"Shit, namatay!" naiinis na Sabi ni Danica, nalowbat ako. Malamang magalit na naman sa akin ang lalaking iyon at isipin na pinagpatayan ko siya ng phone," bulong niya sa sarili habang hinihintay si Ian na kumuha ng sasakyan, "Oh, bakit parang nalukot ang mukha mo?" papalapit sa kanya si Siren habang may kinukutingting sa bag, "malayo pa lang ako, napapansin ko na yang inaarte mo." "Wa-wala naman.. ang tagal ni Ian," nakanguso siya at itinago ang phone, "nalowbat kasi ako." "Naku, hayaan mo na, hindi natin kailangan ng phone kapag nandun na tayo,"humawak ito sa kanyang braso, "oh, ayan na pala sila," natanaw na nila ang sasakyan na papalapit sa kanilang dalawa. Pagdating nila sa Tramo, tumigil siya saglit upang ayusin ang sandals "mauna na kayo, hahanapin ko na lang kayo sa loob," Sabi niya. Paborito nila ang lugar na ito, dahil masasarap ang pagkain at may live band pa. Pag angat niya ng kanyang ulo, nabangga ito ng isang lalaki. Agad siyang inalalayan nito, dahil muntik na s
Habang nakatayo si Vinz, hindi niya mapigilan ang pag-alala sa babaeng kanyang nakita. Hindi ito mawala sa kanyang isip. Parang isang pagkakataon na hindi niya puwedeng palampasin. Kailangan niyang malaman kung sino siya. Sa kabilang banda, hindi rin niya alam kung paano siya lalapit. Maraming mga bagay na maaaring magkamali, pero mas malakas ang kanyang determinasyon kaysa sa takot. Sa loob ng bar, nakaupo si Danica kasama ang kanyang mga kaibigan, ngunit tila wala siya sa sariling mundo. Hindi mawala sa isip niya ang lalaki na kanyang nabangga kanina. Ibang klase ang tingin nito sa kanya, at ang mga mata nito ay tila bumabaon sa kanyang isip. Hindi rin niya maiwasang mapansin kung gaano kagwapo ito, pero sinaway niya agad ang sarili. Hindi niya kailangan ng ganitong distractions ngayon. “Hoy, Danica! Dito ka naman sa amin, para kang lutang!” biglang sabi ni Siren, sabay kalabit sa kanya. Napatingin si Danica sa mga kaibigan at ngumiti. “Sorry, may iniisip lang ako.” “Ano ba kasi
"Tara na sa loob, nariyan na yung ipapakilala ko sa Inyo," yaya ni Jethro sa dalawa, "sigurado, maiinggit kayo sakin kapag nakilala niyo siya." mayabang pa niyang sabi. "Ako sin, makikilala ko na diyan sa loob ang babaeng pangarap ko," nakangiting Sabi ni Vinz. "Oh? may nakilala Kang babae?" nakakunot ang noo na tanong ni Santi, "ang bilis mo naman ata.," "Basta,," nakangiti si Vinz habang nakasunod Kay Jethro. "Danica.." Napatingin si Siren sa pinto habang kinakalabit siya. Lumingon siya, pati SI Ian. Si Jethro iyon, may kasamang mga kaibigan. Bigla siyang namutla ng makita ito. Hindi siya makahuma. Ang kabog ng kanyang dibdib ay patuloy na bumibilis. Papalapit sa table niya ang mga ito. Hindi na niya kayang magtago pa. Inaatake siya ng nerbiyos, habang ang mga tingin ni Jethro ay sa kanya naka focus. Natuwa naman si Vinz, ng makitang sa table nina Danica sila lalapit. Malamang, iyong cute ang girlfriend ni Jethro. Subalit nagulantang si Vinz, ng si Danica ang kau
Inayos ng waiter ang lamesa, para sa kanilang pito. Sa isang parang buffet area sila dinala ng waiter, at close door iyon.Hindi maiwasan nina Siren na mailang kay Jethro, dahil ang presensiya nito ay talagang nakakabahala."Huwag kayong mahiya sa akin, isipin niyo na lang na iisa tayo ng katayuan sa buhay dito," sabi ni Jethro na bahagya pang inakbayan si Danica. Napakislot naman ang babae sa kanyang ginawa at alanganing ngumiti."Totoo ba sir?" tanong ni Siren? so walang personalan dito ha?""Oo naman, wala. "Saka siya tumingin ng matiim sa babae, "pero pipiliin mo ang mga salitang gagamitin mo.""Naku, minus points ka Siren," sabi ni Vohn dito na tumataltak."At bakit naman?" nakataas ang kilay ni Siren pagsagot sa kaibigan."Bungangera ka eh.""Baliw!" binatukan ni Siren ang kaibigan.Si Santi naman ay pasimpleng tumabi kay Siren. Patuloy ang pagpapacute nito. Tiningnan naman niya iyon mula ulo hanggang paa."Bakit? may dumi ba ako sa mukha?" angal ni Siren dito."Wala naman, ngay
"Bawal sa kanya ang alak," ininom ni Jethro ang alak na bigay ni Vinz."May hika ba siya?" napakunot ang noo nito at napatingin kina Siren, "may sakit ba si Danica?"Umiling si Siren, wala siyang sakit.. malusog siya..""Bakit bawal ang alak?" nahihirapang mangapa si Vinz sa sitwasyon."Buntis kasi siya," si Ian iyon, habang umiinom ng beer mula sa bote.Dahan dahan ang paglingon ang ginawa ni Vinz kay Danica, na noon ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.Parang ang saya na nararamdaman ni Vinz, ay biglang nagkaroon ng tumarak na kutsilyo. Alam niyang nobya ito ng kaibigan, subalit pakiramdam naman niya, siya ang nauna. Nahuli ba siya sa paglapit? Inuna niya kasi ang maging torpe. Kung noon pa lang sa Manila, nakilala niya si Danica, baka sa kanya ito napunta.Hindi niya maisip ang tamang salita na sasabihin. Handa na sana siyang putulin ang pakikipagkaibigan kay Jethro, alang alang sa babaeng ito.May kakaiba dito na hindi niya makita sa iba. Bukod sa pagiging maganda, may katangia
"Kambal ang magiging anak niyo?" hindi makapaniwala si Siren, "wow ang saya naman." "Hindi pa iyon sigurado. Hindi ko pa nga sana sasabihin kaso, narito na rin lang tayo, kaya sinabi ko na." nakangiting sagot ni Danica. "Wow.. kambal agad ang magiging anak natin?" biglang nag iba ang awra ni Jethro. Literal itong bossy, subalit sa gabing iyon, para na lang siyang simpleng empleyado gaya ng iba. "Sigurado na ba?" binasag ni Vinz ang kanyang katahimikan. Bakit ang kanyang puso ay kumikirot? parang hindi niya iyon matanggap. "Sa sunod na check up ko, malalaman ko na kung talagang kambal sila," nginitian siya ni Danica. Sa tuwing masisilayan niya ang ngiti nito, parang kumakabog ang kanyang dibdib. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kabagalan. Kung noon pa man, hindi niya pinairal ang pagiging mahiyain o pagiging torpe, sana.. sana.. siguro, nagkaroon ng pagkakataon na siya ang nauna. Nanghihinayang siya sa panahong iyon. Ang paghahanap niya dito ay biglang nabalewal
"Ah, kaya pala," ngumiti si Jethro, pero hindi nakaligtas kay Danica ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon nito. Parang may kung anong bagay na gumugulo sa isipan ng lalaki. Narinig kaya nito ang naging usapan nila ni Vinz? "May problema ba?" tanong ni Danica habang iniinom ang natirang juice sa kanyang braso, habang nanonood sa mga taong sumasayaw sa labas. Maganda marahil ang tugtugan. "Ah, wala naman," mabilis na sagot ni Jethro. "Napaisip lang ako bigla. Ang bilis ng mga pangyayari, 'di ba? Kambal agad... Hindi ko akalaing magiging magulang ako agad." ngumiti siya, pero halata ang pag-aalinlangan sa tono ng kanyang boses. Narinig ni Danica ang pagbabago sa boses ni Jethro, ngunit mas pinili niyang hayaan na lang. Baka nga masyado lang siyang nag-iisip, at pagod din si Jethro sa dami ng mga bagay na kailangan nilang ayusin. Hindi rin biro ang pagbabalita na magiging ama ka, lalo na't kambal pa ang sinasabing anak. Tahimik silang dalawa sa loob ng ilang sandali. Sa labas, masaya
Ngumiti si Danica nang marinig iyon, ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Alam niyang hindi madaling baguhin ang isang tao, lalo na kapag ito na ang nakasanayan ng pagkatao. Ngunit sa kabila ng lahat, mahal niya si Jethro at handa siyang tanggapin ang bawat bahagi nito, kahit na ang mga kahinaan. "Alam ko naman, Jethro," sabi niya, pinipilit na ipakita ang lakas ng loob sa kabila ng mga agam-agam sa kanyang puso. "Ang mahalaga sa akin, nandito ka. Lahat ng bagay, kaya nating ayusin basta't magkasama tayo." "Oo, Danica," sagot ni Jethro, na tila seryoso. "Hindi ko alam kung ano ang hinaharap natin, pero handa akong harapin iyon kasama ka." Nakatitig si Danica sa mga mata ni Jethro, naghahanap ng kasiguruhan. Ngunit sa kabila ng mga sinabi nito, may bahagi pa rin ng kanyang isipan na nagdududa. Alam niyang may mga bagay na hindi pa ganap na nailalabas si Jethro, ngunit pinili niyang magtiwala. Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, naniwala siya na magtatagumpay sila. Tahi
"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t
Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si
"Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan
Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro
Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng