Nararamdaman ni Danica na may mga matang nakatingin sa kanya na parang sinusubaybayan ang kanyang bawat pagkilos. Dahan dahan siyang naglakad, at tinitingnan kung sino ang taong humahabol ng tingin sa kanya. Sa mahabang pasilyo ng opisina, nagmamadali siyang tumakbo at nagtago. Ihahanda na niya ang hawak na papel pang hampas sa taong iyon. "patay ka sa aking bwesit ka.. gugulpihin kita!" Narinig niya ang mga yabag na papalapit. Hinigpitan niya ang hawak sa folder. Handa na siya, ano man ang mangyari. Office hours iyon kaya walang tao sa paligid at nakasarado ang mga pintuan ng opisina. Pagtapat sa kanya, agad niya iyong pinukpok sa ulo, "sino kang hayup ka! manyak! manyak!" talagang ang buong lakas niya ay kanyang ginamit upang mahampas ito ng malakas. "Aray! aray!" agad itong napaupo sa kanyang ginawa at nakasangga ang mga kamay sa kanyang ulo. Sinabunutan niya ito ng hindi tinitingnan kung sino ang taong iyon. "Danica!" saway nito sa kanya. Doon pa lang siya huminto, at tining
"Maaari akong sumugal sa Isang relasyon kung nais ko. Ayoko lang ng nabibigo," seryoso na naman ang mukha ni Jethro na parang inaarok ang pagiging sensiridad niya. Nababahala siya sa ganitong klase ng mood swings nito, dahil pakiramdam niya, nagtitimbang siya ng bulak. Hindi siya makapaniwala, na ang taong ito ay siyang lider ng buong kumpanya. Magaling lang ito marahil magdesisyon sa negosyo, subalit sa personal na buhay, ay hindi.Habang pinagmamasdan ni Danica si Jethro, hindi niya maiwasang magtaka kung paano nagiging ganito ka-komplikado ang mga bagay sa pagitan nila. Ang lalaking nasa harap niya, na isang respetadong lider ng kanilang kumpanya, ay tila hindi ganap na kayang hawakan ang sariling emosyon. Sa negosyo, si Jethro ay determinado, matapang, at tila walang kinatatakutan. Pero sa personal na buhay, parang bata itong nangangapa sa dilim.Matapos ang sinabi ni Jethro, tila naging mas mabigat ang hangin sa paligid nila. Ramdam ni Danica ang tensyon, pero sa kabila nito,
"Danica!" muling tawag ni Siren, mas malakas na ngayon, at ramdam na ramdam ni Danica ang pagkadismaya sa boses nito. Nilingon niya si Siren, na mabilis namang lumapit, bitbit ang nag-aalalang ekspresyon sa mukha. Kasunod ni Siren si Vohn, tahimik ngunit halatang naiirita rin, nakakunot ang noo habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Kapwa sila parehong nakasimangot, nagpapahiwatig na seryoso ang kanilang pakay. "Ano bang nangyayari sa'yo, ha?" agad na tanong ni Siren, ang tono nito'y matalim at nagtatanong ng kasagutan. "Matagal na naming nararamdaman na iniiwasan mo kami. Pero bakit si Ian—nakikipag-usap ka naman sa kanya? Ano bang problema?" Hindi agad nakasagot si Danica. Naramdaman niya ang bigat ng mga tanong ni Siren, na tila bawat salita ay nag-iiwan ng bahid ng kirot sa kanyang dibdib. Ayaw niyang umamin, ngunit alam niyang hindi na niya maitatanggi pa. Alam ng mga kaibigan niya na may kakaiba sa kanya nitong mga huling araw. At ngayon, hinaharap na nila ito. Napatitig s
Nakahinga nang malalim si Danica habang pinagmamasdan ang mga paang papalayo nina Siren at Vohn. Ramdam niya ang bigat ng kanilang tampo, at sa bawat hakbang nila, parang lalo pang lumiliit ang espasyo sa pagitan niya at ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya inakalang aabot sa ganito ang lahat. Puno ng kalituhan ang isip niya, at alam niyang hindi niya sila masisisi sa nararamdaman nila ngayon.Naiwan siyang nag-iisa sa pasilyo. Kumikirot ang kanyang puso. Hindi niya inakala na ang pagtatago ng kanyang sitwasyon ay magbubunga ng ganitong lamat sa kanilang pagkakaibigan. Alam niyang hindi niya maaaring isisi sa kanila ang lahat ng ito, pero paano nga ba niya ipapaliwanag ang lahat? Paano niya sasabihin na ang lahat ng pagbabago sa kanya ay dahil sa isang lihim na pilit niyang tinatago, isang lihim na bumabalot sa kanya ng takot at kahihiyan?Habang naririnig niyang papalayo ang mga yabag nina Siren at Vohn, nagpasya si Danica na kailangan na niyang ayusin ito. Hindi siya pwedeng magtagal
Napatigil si Danica sa pagsagot nang mapansin niyang papalapit sina Ryza at ang mga kasamahan nito. Halata sa mukha ni Ryza ang masamang intensyon, at tila may nag-aalab na galit sa kanyang mga mata. Sa kanilang opisina, hindi lihim na madalas mang-away si Ryza, lalo na’t may halong tsismis at intriga ang mga usapan. Ngayong nakita niya sina Danica, Siren, at Vohn na tila nag-uusap ng seryoso, mukhang hindi nito palalampasin ang pagkakataong manggulo."Oh, ano na naman ang drama n'yo diyan?" matalim ang tono ni Ryza habang lumalapit. "May bagong isyu na naman ba, Danica? Alam mo ikaw, wala ka pang kalahating taon dito, Pero ang isyu mo, daig pa ang mga artista!"Si Danica, bagama't kinakabahan, ay nagpasya na hindi magpapadala sa parunggit ni Ryza. Alam niyang wala itong alam tungkol sa tunay na nangyayari sa kanya at ayaw niyang palakihin pa ang sitwasyon."Wala, Ryza," sagot ni Danica, pinipilit maging kalmado ang boses. "May inaayos lang kaming problema, na hindi ka kasali.""Probl
Nagbuntong-hininga si Siren, ngunit ngumiti rin nang bahagya. "O sige, pero sana nga, Danica, matapos ng dinner na 'yan, malinaw na sa amin ang lahat. Hindi mo naman kami kailangang iwasan o itago ang mga problema mo, alam mo 'yan." Tumango si Vohn, bagaman may halong pag-aalala pa rin sa kanyang mga mata. "Oo, tama si Siren. Gusto lang naming malaman kung okay ka talaga. Hindi mo kailangang dalhin mag-isa 'yang bigat na 'yan." Nakangiti si Danica, pero sa loob-loob niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng mga alalahanin. Alam niyang marami pa siyang dapat ipaliwanag, at ang katotohanan ay mas komplikado kaysa sa nais niyang ipakita. Pero masaya siyang kahit papaano, handa pa rin ang kanyang mga kaibigan na makinig at suportahan siya. "Basta mamaya, dinner's on me," sabi ni Danica, pilit na pinapalitan ang usapan ng mas magaan na tono. "Gusto ko rin kayong i-treat, para makabawi ako sa inyo." Nagpalitan ng tingin sina Siren at Vohn, na parang nagkakaintindihan. Alam nilang hindi
DANICA: Hindi ako pwede ngayon. Napakunot ang kanyang noo ng mabasa ang mensahe ni Danica. Hindi siya makapaniwala na tumanggi ito. Minessage niya ulit ito.. JETHRO: Bakit hindi? DANICA: Aalis kami ng friends ko. JETHRO: Saan kayo pupunta? Hindi na sumagot si Danica. Naghintay pa siya ng ilang minuto, hanggang umabot ng dalawang oras, talagang binalewala na siya ng babaeng iyon. Nag iinit na ang punong Tenga niya dahil sa pandedeadma nito. Sinubukang niyang tawagan ang babae, ngunit magaling! pinagpatayan siya ng cellphone! Lalo lang tumindi ang pagkainis niya. Naipangako pa naman niya sa mga kaibigan na isasama ito sa gabing iyon. Subalit mapapahiya ata siya. Muli niyang sinubukang tawagan ang babae, ngunit nanindigan na ata ito na hindi siya kontakin. Nahimas niya ang kanyang baba. Ang kanyang pagkairita ay umaabot na sa bumbunan. Hindi niya inaasahan na ang kanyang plano ay mapupurnada. "Ano naman ba ang pinagkakaabalahan ng buntis na iyon at hindi man
"Shit, namatay!" naiinis na Sabi ni Danica, nalowbat ako. Malamang magalit na naman sa akin ang lalaking iyon at isipin na pinagpatayan ko siya ng phone," bulong niya sa sarili habang hinihintay si Ian na kumuha ng sasakyan, "Oh, bakit parang nalukot ang mukha mo?" papalapit sa kanya si Siren habang may kinukutingting sa bag, "malayo pa lang ako, napapansin ko na yang inaarte mo." "Wa-wala naman.. ang tagal ni Ian," nakanguso siya at itinago ang phone, "nalowbat kasi ako." "Naku, hayaan mo na, hindi natin kailangan ng phone kapag nandun na tayo,"humawak ito sa kanyang braso, "oh, ayan na pala sila," natanaw na nila ang sasakyan na papalapit sa kanilang dalawa. Pagdating nila sa Tramo, tumigil siya saglit upang ayusin ang sandals "mauna na kayo, hahanapin ko na lang kayo sa loob," Sabi niya. Paborito nila ang lugar na ito, dahil masasarap ang pagkain at may live band pa. Pag angat niya ng kanyang ulo, nabangga ito ng isang lalaki. Agad siyang inalalayan nito, dahil muntik na s
Dala dala ni Lovely ang lutong pagkain. Inilagay niya iyon sa kotse. Sumakay naman siya upang magdrive, at gaya ng kanyang plano, kailangan niyang makalapit kay Danica ng hindi nahahalata na may plano siya.Pakanta kanta pa siya habang nagmamaneho.Subalit pagdating niya doon, nagulat siya sa bungan sa kanya ng guard."Mam, wala po sina sir. Isinama po niya ang mag iina niya na mag out of town ngayon.""Out of town?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paanong aalis ang mga ito ng hindi man lang niya nalalaman?Agad niyang tinawagan si Vinz at Santi upang alamin kung nag out of town nga sina Jerhro."Oo, nagpaalam siya samin kagabi, bakit?" tanong ni Santi na nakaupo sa kanyang clinic at naghihintay ng pasyente."Ha? bakit hindi ko ,an lang alam?" hindi makapaniwala si Lovely na basta na lang umalis sin Jethro na hindi man lang siya kinokontak."Kailangan ba?" hindi makapaniwala si Santi sa narinig, "Lovely, akala ko ba, hahayaan mo ng mamuhay ng maayos sina Danica, bakit ngayon. para k
"Natutulog na pala sila.." nakangiting sabi ni Jethro, habang tinitingnan ang mga bata na nakahiga sa kuna. "Sir, kukunin niyo po ba ang bata?" anong ng isang yaya sa kanya. "Hindi na, pakibantayan niyo na lang maigi ang mga bata. Patutulugin ko muna ang nanay nila.." kinindatan niya si Danica na agad na namula sa biro niyang iyon. "Naku, ikaw talaga.. ano ka ba naman, nakakahiya," bulong niya sa lalaki, habang napasulyap sa mga katulong na kinikilig sa paglalambing ni Jethro. "Bakit?" hinawakan nito ang baywang niya, "may mga anak na tayo, kaya dapat mas lalo tayong magmahalan." Lalo siyang namula sa ginagawa ng lalaki, lalo na ng bulungan siya nito, "palalakihin lang natin sila ng konti, para maging flower girl at ring bearer sa ating kasal." Nanlaki ang mga mata ni Danica.. Di yata't.. di yata ay nagpapahiwatig ng kasal ang lalaki sa kanya. "Pa-papakasalan mo ko?" nabanggit na nito iyon sa kanya, kaso, simula noong manganak siya, hindi na ulit ito nagbanggit ng tungkol doon.
"Hi.." isang nakangiting Lovely ang bumungad kay Danica ng umagang iyon. Tumayo ito mula sa sofa, "pinatuloy na ako ng katulong kasi kilala naman nila ko." "Ah.. wala si Jethro dito eh," alanganin ang ngiting ibinigay ni Danica sa babae. Hindi niya inaasahan na magtutungo ito doon ngayong umaga. "Hindi naman siya ang kailangan ko eh," hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi si Jethro ang kailangan? eh sino? Mukhang napansin ni Lovely ang kanyang iniisip, itinaas nito ang dalang prutas, "ikaw ang sadya ko. Mukhang hindi kasi naging okay yung una nating pagtatagpo. Baka mamis interpret mo pa.." "Ah.. iyon ba?" ngumiti na rin siya at sinabihan ito, "sige maupo ka." inabot niya ang prutas ng basket na inialay nito, "salamat." "Alam mo kasi, ako lang ang babae sa aming magkakaibigan, siyempre hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin na darating nga pala ang araw na magkakaroon na ng kanya kanyang pamilya ang mga kaibig
Mabilis na pinahid ni Lovely ang luha sa kanyang pisngi at pilit na ngumiti kay Vinz. "Salamat, Vinz. Alam kong nandiyan kayo palagi para sa akin. Siguro nga, kailangan ko nang palayain ang sarili ko mula sa ilusyon ng pag-ibig na hindi naman totoo." Sa paglabas nila ng restaurant, ramdam ni Lovely ang magkahalong kalungkutan at kasiyahan. Malungkot siya dahil sa wakas ay tuluyan na niyang tinanggap na hindi siya ang pipiliin ni Jethro, pero may bahagyang kasiyahan sapagkat naroon sina Vinz at Santi na handang damayan siya. Habang naglalakad sila sa gabi, may mga bituin na kumikislap sa kalangitan, tila nagbibigay liwanag sa kanyang madilim na damdamin. Huminga siya nang malalim at nagdesisyong magpatuloy. Ayaw niyang magpatali sa alaala ni Jethro, nais niyang makita ang sarili sa ibang liwanag—isang Lovely na handang mahalin ang sarili. Hindi nagtagal, tumigil sila sa isang parke at naupo sa isang bench. Tahimik nilang pinanood ang mga tao sa paligid, bawat isa ay tila may sarilin
Lovely nasaan ka na? Pupuntahan kita? Umuwi ka na.. Nasaan ka? Hoy kita tayo..Habang binabasa ni Lovely ang sunod-sunod na mensahe mula kina Santi at Vinz, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Kahit pa gusto niyang sumama sa mga kaibigan, mas nangingibabaw ang lungkot at pagkabigo. Wala siyang natatanggap na kahit anong mensahe mula kay Jethro—ang taong mas nais niyang makausap ngayon."Umiiwas ba talaga siya sa akin?" bulong niya sa sarili. Lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa tuwing naaalala ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan. Mula nang makilala ni Jethro si Danica, tila nagbago ang lahat. Nagkamali ba siya ng akala na may espesyal na namamagitan sa kanila? O sadyang mas pinili lang ni Jethro ang bagong babae sa kanyang buhay?Naalala niya ang sinabi nina Santi—na aksidente lang daw ang nangyari kay Danica at Jethro. Buntis si Danica, ngunit hindi pa raw matagal na magkakilala ang dalawa. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, tila mas pinili pa rin ni Jethro na
Dahan-dahang humarap si Jethro kay Santi, ang mga mata'y puno ng pag-aalala at pagsisisi."Bro, alam ko mahirap, pero kailangan mong harapin si Lovely," sabi ni Santi habang mahigpit na hinahawakan ang balikat niya. "Alam kong pinagsisisihan mo na hindi mo siya pinuntahan, pero hindi ka niya kailangan para sumbatan o sisihin. Kailangan ka niya para damayan siya."Napayuko si Jethro. Mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto ni Lovely, parang hinihila siya ng mga alaala ng gabing iyon, ng bawat tawag at pakiusap ng kaibigan na hindi niya sinagot.Sa wakas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niya si Lovely na nakahiga, maputla, at mahina ang katawan, ngunit ang mga mata nito ay muling nagniningning. Ngunit sa kabila ng liwanag sa mata nito, ramdam ni Jethro ang kirot at lungkot na hindi kayang itago ng ngiti."Jeth," mahina ngunit malinaw ang pagtawag ni Lovely sa kanya. Walang halong galit, walang paninisi, ngunit sapat na ang simpleng tawag na iyon upang mabasag ang pader
"Nasaan ka na ba kasi?" tanong ni Lovely sa kanya. Graduating na sila noong panahong iyon. "Umuwi ka na, hindi nga ako pupunta diyan!" nahahalata ni Jethro ang pagkaclingy sa kanya ng babae, kaya siya umiiwas. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon. Hindi siya ganoong klase ng lalaki. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinupuntahan, hihintayin kita," at pinatay na ni Lovely ang tawag. "Bahala ka.." sabi niya sa sarili, saka tinulugan ang hiling ng kaibigan. Hindi talaga niya ito pinuntahan dahil sa kanyang pag iwas. Tunog ng tunog ang kanyang cellphone pagsapit ng umaga.. Sina Santi ang natawag sa kanya. Ang miscalls ng dalawang kaibigang lalaki ay magkasunod na nag appear sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung nakakailang tawag na ang mga ito, subalit itong huli ay nasagot niya. "Nasaan ka?" ang pag aalala sa tinig ni Santi ay abot abot na parang nagmamadali ito. ñ"Nasa bahay, bakit ba?'0" oatamad niyang sagot dito. "Putang ina par, dinala ni Vinz si Lovely
"Hindi ako galit sayo, bakit mo naman naisip yan?" kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi ni Lovely. Ayaw niya itong masaktan ngunit hindi niya maaaring tanggapin ang pagbibigay nito ng motibo sa kanya.Hindi na gaya ngbdatinang buhat niya ngayon. Kasama na niya ang kanyang mag iina, at sugurado na siya sa kanyang sarili na pakakasalan niya si Danica. Nahanap lang siya ng magandang pagkakataon."Bakit hindi mo ako pinuntahan kanina? alam mo namang kailangan ko ng tulong?" may himig ng pagtatampo ang boses nito."May meeting kasi ako ngayon, Kailangan kong umattend ng maaga. Saka pinuntahan ka naman ni Vinz hindi ba?""Iba kasi kung ikaw ang nagpunta sa akin. Mas naging maayos sana ako kahit konti..""Bakit? hindi ba inayos ni Vinz ang kotse mo?""Hindi iyon, ikaw ang ibig kong sabihin.. sana, ikaw ang nagpunta sakin.""May meeting nga ako," naging malamig ang kanyang mukha habang sinasabi iyon. Noon pa man, demanding na ito para sa kanyang oras, subalit ngayon lang niya ito narereali
Hindi pa rin umalis si Vinz matapos niyang maayos ang gulong ni Lovely. Maganda ang tanawin na kanyang nakikita. Naroon ang babaeng kanyang inaasam. May dala dalang bata at pahele hele na ginagawa.Umapaw ang lungkot sa kanyang puso at para siyang nahihirapan habang tinitingnan si Danica. Sinisisi niya ang kanyang sarili, dahil noong may pagkakataon pa siya, hindi siya gumawa ng paraan na makilala ito, at ngayon nga ay ang kanyang kaibigan na ang nagmamay ari dito, hindi man legal, subalit may deposito na itong ibinigay.Ang mga batang iyon ay hindi sinasadya, subalit sa nakikita niyang nangyayari kay Jethro, tama na lang siguro para sa kanya na tumanaw buhat sa malayo.Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Ayw niyang maging ganito habang buhay. Nais niyang maging malaya ang kanyang damdamin, ngunit para kanino? tinapos na ni Jethro ang laban.Ang naging pagtatapat niya noong una niyang nakilala si Danica sa bar, ay hindi inaasahan. Gusto niya lang ihinga ang kanyang nara