Chapter 1
“What is this, Attorney Mendez?” walang emosyon ang mga matang tanong ni Amara Stephanie Mijares sa abogado ng dating asawa. Bigla na lamang kasi itong sumulpot sa Casa Amara matapos ang dalawang taon.
“Akala ko ba nagkasundo na ang dalawang kampo na wala ng pakialamanan at tapos na ang lahat. It’s been two years since I received the annulment paper.”
“I know, Ms. Mijares. Pero kailangan ka ng kliyente ko.” Bakas sa boses ng matanda ang stress na nararamdaman. Mukhang desperado na nga ito na makausap siya ng matino.
“Need me?” sarkastiko niyang gagad at bahaw na natawa.
“Nexus Almeradez’s family needs your help. Na-aksidente si Sir Nexus, ang dati mong asawa, at ikaw lang ang naalala niya. They want you to help him to remember everything.”
Kumislot ang sintido niya sa sinabi ng abogado. Ang ideya na makita ulit ang lalaking dumurog sa kanya ay nakakapanginig na ng laman, makasama pa kaya ito at tulungan?
Nexus Almeradez is the man she hates the most. Ang lalaking nangako sa kanya ng habambuhay na pagmamahal ngunit nauwi lang sa pagdurusa na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya.
“Imposible ang sinasabi mo, Attorney.” Nakakatawa!
What makes that filthy family thinks that she will agree on staying beside Nexus? Makita pa nga lang niya sa TV o kaya sa magazine ang pagmumukha ng lalaking iyon ay kumukulo na ang dugo niya. Paano pa kaya kung sa personal? Baka hindi siya makatiis at hambalusin niya.
“Inaasahan na namin na tatanggi ka. Nag-offer si Leticia Monroe ng isang daang milyon bilang down payment sa pananatili mo sa tabi ng kanyang anak.”
Tumaas ang kilay niya at mas lalong nawalan ng emosyon ang mukha. Anong nakain ng mahadera niyang dating byenan at naisipan nito ang bagay na iyon? Sa pagkakaalala niya, ang babaeng iyon ang numero unong tutol sa pagpapakasal nila ng anak nito.
“We know that you have a problem in expanding your business. Hindi masimulan ang construction dahil sa kakulangan ng pondo. “Alam namin ang pinagdaanan mo—”
“Hindi niyo alam ang pinagdaanan ko habang nasa poder ako ng kliyente mo. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko!”
Sandaling natigilan ang abogado sa pagtaas ng kanyang boses. Nang makabawi ay propesyonal ang tono nito.
“Milyon ang kapalit ng pananatili mo. Marami kang maaring paggamitan ng mga iyon. Mananatili ka lang sa tabi ng dati mong asawa at tulungan siyang makaalala. Pagkatapos niyon ay malaya ka na ulit. Pag-isipan mo, Ms. Mijares.”
Hindi siya gumalaw sa kinauupuan nang makaalis ang abogado. Isang daang milyon?
Down payment pa lamang iyon.
Matapos ibaba ng korte ang disisyon ng annulment nila, binigyan siya ng kampo ni Nexus ng malaking halaga bilang separation pay. Sa halip na magmukmok at tuluyang sirain ang buhay niya, nagsimula ulit siya.
She builds Casa Amara which provides Villas for tourists. Patuloy iyong lumalago at nagbabalak siya ng expansion sa ibang bayan at kalapit na mga probinsya. Kaya lang ay wala siyang sapat na pondo.
Wala naman mawawala kung tatanggapin niya ang alok hindi ba?
Pero kaya niya na nga bang makita ulit ang dating asawa matapos ang dalawang taon? Simula nang ipagtabuyan niya ang lalaking iyon sa hospital ay hindi niya ito muli pang nakita.
All the pains and regrets…
Sapat na nga ba ang halagang ibabayad sa kanya para sa pagtitiis na makasama ulit ang dating asawa?
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo?” kunot na kunot ang noo ni Meimei habang pinagmamaneho siya patungong hospital. Lumuwas siya sa Maynila para makita ang dati niyang asawa.
No’ng una, disidido siya sa disisyon niyang tumanggi sa alok ng ina ni Nexus. Ayaw na niyang makisawsaw pa sa buhay ng mga ito. Subalit, noong isang araw lang ay napilitang makiusap sa kanya si Leticia.
Imbitado ang babae sa birthday party ng matalik niyang kaibigan na si Castiel. Katulad ng dati, mapagmataas pa rin ang babae. Kung ituring siya ay parang siya pa ang dating Amara Stephanie na inapi-api nito nang kasal pa siya kay Nexus.
Desperado nga talaga yata ang pamiya ni Nexus dahil nagawang maki-usap sa kanya ng matapobreng iyon.
“Sa pagkaka-alala ko, sinumpa mo ng todo-todo si Nexus Almeradez.”
“Kailangan ko ng pera.”
“Oh!” Tumango-tango ang babae. “Hindi na kita ma-reach. Goal mo na talagang maging Donya. Iba ka. Dati lang sipunin ka no’ng high school tayo, ngayon on the way to Donya Estepanya ka na,” halakhak nito.
Kaibigan niya na si Meimei simula pa lang no’ng high school sila. Ito ang maituturing niyang matalik na kaibigan at kahit sa Maynila na ito naninirahan, hindi pa rin nila pinuputol ang komunikasyon nila sa isa’t isa.
Nang makarating sila sa GICC hospital, agad siyang bumaba. Nagbilin siya kay Meimei na huwag na siya nitong sunduin dahil magta-taxi na lang siya pauwi sa condo nito na siyang tinutuluyan niya pansamantala.
She made her way to her ex-husband’s VIP room after asking at the nurse station in the lobby. Sa bawat paghakbang niya ay tila hakbang patungo sa dulo ng bangin. Mapanganib, at maaring hindi siya makaligtas sa kamatayan kung madudulas siya.
Hinawakan niya ang door handle, malamig iyon na sinabayan ng malakas na kabog ng kanyang dibd ib na pilit niyang iniignora. She knocks three times before finally opening the door.
Lahat ng mga mata nga mga nasa loob ay tumuon sa kanya nang pumasok siya. Isa-isa niyang sinalubong ang mga tingin na iyon mula kay Leticia, sa panganay nitong anak na si Hordan, kay Alejandro, sa dalawang nurse, doktor at sa maputlang lalaki na nakahiga sa kama.
Hirap na gumalaw ang labi ng lalaking iyon para sa isang ngiti.
“S-Ste…ph,” walang lakas ang boses nito ngunit tila sinundot niyon ang sistema niya. “S-S…t-teph.”
Ang mga mata nitong kulay asul na walang buhay kanina ay biglang kumislap nang makita siya. There is a clear of longing on his eyes.
Kung hindi pa siya nilapitan ni Alejandro, ay hindi pa niya maiaalis ang tingin kay Nexus.
Iginiya siya ni Alejandro palapit sa dating asawa. Nahagip ng kanyang paningin ang mga mata ni Hordan at Leticia na nakatingin sa kanya.
Muling tinawag ni Nexus ang pangalan niya sa mahinang paraan.
Walang lakas na itinaas ni Nexus ang kamay nito at inabot ang kamay niya. Napakislot siya sa pagdampi ng balat nito sa balat niya. Kinagat niya ng mariin ang loob ng kanyang bibig at hirap na hirap na igalaw ang kanyang mga labi para sa isang ngiti.
Ang walang emosyon niyang mga mata ay pilit niyang binigyan ng buhay.
“It’s a good thing that you are finally here, Mrs. Almeradez,” basag ng doktor sa sandaling katahimikan.
Mas dumiin ang pagkakagat niya sa loob ng kanyang bibig sa tinawag ng doktor sa kanya. Palihim na kumuyom ang kamay niyang hindi hawak ni Nexus.
Ipinaliwanag ng doktor na maliban sa mga baling buto ni Nexus, hindi rin ito makakalakad dahil nawala ang alaala nito na pati na rin ang motor ability ay naapektuhan. His motor ability, speaking ability, writing and reading are also affected. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan nitong magpa-therapy
Nang muli itong tanungin ng doktor kung ano ang naalala nito, siya at ang kasal nila ang naging sagot ni Nexus.
“The patient cannot be forced to remember. With the proper therapy, babalik din ang mga alaala niya nang kusa. Hindi natin alam kung kailan dahil siya lang ang tanging makakatulong sa sarili niya. Malaking tulong na nasa tabi ka niya, Mrs. Almeradez—.”
“Amara.” Ayaw niyang ikabit pa sa pangalan niya ang apelyidong iyon.
“Of course. Amara. Katulad nga ng sinabi ko, malaking tulong na nasa tabi ka niya habang nagpapagaling. Ikaw lamang ang tangi niyang naalala. Ang presensya mo ay malaking tulong sa paggaling niya.”
“Gaining back the memories needs time and patience. Hindi pwedeng pilitin natin ang pasyente na makaalala. Kapag ang pasyente ay pwenersa, maaring permanenteng makalimutan niya ang mga alaalang nawala. We couldn’t risk that, can we?”
Marami pang sinabi ang doktor tungkol sa kalagayan ni Nexus. Nang lumabas ang doktor ay nagsisunuran na rin sa paglabas ang mag-inang Leticia at Hordan pati na rin ang step-brother ni Nexus sa ama na si Alejandro.
“G-Ga…lit ka ba?” pautal-utal nitong tanong sa kanya na halos hindi niya pa maintindihan. Ang mga mata nito ay nagsusumamo na sagutin niya. Parehong-pareho kung paano siya nito tanungin noon kapag inis o galit siya.
“S-So…r-ry.”
Pasimple niyang inagaw ang kanyang kamay mula rito at nag-iwas ng tingin. “Hindi. Lalabas lang ako, may kailangan akong tawagan.”
Bumakas ang disappointment sa mukha nito ngunit tumango rin sa huli.
Mabilis siyang lumabas ng kwartong iyon at saka pa lamang niya napagtanto na kanina pa pala niya pinipigil ang kanyang hininga.
Nanggigigil siya at ang galit na dalawang taon na naninirahan sa dibd ib niya ay muling bumangon nang makita niyang muli ang si Nexus. Two years but the pain and hatred are still there. What frustrates her more is that she can’t shout and hurt him because he can’t remember what he did to her.
In his perspective, they are still married that he acts like everything is okay between them. Anong karapatan ng lalaking iyon na kalimutan ang lahat ng sakit na ibinigay nito sa kanya?
Chapter 2 Nasundan niya ng tingin ang therapist na hinatid ni Alejandro palabas ng kwarto ni Nexus. Hindi maganda ang kinalabasan ng session ng learning abilities ng dati niyang asawa dahil hindi ito nakikipag-cooperate. Bumalik siya sa harapan ni Nexus na nakatingin sa kanya mula pa kanina. Umupo siya sa gilid ng higaan nito at inabot niya ang flashcards na ginamit kanina ng therapist. “Alam mo ba kung ano ito?” Ipinakita niya ang isang flashcard na may nakasulat na letrang ‘B’. Hindi siya sinagot ng lalaki bagkus ay nakatitig lang ito sa kanya. “This is letter B.” Kinuha niya ang isa pang flashcard. “And this is A.” Tumango si Nexus, naiintindihan ang sinabi niya. “Ano ito?” muli niyang tanong. “E-Ey.” “How about this one?” “B-B.” Bahagyang kumunot ang noo niya. “Alam mo naman pala eh. Bakit hindi ka sumasagot kanina nang tinanong ka no’ng therapist?”
Chapter 3 Inaya siya ni Nanang Yeye na kumain muna dahil nagluto raw ito para sa pagdating nina Alejandro at Nexus sa hacienda. Tipid niyang tinanggihan ang paanyaya ng matanda at sa halip ay pinili munang magpahinga. Hindi siya maayos na nakatulog kagabi. Bakas sa mata ni Nanang Yeye ang lungkot habang nakasunod ang tingin nito sa kanya na paakyat ng hagdan. Hindi niya tinapunan ng kahit na saglit na tingin ang pintuan ng master’s bedroom. Dire-diresto lamang siya papasok sa kwarto na nasa harap niyon. Ang maaliwalas na silid ang bumungad sa kanya. Hinubad niya ang suot na high heels bago basta na lang iyon itinapon sa sahig. Humakbang siya palapit sa sliding door na gawa sa salamin. Binuksan niya iyon at lumabas patungo sa Veranda. Binusog niya ang kanyang mga mata nang kulay luntiang kapaligiran. Ang mga bundok sa kalayuan, matataas na puno na ang ilan ay may nagkukumpulang bunga ng prutas, ang malawak n
Chapter 4 Nakangiti ang matalik niyang kaibigan na si Castiel nang salubungin niya ito sa harap ng mansion. Nakapaskil ang mapang-asar nitong ngisi sa mga labi nang i-abot sa kanya ang isang pumpon ng bulaklak. “Hindi mo sinabi sa akin na babalik ka sa hacienda. Change of mind?” Inirapan niya ito at inaya ito papasok ng mansion. Nakasalubong niya si Nanang Yeye na pababa ng hagdan. Curious itong nakatingin kay Castiel. “Nanang, palagay naman po nito sa vase,” aniya. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang nag-uusyusong pagtaas ng kilay ni Castiel sa sinabi niya. Atubili pa ang matanda nang kunin nito mula sa kamay niya ang bulaklak. “Ikaw iyong binate ng mga Revamonte, hindi ba? Ang may-ari ng Rancho Revamonte?” Ang Rancho Revamonte ay ang katabing lupain ng Hacienda Constancia. Tumango si Castiel at magalang na bahagyang yumuko sa matanda. “Opo. Ako nga po.” Tumango-tango si Nanang
Chapter 5 Natigilan sa paghakbang si Amara Stephanie nang marinig niya ang pamilyar na boses sa loob ng kwarto ni Nexus. “Leave us first,” si Leticia. Nagulat pa si Rex nang makita siyang nakatayo sa harap ng pinto nang lumabas ito. Bahagya lang itong yumuko at umalis sa harap niya, iniwan ang pinto na nakabukas ng kaunti. Dumating si Leticia at Hordan kaninang alas-tres ng madaling araw, sakay ng chopper na lumapag sa rooftop ng mansion. Inis na inis pa siya dahil binulabog ang tulog niya. Mabuti sana kung sa master’s bedroom siya nakahiga dahil soundproof iyon. Nagkanda-istorbo rin ang mga katulong na namamahinga dahil sa walang pasabing pagdating nito at tila pa donyang sunod-sunod ang utos sa mga kasambahay. Pati si Nanang Yeye na hindi pa masyadong nakatulog ay pinag-uutusan na ng bruha. “I have some papers here na kailangan ng pirma mo.” Wala siyang narinig na sagot mula kay Nexus. Kailangan lang ng
Chapter 6 Dalawampung missed calls ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang kanyang cellphone. Galing sa iisang numero. May tatlong text na nagpakilalang si Rex, nakiki-usap kung pwede raw na bumalik na siya sa Hacienda. Bandang alas-onse pa ang mag text message at alas-singko na nang hapon. Dinelete niya ang missed calls at muling ibinalik ang cellphone sa dala-dala niyang bag. Nagsisimula ng dumilim ang paligid kaya nagsibukasan na ang mga street light na nasa gilid ng magkabilang driveway. Mas binagalan pa niya ang kanyang paglalakad, ayaw matapos ang sandaling iyon dahil kapag nakapasok na siyang muli sa mansion, alam niyang hindi na naman siya muling makakahinga. Nakasasakal! Pasado ala-sais na nang gabi nang makarating siya sa mismong bahay ng Hacienda Constancia. Nabistahan niya ang sasakyan ni Alejandro na nakasampa sa Bermuda grass. Tahimik ang paligid nang makapasok siya living room. Walang bakas ni Leticia o ni Hordan man.
Chapter 7 Wala sa oras na napatakbo siya kay Nexus nang nang makitang namimilipit ito sa sahig. Nakadagan sa kalahating katawan nito ang wheelchair. “Nexus!” Hindi ito sumagot bagkus ay mas lumalim ang pakakakunot ng noo nito at mas lalong namilipit. “Nexus!” Mahina niya itong inalog ngunit umiling lamang ito na parang may iniinda. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong hawak-hawak at mahina siyang napamura nang makitang dumudugo iyon dahil sa mga nakatusok na mga basag na bote. Ngayon niya rin lang napansin ang mga bubog sa sahig. Nakita niya ang baso at platito na basag sa di-kalayuan. Napamura siya nang mahaplos niya ang mukha nito dahil inaapoy ito ng lagnat. Sunod-sunod niyang pinindot ang buzzer at nang walang sumagot sa intercom ay muli niyang nilapitan ang dating asawa. “S-Steph,” nahihirapan nitong wika. Napangiwi siya nang halos pareho silang babagsak nang binuhat niya ito upang ibal
Chapter 8 Nanlalaki ang kanyang mga mata at natuod sa kinauupuan. Ang malambot na labi ni Nexus ay tila kawad ng kuryente na naghatid sa kanya ng nakakapanginig na boltahe at pinaralisa ang buong sistema niya. Kung gaano kabilis lumapat ang labi ni Nexus sa mga labi niya, ganon din kabilis itong humiwalay. Namula ang tainga nito pati na rin ang leeg bago yumuko at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Kung hindi pa humaplos ang kamay nito na nasa kanyang baywang ay hindi pa magigising ang diwa niya. Ilang beses siyang lumunok at iginalaw ang kamay para maingat na alisin ang ulo ni Nexus sa kanyang balikat. “Magpahinga ka na, gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ang chief.” Naramdaman yata nito ang pag-iwas niya dahil pinisil nito ang kanyang baywang bago mabagal iyong binitawan. Nagpaubaya ito nang inalalayan niya itong pahiga sa kama. Nang masiguro niyang maayos na ito sa kinahihigaan ay sumandig siya sa headboard
Chapter 9 Ipinarada ni Amara Stephanie ang kanyang sasakyan sa harap ng mansion ng hipag niya na nasa loob ng exclusive village ng Northshire town. Maraming kotse na nakasampa sa Bermuda grass pati na rin sa parking space. Dinig na dinig niya ang pambatang tugtog at sigawan ng mga bata na nagmumula sa hardin ng mansion. Kinuha niya ang malaking paper bag bago siya bumaba sa kanyang kotse. Sinalubong siya ng isang kasambahay ng mga Rocc at iginiya siya sa garden ng mansion. Bibong-bibo na tumakbo papunta sa kanya ang birthdays celebrant na si Sevi. “Tita!” maligalig nitong wika at agad na kumunyapit sa kanyang hita bago siya tiningala at kumurap-kurap ang bata. “Happy birthday,” she greeted and kissed her nephew’s forehead. Hinawakan ni Sevi ang dala niyang paper bag at ngumisi sa kanya. “Is this for me?” Tumango siya at tuluyang inabot dito ang regalo. Tuwang-tuwa ito at gusto na sanang buksan kung hindi lan
Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n
Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi
Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy
Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H
Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.
Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l
Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung
Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”
Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo