Nagulat si Danica nang marinig ang tanong mula kay Lovely. Agad siyang lumingon at nakita ang babae na nakatayo sa pinto, nakatingin sa kanyang mga anak na masayang naglalaro sa kama.“Oo,” sagot niya nang may halong kaba, hindi pa rin nawawala ang pagdududa sa intensyon ng bisita. "Dalawa na sila.""Ang cute nila," sabi ni Lovely habang nakangiti, ngunit tila may kakaibang emosyon na gumuhit sa kanyang mukha. Napatingin siya sa mga bata na parang may pinipigil na damdamin, bagay na hindi nakaligtas kay Danica. “Sobrang bilis ng panahon, no? Parang kailan lang, magkakasama pa kami sa college nina Jethro... walang iniintinding mabigat na bagay."Hindi sumagot si Danica. Napansin niyang nagbago ang tono ni Lovely, at ramdam niyang may hindi pa ito sinasabi. Tumahimik silang pareho, nagpatuloy ang ingay ng mga batang naglalaro habang bumabalot sa kanila ang tensyon.“Alam mo, Danica,” biglang sabi ni Lovely, na tila iniisip ang mga susunod niyang salita, “hindi ko inaasahang magkikita t
"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Jethro ng makita ang kaibigan na naglalakad palapit sa kanya. "Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito. Ang mga labi ng kaibigan ay abot hanggang tenga ang pagkakabanat, "hindi mo man lang ba ako sasalubungin?" itinaas pa nito ang mga braso. Nagmamadaling tumayo si Jethro upang yakapin ang kaibigan na ilang buwan din nawala. Mahigpit ang yakapang naganap sa kanila. Umalis si Lovelly sa Pilipinas na parang isang tomboy, at bumalik na isang magandang babae. "Nagparetoke ka ba?" tanong niya dito. Biglang itinulak ni Lovely ang kaibigan at sinuntok sa balikat, "gago.." Tawa naman ng tawa si Jethro saka bumalik sa upuan, "alam ba nina Vinz at Santi ha nakauwi na? "Hindi pa. Ikaw pa lang ang una kong pinuntahan. Actually, galing ako sa bahay mo. Naroon si Danica," naupo siya sa harapan ng kaibigan, "ilang buwan lang akong nawala, pero may anak ka na agad?" "Halos isang taon kang nawala.. mahabang kwento ang tungkol kay Danica. Nasabi ko na naman no
Walang pagsidlan ng tuwa si Lovely matapos muling makita ang mga kaibigan. "Halos isang taon kang nawala ah," sabi ni Vinz sa kanya, "kumusta ang tate?" "Yun, puro mga puti pa rin," saka siya humagalpak ng tawa na ikinatawa din ng lahat. "So, alam mo na, na nag asawa na si Jethro?" taanong ni Santi sa kanya. Huminga ng malalim si Lovely, halatang nalulungkot ang awra ng mukha nito. "Alam na niya," sagot ni Jethro na bumalik sa upuan na may dalang meryenda. "Bakit may mga pagkain ka sa opisina mo?" tanong ni Vinz na bahagyang nakamasid kay Jethro. "Mukhang masarap yan," kaagad kumuha ng isang tinapay si Lovely saka kinagat, "ang galing ng blend ng mga gulay, sino ang gumawa nito?" "Si Danica," nakangiting wika ni Jethro. Agad napasimangot sinLovely at natigilan sa narinig. "Ah, medyo matabang ang timpla ng mayo. Halatang galing lang sa supermarket " pagbawi niya sa kanyang sinasabi. "Ha? akala ko ba, masarap? bigla mong binawi?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro sa
Kinabukasan, nagising si Lovely na tila ba pasan ang mundo. Habang nakahiga, iniisip niya ang nagdaang araw. Masaya siyang muli niyang nakita ang mga kaibigan, pero hindi niya maikakaila ang bigat ng kanyang nadarama simula ng malaman niyang may asawa na si Jethro. Alam niyang hindi naman naging sila, pero bakit ganoon? Bakit tila hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing maririnig ang pangalan ni Danica? Bakit parang hindi naramdaman ni Jethro na mula pa noon ay gusto na niya ito? Nagdesisyon si Lovely na bumangon at harapin ang araw na iyon na mas positibo. Hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng kanyang emosyon. Isa pa, nais niyang ipakita sa mga kaibigan niya na okay lang siya, kahit sa loob-loob niya ay alam niyang hindi pa siya ganap na nakakabangon. Nang mag-almusal si Lovely, narinig niya ang tunog ng kanyang telepono. May mensahe dito mula kay Vinz. Vinz: "Lovely, may lakad tayo mamaya. Kami ni Santi, gusto ka namin isama. Kailangan mo 'to, promise!" Napabunton
Pagkalipas ng ilang araw mula nang magpunta sina Lovely sa kanilang tambayan na rest house, bumalik na naman ang kanyang isipan sa mga dating alaala. Bagaman nakatulong ang bonding nila nina Vinz at Santi, alam niyang hindi pa tuluyang natatapos ang mga tanong at damdaming bumabalot sa kanya—lalo na tungkol kay Jethro. Isang gabi, habang nag-iisa siya sa kanyang silid, naisipan niyang buksan ang kanyang telepono at tingnan ang mga litrato nila noong college. Doon nakita niya ang mga larawan nila ni Jethro, kasama ang kanilang grupo. Magkaakbay sila, at halatang masaya. Hindi niya maiwasang mapangiti, pero agad ding naramdaman ang sakit na dulot ng mga alaala. Tumigil siya sa isang larawan: birthday ni Jethro, at nasa tabi siya nito, may hawak na maliit na cake. “Paano naging ganito kalabo ang lahat?” bulong ni Lovely sa sarili. Naisip niyang tanungin si Vinz at Santi kung may oras sila upang muling magkita. Kailangang makausap niya ang mga ito. Pakiramdam niya’y napipigilan pa rin s
"Kumusta ka na ba talaga!0?" nahihiyang tanong ni Jethro sa kaibigan, "anong nais mong sabihin sa akin at pinapunta mo ako dito?" "Hmmm.. maaarin ba tayong.. maglakad lakad sandali?" nagdadalawang isip si Lovely kung sasama ito sa kanya, subalit ang kanyang alalahanin ay napawi ng kaagad itong sumang ayon sa kanyang hinihiling. Naglakad lakad sila sa may parke na malapit sa restaurant kung saan sila nagkita. "Natatandaan mo pa ba noon? kung bakit hindi ako tumatanghap ng manliligaw?" huminga ng malalim si Lovely at tiningnan sinJethro na diretsong nakatingin sa daan, "dahil iyon sayo.." Noon pa man, ramdam na ni Jethro na may pagtatangi sa kanya ang babae, subalit ayaw niya itong bigyan ng isang magandang pagtingin dahil ayaw niya itong umasa, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanilang pagkakaibigan. "Mahal ko ang mag iina ko," naglalakad siya ng mapansing hindi na naglalakad si Lovely. Naupo na lang ito sa bench. Nilapitan niya ang kaibigan at sinabihan, "akala ko ba, nais mong
Habang pinagmamasdan ni Jethro ang papalayong anyo ni Lovely, unti-unti niyang naramdaman ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi niya maialis ang awa sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi niya sinasadya, pero nasaktan niya ang isa sa pinakamahalaga niyang kaibigan.Nagpaikot-ikot ang mga tanong sa kanyang isip. Paano kung binigyan niya ng pagkakataon si Lovely noon? Paano kung sinubukan nilang maging higit pa sa magkaibigan? Magsisisi ba siya? Ngunit sa kabila ng mga katanungang iyon, alam niyang wala nang babalikan. Pinili na niya si Danica, at sa kanyang puso, tiyak siyang ito ang tama.Subalit hindi niya maitatanggi ang lungkot na dulot ng pangyayari. Si Lovely—ang kaibigan niyang palaging nariyan para sa kanya—ay naglakad papalayo, dala ang sakit na hindi na niya maibabalik sa dati. Nakikita niya sa bawat hakbang ni Lovely ang lungkot at bigat ng loob nito, at doon niya naramdaman ang malalim na pagkaunawa sa kung gaano ito nasaktan.Pinilit niyang magpakatatag. Alam niyang kailangan
"Hindi ko kasi nasabi sayo.. na noong minsang pumunta siya dito, at hinanap ka niya-- hindi ko alam kung mali lang ako ng dinig, o talagang sinabi niya na-- may nakaraan kayo.." nahihirapang magsabi si Danica ng nararamdaman sa lalaki. Hindi pa naman sila legal na mag asawa nito, at tanging ang kambal na anak lang nila ang nagbubuklod sa kanilang dalawa."Hayaan mo na lang siya, kung iyon ang kanyang sinabi, maaaring hindi lang kayo nagkaintindihan," may ngiting sumilay sa bibig ni Jethro.Nanahimik si Danica, saka nilingon ang lalaki. Ang kanyang mga mata ay puno ng pag aalinlangan, subalit hindi niya iyon maisatinig dahil nahihiya siya. Ayaw niyang isipin ng lalaki na masyado siyang nagger, o sabihin nito na hindi pa nga sila mag asawa, usisera na siya."Wag ka ng mag isip ng kung ano pa man. Alam mo naman na ikaw ang kasama ko ngayon, ibig sabihin, ikaw ang gusto ko," may kalakip na assurance ang tinig nito, "wala kang dapat ipag alala sa posisyon mo sa aking buhay..""Pasensiya ka
"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Danica ng makita ang babaeng iyon, at sa likuran nito ay si Santi. "Anong ginagawa niyo dito?""Nakita namin ang mga anak mo sa labas habang namamasyal kami ni Santi, at kanina.. sa kilos ng mga batang ito, kinabahan na ako, at alam kong anak mo sila," sagot ni Lovely, "maaari ba kaming tumuloy?"Napatingin siya sa kwarto ni Vinz, saka magalang na tumanggi, "doon na lang tayo sa labas. Mga anak, dito lang kayo.."Sa kanilang paglalakad sa hardin, ang malawak na mga bulaklak ng lavender ang unang napansin ni Lovely, "ang ganda naman dito."Hindi siya nagsalita, at dinala ang mga ito sa may greenhouse, may kalayuan sa bahay nila. "Anong kailangan niyo?" hindi na siya nag abalang paupuin ang mga ito. Hindi siya plastic na tao, kaya ayaw naman niya na maging komportable ang mga ito."Maaari ba kaming maupo?" si Lovely na ang humiling ng bagay na iyon."Sige, bahala kayo," naupo naman siya sa kabilang gilid."Danica, matagal ka na naming hinahanap.." pan
"Okay naman siya, baka masyado lang siyang natuwa," nakangiting sabi ng doctor, "huwag mo na lang hahayaan na mapagod siya o labis na masiyahan, talagang paninikipan siya ng dibdib," bilin ng doctor kay Danica."Salamat Doc," nilingon niya ito, habang hawak ang kamay ni Vinz.Nagpaalam na ang doctor sa kanya, at ibinilin na lang ang mga gamot na dapat inumin ni Vinz.Nakahinga siya ng maluwag, at taos pusong nagpasalamat sa Panginoon dahil sa maayos na kalusugan ng lalaki.Takut na takot siya kanina ng makita ang pamumutla nito at pagkawalan ng malay, subalit ngayon, alam na niyang ligtas si Vinz, kaya makakahinga na siya ng maayos.Marahang gumalaw ang lalaki, na parang nananaginip, saka unti unting ibinuka ang kanyang mga mata. Nang masilayan ang magandang mukha ni Danica, bahagya itong ngumiti."Bakit ang lungkot mo?" mahina ang tinig na iyon, subalit may halong saya."Sino ba namang hindi malulungkot sa nangyari sayo?" nakangusong sagot niya, "nag alala ako sayo ng sobra. Akala k
Napangiti si Vinz ng marinig ang sinabi ni Danica. Masaya siyang malaman na may puwang pala siya sa puso ng babae. Ang akala niya noon, hindi na siya magtatagumpay na mapaibig ito."Totoo ba yan?" tanong niya dito.Bahagyang tumango si Danica, "oo, basta magpagaling ka lang at magpalakas.. magpapakasal tayo..""Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, Danica." nakangiti ang maputla niyang labi.Ang kanyang mukha ay parang sa isang bangkay. Maputla, maputi.May mga bagay na bawal na sa kanya gaya ng labis na pagpapagod. Kaya hindi na muna siya nagbabiyahe at nagtatrabaho na lang siya through online.Ang doctor na lang ang nagtutungo sa bahay na iyon, para sa kanyang check up.Isa sa pinakamagandang disisyon na nagawa niya, ay ang maghintay at hindi maging apura.Ang ngiting iyon ay biglang napalitan ng alalahanin.Paano kung makita sila nina Lovely?Hindi naman sila makakaalis ng bansa dahil malalaman agad iyon ni Jethro.Kung lilipat sila sa Manila, madalas naman doon si Santi.Lalon
"Magaling!" sabi ni Vinz sa kabilang linya, "napaniwala ba sila? yung mga kapitbahay mo ba diyan, nabigyan ng ayuda?""Opo sir, naayos na namin lahat." sagot sa kabilang linya.Tinawagan si Vinz ng isa niyang tauhan sa Batangas na tumutulong sa kanya upang mailigaw sina Lovely sa paghahanap sa kanya. Mgandang plano ito upang hindi malaman ng mga ito ang kinaroroonan ni Danica.Sa kagandahang palad, nakikisama ang lahat ng taga roon sa kanya, dahil na rin sa mabuti niyang pakikitungo sa mga ito. Iba rin talaga kung marunong makisama sa mga tao.Huminga siya matapos maputol ang tawag. Lumalapit na sina Santi sa kinaroroonan ng mag iina, kaya dapat niyang alisin ang mga ito doon.Naabutan siya ni Danica na nakatanaw sa bintana at nakangiti."Oh, maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa kanya. May dala itong prutas. "kumain ka muna."Maayos na naman ako, lalo na ngayon na inaalagaan mo ako," sagot niya sa babae."Bola.." nakangiti nitong sabi, "kumusta na ang pakiramdam mo? okay ka
"Kilala ko ba kayo?" tanong nito na bahagyang nakakunot ang noo.Ang taong ito ay--- hindi ang hinahanap nila!"Sino ka?" tanong ni Lovely sa lalaking kaharap."Anong sino ako? tanga ka ba? kayo ang lumapit sa akin at ginulat ako, tapos, tatanungin mo kung sino ako?" nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kanila."Ikaw ba si Vinz?" naguguluhang tabong ni Lovely."See? kilala mo ako, tapos tatanungin mo kung sino ako? wow naman ha!" naiiling na sabi nito sa kanya.Kung gayon--" hindi makapaniwala si Santi. Mali ang taong namanmanan ng imbestigador na inutusan niya. Kahawig lang ito ni Vinz, pero hindi ito ang kaibigan nila."Lumayas nga kayo dito. Baka tumawag pa ako ng pulis!" pagtataboy nito sa kanila."Pasensiya na sir.. nagkamali lang," pagpapaumanhin ni Santi."Nagkamali- nagkamali, kumita na yan! wala akong paki kung anak kayo ng mayayaman. Wag kayong mang abala dito!" inis na sagot nito saka bumalik sa loob ng bahay.Naiwan ang dalawa na nagkakatinginan at hindi makap
Kinabukasan, maagang nagkita sina Lovely at Santi sa isang maliit na coffee shop sa gilid ng Maynila. Pareho silang halatang kulang sa tulog, ngunit ang determinasyon sa kanilang mga mata ang nangingibabaw."May nakuha akong impormasyon," ani Santi habang inilapag ang isang folder sa harapan ni Lovely. "May isang private investigator akong kinausap kagabi. Sinubukan niyang i-trace si Vinz sa mga huling transaksyon niya. At may natagpuan siya."Dali-daling binuksan ni Lovely ang folder at pinagmasdan ang laman nito. May mga resibo, CCTV screenshots, at isang listahan ng mga address na pinuntahan ni Vinz sa nakalipas na tatlong buwan."Nasa Batangas siya?" nanlaki ang mata ni Lovely. "Akala ko ba sa Manila lang siya nakikita?""Nasa Davao pa rin ang negosyo niya, at may mga pinupuntahan siya sa Manila.. Pero mukhang may madalas siyang puntahan sa isang private resort malapit sa dagat. Ang sabi ng investigator, doon siya madalas tumambay tuwing weekend, ginagawa lang palengke ang lugar,
Habang nakaupo si Lovely sa harap ni Santi, hindi niya mapigilan ang pagbalik-balik ng alaala sa kanyang isipan. Ang pagkakamali niyang iyon—ang pagsuway sa tiwala ni Jethro—ay nagdala ng isang hindi matatawarang lamat sa kanilang pagkakaibigan. Kung hindi lang niya natutunang mahalin ang lalaki, okay pa sana silang lahat ngayon.Ngunit sa kabila ng kanyang pagsisisi, may isang tanong na hindi siya tinatantanan: Bakit hindi pa lumilitaw si Vinz? Ilang taon na niya itong hindi nakikita, magmula ng pagplanuhan nila ang bagay na iyon.Hindi ito pangkaraniwan. Kilala niya si Vinz bilang isang taong hindi basta-basta nawawala nang hindi nagpapaalam. Pero ngayon, parang sinadya nitong maglaho. Ipinangako nito noon na itatago ang mag-iina ni Jethro, pero ang kasunduan ay dapat lumabas na ito matapos ang kasal nila—na hindi kailanman nangyari. Dahil kinasusuklaman na siya ng lalaki ngayon."Tingin mo ba, may dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Vinz?" tanong ni Lovely kay Santi."Hindi ko
"Nawala na naman si Vinz?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro, "alam mo, nakakahalata na ako sa taong iyon..""Nang?" tanong ni Santi sa kanya, "by the way, kumusta naman ang lakad mo?""Sabi sa mall, kahawig lang daw pala ni Danica, hindi daw siya iyon," malungkot na sabi ni Jethro."Pakiramdam ko naman, tama si Vinz, bakit naman dito lang siya sa Pilipinas magtatago, eh sa laki ng connection mo, nakita mo na sana siya.. saka di ba, si Vinz mismo ang nagprisinta na siya ang maghahanap kay Danica sa parteng Luzon? Sa Vizayas, wala naman akong nakitang Danica. Kaya malamang, nag abroad nga siya.." paliwanang ni Santi sa kanya.Subalit iba ang pakiramdam niya. Bakit parang nasa Pilipinas lang talaga ang babae?Hindi niya mawari ang pakiramdam na iyon, ngunit kailangan niyang mag imbestiga. Sigurado siya sa larawan na ipinasa sa kanya ng detective. Kahit pa naka side view lang iyon, alam niyang iyon ay si Danica.Kailangan siguro, mag imbestiga siya, dahil sa laki ng Luzon, maaaring
Napayuko si Danica at mariing pumikit. Kinakabahan siya. Alam niyang dapat na niyang sabihin ito, pero natatakot siyang baka hindi ito ang tamang pagkakataon. Ngunit nang maramdaman niyang hinigpitan ni Vinz ang hawak sa kanyang kamay, naglakas-loob na siyang magsalita."Gusto ko kasing... gusto ko sanang bigyan tayo ng pagkakataon," mahina ngunit matapat niyang sabi.Saglit na natahimik si Vinz. Nanatili siyang nakatitig kay Danica, tila iniisip kung tama ba ang narinig niya. Hindi niya inasahan na sa kabila ng kanyang kalagayan, may isang tulad ni Danica na handang sumugal para sa kanya."Danica..." bulong ni Vinz, bakas sa mukha ang pagtataka at pag-aalala."Alam ko, alam ko," mabilis na dugtong ni Danica, parang nababasa ang iniisip ng lalaki. "Hindi ito madali, lalo na ngayon na nalaman kong may sakit ka. Pero Vinz... gusto kong subukan. Hindi ko kayang basta ka na lang mawala na hindi ko man lang nasabi sa'yo na... mahalaga ka sa akin."Hindi inaasahan ni Vinz ang biglaang pagsa