18"Erin!! " Masayang sumalubong si Kyros sa dalag kaya naman napatawa ito."Anong dala mong pasalubong para sa akin? " Agad namang tanong ni Erin sa binata."May dala akong piayaya at hopia! " Para namang bata na nagtatalon ang dalawa. Nailing na lamang sila Xavien dahil doon. Mukhang kailangan na rin nilang masanay na para bata ang dalawa kapag magkasama sila."Maupo muna kayo. Erin, come here. Hindi ka pa din nag aalmusal." Tawag naman ni Xavien sa dalaga. Agad naman itong sumunod sa kanya. May juice nang nakahain sa maliit na mesa sa loob ng opisina ni Xavien."Kumusta ka Erin? " Tanong dito ni Emir."Okay lang naman. Tinanghali kasi ako ng gising kanina kaya hindi na kami nakapag almusal ni Xavien. Kumain na ba kayo ? " Malumanay na tanong ng dalaga. Kahit si Emir ay mukhang natutuwa na sa dalaga. Ibang iba ito sa asawa ni Xavien at sa iba pang babae na nakilala niya."Here. Naipakuha ko iyan sa bahay ninyo. Mabuti na lang at ng umalis para magtago ang amain mo ay basta na lang
19"Hi, ma'am Andrina! " Nagulat si Erin dahil sa pagbati sa kanya ng isang lalaki."Luis, right? " Nakangiting sabi naman ni Erin."Yes ma'am. Lunch time na po a? Saan po ang punta ninyo? " Magiliw na sabi ni Luis kay Erin. Hindi naman maintindihan ni Erin pero hindi siya komportable sa lalaki."Ah, oo nga. Mauuna na kasi akong umuwi sa bahay. May inaasikaso pa si Xavien kaya uuna na ako.""Hindi ka man lang niya ihahatid." Kakaiba ang tono ni Luis ng sabihin iyon."Ah, oo. Naghihintay naman ang driver sa lobby kaya okay lang." "Ganun ba ma'am. Maglalunch na rin ako, gusto niyo bang sumabay na sa akin? ""Ah...""Halina po kayo." Hindi na siya pinatapos na umimik ni Luis at hinawakan pa siya sa braso.Naiilang naman siyang sumabay sa lalaki."Naku, ma'am sira nga pala ang elevator. Doon na tayo dumaan sa hagdan." Aayaw na sana si Erin ng bigla namang may lumapit pa sa kanilang isang lalaki."Luis! Sasabay na rin ako sa inyo. Ay, ma'am Andrina! Kayo po pala, magandang tanghali po."
20"AHHH! " "Erin!" Mabilis na lumapit si Kyros kay Erin."Ky! " Umiiiyak na yumakap si Erin sa binata, lalo namang nakaramdam ng galit si Kyros sa mga lalaking nambastos sa dalaga. "I'm here, Erin. Calm down? Okay."Huminga naman ng malalim si Erin."Ihahatid na kita pauwi sa inyo. Inaasikaso na ni Xavien si Luis at Jace. Tumango lamang si Erin."Let's go? Nag awasan na rin naman ang nga empleyado. Wala ng makakakita sa atin. Kaya mo bang maglakad?"Malumanay na sabi ni Kyros aa dalaga."Oo, Ky."Inalalayan naman ni Kyros si Erin hanggang makarating sila sa sasakyan ni Kyros."Ipinasundo na rin ni Xavien si Pixie, so you don't need to worry. " Tahimik lamang si Erin hanggang sa makauwi sila.Iniwan na ni Kyros si Erin sa pangangalaga ni Rica at Manang Lucing."Diyos ko hijo, anong nangyari sa kanya? " Natigilan naman si Kyros dahil pag aalala nito kay Erin."Ah, kayo na daw muna ang bahala sa kanya manang, pinapasabi ni Xavien. Baka hindi rin daw po siya makauwi ngayon."Napatango
21"Erin." Mabilis na napatayo si Erin sa kanyang kama ng tawagin siya ni Xavien."Xavien..."Nagulat pa ang dalaga ng mabilis na lumapit sa kanya si Xavien at niyakap siya."I'm sorry... I'm so sorry..."Nag alala naman si Erin dahil sa boses ni Xavien."Xav...""Its all my fault. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang asawa ko... Sorry, hindi ko akalaing mapapahamak ka sa opisina ko pa mismo." Ramdam ni Erin ang pagod ng lalaki... Napakabigat ng loob nito."Wala kang kasalanan, Xavien." Malumanay na sabi ni Erin dito."Hindi ko naalagaang mabuti ang pamilya ko, Erin. Pati ikaw ay nadamay dahil doon."Humigpit naman ang yakap ni Erin kay Xavien."Huwag mo ng isipin iyon, ang mahalaga ay nalaman mo rin na kahit sa loob ng kompanya mo ay mayroong kinalantari ang asawa mo Xavien... Hindi ko alam kung anong naging problema ninyong mag asawa noon pero hindi iyon sapat na dahilan para lokohin ka niya ng ganito. "Hindi naman umimik si Xavien kaya naman nagsalitang muli si Erin."Nandiyan p
23"WOW! Sobrang ganda dito daddy! Thank you! " Excited na excited si Pixie at saka tumakbo sa puti at pinong buhangin. Dahil nga sa isa itong private resort ay sila lamang ang taong naroroon."Hey, bud. Buti naclear agad namin ang mga schedule namin. Biglaan ito ah? " Sumalubong si Everett at ang ibang kaibigan sa kanila.Si manang Lucing naman ay sinundan si Pixie para mabantayan ito."Yeah, ayos na ba iyong inaayos ninyo? ""As always. " Ngisi ni Everett. Nagtataka naman sie Erin kung ano iyon pero hindi na siya umimik."Kumusta ka Erin? " Seryosong tanong ni Emir sa dalaga."Ayos na ako, Emir...""You sure? " Mabilis namang tumango ang dalaga."That's good. Huwag mo ng isipin ang mga lalaking iyon.""Emir." Halatang pinipigilan ni Rowan ang kahit ano pa mang sasabihin ni Emir kay Erin."Tsk. I just want her to know na wala ng tatarantado pa sa kanya, Rowan." Masungit na sabi ni Emir pagkatapos ay umalis sa kanilang harapan at naupo na lamang sa isang kubo na naroroon."Huwag mo na
24Narinig ni Erin si Sabel na mayroon kausap sa loob ng bahay, sinilip niya ito. Hawak nito ang kanyang cellphone at nanggagalaiti sa pakikipag usap sa kabilang linya."Ikaw kasi Shiela! Minadali mo agad si Sir! Ayan tuloy , napalayas ka! Kaya nga kita ipinasok sa trabaho ko dito ay para akitin mo si Sir. Hayun! Tuloy na naman ang pagrereyna reynahan ng Andrina na iyon! Jusko, kung makapagbalandra ng katawan dito! Parang walang asawa at anak. "Nakaloud speaker ang cellphone nito kaya naman narinig niya ang sinabi ni Shiela."Sabi ko kasi sayo! Pakiusapan mo si Xavien na ibalik ako diyan! Daanin mo na kasi sa paawa mo. Doon ka naman magaling, Sabel.""Tsk, o sige. Basta ayusin mo na ha? Kapag pinabalik ka! ""Oo na! Imarites mo na lang sakin ang mga mangyayari pa diyan! " Iritableng inilagay sa bulsa ni Sabel ang kanyang cellphone. Saka lamang niya napansin na naroroon si Erin."Ma...am A...a...andrina! Kanina pa ba kayo diyan ma'am? " Nataranta naman si Sabel at namutla ng makitang
25"Babe.""Hmmm? " Ungot ni Erin dahil sa panggigising ni Xavien sa kanya."We're going home." Paglalambing dito ni Xavien."Gusto ko pang matulog , Xavien." "Nakaready na sila, babe. Gusto mo bang magpaiwan muna tayo? " malumanay na tanong ni Xavien."Ha? Nakaready na pala sila? Tara na." napabalikwas ng bangon si Erin at saka lamang niya naramdaman ang sakit ng katawan, lalo na ang pagkababae niya."Xav..." ngiwi niya."Why, babe?" "Masakit..."Napangisi naman si Xavien. Nagdahan dahan na siya kagabi dahil siya ang una ng dalaga ngunit nadala na rin siya dahil sa mga ungol nito."Huwag mo akong ngisian ng ganyan! Masakit talaga." Irap ni Erin."Sorry, babe. Come here, bubuhatin kita papuntang cr. Tapos papaunahin ko na sila, ipapasabay ko na rin si Pixie.""Huwag na. Sa aatin na sasabay si Pixie." pigil naman ni Erin sa kanya.Binuhat ni Xavien si Erin patungo sa banyo at saka bumaba para sabihin sa mga kasama na mamaya pa sila aalis.Isa isa na ring namaalam sa kanila ang kanila
"Napakalaking pera non, Love! Nawawala na ba sa katinuan iyang si Andrew? " naiinis na tanong ni Zack kay Andrina."Iyon ang gusto niya. Kung hindi ko raw maibibigay ang halagang hinihingi niya ay pupuntahan niya daw si Xavien para sabihin ang totoo." "Damn! Akala ko ba ay mapagkakatiwalaan yan? Bakit palpak din? Isa pa iyang si Manang Lucing, palpak na nga din sa ipinapagawa mo. Sasabay pa iyang punyetang doktor na iyan. God! Hindi na tayo nakapagbakasyon ng matiwasay, Andrina! Fix this! Ayoko ng problema pag uwi ko." Galit na nagwalk out si Zack. Mas lalo namang nakaramdam ng inis si Andrina dahil sa ginawa ng kanyang kalaguyo. Nagsindi siya ng sigarilyo at saka padabog na naupo sa upuang narororoon. Si Andrina na nga ang gumawa ng halos lahat para makaalis sila, tapos ganito pa ang sasabihin sa kanya ni Zack."What a stupid asshole...Akala ata niya sa kanya umiikot ang mundo ko. Tsk, mas nakakairita pa siya kesa sa mga nasa Pilipinas, " natatawang sabi ni Andrina sa sarili at
Special Chapter"Mom! " Nakangiting lumapit kay Erin si Pixie. Pagkalapit nito sa kanya ay agad itong napatitig sa kanyang mukha. Disi otso anyos na ngayon si Pixie at kahit kailan ay hindi nito dinalaw si Andrina. "Why? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin sanay sa mukha ni mommy? " malumanay na tanong ni Erin sa dalaga.Tatlong taon na si Xavine Rage ng mapagpasyahan ni Erin na ibalik ang kanyang totoong mukha. Sa tulong ng isang magaling na surgeon ay naisakatuparan ito. Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Xavien at ng kanyang ina na si Inez.Noon pa sana ito gusto ni Xavien kaya lamang ay tumanggi siya dahil mas inuna niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak."Sorry, mom. May mga pagkakataon lang din kasi talaga na naaalala ko si mommy Andrina. Hindi naman po masamang maalala ko siya, hindi po ba ? "" Oo naman, anak. Nakasama mo rin ang mommy Andrina mo ng matagal na panahon kaya naman hindi rin agad agad siya maaalis sa isipan mo. Hindi ka namin pipigilan ng da
Lumipas ang mga taon at masayang nagsama si Erin at Xavien. Limang taon na si Eron at maglalabing isang taon na si Pixie. Ngayong araw ang ikalimang anibersaryo ng kasal ni erin at Xavien. "Pixie? Nasaan ang daddy mo? " Takang tanong ni Erin sa kanilang panganay ng makalabas siya ng kanilang kwarto. "Po? Nakaalis na po si Daddy. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? " Nakakunot noong tanong ni Pixie kay Erin. Nagdadalaga na rin si Pixie at mas lalo itong napalapit sa kanya sa ilang taon na lumipas. Isang beses lamang itong dumalaw kay Andrina at simula noon ay ayaw na niya itong makita. Nirespeto nilang mag asawa ang desisyon ng bata dahil nakita nilang mas naging maayos si Pixie nang malayo ito kay Andrina. "Baka nalimutan lang ng daddy mo, anak. May problema daw kasi sa kompanya."Malumanay na sabi ni Erin dito. "Si Eron? " "Kasama mo ni Mama Inez at Papa Miguel. Nasa kusina na po sila. Tara na, mommy. Kumain na lang tayo ng breakfast, hayaan mo papagalitan ko mamaya si D
"It's done! Babe, I'm free! Nanalo tayo sa kaso! " Tuwang tuwa na sabi ni Xavien ng makabalik siya sa kanilang tahanan. Malaki na ang tiyan ni Erin dahil ito ay pitong buwan ng buntis. "Masaya ako para sayo, Xavien. Sa wakas ay nakalaya ka na." Masayang sabi ni Erin dito. "Careful, babe. " Inalalayan ni Xavien si Erin. "Si nanay? Nasaan? " Tanong ni Xavien sa kanyang nobya. "Nasa taas, sinasamahan niya si Pixie. " Malumanay na sabi ni Erin. Nang makilala nito ang bata at nang malaman ang sitwasyon nito ay mas lalong naging malapit ang Ina ni Erin kay Pixie. Si Mayor Reyes naman ay palaging dumadalaw sa kanila at minsan pa ay isinasama pauwi sa kanila ang kanyang ina. Wala naman itong problema kay Erin dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina. "Thank you so much, babe. " Masuyong hinalikan ni Xavien sa noo si Erin. mo "Huwag kang magpasalamat sa akin, Babe. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sa iyo." Malumanay na sabi ni Erin. "Thank you for accepting me, Raze. Alam
"Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso
Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada
34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin
33"Nasa taas si Erin. Hindi niya alam na ngayon ang uwi niyo." Sabi lamang ni Emir sa kanyang kaibigan.Mabilis na nagtungo si Xavien sa kwarto ng dalaga."Babe? ""Xav...ien." natigilang sabi naman ni Erin. Nagulat ito dahil ang alam niya ay sa isang linggo pa uuwi ang lalaki."Xav! Salamat! Akala ko ay hindi mo ako makikilala." Umiiyak na sabi ni Erin at yumakap kay Xavien"Erin, I know you. I know you too well." Inalo ni Xavien ang dalagang umiiyak at saka hinalikan ito sa noo."Andrina's in jail right now. Sa dami ng ebidensiya natin sigurado akong hindi na siya makakalabas. Hindi mo na kailangang mag alala pa. It's over, babe. I love you" Dagdag pa na sabi ni Xavien sa dalaga."Mahal din kita, Xavien. Alam kong mali dahil kasal ka pa kay Andrina pero mahal na mahal kita, Xavien." Sinserong sabi ni Erin sa lalaki."May... May good news ako sayo, Xav." Sumisinghot na dagdag pa ni Erin."Ano iyon? " Malumanay na tanong sa kanya ni Xavien at kita rin ang pagiging excited nito."Ito
32"Daddy, umuwi na po tayo agad..." Malungkot na sabi ni Pixie sa kanyang daddy Xavien."I'm so sorry anak, hayaan mo at babawi ako sayo... Sa inyo ng mommy mo. " Malumanay na sabi ni Xavien. Pababa na ang eroplanong sinasakyan nila at excited na ring bumalik sa mansion niya si Andrina."We're here! " Patiling sabi ni Andrina kaya naman napatingin sa kanya si Xavien."Uh, sorry babe. Gustong gusto ko na kasing magpahinga ." Pagdadahilan ni Xavien."Don't worry, babe. Makakapagpahinga ka na ng maayos mamaya." Matamis na ngiti sa kanya ni Xavien."Thank you, Xav."Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng airport. Walang kaalam alam si Andrina na may naghihintay na sa kanilang pulis."Hi, Rowan! Balita ko ay mayroon ka ng babae na kinababaliwan." Nasabi na ni Xavien kay Andrina na susunduin sila ni Rowan ngayon dahil pupunta sila sa check up ni Andrina."Huh? You're being weird, Erin." Kunot noong tanong ni Rowan sa kanya.Natigilan naman si Andrina dahil sa sinabi ni Rowan, ngayon niya
31"Xav, pansinin mo naman ako. Kanina pang masakit ang mga paa ko." Pagmamaktol ni Andrina, simula ng dumating sila sa disneyland ay hindi na siya halos kinakausap ni Xavien. "Sorry babe, halika maupo ka muna rito. Hihilutin ko iyang binti mo." Malumanay na sabi ni Xavien sa asawa."Alam mo naman kasing dito tayo pupunta, may takong pa ang isinuot mo." Napabuntong hininga pang dagdag ni Xavien."Sorry, nawala kasi sa isip ko." Nakangiwing sabi ni Andrina dahil sa masakit niyang paa."Hindi na kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa munting prinsesa natin. Sobrang saya niya ngayon." Natatawang sabi ni Xavien. Napairap na lamang sa hangin si Andrina dahil sa sinabi ng kanyang asawa.Napansin ito ni Pixie kaya naman natigilan siya. Napangiti na lamang si Andrina, alam niyang mauuto pa niya ang bata."Nag eenjoy ka ba, anak? " Malamunay na tanong niya kay Pixie habang hinihimas ang buhok nito. "Yes po, mommy! Sobrang saya ko po. Salamat po sa inyo ni daddy! " Yumakap si Pixie sa