Chapter 5
Natigilan sa paghakbang si Amara Stephanie nang marinig niya ang pamilyar na boses sa loob ng kwarto ni Nexus.
“Leave us first,” si Leticia.
Nagulat pa si Rex nang makita siyang nakatayo sa harap ng pinto nang lumabas ito. Bahagya lang itong yumuko at umalis sa harap niya, iniwan ang pinto na nakabukas ng kaunti.
Dumating si Leticia at Hordan kaninang alas-tres ng madaling araw, sakay ng chopper na lumapag sa rooftop ng mansion. Inis na inis pa siya dahil binulabog ang tulog niya. Mabuti sana kung sa master’s bedroom siya nakahiga dahil soundproof iyon.
Nagkanda-istorbo rin ang mga katulong na namamahinga dahil sa walang pasabing pagdating nito at tila pa donyang sunod-sunod ang utos sa mga kasambahay. Pati si Nanang Yeye na hindi pa masyadong nakatulog ay pinag-uutusan na ng bruha.
“I have some papers here na kailangan ng pirma mo.”
Wala siyang narinig na sagot mula kay Nexus.
Kailangan lang ng pirma mo para sa ilang projects ng kompanya.” Parang nang-uuto ng maliit na anak ang tono ng dati niyang byenan na kinataas ng kilay niya.
Bakit kailangan ang pirma ni Nexus? Hindi ba’t si Alejandro ang pansamantalang tumatayong Presidente at Chief Executive ng Almeradez Empire at ito ang dapat pumirma ng mga ganong proyekto?
“Ito pa, Anak. Iyan naman ay sa bangko para sa buwanang sustento ni Hordan pati na rin ang nire-request ko sa ‘yong lupa. Pumayag ka na bago ka pa man maaksidente.”
Napangisi siya nang masilip si Leticia na atat na ibinigay ang fountain pen kay Nexus. At dahil hindi pa gaanong naibabalik ang reading capability ni Nexus, mabagal na pumirma ang lalaki matapos nitong tingnan iyon ng ilang segundo.
Umiling siya, gustong matawa dahil hanggang ngayon ba naman na nasa hindi magandang kalagayan si Nexus, pera pa rin ang inaatupag ni Leticia.
Gayunpaman, ay nagkibit-balikat na lang siya at tumalikod para umalis. Wala siyang pakialam sa buhay ni Nexus. Wala siyang pakialam kung sinasamantala ng sarili nitong ina ang sitwasyon ng dati niyang asawa para makakuha ng mas maraming pera.
“Nasaan si Nanang Yeye?” tanong niya sa mga kasambahay nang hindi niya nakita sa kusina ang mayordoma. Magsasabi sana siya na uuwi muna sa kanila.
“Nasa taniman po, Ma’am. Kasama si Rita.”
Tumango siya at tinalikuran ang apat na kasambahay na busy sa pagluluto ng iba’t ibang putahe ng pagkain. Masyado kasing maselan ang ina ni Nexus pagdating sa pagkain kaya talaga namang pinaghahandaan mabuti ni Nanang Yeye kapag dumating ito sa Hacienda.
Kinuha niya ang kanyang cellphone para sana mag-book ng sasakyan pauwi sa kanila. Natigilan siya sa paglalakad nang makita niya si Hordan na nakasandal sa front door ng mansion. Hawak nito ang may sinding sigarilyo at parang tambutsong bumubuga ng usok ang bibig.
Gumuhit ang nakakairitang ngisi nito nang makita siya. “Kumusta, Amara?”
Kung hindi na niya ito gusto noon pa man, mas lalo na ngayon. Compared to Alejandro and Nexus, Hordan’s life is f*cked up. A messy one.
Ang mabalbas nitong mukha, mahaba at kulay mais na buhok ay nagbibigay ng kontrabidang awra sa pisikal na anyo nito. Matalas ang titig nito palagi na para bang bawat taong nakakasalamuha ay binabasa nito ang kaluluwa.
Hindi niya pinansin si Hordan at nagtuloy-tuloy lamang palabas ng mansion. Subalit, bago pa man siya tuluyang makalayo, hinagip na nito ang kanyang braso.
Marahas niya itong nilingon at inagaw ang kamay.
“What do you want?” malamig niyang tanong, kasinglamig kung paano niya tingnan ang lalaki.
“Wow.” Nakuha pang pumalakpak ng lalaki at ngumisi ng nakasusura sa kanya. “Naghiwalay lang kayo ni Nexus, umaasta ka ng maarte.”
“Wala akong panahon sa mga katulad mo.”
Binalewala nito ang sinabi niya at humakbang palapit sa kanya, nang-iintimida. “How’s the life? Enjoying being rich after you became sl(u)t?”
“How about you? Nag-eenjoy ka pa rin sustentuhan ni Nexus kahit matanda ka na? Kumusta ang pagiging tamad?”
Nawala ang ngisi nito at napalitan ng iritasyon. “B-tch! Dapat lang na magbigay ng pera si Nexus. Magkapatid kami. Habang ikaw, kumapit ka lang na parang linta sa kanya at nagpa-kama kaya mapera ka ngayon.”
“Kapatid?” Sarkastiko siyang tumawa. “Don’t make me laugh, Monster!”
“P-kpok ka lang naman hanggang ngayon. Kaya nga tinanggap mo ang offer ni Mama di ba? Isang daang milyon. What’s next, B-tch? Are you gonna f-ck with Nexus again?” Dinaklot nito ang kanyang braso at hinawakan siya nito sa panga. “Hindi mo kailangan magtiis sa lumpo na iyon. May pera rin ako, tumalon ka lang sa kama ko at ako ang bahala sa ‘yo. I’ll make sure that I will give you a good f*ck, better than him.”
Mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya. Hinawakan niya sa mukha sa Hordan at sinapo ang tainga nito papunta sa likod ng ulo nito. Nang makita niya ang tatlong gold sa ngipin ni Hordan, bigla niyang kinabig ang ulo nito pababa at pinasalubong ang kanyang tuhod sa mukha nito.
She can hear the cracking sound of his nose followed by the loud groan of Hordan. Hindi pa siya, nakontento. Sinalo niya ang kamay nitong sasampal sana sa kanya at pinaikot iyon bago ito malakas na sinipa sa likuran.
Napasubsob ito sa damuhan habang ang mga kamay ay hawak-hawak niya sa likuran. “I let men kissed dirt, A sshole.”
Ang pag-crack ng buto nito sa kamay at ang malakas nitong sigaw ang bumulabog sa tahimik na mansion.
“F-ck you, B-tch. Damn you!” galit siya nitong sunod-sunod na pinagmumura at kung hindi lang bali ang kamay ay malamang sumugod na sa kanya. “I’ll kill you, you Sl ut. I’ll kill you!”
Nagsilabasan ang mga tao sa mansion kabilang na si Leticia na gulat na napatingin sa kamay ng anak bago nanlilisik ang mga matang sinugod siya. Subalit, bago pa man makalapit sa kanya ang babae, hinarang na ito ng mga bodyguard na iniwan ni Alejandro.
“Lumayas kayo sa harapan ko, mga Stupido! Hay-p kang babae ka. Anong ginawa mo sa anak ko?”
Pinaghahampas nito ang mga bodyguard nang hindi siya nito malapitan. Tumalikod siya, hindi niya pinansin ang galit na pagtatalak ng babae. Napaatras pa si Hordan nang tapunan niya ito ng tingin.
Banas pa rin ang kanyang mukha nang tinungo niya ang terminal ng bayan ng Goa. Hindi na siya nag-book ng sasakyan dahil matatagalan lang siya. Kahit ilang oras lang, ay gusto niyang pansamantalang makahinga.
That mansion is hell for her. A hell place with shithead people.
Sumandal siya sa upuan nang unti-unting umusad ang bus paalis. Ang mga nagtataasang building ay matatag na nakikipagkompetensya sa pang-alas dyes na init ng araw. Tumunog ang cellphone niya nang lumiko ang bus patungo sa bayan ng Sagnay kung saan siya nakatira.
Pinatay niya ang tawag nang makitang hindi rehistrado ang numero. Tumunog ulit iyon at napilitan siyang sagutin dahil pinagtitinginan na siya ng mga pasahero.
“What?” malamig at pasinghal niyang sagot.
“S-Steph. N-Nasaan ka? Babalik ka?”
Umiling siya at pinatay ang tawag. Ni-off niya ang kanyang cellphone at inilagay sa pinakailalim ng bag niya.
Nagulat pa ang kanyang ina nang makitang papasok siya sa gate. Ang alam kasi nito ay may bago siyang inaasikasong trabaho at hindi makakauwi sa gabi.
Nakita niya ang ama na komportableng naka-upo sa pang-isahang sofa habang nanonood ng telibisyon.
“Teptep, Anak,” bati niyon matapos niyang magmano at halikan sa pisngi.
Umupo siya sa arm rest ng inuupuan nito at parang magbarkada lang na nakipagbanggan siya ng kamao rito.
“Sabi ng ate mo sa akin, may bago ka raw tinatrabaho ngayon kaya hindi ka umuuwi rito sa bahay. Alam ko naman na gusto mong maging Donya pero hinay-hinay lang, ha? Baka magkasakit ka niyan.”
“Ayos lang ako, Pa.”
Hinaplos nito ang buhok niya katulad noong bata pa lang siya. Noong nakikipagsuntukan pa siya rito at nakikipag-basketball minsan.
“Ang bunso ko, masyadong seryoso sa buhay, gayahin mo si Papa. Masaya lang palagi.”
Umiling ito at hinaplos ang buhok niya.
“Hindi ka masaya, Amara Stephanie,” malumanay ang boses ni Ara Mijares habang malamlam na naktitig sa kanya. “Hindi nasusukat ang kasiyahan kung gaano ka kadalas ngumiti. Nasusukat iyon sa puso at sa mata. Alam mo iyong kasabihan na, “the eyes is the mirror of the soul”? Malungkot ang mga mata mo, ‘Nak.”
Nag-iwas siya ng tingin. Kasunod niyon ay binalot sila ng katahimikan.
Maya-maya pa ay tumayo ang ina niya at pagbalik ay may dala-dala na itong wheelchair. “Oras na ng pagkain, Mahal.”
Hinawakan nito ang kaliwang kamay ng papa niya habang siya naman ay sa kanan. Sabay nilang binuhat ito palipat sa wheelchair.
Pinanood niya ang kanyang ina nang nagsimula itong itulak ang wheelchair.
Kumirot ang dibd ib niya nang sumagi sa kanyang isipan kung bakit nalumpo ang papa niya. Kasalanan niya iyon kaya hindi niya mahanap sa puso niya ang maging masaya.
Chapter 6 Dalawampung missed calls ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang kanyang cellphone. Galing sa iisang numero. May tatlong text na nagpakilalang si Rex, nakiki-usap kung pwede raw na bumalik na siya sa Hacienda. Bandang alas-onse pa ang mag text message at alas-singko na nang hapon. Dinelete niya ang missed calls at muling ibinalik ang cellphone sa dala-dala niyang bag. Nagsisimula ng dumilim ang paligid kaya nagsibukasan na ang mga street light na nasa gilid ng magkabilang driveway. Mas binagalan pa niya ang kanyang paglalakad, ayaw matapos ang sandaling iyon dahil kapag nakapasok na siyang muli sa mansion, alam niyang hindi na naman siya muling makakahinga. Nakasasakal! Pasado ala-sais na nang gabi nang makarating siya sa mismong bahay ng Hacienda Constancia. Nabistahan niya ang sasakyan ni Alejandro na nakasampa sa Bermuda grass. Tahimik ang paligid nang makapasok siya living room. Walang bakas ni Leticia o ni Hordan man.
Chapter 7 Wala sa oras na napatakbo siya kay Nexus nang nang makitang namimilipit ito sa sahig. Nakadagan sa kalahating katawan nito ang wheelchair. “Nexus!” Hindi ito sumagot bagkus ay mas lumalim ang pakakakunot ng noo nito at mas lalong namilipit. “Nexus!” Mahina niya itong inalog ngunit umiling lamang ito na parang may iniinda. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong hawak-hawak at mahina siyang napamura nang makitang dumudugo iyon dahil sa mga nakatusok na mga basag na bote. Ngayon niya rin lang napansin ang mga bubog sa sahig. Nakita niya ang baso at platito na basag sa di-kalayuan. Napamura siya nang mahaplos niya ang mukha nito dahil inaapoy ito ng lagnat. Sunod-sunod niyang pinindot ang buzzer at nang walang sumagot sa intercom ay muli niyang nilapitan ang dating asawa. “S-Steph,” nahihirapan nitong wika. Napangiwi siya nang halos pareho silang babagsak nang binuhat niya ito upang ibal
Chapter 8 Nanlalaki ang kanyang mga mata at natuod sa kinauupuan. Ang malambot na labi ni Nexus ay tila kawad ng kuryente na naghatid sa kanya ng nakakapanginig na boltahe at pinaralisa ang buong sistema niya. Kung gaano kabilis lumapat ang labi ni Nexus sa mga labi niya, ganon din kabilis itong humiwalay. Namula ang tainga nito pati na rin ang leeg bago yumuko at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Kung hindi pa humaplos ang kamay nito na nasa kanyang baywang ay hindi pa magigising ang diwa niya. Ilang beses siyang lumunok at iginalaw ang kamay para maingat na alisin ang ulo ni Nexus sa kanyang balikat. “Magpahinga ka na, gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ang chief.” Naramdaman yata nito ang pag-iwas niya dahil pinisil nito ang kanyang baywang bago mabagal iyong binitawan. Nagpaubaya ito nang inalalayan niya itong pahiga sa kama. Nang masiguro niyang maayos na ito sa kinahihigaan ay sumandig siya sa headboard
Chapter 9 Ipinarada ni Amara Stephanie ang kanyang sasakyan sa harap ng mansion ng hipag niya na nasa loob ng exclusive village ng Northshire town. Maraming kotse na nakasampa sa Bermuda grass pati na rin sa parking space. Dinig na dinig niya ang pambatang tugtog at sigawan ng mga bata na nagmumula sa hardin ng mansion. Kinuha niya ang malaking paper bag bago siya bumaba sa kanyang kotse. Sinalubong siya ng isang kasambahay ng mga Rocc at iginiya siya sa garden ng mansion. Bibong-bibo na tumakbo papunta sa kanya ang birthdays celebrant na si Sevi. “Tita!” maligalig nitong wika at agad na kumunyapit sa kanyang hita bago siya tiningala at kumurap-kurap ang bata. “Happy birthday,” she greeted and kissed her nephew’s forehead. Hinawakan ni Sevi ang dala niyang paper bag at ngumisi sa kanya. “Is this for me?” Tumango siya at tuluyang inabot dito ang regalo. Tuwang-tuwa ito at gusto na sanang buksan kung hindi lan
Chapter 10 Ang sabi sa kanya ni Alejandro, bigla na lang daw naglahong parang bula si Angel Love nang maaksidente si Nexus. Nakabalandra sa lahat ng TV station, mga dyaryo at social media ang engagement ni Nexus at Angel Love, isang buwan matapos ang opisyal na hiwalayan nila ni Nexus. Si Angel Love ang gusto ni Leticia para sa anak nito. Halatang-halata ang pagkakagusto ni Angel Love kay Nexus at dikit ng dikit na parang linta kahit noong kasal pa sila. Lumipat ang tingin niya sa lalaking katabi nito. The man on his late fifties. Kung hindi siya nagkakamali ay senador iyon ng bansa. Mistulang nakakita ng multo ang babae nang naglakad siya papunta sa direksyon nito. Nilagpasan niya si Angel Love at lumapit sa kapatid niyang kausap ang isang ginang. Nagpa-excuse si Neshara at niyakap siya nang magpaalam na uuwi na. “Nakita ko ang hilaw na fiancée ni Nexus. Gusto mo palayasin ko?” bulong nito sa kanya habang matalim ang tingin kay Angel Love. “H
Chapter 11 (Part 1) Kaswal siyang sumilip sa loob ng pantry nang marinig niya ang pamilyar na halakhak ni Nix. Nakangiti ang mukha ng lalaki habang pinagpupulot nito ang grapes na nagsigulong sa sahig. Ipinunas nito ang isang piraso sa damit bago iyon ni-shoot sa bibig nito bago muling nakipagtawanan sa empleyado niya. Malayong-malayo ito sa dating Nexus na palaging walang emosyon kapag kaharap ang ibang tao. This Nexus is down to earth, laughing and getting along with others that fast. Mas masaya at maliwanag ang mukha nito sa pagkakataong iyon. Inaya siya ng mga ito na kumain nang mapansin niya. Tinanggihan niya dahil may sarili siyang pagkain sa opisina. Muli niyang binigyan ng isang beses pang sulyap si Nexus na nakatingin na rin sa kanya, bago walang lingon-likod na umalis. Pagod na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa malambot na sofa. Dalawang branch ng kasama Casa Amara ang binisita niya. Itinatayo pa
Chapter 11 (Part 2) Kasalanan niya rin naman. Hindi lang kasalanan ni Nexus kung bakit nawala ang baby niya. Siya ang ina ng bata, siya dapat ang unang nakaalam na buntis siya. “I don’t remember anything but I feel like I need to say sorry.” “Hindi maibabalik ng sorry mo ang baby ko. I hate you. I hate you so much!” Pilit niya pa rin itong tinatayo mula sa pagkakaluhod. Inalis niya ang pagkakayakap ng mga braso nito sa kanyang baywang. Tumapak siya sa malamig na sahig at mas hinila pa ang braso ni Nexus para itayo ito. Ngunit sadyang matigas ang ulo nito dahil hindi man lang natinag sa kinalalagyan at mas lalo pang yumuko. “Get up, Nexus,” halos pabulong niyang sabi. “Mas lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo.” Bumukas ang pinto at pumasok sina Rex at Alejandro. Natigilan pa ang mga ito sa nakita at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Nix. Umiling siya at bumal
Chapter 12 Kapwa sila natigilan ni Nexus nang malakas na tumikhim si Alejandro. Mabilis na nagbawi ng tingin ang dating asawa. Binalewala niya ang dumaang sakit sa mata nito. Pormal siyang humarap kay Alejdandro na malinaw na nalilito na rin kung susuwayin ba siya sa mga pinagsasabi niya kay Nexus o hahayaan siya dahil iyon ang totoo? “Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina. Can you tell me now, what do you want?” “We need your help.” Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. “Nagsasayang lang ako ng oras ko rito.” Akmang hahakbang siya paalis nang hagipin ni Nexus ang kanyang palapulsuhan at hinila pabalik sa pagkakaupo. Mistula itong napaso na napabitaw sa kanya nang dumapo ang kanyang tingin sa kamay nitong nakahawak sa kanya. “This is not a waste of time, Tep. It is a death and life situation,” panimula ni Alejandro sa pormal na tinig. “Alam mo kung ano ang ginagawa ni Leticia.
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo