Two months later..
UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay. Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo.. “No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya. Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values. Sa loob ng dalawang buwan niyang pananatili sa kumpanya, malaki na ang naiambag niya doon. Ilang deals na ang naiclose niya, at ang kita ay kaya ng makaafford ng isang kotse. Natatakot siyang mawalan ng trabaho. Ngayon pa naman ang awarding ng biggest sales, at sigurado siyang siya iyon. Iisipin ng mga katrabaho niya na may extra job talaga siyang ginagawa. “CONGRATULATIONS Miss Salvador, you did it again!” kinamayan siya ng kanyang boss habang iniaaward sa kanya ang incentives niya ng umagang iyon. Limang deal ang naisara niya sa loob ng isang buwan. Magiging supplier sila ng construction supply sa malalaking construction site sa Davao. “Salamat sir,” nakipagkamay siya sa matandang boss niya, na nanlalamig ang kamay. “Are you okay?” Nag aalala nitong tanong, “you look so pale, and parang nangangayayat ka.” “Okay lang po ako,” nakangiti niyang sagot dito. Ngiting alanganin na alam niyang pinagdududahan nito dahil nakakunot ang noo ng matanda. “Siya na naman..” “Oo nga, bago pa lang siya pero ang dami na niyang nakaka deal.” “Balita ko nga hindi man lang daw humingi ng discounts ang mga inofferan niya.” “Baka naman may extra job na ginagawa..” Madalas ganoon ang bulung bulungan ng mga katrabaho niyang medyo may inggit sa kanyang pag- angat! Malaki na kasi ang naging ambag niya doon. Noong una, ay marketing staff lang siya, ngunit sumugal siya sa may mas thrill na trabaho, at iyon ay mag- alok ng kanilang serbisyo at produkto. Nagamit niya dito ang kanyang charm. Lahat na naririnig niya, ay pinapalabas niya rin sa kanyang kabilang tenga. Sanay siya sa ganito kahit noong naroroon pa lang siya sa kanilang bahay. Ika nga, well trained na siya. May mga kaibigan din naman siya dito, ngunit karamihan ay bashers. Subalit ngayon, hindi na niya alam kung paano isasalba ang sarili sa kahihiyan, dahil sa kanyang kalagayan. Bago siya pumasok ng opisina ay nagtest na siya, at positive iyon. Natatakot siyang malaman iyon ng karamihan, at mapalayas siya sa opisina ng wala sa oras! “Ang galing mo dzai, congrats!” niyakap siya ni Siren, “iba ka talaga friend.” “Oo nga, turuan mo naman kami diyan,” biro ni Vohn. “Para ito sa gusto ng challenge sa buhay,” napangiti siya sa hirit ng mga kaibigan. Pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili sa kabila ng kanyang kaba. “Mukhang ang galing mong magbenta, Danica ah,” si Layda iyon, kasama ang mga galamay na sina Ryza at Jona. “Baka sanay na sanay sa bentahan,” parunggit naman ni Jona, “mukhang dati niyang trabaho.” “Ano bang sekreto mo, Danica?” tanong ni Ryza, “bakit madali lang sayo ang magbenta?” Pinigilan siyang sumagot ni Siren, “let me handle this,” nginitian siya nito, “alam niyo girls, ang sekreto ni Danica, ay maganda siya, kaya marami siyang napapa- oo. Hindi niyo iyon maiintindihan, dahil hindi naman kayo magaganda.” “Maputi ka lang Siren, kaya feeling mo, maganda ka,” asik dito ni Layda. “Excuse me, maganda talaga ako, at saka kahit singit at kili kili ko, maputi, hindi gaya niyo! Tumigil na nga kayo pang iinis dito at baka mabadtrip ako sa inyo!” taboy sa mga ito ni Siren. “At ano ang kaya mong gawin sa amin? tatlo kami, iisa ka lang!” sagot dito ni Jona, “wag kang mayabang Siren!” “Hindi ako mayabang, kahit mag isang dosena pa kayo!” napailing na lang siya sa kanyang kaibigan, “hindi ko kayo aatrasan!” “Black belter yan, nakapaglaro na yan sa sea games,” natatawang sagot sa mga ito ni Ian, “na banned lang, nanapak ng kalaban habang nasa dressing room.” “Oh, ano? lalapit pa ba kayo?” hamon ni Siren sa mga ito, “game ako ngayon, gusto kong magpainit!” “Let’s go girls! napaka war freak naman niyan!” inirapan pa sila nina Jona, bago sila talikuran. “Ang yayabang tapos pikon at duwag,” napairap din si Siren bago maupo sa kanyang pwesto, “magtatrabaho muna ako, baka kailangang mag double kayod, para sa ekonomiya!” “Back to work na nga tayo, para hindi ako pag initan ng mean girls,” yaya niya sa dalawa pang lalaking kaibigan niya, “sagot ko ang dinner niyo mamaya.” “Yun ang hinihintay namin!” nag apir pa si Vohn at si Ian, “ikaw Siren? sasama ka?” “Malamang, ako pa ba?” sagot nito na pumipindot sa sariling computer. “BUNTIS ka?” Nagulat ang manager niya sa narinig, “paano? To-totoo ba na.. na nag i-extra service ka?” Napaiyak siya habang nakatayo sa harapan ng manager, mahirap ipaliwanag, pero susubukan niya. “Bago po ako pumunta dito sir.. at tumakas sa tatay ko.. ma-may.. may nakilala po akong lalaki. A–at..” hindi na niya maituloy ang kwento dahil naiyak na siya, “sir.. isang linggo pa lang po iyong nangyayari nung ihired niyo ako..” Malungkot siyang tinitigan ng kanyang boss. Alam niyang maniniwala ito sa kanya. Hindi marahil makahanap ng salitang maaaring gamitin para icomfort siya. “Hindi pa po ako under ng company noon sir. Hindi po ako nag aalok ng extra service. Hindi po ako ganoong klase ng babae ,sir..” hindi na niya mapigilan ang kanyang emosyon. Bumuhos ng todo ang kanyang luha. “Danica, hija. Alam kong mabuti kang bata. Nung sabihin mo sa akin na gusto mong lumipat ng account, humanga ako. Kaya tinanggap kita sa sales dahil alam kong malaki ang maiitulong mo sa kumpanya. Pero hindi ko kasi hawak ang rules ng office. Susubukan kong ipaglaban ka sa ating CEO. Hindi ko iyon maiipangako, pero gagawin ko ang lahat. Baka maaari kang mag work from home or anything.” Sagot nito sa kanya. Malungkot ang mga mata nito, “kung hindi man sila pumayag, susubukan kong ihanap ka ng maayos na trabaho.” “Salamat ho sir.. salamat ho,” daig pa nito ang kanyang ama na kaya siyang ipagbili ng dahil sa pera. “Pero sa ngayon, wag ka na munang maingay. Ipapatawag na lang kita sa sagot ng ating boss, okay ba yun?” Medyo umaliwalas na ang mukha nito. “Oho sir.. thank you ho,” kinamayan niya ito ng mahigpit. “Oh, ayusin mo ang sarili mo at namumula ang ilong mo,” biro nito sa kanya, “baka isipin pa nila, pinaiyak kita..” “DANICA, ipinapatawag ka ni sir Morales,” si Jona iyon na nakasimangot sa kanya. Kahapon lang sila nag-usap. At mukhang may resulta na iyon. Nagmamadali siyang pumasok doon. Malungkot ang mukha nito. “Si-sir?” Tawag niya dito pagpasok. Nakapikit ito at hinihilot ang sentido. “Kakausapin ka daw ng CEO. Nakiusap na ako sa kanya, ipinaglaban kita, pero ayaw niyang pumayag. Siya daw ang magpapaliwanag sayo, kung bakit kelangan mong umalis,” malungkot nitong sabi sa kanya. “Thank you ho sir. Ang malaman kong sinusuportahan niyo ako, malaking bagay na iyon sa akin,” mapait siyang ngumiti. “May ipon naman po ako, at may bahay, kaya po makakasurvive pa ako hanggang manganak ako. Yun nga lang po, mauubos talaga ang ipon ko.” “Tutulungan naman kitang makapaghanap ng trabaho sa labas, siguro matapos mo na lang manganak. Alam mo namang walang kumpanya na tumatanggap ng buntis hindi ba?” Pagbibigay assuranve nito sa kanya. “Salamat po sir. Saan ko po pupuntahan si Mr. Enriquez?” “Sa 10th floor, may secretary siya doon. Tanungin mo na lang,”nginitian pa siya ng kanyang manager. “Thank you ho sir..” “MATANDA na siguro yung CEO dito. Napakailap magpakita sa mga tauhan eh. Kahit sa department namin, di pa siya nakikita..” bulong niya sa sarili. Ilang taon na kaya siya.” Pagbukas ng elevator, parang sectioning ang mga opisina na may mga nakalagay na pangalan. Nasa pinakagitna ang kanyang target na office. Agad niyang nilapitan ang lalaking malapit sa opisina ni Mr. Enriquez. “Sir, ako po si Danica Salvador..” pakilala niya dito. “Pinaakyat po ako ni sir Morales.” “This way,” tumayo ito at binuksan ang pinto. Nakatalikod habang nakaupo sa swivel chair ang tao doon. “Sir, Miss Salvador is here,” isinarado na nito ang pinto, na hindi na hinintay na sumagot ang kanilang boss. “Miss Salvador,” bungad nito sa kanya. “Aware ka ba sa company policy? Binasa mo ba ang agreement? Basta ka ata pirma ng pirma! Bawal dito ang disgrasyada.” “Opo sir..” mahina niyang tugon. “Kahit magaling ka pa, hindi kita maaaring i-retain. Hindi ko sisirain ang polisiya ng kumpanya, ng dahgil lang sa isang disgrasyadang gaya mo! Ngayon, kaninong kliyente ka nagpabuntis?” makahulugang tanong nito. Pinagbibintangan siya ng kanyang boss na nagbibigay ng extra service sa mga kliyente. “Ho?” nawindang siya sa tanong nito. “Sino ang ama niyang dinadala mo? Kerida ka ba? May karelasyon ka ba sa loob? Answer me!” Madiin ang tanong nito sa kanya. “Si-sir… ba-bago pa po ako pumunta dito, a-ako na-nadisgrasya,” nahihiya na siya, nanliliit. Natatakot siya sa baritonong boses nito. Hi-hindi ako nagbebenta ng aliw! Nagkataon lang na- aksidente kaming nakabuo..” “Aksidente? Ano yan? Disgrasya sa daan? Hindi ka naman aso,” sabi pa nito. “Hi-hindi yun si- sir ang—” “That’s bullshit!” Singhal nito sa kanya, “wag mo akong lolokohin Miss Salvador. Una, nasa marketing ka, tapos biglang nagpalipat ka sa sales, at napakadami mong nakoclose na deal kahit bago ka pa lang? Hindi ako naniniwala kay Mr. Morales na magaling ka. Ngayon, kaninong kliyente mo, ang batang iyan?!” “Sir, maaari niyo akong paalisin, pero wag niyo akong huhusgahan! Hindi ako ganoong klase ng babae!” Inis niyang sagot dito. “Kung makapagsalita kayo, parang nakita niyo ako kung paano ako lumaki ah!” “Talaga–” umikot ang upuan nito paharap sa kanya. Ang ngisi nito sa labi ay biglang nawala ng makita siya, “I-ikaw?” Maging siya ay hindi nakakilos ng makilala ang lalaking kausap niya. Nanlaki ang kanyang mga mata.. Ang lalaking nakaniig niya dalawang buwan na ang nakakaraan! Hindi na niya nakayanan ang kabang nararamdaman. Unti unting umikot ang kanyang paningin, at bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig, agad siyang naalalayan ng lalaki. “Miss Salvador!” narinig pa niyang tawag nito sa kanya, habang tinatapik ang kanyang pisngi, bago siya tuluyang nawalan ng ulirat.“Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siy
“You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?” “Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singho
Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”
“Ehem..” tikhim ni Ronnel, sa babaeng nasa harapan ng pinto ng elevator upang makuha ang atensiyon nito. Agad namang nag angat ng paningin ang babae, at gulat na gulat ng makita sila. Hindi ito makakilos mula sa kinatatayuan nito. “Ano? sasabay ka ba? o tititigan mo lang kami?” tanong niya dito, sabay tingin sa kanyang relo. “Sorry po sir, pasensiya na po,” nagmamadali itong pumasok sa loob, at nakayukong tumayo sa bandang gilid niya. Subalit bigla itong na-out of balance ng bumulusok ang elevator pababa. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. “Mukhang nagka malfunction ang elevator sir,” sabi ni Ronnel sa kanya. Nagpatay sindi ang ilaw nito, saka nag stock sila sa floor na iyon. Sinubukang buksan ni Ronnel ang pinto, nasa half sla ng isang floor. “Anong floor ito?” wala man lang kahit anong pag aalala sa tinig ni Jethro. Samantalang si Danica, ay nakayakap pa rin dito. Bigla ang naging paglayo niya dito, at bahagya niya pa itong naitulak, “so-sorry sir..” “Nasa 7th floor at
Nangunot ang noo ni Jethro sa isinagot sa kanya ni Danica. Nakatitig siya dito ng bigla itong tumayo. “Bakit?” Pabalik niyang tanong sa babae, saka tumayo, “anong bakit?” “Bakit kayo malapit sakin? Bakit hindi ko man lang namalayan na nandiyan kayo?” Inaayos ni Danica ang kanyang sarili. Bigla siyang natawa sa reaksiyon nito, “umuungol ka, kaya kita nilapitan. Hindi mo ba alam na nakatulog ka? Look,” itinuro niya dito ang basang sahig, “laway mo yan, kung hindi mo alam.” “Na-makatulog ako?” Parang hindi makapaniwala si Danica na nakatulog siya, “paano mangyayari iyon eh parang kakaupo ko pa lang?” “Halos 30 minutes ka ng nakaupo diyan. Ano bang nangyayari sayo?” Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito, “kaya mong matulog ng nakaupo? Huh, very talented!” Namula ang pisngi nito. Hindi makahagilap ng maisasagot sa kanya. Marahil, hindi nito akalaing makakatulog ito sa ganoong posisyon. Pinunasan pa ni Danica ang kanyang labi. “Ang tagal naman magawa ng el
Nagkita ng liwanag si Danica. Pilit iminumulat ng kanyang sarili ang kanyang mga mata. Sinisilaw niyon ang kanyang buong mukha. 'Lord.. nasa langit na ba ako?' tanong niya sa sarili, habang pilit itinataas ang kanyang kaliwang kamay. May nahawakan siya sa kaliwanagan. "Lord.. ikaw na ba yan?" tanong niya. "Alam kong may kagwapuhan ako, pero hindi ko akalaing Diyos ang tingin mo sa akin," tinig iyon ng isang taong pakiramdam niya ay galing sa impiyerno. Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nakahiga siya at nakaunan sa hita ng lalaki. Ang walang kangiti ngiting mukha nito ang sumalubong sa kanya. Parang sili sa pula ang kanyang mga pisngi. HIndi niya alam kung saan niya ililingon ang mukha, kaya naisipan na lang niyang bumangon. "Damn!" malakas ang tinig nito, dahil sa sakit na naramdaman sa pagkakauntog niya sa noo ni Jethro, 'wala ka na bang ibang hatid kundi kamalasan? may balat ka ba sa pwet? para ka kasing delubyo!" asik pa nito sa kanya habang hawak ang noong namu
"Ronnel!" tawag ni Jethro sa kanyang assistant. "Yes sir?" pumasok ito sa opisina niya. "May iuutos po ba kayo?" "May ipapagawa ako sayo," sabi niya dito. Lumapit si Ronnel sa kanya, "ano po yun sir?" "Ito," iniabot n iya ang isang folder dito, "gusto kong alamin mo, kung sino ang babaeng iyan." "Si-sir? si Miss Salvador po ito hindi ba?" napatitig ito sa folder na iniabot niya. "Yes, bakit?" nagsalubong ang kanyang kilay sa sinabi nito. "Bakit po natin aalamin kung sino siya? eh hindi pa naman po natin ito nagagawa kahit kailan, hindi po ba?" tanong nito sa kanya. "Halika dito Ronnel," tawag niya sa kanyang assistangt. "Bakit po sir?" "Sabi ko, alamin mo kung sino siya, meaning, lahat ng tungkol sa kanya, sinabi ko bang magtanong ka sakin at questionin kung ano ang ipinapagawa ko sayo?" "Hindi sir." "Yun naman pala, ngayon, alamin mo ang tungkol sa babaeng iyan, lahat! ayoko ng magtatanong ka pa, naintindihan mo ba?" "Okay sir. Ngayon na ba?" "Ikaw, kailan mo ba gustong
"Hoy, san ka ba galing?" tanong ni Siren sa kanya, "bigla ka na lang nawawala.. saka bakit ganyan ang lipstick mo? para kang nakipaglaplapan sa tabi." Nagulat siya sa sinabi nito at nagmamadaling nagtungo sa salamin. Hindi man lang niya iyon napansin. Kaya ba siya pinagtitinginan ng mga nadaanan niya? Lumapit pa sa kanya si Siren, "bhe, ano bang nangyari? pati buttones ng damit mo, mali mali.." bulong pa nito. Napaupo na lang siya ng mapansin iyon. Akala siguro ng mga nadaanan niya ay ginahasa siya, kaya siguro nakatingin ang mga ito sa kanya. "Naghubad kasi ako kanina sa cr.. hi-hindi ko na namalayan na ganito ang suot ko dahil sa pagmamadali ko. Nakakahiya.." pagdadahilan niya. Mukhang hindi kumbinsido si Siren sa sinabi niya. Napatingin siya kay Ian at humihingi ng saklolo. "Baliktad ang damit niyan kanina, hindi niyo lang siguro napapansin," sabi nito na lumapit na sa kanila ni Siren. Inabutan siya nito ng wipes, "punasan mo yang labi mo, baka isipin nila kung kanino mo
Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa
Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'
Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa
May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma
"IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so
"DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M
Ang damdaming iyon na pilit niyang kinakalimutan, ay muling nabuhay.'Bakit? bakit akala ko ay wala na? bakit akala ko ay tapos na?'Ang mga katanungan ni Danica ay kusang lumabas at pilit na kumakawala sa kanyang isipan.Hindi pala nawala ang pagmamahal niya kay Jethro, ito ay natakpan lamang ng poot, at sakit.Mas nanaig sa kanya ang matinding galit na dulot ng nakaraan. At ngayon, ng aminin na ni Lovely ang lahat ,parang mas gumaan na ang pagdadala niya ng kasalanan ni Jethro.Ang kanyang pagmumuni muni, ay nagbalik ng kanyang mga lumang alaala na tila ba kumakatok sa kanyang puso. Yung panahong sila ay masaya pa, at panahong wala pa silang pinag aawayan.Ang buhay nila noon ay talagang matatawag na ideal, lalo na, ng iopen ng lalaki sa kanya ang tungkol sa kasal.Isa iyon sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay. Lahat naman ng babae ay nangangarap na maikasal. Nais niyang bumuo sana ng pamilyang mapayapa at masaya, na ipinagkait noon sa kanya.Subalit bakit ba napakadamot ng ta
Subalit ang kaligayahang iyon, ay hindi nagtagal.Hindi dumating ang puso sa tamang panahon.At hindi na iyon makukuha kailan man.Bumagsak ang helicopter na pinagkargahan nito, at nasunog iyon na parang barbecue.Nang malaman nina Danica ang nangyari, nagpanic sila, lalo na ang mga doctor.Mahinang mahina na si Vinz. Mukhang hindi na nito kayang magsurvive sa loob ng 24 oras."Anong gagawin natin," lumuluhang sabi ni Danica kay Lovely.."Maghahanap ako ng paraan, maghintay ka dito!" paalam nito sa kanya.Lutang na lutang ang pakiramdam ni Danica.Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid.Biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Ang tinig na iyon!"Jethro?" bulong niya."Okay lang ba si Vinz?" agad hinawakan ni Jethro ang wala sa sariling si Danica, "magsalita ka..""Jethro.." hilam ng luha ang mga mata ng babae, habang nakatingin sa kanya.Hindi ito makapagsalita ng maayos ,na parang takut na takot.Agad niyang niyakap ito at pinakalma. Si Santi naman ay nagpaalam sa kan
Danica, na nakikipaglaro pa sa mga bata sa labas, ay napalingon nang marinig ang hysterical na sigaw ni Lovely. Agad niyang binitiwan ang mga laruan at mabilis na tumakbo papasok sa bahay. Pagkarating niya sa loob, bumungad sa kanya ang walang malay na si Vinz, nakasandal sa sofa habang nanginginig ang mga kamay ni Lovely sa paghawak sa kanya."D-Danica! Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" nanginginig na utos ni Lovely, habang pinipilit niyang alalayan si Vinz.Hindi na nag-aksaya ng oras si Danica. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumawag sa emergency hotline. Nanginginig ang boses niya habang ibinibigay ang address nila at sinasabing may emergency—may taong nangangailangan ng agarang atensyong medikal."Vinz! Vinz! Kaya mo 'to!" halos maiyak si Danica habang hinahaplos ang mukha ng lalaking mahal niya. "Huwag kang bibitiw, ha? Please, andito ako..."Mahina na ang paghinga ni Vinz, at kitang-kita ang panghihina sa kanyang katawan. Walang malay ngunit may bahagyang paggalaw sa k