"Lovely?" nanlaki ang mga mata ni Jethro ng makita ang kaibigan na naglalakad palapit sa kanya. "Kumusta ka na?" nakangiting tanong nito. Ang mga labi ng kaibigan ay abot hanggang tenga ang pagkakabanat, "hindi mo man lang ba ako sasalubungin?" itinaas pa nito ang mga braso. Nagmamadaling tumayo si Jethro upang yakapin ang kaibigan na ilang buwan din nawala. Mahigpit ang yakapang naganap sa kanila. Umalis si Lovelly sa Pilipinas na parang isang tomboy, at bumalik na isang magandang babae. "Nagparetoke ka ba?" tanong niya dito. Biglang itinulak ni Lovely ang kaibigan at sinuntok sa balikat, "gago.." Tawa naman ng tawa si Jethro saka bumalik sa upuan, "alam ba nina Vinz at Santi ha nakauwi na? "Hindi pa. Ikaw pa lang ang una kong pinuntahan. Actually, galing ako sa bahay mo. Naroon si Danica," naupo siya sa harapan ng kaibigan, "ilang buwan lang akong nawala, pero may anak ka na agad?" "Halos isang taon kang nawala.. mahabang kwento ang tungkol kay Danica. Nasabi ko na naman no
Walang pagsidlan ng tuwa si Lovely matapos muling makita ang mga kaibigan. "Halos isang taon kang nawala ah," sabi ni Vinz sa kanya, "kumusta ang tate?" "Yun, puro mga puti pa rin," saka siya humagalpak ng tawa na ikinatawa din ng lahat. "So, alam mo na, na nag asawa na si Jethro?" taanong ni Santi sa kanya. Huminga ng malalim si Lovely, halatang nalulungkot ang awra ng mukha nito. "Alam na niya," sagot ni Jethro na bumalik sa upuan na may dalang meryenda. "Bakit may mga pagkain ka sa opisina mo?" tanong ni Vinz na bahagyang nakamasid kay Jethro. "Mukhang masarap yan," kaagad kumuha ng isang tinapay si Lovely saka kinagat, "ang galing ng blend ng mga gulay, sino ang gumawa nito?" "Si Danica," nakangiting wika ni Jethro. Agad napasimangot sinLovely at natigilan sa narinig. "Ah, medyo matabang ang timpla ng mayo. Halatang galing lang sa supermarket " pagbawi niya sa kanyang sinasabi. "Ha? akala ko ba, masarap? bigla mong binawi?" nakakunot ang noo na tanong ni Jethro sa
Kinabukasan, nagising si Lovely na tila ba pasan ang mundo. Habang nakahiga, iniisip niya ang nagdaang araw. Masaya siyang muli niyang nakita ang mga kaibigan, pero hindi niya maikakaila ang bigat ng kanyang nadarama simula ng malaman niyang may asawa na si Jethro. Alam niyang hindi naman naging sila, pero bakit ganoon? Bakit tila hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa tuwing maririnig ang pangalan ni Danica? Bakit parang hindi naramdaman ni Jethro na mula pa noon ay gusto na niya ito? Nagdesisyon si Lovely na bumangon at harapin ang araw na iyon na mas positibo. Hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng kanyang emosyon. Isa pa, nais niyang ipakita sa mga kaibigan niya na okay lang siya, kahit sa loob-loob niya ay alam niyang hindi pa siya ganap na nakakabangon. Nang mag-almusal si Lovely, narinig niya ang tunog ng kanyang telepono. May mensahe dito mula kay Vinz. Vinz: "Lovely, may lakad tayo mamaya. Kami ni Santi, gusto ka namin isama. Kailangan mo 'to, promise!" Napabunton
Pagkalipas ng ilang araw mula nang magpunta sina Lovely sa kanilang tambayan na rest house, bumalik na naman ang kanyang isipan sa mga dating alaala. Bagaman nakatulong ang bonding nila nina Vinz at Santi, alam niyang hindi pa tuluyang natatapos ang mga tanong at damdaming bumabalot sa kanya—lalo na tungkol kay Jethro. Isang gabi, habang nag-iisa siya sa kanyang silid, naisipan niyang buksan ang kanyang telepono at tingnan ang mga litrato nila noong college. Doon nakita niya ang mga larawan nila ni Jethro, kasama ang kanilang grupo. Magkaakbay sila, at halatang masaya. Hindi niya maiwasang mapangiti, pero agad ding naramdaman ang sakit na dulot ng mga alaala. Tumigil siya sa isang larawan: birthday ni Jethro, at nasa tabi siya nito, may hawak na maliit na cake. “Paano naging ganito kalabo ang lahat?” bulong ni Lovely sa sarili. Naisip niyang tanungin si Vinz at Santi kung may oras sila upang muling magkita. Kailangang makausap niya ang mga ito. Pakiramdam niya’y napipigilan pa rin s
"Kumusta ka na ba talaga!0?" nahihiyang tanong ni Jethro sa kaibigan, "anong nais mong sabihin sa akin at pinapunta mo ako dito?" "Hmmm.. maaarin ba tayong.. maglakad lakad sandali?" nagdadalawang isip si Lovely kung sasama ito sa kanya, subalit ang kanyang alalahanin ay napawi ng kaagad itong sumang ayon sa kanyang hinihiling. Naglakad lakad sila sa may parke na malapit sa restaurant kung saan sila nagkita. "Natatandaan mo pa ba noon? kung bakit hindi ako tumatanghap ng manliligaw?" huminga ng malalim si Lovely at tiningnan sinJethro na diretsong nakatingin sa daan, "dahil iyon sayo.." Noon pa man, ramdam na ni Jethro na may pagtatangi sa kanya ang babae, subalit ayaw niya itong bigyan ng isang magandang pagtingin dahil ayaw niya itong umasa, mas mahalaga pa rin sa kanya ang kanilang pagkakaibigan. "Mahal ko ang mag iina ko," naglalakad siya ng mapansing hindi na naglalakad si Lovely. Naupo na lang ito sa bench. Nilapitan niya ang kaibigan at sinabihan, "akala ko ba, nais mong
Habang pinagmamasdan ni Jethro ang papalayong anyo ni Lovely, unti-unti niyang naramdaman ang bigat ng kanyang desisyon. Hindi niya maialis ang awa sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi niya sinasadya, pero nasaktan niya ang isa sa pinakamahalaga niyang kaibigan.Nagpaikot-ikot ang mga tanong sa kanyang isip. Paano kung binigyan niya ng pagkakataon si Lovely noon? Paano kung sinubukan nilang maging higit pa sa magkaibigan? Magsisisi ba siya? Ngunit sa kabila ng mga katanungang iyon, alam niyang wala nang babalikan. Pinili na niya si Danica, at sa kanyang puso, tiyak siyang ito ang tama.Subalit hindi niya maitatanggi ang lungkot na dulot ng pangyayari. Si Lovely—ang kaibigan niyang palaging nariyan para sa kanya—ay naglakad papalayo, dala ang sakit na hindi na niya maibabalik sa dati. Nakikita niya sa bawat hakbang ni Lovely ang lungkot at bigat ng loob nito, at doon niya naramdaman ang malalim na pagkaunawa sa kung gaano ito nasaktan.Pinilit niyang magpakatatag. Alam niyang kailangan
"Hindi ko kasi nasabi sayo.. na noong minsang pumunta siya dito, at hinanap ka niya-- hindi ko alam kung mali lang ako ng dinig, o talagang sinabi niya na-- may nakaraan kayo.." nahihirapang magsabi si Danica ng nararamdaman sa lalaki. Hindi pa naman sila legal na mag asawa nito, at tanging ang kambal na anak lang nila ang nagbubuklod sa kanilang dalawa."Hayaan mo na lang siya, kung iyon ang kanyang sinabi, maaaring hindi lang kayo nagkaintindihan," may ngiting sumilay sa bibig ni Jethro.Nanahimik si Danica, saka nilingon ang lalaki. Ang kanyang mga mata ay puno ng pag aalinlangan, subalit hindi niya iyon maisatinig dahil nahihiya siya. Ayaw niyang isipin ng lalaki na masyado siyang nagger, o sabihin nito na hindi pa nga sila mag asawa, usisera na siya."Wag ka ng mag isip ng kung ano pa man. Alam mo naman na ikaw ang kasama ko ngayon, ibig sabihin, ikaw ang gusto ko," may kalakip na assurance ang tinig nito, "wala kang dapat ipag alala sa posisyon mo sa aking buhay..""Pasensiya ka
Nakatanaw si Lovely sa bahay ni Jethro. Inaabangan niya ang lalaki na dumaan. Ng makita itong paparating sa kanyang harapan, nag umpisa siyang magkumpuni ng kanyang flat tier.Sinadya niyang magsuot ng medyo sexy na damit na hindi naman talaga niya isinusuot noon.Eksaktong paglapit ng sasakyan ng lalaki, tumuwad siya sa pinakagilid na halos makita ang kanayng panty. Subalit nilagpasan lang siya nito na parang hindi nakita.Inis na inis si Lovely sa nangyari. Nabadtrip siya dahil hindi man lang lumingon sa kanya si Jethro. Nabalewala ang naisip niyang plano.Sinubukan niyang tawagan ang lalaki. Nagring iyon saglit, saka sinagot."Hello, bakit?" buhat sa kabilang linya ay sagot nito."Nasiraan ako ng kotse malapit sa inyo, maaari mo ba akong puntahan at tulungan?" malambing ang pagkakasabi niya dito."Saglit lang," naputol ang tawag na iyon. Matagal din siyang naghintay, na hindi dapat abutin ng halos isang oras dahil kita naman niya na nakadaraan lang ng sasakyan ng lalaki.Maya maya
Dala dala ni Lovely ang lutong pagkain. Inilagay niya iyon sa kotse. Sumakay naman siya upang magdrive, at gaya ng kanyang plano, kailangan niyang makalapit kay Danica ng hindi nahahalata na may plano siya.Pakanta kanta pa siya habang nagmamaneho.Subalit pagdating niya doon, nagulat siya sa bungan sa kanya ng guard."Mam, wala po sina sir. Isinama po niya ang mag iina niya na mag out of town ngayon.""Out of town?" hindi makapaniwalang tanong niya. Paanong aalis ang mga ito ng hindi man lang niya nalalaman?Agad niyang tinawagan si Vinz at Santi upang alamin kung nag out of town nga sina Jerhro."Oo, nagpaalam siya samin kagabi, bakit?" tanong ni Santi na nakaupo sa kanyang clinic at naghihintay ng pasyente."Ha? bakit hindi ko ,an lang alam?" hindi makapaniwala si Lovely na basta na lang umalis sin Jethro na hindi man lang siya kinokontak."Kailangan ba?" hindi makapaniwala si Santi sa narinig, "Lovely, akala ko ba, hahayaan mo ng mamuhay ng maayos sina Danica, bakit ngayon. para k
"Natutulog na pala sila.." nakangiting sabi ni Jethro, habang tinitingnan ang mga bata na nakahiga sa kuna. "Sir, kukunin niyo po ba ang bata?" anong ng isang yaya sa kanya. "Hindi na, pakibantayan niyo na lang maigi ang mga bata. Patutulugin ko muna ang nanay nila.." kinindatan niya si Danica na agad na namula sa biro niyang iyon. "Naku, ikaw talaga.. ano ka ba naman, nakakahiya," bulong niya sa lalaki, habang napasulyap sa mga katulong na kinikilig sa paglalambing ni Jethro. "Bakit?" hinawakan nito ang baywang niya, "may mga anak na tayo, kaya dapat mas lalo tayong magmahalan." Lalo siyang namula sa ginagawa ng lalaki, lalo na ng bulungan siya nito, "palalakihin lang natin sila ng konti, para maging flower girl at ring bearer sa ating kasal." Nanlaki ang mga mata ni Danica.. Di yata't.. di yata ay nagpapahiwatig ng kasal ang lalaki sa kanya. "Pa-papakasalan mo ko?" nabanggit na nito iyon sa kanya, kaso, simula noong manganak siya, hindi na ulit ito nagbanggit ng tungkol doon.
"Hi.." isang nakangiting Lovely ang bumungad kay Danica ng umagang iyon. Tumayo ito mula sa sofa, "pinatuloy na ako ng katulong kasi kilala naman nila ko." "Ah.. wala si Jethro dito eh," alanganin ang ngiting ibinigay ni Danica sa babae. Hindi niya inaasahan na magtutungo ito doon ngayong umaga. "Hindi naman siya ang kailangan ko eh," hindi pa rin nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Hindi si Jethro ang kailangan? eh sino? Mukhang napansin ni Lovely ang kanyang iniisip, itinaas nito ang dalang prutas, "ikaw ang sadya ko. Mukhang hindi kasi naging okay yung una nating pagtatagpo. Baka mamis interpret mo pa.." "Ah.. iyon ba?" ngumiti na rin siya at sinabihan ito, "sige maupo ka." inabot niya ang prutas ng basket na inialay nito, "salamat." "Alam mo kasi, ako lang ang babae sa aming magkakaibigan, siyempre hindi ko masyadong napag tuunan ng pansin na darating nga pala ang araw na magkakaroon na ng kanya kanyang pamilya ang mga kaibig
Mabilis na pinahid ni Lovely ang luha sa kanyang pisngi at pilit na ngumiti kay Vinz. "Salamat, Vinz. Alam kong nandiyan kayo palagi para sa akin. Siguro nga, kailangan ko nang palayain ang sarili ko mula sa ilusyon ng pag-ibig na hindi naman totoo." Sa paglabas nila ng restaurant, ramdam ni Lovely ang magkahalong kalungkutan at kasiyahan. Malungkot siya dahil sa wakas ay tuluyan na niyang tinanggap na hindi siya ang pipiliin ni Jethro, pero may bahagyang kasiyahan sapagkat naroon sina Vinz at Santi na handang damayan siya. Habang naglalakad sila sa gabi, may mga bituin na kumikislap sa kalangitan, tila nagbibigay liwanag sa kanyang madilim na damdamin. Huminga siya nang malalim at nagdesisyong magpatuloy. Ayaw niyang magpatali sa alaala ni Jethro, nais niyang makita ang sarili sa ibang liwanag—isang Lovely na handang mahalin ang sarili. Hindi nagtagal, tumigil sila sa isang parke at naupo sa isang bench. Tahimik nilang pinanood ang mga tao sa paligid, bawat isa ay tila may sarilin
Lovely nasaan ka na? Pupuntahan kita? Umuwi ka na.. Nasaan ka? Hoy kita tayo..Habang binabasa ni Lovely ang sunod-sunod na mensahe mula kina Santi at Vinz, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Kahit pa gusto niyang sumama sa mga kaibigan, mas nangingibabaw ang lungkot at pagkabigo. Wala siyang natatanggap na kahit anong mensahe mula kay Jethro—ang taong mas nais niyang makausap ngayon."Umiiwas ba talaga siya sa akin?" bulong niya sa sarili. Lalong bumibigat ang pakiramdam niya sa tuwing naaalala ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan. Mula nang makilala ni Jethro si Danica, tila nagbago ang lahat. Nagkamali ba siya ng akala na may espesyal na namamagitan sa kanila? O sadyang mas pinili lang ni Jethro ang bagong babae sa kanyang buhay?Naalala niya ang sinabi nina Santi—na aksidente lang daw ang nangyari kay Danica at Jethro. Buntis si Danica, ngunit hindi pa raw matagal na magkakilala ang dalawa. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, tila mas pinili pa rin ni Jethro na
Dahan-dahang humarap si Jethro kay Santi, ang mga mata'y puno ng pag-aalala at pagsisisi."Bro, alam ko mahirap, pero kailangan mong harapin si Lovely," sabi ni Santi habang mahigpit na hinahawakan ang balikat niya. "Alam kong pinagsisisihan mo na hindi mo siya pinuntahan, pero hindi ka niya kailangan para sumbatan o sisihin. Kailangan ka niya para damayan siya."Napayuko si Jethro. Mabigat ang bawat hakbang papunta sa kwarto ni Lovely, parang hinihila siya ng mga alaala ng gabing iyon, ng bawat tawag at pakiusap ng kaibigan na hindi niya sinagot.Sa wakas, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Nakita niya si Lovely na nakahiga, maputla, at mahina ang katawan, ngunit ang mga mata nito ay muling nagniningning. Ngunit sa kabila ng liwanag sa mata nito, ramdam ni Jethro ang kirot at lungkot na hindi kayang itago ng ngiti."Jeth," mahina ngunit malinaw ang pagtawag ni Lovely sa kanya. Walang halong galit, walang paninisi, ngunit sapat na ang simpleng tawag na iyon upang mabasag ang pader
"Nasaan ka na ba kasi?" tanong ni Lovely sa kanya. Graduating na sila noong panahong iyon. "Umuwi ka na, hindi nga ako pupunta diyan!" nahahalata ni Jethro ang pagkaclingy sa kanya ng babae, kaya siya umiiwas. Ayaw niyang samantalahin ang pagkakataon. Hindi siya ganoong klase ng lalaki. "Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako pinupuntahan, hihintayin kita," at pinatay na ni Lovely ang tawag. "Bahala ka.." sabi niya sa sarili, saka tinulugan ang hiling ng kaibigan. Hindi talaga niya ito pinuntahan dahil sa kanyang pag iwas. Tunog ng tunog ang kanyang cellphone pagsapit ng umaga.. Sina Santi ang natawag sa kanya. Ang miscalls ng dalawang kaibigang lalaki ay magkasunod na nag appear sa kanyang cellphone. Hindi niya alam kung nakakailang tawag na ang mga ito, subalit itong huli ay nasagot niya. "Nasaan ka?" ang pag aalala sa tinig ni Santi ay abot abot na parang nagmamadali ito. ñ"Nasa bahay, bakit ba?'0" oatamad niyang sagot dito. "Putang ina par, dinala ni Vinz si Lovely
"Hindi ako galit sayo, bakit mo naman naisip yan?" kunwari ay hindi niya alam ang sinasabi ni Lovely. Ayaw niya itong masaktan ngunit hindi niya maaaring tanggapin ang pagbibigay nito ng motibo sa kanya.Hindi na gaya ngbdatinang buhat niya ngayon. Kasama na niya ang kanyang mag iina, at sugurado na siya sa kanyang sarili na pakakasalan niya si Danica. Nahanap lang siya ng magandang pagkakataon."Bakit hindi mo ako pinuntahan kanina? alam mo namang kailangan ko ng tulong?" may himig ng pagtatampo ang boses nito."May meeting kasi ako ngayon, Kailangan kong umattend ng maaga. Saka pinuntahan ka naman ni Vinz hindi ba?""Iba kasi kung ikaw ang nagpunta sa akin. Mas naging maayos sana ako kahit konti..""Bakit? hindi ba inayos ni Vinz ang kotse mo?""Hindi iyon, ikaw ang ibig kong sabihin.. sana, ikaw ang nagpunta sakin.""May meeting nga ako," naging malamig ang kanyang mukha habang sinasabi iyon. Noon pa man, demanding na ito para sa kanyang oras, subalit ngayon lang niya ito narereali
Hindi pa rin umalis si Vinz matapos niyang maayos ang gulong ni Lovely. Maganda ang tanawin na kanyang nakikita. Naroon ang babaeng kanyang inaasam. May dala dalang bata at pahele hele na ginagawa.Umapaw ang lungkot sa kanyang puso at para siyang nahihirapan habang tinitingnan si Danica. Sinisisi niya ang kanyang sarili, dahil noong may pagkakataon pa siya, hindi siya gumawa ng paraan na makilala ito, at ngayon nga ay ang kanyang kaibigan na ang nagmamay ari dito, hindi man legal, subalit may deposito na itong ibinigay.Ang mga batang iyon ay hindi sinasadya, subalit sa nakikita niyang nangyayari kay Jethro, tama na lang siguro para sa kanya na tumanaw buhat sa malayo.Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan. Ayw niyang maging ganito habang buhay. Nais niyang maging malaya ang kanyang damdamin, ngunit para kanino? tinapos na ni Jethro ang laban.Ang naging pagtatapat niya noong una niyang nakilala si Danica sa bar, ay hindi inaasahan. Gusto niya lang ihinga ang kanyang nara