Home / Romance / Unexpected Wife of a Billionaire / 44. Ang tipong babae ni Santi

Share

44. Ang tipong babae ni Santi

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2024-10-09 09:09:18

"Bawal sa kanya ang alak," ininom ni Jethro ang alak na bigay ni Vinz.

"May hika ba siya?" napakunot ang noo nito at napatingin kina Siren, "may sakit ba si Danica?"

Umiling si Siren, wala siyang sakit.. malusog siya.."

"Bakit bawal ang alak?" nahihirapang mangapa si Vinz sa sitwasyon.

"Buntis kasi siya," si Ian iyon, habang umiinom ng beer mula sa bote.

Dahan dahan ang paglingon ang ginawa ni Vinz kay Danica, na noon ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Parang ang saya na nararamdaman ni Vinz, ay biglang nagkaroon ng tumarak na kutsilyo. Alam niyang nobya ito ng kaibigan, subalit pakiramdam naman niya, siya ang nauna. Nahuli ba siya sa paglapit? Inuna niya kasi ang maging torpe. Kung noon pa lang sa Manila, nakilala niya si Danica, baka sa kanya ito napunta.

Hindi niya maisip ang tamang salita na sasabihin. Handa na sana siyang putulin ang pakikipagkaibigan kay Jethro, alang alang sa babaeng ito.

May kakaiba dito na hindi niya makita sa iba. Bukod sa pagiging maganda, may katangia
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
sana kambal hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Unexpected Wife of a Billionaire   45. Ang damdamin ni Vinz

    "Kambal ang magiging anak niyo?" hindi makapaniwala si Siren, "wow ang saya naman." "Hindi pa iyon sigurado. Hindi ko pa nga sana sasabihin kaso, narito na rin lang tayo, kaya sinabi ko na." nakangiting sagot ni Danica. "Wow.. kambal agad ang magiging anak natin?" biglang nag iba ang awra ni Jethro. Literal itong bossy, subalit sa gabing iyon, para na lang siyang simpleng empleyado gaya ng iba. "Sigurado na ba?" binasag ni Vinz ang kanyang katahimikan. Bakit ang kanyang puso ay kumikirot? parang hindi niya iyon matanggap. "Sa sunod na check up ko, malalaman ko na kung talagang kambal sila," nginitian siya ni Danica. Sa tuwing masisilayan niya ang ngiti nito, parang kumakabog ang kanyang dibdib. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kabagalan. Kung noon pa man, hindi niya pinairal ang pagiging mahiyain o pagiging torpe, sana.. sana.. siguro, nagkaroon ng pagkakataon na siya ang nauna. Nanghihinayang siya sa panahong iyon. Ang paghahanap niya dito ay biglang nabalewal

    Last Updated : 2024-10-09
  • Unexpected Wife of a Billionaire   46. Kakaibang damdamin

    "Ah, kaya pala," ngumiti si Jethro, pero hindi nakaligtas kay Danica ang bahagyang pagbabago sa ekspresyon nito. Parang may kung anong bagay na gumugulo sa isipan ng lalaki. Narinig kaya nito ang naging usapan nila ni Vinz? "May problema ba?" tanong ni Danica habang iniinom ang natirang juice sa kanyang braso, habang nanonood sa mga taong sumasayaw sa labas. Maganda marahil ang tugtugan. "Ah, wala naman," mabilis na sagot ni Jethro. "Napaisip lang ako bigla. Ang bilis ng mga pangyayari, 'di ba? Kambal agad... Hindi ko akalaing magiging magulang ako agad." ngumiti siya, pero halata ang pag-aalinlangan sa tono ng kanyang boses. Narinig ni Danica ang pagbabago sa boses ni Jethro, ngunit mas pinili niyang hayaan na lang. Baka nga masyado lang siyang nag-iisip, at pagod din si Jethro sa dami ng mga bagay na kailangan nilang ayusin. Hindi rin biro ang pagbabalita na magiging ama ka, lalo na't kambal pa ang sinasabing anak. Tahimik silang dalawa sa loob ng ilang sandali. Sa labas, masaya

    Last Updated : 2024-10-09
  • Unexpected Wife of a Billionaire   47. Ang kaba ni Jethro

    Ngumiti si Danica nang marinig iyon, ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Alam niyang hindi madaling baguhin ang isang tao, lalo na kapag ito na ang nakasanayan ng pagkatao. Ngunit sa kabila ng lahat, mahal niya si Jethro at handa siyang tanggapin ang bawat bahagi nito, kahit na ang mga kahinaan. "Alam ko naman, Jethro," sabi niya, pinipilit na ipakita ang lakas ng loob sa kabila ng mga agam-agam sa kanyang puso. "Ang mahalaga sa akin, nandito ka. Lahat ng bagay, kaya nating ayusin basta't magkasama tayo." "Oo, Danica," sagot ni Jethro, na tila seryoso. "Hindi ko alam kung ano ang hinaharap natin, pero handa akong harapin iyon kasama ka." Nakatitig si Danica sa mga mata ni Jethro, naghahanap ng kasiguruhan. Ngunit sa kabila ng mga sinabi nito, may bahagi pa rin ng kanyang isipan na nagdududa. Alam niyang may mga bagay na hindi pa ganap na nailalabas si Jethro, ngunit pinili niyang magtiwala. Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, naniwala siya na magtatagumpay sila. Tahi

    Last Updated : 2024-10-10
  • Unexpected Wife of a Billionaire   48. Pinaglilihian ko ba siya?

    Nang magtagpo ang kanilang mga mata, naramdaman ni Danica ang biglaang bugso ng damdamin na hindi niya maintindihan. May bahagi ng kanyang puso na gustong umiwas, ngunit may isa rin na tila nais magtagal sa pagkakatitig kay Vinz. Alam niyang hindi tama ang kanyang nararamdaman—si Jethro ang pinili niya, at siya rin ang kasama niyang haharapin ang kinabukasan. Ngunit bakit parang may hindi pa rin natatapos na kwento sa pagitan nila ni Vinz kahit wala pa naman Silang umpisa? Si Vinz, sa kabilang banda, ay tila nanatili lang doon—tahimik, seryoso, at parang may mga salitang gustong bitawan ngunit pilit na ikinukubli. Ilang sandali lang iyon, ngunit sapat para muling magtanong si Danica sa kanyang sarili: Ano nga ba talaga ang nararamdaman niya para kay Vinz? Ito ba ay love at first sight? oh nakikita niya lang dito ang kanyang ideal man? "Danica?" biglang tawag ni Jethro, hinila siya pabalik mula sa kanyang mga iniisip. "Gusto mo bang magpahinga na? Mukhang pagod ka na." Napatingin si

    Last Updated : 2024-10-12
  • Unexpected Wife of a Billionaire   49. Nais pa kitang makilala

    "Simple lang, pinaimbestigahan na kita.." nakangiting sagot ni Jethro sa kanya. "Paanong.. Paanong pinaimbestigahan?" hindi siya makapaniwala sa sinabi ng lalaki. Biglang naguluhan si Danica. "Noong sabihin mo sa akin, na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo, siyempre, kailangan ko munang alamin ang lahat sayo, tulad noong una ko ng sinabi sayo, marami na akong alam sayo. Hindi naman maaaring tanggapin ko agad ang dinadala mo, na hindi ako sigurado, hindi ba?" ang ngiti ng lalaki ay matamia, na parang siguradong sigurado sa sinasabi. "Isa pa, ako ang unang lalaki sa buhay mo, kaya sigurado akong sa akin ang dinadala mo." Napangiti si Danica sa tinuran nito. "Talaga? Sigurado ka?" sagot ni Danica habang bahagyang natatawa. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa sobrang kumpiyansa ni Jethro. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Muling ngumiti si Jethro, ngunit sa pagkakataong ito, may halong pilyong tingin. "Hindi naman sa ganun. Pero kailangan kong maging responsable, lalo na sa ga

    Last Updated : 2024-10-15
  • Unexpected Wife of a Billionaire   50. Pakakasalan kita

    Na gusto ng mga babae ay may respeto?" iyon pala ang tinutumbok ni Siren. Ang akala niya ay iyong tungkol sa pagpapaimbestiga ni Jethro sa kanya. "Ah.. hahahaa oo, may mga babae talagang iyon ang gusto," nakangiti niyang sagot. "Sige, babalik na ko kina Ian sa dance floor," paalam ni Siren sa kanila. "Sama ko," kabuntot na naman nito si Santi. "Okay ka lang ba?" tanong ni Jethro sa kanya, "ang mga baby natin, okay ba?" Ayaw ni Danica na maging mahadera. Hindi naman niya maitanong kay Jethro kung pakakasalan ba siya nito. Ang sabi lang nito ay pananagutan siya. "Kapag lumaki na ang mga bata, pakakasalan kita," waring nabasa ng lalaki ang kanyang iniisip. "Alam kong gusto mo ng kasiguraduhan, Danica," patuloy ni Jethro. "Pero gusto kong maging tapat sa'yo—hindi kita pakakasalan dahil lang sa sitwasyon natin. Gusto kong gawin 'yon dahil handa na ako."Hindi alam ni Danica kung ano ang sasabihin. Tila ba nahuli siya sa isang katanungang matagal nang bumabagabag sa kanya. Nakatingin

    Last Updated : 2024-10-15
  • Unexpected Wife of a Billionaire   51. Malinaw na usapan

    Ngumiti lang si Jethro, halatang nag-eenjoy sa reaksiyon ni Danica. Ngunit alam niyang kailangan nilang maging seryoso sa mga bagay na kinakaharap nila, lalo na’t may mga anak na silang pareho ang inaalagaan. "Pero seryoso, Danica," biglang naging mas seryoso ang tono ng boses ni Jethro, "alam kong hindi madali para sa'yo ang sitwasyong ito. Pero sana magtiwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat para sa atin."Tumango si Danica. Bagaman may mga alinlangan pa rin sa kanyang puso, gusto niyang magtiwala. Gusto niyang maniwala na kaya ni Jethro ang mga pangako nito. Ngunit ang realidad ng kanilang sitwasyon—ang pagiging hindi pa kasal, ang posibilidad na magbago ang lahat anumang oras—ay nananatiling mabigat sa kanyang isipan."Alam ko naman na hindi madaling magdesisyon sa ganitong mga bagay, lalo na kung hindi pa tayo handa," sagot ni Danica. "Pero sana, kung darating ang panahon na magdesisyon ka na tungkol sa atin, isama mo ako. Ayoko lang na maramdaman na

    Last Updated : 2024-10-16
  • Unexpected Wife of a Billionaire   52. Ang kalagayan ni Danica

    "Aaah.. ang.. ang sakit.." daing niya habang hawak hawak ang tiyan na kasalukuyang tumitigas. "Ha?" nagpanic bigla si Jethro, "ikaapat pa lang na buwan ng iyong pagbubuntis...a-anong nangyayari?" "Masakit!!!" napapaiyak na siya sa nararamdamangmsakit na iyon na halos pumugto sa kanyang paghinga. Ang kanyang balakang ay parang mapuputol at ang kanyang mga paa ay namamanhid. "Dadalahin kita sa ospital!" kaagad siyang pinangko ng lalaki at inilabas ng bar. ñNapansin ng mga kasama nila ang nangyayari at nagmamadaling sumunod sa kanila palabas. "Anong nangyayari?" medyo nagpapanic na rin si Siren pagkakita sa maputlang mukha ni Danica, "Ba-bakit ka namumutla?" "Sobrang sakit ng tiyan niya.. Vinz, kunin mo ang kotse!" utos ni Jethro sa kaibigan na nagkukumahog namang sumunod. "Kunin mo ang bag natin," sabi ni Siren kay Vohn, "susunod tayo.." Kaagad isinakay ni Jethro si Danica sa sasakyan na inaalalayan naman ni Vinz. Maingat nilang naipasok si Danica sa loob. "Ikaw na ang

    Last Updated : 2024-10-17

Latest chapter

  • Unexpected Wife of a Billionaire   115.

    "Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Danica ng makita ang babaeng iyon, at sa likuran nito ay si Santi. "Anong ginagawa niyo dito?""Nakita namin ang mga anak mo sa labas habang namamasyal kami ni Santi, at kanina.. sa kilos ng mga batang ito, kinabahan na ako, at alam kong anak mo sila," sagot ni Lovely, "maaari ba kaming tumuloy?"Napatingin siya sa kwarto ni Vinz, saka magalang na tumanggi, "doon na lang tayo sa labas. Mga anak, dito lang kayo.."Sa kanilang paglalakad sa hardin, ang malawak na mga bulaklak ng lavender ang unang napansin ni Lovely, "ang ganda naman dito."Hindi siya nagsalita, at dinala ang mga ito sa may greenhouse, may kalayuan sa bahay nila. "Anong kailangan niyo?" hindi na siya nag abalang paupuin ang mga ito. Hindi siya plastic na tao, kaya ayaw naman niya na maging komportable ang mga ito."Maaari ba kaming maupo?" si Lovely na ang humiling ng bagay na iyon."Sige, bahala kayo," naupo naman siya sa kabilang gilid."Danica, matagal ka na naming hinahanap.." pan

  • Unexpected Wife of a Billionaire   114.

    "Okay naman siya, baka masyado lang siyang natuwa," nakangiting sabi ng doctor, "huwag mo na lang hahayaan na mapagod siya o labis na masiyahan, talagang paninikipan siya ng dibdib," bilin ng doctor kay Danica."Salamat Doc," nilingon niya ito, habang hawak ang kamay ni Vinz.Nagpaalam na ang doctor sa kanya, at ibinilin na lang ang mga gamot na dapat inumin ni Vinz.Nakahinga siya ng maluwag, at taos pusong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa maayos na kalusugan ng lalaki.Takut na takot siya kanina ng makita ang pamumutla nito at pagkawalan ng malay, subalit ngayon, alam na niyang ligtas si Vinz, kaya makakahinga na siya ng maayos.Marahang gumalaw ang lalaki, na parang nananaginip, saka unti unting ibinuka ang kanyang mga mata. Nang masilayan ang magandang mukha ni Danica, bahagya itong ngumiti."Bakit ang lungkot mo?" mahina ang tinig na iyon, subalit may halong saya."Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari sayo?" nakangusong sagot niya, "nag alala ako sayo ng sobra. Akala k

  • Unexpected Wife of a Billionaire   113.

    Napangiti si Vinz ng marinig ang sinabi ni Danica. Masaya siyang malaman na may puwang pala siya sa puso ng babae. Ang akala niya noon, hindi na siya magtatagumpay na mapaibig ito."Totoo ba yan?" tanong niya dito.Bahagyang tumango si Danica, "oo, basta magpagaling ka lang at magpalakas.. magpapakasal tayo..""Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Danica." nakangiti ang maputla niyang labi.Ang kanyang mukha ay parang sa isang bangkay. Maputla, maputi.May mga bagay na bawal na sa kanya gaya ng labis na pagpapagod. Kaya hindi na muna siya nagbabiyahe at nagtatrabaho na lang siya through online.Ang doctor na lang ang nagtutungo sa bahay na iyon, para sa kanyang check up.Isa sa pinakamagandang disisyon na nagawa niya, ay ang maghintay at hindi maging apura.Ang ngiting iyon ay biglang napalitan ng alalahanin.Paano kung makita sila nina Lovely?Hindi naman sila makakaalis ng bansa dahil malalaman agad iyon ni Jethro.Kung lilipat sila sa Manila, madalas naman doon si Santi.Lalon

  • Unexpected Wife of a Billionaire   112

    "Magaling!" sabi ni Vinz sa kabilang linya, "napaniwala ba sila? yung mga kapitbahay mo ba diyan, nabigyan ng ayuda?""Opo sir, naayos na namin lahat." sagot sa kabilang linya.Tinawagan si Vinz ng isa niyang tauhan sa Batangas na tumutulong sa kanya upang mailigaw sina Lovely sa paghahanap sa kanya. Mgandang plano ito upang hindi malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Danica.Sa kagandahang palad, nakikisama ang lahat ng taga roon sa kanya, dahil na rin sa mabuti niyang pakikitungo sa mga ito. Iba rin talaga kung marunong makisama sa mga tao.Huminga siya matapos maputol ang tawag. Lumalapit na sina Santi sa kinaroroonan ng mag iina, kaya dapat niyang alisin ang mga ito doon.Naabutan siya ni Danica na nakatanaw sa bintana at nakangiti."Oh, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. May dala itong prutas. "kumain ka muna."Maayos na naman ako, lalo na ngayon na inaalagaan mo ako," sagot niya sa babae."Bola.." nakangiti nitong sabi, "kumusta na ang pakiramdam mo? okay ka

  • Unexpected Wife of a Billionaire   111.

    "Kilala ko ba kayo?" tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo.Ang taong ito ay--- hindi ang hinahanap nila!"Sino ka?" tanong ni Lovely sa lalaking kaharap."Anong sino ako? tanga ka ba? kayo ang lumapit sa akin at ginulat ako, tapos, tatanungin mo kung sino ako?" nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila."Ikaw ba si Vinz?" naguguluhang tabong ni Lovely."See? kilala mo ako, tapos tatanungin mo kung sino ako? wow naman ha!" naiiling na sabi nito sa kanya.Kung gayon--" hindi makapaniwala si Santi. Mali ang taong namanmanan ng imbestigador na inutusan niya. Kahawig lang ito ni Vinz, pero hindi ito ang kaibigan nila."Lumayas nga kayo dito. Baka tumawag pa ako ng pulis!" pagtataboy nito sa kanila."Pasensiya na sir.. nagkamali lang," pagpapaumanhin ni Santi."Nagkamali- nagkamali, kumita na yan! wala akong paki kung anak kayo ng mayayaman. Wag kayong mang abala dito!" inis na sagot nito saka bumalik sa loob ng bahay.Naiwan ang dalawa na nagkakatinginan at hindi makap

  • Unexpected Wife of a Billionaire   110.

    Kinabukasan, maagang nagkita sina Lovely at Santi sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng Maynila. Pareho silang halatang kulang sa tulog, ngunit ang determinasyon sa kanilang mga mata ang nangingibabaw."May nakuha akong impormasyon," ani Santi habang inilapag ang isang folder sa harapan ni Lovely. "May isang private investigator akong kinausap kagabi. Sinubukan niyang i-trace si Vinz sa mga huling transaksyon niya. At may natagpuan siya."Dali-daling binuksan ni Lovely ang folder at pinagmasdan ang laman nito. May mga resibo, CCTV screenshots, at isang listahan ng mga address na pinuntahan ni Vinz sa nakalipas na tatlong buwan."Nasa Batangas siya?" nanlaki ang mata ni Lovely. "Akala ko ba sa Manila lang siya nakikita?""Nasa Davao pa rin ang negosyo niya, at may mga pinupuntahan siya sa Manila.. Pero mukhang may madalas siyang puntahan sa isang private resort malapit sa dagat. Ang sabi ng investigator, doon siya madalas tumambay tuwing weekend, ginagawa lang palengke ang lugar,

  • Unexpected Wife of a Billionaire   109

    Habang nakaupo si Lovely sa harap ni Santi, hindi niya mapigilan ang pagbalik-balik ng alaala sa kanyang isipan. Ang pagkakamali niyang iyon—ang pagsuway sa tiwala ni Jethro—ay nagdala ng isang hindi matatawarang lamat sa kanilang pagkakaibigan. Kung hindi lang niya natutunang mahalin ang lalaki, okay pa sana silang lahat ngayon.Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisisi, may isang tanong na hindi siya tinatantanan: Bakit hindi pa lumilitaw si Vinz? Ilang taon na niya itong hindi nakikita, magmula ng pagplanuhan nila ang bagay na iyon.Hindi ito pangkaraniwan. Kilala niya si Vinz bilang isang taong hindi basta-basta nawawala nang hindi nagpapaalam. Pero ngayon, parang sinadya nitong maglaho. Ipinangako nito noon na itatago ang mag-iina ni Jethro, pero ang kasunduan ay dapat lumabas na ito matapos ang kasal nila—na hindi kailanman nangyari. Dahil kinasusuklaman na siya ng lalaki ngayon."Tingin mo ba, may dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Vinz?" tanong ni Lovely kay Santi."Hindi ko

  • Unexpected Wife of a Billionaire   108.

    "Nawala na naman si Vinz?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro, "alam mo, nakakahalata na ako sa taong iyon..""Nang?" tanong ni Santi sa kanya, "by the way, kumusta naman ang lakad mo?""Sabi sa mall, kahawig lang daw pala ni Danica, hindi daw siya iyon," malungkot na sabi ni Jethro."Pakiramdam ko naman, tama si Vinz, bakit naman dito lang siya sa Pilipinas magtatago, eh sa laki ng connection mo, nakita mo na sana siya.. saka di ba, si Vinz mismo ang nagprisinta na siya ang maghahanap kay Danica sa parteng Luzon? Sa Vizayas, wala naman akong nakitang Danica. Kaya malamang, nag abroad nga siya.." paliwanang ni Santi sa kanya.Subalit iba ang pakiramdam niya. Bakit parang nasa Pilipinas lang talaga ang babae?Hindi niya mawari ang pakiramdam na iyon, ngunit kailangan niyang mag imbestiga. Sigurado siya sa larawan na ipinasa sa kanya ng detective. Kahit pa naka side view lang iyon, alam niyang iyon ay si Danica.Kailangan siguro, mag imbestiga siya, dahil sa laki ng Luzon, maaaring

  • Unexpected Wife of a Billionaire   107

    Napayuko si Danica at mariing pumikit. Kinakabahan siya. Alam niyang dapat na niyang sabihin ito, pero natatakot siyang baka hindi ito ang tamang pagkakataon. Ngunit nang maramdaman niyang hinigpitan ni Vinz ang hawak sa kanyang kamay, naglakas-loob na siyang magsalita."Gusto ko kasing... gusto ko sanang bigyan tayo ng pagkakataon," mahina ngunit matapat niyang sabi.Saglit na natahimik si Vinz. Nanatili siyang nakatitig kay Danica, tila iniisip kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya inasahan na sa kabila ng kanyang kalagayan, may isang tulad ni Danica na handang sumugal para sa kanya."Danica..." bulong ni Vinz, bakas sa mukha ang pagtataka at pag-aalala."Alam ko, alam ko," mabilis na dugtong ni Danica, parang nababasa ang iniisip ng lalaki. "Hindi ito madali, lalo na ngayon na nalaman kong may sakit ka. Pero Vinz... gusto kong subukan. Hindi ko kayang basta ka na lang mawala na hindi ko man lang nasabi sa'yo na... mahalaga ka sa akin."Hindi inaasahan ni Vinz ang biglaang pagsa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status