Share

21. Nahuli sila ni Ian

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2024-09-08 23:37:44
"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo, Danica.. Saan ka galing kagabi?" mahinang tanong sa kanya ni Ian, habang patungo sila sa pantry. "Sinong kasama mo?"

"Sa bahay ako natulog," tugon ni Danica sa kausap.

"Alam kong sa inyo ka natulog, ang itinatanong ko, ay kung saan ka galing kagabi. Iyon lang. Hindi yung kung saan ka natulog. Inihatid ka ba ni sir?"

'Oo, inihatid niya ko sa bahay," hindi naiya kayang magkaila sa kausap. Iniisip niya, sana ay naging imbestigador o abogado na lang ang kaibigan sa galing nitong mag imbestiga.

"Sinundan ko kayo kagabi," sagot ni Ian sa kanya, "hindi kasi ako mapakali, na baka mamaya, hindi ka niya ihatid. Hindi siya umuwi.."

Napahiya siya sa sinabi ng kaibigan. Alam pala nito na sa bahay niya natulog si Jethro. Biglang namula ang kanyang mukha.

"Alam ba niya na.. buntis ka?" tanong ulit ng kanyang kaibigan

"Oo, alam niya," alanganin ang kanyang ngiti at hindi man lang niya ito matingnan sa mata. Pakiramdam niya ay isa siyang makasalanang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Unexpected Wife of a Billionaire   22. Nagseselos ba siya?

    Pinapaikot paikot niya ang ballpen habang nakahalumbaba at nagsusway sway ang kanyang upuan. Napapaisip siya kung ano ang relasyon ni Ian at ni Danica. Sinusubukang maging kalmado ni Jethro subalit parang hindi siya makapag isip ng maayos. Imposible namang nagseselos siya, dahil hindi naman niya masyadong kilala ang babaeng iyon. "Sir?" si Ronnel iyon na may hawak na folder. "Oh, bkit?" hindi na niya ito binigyang pansin. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkatulala. "Kanina pa po kasi ako dito sir.. parang hindi niyo ako napapansin.." sabi nito sa kanya. Doon pa lang niya naisipang mag angat ng tingin, "wahat?" "Kanina pa po ako dito, sir," ulit ni Ronnel, medyo nahihiya. "May mga dokumento po akong ipapapirma." Napalunok si Jethro at agad na itinaas ang kanyang ballpen, sabay nag-ayos ng upo. Pilit niyang isinantabi ang iniisip tungkol kay Ian at Danica. "Ah, oo. Pasensya na, Ronnel. Ano 'yan?" Inabot ni Ronnel ang folder, at mabilis na kinuha ni Jethro ito. Habang binu

    Last Updated : 2024-09-09
  • Unexpected Wife of a Billionaire   23. Si Ian, ang kanyang boy bestfriend

    "Anong sabi mo?" tanong ni Ryza, galit na galit ang tono. "Ulitin mo nga, Ian. Sino bang kumampi sa'yo?" Tumayo si Ian at nilapitan si Ryza, hindi para makipag-away, kundi para ipakita na hindi siya natatakot. "Sabi ko, kung may problema kayo kay Danica, sa akin niyo na lang sabihin. Tigilan niyo na ang panglalait sa kanya. Kung gusto niyong i-judge ang buhay ng iba, siguraduhin niyo na malinis ang sa inyo." Natameme sina Ryza at Jona. Alam nilang hindi sila mananalo sa argumento ni Ian, lalo na’t ilang beses na nilang narinig na maraming problema sa kanilang sariling mga buhay. Ngunit bago pa sila makapag-react, nagsalita na si Danica. "Alam niyo," malumanay ngunit matalim ang tono niya, "hindi ko kailangang patulan ang mga sinasabi niyo. Kung anuman ang iniisip niyo tungkol sa akin, bahala kayo. Hindi ko na iintindihin, dahil alam kong hindi ako ang problema dito." Tahimik ang paligid. Kahit ang ibang tao sa café ay tumingin sa direksyon nila. Hindi inasahan ng mean girls na

    Last Updated : 2024-09-15
  • Unexpected Wife of a Billionaire   24. Ang kanilang kasunduan

    Napagkasunduan nilang magkita ni Jethro sa parking space na ginagamit nito sa gusaling iyon. Pagdating ni Danica doon, naroon na ang lalaki at nakasimangot na naghihintay sa bench. Masam ang tingin ni Jethro sa kanya na parang lalamunin siya nito ng buhay. "Bakit?" tanong ni Danica kay Jethro na hindi man lang nauupo sa tabi nito. "Buntis ka na, nakikipaglandian ka pa sa ibang lalaki?" may panghuhusga ang tinig nito, "isa ka ba talagang pakawalang nilalang?" "Hoy, Jethro, wala akong pakialam kung ano man iyang iniisip mo. Walang halaga iyan. Hindi ko na naman mababago ang pananaw mo tungkol sa akin, bakit pa ako magiexplain hindi ba? kaya paniwalaan mo na lang kung ano ang nais mo!" naiinis na si Danica sa inaarte ng lalaking ito. Nagtiim bagang si Jethro at malamig ang matang tiningnan siya. Hindi niya akalain na matapang ang babaeng ito. Masyadong matalas ang dila. Wala pang babaeng nagsalita sa kanya ng hindi maganda. Namumukod tangi ito. Malalim siyang huminga. "Danica, mag u

    Last Updated : 2024-09-18
  • Unexpected Wife of a Billionaire   25. Unti unting paglabas ng lihim

    NILAPITAN ni Siren si Danica ng umagang iyon, "alam mo, nakakahalata na ko sayo, iniiwasan mo ba kami?" may inis sa tono ng boses nito, "ilang linggo ka ng ganyan ah." "Hindi naman.. masyado lang akong naging busy nitong mga nakaraang araw," sagolt niya sa kaibigan, "pasensiya na kayo." "At saan ka naman naging abala? isa pa, bakit parang napapadalas ang patawag sayo ni sir sa itaas? anong meron?" nakasimangot na tanong ni Siren. "Wala naman, may mga ipinapagawa lang siyang files sa akin. Ano bang naiisipan mo?" tanong niya sa kaibigan. Lumapit si Ian sa kanila na umiinom ng kape. "Baka mamaya, malaman ko na lang na nabuntis ka ni sir ha?" hindi niya alam kung biro iyon, subalit naibuga ni Ian ang kanyang kape sa harapan nila, "Ian! ang bastos mo naman!" inis na sita ni Siren dito. "Nasamid lang ako," saka namumula ang mga mata nito ng tingnan siya. Nag uusap ang kanilang mata ng lihim. "Grabe siya.. ako ba magugustuhan ni sir?" biro niya sa kaibigan, kahit ang totoo, ay

    Last Updated : 2024-10-01
  • Unexpected Wife of a Billionaire   26. Aaminin na niya kay Siren

    Napatigil si Danica sa kinatatayuan, ramdam niya ang kaba sa bawat tanong ni Jethro. Hindi naman lingid sa kanya na natatanaw ni Ian ang tensyon sa pagitan nila, at tila lalo pa itong nasisiyahan. "Nagkataon lang, Sir," sagot ni Ian nang may bahid ng biro sa boses. "Napadaan kami sa pantry, kaya't naisipan kong yayain si Danica na mag-break muna." Hindi sumagot agad si Jethro. Sa halip, sinukat niya si Danica ng tingin, parang tinatanong kung totoo ba ang sinasabi nito. Alam ni Danica na nasa panganib sila—hindi sa relasyon nila per se, kundi sa mga bulong-bulungan na nagsisimulang umusbong. Pero sa harap ng mga tao, kailangan nilang magpanggap. "Danica," mahinahong sabi ni Jethro, ngunit may kakaibang diin sa kanyang mga salita, "pumunta ka na lang sa opisina mamaya, may mga papeles tayong dapat tapusin." Tila isang simpleng utos iyon, ngunit sa ilalim ng mga salita, mayroong bigat na nagbibigkis sa kanilang dalawa—isang lihim na hindi nila magawang itago nang habambuhay. At n

    Last Updated : 2024-10-01
  • Unexpected Wife of a Billionaire   27. Ang bossy na si Jethro

    Tiningnan siya ni Siren nang mabuti, at tila nag-alangan bago sumagot. "Sure. Ano ba yun?" Tumayo si Siren at sumunod kay Danica patungo sa isang mas tahimik na bahagi ng canteen. Tumahimik si Danica sandali. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin, pero alam niyang kailangan niyang magpakatatag. "Siren... Alam kong napansin mo na may mga bagay akong hindi sinasabi sa'yo nitong mga nakaraang linggo," nagsimula si Danica, pilit pinipigilan ang panginginig ng kanyang boses. Hindi nagsalita si Siren. Nakatingin lang ito sa kanya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "May mga bagay na nangyari sa buhay ko na... hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag," patuloy ni Danica. "Pero ayokong itago ito sa'yo, lalo na ngayon. Kailangan mo nang malaman." Huminga siya nang malalim, pagkatapos ay binitiwan ang mga salitang matagal na niyang kinikimkim. Biglang sumulpot sa harapan nila ang mean girls, nasa mood ang mga ito na mambully. Hindi tuloy niya masabi Kay Siren ang

    Last Updated : 2024-10-01
  • Unexpected Wife of a Billionaire   28. Ang pangungulit ni boss

    Nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho si Danica nang muling mag-vibrate ang kanyang cellphone. Binuksan niya ito at nakita ang sunod-sunod na mga mensahe mula kay Jethro. Ayaw niyang basahin ang mga ito, ngunit tila hinihila siya ng mga salita na nasa screen. Jethro: "Danica, nasaan ka na?" "Alam mong kailangan nating mag-usap. Hindi ito pwedeng ipagpaliban." "Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako kinausap." Napahinga nang malalim si Danica. Ayaw niyang harapin si Jethro, lalo na sa sitwasyong ito. Masalimuot na ang lahat, at nararamdaman niya ang mga mata ng mga tao sa paligid, parang lahat sila'y may alam sa nangyayari. Pero hindi niya kayang harapin ang lalaki ngayon. Hindi niya alam kung saan siya huhugot ng lakas para harapin ang mga komplikasyong dala nito. Binitiwan niya ang cellphone at itinuloy ang pagbubukas ng mga dokumento sa kanyang computer, subalit nagmimistulang wala siyang focus. Patuloy lang siyang nag-aalala, hindi lamang para sa sarili kundi para kay Siren. Alam

    Last Updated : 2024-10-01
  • Unexpected Wife of a Billionaire   29. Hindi niya natakasan si Jethro

    Bigla siyang naalarma ng marinig iyon. Baka malaman lalo sa opisina na buntis siya. Sa huli, ngumiti siya kay Siren, “Kape lang ang kailangan ko.”“Ian! Ikuha mo ng kape si Danica,” tawag ni Siren sa isa pang kaibigan.“Bakit? Anong nangyari?” tanong ni Ian at ni Vohn na lumapit sa kanila, halata ang pag-aalala sa kanilang mga mata.“Wala, okay lang siya,” sagot ni Siren na hindi na pinansin ang tanong ni Ian. “Alam mo naman, kailangan lang ng caffeine fix.”“Danica, anong totoo?” tanong ni Vohn, nakatutok ang mga mata sa kanya. “Hindi ka mukhang okay. Parang may bumabagabag sa'yo.”Nagtama ang kanilang mga mata, at sa mga titig na iyon, parang may nag-uumapaw na mensahe. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa kanila. Pero ramdam niya na nag-aalala sila, at sa kabila ng lahat, natutuwa siya na may mga kaibigan na handang makinig.“Wala talaga, Vohn. Medyo nag-aalala lang ako sa trabaho. Hindi ko mahanap ang tamang solusyon sa mga pinagdadaanan ko,” sagot niya, umaas

    Last Updated : 2024-10-01

Latest chapter

  • Unexpected Wife of a Billionaire   73. Napikon si Lovely

    Dala dala ni Lovely ang lutong pagkain. Inilagay niya iyon sa kotse. Sumakay naman siya upang magdrive, at gaya ng kanyang plano, kailangan niyang makalapit kay Danica ng hindi nahahalata na may plano siya.Pakanta kanta pa siya habang nagmamaneho.Subalit pagdating niya doon, nagulat siya sa bungan sa kanya ng guard."Mam, wala po sina sir. Isinama po niya ang mag iina niya na mag out of town ngayon.""Out of town?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paanong aalis ang mga ito ng hindi man lang niya nalalaman?Agad niyang tinawagan si Vinz at Santi upang alamin kung nag out of town nga sina Jerhro."Oo, nagpaalam siya samin kagabi, bakit?" tanong ni Santi na nakaupo sa kanyang clinic at naghihintay ng pasyente."Ha? bakit hindi ko ,an lang alam?" hindi makapaniwala si Lovely na basta na lang umalis sin Jethro na hindi man lang siya kinokontak."Kailangan ba?" hindi makapaniwala si Santi sa narinig, "Lovely, akala ko ba, hahayaan mo ng mamuhay ng maayos sina Danica, bakit ngayon. para k

  • Unexpected Wife of a Billionaire   72. Ang pagpuslit ng damdamin

    "Natutulog na pala sila.." nakangiting sabi ni Jethro, habang tinitingnan ang mga bata na nakahiga sa kuna. "Sir, kukunin niyo po ba ang bata?" anong ng isang yaya sa kanya. "Hindi na, pakibantayan niyo na lang maigi ang mga bata. Patutulugin ko muna ang nanay nila.." kinindatan niya si Danica na agad na namula sa biro niyang iyon. "Naku, ikaw talaga.. ano ka ba naman, nakakahiya," bulong niya sa lalaki, habang napasulyap sa mga katulong na kinikilig sa paglalambing ni Jethro. "Bakit?" hinawakan nito ang baywang niya, "may mga anak na tayo, kaya dapat mas lalo tayong magmahalan." Lalo siyang namula sa ginagawa ng lalaki, lalo na ng bulungan siya nito, "palalakihin lang natin sila ng konti, para maging flower girl at ring bearer sa ating kasal." Nanlaki ang mga mata ni Danica.. Di yata't.. di yata ay nagpapahiwatig ng kasal ang lalaki sa kanya. "Pa-papakasalan mo ko?" nabanggit na nito iyon sa kanya, kaso, simula noong manganak siya, hindi na ulit ito nagbanggit ng tungkol doon.

  • Unexpected Wife of a Billionaire   71. Meet my enemy

    "Hi.." isang nakangiting Lovely ang bumungad kay Danica ng umagang iyon. Tumayo ito mula sa sofa, "pinatuloy na ako ng katulong kasi kilala naman nila ko." "Ah.. wala si Jethro dito eh," alanganin ang ngiting ibinigay ni Danica sa babae. Hindi niya inaasahan na magtutungo ito doon ngayong umaga. "Hindi naman siya ang kailangan ko eh," hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi si Jethro ang kailangan? eh sino? Mukhang napansin ni Lovely ang kanyang iniisip, itinaas nito ang dalang prutas, "ikaw ang sadya ko. Mukhang hindi kasi naging okay yung una nating pagtatagpo. Baka mamis interpret mo pa.." "Ah.. iyon ba?" ngumiti na rin siya at sinabihan ito, "sige maupo ka." inabot niya ang prutas ng basket na inialay nito, "salamat." "Alam mo kasi, ako lang ang babae sa aming magkakaibigan, siyempre hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin na darating nga pala ang araw na magkakaroon na ng kanya kanyang pamilya ang mga kaibig

  • Unexpected Wife of a Billionaire   70. Hindi ako susuko..

    Mabilis na pinahid ni Lovely ang luha sa kanyang pisngi at pilit na ngumiti kay Vinz. "Salamat, Vinz. Alam kong nandiyan kayo palagi para sa akin. Siguro nga, kailangan ko nang palayain ang sarili ko mula sa ilusyon ng pag-ibig na hindi naman totoo." Sa paglabas nila ng restaurant, ramdam ni Lovely ang magkahalong kalungkutan at kasiyahan. Malungkot siya dahil sa wakas ay tuluyan na niyang tinanggap na hindi siya ang pipiliin ni Jethro, pero may bahagyang kasiyahan sapagkat naroon sina Vinz at Santi na handang damayan siya. Habang naglalakad sila sa gabi, may mga bituin na kumikislap sa kalangitan, tila nagbibigay liwanag sa kanyang madilim na damdamin. Huminga siya nang malalim at nagdesisyong magpatuloy. Ayaw niyang magpatali sa alaala ni Jethro, nais niyang makita ang sarili sa ibang liwanag—isang Lovely na handang mahalin ang sarili. Hindi nagtagal, tumigil sila sa isang parke at naupo sa isang bench. Tahimik nilang pinanood ang mga tao sa paligid, bawat isa ay tila may sarilin

  • Unexpected Wife of a Billionaire   69. Kalimutan mo na siya...

    Lovely nasaan ka na? Pupuntahan kita? Umuwi ka na.. Nasaan ka? Hoy kita tayo..Habang binabasa ni Lovely ang sunod-sunod na mensahe mula kina Santi at Vinz, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Kahit pa gusto niyang sumama sa mga kaibigan, mas nangingibabaw ang lungkot at pagkabigo. Wala siyang natatanggap na kahit anong mensahe mula kay Jethro—ang taong mas nais niyang makausap ngayon."Umiiwas ba talaga siya sa akin?" bulong niya sa sarili. Lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa tuwing naaalala ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan. Mula nang makilala ni Jethro si Danica, tila nagbago ang lahat. Nagkamali ba siya ng akala na may espesyal na namamagitan sa kanila? O sadyang mas pinili lang ni Jethro ang bagong babae sa kanyang buhay?Naalala niya ang sinabi nina Santi—na aksidente lang daw ang nangyari kay Danica at Jethro. Buntis si Danica, ngunit hindi pa raw matagal na magkakilala ang dalawa. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, tila mas pinili pa rin ni Jethro na

  • Unexpected Wife of a Billionaire   68. Patawad, Lovely

    Dahan-dahang humarap si Jethro kay Santi, ang mga mata'y puno ng pag-aalala at pagsisisi."Bro, alam ko mahirap, pero kailangan mong harapin si Lovely," sabi ni Santi habang mahigpit na hinahawakan ang balikat niya. "Alam kong pinagsisisihan mo na hindi mo siya pinuntahan, pero hindi ka niya kailangan para sumbatan o sisihin. Kailangan ka niya para damayan siya."Napayuko si Jethro. Mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto ni Lovely, parang hinihila siya ng mga alaala ng gabing iyon, ng bawat tawag at pakiusap ng kaibigan na hindi niya sinagot.Sa wakas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niya si Lovely na nakahiga, maputla, at mahina ang katawan, ngunit ang mga mata nito ay muling nagniningning. Ngunit sa kabila ng liwanag sa mata nito, ramdam ni Jethro ang kirot at lungkot na hindi kayang itago ng ngiti."Jeth," mahina ngunit malinaw ang pagtawag ni Lovely sa kanya. Walang halong galit, walang paninisi, ngunit sapat na ang simpleng tawag na iyon upang mabasag ang pader

  • Unexpected Wife of a Billionaire   67. Ang madilim na kahapon ni Lovely

    "Nasaan ka na ba kasi?" tanong ni Lovely sa kanya. Graduating na sila noong panahong iyon. "Umuwi ka na, hindi nga ako pupunta diyan!" nahahalata ni Jethro ang pagkaclingy sa kanya ng babae, kaya siya umiiwas. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon. Hindi siya ganoong klase ng lalaki. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinupuntahan, hihintayin kita," at pinatay na ni Lovely ang tawag. "Bahala ka.." sabi niya sa sarili, saka tinulugan ang hiling ng kaibigan. Hindi talaga niya ito pinuntahan dahil sa kanyang pag iwas. Tunog ng tunog ang kanyang cellphone pagsapit ng umaga.. Sina Santi ang natawag sa kanya. Ang miscalls ng dalawang kaibigang lalaki ay magkasunod na nag appear sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung nakakailang tawag na ang mga ito, subalit itong huli ay nasagot niya. "Nasaan ka?" ang pag aalala sa tinig ni Santi ay abot abot na parang nagmamadali ito. ñ"Nasa bahay, bakit ba?'0" oatamad niyang sagot dito. "Putang ina par, dinala ni Vinz si Lovely

  • Unexpected Wife of a Billionaire   66. Umiwas sa tukso

    "Hindi ako galit sayo, bakit mo naman naisip yan?" kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi ni Lovely. Ayaw niya itong masaktan ngunit hindi niya maaaring tanggapin ang pagbibigay nito ng motibo sa kanya.Hindi na gaya ngbdatinang buhat niya ngayon. Kasama na niya ang kanyang mag iina, at sugurado na siya sa kanyang sarili na pakakasalan niya si Danica. Nahanap lang siya ng magandang pagkakataon."Bakit hindi mo ako pinuntahan kanina? alam mo namang kailangan ko ng tulong?" may himig ng pagtatampo ang boses nito."May meeting kasi ako ngayon, Kailangan kong umattend ng maaga. Saka pinuntahan ka naman ni Vinz hindi ba?""Iba kasi kung ikaw ang nagpunta sa akin. Mas naging maayos sana ako kahit konti..""Bakit? hindi ba inayos ni Vinz ang kotse mo?""Hindi iyon, ikaw ang ibig kong sabihin.. sana, ikaw ang nagpunta sakin.""May meeting nga ako," naging malamig ang kanyang mukha habang sinasabi iyon. Noon pa man, demanding na ito para sa kanyang oras, subalit ngayon lang niya ito narereali

  • Unexpected Wife of a Billionaire   65.Abot tanaw

    Hindi pa rin umalis si Vinz matapos niyang maayos ang gulong ni Lovely. Maganda ang tanawin na kanyang nakikita. Naroon ang babaeng kanyang inaasam. May dala dalang bata at pahele hele na ginagawa.Umapaw ang lungkot sa kanyang puso at para siyang nahihirapan habang tinitingnan si Danica. Sinisisi niya ang kanyang sarili, dahil noong may pagkakataon pa siya, hindi siya gumawa ng paraan na makilala ito, at ngayon nga ay ang kanyang kaibigan na ang nagmamay ari dito, hindi man legal, subalit may deposito na itong ibinigay.Ang mga batang iyon ay hindi sinasadya, subalit sa nakikita niyang nangyayari kay Jethro, tama na lang siguro para sa kanya na tumanaw buhat sa malayo.Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Ayw niyang maging ganito habang buhay. Nais niyang maging malaya ang kanyang damdamin, ngunit para kanino? tinapos na ni Jethro ang laban.Ang naging pagtatapat niya noong una niyang nakilala si Danica sa bar, ay hindi inaasahan. Gusto niya lang ihinga ang kanyang nara

DMCA.com Protection Status