“Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan.
Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siya ng boss nila na may kinakalantari siyang kliyente? Hindi pa rin maalis sa kanyang dibdib ang mga katagang sinabi nito sa kanya. Naaalala pa niya nang sabihin niya dito, na ito ang tatay ng kanyang dinadala. “Miss, kung sino mang Poncio Pilato ang nagsabi sayo kung sino ako at kung gaano ako kayaman, magaling siyang tsismoso! Pero hindi ako umaako ng mga bagay na hindi akin, at hindi ko inaangkin ang mga hindi ko pag aari! Magaling ka, at nahanap mo ako dito, sa layo ng Maynila, napadpad ka pa talaga dito sa Davao? Wag mong sabihing nagkataon lang din yan? Pinagplanuhan mo ang lahat, aminin mo na!” inaalipusta siya ng lalaking ito, mula ulo, hanggang paa. “Ako pa talaga ang tinarget mo!” “Wala akong paki, sa kung ano ang iniisip niyo. Tanggalin niyo ako sa trabaho, kung gusto niyo, pero hindi niyo maaaring yurakan ang pagkatao ko! Kung naaalala niyo, inilabas niyo lahat ng binhi mula sa pantog niyo, sa akin! Sa loob! Enjoy na enjoy pa nga kayo, hindi ba?” sumambulat na sa lalaki ang kinikimkim niyang inis. Pinag iisipan pa siya nito ng masama, “makakakuha pa ako ng trabaho, maliban dito sa kumpanya niyo! Hindi lang kayo ang mga negosyante sa mundo.” “Saka sa palagay niyo, ginusto ko bang may mangyari sa atin ,ha? Kung tutuusin nga, pinagsamantalahan niyo ako eh! Lasing ako nung galawin niyo ako. Kung pera niyo ang habol ko, sana, matagal ko na kayong hinanap!” “Paano mo nga ako hahanapin, eh hindi mo naman ako kilala?” ngumisi pa si Jethro sa kanya, “kung ako sayo, titigilan ko na ang pagpapantasya ko, na makabingwit ng tulad ko. Dahil kahit sa panaginip mo, hindi mangyayari yun!” “Kung kayo din lang naman ang magiging lalaki sa buhay ko, hindi bale na lang! Wala akong planong makipagrelasyon, sa gaya niyong demonyo!” “At anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? Ang lakas ng loob mo ah,” dinuro siya ng lalaki, “sino ka? You're nothing!” “Eh di iterminate niyo ko! Wala akong paki! Sagwa ng ugali niyo, akala mo naman, kagwapuhan!” tinalikuran niya ito at nagmartsa siya palabas ng opisina nito. “Danica! Bumalik ka! Wala pang taong–” tawag ni Jethro kay Danica, subalit nagulat pa siya ng pasalyang isara ng babae ang pinto. “Bwesit na yun!” “Danica?” inalog pa ni Siren ang kanyang balikat, okay ka lang ba?” nag aalala ang hitsura ng kanyang kaibigan, “kanina ka pa namin kinakausap, natulala ka na diyan.” “Ah– eh– wa- wala, may naalala lang ako,” alanganin ang ibinigay niyang ngiti sa mag ito, “pagod lang ako..” “Masyado ka kasi kung magtrabaho, hindi naman ipapamana sayo ang kumpanya ni sir,” natatawa pa si Vohn habang papalayo sa kanila,”magpahinga ka rin kasi, masyado mo ng ginagalingan.” “Okay ka lang ba?” nilapitan ulit siya ni Siren, “May sinabi bang hindi maganda sayo si sir?” “Wa-wala naman hahaha, ano namang sasabihin niya sa akin, hindi naman kami magkakilala..” nakangiti niyang sagot sa kaibigan. Subalit ang ngiting iyon ay halatang fake, mapagpanggap. Marahil ay ayaw na lang siyang kulitin ng kaibigan, kaya nanahimik na lang ito. Ngunit ramdam niya sa sulok ng kanyang mga mata, na pinapanood nito ang bawat kilos niya. Hanggang matapos ang kanilang trabaho, wala ng nangahas na magtanong pa sa kanya, kung ano ang napag usapan nila ng kanilang boss. Hihintayin na lang niyang iterminate siya nito, o bigyan ng isa pang chance. Hindi naman maglalaon, ay mahahalata din ng mga taga doon sa opisina nila ang kanyang tiyan, kaya pagsapit ng apat na buwan, at wala pang ibinababang memo sa kanya ang mga ito, kusa na siyang magreresign. “Tuloy ba tayo ngayon? Inom naman tayo,” sabi ni Siren sa kanila, habang naglalakad at nakahawak sa kanyang braso, “pwede ba kayo?” “Ako, pwede”, sabi ni Vohn, ikaw Ian?” “Pwede rin ako, binata eh..” inilabas pa nito ang kanyang malalaking mussle at ipinakita iyon sa kanilang tatlo. “Ikaw, Danica?” “Ha? Ah–eh- pass muna ako ngayon,” humugot siya sa kanyang bag ng pera, “ito ang pera, pasensiya na kayo at hindi ako makakasama ngayon.” Inilagay niya iyon sa kamay ni Siren. “Ha? Bakit naman? Hindi ka naman tumatanggi noon ah? Saka kahit hindi ka ulit uminom, basta naroroon ka lang,” oangungumbinsi pa nito sa kanya. “Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko, Siren. Pakiramdam ko, lalagnatin ako,” pagdadahilan niya pa dito. Hinawakan siya ni Ian, at waring nababasa ng kaibigan na ayaw talaga niyang sumama, “malamig siya guys, baka may usog siya. Maigi pa, ihatid ko na muna siya sa bahay nila, umuna na lang kayo sa napagkasunduan nating tambayan.” “Ha? Hindi mo ba talaga kaya?” tanong pa ni Siren, “baka naman mahihilot pa natin yan?” “Hindi ito sakit ng tiyan na kapag naitae ay okay na, baka mamaya, doon pa ito mawalan ng malay, lalo lang tayong mag alala,” tugon dito ni Ian. “Oh, sige,” napakamot na lang sa ulo si Siren, “uuna na kami ni Vohn, sunod ka na lang? Danica, sure ka ha? Ikaw pa naman ang taya ngayon.” “Okay lang ako, kailangan ko talagang magpahinga,” hawak niya ang kanyang bag, na basa na, dahil sa kanyang pawising palad. “Bye..” umalis na ang dalawa nilang kaibigan. Naiwan na lang sila ni Ian. Tiningnan siya ng kaibigan niya, hindi naman niya alam kung paano magreresponse dito. Chapter 7 “Ano ang totoo, Danica?” tanong ni Ian sa kanya, “hindi ako naniniwala sa alibi mo. Hindi ka ganyan. Ano talaga ang pinag usapan niyo ni sir kanina?” “Wa- wala.. wala naman siyang sinabi sa akin,” pagsisinungaling niya dito. Hanggang maari sana, ayaw niya munang malaman ng kahit na sino ang kanyang kalagayan. Subalit hanggang kailan niya ito makakayanang itago? gayong nakakahalata si Ian? “Maaaring mabilog mo ang ulo nung dalawa, ngunit ako? hindi Danica. Kaya magsabi ka ng totoo, may nangyari ba? ano ba ang naging problema?” pangungulit nito sa kanya, “Hindi pwedeng wala ang isasagot mo sa akin. Alam mo kung gaano ako kakulit.” Huminga siya ng malalim. Nag iisip siya kung paano ipagtatapat sa kaibigan ang kanyang kalagayan. Naaalala niya pa ang sinabi sa kanya ni Jethro. Na hindi ito naniniwala na sa kanya ang batang dinadala niya. “Ano Danica? wala kang maiisip na palusot sa akin, kaya ngayon pa lang, magsabi ka na ng totoo. Malay mo naman, matulungan kita.” pangungumbindi ni Ian sa kanya, “kaibigan mo ako, wala ng ibang magtutulungan, kundi tayo tayo lang.” “Ka– kasi..” nakagat niya ang kanyang pang ibabang labi. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag dito ang lahat. “Ano?” tila nauubusan na ng pasensiya ang kanyang kaibigan, “ako ang aakyat kay sir para magtanong..” “Buntis ako.” “Oh? buntis ka lang naman pala, anong masama dun?” parang hindi naaabsorb ng kanyang kaibigan ang ipinagtapat niya. “Ian.. buntis ako. I’m pregnant!” pag uulit niya dito ng kanyang ipinagtapat. “Ha?” parang noon lang nito naintindihan ang kanyang sinabi, “bu-buntis? paano? baka naman akala mo lang, saka wala ka namang boyfriend hindi ba?” kunot na kunot ang noo nito. Hindi talaga makapaniwala sa kanyang ipinagtapat. “To–too ba ang bali balitang– ibinabayad mo ang katawan mo sa mga kliyente mo?” “Hindi ah!” mariin niyang tanggi dito, “ba-bago pa lang ako makapasok dito.. ma–may naka–naka sex na ko sa Manila..” napayuko siya sa sobrang kahihiyan. Hindi niya malaman kung paano niya iyon masasabi ng maayos sa kaibigan, gayong ang alam ng mga ito, ay isa siyang matinong babae? may matino bang nabuntis ng walang boyfriend? “Nakipag one night ka?” halos hindi na maibuka ni Ian ang labi nito. Wala naman sanang kaso iyon, kung siya talaga ay isang pakawalang babae, “di ba, bawal sa office code yan?” “Yun ang dahilan, kaya ako ipinatawag ni sir kanina.”“You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?” “Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singho
Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”
“Ehem..” tikhim ni Ronnel, sa babaeng nasa harapan ng pinto ng elevator upang makuha ang atensiyon nito. Agad namang nag angat ng paningin ang babae, at gulat na gulat ng makita sila. Hindi ito makakilos mula sa kinatatayuan nito. “Ano? sasabay ka ba? o tititigan mo lang kami?” tanong niya dito, sabay tingin sa kanyang relo. “Sorry po sir, pasensiya na po,” nagmamadali itong pumasok sa loob, at nakayukong tumayo sa bandang gilid niya. Subalit bigla itong na-out of balance ng bumulusok ang elevator pababa. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. “Mukhang nagka malfunction ang elevator sir,” sabi ni Ronnel sa kanya. Nagpatay sindi ang ilaw nito, saka nag stock sila sa floor na iyon. Sinubukang buksan ni Ronnel ang pinto, nasa half sla ng isang floor. “Anong floor ito?” wala man lang kahit anong pag aalala sa tinig ni Jethro. Samantalang si Danica, ay nakayakap pa rin dito. Bigla ang naging paglayo niya dito, at bahagya niya pa itong naitulak, “so-sorry sir..” “Nasa 7th floor at
Nangunot ang noo ni Jethro sa isinagot sa kanya ni Danica. Nakatitig siya dito ng bigla itong tumayo. “Bakit?” Pabalik niyang tanong sa babae, saka tumayo, “anong bakit?” “Bakit kayo malapit sakin? Bakit hindi ko man lang namalayan na nandiyan kayo?” Inaayos ni Danica ang kanyang sarili. Bigla siyang natawa sa reaksiyon nito, “umuungol ka, kaya kita nilapitan. Hindi mo ba alam na nakatulog ka? Look,” itinuro niya dito ang basang sahig, “laway mo yan, kung hindi mo alam.” “Na-makatulog ako?” Parang hindi makapaniwala si Danica na nakatulog siya, “paano mangyayari iyon eh parang kakaupo ko pa lang?” “Halos 30 minutes ka ng nakaupo diyan. Ano bang nangyayari sayo?” Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito, “kaya mong matulog ng nakaupo? Huh, very talented!” Namula ang pisngi nito. Hindi makahagilap ng maisasagot sa kanya. Marahil, hindi nito akalaing makakatulog ito sa ganoong posisyon. Pinunasan pa ni Danica ang kanyang labi. “Ang tagal naman magawa ng el
Nagkita ng liwanag si Danica. Pilit iminumulat ng kanyang sarili ang kanyang mga mata. Sinisilaw niyon ang kanyang buong mukha. 'Lord.. nasa langit na ba ako?' tanong niya sa sarili, habang pilit itinataas ang kanyang kaliwang kamay. May nahawakan siya sa kaliwanagan. "Lord.. ikaw na ba yan?" tanong niya. "Alam kong may kagwapuhan ako, pero hindi ko akalaing Diyos ang tingin mo sa akin," tinig iyon ng isang taong pakiramdam niya ay galing sa impiyerno. Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakahiga siya at nakaunan sa hita ng lalaki. Ang walang kangiti ngiting mukha nito ang sumalubong sa kanya. Parang sili sa pula ang kanyang mga pisngi. HIndi niya alam kung saan niya ililingon ang mukha, kaya naisipan na lang niyang bumangon. "Damn!" malakas ang tinig nito, dahil sa sakit na naramdaman sa pagkakauntog niya sa noo ni Jethro, 'wala ka na bang ibang hatid kundi kamalasan? may balat ka ba sa pwet? para ka kasing delubyo!" asik pa nito sa kanya habang hawak ang noong namu
"Ronnel!" tawag ni Jethro sa kanyang assistant. "Yes sir?" pumasok ito sa opisina niya. "May iuutos po ba kayo?" "May ipapagawa ako sayo," sabi niya dito. Lumapit si Ronnel sa kanya, "ano po yun sir?" "Ito," iniabot n iya ang isang folder dito, "gusto kong alamin mo, kung sino ang babaeng iyan." "Si-sir? si Miss Salvador po ito hindi ba?" napatitig ito sa folder na iniabot niya. "Yes, bakit?" nagsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. "Bakit po natin aalamin kung sino siya? eh hindi pa naman po natin ito nagagawa kahit kailan, hindi po ba?" tanong nito sa kanya. "Halika dito Ronnel," tawag niya sa kanyang assistangt. "Bakit po sir?" "Sabi ko, alamin mo kung sino siya, meaning, lahat ng tungkol sa kanya, sinabi ko bang magtanong ka sakin at questionin kung ano ang ipinapagawa ko sayo?" "Hindi sir." "Yun naman pala, ngayon, alamin mo ang tungkol sa babaeng iyan, lahat! ayoko ng magtatanong ka pa, naintindihan mo ba?" "Okay sir. Ngayon na ba?" "Ikaw, kailan mo ba gustong
"Hoy, san ka ba galing?" tanong ni Siren sa kanya, "bigla ka na lang nawawala.. saka bakit ganyan ang lipstick mo? para kang nakipaglaplapan sa tabi." Nagulat siya sa sinabi nito at nagmamadaling nagtungo sa salamin. Hindi man lang niya iyon napansin. Kaya ba siya pinagtitinginan ng mga nadaanan niya? Lumapit pa sa kanya si Siren, "bhe, ano bang nangyari? pati buttones ng damit mo, mali mali.." bulong pa nito. Napaupo na lang siya ng mapansin iyon. Akala siguro ng mga nadaanan niya ay ginahasa siya, kaya siguro nakatingin ang mga ito sa kanya. "Naghubad kasi ako kanina sa cr.. hi-hindi ko na namalayan na ganito ang suot ko dahil sa pagmamadali ko. Nakakahiya.." pagdadahilan niya. Mukhang hindi kumbinsido si Siren sa sinabi niya. Napatingin siya kay Ian at humihingi ng saklolo. "Baliktad ang damit niyan kanina, hindi niyo lang siguro napapansin," sabi nito na lumapit na sa kanila ni Siren. Inabutan siya nito ng wipes, "punasan mo yang labi mo, baka isipin nila kung kanino mo
"Baka sir, hindi niyo lang po narinig. May sinabi po ako," ang kanyang ngiti ay parang naging ngiwi. Nangangatal ang kanyang mga labi na hindi niya maintindihan. "Miss Salvador, sinasabi mo bang sinungaling ako?" lumapit pa ito sa kanila at matamang nakatitig sa kanya, "ganyan ka bang klase ng tao? sinungaling?" "Sir?" namutla siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa kanyang paligid at lahat ng naroroon ay nakatingin sa kanya. Napapahiya na siya. "Hindi ka naman siguro bingi hindi ba? para hindi mo marinig ang mga sinasabi ko. Harap harapan mo akong sinisiraan sa mga katrabaho mo? ano Miss Salvador?" expressionless, iyon ang nababasa niya sa mukha nito. "Sir.." napatingin siya sa grupo nina Jona. Nakangisi ang mga ito na tila ba sinasabing deserve niyang mapahiya. "Ano Miss Salvador?" nakalapit na ito sa kanya, at nakadikit na ito sa kanyang lamesa. "So-sorry po sir," yumuko na lang siya, "hi-hindi po iyon ang intensiyon ko." "Anong motibo mo? basta mo lang naisipang siraan ak
Dala dala ni Lovely ang lutong pagkain. Inilagay niya iyon sa kotse. Sumakay naman siya upang magdrive, at gaya ng kanyang plano, kailangan niyang makalapit kay Danica ng hindi nahahalata na may plano siya.Pakanta kanta pa siya habang nagmamaneho.Subalit pagdating niya doon, nagulat siya sa bungan sa kanya ng guard."Mam, wala po sina sir. Isinama po niya ang mag iina niya na mag out of town ngayon.""Out of town?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paanong aalis ang mga ito ng hindi man lang niya nalalaman?Agad niyang tinawagan si Vinz at Santi upang alamin kung nag out of town nga sina Jerhro."Oo, nagpaalam siya samin kagabi, bakit?" tanong ni Santi na nakaupo sa kanyang clinic at naghihintay ng pasyente."Ha? bakit hindi ko ,an lang alam?" hindi makapaniwala si Lovely na basta na lang umalis sin Jethro na hindi man lang siya kinokontak."Kailangan ba?" hindi makapaniwala si Santi sa narinig, "Lovely, akala ko ba, hahayaan mo ng mamuhay ng maayos sina Danica, bakit ngayon. para k
"Natutulog na pala sila.." nakangiting sabi ni Jethro, habang tinitingnan ang mga bata na nakahiga sa kuna. "Sir, kukunin niyo po ba ang bata?" anong ng isang yaya sa kanya. "Hindi na, pakibantayan niyo na lang maigi ang mga bata. Patutulugin ko muna ang nanay nila.." kinindatan niya si Danica na agad na namula sa biro niyang iyon. "Naku, ikaw talaga.. ano ka ba naman, nakakahiya," bulong niya sa lalaki, habang napasulyap sa mga katulong na kinikilig sa paglalambing ni Jethro. "Bakit?" hinawakan nito ang baywang niya, "may mga anak na tayo, kaya dapat mas lalo tayong magmahalan." Lalo siyang namula sa ginagawa ng lalaki, lalo na ng bulungan siya nito, "palalakihin lang natin sila ng konti, para maging flower girl at ring bearer sa ating kasal." Nanlaki ang mga mata ni Danica.. Di yata't.. di yata ay nagpapahiwatig ng kasal ang lalaki sa kanya. "Pa-papakasalan mo ko?" nabanggit na nito iyon sa kanya, kaso, simula noong manganak siya, hindi na ulit ito nagbanggit ng tungkol doon.
"Hi.." isang nakangiting Lovely ang bumungad kay Danica ng umagang iyon. Tumayo ito mula sa sofa, "pinatuloy na ako ng katulong kasi kilala naman nila ko." "Ah.. wala si Jethro dito eh," alanganin ang ngiting ibinigay ni Danica sa babae. Hindi niya inaasahan na magtutungo ito doon ngayong umaga. "Hindi naman siya ang kailangan ko eh," hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi si Jethro ang kailangan? eh sino? Mukhang napansin ni Lovely ang kanyang iniisip, itinaas nito ang dalang prutas, "ikaw ang sadya ko. Mukhang hindi kasi naging okay yung una nating pagtatagpo. Baka mamis interpret mo pa.." "Ah.. iyon ba?" ngumiti na rin siya at sinabihan ito, "sige maupo ka." inabot niya ang prutas ng basket na inialay nito, "salamat." "Alam mo kasi, ako lang ang babae sa aming magkakaibigan, siyempre hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin na darating nga pala ang araw na magkakaroon na ng kanya kanyang pamilya ang mga kaibig
Mabilis na pinahid ni Lovely ang luha sa kanyang pisngi at pilit na ngumiti kay Vinz. "Salamat, Vinz. Alam kong nandiyan kayo palagi para sa akin. Siguro nga, kailangan ko nang palayain ang sarili ko mula sa ilusyon ng pag-ibig na hindi naman totoo." Sa paglabas nila ng restaurant, ramdam ni Lovely ang magkahalong kalungkutan at kasiyahan. Malungkot siya dahil sa wakas ay tuluyan na niyang tinanggap na hindi siya ang pipiliin ni Jethro, pero may bahagyang kasiyahan sapagkat naroon sina Vinz at Santi na handang damayan siya. Habang naglalakad sila sa gabi, may mga bituin na kumikislap sa kalangitan, tila nagbibigay liwanag sa kanyang madilim na damdamin. Huminga siya nang malalim at nagdesisyong magpatuloy. Ayaw niyang magpatali sa alaala ni Jethro, nais niyang makita ang sarili sa ibang liwanag—isang Lovely na handang mahalin ang sarili. Hindi nagtagal, tumigil sila sa isang parke at naupo sa isang bench. Tahimik nilang pinanood ang mga tao sa paligid, bawat isa ay tila may sarilin
Lovely nasaan ka na? Pupuntahan kita? Umuwi ka na.. Nasaan ka? Hoy kita tayo..Habang binabasa ni Lovely ang sunod-sunod na mensahe mula kina Santi at Vinz, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Kahit pa gusto niyang sumama sa mga kaibigan, mas nangingibabaw ang lungkot at pagkabigo. Wala siyang natatanggap na kahit anong mensahe mula kay Jethro—ang taong mas nais niyang makausap ngayon."Umiiwas ba talaga siya sa akin?" bulong niya sa sarili. Lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa tuwing naaalala ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan. Mula nang makilala ni Jethro si Danica, tila nagbago ang lahat. Nagkamali ba siya ng akala na may espesyal na namamagitan sa kanila? O sadyang mas pinili lang ni Jethro ang bagong babae sa kanyang buhay?Naalala niya ang sinabi nina Santi—na aksidente lang daw ang nangyari kay Danica at Jethro. Buntis si Danica, ngunit hindi pa raw matagal na magkakilala ang dalawa. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, tila mas pinili pa rin ni Jethro na
Dahan-dahang humarap si Jethro kay Santi, ang mga mata'y puno ng pag-aalala at pagsisisi."Bro, alam ko mahirap, pero kailangan mong harapin si Lovely," sabi ni Santi habang mahigpit na hinahawakan ang balikat niya. "Alam kong pinagsisisihan mo na hindi mo siya pinuntahan, pero hindi ka niya kailangan para sumbatan o sisihin. Kailangan ka niya para damayan siya."Napayuko si Jethro. Mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto ni Lovely, parang hinihila siya ng mga alaala ng gabing iyon, ng bawat tawag at pakiusap ng kaibigan na hindi niya sinagot.Sa wakas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niya si Lovely na nakahiga, maputla, at mahina ang katawan, ngunit ang mga mata nito ay muling nagniningning. Ngunit sa kabila ng liwanag sa mata nito, ramdam ni Jethro ang kirot at lungkot na hindi kayang itago ng ngiti."Jeth," mahina ngunit malinaw ang pagtawag ni Lovely sa kanya. Walang halong galit, walang paninisi, ngunit sapat na ang simpleng tawag na iyon upang mabasag ang pader
"Nasaan ka na ba kasi?" tanong ni Lovely sa kanya. Graduating na sila noong panahong iyon. "Umuwi ka na, hindi nga ako pupunta diyan!" nahahalata ni Jethro ang pagkaclingy sa kanya ng babae, kaya siya umiiwas. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon. Hindi siya ganoong klase ng lalaki. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinupuntahan, hihintayin kita," at pinatay na ni Lovely ang tawag. "Bahala ka.." sabi niya sa sarili, saka tinulugan ang hiling ng kaibigan. Hindi talaga niya ito pinuntahan dahil sa kanyang pag iwas. Tunog ng tunog ang kanyang cellphone pagsapit ng umaga.. Sina Santi ang natawag sa kanya. Ang miscalls ng dalawang kaibigang lalaki ay magkasunod na nag appear sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung nakakailang tawag na ang mga ito, subalit itong huli ay nasagot niya. "Nasaan ka?" ang pag aalala sa tinig ni Santi ay abot abot na parang nagmamadali ito. ñ"Nasa bahay, bakit ba?'0" oatamad niyang sagot dito. "Putang ina par, dinala ni Vinz si Lovely
"Hindi ako galit sayo, bakit mo naman naisip yan?" kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi ni Lovely. Ayaw niya itong masaktan ngunit hindi niya maaaring tanggapin ang pagbibigay nito ng motibo sa kanya.Hindi na gaya ngbdatinang buhat niya ngayon. Kasama na niya ang kanyang mag iina, at sugurado na siya sa kanyang sarili na pakakasalan niya si Danica. Nahanap lang siya ng magandang pagkakataon."Bakit hindi mo ako pinuntahan kanina? alam mo namang kailangan ko ng tulong?" may himig ng pagtatampo ang boses nito."May meeting kasi ako ngayon, Kailangan kong umattend ng maaga. Saka pinuntahan ka naman ni Vinz hindi ba?""Iba kasi kung ikaw ang nagpunta sa akin. Mas naging maayos sana ako kahit konti..""Bakit? hindi ba inayos ni Vinz ang kotse mo?""Hindi iyon, ikaw ang ibig kong sabihin.. sana, ikaw ang nagpunta sakin.""May meeting nga ako," naging malamig ang kanyang mukha habang sinasabi iyon. Noon pa man, demanding na ito para sa kanyang oras, subalit ngayon lang niya ito narereali
Hindi pa rin umalis si Vinz matapos niyang maayos ang gulong ni Lovely. Maganda ang tanawin na kanyang nakikita. Naroon ang babaeng kanyang inaasam. May dala dalang bata at pahele hele na ginagawa.Umapaw ang lungkot sa kanyang puso at para siyang nahihirapan habang tinitingnan si Danica. Sinisisi niya ang kanyang sarili, dahil noong may pagkakataon pa siya, hindi siya gumawa ng paraan na makilala ito, at ngayon nga ay ang kanyang kaibigan na ang nagmamay ari dito, hindi man legal, subalit may deposito na itong ibinigay.Ang mga batang iyon ay hindi sinasadya, subalit sa nakikita niyang nangyayari kay Jethro, tama na lang siguro para sa kanya na tumanaw buhat sa malayo.Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Ayw niyang maging ganito habang buhay. Nais niyang maging malaya ang kanyang damdamin, ngunit para kanino? tinapos na ni Jethro ang laban.Ang naging pagtatapat niya noong una niyang nakilala si Danica sa bar, ay hindi inaasahan. Gusto niya lang ihinga ang kanyang nara