1
"Sino ka ba? At nasaan ako? Hindi nga kasi kita kilala! Paalisin niyo na ako please." Sigaw ko at nagpupumiglas.Shit, nasaan ba ako? Kanino ba itong bahay? Puro maid ang kasama ko ngayon at ni isa sa kanila ay walang nasagot sa akin.Sumasakit na rin ang kamay ko dahil sa pagwawala. Itinali nila ang kamay ko ngayon dito sa gilid ng kama."ANONG KAGULUHAN ITO?" Galit na sigaw sa amin ng isang matangkad at makisig na lalaki. Napapitlag naman ako dahil sa galit niyang boses."Sir Xavien, si Ma'am ho kasi..." Hindi na rin naituloy ng isang maid ang sasabihin niya dahil sa takot sa bagong dating na lalaki.Lumapit ito sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa panga."Ano na namang katarantaduhan ang pinaggagagawa mo Andrina? Nakatali kana at lahat ay gumagawa ka pa rin ng kalokohan?" Galit na titig naman niya sa akin.Dahil sa takot ay napaiyak na lamang ako pilit kumakawala sa hawak niya."Sir, please nasasaktan ho ako. " Iyak ko."Sir? Ginagago mo ba talaga ako? " Pagak siyang napatawa."Wala akong maalala. Sino po ba kayo? " Hindi makapaniwalang napatitig siya sa mukha ko."PUTANGINA TALAGA! " Galit na sigaw niya sa mukha ko at pabalyang binitiwan ang panga ko."Sir, kakagising lang po ni Ma'am Andrina. Baka po mas mainam na tumawag muna tayo ng doktor." Hindi mapakaling sabi ng isang may katandaang katulong."Tawagan mo si Rowan Manang Lucing. Kayo naman! Huwag ninyong aalisin ang tali ng babaeng ito! Ilang beses na niya akong nilinlang." Galit na utos niya bago lumabas ng kwarto.Mas lalo akong napahagulhol ng iyak.Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.FLASHBACK"Tulong! Tulungan ninyo kami! Inay, huwag po kayong bibitaw sa akin. Makakaalis din tayo dito." Iyak ko habang bitaw ang kamay ng isang babaeng tinawag kong inay."Erin anak ko..." Napabitaw siya sa akin kasabay ng pagsalpok ng malakas na alon sa aming sinasakyan na barko."INAY! " Sigaw ko.Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa masamang panaginip na iyon. Tagaktak ako ng pawis at hinihingal.Napatingin ako sa paligid at sa kamay kong nakagapos."Masamang panaginip? " Napatingin ako ngayon sa bagong lalaking palapit sa akin. Dahil sa takot ay umatras ako sa aking pwesto."Sino ka? Huwag mo akong lalapitan." Takot na takot na sabi ko."Ako si Dr. Ibasco. Dr. Rowan Ibasco, ako ang doktor mo simula nung iniuwi ka rito ng asawa mo.""Asawa? May asawa ako? " Naguguluhang sabi ko."Andrina, wala kaba talagang maalala? " Napabuntong hiningang sabi niya."Andrina? Iyan din ang itinawag sa akin ng lalaking nanakit sa akin kanina." Natatakot na sabi ko ng maalala ko ang ginawa sa akin ng lalaking iyon.Mas lalo siyang lumapit sa akin."Hindi kita sasaktan. " Malumanay na sabi niya at chineck up ako."Wala bang sumasakit saiyo? " Tanong niya."Bukod sa kamay kong nakagapos ay wala ng sumasakit sa akin.""Ano ang huli mong naaalala? " Tanong niya.Naaalala? Tama iyong panaginip ko."Iyong napanaginipan ko kanina. Nasa barko ako at kasama ko ang aking inay. " Parang wala sa sarili kong sabi sa kanya.Nabuntong hininga siya at napatitig sa akin.Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok doon ang lalaki kanina."Rowan, nagsisinungaling ba ang babaeng iyan? " Malamig na bungad niya."Sinaktan mo ba siya Xavien? ""Hindi na iyon mahalaga. Hindi mo sinagot ang tanong ko." Nakakunot na noong sabi niya."Sa labas tayo mag usap."Agad namang tumalima ang lalaki at mabilis na lumabas."Huwag kang gumawa ng kalokohan Andrina, huwag mong ubusin ang pasensiya ng asawa mo." Iyon lang ang sinabi niya sa akin at lumabas na rin.Andrina? Iyon ba talaga ang pangalan ko.Kahit pa takot na takot ay sinunod ko na lamang ang sinabi ng doktor.Baka mas malala pang panananakit ang gawin niya sa akin.Gutom na gutom na ako ngunit wala naman akong mahingian ng makakain.Hindi ko alam kung gaano ako katagal naghintay bago pa may nagbukas ng pinto.Pumasok doon iyong matandang maid kanina.May dala siyang pagkain para sa akin."Para sa akin po ba iyan? " Talagang gutom na gutom na ako."Kanino pa ba hija? Ikaw lang naman ang tao sa kwartong ito." Kahit malumanay ay maririnig sa boses niya ang inis." Pasensiya na po, gutom na gutom na po kasi talaga ako." Nagtungo ng ulo na sabi ko.Napabuntong hininga naman siya." Oh siya, aalisin ko ang pagkagapos mo pero huwag kang gagawa ng kalokohan Ma'am Andrina. Maraming tauhan ngayon ang naririto para magbantay sa iyo. Hinding hindi ka na makakatakas." Babala niya sa akin."Pangako po, hinding hindi po ako tatakas. Pakainin ninyo lamang po ako." Napatitig naman sa akin ang matanda at inalis ang tali ko.Pagkaalis niya ng tali ay agad akong kumain. Hindi ko alam kung kailan pa ulit ako makakakain kaya dadamihan ko na. Isa pa talagang gutom na gutom ako. Pati huli kong pagkain ay hindi ko na maalala pa."Maghinay hinay ka sa pagkain Ma'am. " Nag aalalang paalala niya." Pasensiya na po, gutom na po kasi talaga ako. Hindi ko rin po alam kung kailan ninyo uli ako papakainin kaya uubusin ko na po ito."Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko habang nakabantay sa akin ang matanda.Pumasok ulit ang lalaking galit na galit sa akin."Sir..." Tumayo ang matanda sa kanyang pagkakaupo."Iwanan mo muna kami Manang Lucing."Hindi ko na naituloy ang pagkain ko dahil sa pagdating niya."Andrina...""Please, huwag mo akong sasaktan." Natatakot akong umatras."Hindi mo ako maloloko Andrina. Sinisigurado kong hindi ka na ulit makakatakas sa pamamahay na ito.""Hindi kita kilala. Paalisin mo na ako parang awa mo na."Pagak siyang tumawa."Kung hindi lang dahil kay Pixie, ako na mismo ang papatay saiyo." Mapanganib na sabi niya."Pixie?" Alinlangan kong sabi sa kanya."Pati ba naman anak mo ay kunwaring malilimutan mo para lamang makatakas ka sa mga kasalanan mo?" Galit na sabi niya.May anak ako?"Maaari ko ba siyang makita? " Kahit pa takot ay nais kong makita ang bata. Baka sakaling may maalala ako."Why? To brainwash her again para kampihan ka niya? " Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin."Hindi. Kung ako man nga ang asawa mo at anak ko si Pixie, baka maalala ako kung makikita ko siya." Natatakot akong salubungin ang matatalim niyang tingin kaya tumungo na lang.Sinakal niya ako at tinitigan sa mata."Hindi ako naniniwalang hindi ka nakakaalala Andrina. Suit yourself, dahil maghihiganti ako sainyo ng lalaki mo. Napakaraming beses na kitang pinagbigyan but not this time.""Please... Huwag, masakit." Mangiyak ngiyak na sabi ko."Mas masakit pa riyan ang ginawa mo sa amin ni Pixie. " Puno ng hinanakit na sabi niya at binitiwan ang leeg ko.Hindi ako si Andrina!Sigaw ko sa isip ko.Lumabas na siya at iniwan akong umiiyak.2Inalisan na nila ako ng tali pero hindi pa rin ako nakakalabas ng kwarto. Palagi pa rin akong dinadalhan ng pagkain. Tanging si Manang Lucing ang kumakausap sa akin.Naglibot libot ako sa kwarto at may nabuksan akong isang pinto. Pagkapasok ay bumungad saakin ang napakaraming damit, bag, alahas at kolorete sa mukha. Nilibot ko ang buong kwarto at puro mamahaling gamit ang nakikita ko. Lahat ng iyon ay hindi naaayon sa aking mga gusto. Kung ako nga si Andrina, bakit ayaw ko sa mga ito? Napadako ang tingin ko sa napakalaking salamin kaya lumapit ako dito. Nakikita ko ngayon ang aking repleksiyon, nakasuot ako ng isang bestidang puti na pantulog. Mugtong mugto ang aking mata, maputla ang maputi kong balat at magulo ang aking buhok. Pinagmasdan ko ang aking mukha sa salamin, pilit kong pinagtatanto kung sino ba talaga ako. Ako ba talaga ang asawa ng Xavien na iyon? "Namimiss mo na bang magsuot ng magagarang damit? Hindi mo na ba kayang panindigan ang pag arte mo? " Kinilabutan ako ng
3"You're Pixie? ""Opo mommy, namiss po kita. Saan po ba kayo nagpunta? " Maluha luha niyang sabi."Uhm... Pasensya kana kung umalis si Mommy." Iyo lamang ang nasabi ko at hinimas ang buhok niya.Parang bago sa akin ang ganito ngunit magaan sa pakiramdam."Maupo na kayo." Malamig na sabi ni Xavien.Sinunod ko naman agad siya at inalalayan sa tabi ko si Pixie.Nagsimula na kaming kumain, ipinagsandok ko si Pixie ng kanin at ulam. Mukha ngang namiss niya ako at tuwang tuwa pa siya habang ipinagsasandok ko siya."Salamat po mommy." Ngiti niya sa akin. Ang kaninang napansin kong takot sa mga mata niya ay nawala na."Kumain ka ng kumain Pixie, ito gulay. Mainam ito sa katawan mo." Sabi ko sa kanya, sabay lagay ng sitaw at kalabasa sa pinggan niya."Mommy, hindi po ako kumakain niyan." Simangot niya. Napangiti ako dahil sa cute niyang reaksiyon."Ah, pasensya na nakalimutan ko. Pero mas mabuti kung kakain ka ng gulay. Gusto mo bang tikman? Kahit kaunti lang? " Magiliw na sabi ko."Sige mom
4Nagising ako sa parehong kwarto na tinutulugan ko nung mga nakaraan. Dahan dahan akong bumangon.Kumikirot pa rin ang ulo ko."Kumusta ang pakiramdam mo?" Rinig kong sabi ng doktor."Sa tuwing pupunta ka rito, iyan ang itinatanong mo. " Wala sa sariling sabi ko, mukhang nagulat naman siya sa isinagot ko."Mukha bang ayos lamang ako? Iniisip ko kung ako ba talaga si Andrina para danasin ko ang ganito. Nabuhay lamang ba ako para pahirapan ng lalaking iyon? " Umiiyak kong wika.Napabuntong hininga lamang ang doktor at sinuri ako."Tulungan mo ako, parang awa mo na..." "Sa tingin mo? Saan ka pupulutin kapag umalis ka rito? Sa tingin mo ba kapag nakaalis ka ay titigilan kana ni Xavien? " Malamig na turan ng doktor."Doktor, anong gusto mong gawin ko? Antayin ang kamatayan ko sa lugar na ito?" Umiiyak kong sabi sa kanya."Paano si Pixie? Paano ang anak mo? " Nakatitig na sabi ni sa akin, noon din ay napatigil ako sa pag iyak at napatingin rin sa kanya."Palagi kang hinahanap ng anak mo.
5Pagkatapos kumain ay naglinis na rin ako ng katawan. Matapos makapaglinis ay ibinaba ko na ang aking pinagkainan."Hija, hindi mo na sana iyan ibinaba. Paakyat na rin sana ako sa kwarto mo." Bungad sa akin ni Manang Lucing.Umismid naman ang ibang katulong na nasa kusina."Ano kaba manang? Hayaan mo siya, hindi na niya tayo pwedeng artehan ngayon ano? Kita mo bang halos isuka na siya ni Sir Xavien." Sabi ng isang katulong, sa tingin ko ay mas matanda lamang siya sa akin ng ilang taon."Kaya nga manang, tapos na ang pagrereyna reynahan niyan dito. " Sabi pa ng isa."Magsitahimik kayo. Kahit ano pang sabihin ninyo ay siya pa rin ang asawa ni Sir Xavien. May mas karapatan siya kaysa sainyo. Naiintindihan niyo ba? " Napapitlag ako dahil maotoridad na tono ni Manang Lucing. Miski ang ibang katulong ay nagulat rin."Naiintindihan niyo ba? " Striktong dagdag pa nito.Napayuko naman ng ulo ang dalawa bago sumagot."Opo manang." "Mabuti kung ganon, kuhanin niyo ang dala niya at hugasan na
6Lumipas ang isang buwan, tangging si Manang Lucing at Dr. Rowan ang dumadalaw sa akin sa kwarto. Simula ng insidente sa pool ay pinagbawalan ulit ako ni Xavien lumabas sa aking silid. Tanging ang pagbabasa ng mga libro ang kinagiliwan ko sa nagdaang isang buwan. Ni anino ni Xavien ay hindi ko nakikita sa silid na ito. Si Pixie ay ayaw rin akong makita ayon kay Manang Lucing."Oh señora, ito na ang pagkain mo. Wala si Manang Lucing dahil nagkaproblema sa bahay nila." Hindi na ako nagulat sa pakikitungo sa akin ni Shiela."Ah, salamat." Padaskol niyang nilapag ang pagkain ko sa mesang nasa silid. Halos natapon na ang lahat dala niya sa tray."Ewan ko ba kung bakit nandito ka pa, nakakabwisit. " Irap nito sa akin bago lumabas.Napatingin ako sa pagkaing dinala niya. Kung siya ang magdadala sa akin ng mga pagkain ay baka ganito lagi ang mangyari. Tiningnan ko ang pagkaing dala niya. Mayroon iyong nilagang baboy kanin at halos mabulok na mangga. Sinubukan ko pa ring kainin ang dala n
7Hindi ko alam kung gaano na ako katagal nakatulala, napagod na yata ang mga mata ko sa pag iyak.Pumasok si Sabel kanina upang linisin ang kalat doon. Alam kong tiningnan niya ang itsura kong nakahiga sa kama kung kaya't tinabunan ko na lamang ang sarili ng kumot. Tahimik lamang siyang nilinis ang kalat at wala ring lingong lumabas ng silid.Nagising na lamang ba ako para maranasan ang mga ito? Mas mabuti pa sigurong mamatay na lamang ako... Ayoko ng danasin ang mga ito.Naging hudyat iyon upang bumangon sa kama.Humahangos akong pumasok sa banyo, wala akong makitang maaaring gagamitin sa aking gagawin. Napatingin ako ng matagal sa bathtub na naroroon. Sinimulan ko itong punuuin ng tubig.Hindi na... Ayoko na... Tama na... Hindi ko na kaya itong mga pananakit nila... Mas mabuti pang mamatay na lamang ako...Hinayaan kong mapuno ng tubig ang bathtub saka lumubog doon. Mas mabuti pang mamatay na lamang ako..."ANDRINA! DAMN IT! " Siya na naman iyon... Ang halimaw na iyon. Ayoko na...
8"Andrina." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Kyros sa loob ng kusina."Magugulatin ka pa rin! Anong ginagawa mo? Miryenda ba iyan? Hati tayo! " Parang bata na sabi nito.Sa pananatili ko ng ilang buwan dito ay masasabi kong ibang iba ang turing nila sa akin. Mababait ang mga tao rito hindi katulad sa bahay ni Xavien. Nakakalabas ako hanggang sa kanilang bakuran, mas marami nga lang ang bantay rito kesa sa bahay ni Xavien. Isa pa itong si Kyros, halos sa labas na siya ng kwarto ko natutulog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit, pero para sa akin mas mabuti na iyon. Mabilis niya akong nagigising kapag binabangungot ako. Nakakasanayan ko na ang pamamalagi ko rito."Bakit hindi ka nagsasalita? Ang pagkakaalam ko lamang ay nakalimutan mo kung sino ka, pero ang magsalita hindi.""Ah... Pasensiya na. Pritong kamote lang ito, gusto mo ba? Masarap ito kapag isinawsaw sa asukal. Magkakape rin ako." Kahit naiilang ay sumagot pa rin ako. Kaibigan siya ni Xavien at hindi ko alam kung anong pa
9"Hindi siya sasama sa iyo ngayon Xavien." May pinalidad na sabi ni Dr.Rowan."Ako ang asawa niya Rowan. Ako ang may karapatan sa kanya. Isasama ko siya ngayon pauwi sa bahay namin. Naiintindihan mo ba? " Galit na sabi ni Xavien.Umungol naman ang dalawang aso sa tabi ko."Umalis ka na raw Xavien." Bagot na sabi ni Kyros."Nagagalit ang dalawang ito oh." Turo niya sa dalawang aso na katabi ko."Andrina... " Malamig na sabi nito sa akin."Can we talk? Yung tayong dalawa lang?" Napabuntong hiningang sabi nito sa akin."Sige na Andrina, kausapin mo na ang asawa mo. Naririto lang naman kami sa labas ni Kyros." Pagpapakalma niya sa akin.Nagtungo kami sa opisina ng doktor."Kumusta ka rito Andrina?""O...kay lang naman Xavien." Napabuntong hininga ito sa akin."Look, I'm not here to hurt you. Okay? Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ko sayo. Alam kong mali ako at nagpadala ako sa galit ko." Ramdam ko naman ang pagiging sincere niya."Palaging umiiyak si Pixie at gustong gusto ka na
Special Chapter"Mom! " Nakangiting lumapit kay Erin si Pixie. Pagkalapit nito sa kanya ay agad itong napatitig sa kanyang mukha. Disi otso anyos na ngayon si Pixie at kahit kailan ay hindi nito dinalaw si Andrina. "Why? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin sanay sa mukha ni mommy? " malumanay na tanong ni Erin sa dalaga.Tatlong taon na si Xavine Rage ng mapagpasyahan ni Erin na ibalik ang kanyang totoong mukha. Sa tulong ng isang magaling na surgeon ay naisakatuparan ito. Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Xavien at ng kanyang ina na si Inez.Noon pa sana ito gusto ni Xavien kaya lamang ay tumanggi siya dahil mas inuna niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak."Sorry, mom. May mga pagkakataon lang din kasi talaga na naaalala ko si mommy Andrina. Hindi naman po masamang maalala ko siya, hindi po ba ? "" Oo naman, anak. Nakasama mo rin ang mommy Andrina mo ng matagal na panahon kaya naman hindi rin agad agad siya maaalis sa isipan mo. Hindi ka namin pipigilan ng da
Lumipas ang mga taon at masayang nagsama si Erin at Xavien. Limang taon na si Eron at maglalabing isang taon na si Pixie. Ngayong araw ang ikalimang anibersaryo ng kasal ni erin at Xavien. "Pixie? Nasaan ang daddy mo? " Takang tanong ni Erin sa kanilang panganay ng makalabas siya ng kanilang kwarto. "Po? Nakaalis na po si Daddy. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? " Nakakunot noong tanong ni Pixie kay Erin. Nagdadalaga na rin si Pixie at mas lalo itong napalapit sa kanya sa ilang taon na lumipas. Isang beses lamang itong dumalaw kay Andrina at simula noon ay ayaw na niya itong makita. Nirespeto nilang mag asawa ang desisyon ng bata dahil nakita nilang mas naging maayos si Pixie nang malayo ito kay Andrina. "Baka nalimutan lang ng daddy mo, anak. May problema daw kasi sa kompanya."Malumanay na sabi ni Erin dito. "Si Eron? " "Kasama mo ni Mama Inez at Papa Miguel. Nasa kusina na po sila. Tara na, mommy. Kumain na lang tayo ng breakfast, hayaan mo papagalitan ko mamaya si D
"It's done! Babe, I'm free! Nanalo tayo sa kaso! " Tuwang tuwa na sabi ni Xavien ng makabalik siya sa kanilang tahanan. Malaki na ang tiyan ni Erin dahil ito ay pitong buwan ng buntis. "Masaya ako para sayo, Xavien. Sa wakas ay nakalaya ka na." Masayang sabi ni Erin dito. "Careful, babe. " Inalalayan ni Xavien si Erin. "Si nanay? Nasaan? " Tanong ni Xavien sa kanyang nobya. "Nasa taas, sinasamahan niya si Pixie. " Malumanay na sabi ni Erin. Nang makilala nito ang bata at nang malaman ang sitwasyon nito ay mas lalong naging malapit ang Ina ni Erin kay Pixie. Si Mayor Reyes naman ay palaging dumadalaw sa kanila at minsan pa ay isinasama pauwi sa kanila ang kanyang ina. Wala naman itong problema kay Erin dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina. "Thank you so much, babe. " Masuyong hinalikan ni Xavien sa noo si Erin. mo "Huwag kang magpasalamat sa akin, Babe. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sa iyo." Malumanay na sabi ni Erin. "Thank you for accepting me, Raze. Alam
"Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso
Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada
34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin
33"Nasa taas si Erin. Hindi niya alam na ngayon ang uwi niyo." Sabi lamang ni Emir sa kanyang kaibigan.Mabilis na nagtungo si Xavien sa kwarto ng dalaga."Babe? ""Xav...ien." natigilang sabi naman ni Erin. Nagulat ito dahil ang alam niya ay sa isang linggo pa uuwi ang lalaki."Xav! Salamat! Akala ko ay hindi mo ako makikilala." Umiiyak na sabi ni Erin at yumakap kay Xavien"Erin, I know you. I know you too well." Inalo ni Xavien ang dalagang umiiyak at saka hinalikan ito sa noo."Andrina's in jail right now. Sa dami ng ebidensiya natin sigurado akong hindi na siya makakalabas. Hindi mo na kailangang mag alala pa. It's over, babe. I love you" Dagdag pa na sabi ni Xavien sa dalaga."Mahal din kita, Xavien. Alam kong mali dahil kasal ka pa kay Andrina pero mahal na mahal kita, Xavien." Sinserong sabi ni Erin sa lalaki."May... May good news ako sayo, Xav." Sumisinghot na dagdag pa ni Erin."Ano iyon? " Malumanay na tanong sa kanya ni Xavien at kita rin ang pagiging excited nito."Ito
32"Daddy, umuwi na po tayo agad..." Malungkot na sabi ni Pixie sa kanyang daddy Xavien."I'm so sorry anak, hayaan mo at babawi ako sayo... Sa inyo ng mommy mo. " Malumanay na sabi ni Xavien. Pababa na ang eroplanong sinasakyan nila at excited na ring bumalik sa mansion niya si Andrina."We're here! " Patiling sabi ni Andrina kaya naman napatingin sa kanya si Xavien."Uh, sorry babe. Gustong gusto ko na kasing magpahinga ." Pagdadahilan ni Xavien."Don't worry, babe. Makakapagpahinga ka na ng maayos mamaya." Matamis na ngiti sa kanya ni Xavien."Thank you, Xav."Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng airport. Walang kaalam alam si Andrina na may naghihintay na sa kanilang pulis."Hi, Rowan! Balita ko ay mayroon ka ng babae na kinababaliwan." Nasabi na ni Xavien kay Andrina na susunduin sila ni Rowan ngayon dahil pupunta sila sa check up ni Andrina."Huh? You're being weird, Erin." Kunot noong tanong ni Rowan sa kanya.Natigilan naman si Andrina dahil sa sinabi ni Rowan, ngayon niya
31"Xav, pansinin mo naman ako. Kanina pang masakit ang mga paa ko." Pagmamaktol ni Andrina, simula ng dumating sila sa disneyland ay hindi na siya halos kinakausap ni Xavien. "Sorry babe, halika maupo ka muna rito. Hihilutin ko iyang binti mo." Malumanay na sabi ni Xavien sa asawa."Alam mo naman kasing dito tayo pupunta, may takong pa ang isinuot mo." Napabuntong hininga pang dagdag ni Xavien."Sorry, nawala kasi sa isip ko." Nakangiwing sabi ni Andrina dahil sa masakit niyang paa."Hindi na kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa munting prinsesa natin. Sobrang saya niya ngayon." Natatawang sabi ni Xavien. Napairap na lamang sa hangin si Andrina dahil sa sinabi ng kanyang asawa.Napansin ito ni Pixie kaya naman natigilan siya. Napangiti na lamang si Andrina, alam niyang mauuto pa niya ang bata."Nag eenjoy ka ba, anak? " Malamunay na tanong niya kay Pixie habang hinihimas ang buhok nito. "Yes po, mommy! Sobrang saya ko po. Salamat po sa inyo ni daddy! " Yumakap si Pixie sa