Na gusto ng mga babae ay may respeto?" iyon pala ang tinutumbok ni Siren. Ang akala niya ay iyong tungkol sa pagpapaimbestiga ni Jethro sa kanya. "Ah.. hahahaa oo, may mga babae talagang iyon ang gusto," nakangiti niyang sagot. "Sige, babalik na ko kina Ian sa dance floor," paalam ni Siren sa kanila. "Sama ko," kabuntot na naman nito si Santi. "Okay ka lang ba?" tanong ni Jethro sa kanya, "ang mga baby natin, okay ba?" Ayaw ni Danica na maging mahadera. Hindi naman niya maitanong kay Jethro kung pakakasalan ba siya nito. Ang sabi lang nito ay pananagutan siya. "Kapag lumaki na ang mga bata, pakakasalan kita," waring nabasa ng lalaki ang kanyang iniisip. "Alam kong gusto mo ng kasiguraduhan, Danica," patuloy ni Jethro. "Pero gusto kong maging tapat sa'yo—hindi kita pakakasalan dahil lang sa sitwasyon natin. Gusto kong gawin 'yon dahil handa na ako."Hindi alam ni Danica kung ano ang sasabihin. Tila ba nahuli siya sa isang katanungang matagal nang bumabagabag sa kanya. Nakatingin
Ngumiti lang si Jethro, halatang nag-eenjoy sa reaksiyon ni Danica. Ngunit alam niyang kailangan nilang maging seryoso sa mga bagay na kinakaharap nila, lalo na’t may mga anak na silang pareho ang inaalagaan. "Pero seryoso, Danica," biglang naging mas seryoso ang tono ng boses ni Jethro, "alam kong hindi madali para sa'yo ang sitwasyong ito. Pero sana magtiwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat para maging maayos ang lahat para sa atin."Tumango si Danica. Bagaman may mga alinlangan pa rin sa kanyang puso, gusto niyang magtiwala. Gusto niyang maniwala na kaya ni Jethro ang mga pangako nito. Ngunit ang realidad ng kanilang sitwasyon—ang pagiging hindi pa kasal, ang posibilidad na magbago ang lahat anumang oras—ay nananatiling mabigat sa kanyang isipan."Alam ko naman na hindi madaling magdesisyon sa ganitong mga bagay, lalo na kung hindi pa tayo handa," sagot ni Danica. "Pero sana, kung darating ang panahon na magdesisyon ka na tungkol sa atin, isama mo ako. Ayoko lang na maramdaman na
"Aaah.. ang.. ang sakit.." daing niya habang hawak hawak ang tiyan na kasalukuyang tumitigas. "Ha?" nagpanic bigla si Jethro, "ikaapat pa lang na buwan ng iyong pagbubuntis...a-anong nangyayari?" "Masakit!!!" napapaiyak na siya sa nararamdamangmsakit na iyon na halos pumugto sa kanyang paghinga. Ang kanyang balakang ay parang mapuputol at ang kanyang mga paa ay namamanhid. "Dadalahin kita sa ospital!" kaagad siyang pinangko ng lalaki at inilabas ng bar. ñNapansin ng mga kasama nila ang nangyayari at nagmamadaling sumunod sa kanila palabas. "Anong nangyayari?" medyo nagpapanic na rin si Siren pagkakita sa maputlang mukha ni Danica, "Ba-bakit ka namumutla?" "Sobrang sakit ng tiyan niya.. Vinz, kunin mo ang kotse!" utos ni Jethro sa kaibigan na nagkukumahog namang sumunod. "Kunin mo ang bag natin," sabi ni Siren kay Vohn, "susunod tayo.." Kaagad isinakay ni Jethro si Danica sa sasakyan na inaalalayan naman ni Vinz. Maingat nilang naipasok si Danica sa loob. "Ikaw na ang
Nagkatinginan sina Danica at Jethro, at sa mga mata nila’y makikita ang tiwala at pagmamahalan na kanilang pinanday sa gitna ng lahat ng pagsubok. Hawak pa rin ni Danica ang isa sa kanilang mga anak, at si Jethro naman ay bahagyang yumuko upang haplusin ang noo ng isa pa."Ang pangalan ng panganay ay 'Hope,'" sabi ni Danica, mahina ngunit puno ng pagmamahal. "Dahil siya ang nagbigay sa atin ng pag-asa sa kabila ng lahat ng hirap."Tango ng tango si Jethro, kitang-kita sa kanyang mga mata ang pag-apruba. "At ang pangalawa," dagdag niya, "ay si 'Faith.' Dahil kung hindi tayo naniwala na kaya natin ito, hindi tayo makakarating dito."Napalunok si Siren, damang-dama ang lalim ng mga pangalan ng kambal. "Hope at Faith," bulong niya, halos natutunaw sa saya. "Napakagandang mga pangalan, angkop na angkop sa inyong pinagdaanan.""Bagay na bagay," sang-ayon ni Vohn, habang binuksan ang dalang regalo—isang pares ng maliliit na damit pambata na piniling mabuti nila ni Siren.Tahimik na ngumiti s
"Bisita? sino?" napakunot ang kanyang noo sa narinig. "Si Ma'am Lovely po.." sagot ni Meding habang nakatingin sa kanya. "Wala ho akong kilalang Lovely, bago lang ho ako dito.." tugon niya. "Kaibigan ho iyon ni Sir.. dating tomboy.." Lalo siyang nacurious at pinuntahan kung sino ang Lovely na sinasabi nito. Pagkakita niya sa babae, nakasuot iyon ng magandang dress, na may kulot na buhok. Nakatingin sa mga frame na nasa dingding. "Yes?" nag aalinlangan ang kanyang tinig ng tawagin ang pansin nito. Humarap sa kanya si Lovely, at labis siyang nabigla dito. Napatigil si Danica sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig kay Lovely, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. "Napakagandang tomboy naman nito," bulong niya sa sarili, tila naguguluhan sa mga inaasahan niyang makikita. Ang kanyang mga mata ay mabilis na naglakbay mula sa eleganteng damit ni Lovely hanggang sa perpektong pagkakakulot ng buhok nito."Hello," bati ni Lovely, may ngiting tila ba komportable na sa bawat sitwasyon.
Nagulat si Danica nang marinig ang tanong mula kay Lovely. Agad siyang lumingon at nakita ang babae na nakatayo sa pinto, nakatingin sa kanyang mga anak na masayang naglalaro sa kama.“Oo,” sagot niya nang may halong kaba, hindi pa rin nawawala ang pagdududa sa intensyon ng bisita. "Dalawa na sila.""Ang cute nila," sabi ni Lovely habang nakangiti, ngunit tila may kakaibang emosyon na gumuhit sa kanyang mukha. Napatingin siya sa mga bata na parang may pinipigil na damdamin, bagay na hindi nakaligtas kay Danica. “Sobrang bilis ng panahon, no? Parang kailan lang, magkakasama pa kami sa college nina Jethro... walang iniintinding mabigat na bagay."Hindi sumagot si Danica. Napansin niyang nagbago ang tono ni Lovely, at ramdam niyang may hindi pa ito sinasabi. Tumahimik silang pareho, nagpatuloy ang ingay ng mga batang naglalaro habang bumabalot sa kanila ang tensyon.“Alam mo, Danica,” biglang sabi ni Lovely, na tila iniisip ang mga susunod niyang salita, “hindi ko inaasahang magkikita t
"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Jethro ng makita ang kaibigan na naglalakad palapit sa kanya. "Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito. Ang mga labi ng kaibigan ay abot hanggang tenga ang pagkakabanat, "hindi mo man lang ba ako sasalubungin?" itinaas pa nito ang mga braso. Nagmamadaling tumayo si Jethro upang yakapin ang kaibigan na ilang buwan din nawala. Mahigpit ang yakapang naganap sa kanila. Umalis si Lovelly sa Pilipinas na parang isang tomboy, at bumalik na isang magandang babae. "Nagparetoke ka ba?" tanong niya dito. Biglang itinulak ni Lovely ang kaibigan at sinuntok sa balikat, "gago.." Tawa naman ng tawa si Jethro saka bumalik sa upuan, "alam ba nina Vinz at Santi ha nakauwi na? "Hindi pa. Ikaw pa lang ang una kong pinuntahan. Actually, galing ako sa bahay mo. Naroon si Danica," naupo siya sa harapan ng kaibigan, "ilang buwan lang akong nawala, pero may anak ka na agad?" "Halos isang taon kang nawala.. mahabang kwento ang tungkol kay Danica. Nasabi ko na naman no
Walang pagsidlan ng tuwa si Lovely matapos muling makita ang mga kaibigan. "Halos isang taon kang nawala ah," sabi ni Vinz sa kanya, "kumusta ang tate?" "Yun, puro mga puti pa rin," saka siya humagalpak ng tawa na ikinatawa din ng lahat. "So, alam mo na, na nag asawa na si Jethro?" taanong ni Santi sa kanya. Huminga ng malalim si Lovely, halatang nalulungkot ang awra ng mukha nito. "Alam na niya," sagot ni Jethro na bumalik sa upuan na may dalang meryenda. "Bakit may mga pagkain ka sa opisina mo?" tanong ni Vinz na bahagyang nakamasid kay Jethro. "Mukhang masarap yan," kaagad kumuha ng isang tinapay si Lovely saka kinagat, "ang galing ng blend ng mga gulay, sino ang gumawa nito?" "Si Danica," nakangiting wika ni Jethro. Agad napasimangot sinLovely at natigilan sa narinig. "Ah, medyo matabang ang timpla ng mayo. Halatang galing lang sa supermarket " pagbawi niya sa kanyang sinasabi. "Ha? akala ko ba, masarap? bigla mong binawi?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro sa
"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t
Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si
"Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan
Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro
Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng