"Baka sir, hindi niyo lang po narinig. May sinabi po ako," ang kanyang ngiti ay parang naging ngiwi. Nangangatal ang kanyang mga labi na hindi niya maintindihan. "Miss Salvador, sinasabi mo bang sinungaling ako?" lumapit pa ito sa kanila at matamang nakatitig sa kanya, "ganyan ka bang klase ng tao? sinungaling?" "Sir?" namutla siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa kanyang paligid at lahat ng naroroon ay nakatingin sa kanya. Napapahiya na siya. "Hindi ka naman siguro bingi hindi ba? para hindi mo marinig ang mga sinasabi ko. Harap harapan mo akong sinisiraan sa mga katrabaho mo? ano Miss Salvador?" expressionless, iyon ang nababasa niya sa mukha nito. "Sir.." napatingin siya sa grupo nina Jona. Nakangisi ang mga ito na tila ba sinasabing deserve niyang mapahiya. "Ano Miss Salvador?" nakalapit na ito sa kanya, at nakadikit na ito sa kanyang lamesa. "So-sorry po sir," yumuko na lang siya, "hi-hindi po iyon ang intensiyon ko." "Anong motibo mo? basta mo lang naisipang siraan ak
Nasa harapan na siya ng pintuan ng kanyang boss. Wala ng ibang tao doon, maging si Ronnel. napatingin siya kay mr. Morales. "Sige na. Katukin mo na," utos nito. Kumatok siya ng dalawang ulit, may nagsalita mula sa loob, "pasok!" Binuksan ni Mr. Morales ang pinto, "sir, narito na po si Miss. Salvador. "Let her in," sagot nito. "Sir, aalis na po ako," paalam ni Mr. Morales. "Sit down, Miss Salvador," tawag nito sa kanya. Hindi naman ito nag abalang tingnan siya. May mga pinipirmahan pa itong papeles. Bumulong bulong siya, "papupuntahin ako dito, tapos busy naman pala," nakanguso niyang sabi. "I heared you," sabi nito sa kanya. Bahagya pa siyang nilingon ng lalaki.Ikinagulat niya ang pagsasalita nito HIndi niya mawari kung ang boses ni Jethro ay inaakit siya, o tinutukso.Ang tinig ng lalaki ay parang umaalingawngaw sa kabuuan ng opisinang iyon. Sumisigid sa kanyang ilong ang pabango nito, na lalaking lalaki sa kanyang pang amoy.Muli, tinitigan niya ito habang nakayuko. Ang awr
Nakaluhod si Danica, sa harapan ng nakaupong si Jethro. wala siyang kasanayan sa ganito, subalit madali naman iyong pag aralan. Dinila dilaan niya ang mahabang talong na iyon, na halos kasing taba ng kanyang braso. Hindi niya kayang isubo lahat, kaya hanggang ulo at dila lang sa katawan ang kanyang nagagawa. "UUUhhm," pinapanood siya ni Jethro, habang nilolollipop niya ang sandata nito. Inalis ni Jethro ang tali ng kanyang buhok, at hinawakan lang iyon pasabunot. Isinusubsob siya nito at itinataas baba. Nabubulunan siya at ilang beses na umubo. Nakita pa niya kung paano ngumisi ang lalaki. Napaliyad ito, ng s******n niya ang dalawang itlog sa ilalim ng talong. "Shit!!" bahagya nitong naiidiin ang pagsubsob sa kanya sa kahabaan ng k*****a nito. Lalo pa itong nag init ng unti unti niyang pagapangin ang kanyang labi sa katwan ng lalaki. Hinalik halikan niya ang matigas na katawan nito. Pinaakyat nhiya iyon sa leeg ni Jethro. Napasinghap naman ito sa kanyang ginawa. "I can't wait," s
Hindi na alam ni Danica, kung paano siya nakalabas ng kanilang building. Basta ang alam niya, inaalalayan siya ni Jethro, hanggang maisakay siya sa kotse. "Ihahatid na kita, "malalim ang boses nito. Kita niya sa salamin ng bintana na nakatingin ito sa kanya. Natawa naman si Jethro sa inaasal ni Danica. Ayaw talaga siyang lingunin ng babae. Hinipo niya ang hita nito. Agad itong lumingon sa kanya. "A-anong ginagawa mo?" namumula nitong tinabig ang kanyang kamay. "Hindi mo kasi ako tinitingnan," nakangiting sabi niya dito, "may problema ka ba?" ANg tinig ni Jethro, ay bahagyang mababa, hindi iyon malambing, subalit hindi na mataas. Nakatitig kay Danica ang lalaking nakaupo sa driver's seat. "Ah-- eh-- wala- wala naman," inayos niya ang kanyang palda, na bahagyang may punit sa gilid. Hinawakan niya iyon, at pilit na itinatago ang nahahantad na hita. "Wag mo ng itago yan," awat sa kanya ni Jethro habang pinapa start nito ang sasakyan, "nakita ko na ang kabuuan ng katawan mo, n
"Ha? ah-- eh--" nagdadalawang isip siya kung patutuluyin ang lalaki. Nag iisa siya sa bahay. Paano kung patayin siya ng lalaking ito? anong laban niya? "Nagugutom na ko," hinawi siya nito at inagaw ang kanyang susi, "oh, pumasok ka, bahay mo ito," sabi ni Jethro sa kanya na nauuna pang maglakad papasok sa bahay. Muli niyang ikinandado ang gate. Namangha si Jethro sa bahay ni Danica. Maliit lang iyon, na may isang kwarto. Malinis at mabango ang bahay, na halatang madalas nililinis. "Ma-maupo ka muna.. wala akong maaaring ipakain sayo kundi ako este adobo na niluto ko kaninang umaga," nagsaing siya, saka inilabas ang adobo mula sa ref. Naka-on na ang rice cooker. Pagharap niya, nabangga siya sa malapad na dibdib ni Jethro. Agad nitong nahapit ang kanyang baywang. "Naiinitan kasi ako.. maaari bang makiligo?" tanong nito sa kanya. Ang boses nito ay bahagyang paos, na malapit sa kanyang tenga. Nanindig ang kanyang mga balahibo, dahil sa mainit na hininga nito. "Ah-- wa-wala akong d
Mabango ang amoy na pumapasok sa kanyang ilong. Nagdudulot ito ng gutom sa kanya. Dahan dahan siyangnagmulat ng mata. May kumot siya, ngunit sa ilalim noon ay ang walang saplot niyang katawan. Agad niyang nilingon ang kabilang gilid ng kama. Wala siyang katabi doon. "Asan na si sir?" nagmamadali niyang kinuha ang kanyang robe, nagbihis, at lumabas ng kwarto. Nagulantang siya sa hitsura nito. Nakasuot ito ng shorts na maiksi na kulay pink, at ng kapartner noon na spagetti strap na damit. Nagluluto ito ng pagkain. HIndi na niya napigilan ang matawa, kaya lumingonh ito sa kanya. "What?" ang paraan ng pagsagot ng lalaki sa kanya, ay medyo paasik. "Wala naman," parang napahiya siya, "anong niluluto mo?" "Yung kakainin sana natin kagabi. Naiwan mo pala sa lababo, buti hindi napanis." sagot nito, habang nag umpisang magsangag. Bumaliktad ang kanyang sikmura, ng masamyo ang bawang na bagong salang sa kawaling may mantika. Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo at sumuka. Nag aa
Hinintay pala siya ng lalaking ito. Ang akala niya at iniwan na siya at umalis na si Jethro, subalit nag effort pa ito na maghintay. 'Akala ko, nakaalis ka na?" tanong ko sa kanya. Hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan. Noon niya pa lang naisipang lapitan ako. "Alangang iwanan kita? pinapanood ko pati ang bahay mo, kung aawas ang tubig, dahil sa sobrang tagal mong maligo, baka bumaha na sa loob," nakakunot ang noong sagot ni Jethro kay Danica. Alam ng babae kung paano mang asar ng lalaking gaya niya, na walang pasensiya. "Ano namang pakialam mo, kung matagal akong maligo? eh di sana, iniwanan mo na lang ako hindi ba?" inis niyang sagot sa lalaki. Waring pinapalabas pa nito, na siya ang mga kasalanan ng hindi nito pag alis. Napahilamos sa mukha si Jethro. Hindi niya akalain, na ang babaeng ito, at ang babaeng nagalaw niya kagabi ay iisa. Ang babaeng iyon ay masunurin, submissive. Samantalang ang babaeng ito, may katabilan ang bibig. "Hindi ka ba makakasagot sa akin ng maayos? ang
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, Danica.. Saan ka galing kagabi?" mahinang tanong sa kanya ni Ian, habang patungo sila sa pantry. "Sinong kasama mo?" "Sa bahay ako natulog," tugon ni Danica sa kausap. "Alam kong sa inyo ka natulog, ang itinatanong ko, ay kung saan ka galing kagabi. Iyon lang. Hindi yung kung saan ka natulog. Inihatid ka ba ni sir?" 'Oo, inihatid niya ko sa bahay," hindi naiya kayang magkaila sa kausap. Iniisip niya, sana ay naging imbestigador o abogado na lang ang kaibigan sa galing nitong mag imbestiga. "Sinundan ko kayo kagabi," sagot ni Ian sa kanya, "hindi kasi ako mapakali, na baka mamaya, hindi ka niya ihatid. Hindi siya umuwi.." Napahiya siya sa sinabi ng kaibigan. Alam pala nito na sa bahay niya natulog si Jethro. Biglang namula ang kanyang mukha. "Alam ba niya na.. buntis ka?" tanong ulit ng kanyang kaibigan "Oo, alam niya," alanganin ang kanyang ngiti at hindi man lang niya ito matingnan sa mata. Pakiramdam niya ay isa siyang makasalanang
"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t
Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si
"Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan
Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro
Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng