Si Thessa Santiago-Davilla ay naniniwala pa rin na sa kabila ng nangyari kahit wala na ang matamis na pagmamahalan nilang mag asawa ay mananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t-isa para na rin sa anak na kambal nilang dalawa.
Sa limang taong pagsasama at patago nilang kasal ni Carlo ay masasabi niyang nagampanan niya ng maayos ang pagiging isang ina at mabuting asawa para sa nabuo nilang pamilya.
“Congratulations, Mrs! Kayo po ay nag dadalang-tao.” Masayang bati sa kanya ng doktor.
Nakangiting naglalakad palabas si Thessa ng hospital at hindi na nga ito mapakali pa na sabihin agad sa kanyang asawa ang isang magandang balita. At maya-maya ay pwede na rin nga itong masundo at ng ma-iuwi na sa kanilang bahay kasama ang kanilang kambal na anak. Ngunit naka ilang tawag na nga si Thessa ay hindi pa rin mahagip si Carlo. Ni hindi niya malaman kung lowbat lang ba ito o busy pa nga sa trabaho. Tinawagan niya rin ang sekretarya nito ngunit ganoon din naman, pareho silang hindi sumasagot ng telepono. Inisip na lamang ni Thessa na baka hindi na nga makakasundo pa itong si Carlo.
Umuwi na nga lang si Thessa at napag-isipang doon na lamang siya maghintay sa kanilang bahay, hiniling pa niya sa mga kasambahay na dagdagan ang mga pagkain sa mesa. Lalo ang paborito ng kanilang kambal.
Subalit makalipas ang ilang mga oras at bawat segundong paghihintay ni Thessa ay wala pa rin sina Carlo at ang kanyang mga anak. Kaya nakaramdam ng pag-aalala si Thessa.
“Nakapatay pa rin ang telepono niya!” Nag-aalala niyang usal.
Kaya naman kinuha na ni Thessa ang kanyang jacket at lalabas na sana para hanapin na ang mga ito. Ngunit nang Buksan niya ang telepono at muli sanang susubukang tumawag nang isang mensahe ang natanggap niya, nang buksan niya ito ay doon lang niya nalamang bidyo pala iyon. Kuha iyon sa loob ng isang restawran. Doon ay nakita niya si Carlo na naka itim na ang suot ay tila napaka elegante, kasamang nakaupo sa tabi niya ang kanilang kambal, ngunit may isang babae na nakaupo sa tapat ni Carlo ang hindi familiar kay Thessa.
Trixie Domingo. Kung hindi siya nagkakamali ay siya ito. Ito lang naman ang babaeng nagbibigay liwanag sa madilim na mundo ni Carlo.
Isang romantikong hapunan para sa apat na tao, masayang salo-salo at mayroon pang mga maliliit na pailaw sa mesa ang mga ito ang siyang mas nagpatingkad sa ganda ng lugar, abot tenga naman ang ngiti ni Carlo ng tawagin si Trixie ni kenzo na ‘Tita Trixie’ kung titignan mo ay para silang isang masaya at kumpletong pamilya.
At sa bidyong iyon narinig niya ang kuryosong pagtatanong ng isa sa kambal niyang anak “Si Mommy po ba o Auntie Trixie?”
“Auntie Trixie, son.” Walang pasubiling sagot ng kanyang asawa na siyang ikinaguho ng mundo ni Thessa at pwg-akyat ng lamig sa kanyang sikmura. Napatakbo na lamang siya sa kusina papuntang banyo at ‘di napigilang mapasuka.
Pagkatapos ng limang taong kasal ay apat na taong gulang na rin ang mga anak nilang lalaki. At sa limang taong iyon ay kailanman hindi niya maramdaman ang pagiging kahinahunan at lambing sa kanya. Ngunit sa gabing ito ay nakita niyang ang lahat ng kanyang hinagangad ay nakita lamang niya sa ibang babae.
Nang gabing iyon, bumalik si Carlo kasama ang kanyang inaantok na anak. madilim ang villa kaya’t pagbukas ng mga ilaw ay napansin nitong may hindi nagalaw na pagkain sa hapag-kainan .
Kumunot ang ulo ni Carlo at dali-daling tinawagan si Thessa, habang konektado pa ang pagtawag nila biglang na lang itong nagalit at napatanong “Thessa, nasa puso mo paba ang pamilyang ito?”
Sa kabilang linya ay nakahiga si Thessa sa isang maliit at pang-isahang katre. Nanginginig ang katawan nito at namumutla ang mga labi. Halos hindi na siya makapagsalita sa kausap ngunit kailangan niya itong sagutin.
Kaya naman, humugot siya ng malalim na buntong-hininga at nagsalita. “Maghiwalay na tayo, Carlo.”
Pagkalipas ng dalawang taon si Thessa at ang kanyang anak ay naninirahan sa isang maliit na nayon na tinatawag nilang Barangay Payapa. Walang gaanong matataas na gusali o maiingay na sasakyan. Sa madaling salita, tahimik at payapa lamang ito at ang mga taong naninirahan dito.
Ngunit sa hindi inaasahan ay sinira ng biglaang napakalakas na ulan dulot ng bagyo ang kapayapaan nito.
Tinabihan na lamang ni Thessa ang anak sa pagtulog. Kakatulog pa lamang ng anak niya nang may narinig siyang isang tunog ng paradahan ng sasakyan sa labas ng bakuran, napakunot na lamang sa noo ng tumunog ang timbre. Napatingin siya sa bintana at nakita ang isang kotseng kulay itim na pahaba ang naka parada.
Ayaw ni Thessa ng gulo kaya pinatay niya ang maliit na ilaw sa lampara sa gilid ng kama at tahimik na tumugon sa mga tao sa ibaba.
Sa labas ng bakuran, nakita ng isang lalaki na nakapatay na lahat ng ilaw sa itaas, at kaya naman napatingin ulit sa sasakyan at pilit na pinipindot ang timbre sa bahay ng paulit-ulit.
Muling humiga si Thessa ngunit pilit nilang gustong magpumasok dahil sa ingay ng timbre, kaya naman kinuha ni Thessa ang telepono at e kinonekta sa tawag na may bigyong nakalagay sa kanilang bakuran
“Sige! Subukan mo kung hindi tatawag ako ng pulis!”
Narinig ng Sekretarya si thessa kaya humingi ito ng paumanhin dahil sa abala “Madam, hindi po kami masamang tao, ang boss ko po ay si Carlo Danville, kahit itanong niyo po sa kanya kahat pa magkanong pera wala pong problema!”
Carlo Danville?
Ang dati niyang asawa ang nasa labas?!
Dali-daling niyang ibinaba ang telepono upang puntahan ang anak dahil umiiyak na ito, at narinig ng tekretarya ang pag iyak at humingi ng pabor “Madam, may anak ka rin! Bibili lang kami ng gamot at hinding-hindi kana ulit namin iistorbuhin alam mo kung gaano ka delikado ang lagnat, tulungan mo naman kami.”
Naisip niya ang sariling anak. Ang sanggol na pinanganak niya. Ang batang dinala niya ng sampung buwan…
Kahit hindi siya mahal ng dalawang anak niya.
Naisip niyang ang lugar na iyon ay malayo para dalhin pa sa Hospital ang
bata, nasa labas pa ng bundok at dalawang oras na byahe.
Makalipas ang sampung minutong nakasilip si Thessa sa bintana ay nangunot naman ang noo ng sekretarya at saka nanlaki ang mata nito sa gulat “Ikaw ba iyan ma'am Thessa? Ang asawa ang aking boss!” Bigla ay nabuhayan ang sekretarya, marahil ay makakaligtas na sila ngayong ang asawa pala ng amo niya ang natagpuan nila. Ngunit kabaligtaran doon si Thessa. Ayaw niya silang makita rito. Kaya naman umalis siya mula sa pagkakasilip at mabilis na kinuha ang gamot. “Hindi niya ako asawa. Wala akong asawa.” Malamig na sinabi ni Thessa rito. “Kunin mo na iyang gamot at umalis na kayo rito.” At sa loob ng sasakyan sa dulong bahagi ay hindi parin maalis ang kanyang mga gwapong matang naka titig sa pigura ng babae sa ulan , ang kanyang mata ay madilim at nanlalabo.At sa loob ng sasakyan sa dulong bahagi, hawak-hawak ni Carlo ang anak na may lagnat, ang gwapong pares ng mga mata ay nakatitig sa pigura ng babae, ang mata nito ay madilim at nanlalabo. Marahil sa galit na nararamdaman. Masyadong
Binuhat ni Thessa ang kanyang Anak, at sabay halik pa nga sa mga magandang pisngi nito, tinignan ng may maamong mata sabay sabing “Anak, wag kang malikot , halika si mama nalang muna ang kalaro mo.”Kitang kita nalang ang pagiging malapit na mag Ina sa isat-isa.Kitang kita sa mata ng nakakatandang bata na si kerby ang pagka inggit habang ang nakababatang kapatid naman nito ay inalayo na lamang ang mukha sa kanila.Pagkatapos ng kanilang almusal, lumabas si Carlo kasama ang Sekretarya naghahanap pa nga ang mga ito ng paraan upang maka-alis na agad sa bahay na iyon kasama ang mga bata .Habang nasa labas sila, laking alala pa ni Thessa ang mga ilang minuto na pananatili ng mga Bata , iniisip niya parin ito kahit ilang taon silang hindi nagkita at kahit hindi siya mahal ng mga Bata , Anak pa rin ang tingin niya sa mga ito .Kaya lang… Napa simangot na lamang si Thessa dala pa ng mas lalong pananakit sa pakiramdam, ng pagtingin niya sa labas ay tila malakas pa rin ang bagyo at ulan hind
Ang batang si Bella ay lumapit kay Kenzo at dahan- dahan itong tinapik nang kanyang mga maliliit na kamay ang kanyang balikat. “Kuya, wag kang umiyak.” Si Kenzo ay dahang-dahang napa suyo ng kanyang maliit na Kapatid, “ ngunit hindi ako ang iyong Kapatid.” Batid niya pang pasabi ng mahinhin kay Bella.Napaisip na lamang na kahit ang masamang Babae ay hindi siya nakikilala. Napalingon na lamang ang Batang si Bella , dahil sa mga salita ni Kenzo na tila di maintindihan nang bata, kinuha na lamang nito ang isang garapon na lagayan ng kendi at hinanap ang kanyang Ina. “Nay, gusto ko ng kendi.” Hinawakan ni Thessa ang kanyang ulo at binigyan nga ito ng isa. “Ibigay mo kay kuya” Ang kendi na iyon ay paboritong paborito ng batang si Bella, at sa araw-araw na humihingi iyon ay isa lamang ang kanyang binibigay, para sa kanya ito ang pinaka magandang bagay kailanman.Nang makitang ibinigay niya ito kay Kerby , si Thessa ay napatigil saglit sa di inaasahang ganoon kabilis ang kanyang anak
Nang makita ang pag aatubili ni Kenzo, nakaramdam ng maayos na paghinga si Thessa, at gusto pa nga itong umalis kasama ang anak niyang babae na naka kapit sa kanyang mga bisig. Ang anak naman niyang si Kerby na nasa likuran, ay tila puno rin ito ng pag-aatubili .Palihim niyang sinulyapan si Thessa, gusto nitong magsalita ngunit hindi ito nangahas na ibinaba ang kanyang ulo sa pagka dismaya “ate behave?” Nakita naman iyon ni Carlo mula sa titig ng kanyang Anak sa pag-aatubili nito, kayat naisipan niya tawagin si Thessa at ng makausap niya ito. “Thessa, maari ba muna tayong mag usap.”Umiling si Thessa at daling tumanggi sa gusto niya. “Walang dapat pag-usapan! Maaaring maya-maya lang ay nariyan na ang asawa ko, kaya kung maaari ay makakaalis na kayo. Nagsitaasan ang mga kilay ni Carlo at napalingon na lamang ang kanyang mga mukha habang naka titig sa malamig na ekspresyon nito, ang mga nanlabasan na salita ay tila ba kasing talas pa nang isang espada na siyang ikinagalit nito.“Th
Gayumpaman, ang mga pinto sa silid ay hindi gaanong nakasara ng mahigpit , kayat sa akyat palang niya ay kita niya na ang dalawang maliit na Bata na nakahiga sa pamamagitan ng madilim na ilaw sa koridor. Ang dalawang bata ay nakatulog sa silid sa na inihanda ni Thessa para sana sa kanyang anak na si Bella, bagama't malaki naman ang kwarto nito, at nagkasya naman sila at nakatulog pa ng mahimbing. Sa tapat ng silid ng mga bata ay naroon din ang kwarto ni Thessa na hindi rin gaanong nakasara. Sa pag aakalang si Thessa ay nakapag asawang muli at nagka anak sila ng babae,‘’pasulyap nga na tingin ni Carlo , nakakuyom na lamang sa kanyang mga kamay at umalis nalang ito nang tila malungkot ang mukha. Kinaumagahan..Si Thessa ay hindi gaanong nakatulog at dahil mahimbing pa ang tulog ng anak nitong si Bella, ay nais niya munang bumaba upang maka inom muna ng mainit na kape. Upang maka baba at makapag kape ng maayos si Thessa, binuksan na lamang neto ang monitor bidyo na konektado sa ka
Makalipas ang dalawang taon, naisip ni Thessa na hindi na kailanman sasakit pa ang kanyang puso.Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay ganun parin, bawat salita na lumalabas mula sa kanyang labi ay kasing sakit parin nang isang karayom na nakatusok at tagos kanyang dibdib.“Wala na tayo, at ikinasal na akong muli.” Pakiusap respetuhin mo naman ang iyong sarili. Walang pagsubaling boses ni Thessa mula sa Ex nitong si Carlo at itinulak ito habang papa akyat na ito ng hagdanan.Muling hinawakan ni Carlo ang pulso ni Thessa at hinila ito pabalik sa kanya: “Sino ang lalaking iyon, upang maisip mong e abandona na lamang ang iyong Asawa at Anak?” Galit na tanong ito ni mula kay Thessa.Agad namang itinanggal ni Thessa ang mga kamay ni Carlo na nakapulupot sa kanya, at sinabi ang bawat salita. “Gusto mong malaman? Siya lamang ay isang Tao na isang daang beses, isang libong beses at sampung libong beses ang mas mahusay pa kaysa sayo!” Galit at agad na umalis si Thessa paakyat ng hagdan, n
Magalang na tumahimik lamang ito.“ Thessa, nakita kung si Bella ay mahimbing pa ang tulog, at saka malapit lamang ang ang aking bahay kaya makakabalik lamang ako agad, upang kunin lamang ang aking mga sinampay na damit, kaya ako napabalik ng biglaan. Pagpapaliwanag ni Manang Aurora sa amo nito na si Thessa.“Si Bella ay okay na ngayon. Kapag abala sa bukid sa nayon sa pagtatrabaho, ang mga Bata ay na nanatili lamang sa bahay nang mag-isa, at walang halos nangyari buong taon, papano na ang isang batang sanggol na Babae ay naging maselan? Hindi sya Lalake.” usal ni Thessa At sa puntong iyon, si Manang Aurora muling inituwid ang kanyang likod.“Ang tatay ni Bella ay gumagawa lamang nang gulo, wala kang alam, sinisisi niya lamang ako, ilang buwan na akong nagtatrabaho sa bahay niyo at kailanman hindi pa ako napagkamalan ng ganito. Thessa, meron ka para bigyan ako ng kompensasyon.” Pagtatampong boses nang Tiyahin mula kay Thessa.Si Thessa ay tumingin sa Tiyahin at nanh lamig ang kanyang
Ang Batang si Bella ay nasugatan.Nang marinig naman ng mga tao ang isang tunog mula sa nayon agad sila na lumabas upang tingnan at makahagip ng chismis kung ano iyon.“Tiya, nakiusap ako sayo na bantayan muna ang aking anak pansamantala dahil mayroon lamang akong gagamuting mga matatanda sa nayon, ngunit kinuha mo lang ang pera mula saakin at bumalik pauwi sa inyong bahay!” Galit na usal ni Thessa sa kanyang tiyahin nito.Gayon pa man, tinignan ni Thessa ang mga taong nasa labas na nakikipag chismis, “Iingatan ko ang aking anak kahit ilan pamang hakbang ang aking hahamakin para sa kinabukasan niya, at simula ngayon, lahat ng may dinaramdam na sakit, pumunta agad sa nayon upang maagapan at mabigyan ng lunas.”Wika ni Thessa sa mga taong naroon, at ipinaliwanag niya rin ang mga rason kung bakit wala na siyang nakikita pang doktor.Noong araw na iyon agad namang kumalat ang balita sa nayon ang tungkol sa Tiyahin nitong si Thessa na kumuha lamang ito ng pera at walang magandang ginawa ku
“Mark Dee Roa?” Naguguluhang tumingin si Thessa sa kanya. Bakit niya muling binanggit ang pangalan ng lalaking ito? Ika niya sa sarili.“Hindi ko na siya nakita mula ng pakasalan kita.” malamig na sinabi ni Thessa habang masama ang tingin sa kanya.Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Carlo, at isang madilim na liwanag ang sumilay sa kanyang mga mata.May malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng nakikita niya at sa paliwanag ni Thessa.Isa sa kanila ang nagsisinungaling.“Narito ka lang ba para akusahan ako sa isang bagay na nangyari matagal na taon ng nakalipas?” matigas na usal ni Thessa.Medyo naguguluhan siya dahil sa iskandalo at sa biglaan nitong pagdating, ngunit ngayon ay napagtanto na niya ang layunin nito.Nag-aalangan siyang tumingin at puno ng depensa sa sarili habang sinasabi, “Carlo, hindi mo ba gagamitin ang pagkakataong ito para humingi ng pabor para kay Trixie?” aniya.Natigilan ng ilang sandali ang lalaki.“Gusto ko lang malaman ang totoong dahilan kung bakit tayo naghiwal
Nanatili paring nakaupo sa likuran ng kotse ang lalaki, matikas at pino ang anyo, tulad ng isang marangal na prinsipe na naglalakad palabas mula sa isang sinaunang pintura.Hinaplos ni Carlo ang kanyang mga mata, bahagyang nakapikit, at sumulyap kay Thessa sa pagitan ng di-saradong pinto ng sasakyan. Isang madilim, nakakaakit na titig ang sumalubong sa kanya, na siyang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.Dahan-dahan at maingat na bumaba si Carlo sa sasakyan. Ang maikling pagtulog sa loob ng kotse ay nagpapagaan ng kanyang tensyon, at bumalik sa katinuan ang kanyang pag-iisip.Sinundan niya si Thessa pabalik sa silid nito. Naroon sina Kenzo, Kerby at Bella, at sabay-sabay na ngumiti ng agad siyang makita.Parang mga sisiw na nagmamadaling tumakbo palapit sa kanilang ama. “Tay, namiss ka namin ng sobra.” masiglang wika ng dalawang kambal.Marahan niyang hinimas ang ulo ng kanyang dalawang anak at malambing niyang sinabi, “Namiss din kayo ni Tatay.” “Maglaro muna kayo kasama ang kapati
“Isa pang sekretarya?” Napailing si Thessa. May halong pagdududa sa kanyang boses habang binabanggit ang salitang “sekretarya.” Parang hindi kapani-paniwala ang narinig niya.Ngunit may isang bagay na tiyak, ay mayroong pagitan sa sekretarya at sa lalaking nasa harap niya, mas pinagkatiwalaan ni Carlo ang sekretarya, kahit na ibinigay na nito sa kanya ang ebidensya.Isang mahinang paghinga ang pinakawalan ni Thessa.Amoy na amoy niya ang isang jasmine na pabango sa lalaki.Isang pag-unawa ang sumibol sa kanyang puso, “Babaeng Sekretarya?” ani Thessa.Para kay Thessa, ang katahimikan ng lalaki ang naging pinakamagandang kasagutan.Sa sobrang tapang ng pabango, nanatili ito sa kanyang suot na damit. Ang lapit ng kanilang relasyon, marahil sila lang ang nakakaalam. Malamig ang mukha ni Thessa nang sabihin niya: “Bitawan mo.”Agad na sumugod ang mga bodyguards ni Thessa, sinundan ng mga bodyguards ng pamilyang Davilla. Kinabahan si Dylan, natatakot na magkaroon ng alitan ang dalawa. “M
Pero ang hindi makatulog? Anong klaseng dahilan ang meron siya. Bahagyang kumunot ang sentido ni Carlo dahil nga sa matagal na panahon na rin itong hindi nakakatulog ng maayos.Matagal na siyang nahihirapang matulog. Mula ng ikinasal siya kay Thessa, ay marami ang ang nagbago sa sitwasyon niya, mismo siya ay hindi niya maipaliwanag.Matapos ang diborsyo, bumalik ang problema niya sa pananakit ng ulo. Tiniis niya ang lahat.Upang siya'y makatulog, kinakailangan pa niyang uminom ng gamot.Yun lang inaasahan niya. At habang tumatagal, palaki ng palaki ang dosis na gamot ang iniinom niya. Matagal na rin siyang pinayuhan ng kanyang doktor na itigil muna ang pag inom ng mga gamot na pangpatulog, ngunit hindi niya magawa. Hanggang sa… muli niyang nakita si Thessa.Napagtanto niyang sa tuwing nasa tabi niya ang babae ay hindi na niya kailangan uminom pa ng gamot. Kusang nawawala ang insomnia niya.Matapos matikman ang sarap ng isang napakagandang tulog, nagkaroon pa ng ideya ng kasakiman
Isang mainit na usapin na naman ang nag viral!Ang mainit na usapin sa paliparan tungkol kay Carlo, ang presidente ng Davilla's Group, na nagdadala ng bagong bituin na si Trixie Domingo sa ibang bansa para sa “pagpapagaling” ay mabilis na umakyat sa listahan sa industriya ng entertainment.Nang makita ni Thessa ang balita, nasa pinakasikat na ospital ng plastic surgery sa Villa Venezuela ang dalawa. Si Trixie ay nakasuot ng sumbrero, maskara, at salaming pang-araw, walang kahit isang pulgada ng balat niya ang nakalantad, mahigpit itong pinoprotektahan ng mga tauhan ng pamilyang Davilla.Si Carlo ay talagang gumastos ng napakalaking halaga na pera para mag hire ng isang medikal team para paglingkuran ng buong oras si Trixie. Para lang magamot ng mga peklat at sugat sa mukha nito.Pinag-uusapan din sa balita kung gaano kaalaga si Carlo kay Trixie. Sinamahan niya ang babae sa byahe, at namalagi ng buong magdamag sa ospital, para samahan at pakalmahin ito sa labis na pagdadalamhati.Naii
“Hindi ako mataba, Tito Jul.” sabi ni Bella ng nakanguso.Julius: “...” Napabuntong hininga na lang siya.Ang bibig ng munting bata na ito ay tulad ng kanyang ina. Bata pa lamang siya ngunit iba siya kung mag-isip. Kahit na siya'y naagrabyado ay ayaw niyang kumain, ipaghihiganti niya ito agad.“Si Tito Julius ‘yan, hindi naman mataba ang ating Bella.” binuhat ni Julius ang munting bata at inikot, ang kanyang mga tawa na parang tunog ng kampanilya ay nagbigay ng saya sa paligid, na parang isang masayang musika na nagpapagaan sa kanilang puso.Hawak si Bella, lumapit si Julius kay Carlo. Masiglang ipinakita ang kanyang mapuputing mga ngipin, at nagpakilala na parang iyon ang unang pagkakataon ng kanilang pagkikita.“Magandang bati Mr. Carlo. Ako po pala si Julius Diaz, kapatid ni Thessa sa ama, pero para na rin kaming magkapatid sa ina, at tito ako ni Bella.” sabi ni Julius ng nakangiti.Para mas maging tiyak.Ang munting batang si Bella ay may pito o walong Tito, at tatlo o apat na Tit
“Matagal na panahon na rin pala tayong hindi nagkita.” malumanay na boses ni Mark.Nagising na pala si Mark Dee Roa. Ang boses niya ay bahagyang namamaos pa, at nang tumingin siya kay Thessa, ang kanyang mga mata ay puno ng gulat. Mayroong isang hindi mababakas na kislap sa kanyang mga mata, isang liwanag na hindi niya makita-kita.Noon, kilala siya sa kanyang malamig at walang pakialam na ugali. Ngunit ngayon, ang ngiting ibinigay niya kay Thessa ay malumanay, may bahid ng lambing. Maputla ang kanyang mukha, halatang nanghihina pa dahil kakagaling lang sa matinding karamdaman.Nagulat si Thessa ng makita ang lalaking si Mark, parang tumigil ang mundo niya ng ilang sandali. Ngunit agad din siyang nakabawi, ang kanyang mga mata ay nagniningning na para bang handa na anumang susunod na mangyayari.Habang hawak ang piring sa kanyang mga palad, nagbigay ng malapad na ngiti si Thessa sa lalaki, “Matagal na panahon din hindi tayo nagkita Mr. Roa.” ani Thessa.Halata ang pagkagulat sa mga m
Walang pagaalinlangan sabay silang nag-alok ng proteksyon sa bata.Sa wakas…Si Thessa ay napayakap sa katawan ni Kenzo.Pareho silang mahigpit na yakap ni Carlo.Halatang-halata ang pagka panic sa mukha ng tatlo.Tinatapik-tapik ni Thessa ang likod ng kanyang anak habang pinapatahan niya ito, “Huwag kang matakot, Kenzo, ayos lang, nasalo ka naman ni Nanay.” kalmadong boses ni Thessa.Sa sobrang pag-aalala ni Thessa, hindi namalayan ni Thessa na nakayakap rin pala siya sa lalaki.Naramdaman niyang tumigas ang kanyang tagiliran. Nabitawan na pala siya ni Carlo, at ibinaba na nito ang kanyang tingin para tingnan si Kenzo na nasa kanyang bisig.Nasaksihan din nila Kerby at Bella ang nakakapangilabot na pangyayari. Agad silang tumakbo patungo kay Kenzo, habang ang kanilang mga mukha ay puno ng pag-aalala.Tumitig ang dalawa, ang kanilang mga mata’y naglalakbay sa pagitan nina Thessa at Carlo. Ang pakiramdam ng pagkakahawak sa kanilang mga bisig ng sabay-sabay ay nagpalipas ng takot na nana
Ang mga salita ni Julius ay parang isang mahiwagang bulong. Patuloy na umuugong sa mga tenga ni Carlo hanggang sa makarating siya pabalik ng ward, nakita niya si Thessa na maingat na nag-aalaga sa dalawang bata, at kumakain ng almusal.Nang dumating ang babaeng katulong, bitbit ang munting si Bella, si Carlo ay nakatayo lamang sa may pintuan ng ward, nakatingin sa dalawang bata, at sa isang batang maliit, na may malalim at madilim na tingin.“Bella!” masayang sigaw ng dalawang magkakapatid ng makita nila ang babaeng kapatid.Dali-daling bumaba si Bella mula sa bisig ng babaeng katulog at naglibot sa lalaking nakatayo sa pinto, mabilis siyang tumakbo patungo sa kanyang dalawang kapatid at niyakap ng mahigpit ang kanyang ina, nagpupunyagi na nakasandal sa kanyang ina.“Nay, buhatin mo po ako.” masiglang wika ng munting bata. Binuhat ni Thessa ang kanyang anak, hinayaan niyang sumandal ang maliit nitong katawan sa kanyang kandungan. Hawak-hawak parin ng maliit na bata ang isang bote ng