Bigla siyang naalarma ng marinig iyon. Baka malaman lalo sa opisina na buntis siya. Sa huli, ngumiti siya kay Siren, “Kape lang ang kailangan ko.”“Ian! Ikuha mo ng kape si Danica,” tawag ni Siren sa isa pang kaibigan.“Bakit? Anong nangyari?” tanong ni Ian at ni Vohn na lumapit sa kanila, halata ang pag-aalala sa kanilang mga mata.“Wala, okay lang siya,” sagot ni Siren na hindi na pinansin ang tanong ni Ian. “Alam mo naman, kailangan lang ng caffeine fix.”“Danica, anong totoo?” tanong ni Vohn, nakatutok ang mga mata sa kanya. “Hindi ka mukhang okay. Parang may bumabagabag sa'yo.”Nagtama ang kanilang mga mata, at sa mga titig na iyon, parang may nag-uumapaw na mensahe. Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag ang lahat sa kanila. Pero ramdam niya na nag-aalala sila, at sa kabila ng lahat, natutuwa siya na may mga kaibigan na handang makinig.“Wala talaga, Vohn. Medyo nag-aalala lang ako sa trabaho. Hindi ko mahanap ang tamang solusyon sa mga pinagdadaanan ko,” sagot niya, umaas
“Jethro, hindi kita tinatakasan,” sagot ni Danica, pinipilit ang sarili na maging kalmado. “Kailangan ko lang ng kaunting espasyo para makapag-isip.”“Espasyo? Anong klase ng espasyo ang kailangan mo? Hindi mo ba naiintindihan na ang desisyon mong umalis ay parang iniwan mo na rin ako?” Kumakabog ang dibdib niya habang pinapanood ang mga mata ni Jethro na nag-aapoy sa galit. Sa likod ng galit na iyon, mayroong takot, at hindi niya maikakaila na naiintindihan niya ito. Pero hindi ito ang dahilan kung bakit siya nandiyan.“Alam mo na ang pinagdadaanan ko. Ang lahat ng ito ay labis-labis na para sa akin. Gusto ko lamang munang huminga,” sabi niya, umiiwas sa kanyang tingin. Gusto niyang ipakita ang kanyang lakas, ngunit sa bawat salita, nararamdaman niya ang kahirapan na lumabas sa kanyang bibig.“Nag-aalala ako sa’yo, Danica. Parang lumayo ka na sa akin, at hindi ko alam kung anong nangyayari sa isip mo,” sagot ni Jethro, ang boses nito ay nagsimula nang lumambot. Mukhang naguguluhan it
Naiinis siyang isipin na parang gagawin lang siyang parausan ng lalaking ito. Hindi naman siya pokpok onbayarang babae na nandiyan lang sa tabi at namimik-up ng customer.Nakakunot pa rin ang noo ni Jethro at hindi mawari kung ano ang pumasok sa kanyang isipan at bigla niya itong pinaaalis. Akala siguro ng lalaking malibognna to na makaka score ito sa kanya."Sinabi ko, umalis ka na!" pagtataboy Kong muli sa kanya.Matiim niya akong tinitigan at biglang nagdilim ang kanyang mga mata. Para iyong kulimlim na langit na handang umulan ano mang oras.Dahan dahan niya akong nilapitan, at hinawakan sa aking mga braso."Ayoko sa lahat, iyong itinataboy ako!" bigla na lang siyang sinibasib siya ng halik ni Jethro.Hindi siya makahuma, labis ang kanyang gulat.Pinilit man niyang manlaban, subalit ang lalaki ay talagang malakas. Inilagay ni Jethro ang kamay ni Danica sa likod.Masyado ng matabil ang bibig ng babaeng ito, kaya nararapat lang na parusahan niya ito.Nagpaparusa ang kanyang mga hali
"Bakit Panay ang ngiti mo?" Tanong ni Santi Kay Jethro, "anong nangyayari sayo?" "Wala lang.." nakangiti pa rin siya na parang nakadikit na ito doon. "Babae ba yan?" Tila nakocurious ito sa nangyayari sa kanya. "Secret.." Sininghap ni Santi ang hangin, mas lalo siyang naging mausisa. "Secret? Parang may malaking nangyari, ah! Hindi mo ba ako kayang pagtiwalaan?" Tumingin si Jethro sa kanyang kaibigan, nakangiti pa rin ngunit sa loob-loob niya ay naguguluhan. Kung sakaling malaman ni Santi ang katotohanan, tiyak na hindi ito mapipigilan sa pagbibigay ng komentaryo o mga tanong na tila walang katapusan. “Hindi talaga,” sagot ni Jethro, sinisikap na hindi magpahalata na may mga alalahanin sa kanyang isip. “Minsan, mas masaya ‘yung may mga bagay kang itinagong para sa sarili mo.” “Bakit parang nagiging misteryoso ka na?” kumunot ang noo ni Santi. “Tandaan mo, kaibigan kita. Wala akong balak na manghimasok, pero masyadong mabango ang hangin. Anong nangyayari?” Napatigil si Jethro.
