“You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?”
“Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singhot na sagot ni Danica. “Magaling ka, kaya sigurado akong maraming tatanggap sayo. Kaya mo yan. Basta kung kailangan mo ng tulong, naririto lang ako palagi para sayo,” inakbayan siya ni iyan at hinimas himas ang kanyang braso. Walang malisya ang haplos na iyon, ramdam na ramdam niya ang sincerity ng kaibigan niya. “Maraming salamat. Hindi ko pa nga alam kung paano ito ipapaalam kina Siren. Nahihiya ako lalo na sa kanya, baka isipin niya, totoo ang sinasabi ng mean girls na ibinibigay ko ang aking katawan kapalit ng kontrata,” nag aalala niyang sabi dito. “Maiintindihan ka nila, ano ka ba? Sa ngayon, wag mo na lang munang ipaalam kahit kanino ang iyong kalagayan. Saka na, kapag naisipan mo na lang na magresign sa trabaho..” “Salamat sa pag aalala sa akin, hindi ko akalaing ikaw pa ang makakapansin ng pasaning ko ngayon sa buhay.” “Halata ko kasi sayo na may pinagdadaanan ka. Wag kang mag alala, hindi kita pangungunahan. Halika na, ihahatid na kita,” hindi nila napansin ang pares ng mga mata na nakamasid sa kanila. Naroroon iyon sa kabilang sulok at matamang nakikinig sa kanilang pinag uusapan. HINDI sinasadyang makita ni Jethro na nakaakbay si Ian kay Danica. Napahugot siya ng malalim na hininga habang pinapanood ang tagpong iyon. “Baka dito niya ipinapasagot ang kanyang ipinagbubuntis. Bakit kasi may mga babaeng tulad nito,” natatawa niyang sabi sa sarili. Saka niya naalala ang kwintas na nasa kanyang drawer. Bigla ang pagsalakay sa kanya ng reyalisasyon. Kumabog ang kanyang dibdib na parang tinatambol. Saka muling hinanap ng mata ang dalawa, wala na sila doon. “Siya si D.S?” Para siyang baliw na kinakausap ang sarili. “Jet!” Halos mapalundag siya sa gulat ng marinig ang boses na iyon. Akala niya, nag iisa siya doon. “Diyos ko, Lovely!” Ang kanyang bestfriend, nakatayo sa kanyang likuran. “Bakit hindi ka nagsasalita agad? Ano bang ginagawa mo dito?” “Ikaw ang ano ang ginagawa dito! Malayo pa lang, tanaw na kitang naninilip sa lovers na nariyan sa upuang iyan. CEO ka pa naman, nakakahiya ka!” Wika nito, “anong kalokohan ang ginagawa mo?” “Wala no!” Naglakad na siya palayo sa kanyang pinagkukublian, “nagkataon lang na napadaan ako. Mukhang empleyado kasi natin ang mga yun, kaya tiningnan ko kung sino sila,” pagdadahilan niya dito, “teka, ikaw, anong ginagawa mo dito?” “Malamang, hinahanap ka! Ano naman ang gagawin ko sa bulok na kumpanya mo, kung hindi ikaw ang pakay ko?” Kasunod na niya ito sa paglalakad. “Kukulitin mo na naman ba akong pakasalan ka?” Ilang beses na itong lumalapit sa kanya at nakikiusap na magpakasal sila upang hindi matuloy na ipakasal ito sa anak ng kumpare nito. “Wow ha, mukhang lugi ka pa. Hindi kita kukulitin no, saka ayaw din kitang yayain at baka naman isipin mo, patay na patay pa ako sayo,” bunsol ni Lovely sa kanya. Ang babaeng ito, ay mukhang lalaki sa kanyang paningin. Ang mahabang biyas nito na hindi pa niya nakikita kung makinis ay bagay na bagay sa maliliit nitong mga braso. Kung magkikilis babae si Lovely, pasmado ito bilang Modelo, subalit wala doon ang linya ng buhay ng kaibigan. “Wag mo akong matingnan tingnan ng ganyan, Jethro, at baka samin ka sakin,” banta nito sa kanya. “Bakit ka nga ba narito?” Inuulit niya ang tanong sa kaibigan. “Pupunta akong America. Matagal tagal akong mawawala. Hindi na ako nakapagsabi doon sa dalawa dahil nasa out of town sila.” Ngumiti ito, saka humawak sa pinto ng kanyang kotse, “Ikaw na lang ang magsabi sa kanila na aalis ako.” “Baka magpapa sex change ka dun, magpapalit ka na ba ng gender? Magiging babae ka na?” “Baliw! Babae ako no! Yang mata mo kasi, para lang sa malalaki ang suso, gaya nung babae kanina,” namulsa pa si Lovely na lalong nagpatingkad sa height nito. “Sana, sa sunod na kita natin, mag skirt ka na at mag dress, baka pag isipan ko pang maigi kung pakakasalan kita,” kinindatan niya si Lovely. Biglang namula ang babae sa ginawa ni Jethro. Oo, ayaw niyang magdamit ng mga ganoong pasexy, dahil natatakot siya, na baka hindi na makipaglapit sa kanya ang kaibigan. Umiiwas ito sa mga babae na nakikilala nito, maliban na lang kung makikipag one night stand si Jethro. Minsan pa niyang narinig ang usapan nito at ng iba nilang kaibigan. Na lalong nagpasidhi ng kanyang takot, na magbihis pambabae. “Pare, bakit hindi mo ligawan si Lovely? Maganda naman siya?” Tanong ni Vinz kay Jethro. “Mas mukha pang maton sa akin iyon. Isa pa, masisira lang ang pagkakaibigan namin kapag nangyari iyon. Kaya mas gusto ko na ganyan siya,” sagot ni Jethro. Simula noon, pinanindigan na niya ang ganitong pirmahan. Mahalaga sa kanya si Jethro, noon pa man. Masaya na siyang nakakasama ito, at walang siniseryosong babae. Nararamdaman niya, na may natitira pang pag asa, para sa kanya. “Oh, natulala ka na diyan?” Tanong ni Jethro sa kanya. “Ah– eh– saan ka pupunta?” Tanging nasambit niya dito. “Kakain, malamang, sasama ka ba?” Tanong nito. “Libre mo?” “Oo, ako ang bahala.” “Sige, kukunin ko lang ang motor ko. Magkita na lang tayo, sa dati?” “Sige, ingat ka,” nauna na itong umalis sa lugar na iyon. Tinanaw niya ang Ferrari na sinasakyan ni Jethro. “Jet…” hanggang pagpapantasya na lang niya ito makakaniig at makakasalo sa kama. Nalulungkot niyang tinungo ang kanyang motor, saka sinundan na niya ang kanyang kaibigan.Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”
“Ehem..” tikhim ni Ronnel, sa babaeng nasa harapan ng pinto ng elevator upang makuha ang atensiyon nito. Agad namang nag angat ng paningin ang babae, at gulat na gulat ng makita sila. Hindi ito makakilos mula sa kinatatayuan nito. “Ano? sasabay ka ba? o tititigan mo lang kami?” tanong niya dito, sabay tingin sa kanyang relo. “Sorry po sir, pasensiya na po,” nagmamadali itong pumasok sa loob, at nakayukong tumayo sa bandang gilid niya. Subalit bigla itong na-out of balance ng bumulusok ang elevator pababa. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. “Mukhang nagka malfunction ang elevator sir,” sabi ni Ronnel sa kanya. Nagpatay sindi ang ilaw nito, saka nag stock sila sa floor na iyon. Sinubukang buksan ni Ronnel ang pinto, nasa half sla ng isang floor. “Anong floor ito?” wala man lang kahit anong pag aalala sa tinig ni Jethro. Samantalang si Danica, ay nakayakap pa rin dito. Bigla ang naging paglayo niya dito, at bahagya niya pa itong naitulak, “so-sorry sir..” “Nasa 7th floor at
Nangunot ang noo ni Jethro sa isinagot sa kanya ni Danica. Nakatitig siya dito ng bigla itong tumayo. “Bakit?” Pabalik niyang tanong sa babae, saka tumayo, “anong bakit?” “Bakit kayo malapit sakin? Bakit hindi ko man lang namalayan na nandiyan kayo?” Inaayos ni Danica ang kanyang sarili. Bigla siyang natawa sa reaksiyon nito, “umuungol ka, kaya kita nilapitan. Hindi mo ba alam na nakatulog ka? Look,” itinuro niya dito ang basang sahig, “laway mo yan, kung hindi mo alam.” “Na-makatulog ako?” Parang hindi makapaniwala si Danica na nakatulog siya, “paano mangyayari iyon eh parang kakaupo ko pa lang?” “Halos 30 minutes ka ng nakaupo diyan. Ano bang nangyayari sayo?” Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito, “kaya mong matulog ng nakaupo? Huh, very talented!” Namula ang pisngi nito. Hindi makahagilap ng maisasagot sa kanya. Marahil, hindi nito akalaing makakatulog ito sa ganoong posisyon. Pinunasan pa ni Danica ang kanyang labi. “Ang tagal naman magawa ng el
Nagkita ng liwanag si Danica. Pilit iminumulat ng kanyang sarili ang kanyang mga mata. Sinisilaw niyon ang kanyang buong mukha. 'Lord.. nasa langit na ba ako?' tanong niya sa sarili, habang pilit itinataas ang kanyang kaliwang kamay. May nahawakan siya sa kaliwanagan. "Lord.. ikaw na ba yan?" tanong niya. "Alam kong may kagwapuhan ako, pero hindi ko akalaing Diyos ang tingin mo sa akin," tinig iyon ng isang taong pakiramdam niya ay galing sa impiyerno. Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakahiga siya at nakaunan sa hita ng lalaki. Ang walang kangiti ngiting mukha nito ang sumalubong sa kanya. Parang sili sa pula ang kanyang mga pisngi. HIndi niya alam kung saan niya ililingon ang mukha, kaya naisipan na lang niyang bumangon. "Damn!" malakas ang tinig nito, dahil sa sakit na naramdaman sa pagkakauntog niya sa noo ni Jethro, 'wala ka na bang ibang hatid kundi kamalasan? may balat ka ba sa pwet? para ka kasing delubyo!" asik pa nito sa kanya habang hawak ang noong namu
"Ronnel!" tawag ni Jethro sa kanyang assistant. "Yes sir?" pumasok ito sa opisina niya. "May iuutos po ba kayo?" "May ipapagawa ako sayo," sabi niya dito. Lumapit si Ronnel sa kanya, "ano po yun sir?" "Ito," iniabot n iya ang isang folder dito, "gusto kong alamin mo, kung sino ang babaeng iyan." "Si-sir? si Miss Salvador po ito hindi ba?" napatitig ito sa folder na iniabot niya. "Yes, bakit?" nagsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. "Bakit po natin aalamin kung sino siya? eh hindi pa naman po natin ito nagagawa kahit kailan, hindi po ba?" tanong nito sa kanya. "Halika dito Ronnel," tawag niya sa kanyang assistangt. "Bakit po sir?" "Sabi ko, alamin mo kung sino siya, meaning, lahat ng tungkol sa kanya, sinabi ko bang magtanong ka sakin at questionin kung ano ang ipinapagawa ko sayo?" "Hindi sir." "Yun naman pala, ngayon, alamin mo ang tungkol sa babaeng iyan, lahat! ayoko ng magtatanong ka pa, naintindihan mo ba?" "Okay sir. Ngayon na ba?" "Ikaw, kailan mo ba gustong
"Hoy, san ka ba galing?" tanong ni Siren sa kanya, "bigla ka na lang nawawala.. saka bakit ganyan ang lipstick mo? para kang nakipaglaplapan sa tabi." Nagulat siya sa sinabi nito at nagmamadaling nagtungo sa salamin. Hindi man lang niya iyon napansin. Kaya ba siya pinagtitinginan ng mga nadaanan niya? Lumapit pa sa kanya si Siren, "bhe, ano bang nangyari? pati buttones ng damit mo, mali mali.." bulong pa nito. Napaupo na lang siya ng mapansin iyon. Akala siguro ng mga nadaanan niya ay ginahasa siya, kaya siguro nakatingin ang mga ito sa kanya. "Naghubad kasi ako kanina sa cr.. hi-hindi ko na namalayan na ganito ang suot ko dahil sa pagmamadali ko. Nakakahiya.." pagdadahilan niya. Mukhang hindi kumbinsido si Siren sa sinabi niya. Napatingin siya kay Ian at humihingi ng saklolo. "Baliktad ang damit niyan kanina, hindi niyo lang siguro napapansin," sabi nito na lumapit na sa kanila ni Siren. Inabutan siya nito ng wipes, "punasan mo yang labi mo, baka isipin nila kung kanino mo
"Baka sir, hindi niyo lang po narinig. May sinabi po ako," ang kanyang ngiti ay parang naging ngiwi. Nangangatal ang kanyang mga labi na hindi niya maintindihan. "Miss Salvador, sinasabi mo bang sinungaling ako?" lumapit pa ito sa kanila at matamang nakatitig sa kanya, "ganyan ka bang klase ng tao? sinungaling?" "Sir?" namutla siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa kanyang paligid at lahat ng naroroon ay nakatingin sa kanya. Napapahiya na siya. "Hindi ka naman siguro bingi hindi ba? para hindi mo marinig ang mga sinasabi ko. Harap harapan mo akong sinisiraan sa mga katrabaho mo? ano Miss Salvador?" expressionless, iyon ang nababasa niya sa mukha nito. "Sir.." napatingin siya sa grupo nina Jona. Nakangisi ang mga ito na tila ba sinasabing deserve niyang mapahiya. "Ano Miss Salvador?" nakalapit na ito sa kanya, at nakadikit na ito sa kanyang lamesa. "So-sorry po sir," yumuko na lang siya, "hi-hindi po iyon ang intensiyon ko." "Anong motibo mo? basta mo lang naisipang siraan ak
Nasa harapan na siya ng pintuan ng kanyang boss. Wala ng ibang tao doon, maging si Ronnel. napatingin siya kay mr. Morales. "Sige na. Katukin mo na," utos nito. Kumatok siya ng dalawang ulit, may nagsalita mula sa loob, "pasok!" Binuksan ni Mr. Morales ang pinto, "sir, narito na po si Miss. Salvador. "Let her in," sagot nito. "Sir, aalis na po ako," paalam ni Mr. Morales. "Sit down, Miss Salvador," tawag nito sa kanya. Hindi naman ito nag abalang tingnan siya. May mga pinipirmahan pa itong papeles. Bumulong bulong siya, "papupuntahin ako dito, tapos busy naman pala," nakanguso niyang sabi. "I heared you," sabi nito sa kanya. Bahagya pa siyang nilingon ng lalaki.Ikinagulat niya ang pagsasalita nito HIndi niya mawari kung ang boses ni Jethro ay inaakit siya, o tinutukso.Ang tinig ng lalaki ay parang umaalingawngaw sa kabuuan ng opisinang iyon. Sumisigid sa kanyang ilong ang pabango nito, na lalaking lalaki sa kanyang pang amoy.Muli, tinitigan niya ito habang nakayuko. Ang awr
"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Danica ng makita ang babaeng iyon, at sa likuran nito ay si Santi. "Anong ginagawa niyo dito?""Nakita namin ang mga anak mo sa labas habang namamasyal kami ni Santi, at kanina.. sa kilos ng mga batang ito, kinabahan na ako, at alam kong anak mo sila," sagot ni Lovely, "maaari ba kaming tumuloy?"Napatingin siya sa kwarto ni Vinz, saka magalang na tumanggi, "doon na lang tayo sa labas. Mga anak, dito lang kayo.."Sa kanilang paglalakad sa hardin, ang malawak na mga bulaklak ng lavender ang unang napansin ni Lovely, "ang ganda naman dito."Hindi siya nagsalita, at dinala ang mga ito sa may greenhouse, may kalayuan sa bahay nila. "Anong kailangan niyo?" hindi na siya nag abalang paupuin ang mga ito. Hindi siya plastic na tao, kaya ayaw naman niya na maging komportable ang mga ito."Maaari ba kaming maupo?" si Lovely na ang humiling ng bagay na iyon."Sige, bahala kayo," naupo naman siya sa kabilang gilid."Danica, matagal ka na naming hinahanap.." pan
"Okay naman siya, baka masyado lang siyang natuwa," nakangiting sabi ng doctor, "huwag mo na lang hahayaan na mapagod siya o labis na masiyahan, talagang paninikipan siya ng dibdib," bilin ng doctor kay Danica."Salamat Doc," nilingon niya ito, habang hawak ang kamay ni Vinz.Nagpaalam na ang doctor sa kanya, at ibinilin na lang ang mga gamot na dapat inumin ni Vinz.Nakahinga siya ng maluwag, at taos pusong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa maayos na kalusugan ng lalaki.Takut na takot siya kanina ng makita ang pamumutla nito at pagkawalan ng malay, subalit ngayon, alam na niyang ligtas si Vinz, kaya makakahinga na siya ng maayos.Marahang gumalaw ang lalaki, na parang nananaginip, saka unti unting ibinuka ang kanyang mga mata. Nang masilayan ang magandang mukha ni Danica, bahagya itong ngumiti."Bakit ang lungkot mo?" mahina ang tinig na iyon, subalit may halong saya."Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari sayo?" nakangusong sagot niya, "nag alala ako sayo ng sobra. Akala k
Napangiti si Vinz ng marinig ang sinabi ni Danica. Masaya siyang malaman na may puwang pala siya sa puso ng babae. Ang akala niya noon, hindi na siya magtatagumpay na mapaibig ito."Totoo ba yan?" tanong niya dito.Bahagyang tumango si Danica, "oo, basta magpagaling ka lang at magpalakas.. magpapakasal tayo..""Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Danica." nakangiti ang maputla niyang labi.Ang kanyang mukha ay parang sa isang bangkay. Maputla, maputi.May mga bagay na bawal na sa kanya gaya ng labis na pagpapagod. Kaya hindi na muna siya nagbabiyahe at nagtatrabaho na lang siya through online.Ang doctor na lang ang nagtutungo sa bahay na iyon, para sa kanyang check up.Isa sa pinakamagandang disisyon na nagawa niya, ay ang maghintay at hindi maging apura.Ang ngiting iyon ay biglang napalitan ng alalahanin.Paano kung makita sila nina Lovely?Hindi naman sila makakaalis ng bansa dahil malalaman agad iyon ni Jethro.Kung lilipat sila sa Manila, madalas naman doon si Santi.Lalon
"Magaling!" sabi ni Vinz sa kabilang linya, "napaniwala ba sila? yung mga kapitbahay mo ba diyan, nabigyan ng ayuda?""Opo sir, naayos na namin lahat." sagot sa kabilang linya.Tinawagan si Vinz ng isa niyang tauhan sa Batangas na tumutulong sa kanya upang mailigaw sina Lovely sa paghahanap sa kanya. Mgandang plano ito upang hindi malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Danica.Sa kagandahang palad, nakikisama ang lahat ng taga roon sa kanya, dahil na rin sa mabuti niyang pakikitungo sa mga ito. Iba rin talaga kung marunong makisama sa mga tao.Huminga siya matapos maputol ang tawag. Lumalapit na sina Santi sa kinaroroonan ng mag iina, kaya dapat niyang alisin ang mga ito doon.Naabutan siya ni Danica na nakatanaw sa bintana at nakangiti."Oh, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. May dala itong prutas. "kumain ka muna."Maayos na naman ako, lalo na ngayon na inaalagaan mo ako," sagot niya sa babae."Bola.." nakangiti nitong sabi, "kumusta na ang pakiramdam mo? okay ka
"Kilala ko ba kayo?" tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo.Ang taong ito ay--- hindi ang hinahanap nila!"Sino ka?" tanong ni Lovely sa lalaking kaharap."Anong sino ako? tanga ka ba? kayo ang lumapit sa akin at ginulat ako, tapos, tatanungin mo kung sino ako?" nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila."Ikaw ba si Vinz?" naguguluhang tabong ni Lovely."See? kilala mo ako, tapos tatanungin mo kung sino ako? wow naman ha!" naiiling na sabi nito sa kanya.Kung gayon--" hindi makapaniwala si Santi. Mali ang taong namanmanan ng imbestigador na inutusan niya. Kahawig lang ito ni Vinz, pero hindi ito ang kaibigan nila."Lumayas nga kayo dito. Baka tumawag pa ako ng pulis!" pagtataboy nito sa kanila."Pasensiya na sir.. nagkamali lang," pagpapaumanhin ni Santi."Nagkamali- nagkamali, kumita na yan! wala akong paki kung anak kayo ng mayayaman. Wag kayong mang abala dito!" inis na sagot nito saka bumalik sa loob ng bahay.Naiwan ang dalawa na nagkakatinginan at hindi makap
Kinabukasan, maagang nagkita sina Lovely at Santi sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng Maynila. Pareho silang halatang kulang sa tulog, ngunit ang determinasyon sa kanilang mga mata ang nangingibabaw."May nakuha akong impormasyon," ani Santi habang inilapag ang isang folder sa harapan ni Lovely. "May isang private investigator akong kinausap kagabi. Sinubukan niyang i-trace si Vinz sa mga huling transaksyon niya. At may natagpuan siya."Dali-daling binuksan ni Lovely ang folder at pinagmasdan ang laman nito. May mga resibo, CCTV screenshots, at isang listahan ng mga address na pinuntahan ni Vinz sa nakalipas na tatlong buwan."Nasa Batangas siya?" nanlaki ang mata ni Lovely. "Akala ko ba sa Manila lang siya nakikita?""Nasa Davao pa rin ang negosyo niya, at may mga pinupuntahan siya sa Manila.. Pero mukhang may madalas siyang puntahan sa isang private resort malapit sa dagat. Ang sabi ng investigator, doon siya madalas tumambay tuwing weekend, ginagawa lang palengke ang lugar,
Habang nakaupo si Lovely sa harap ni Santi, hindi niya mapigilan ang pagbalik-balik ng alaala sa kanyang isipan. Ang pagkakamali niyang iyon—ang pagsuway sa tiwala ni Jethro—ay nagdala ng isang hindi matatawarang lamat sa kanilang pagkakaibigan. Kung hindi lang niya natutunang mahalin ang lalaki, okay pa sana silang lahat ngayon.Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisisi, may isang tanong na hindi siya tinatantanan: Bakit hindi pa lumilitaw si Vinz? Ilang taon na niya itong hindi nakikita, magmula ng pagplanuhan nila ang bagay na iyon.Hindi ito pangkaraniwan. Kilala niya si Vinz bilang isang taong hindi basta-basta nawawala nang hindi nagpapaalam. Pero ngayon, parang sinadya nitong maglaho. Ipinangako nito noon na itatago ang mag-iina ni Jethro, pero ang kasunduan ay dapat lumabas na ito matapos ang kasal nila—na hindi kailanman nangyari. Dahil kinasusuklaman na siya ng lalaki ngayon."Tingin mo ba, may dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Vinz?" tanong ni Lovely kay Santi."Hindi ko
"Nawala na naman si Vinz?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro, "alam mo, nakakahalata na ako sa taong iyon..""Nang?" tanong ni Santi sa kanya, "by the way, kumusta naman ang lakad mo?""Sabi sa mall, kahawig lang daw pala ni Danica, hindi daw siya iyon," malungkot na sabi ni Jethro."Pakiramdam ko naman, tama si Vinz, bakit naman dito lang siya sa Pilipinas magtatago, eh sa laki ng connection mo, nakita mo na sana siya.. saka di ba, si Vinz mismo ang nagprisinta na siya ang maghahanap kay Danica sa parteng Luzon? Sa Vizayas, wala naman akong nakitang Danica. Kaya malamang, nag abroad nga siya.." paliwanang ni Santi sa kanya.Subalit iba ang pakiramdam niya. Bakit parang nasa Pilipinas lang talaga ang babae?Hindi niya mawari ang pakiramdam na iyon, ngunit kailangan niyang mag imbestiga. Sigurado siya sa larawan na ipinasa sa kanya ng detective. Kahit pa naka side view lang iyon, alam niyang iyon ay si Danica.Kailangan siguro, mag imbestiga siya, dahil sa laki ng Luzon, maaaring
Napayuko si Danica at mariing pumikit. Kinakabahan siya. Alam niyang dapat na niyang sabihin ito, pero natatakot siyang baka hindi ito ang tamang pagkakataon. Ngunit nang maramdaman niyang hinigpitan ni Vinz ang hawak sa kanyang kamay, naglakas-loob na siyang magsalita."Gusto ko kasing... gusto ko sanang bigyan tayo ng pagkakataon," mahina ngunit matapat niyang sabi.Saglit na natahimik si Vinz. Nanatili siyang nakatitig kay Danica, tila iniisip kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya inasahan na sa kabila ng kanyang kalagayan, may isang tulad ni Danica na handang sumugal para sa kanya."Danica..." bulong ni Vinz, bakas sa mukha ang pagtataka at pag-aalala."Alam ko, alam ko," mabilis na dugtong ni Danica, parang nababasa ang iniisip ng lalaki. "Hindi ito madali, lalo na ngayon na nalaman kong may sakit ka. Pero Vinz... gusto kong subukan. Hindi ko kayang basta ka na lang mawala na hindi ko man lang nasabi sa'yo na... mahalaga ka sa akin."Hindi inaasahan ni Vinz ang biglaang pagsa