Share

18. SPG

"Ha? ah-- eh--" nagdadalawang isip siya kung patutuluyin ang lalaki. Nag iisa siya sa bahay. Paano kung patayin siya ng lalaking ito? anong laban niya?

"Nagugutom na ko," hinawi siya nito at inagaw ang kanyang susi, "oh, pumasok ka, bahay mo ito," sabi ni Jethro sa kanya na nauuna pang maglakad papasok sa bahay.

Muli niyang ikinandado ang gate.

Namangha si Jethro sa bahay ni Danica. Maliit lang iyon, na may isang kwarto. Malinis at mabango ang bahay, na halatang madalas nililinis.

"Ma-maupo ka muna.. wala akong maaaring ipakain sayo kundi ako este adobo na niluto ko kaninang umaga," nagsaing siya, saka inilabas ang adobo mula sa ref. Naka-on na ang rice cooker.

Pagharap niya, nabangga siya sa malapad na dibdib ni Jethro. Agad nitong nahapit ang kanyang baywang.

"Naiinitan kasi ako.. maaari bang makiligo?" tanong nito sa kanya. Ang boses nito ay bahagyang paos, na malapit sa kanyang tenga.

Nanindig ang kanyang mga balahibo, dahil sa mainit na hininga nito.

"Ah-- wa-wala akong damit na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status