Nararamdaman ni Danica na may mga matang nakatingin sa kanya na parang sinusubaybayan ang kanyang bawat pagkilos. Dahan dahan siyang naglakad, at tinitingnan kung sino ang taong humahabol ng tingin sa kanya. Sa mahabang pasilyo ng opisina, nagmamadali siyang tumakbo at nagtago. Ihahanda na niya ang hawak na papel pang hampas sa taong iyon. "patay ka sa aking bwesit ka.. gugulpihin kita!" Narinig niya ang mga yabag na papalapit. Hinigpitan niya ang hawak sa folder. Handa na siya, ano man ang mangyari. Office hours iyon kaya walang tao sa paligid at nakasarado ang mga pintuan ng opisina. Pagtapat sa kanya, agad niya iyong pinukpok sa ulo, "sino kang hayup ka! manyak! manyak!" talagang ang buong lakas niya ay kanyang ginamit upang mahampas ito ng malakas. "Aray! aray!" agad itong napaupo sa kanyang ginawa at nakasangga ang mga kamay sa kanyang ulo. Sinabunutan niya ito ng hindi tinitingnan kung sino ang taong iyon. "Danica!" saway nito sa kanya. Doon pa lang siya huminto, at tining
"Maaari akong sumugal sa Isang relasyon kung nais ko. Ayoko lang ng nabibigo," seryoso na naman ang mukha ni Jethro na parang inaarok ang pagiging sensiridad niya. Nababahala siya sa ganitong klase ng mood swings nito, dahil pakiramdam niya, nagtitimbang siya ng bulak. Hindi siya makapaniwala, na ang taong ito ay siyang lider ng buong kumpanya. Magaling lang ito marahil magdesisyon sa negosyo, subalit sa personal na buhay, ay hindi.Habang pinagmamasdan ni Danica si Jethro, hindi niya maiwasang magtaka kung paano nagiging ganito ka-komplikado ang mga bagay sa pagitan nila. Ang lalaking nasa harap niya, na isang respetadong lider ng kanilang kumpanya, ay tila hindi ganap na kayang hawakan ang sariling emosyon. Sa negosyo, si Jethro ay determinado, matapang, at tila walang kinatatakutan. Pero sa personal na buhay, parang bata itong nangangapa sa dilim.Matapos ang sinabi ni Jethro, tila naging mas mabigat ang hangin sa paligid nila. Ramdam ni Danica ang tensyon, pero sa kabila nito,
"Danica!" muling tawag ni Siren, mas malakas na ngayon, at ramdam na ramdam ni Danica ang pagkadismaya sa boses nito. Nilingon niya si Siren, na mabilis namang lumapit, bitbit ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha. Kasunod ni Siren si Vohn, tahimik ngunit halatang naiirita rin, nakakunot ang noo habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Kapwa sila parehong nakasimangot, nagpapahiwatig na seryoso ang kanilang pakay. "Ano bang nangyayari sa'yo, ha?" agad na tanong ni Siren, ang tono nito'y matalim at nagtatanong ng kasagutan. "Matagal na naming nararamdaman na iniiwasan mo kami. Pero bakit si Ian—nakikipag-usap ka naman sa kanya? Ano bang problema?" Hindi agad nakasagot si Danica. Naramdaman niya ang bigat ng mga tanong ni Siren, na tila bawat salita ay nag-iiwan ng bahid ng kirot sa kanyang dibdib. Ayaw niyang umamin, ngunit alam niyang hindi na niya maitatanggi pa. Alam ng mga kaibigan niya na may kakaiba sa kanya nitong mga huling araw. At ngayon, hinaharap na nila ito. Napatitig s
Nakahinga nang malalim si Danica habang pinagmamasdan ang mga paang papalayo nina Siren at Vohn. Ramdam niya ang bigat ng kanilang tampo, at sa bawat hakbang nila, parang lalo pang lumiliit ang espasyo sa pagitan niya at ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat. Puno ng kalituhan ang isip niya, at alam niyang hindi niya sila masisisi sa nararamdaman nila ngayon.Naiwan siyang nag-iisa sa pasilyo. Kumikirot ang kanyang puso. Hindi niya inakala na ang pagtatago ng kanyang sitwasyon ay magbubunga ng ganitong lamat sa kanilang pagkakaibigan. Alam niyang hindi niya maaaring isisi sa kanila ang lahat ng ito, pero paano nga ba niya ipapaliwanag ang lahat? Paano niya sasabihin na ang lahat ng pagbabago sa kanya ay dahil sa isang lihim na pilit niyang tinatago, isang lihim na bumabalot sa kanya ng takot at kahihiyan?Habang naririnig niyang papalayo ang mga yabag nina Siren at Vohn, nagpasya si Danica na kailangan na niyang ayusin ito. Hindi siya pwedeng magtagal
"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t
Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si
"Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan
Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro
Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng