Home / Romance / Unexpected Wife of a Billionaire / 4. Pagtakas sa kanyang madrasta

Share

4. Pagtakas sa kanyang madrasta

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2024-08-19 08:50:34

Danica

ILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya.

Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS!

Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon.

“Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!”

“Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone.

“Dapat, makaganti ako sa kanya, mommy!” reklamo pa ni Ingrid, “wala na namang magagawa si daddy kapag kinalbo ko siya!”

“Oo, anak.. makakaganti ka dun, hihintayin lang natin siya dito. Ipark niyo sa malayo ang mga sasakyan para hindi niya alam na naririto tayo,” utos nito sa mga anak.

Malikot ang mata ni Jalen, napatingin iyon sa dako niya, nangunot ang noo nito, “wait lang ma..” kumabog ang kanyang dibdib ng mapansin ang paa nito na papalapit sa kinaroroonan niya.

Napapikit siya ng mariin, wala na siyang maaaring takbuhan. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. “Ma.. tulungan mo ko,” dasal niya sa ina.

“Ma’am, ano pong ginagawa niyo diyan?” napamulagat siya sa tinig na iyon. Walang tao sa kanyang harapan, ngunit may ibang boses siyang naririnig.

“Bakit ho kayo pumasok diyan? kay Miss Danica po yang bahay!” napasilip siya sa kinaroroonan ng tinig, mga guard iyon ng subdivision, “may nagreklamo ho na may naninira daw ng pinto ng bahay, kaya nagmamadali kaming pumunta dito.”

Nakahinga siya ng maluwag ng makitang pati si Jalen ay naroon na, kasama ng ina at kapatid.

“Anak ko ang nakatira dito, chief..” nakangiting sabi ni Rodora, “nagkatampuhan kasi kami, kaya namin siya hinahanap, naglayas kasi siya.” alanganin ang ngiti ng kanyang madrasta, tila ba kinakabahan sa nangyayari.

“Kahit na ho ma’am. Hindi na ho teenager ang anak niyo, kaya hindi niyo na dapat sinasaklawan ang pansarili niyang buhay,” magalang na tugon ng mga gwardiya. “Saka may katunayan ho ba kayong anak niyo siya?”

Hindi nakapagsalita ang mga ito, kaya dinaan na naman nila sa pagsusungit. Mahilig sa away ang pamilyang ito.

“Ano bang pakialam mo ha? guwardiya ka lang naman dito, kapamilya kami ah,” mataray na sagot ni Ingrid dito, “kaya gagawin namin, kung ano ang gusto namin!”

“Ma’am, mukhang nagkakamali ho kayo, kung gusto niyo, ireport niyo sa pulis ang pagkawala ni ma’am Danica, pero wala ho kayong karapatan, na sirain ang bahay niya.” sagot ng guwardiya dito, “ngayon ho, kung ipagpipilitan niyo pa rin ang gusto niyo, tatawag na ho kami ng pulis..”

“Hmp! tara na nga mga anak, at baka ma- stroke pa ang hayop na to pagpapaalis sa atin!” nagmamartsang umalis ang mga ito at nagsisakay sa mga kotse.

“Sundan mo brad, hanggang makalabas ng subdivision, itanong mo doon kung paano nakapasok,” utos ng isang guwardiya sa kasama nito.

“Sige,” sinundan nito ang mga sasakyan ng mag- iina. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na niya matanaw ang mga ito, doon pa lang niya naisipang lumabas.

Nagulat pa ang guwardiya pagkakita sa kanya, agad siyang nilapitan nito, “Ma’am Danica, andiyan ho pala kayo..”

“Oho.. kanina pa. Buti na lang at dumating kayo. Masasama talaga ang ugali ng mga yun,” ipinagpag niya ang kanyang tuhod na nadumihan.

“Nanay niyo ba yun?” tanong nito na sinabayan siya sa paglakad.

“Hindi ho, patay na ho ang mama ko,” nakita niya ang hitsura ng kanyang door knob, pinukpok iyon ng matigas na bagay.

“Sino ho yun?” nagulat pa ito, “una pa lang ho, hindi na ako maniwalang yun ang mama niyo, at mga lapatid niyo ang kasama niya, ang sagwa ho ng hitsura eh,” biro pa nito.

“Salamat talaga kuya. Buti may nakapagsabi agad sa inyo. Ayoko na kasing umuwi doon, lalo na kapag nakikita ko sila. May ipapakiusap ho sana ako sa inyo.”

“Ano ho yun ma’am?” tanong nito sa kanya.

“Aalis ho ako, pasilip silip na lang po nitong bahay ko. Ipapaayos ko ho ang aking door knob at iiwanan ko sa inyo ang susi. Wala pa naman ho akong gamit diyan. Lalagyan ko ho iyan ng for sale, kapag may nakuha kayong buyer, bibigyan ko kayo ng kumisyon,” wika niya dito.

“Aalis na ho kayo dito, ma’am?” tanong nito, “bakit naman ho?”

“Alam na nila kung nasaan ho ako. Ayoko na matunton pa nila akong muli. Lalayo na lang po ako,” nakangiti niyang sagot, “sana ho, pumayag kayo.”

“Oho naman.. marami hong nag iinquire sa bahay niyo ma’am, akala nila walang nakatira. Madali po iyang mabibenta dahil ready to occupy na,” sagot nito.

ANG hindi niya napaghandaan, ay ang mga susunod na pangyayari. Pumunta siyang convenient store upang bumili, at doon pala siya inabangan ng mag- iina.

“Akala mo ba, makakatakas ka sa amin?” hinawakan siya ni Jalen sa kabilang braso, mahigpit iyon.

“Makakalbo kita ngayon!” mala demonyo naman ang hitsura ni Ingrid.

“Bitiwan niyo ko!” sigaw niya sa mga ito habang kinakaladkad siya palabas ng convenient store.

“Wag ka ng pumalag.. mommy! buksan mo na ang pinto!” sigaw ni Jalen sa ina na nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

“Tulong!! tulungan niyo ko, kinikidnap nila ako!” sigaw niya, na umagaw ng atensiyon ng mga naroroon, “tulungan niyo po ako!!”

“Wag kang maingay, p*****a ka!” sinabunutan siya ni Ingrid. Nakakaagaw na sila ng atensiyon ng mga naroroon. “Peste ka, kakalbuhin talaga kita!”

“Wag kayong maniwala dito, baliw to, kapatid namin to,” awat ni Jalen sa mga taong naroroon, na mukhang naghahanda na para tulungan siya. “Kailangan na namin siyang dalahin sa mental hospital.”

“Hindi ko sila kilala, please!! gusto nila akong patayin!” sigaw pa rin niya, “tulungan niyo ko!!”

“Bitiwan mo siya!” sigaw ng isang babaeng naroroon, pati mga lalaki, nagsilapitan na rin. “May baliw bang ganyan ang hitsura? Tumawag kayo ng pulis!!”

Nakalikha sila ng komosyon, at napalibutan sila ng mga tao. Nahintakutan ang mag iina sa nangyayari.

“Peste ka talaga, Danica, anong ginagawa mo?” gigil na tanong ni Rodora sa kanya.

“Bitawan niyo siya!” hinila siya ng mga taong nakapaligid sa kanila, palayo sa mag- iina.

“Salamat ho.. salamat! kailangan ko lang hong puntahan ang tatay kong may sakit, kayo na ho ang bahala sa kanila,” pakiusap niya sa mga naroroon.

“Sige, ineng, mag iingat ka. Mukhang galit na galit sayo ang mag iinang ito ah. Kapatid mo ba sila?” Tanong ng babaeng humila sa kanya.

“Naku, hindi ho..

“Bumalik ka, Danica!! Danica!!” sigaw ng mag iina sa kanya.

Bago siya tuluyang umalis, inilabas niya ang kamay, at binigyan ang mga ito, ng isang matigas na middle finger. Kita niya sa mukha nina Jalen ang labis na takot, dahil kinuyog na sila ng mga taong naroroon.

“Deserve!” natatawa niyang sabi habang pinupukpok ang manibela sa sobrang kaligayahan niyang nadarama.

Related chapters

  • Unexpected Wife of a Billionaire   5. Positive..

    Two months later.. UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay. Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo.. “No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya. Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values. Sa loob ng d

    Last Updated : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   6. Meeting my baby's dad

    “Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siy

    Last Updated : 2024-08-23
  • Unexpected Wife of a Billionaire   7. Pag amin niya sa kaibigan

    “You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?” “Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singho

    Last Updated : 2024-08-23
  • Unexpected Wife of a Billionaire   8. Mga inggitera!

    Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”

    Last Updated : 2024-08-24
  • Unexpected Wife of a Billionaire   9. Stranded sa elevator

    “Ehem..” tikhim ni Ronnel, sa babaeng nasa harapan ng pinto ng elevator upang makuha ang atensiyon nito. Agad namang nag angat ng paningin ang babae, at gulat na gulat ng makita sila. Hindi ito makakilos mula sa kinatatayuan nito. “Ano? sasabay ka ba? o tititigan mo lang kami?” tanong niya dito, sabay tingin sa kanyang relo. “Sorry po sir, pasensiya na po,” nagmamadali itong pumasok sa loob, at nakayukong tumayo sa bandang gilid niya. Subalit bigla itong na-out of balance ng bumulusok ang elevator pababa. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. “Mukhang nagka malfunction ang elevator sir,” sabi ni Ronnel sa kanya. Nagpatay sindi ang ilaw nito, saka nag stock sila sa floor na iyon. Sinubukang buksan ni Ronnel ang pinto, nasa half sla ng isang floor. “Anong floor ito?” wala man lang kahit anong pag aalala sa tinig ni Jethro. Samantalang si Danica, ay nakayakap pa rin dito. Bigla ang naging paglayo niya dito, at bahagya niya pa itong naitulak, “so-sorry sir..” “Nasa 7th floor at

    Last Updated : 2024-08-25
  • Unexpected Wife of a Billionaire   10. Unang mapikon, talo!

    Nangunot ang noo ni Jethro sa isinagot sa kanya ni Danica. Nakatitig siya dito ng bigla itong tumayo. “Bakit?” Pabalik niyang tanong sa babae, saka tumayo, “anong bakit?” “Bakit kayo malapit sakin? Bakit hindi ko man lang namalayan na nandiyan kayo?” Inaayos ni Danica ang kanyang sarili. Bigla siyang natawa sa reaksiyon nito, “umuungol ka, kaya kita nilapitan. Hindi mo ba alam na nakatulog ka? Look,” itinuro niya dito ang basang sahig, “laway mo yan, kung hindi mo alam.” “Na-makatulog ako?” Parang hindi makapaniwala si Danica na nakatulog siya, “paano mangyayari iyon eh parang kakaupo ko pa lang?” “Halos 30 minutes ka ng nakaupo diyan. Ano bang nangyayari sayo?” Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito, “kaya mong matulog ng nakaupo? Huh, very talented!” Namula ang pisngi nito. Hindi makahagilap ng maisasagot sa kanya. Marahil, hindi nito akalaing makakatulog ito sa ganoong posisyon. Pinunasan pa ni Danica ang kanyang labi. “Ang tagal naman magawa ng el

    Last Updated : 2024-08-26
  • Unexpected Wife of a Billionaire   11. Sir Antipatiko

    Nagkita ng liwanag si Danica. Pilit iminumulat ng kanyang sarili ang kanyang mga mata. Sinisilaw niyon ang kanyang buong mukha. 'Lord.. nasa langit na ba ako?' tanong niya sa sarili, habang pilit itinataas ang kanyang kaliwang kamay. May nahawakan siya sa kaliwanagan. "Lord.. ikaw na ba yan?" tanong niya. "Alam kong may kagwapuhan ako, pero hindi ko akalaing Diyos ang tingin mo sa akin," tinig iyon ng isang taong pakiramdam niya ay galing sa impiyerno. Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakahiga siya at nakaunan sa hita ng lalaki. Ang walang kangiti ngiting mukha nito ang sumalubong sa kanya. Parang sili sa pula ang kanyang mga pisngi. HIndi niya alam kung saan niya ililingon ang mukha, kaya naisipan na lang niyang bumangon. "Damn!" malakas ang tinig nito, dahil sa sakit na naramdaman sa pagkakauntog niya sa noo ni Jethro, 'wala ka na bang ibang hatid kundi kamalasan? may balat ka ba sa pwet? para ka kasing delubyo!" asik pa nito sa kanya habang hawak ang noong namu

    Last Updated : 2024-08-29
  • Unexpected Wife of a Billionaire   12. Ang 'junjun' sa CR

    "Ronnel!" tawag ni Jethro sa kanyang assistant. "Yes sir?" pumasok ito sa opisina niya. "May iuutos po ba kayo?" "May ipapagawa ako sayo," sabi niya dito. Lumapit si Ronnel sa kanya, "ano po yun sir?" "Ito," iniabot n iya ang isang folder dito, "gusto kong alamin mo, kung sino ang babaeng iyan." "Si-sir? si Miss Salvador po ito hindi ba?" napatitig ito sa folder na iniabot niya. "Yes, bakit?" nagsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. "Bakit po natin aalamin kung sino siya? eh hindi pa naman po natin ito nagagawa kahit kailan, hindi po ba?" tanong nito sa kanya. "Halika dito Ronnel," tawag niya sa kanyang assistangt. "Bakit po sir?" "Sabi ko, alamin mo kung sino siya, meaning, lahat ng tungkol sa kanya, sinabi ko bang magtanong ka sakin at questionin kung ano ang ipinapagawa ko sayo?" "Hindi sir." "Yun naman pala, ngayon, alamin mo ang tungkol sa babaeng iyan, lahat! ayoko ng magtatanong ka pa, naintindihan mo ba?" "Okay sir. Ngayon na ba?" "Ikaw, kailan mo ba gustong

    Last Updated : 2024-08-29

Latest chapter

  • Unexpected Wife of a Billionaire   93. Pagkawala ng mag iina

    "Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita

  • Unexpected Wife of a Billionaire   92. Taksil

    Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t

  • Unexpected Wife of a Billionaire   91. Sugurin!

    Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si

  • Unexpected Wife of a Billionaire   90. Pamamaalam

    "Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan

  • Unexpected Wife of a Billionaire   89.Pinili si Lovely

    Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro

  • Unexpected Wife of a Billionaire   88. Nasaan na si Danica

    Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,

  • Unexpected Wife of a Billionaire   87. Nagkasakit din si Jethro

    Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag

  • Unexpected Wife of a Billionaire   86. May sakit si Danica

    Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun

  • Unexpected Wife of a Billionaire   85. Pagdating ng ina ni Lovely

    "Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status