“No!!” nanginginig ang kanyang kalamnan sa narinig sa kanyang ama. Hindi siya makapaniwalang naisipan nitong ipagkasundo siya sa isang matandang halos kasing edad na nito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban sa labis na galit. Hindi niya maiwasang maghimagsik ang kanyang puso. Nagngingit ngit ang kanyang damdamin.
“Danica, siya lang ang makakatulong sa atin. Si Amante na lang ang nais sumugal sa ating kumpanyang lubog na sa pagkakautang. Hindi na tayo makabawi magmula ng mamatay ang iyong mama,” paliwanag ng kanyang ama, “matitiis mo bang mawala ang kompanyang pinaghirapan namin sa matagal na panahon? Nasa kamay niya ang ating muling pagbangon.” “Papa,” nangingilid na ang kanyang luha dahil na rin sa labis na frustration, “matitiis niyong ako ang ibayad sa matandang iyon kapalit ng tulong na nais niyang ibigay sa atin? Kung totoo niyo siyang kaibigan, bakit hindi niya kayo tulungan ng walang kapalit?” Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na gagawin siyang collateral ng kanyang ama, “maaatim ninyong gawin sa akin ito? Papa, sarili niyo akong dugo at laman, anak niyo ako!” “Wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan ang tatay mo,” saway sa kanya ng kanyang madrastang si Rodora, “tatay mo pa rin siya kahit ano pa yang sabihin mo!” “And? Kayo nga, wala naman kayong ambag sa kompanya namin, pero puro kayo gastos! May pa- feeling blessed pa kayong nalalaman kapag nagtatravel kayo ng mga anak nyo! Samantalang kami ng papa, nakukuba na kakatrabaho!” sita niya kay Rodora, “saan kayo kumukuha ng kapal ng mukha para pagsabihan ako?” “Aba– hoy, Danica! Ako ang tumulong sa papa mo, noong panahong nalugmok siya sa lungkot noong mamatay ang iyong ina!” panunumbat nito sa kanya. May gana pa itong maghinanakit gayong ito ang lumulustay ng kanilang salapi! “Malamang! May nahuhuthot kayong mag-iina sa tatay ko eh, natural, paliligayahin niyo siya. Ano na lang pakinabang niyo kung hindi niyo pa yun nagawa, hindi ba?” panunuya niya dito, “dapat lang, mapaligaya niyo ang papa ko.” “Wag mo ngang binabastos ang mommy, Danica!” saway sa kanya ni Jalen, “akala mo naman kung sino kang magaling.” “Magaling talaga ako. Subsob ako sa trabaho eh, ikaw ba Jalen? Anong naiambag mo para mapalago ang negosyo?” nginisihan niya ito, “kahit saang department ka ilagay, wala kang silbi. Either may nakakaaway ka, o hindi ka nagtatrabaho! Ano yan? Gastos lang? Ayaw kumilos?” “Sobra ka namang makapagsalita, Danica,” si Ingrid iyon, ang isa pang ingratang anak ng kanyang madrasta, “mahirap naman talaga ang trabaho eh, hindi lang kami makasabay.” “Andun na tayo sa mahirap, Ingrid. Lahat naman mahirap kaya dapat pag- aralan! Pero ang nangyari, wala na nga kayong ambag, gastador pa kayo! Maigi pa kayo, nakarating na kayo ng Singapore, eh ako? Ni hindi ako makapunta sa Palawan, dahil inuuna ko ang mga dapat kong gawin! Tapos ngayon, nang nagkakagipitan na, ako ang iipitin niyo? Makapal ang mukha niyo sa parteng iyan.” inis niyang sagot sa mga ito. Mas lalo pa siyang nasasaktan, dahil pakiramdam niya, pinagtutulungan siya ng mga ito. “Sampid na lang kayong lahat, ni hindi ko kayo kadugo, tapos, hindi kayo marunong makisama?” “Aaaah– aaaah–” daing ng kanyang ama. Hawak nito ang kanyang dibdib, na parang nahihirapang huminga. “Luke!! Luke!!” agad inalalayan ng kanyang madrasta ang kanyang tatay, katulong ang kanyang mga mga anak. Lalapit sana siya, ngunit agad siyang itinaboy nito, “kapag may nangyaring masama sa tatay mo, ikaw ang sisisihin ko! Kasalanan mo ito Danica, tandaan mo yan!” Inakay ng mga ito ang kanyang tatay patungo sa kwarto. “Hindi ba sa hospital isusugod ang papa?” nag- aalala niyang tanong, ngunit hindi na siya pinansin ng mga ito. Lahat sila ay umakyat at naiwan siyang mag-isa sa salas. Napaupo na lang siya sa sofa. Nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Ayaw niyang siya ang maging dahilan ng kamatayan ng kanyang tatay. Doon pa lang niya napakawalan ang mga luhang kanina pa nais malaglag. Hindi na niya iyon nakayanang pigilan, sunod sunod iyong umagos sa kanyang pisngi. “Tulungan mo akong mag- isip mama.. Ano ang gagawin ko?” usal niya habang nakayuko. Lingid sa kanyang kaalaman, pinapanood siya ng dalawang anak ng kanyang madrasta sa may hagdanan. Lihim na tumatawa ang mga ito habang siya ay nakakaramdam ng pighati. “PUMAPAYAG na akong magpakasal kay Amante, papa,” pumasok siya sa kwarto ng kanyang ama, at pinalabas ang mga kasama nitong ingrata para makapag- usap sila ng sarilinan. Nakahiga ito, at mukhang hinang hina ang katawan. Nilukob siya ng awa at takot. Naaawa siya sa ama, dahil pakiramdam niya ay masama ang lagay nito, at takot dahil baka bigla siyang iwan ng kanyang tatay. “Salamat anak,” mahina ang tinig ng kanyang ama, at hinawakan ang kanyang kamay. Pinisil pisil iyon ni Luke, “pasensiya ka na anak, kung may pagpipilian lang ako, hindi naman mangyayari sa atin ito.” “Magpahinga lang kayo papa, wag niyo akong iiwan,” niyakap niya ang kanyang papa. Hindi na niya napansin ang gulat at lungkot sa mukha nito, “hindi ko kakayaning iwanan ninyo ako. Kayo na lang ang pamilya ko.” “Pangako ko sayo anak, narito lang ako palagi. Naipit lang tayo ng pagkakataon,” mahina pa rin ang tinig nito, at hinaplos haplos ang kanyang buhok. “Pupunta muna ako sa opisina, dito lang muna kayo. Gusto niyo ba, ipatawag ko si doctor Alejandro?” kumalas siya buhat sa pagkakayakap sa papa niya, “para malaman natin ang problema niyo? Baka mamaya, kung ano na yang sakit niyo kaya nahirapan kayong huminga?” “Okay lang ako anak. Wala ito. Sige na, baka malate ka pa. Nandiyan naman ang tita Rodora mo saka ang mga kapatid mo,” nakangiti nitong sabi sa kanya. Napangiwi naman siya sa huling kataga nitong binanggit. “Hindi ko sila kapatid papa. Ang magkakapatid, nagtutulungan, hindi naglalamangan!” medyo nainis siya ng kaunti sa isiping iyon. “Sige na papa, aalis na ako,” hinalikan niya ito sa noo, “magpahinga kayo ng maayos.” Kinawayan pa siya ng tatay niya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan niya sa salas ang dalawang m*****a niyang step sister, na makahulugang nakatingin sa kanya. May gana pang lumapit ang mga ito para asarin siya. “Oh, paano ba yan? Magiging asawa ka na ni Amante Robles. Gagalingan mo ha, ayaw daw nun ng tuod sa kama,” nagtawanan ang magkapatid sa sinabi ni Jalen. Nag apir pa ang dalawang iyon. “Paayaw ayaw pa, bibigay din naman pala,” natatawang sabi pa ni Ingrid. “Eh kung umayaw kaya ulit ako, dahil nabwesit ako sa inyong dalawa?” asik niya sa mga ito. Unti unti ng naiksi ang pisi niya para sa dalawang ito. “Gawin mo, tutal, tatay mo naman ang mamamatay eh,” sagot sa kanya ni Jalen, “kaya mo ba?” Natigilan siya bigla sa sinabi nito. Tiningnan na lang niya ng masama sina Ingrid. “Oh, anong tinitingin tingin mo ngayon?” tanong ni Ingrid, “galit ka?” “Oo, galit ako!” kinuha niya ang gunting at hinila ang buhok nito, “gusto mo ba, kalbuhin kita?” Nahintakutan ang mga ito sa kanyang ginawa. Susugurin sana siya ni Jalen, ngunit itinutok niya ang gunting sa leeg ni Ingrid. “Nababaliw ka na ba?” saway sa kanya ni Jalen. Tumitingin ito sa hagdanan, hinihintay marahil ang ina. Ngunit ang kwarto ng kanyang papa, ay naka sound proof, kaya kahit sumigaw ito, hindi din maririnig sa taas. “Oo, nababaliw na ako, lalo na sa inyong dalawa! Sige lang, pagsalitaan niyo pa ako ng hindi maganda, mananagot kayo sakin!” ginupit niya ang mahabang buhok ni Ingrid. Nanlaki ang mga mata ng mga ito sa nasaksihan. “Ang buhok ko!” nagtutungayaw si Ingrid. Ibinalibag niya ito patungo sa kapatid nito. “Tigilan niyo na akong dalawa, habang kaya ko pang magtimpi,” iniwan niyang iyak ng iyak si Ingrid habang yakap yakap ni Jalen. Gumaan ang kanyang pakiramdam, dahil nakaganti siya sa mga ito kahit papaano. Sumakay na siya sa kanyang kotse, kailangan niyang magtungo sa opisina. May sinabi sa kanya si Martha tungkol sa mga dokumentong nakita nito sa drawer ng kanyang papa. “NAGSUSUGAL ang papa?,” hindi siya makapaniwala sa mga papeles na nakita sa drawer nito. Mga listahan iyon ng pinagkakautangan ng kanyang ama. At nasa listahan si Amante Robles. Nakasulat doon ang lahat ng transaction dito ng kanyang tatay. Si Robles ay may ari ng isang casino, at doon nalulong ang kanyang ama at ang kanyang madrasta. Mas lalo pang gumuho ang kanyang mundo, ng malaman niya, na siya ay ginawang collateral talaga. Na kung ipapakasal siya dito, ay kakalimutan na lang lahat ng pagkakautang ng kanyang papa. Pakiramdam niya ay nais na lang humiwalay ng kanyang kaluluwa sa kanyang katawang lupa. Parang gusto na lang niyang maging multo. Ang awang nararamdaman niya para sa kanyang tatay, ay napalitan ng poot at hinagpis. Paano nito natiis na gawin siyang pambayad sa utang? Kaya pala nalugi ang kanilang kumpanya ay dahil na rin dito. Hindi naman pala nag iisa ang mag iina sa paglustay ng kanilang pera, kundi pati ang kanyang ama ay kasabwat din. Napaupo na lang siya ng makita ang kasunduang iyon. Hindi niya akalaing kaya siyang traydurin ng sarili niyang ama. Nalungkot siya sa isiping iyon na ang sinisisi lang niya ay ang bagong asawa at mga anak nito, yun pala ay lahat sila ang may kasalanan! Hindi niya alam ngayon kung paano ioopen sa kanyang tatay ang kanyang nalaman. Natatakot siyang baka ito pa ang maging sanhi upang tuluyan ng atakihin ang kanyang ama sa puso, subalit wala naman siyang choice. Kailangan niyang pangalagaan ang kanyang sarili. “Uuwi muna ako, Martha,” paalam niya sa kaibigan. “Saan ka pupunta?” nagulat ito, kararating lang kasi niya ng mga oras na iyon. “Kailangang linawin ko ito sa papa. Hindi maaaring basta ako magsakripisyo tapos ito lang pala ang dahilan ng lahat,” kinalap niya ang lahat ng papeles na maaaring magamit kapag nag usap sila ng ama. “Kailangang maipaliwanag niya ito sa akin ng maayos!” Nagmamadali siyang lumabas ng opisina. Maging ang pagtawag ng kanyang kaibigan ay waring hindi na niya marinig. Para sa kanya, mahalagang malinawan ang lahat. Hindi siya makakapayag na gaganituhin lang siya. Lahat ginawa niya upang makabangon, tapos malalaman niya lang na kaya pala hindi sila makausad ay dahil sa pesteng pagsusugal na iyon! Masamang masama ang kanyang loob. Hindi niya matanggap sa sarili na pumayag siyang magpakasal dito, subalit yun pala ang dahilan. Nakakasira ng buhay ang sugal, paano natuto ang tatay niyang mag casino?PAGDATING niya sa bahay, walang tao sa salas. Ngunit naririnig niya ang tinig ng mga naroroon sa itaas. “Kailangang magantihan ko siya mommy!” umiiyak na sabi ni Ingrid, “ginupit niya ang maganda kong buhok!” Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan. Nasilip niya sa masters bed room ang mga ito na parang may pinagmimitingan na hindi siya kasali. “Sumusobra na yang anak mo, Luke!” singhal ni Rodora sa kanyang papa, “tingnan mo naman kung ano ang ginawa niya sa anak ko.” “Baka naman inasar niyo na naman ang anak ko,” nakatayo ang kanyang ama. Mukhang walang sakit, naninigarilyo ito saka namintana, “mabait si Danica, hindi niya kayo sasaktan kung hindi kayo nauna.” “Kasalanan pa ni Ingrid ngayon ha?” lumapit si Rodora kay Luke, “masyado ng m*****a yang anak mo!” “Tigilan mo ako, Rodora,” asik ng kanyang papa sa kanyang madrasta. Bahagya pa siyang lumayo, upang hindi makita ng mga ito, “baka akala mo, isasakripisyo ko ang anak ko, dahil sa pagiging sugarol mo!” “Ako lang ba? Ako lang? E
DAHAN -dahan niyang inilapag sa kama ang walang malay na babae. Wala itong ginawa kundi ang umungol. “Ang init! ang init!” paulit ulit nitong sabi. Nilakasan niya ang buga ng aircon, ngunit nananatili pa rin itong pagulong gulong sa kama at patuloy pa rin ang pagsasabi na naiinitan ito. Hinubad niya ang suot nitong heels. Napansin niya ang pagpapawis ng katawan nito. Napailing na lang siya ng marahas. “Mga bwesit! nakainom ito ng libido pill!” inis niyang sambit, “mga wala talagang magawa sa buhay!” Kailangan niya itong ibabad sa bath tub upang maibsan ang init na nararamdaman nito. Kinarga niya ang babae sa banyo. Inilapag niya iyon sa bath tub at binuksan ang faucet. Iniwan niya ito saglit para makapaghubad siya ng suot niyang suit. Inihanger niya ang hinubad, saka binalikan ang babae. Nakalubog na ang buong katawan nito sa tubig. “Damn!” nagmamadali niyang pinatay ang tubig saka inahon ang babae. Agad niya itong inilapag sa carpet at pinakinggan ang hinga nito. Mahina iyon.
Danica ILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya. Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS! Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon. “Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!” “Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone. “Dapat, makaganti ako sa ka
Two months later.. UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay. Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo.. “No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya. Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values. Sa loob ng d
“Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siy
“You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?” “Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singho
Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”
“Ehem..” tikhim ni Ronnel, sa babaeng nasa harapan ng pinto ng elevator upang makuha ang atensiyon nito. Agad namang nag angat ng paningin ang babae, at gulat na gulat ng makita sila. Hindi ito makakilos mula sa kinatatayuan nito. “Ano? sasabay ka ba? o tititigan mo lang kami?” tanong niya dito, sabay tingin sa kanyang relo. “Sorry po sir, pasensiya na po,” nagmamadali itong pumasok sa loob, at nakayukong tumayo sa bandang gilid niya. Subalit bigla itong na-out of balance ng bumulusok ang elevator pababa. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. “Mukhang nagka malfunction ang elevator sir,” sabi ni Ronnel sa kanya. Nagpatay sindi ang ilaw nito, saka nag stock sila sa floor na iyon. Sinubukang buksan ni Ronnel ang pinto, nasa half sla ng isang floor. “Anong floor ito?” wala man lang kahit anong pag aalala sa tinig ni Jethro. Samantalang si Danica, ay nakayakap pa rin dito. Bigla ang naging paglayo niya dito, at bahagya niya pa itong naitulak, “so-sorry sir..” “Nasa 7th floor at
"Danica! Danica!" sumisigaw sa sala si Jethro habang hinahanap sa lahat ng sulok ng bahay ang babae.Nagmamadali siyang umakyat ng kwarto, marami pa ring gamit na naroroon. Pati mga trolley bags at gamit ng mga bata ay nananatili pa rin doon. Nakahinga siya ng maluwag, na hindi naman pala siya iniwan nito, baka nagpapahinga lang ito.Naupo siya sa kama at naghintay. Umahon ang inis niya kay Lovely, ang babaeng tusong iyon, napakawalanghiya!Itinuring niyang kaibigan, subalit tinarantado lang siya. Galit na galit siya, at pinagsasampal niya ito, bago siya umalis ng tahanan nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman.Subalit ngayon, na nalaman niyang hindi naman pala umalis ang kanyang mag iina, nakahinga siya ng maluwag.Nahiga siya sa kama at naghintay.. hanggang makatulog na siya.Naalimpungatan siya sa ingay na nagmumula sa ibaba. Akala niya, ang mag iina niya iyon, kaya nagmamadali siyang nagtungo sa salas upang salubungin ang kanilang pagdating. Subalit nadismaya siya ng makita
Bumalik sa kanyang ulirat si Danica, matapos kuhanan ng larawan ang taksil na lalaking ito at ang kaibigan nitong ahas. Alam niya na nagtutulug tulugan lang si Lovely, kaya nagpunta siya sa kusina, ayaw niyang gawin kung ano yung unang pumasok sa isipan niya. Ayaw niyang makulong. Kumuha siya ng tubig sa ref, saka binuhusan ang dalawa na nakahiga sa lapag. "Oh my God!" nagmamadaling bumangon si Lovely. "Oh, buti naman at bumangon ka na.. para naman malaman mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon," inihagis niya ang pitsel na tumalbog pa patungo sa ulo ni Jethro. "Ano na?" ungol ng lalaki na tila hindi pa nagigising, "bakit basa?" unti unti itong nagmulat ng mga mata. Ang una niyang nakita, ay ang mukha ni Danica na nakayuko sa kanya. Ngumiti siya at pilit inaabot ang kamay ng babae sa kanyang harapan. Nakakunot ang noo nito na parang galit, kaya nagtanong siya, "honey, mukhang galit ka.. bakit? halika nga dito," hahawakan niya sana ito ng hilahin nito ang kamay palayo. Dahil sa t
Nais pang bigyan ng huling pagkakataon ni Danica si Jethro kaya naghintay siya ng mga isang oras pa. Umaasa siyang babalik ito agad at hihingi ng tawad sa kanya.Minsan talaga, naguguluhan ang mga lalaki kaya hindi napipigilan ang sarili. Alam niyang hindi ito gagawa ng pagkakamali.Pupuntahan sana niya ang kanilang mga anak, ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Isang picture message yun mula kay Lovely. Nag iisip siya kung bubuksan niya iyon. Dahil kung ano man yun, marahil, ito ay isang bagay lamang: Makakasira iyon ng kanilang pagsasama ni Jethro!Subalit dala na rin ng alalahanin, mas pinili niya na buksan iyon at ng makita kung ano ang nilalaman sa loob.Natutop niya ang kanyang bibig. Hindi siya nagkamali, si Lovely iyon, suot ang polo ni Jethro habang nakahiga sa carpet sa sala na parang kakatapos lang gumawa ng kababalaghan!Nag init bigla ang kanyang ulo. Ang mga bata, ay iniwan muna niya. Bumaba siya ng hagdan at nagtungo sa labas. Tinawagan niya ang isang driver, at si
"Akala ko ba, may sakit ka?" tanong ni Jethro kay Lovely na may gigil.Nadatnan niya itong naghahanda ng dinner with candle light. Maganda ang bihis nito na tila ba tuluyan ng nakarecover sa aksidente.Ang pagkakangiti nito sa kanya ay larawan ng isang babaeng hindi nabigo sa pag ibig. Ang magandang katawan nito ay talagang makakaakit sa mga lalaking makakakita dito, subalit hindi sa kanya. Isa lang ang babaeng para sa kanya."Nais ko sanang magpasalamat sayo sa pagtulong mo sa akin. Magpapaalam na san ako, dahil nais kong mabuhay ng masaya. Ayoko ng ipagsiksikan ang aking sarili sa iyo." sagot ng babae sa kanya.Ang malungkot na tinig na iyon ay tumagos sa kanyang puso. Nakaramdam siya ng awa dito, subalit sa huli, tama lang naman ang maging desisyon nito, ngunit hindi na siya magtatagal sana. Sasabihan sana niya ito na ayaw na niya itong tulungan dahil nagagalit na si Danica, pero dahil naunahan siya ng pagpapaalam nito, pagbibigyan niya ito sa huling pagkakataon."Aalis ka na?" tan
Subalit ang pangakong iyon ay hindi kayang tuparin ng pang matagalan.."Bakit ba hindi mo matanggihan si Lovely kapag tinatawag ka niya?" napuno na si Danica sa lalaki. Kung hindi ito sumisipot sa usapan nila, lagi naman itong late. At nagkakataon na tuwing may lakad sila, saka naman ang babaeng iyon umaarte."Kakaalis lang ng mama niya. Hindi niya pa kayang kumilos ng maayos," hinihilot ni Jethro ang kanyang noo, "alam mo naman kung bakit, hindi ba?"Naikwento na ni Jethro sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Lovely ilang taon na ang nakakaraan, at inako nito ang kasalanan. Naaawa siya sa babae, noong una. Subalit nitong nakaraan, tila ba naiirita na siya."So.. ano na naman ang ibig mong sabihin?" nagtaas na siya ng boses. Kasalukuyan silang nag aasikaso ng kanilang kasal ng mga panahong ito."Kailangan ko lang siyang puntahan at alamin ang kanyang kalagayan. Alam mo namang sa akin na lang siya umaasa.." paliwanag ni Jethro na tuloy pa rin sa pagbibihis."Makinig ka nga sakin Jethro
Agad tumulo ang luha ni Jethro..Sobrang sakit ng kanyang puso, hindi niya akalaing dito na agad magtatapos ang lahat sa kanila ni Danica.Kung naging mabuti lang sana siya..Kung hindi niya lang sana ito sinaktan ng husto..Isa siyang walang kwentang lalaki!"Ka-kailan pa?" malungkot niyang tanong."Kahapon lang.. nung maadmit ka rin.." nakatingin sa kanya si Vinz."Bakit??" humawak siya sa kanyang mukha. hindi niya matanggap ang nangyari. Pakiramdam niya, mawawala na rin siya."Bakit ka ba umiiyak?" nakakunot ang noo ni Vinz habang nagtataka sa iniaarte niya."Paanong hindi ako malulungkot? wala na si Danica, inulila niya ang aming mga anak. Hindi pa kami kasal, biyudo na agad ako, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako umiiyak?" garaldal ang kanyang tinig na may halong inis. Parang tanga magtanong ang kanyang kaibigan."Ano bang sinasabi mo?" ikaw itong parang tanga! wala na siya dito kahapon pa, nadischarge na siya, ano ka ba?" inis na sabi ni Vinz, "kakapanood mo ng K- drama yan,
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap. Ang gaan ng kanyang ulo at ang kanyang katawan ay hindi niya maramdaman. Masyadong malala ang sakit niya, kaya halos namayat na siya sa loob lamang ng apat na araw.Anghuling tanda niya ay ang oagpapasa ng video kay Vinz, at iyonnna ang huli. Bigla siyang nilagnat kinagabihan.Dahil wala si Vinz sa Pilipinas, ang mga kaibigan niyang malapit ang kinontak niya na agad naman siyang dinaluhan,Wala na siyang matandaan sa nangyari, at nagising na lang siya sa ospital. Mahina talaga ang kanyang katawan, at pakiramdam ni Danica ay nauupos na siyang kandila.Ang araw na ito, may isang tao na humahaplos at humahalik sa kanyang noo. Kaya pinilit niyang ibukas ang kanyang mga mata.Si Jethro!Napangiti siya ng mapait.. "anong ginagawa mo dito?" humal ang kanyang pananalita. Mahina iyon pero halata ang lamig."Gising ka na.." hinaplos nito ang kanyang buhok, "kumusta ka na?""Lumayas ka!" mahina ang sabi niyang iyon, "layas...""Narito ako, para alag
Bagsak ang mukha ni Jethro, habang papasok ng kanilang bahay. Nahihiya siya.Hindi niya akalaing maiisipan ni Lovely ang ganoong kalokohan, at ang sinisi pa niya ay si Danica. Wala siyang kwentang lalaki!Mas pinaniwalaan pa niya ang ibang babae, kesa sa ina ng kanyang mga anak.Nung ayain siya ni Vinz sa restaurant, doon nito ipinapanood sa kanya, ang video na nairecord ni Danica nung nagtatalo sila ni Lovely. At ang masama pa, pati pagpapaalis niya sa babae, ay kuhang kuha sa video.Hindi niya pinaniwalaan si Danica, bagkus, ipinagtabuyan pa niya ito, napakasama niya. Nakalimutan pa niya ang kaarawan nito noong nakaraan. Wala na talaga siyang mukhang maihaharap dito.Pagpasok niya ng bahay, naroroon sina Siren ,Vohn at Ian. Masaya nilang nilalaro ang mga bata.Nagulat ang mga ito, matapos siyang makita."Sir.." bati nila, saka sabay sabay na tumayo."Kanina pa kayo?" nakangiti niyang tanong sa mga ito."Ah.. apat na araw na kaming dito umuuwi, sir.." sagot ni Siren sa kanya. Kumun
"Mo--mommy.. ya-yaya? a-ano pong ginagawa niyo dito?" ang mga mata ni Lovely ay may pagkagulat at pagkalungkot. Paano nakarating ang mommy niya dito gayong wala naman itong alam sa nangyari? Npatingin siya kay Vinz na nakasimangot sa tabi. Malamang, sinundo nito ang mommy niya."Anak.. bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na naaksidente ka? kahit ang yaya mo na kasama mo, hindi din alam. Kung hindi pa ako kinontak ni Vinz, hindi ko pa malalaman," mababakas sa tono ng kanyang ina ang lungkot. "Sana anak, nagsabi ka, para kami na ang nag alaga sayo."Mommy.. okay lang po ako.. inaalagaan ako ni.. ni Jeth," ang ngiting ipinakita ni Lovely ay isang ngiting aso, na parang na trap siya sa sarili niyang mantika, saka matalim na tiningnan si Vinz."Pero anak.. may asawa na si Jeth at mga anak. Nakakaawa naman sa pamilya niya, hindi ba? saka babae ka pa rin, dapat, kaming mga pamilya mo, ang mag aalaga sayo.." sagot ng kanyang ina, "Buti na lang, at nasabi sa amin ni Vinz ang lahat.""Oo ng