyang hagikhik niya sa isipan at nakuha pang tumingala para umusal ng pasasalamat sa Maykapal na dumating si Nexus sa buhay niya. Nang muli niyang ibaling ang tingin kay Nexus ay sinalubong nito ang mga mata niya. Sa libong pagkakataon, rumigodon na naman
Chapter 16 (Part 2) “Huwag kang papalag kung ayaw mong tuluyan kita.” “Ano bang kailangan niyo?” Sinulyapan siya ni Castiel bago ngumisi. “May itatanong lang kami. Kapag hindi nagustuhan ng kasama ko ang sagot mo, tapos ka!” Sumulyap sa kanyang ang balisang mata ni Paulo bago muling lumipat muli kay Castiel na mabangis ang anyo. Mariin niya itong hinawakan sa panga at marahas na ipinaharap sa kanya ang mukha. “Alam kong kilala mo ako. Huwag kang magmaang-maangan. Pinalagpas kita nang birthday ng pamangkin ko, hindi ka ngayon makakatakas sa akin.” “Hindi kayo makalalabas sa eskinitang ito ng buhay kaya pakawalan niyo na ako!” “Hindi kami aalis hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang nag-utos na lagyan mo ng droga ang inumin ko?” “Wala akong alam sa sinasabi mo. Hindi ako iyon.” “Sinungalin!” “May problema ba rito?” Sabay silang napalingon ni Castie
Chapter 17 (Part 1) Matapos ibigay kay Castiel ang larawan ng lalaking hinahanap, nagboluntaryo siyang siya na ang magmamaneho. Marami ng naitulong ang kaibigan sa kanya ng araw na iyon. May kakilala raw itong magaling na private investigator kaya ibinigay niya ang larawan ng lalaking kasama niya noon sa kama na hindi niya alam kung paano siya napunta roon. Clearly, it was a d-mn set-up, but sadly Nix didn’t believe her when she tried to explain it to him. Hindi niya ginagawa ang bagay na ito ngayon dahil gusto niyang maging malinaw kay Nexus na kahit minsan ay hindi niya ito niloko. Wala na siyang pakialam ngayon kung maniniwala ba ito kanya o hindi? Ang tanging gusto niya ay malinawan sa mga nangyari Tinapik niya sa hita ang nakapikit na si Castiel para utusan na sagutin ang tumutunog niyang cellphone. Sumunod naman ito sa kanya at inilapag iyon sa ibabaw ng dashboard bago muling sumandal sa upuan at pumikit. “Tep, wh
Chapter 17 (Part 2) Umikot ang mata niya at napalitan ng inis ang excitement na makita ulit ito. Putris! Ito na naman ang aroganteng Nexus Almeradez. Ganitong-ganito ang ugali nito kahit noong mag-asawa pa sila. “Hindi mo ako utusan!” Nalipat ang matalim nitong tingin sa kanya na sinagot niya lang ng halukikip. Agad na lumambot ang tingin nito sa kanya. “Steph, please go inside,” bagaman mahinahon na ang boses nito sa pagkakataong iyon, halata niya pa rin ang pagpipigil nitong sumabog ang inis. Inis para saan? Hindi niya alam. Tinotopak na naman yata ang walanghiya! Pairap na nagbawi siya ng tingin at hinarap si Castiel na nakuha pang ngumisi. “Thank you for coming with me.” “Welcome. Hilahin mo ulit ako kung kailangan mo ulit ng kasama.” Nginitian siya nito at hinawakan ang kanyang kamay. Babawiin na sana niya nang bigla na lang iyong pinaghiwalay ni Nexus. Natawa si Alejandr
Chapter 18 (Part 1) Isang buwan lang at babalik na ang buhay niya sa dati. Kailangan niya lang maging asawa ni Nexus sa loob ng isang buwan at pagkatapos no’n ay malaya na siya ulit. Matatahimik na ulit ang buhay niya. Kung papayag siya, para na rin siyang kumuha ng bato na ipupok sa sariling ulo. Pero sa kabilang banda, ano nga ba ang kinababahala niya? Nakikiayon nga ang alok ni Nexus sa plano niya. Hindi nito alam na tinutulungan pa siya nito na manalo sa larong ginawa niya. “May class reunion daw tayo,” wika ni Analyn habang panay ang halo nito ng kung ano sa isang bowl. “Nabasa ko kanina sa email.” Sumimsim siya ng kape bago sinagot ang kaibigan. “Hindi pa ako nagbubukas ng email. Kailan daw?” “Sa sabado. Pupunta ka? Ako hindi.” “Bakit hindi?” kunot-noong tanong niya. Dumaan ang magkahalong lungkot at sakit sa mga mata nito. “Alam mo naman ang reputasyon ko no’ng high school
Chapter 18 (Part 2) Sumuot ang kamay nito sa ilalim ng suot niyang maluwang na t-shirt. Humaplos ang mainit nitong kamay sa kanyang tiyan at naglakbay sa kanyang baywang hanggang sa pilit na isiniksik nito ang mapanghas na kamay sa pagitan ng malambot na mattress ng kama at ng kanyang likod. Agad na tinumbok ng daliri nito ang hook ng kanyang bra. Ekspertong ni-unhook nito iyon. Bago pa man siyang makagawa ng kahit anong reaksyon, sumuot na ang kamay nito sa ilalim ng kanyang bra at sinapo ang kanyang dibd ib. Napaawang ang kanyang mga labi nang pinaglaruan nito ang dungot niya. Inipit ng dalawang daliri nito ang kanyang n-pple at pinaglaruan iyon. Ang mga labi nito ay panay pa rin ang hagod sa kanyang leeg, nag-iiwan na naman ng marka. “Nix, don’t leave a mark,” she huffed with the sensation. Ngunit sa halip na sundin, ay nagpatuloy lang ito sa ginagawa at mas lalo pang dumiin ang pagkakagat-kagat at pagsipsip nito sa k
Chapter 19 Kumikendeng-kendeng pa ang si Meimei nang naglakad ito papasok sa may katamtamang laki niyang opisina sa Casa Amara. “Wala ka bang trabaho sa Manila?” “On-leave ako. May reunion tayo sa sabado, hindi pwedeng hindi ako dumalo.” Nagkabit-balikat siya at sa ilang beses na pagkakataon ay iniba niya ang pwesto ng kanyang upo. Ganon ba talaga ang pakiramdam kapag matagal na simula ng huling beses na may nakapasok sa pagitan ng kanyang mga hita. Hindi siya komportable at para siyang virgin na unang nakaranas ng ginawa nila kanina ni Nexus. “Ba’t ka namumula?’ halakhak ni Meirana. “Nadiligan ka ‘no? Gusto mo hulaan ko kung sino ang dumilig sa ‘yo?” “I’m not.” She shifted her sit again. Mas lalong naging mapanuri ang tingin ng kaibigan niya at tinuro siya. “Hindi ka komportable sa kinauupuan mo. Isa lang ibig sabihin niyan, may nangyari talaga.” “Wala.” “May dumilig?”
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo