Share

2. The famous Jethro

Penulis: Middle Child
last update Terakhir Diperbarui: 2024-08-19 08:49:12

PAGDATING niya sa bahay, walang tao sa salas. Ngunit naririnig niya ang tinig ng mga naroroon sa itaas.

“Kailangang magantihan ko siya mommy!” umiiyak na sabi ni Ingrid, “ginupit niya ang maganda kong buhok!”

Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan. Nasilip niya sa masters bed room ang mga ito na parang may pinagmimitingan na hindi siya kasali.

“Sumusobra na yang anak mo, Luke!” singhal ni Rodora sa kanyang papa, “tingnan mo naman kung ano ang ginawa niya sa anak ko.”

“Baka naman inasar niyo na naman ang anak ko,” nakatayo ang kanyang ama. Mukhang walang sakit, naninigarilyo ito saka namintana, “mabait si Danica, hindi niya kayo sasaktan kung hindi kayo nauna.”

“Kasalanan pa ni Ingrid ngayon ha?” lumapit si Rodora kay Luke, “masyado ng m*****a yang anak mo!”

“Tigilan mo ako, Rodora,” asik ng kanyang papa sa kanyang madrasta. Bahagya pa siyang lumayo, upang hindi makita ng mga ito, “baka akala mo, isasakripisyo ko ang anak ko, dahil sa pagiging sugarol mo!”

“Ako lang ba? Ako lang? Eh di ba, ikaw naman ang nagsanla kay Robles ng lahat?” sagot nito, “ikaw ang pumayag na icollateral ang anak mo!”

“Oo, dahil ang sabi mo, magaling ka! Isa pa, maganda ang anak ko, at siya ang tipo ni Robles! Ikaw, kung natipuhan ba ni Robles ang isa sa mga anak mo, papayag ka?” tanong pa dito ng kanyang daddy, “agrabyado ako dito, kailangan ko pang umarte na may sakit upang pumayag ang anak ko, eh kayo? Nasa gitna na tayo ng problema, nakukuha niyo pa siyang asarin! Kung ako si Danica, kinalbo ko kayong dalawa!”

Nahintakutan ang mga ito sa binitawang salita ng kanyang ama, Hindi siguro nila inaasahang ganon ito magreresponse sa kanilang mga sumbong.

“Huwag niyong kakantiin ang anak ko, malilintikan kayo sa akin,” kita pa niya kung paano hithitin ng kanyang ama ang sigarilyong sinindihan.

“At tatakutin mo pa talaga kami, Luke? Talagang ipinapamukha mo sa amin na sampid kami dito?” inis na sabi ng kanyang madrasta sa kanyang ama, “ngayon ,ganyan mo na kami pagsalitaan ng mga anak ko? Bakit?”

“Dahil noon, akala ko, matino kayong lahat! Inubos niyo ang pera ng aming kumpanya, ngayon, may gana ka pang tanungin ako kung bakit ako nagkakaganito? Ibabayad ko sa utang ko ang aking anak, Rodora, intindi mo ba? Ang aking anak, na dapat ay pinapangalagaan ko! Natuto akong magsinungaling sa kanya dahil sa inyo!” inis na bulyaw dito ng kanyang ama. “Kung naging maganda lang sana ang mga anak mo, sana, sila na lang ang inialok mo, sa Amante na iyon!”

“Mommy..” napaiyak sina Jalen at Ingrid sa sinabi ng kanyang ama.

“Tigilan niyo na ako sa kaartehan niyo! Kapag pinakasalan na ni Danica si Amante, bibigyan ko kayo ng pera at magsilayas na kayo!” naiinis nitong sambit sa kanyang madrasta. Nanlaki ang mata ng mga babaeng nasa loob. Hindi ata mapaniwalaan ang binibitawang salita ng kanyang ama. Naaawa siya sa kanyang tatay, pero kasalanan naman nila iyon, kaya babawiin niya ang pagpayag na makasal kay Amante.

“Senyorita..” tawag sa kanya ng kanilang kasambahay. Huli na ng pigilan niya itong huwag mag ingay.

Biglang napatingin sa pinto ang lahat ng marinig ang pagsasalita ng katulong. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan saka tumakbo palabas. Binitawan niya ang mga dalang papeles. Nagkalat iyon sa sahig.

“Danica! Danica!” tawag ng kanyang ama, “bumalik ka!”

“Habulin niyo!” utos ni Rodora sa mga anak. Nagmamadaling lumabas ang mga ito. Naabutan siya ni Ingrid.

“Saan ka pupuntang babae ka?” hinila nito ang kanyang buhok, “bumalik ka!”

“Bwesit ka!” sinuntok niya ito sa mata.

“Aaaah!” sigaw nito. Napilitan si Ingrid na bitawan siya at hawakan ang nasaktang mata, “walanghiya ka!”

Nagmamadali siyang sumakay ng kotse. Pinaibis iyon sa garahe at mapilis na pinatakbo palayo ng kanilang bahay. Hilam ang mga luha dahil sa kanyang nasaksihan at narinig sa mismong bibig ng kanyang ama. Mabuti na lang at matagal na siyang naghahandang bumukod. Dumiretso siya sa kanyang nabiling bahay na malayo sa kanilang lugar.

Pinupuntahan lang niya iyon kapag nais niyang magpahinga na walang iistorbo sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya iyon nabanggit sa kanyang ama.

Abot abot ang tunog ng kanyang cellphone, hindi niya iyon pinapansin. Pinili na lang niyang patayin ang power button nito, upang matigil na ang pagtunog niyon. Pumasok siya sa loob ng kanyang bahay. Doon niya ibinuhos ang lahat ng pait at sakit na nararamdaman.

Hindi niya akalaing sa ganitong sitwasyon at pagkakataon sila maghihiwalay ng landas ng kanyang ama, na inunawa niya sa matagal na panahon.

“Papa.. bakit???” napasandal siya sa likod ng kanyang pinto, saka dahan dahang naupo. Hindi pa nauubos ang luhang kanina pa umaagos mula sa kanyang mga mata.”Mama.. Tulungan mo ako..” ang tangi na lang niyang nasambit habang patuloy ang kanyang pagtangis.

JETHRO:

“One shot of scotch please,” request niya sa bar tender. Naupo siya sa harapan noon. “Mukhang iindiyanin na naman ako ng mga kaibigan ko, nakakainis,” napailing-iling pa siya habang iginagala ang mata at umaasang nagbibiro lamang ang mga ito, na hindi sila maaari ng mga oras na iyon.

“One shot of scotch sir,” nakangiting iniabot ng bartender sa kanya ang kanyang inorder. Napatingin siya dito at ngumiti.

“Salamat,” nilagok niya iyon. mainit init ang hagod sa lalamunan ng alak. Umorder pa siya ng isa pang shot ng alak. Tumingin tingin siya, kaliwa’t kanan. Naagaw ng kanyang pansin, ang isang babae sa sulok. Nakatagilid ito, nakasuot ng blue short dress.

Pinanood niya ang ginagawa nito, maging sa pag inom, at pagtanggi sa mga lalaking lumalapit dito na nag- aayang magsayaw. May maliit itong clip sa kabilang gilid ng ulo. Ang buhok ay hanggang leeg lang. At lalo pa niyang nabisto ang mukha nito, ng lumingon ito sa gawi niya. Matalas ang mata nitong tumingin sa kanya.

“Mukhang hindi magiging bored itong gabi ko, dito ko malalaman kung gaano kalakas ang aking sex appeal!” napangiti siya, pagkalagok ng kanyang huling alak, tumayo na siya upang lapitan ang babae. Naaamoy niya ang pabango nito na mild lang ang amoy. Ang hugis puso nitong pendant na nakalaylay sa leeg nito at bagay na bagay sa kulay ng damit nito.

“Miss—” bati niya dito, ngunit hindi niya inaasahan ang isinagot nito sa kanya.

“Mister, kung yayayain mo rin akong sumayaw, humanap ka na lang ng iba, ayoko nga eh, hindi ba? Napansin na kita diyan kanina, at kita mo naman kung paano ko tinanggihan yung mga nauna sayo!” mataray na sagot nito sa kanya.

Napatawa naman siya dito. Ang mga babae talaga sa bar, mga pa hard to get, kahit willing magbaba ng panty, para sa pera.

“Magkano ka ba?” tanong niya dito, “name your price!”

“What?” nangunot ang noo nito at naningkit ang matan pagtingin sa kanya.

“Mukha kasing nagpapataas ka lang ng presyo, but you caught my attention,” ngumisi siya dito. “Name your price!”

Hindi niya inaasahan ang pagdapo ng palad nito sa kanyang pisngi. Nabiling ang kanyang mukha pakanan. Dahan dahan niya itong nilingon. Namumula ang mata nito sa galit.

“Kung sanay kang magbayad ng babae, pwes, humanap ka ng mga kasing kati mo!” asik nito sa kanya. Hindi siya makapaniwalang may isang babaeng magtatangkang tumanggi sa kanya, at nagpadapo ng palad sa kanyang pisngi.

“Masyado ka bang mahal? nagpapakipot ka pa, ano ka? Gold? magpasalamat ka na lang at nilaanan kita ng oras ko, kahit maraming may gusto na sila ang mapansin ko!” inis niyang sabi dito, “mas maganda pa sila kesa sayo!”

“Oh? ano ngayon? eh di doon ka sa mga sinasabi mo! ano namang feeling mo? kagwapuhan ka para panghinayangan ko? hindi ka rin gold! Saka lumayo ka nga sakin! kuhang kuha mo ang inis ko,” pagtataboy nito sa kanya.

Napatiim bagang siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing may babaeng tatanggi sa kanya. Hindi pa ito magpasalamat na nag alok siya ng bayad, samantalang iyong iba, nagkakandarapa, maikama lang niya.

Tinalikuran niya ito at bumalik sa dating pwesto sa bar. Agad siyang nilapitan ng bar tender saka tatawa tawang napailing.

“Ang suplada talaga niyan sir, pang ilan na rin kayong tinanggihan niyan,” pagbabalita nito sa kanya.

“Oh? ilan naman kaming nasampal?” napangiti pa siya, naisip niyang hindi pala siya nag- iisa.

“Kayo lang sir,” sagot nito habang pinupunasan ang lamesa.

Muli niyang nilingon ang babaeng iyon. May bote na ito ng alak sa harapan. Panay ang lagok nito, na parang nagmamadaling maubos ang laman ng isang bote.

Nakipagsayaw na lang siya sa ibang babae. Marami din naman ang bumati sa kanya sa dance floor, dahil tambayan nila iyon ng kanyang mga kaibigan.

“Hi pogi,” nilapitan siya ng isang grupo ng mga babae.

“Hi, beauties,” kanina, iniisip niyang masizero siya ngayong gabi, subalit hindi naman pala, manok na ang nalapit sa palay.

“I just saw you earlier, ang swerte naman ng babaeng iyon at napansin mo siya, by the way, my name is Marga, and you are?” halos idikit nito ang dibdib sa kanya.

“Call me Jet,” umiindak indak niyang sagot.

“Oooh.. the famous Jet..” nagkatawanan pa ang mga babaeng nakapaligid sa kanya

Masaya silang nagsasayawan ng mga babaeng pumaligid na sa kanya. Magaganda ang tugtugan ng gabing iyon. Ngunit natigil sila ng may kumosyong maganap malapit sa bar counter.

“Ayoko nga!” malakas ang tinig ng babaeng halos kaladkarin na ng isang lalaki.

“Sumama ka na sakin, kaya kitang paligayahin,’ inilabas labas pa nito ang dila.

“Naku, si boy manyak na naman, nagkikita na naman ng bibiktimahin yan,” sabi ni Marga.

“Sinong boy manyak?” nangunot ang kanyang noo.

“Si Delgado. Yung anak ni Governor. Naku, kapag may natitipuhan yan, basta na lang kinakaladkad,” napapailing na sagot ni Marga sa kanya.

“Ayoko nga!” sinampal ito ng babaeng nanampal din sa kanya kanina.

“Aba’t! hayup kang babae ka!” itinaas nito ang kamay, akmang sasampalin ang nanampal na babae, subalit maagap niya iyong napigilan.

“Babae yan brad.. gagantihan mo?” tanong niya dito. Agad hinila ni Delgado ang braso mula sa kanya.

“Ano bang pakialam mo? girlfriend ko yan,” asik nito sa kanya, “babe, halika na, lasing ka na,” hinawakan nitong muli ang babae.

“Bitiwan mo siya! Wala siyang kasama kanina, isa pa, anong pangalan niya kung girlfriend mo siya?” tanong niya dito.

“Huh? bakit? type mo rin ba ang p****k na yan? eh di sayo na!” isinalya pa nito sa kanya ang babaeng lasing na lasing na. Saka sila tinalikuran nito.

“Okay ka lang ba?” tanong niya sa babaeng halos hindi na makatayo ng tuwid.Hawak niya ito sa magkabilang braso, habang nakatalikod sa kanya. “Ihahatid na kita.. saan ka ba umuuwi?” kahit naiinis siya dito dahil sa pagkakasampal nito sa kanya, hindi naman maaatim ng kanyang konsensiya na pabayaan itong mabitbit ng kung sinong manyakis sa lugar na iyon.

Subalit tuluyan na iyong nawalan ng malay…

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Unexpected Wife of a Billionaire   3 SPG Unang maranasan ni Danica

    DAHAN -dahan niyang inilapag sa kama ang walang malay na babae. Wala itong ginawa kundi ang umungol. “Ang init! ang init!” paulit ulit nitong sabi. Nilakasan niya ang buga ng aircon, ngunit nananatili pa rin itong pagulong gulong sa kama at patuloy pa rin ang pagsasabi na naiinitan ito. Hinubad niya ang suot nitong heels. Napansin niya ang pagpapawis ng katawan nito. Napailing na lang siya ng marahas. “Mga bwesit! nakainom ito ng libido pill!” inis niyang sambit, “mga wala talagang magawa sa buhay!” Kailangan niya itong ibabad sa bath tub upang maibsan ang init na nararamdaman nito. Kinarga niya ang babae sa banyo. Inilapag niya iyon sa bath tub at binuksan ang faucet. Iniwan niya ito saglit para makapaghubad siya ng suot niyang suit. Inihanger niya ang hinubad, saka binalikan ang babae. Nakalubog na ang buong katawan nito sa tubig. “Damn!” nagmamadali niyang pinatay ang tubig saka inahon ang babae. Agad niya itong inilapag sa carpet at pinakinggan ang hinga nito. Mahina iyon.

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   4. Pagtakas sa kanyang madrasta

    Danica ILANG bloke pa lang ang layo niya sa kanyang bahay, ay napansin niya ang mga sasakyang nakaparada sa harapan niyon. Nagtataka siya kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong araw, samantalang wala namang ibang nakakaalam kung nasaan siya. Bumaba siya ng kotse, at nagtago sa likod ng isang sasakyan. Baka natunton siya ng kanyang papa. Doon niya lang naalala ang kanyang cellphone, maaaring nalocate iyon gamit ang GPS! Pinanood niya ang mga taong pumasok sa kanyang bahay. Mabuti na lang at ang mga importante niyang gamit ay nasa kanya pa ring sasakyan. Narinig pa niya ang usapan ng naroroon. “Babalik dito yun, baka namasyal lang. Dapat may maiwan dito,” boses iyon ni Rodora, “malalagot tayo kay Amante kapag hindi natin naiharap sa kanya si Danica sa loob ng anim na buwan!” “Gaga din, mukhang nagpapahabol lang. Nakaopen ang GPS ,bakit hindi natin alam na may bahay siyang sarili?” si Jalen naman iyon, na kita niya sa kamay nito ang kanyang cellphone. “Dapat, makaganti ako sa ka

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   5. Positive..

    Two months later.. UMIIKOT ang kanyang paningin ng umagang iyon. Masakit na masakit ang kanyang ulo. Ilang araw na niyang nararamdaman ang kakatwang pakiramdam. Madalas na rin siyang nagsusuka, na kahit wala ng ilalabas, todo duwal pa rin siya. Kumabog ang kanyang dibdib. Mabilis iyon, biglaan lang siyang kinabahan. Napatingin siya sa kanyang mga napkin sa may vanity mirror. Sa pagiging abala niya, hindi na niya napagtuunan ang maliit na detalyeng iyon ng kanyang buhay. Bumalikwas siya ng bangon kahit masama ang kanyang pakiramdam. Walang kabawas bawas ang lagayang iyon. Sumigid ang kirot ng kanyang ulo.. “No!! No! This can’t be!” napapaluha niyang sabi sa sarili. Bawal sa kanilang opisina ang mabuntis ng walang asawa dahil iniingatan nila ang image ng kumpanya. Kahit ang pakikipagrelasyon sa may mga asawa na, ay sinasaklawan doon. Ayaw nila ng imoralidad. Kapag may asawa na, sila lang ang maaaring mabuntis under their company. Mahigpit sila pagdating sa core values. Sa loob ng d

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-19
  • Unexpected Wife of a Billionaire   6. Meeting my baby's dad

    “Bakit ka ipinatawag ni sir?” Tanong ni Siren, “hindi ka nun basta ipapatawag kung hindi importante ang sasabihin niya sayo,” inuusisa siyang maigi ng kanyang kaibigan. Hindi niya alam, kung paano sasabihin dito ang kanyang kalagayan. Ayaw niyang mahusgahan, dahil iyon ang unang ikinababahala niya. Nag isip na lang siya ng maaaring idahilan sa kaibigan. “May ipinapa confirm lang siya friend, kung– kung account ko daw ang nakapag close deal sa mga Chavez..” pagsisinungaling niya. Hindi niya iyon matingnan sa mata. Natatakot siyang mabuko nito ang kanyang pagsisinungaling. “Huh? Wala pa ba silang tiwala sayo? Ang galing mo kaya!” lumapit na si Ian sa kanila, “kahit nag uumpisa ka pa lang, marami ka ng napatunayan, sanay ka sa takbo ng businesses ah. Baka naman, anak mayaman ka talaga?” Walang nakakaalam sa mga ito, ng totoong pagkatao niya. Ang mga nakakaclse deal din niya, ay mga kakilala na niya ang iba, kaya madali ang mga itong nagtitiwala sa kanya. Tapos, pagbibintangan lang siy

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-23
  • Unexpected Wife of a Billionaire   7. Pag amin niya sa kaibigan

    “You mean– bago ka pa lang magtungo dito, ay talagang may nakatabi ka ng ibang lalaki sa kama?” hindi makapaniwala si Ian sa ipinagtapat ni Danica, “bakit mo naman iyon ginawa?” “Hi-hindi ko rin alam. Lasing kasi ako nun, tapos nagising ako.. Nagising ako, may katabi na akong lalaki sa kama na hindi ko kilala..” napayuko ito habang tinitingnan niya. Nakaramdam siya ng habag sa kaibigan. Hindi niya akalaing pagdadaanan nito ang ganoong klase ng delubyo sa buhay. Ngayon, lalo lamang kakalat sa kanilang opisina, na siya ay nakikipagtrade ng aliw sa mga client kapalit ng project. Umiiyak na si Danica habang nakayuko. Panay ang punas nito ng kanyang luha. Inabutan niya ng panyo ang kanyang kaibigan. “Anong plano mo ngayon?” titig na titig siya dito. “Magreresign na lang ako. Ayoko din naman na maissue ako dito. Siguro, tatanggapin ko na lang na walang pang matagalang trabaho. Isa pa, baka naman may tatanggap na ibang kumpanya sa akin sa kabila ng aking kalagayan,” sisinghot singho

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-23
  • Unexpected Wife of a Billionaire   8. Mga inggitera!

    Nagtataka siya kung bakit ilang araw na Ang lumipas ay hindi pa rin siya ipinapatawag ng kanilang boss. Dapat, nagbaba na ito ng memo. Kahit si Mr. Morales ay walang maisagot sa kanya. Nahihiya naman siyang magtanong sa kanyang boss kung ano ang hatol sa kanya. “Bakit ka nakanganga diyan?” Tanong sa kanya ni Siren, “wag mong sabihing pinagpapantasyahan mo si Vohn?” “Hindi ni,” naupo siya ng maayos, ngunit sadyang malakas ang pandinig ng lalaking iyon. “Sorry, Danica, maganda ka, pero hindi Ikaw Ang type ko,” malungkot ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “Ah, ganun ba?” Sinakyan na lang niya ang kalokohan nito, “sana man lang nagpreno ka ng konti upang hindi namanako masyadong nasaktan sa iyong sinasabi.” “Ayokong lokohin ang pinakamamahal ko..” tumingin pa ito kay Siren, “mahal na mahal ko siya..” “Kung si Siren ang talagang nagpapatibok ng puso mo, tatanggapin ko na lang,” pigil ang kanyang pagtawa. Namumula na ang kanyang pisngi sa labis na pagtitimpi. “Vohn,”

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-24
  • Unexpected Wife of a Billionaire   9. Stranded sa elevator

    “Ehem..” tikhim ni Ronnel, sa babaeng nasa harapan ng pinto ng elevator upang makuha ang atensiyon nito. Agad namang nag angat ng paningin ang babae, at gulat na gulat ng makita sila. Hindi ito makakilos mula sa kinatatayuan nito. “Ano? sasabay ka ba? o tititigan mo lang kami?” tanong niya dito, sabay tingin sa kanyang relo. “Sorry po sir, pasensiya na po,” nagmamadali itong pumasok sa loob, at nakayukong tumayo sa bandang gilid niya. Subalit bigla itong na-out of balance ng bumulusok ang elevator pababa. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. “Mukhang nagka malfunction ang elevator sir,” sabi ni Ronnel sa kanya. Nagpatay sindi ang ilaw nito, saka nag stock sila sa floor na iyon. Sinubukang buksan ni Ronnel ang pinto, nasa half sla ng isang floor. “Anong floor ito?” wala man lang kahit anong pag aalala sa tinig ni Jethro. Samantalang si Danica, ay nakayakap pa rin dito. Bigla ang naging paglayo niya dito, at bahagya niya pa itong naitulak, “so-sorry sir..” “Nasa 7th floor at

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-25
  • Unexpected Wife of a Billionaire   10. Unang mapikon, talo!

    Nangunot ang noo ni Jethro sa isinagot sa kanya ni Danica. Nakatitig siya dito ng bigla itong tumayo. “Bakit?” Pabalik niyang tanong sa babae, saka tumayo, “anong bakit?” “Bakit kayo malapit sakin? Bakit hindi ko man lang namalayan na nandiyan kayo?” Inaayos ni Danica ang kanyang sarili. Bigla siyang natawa sa reaksiyon nito, “umuungol ka, kaya kita nilapitan. Hindi mo ba alam na nakatulog ka? Look,” itinuro niya dito ang basang sahig, “laway mo yan, kung hindi mo alam.” “Na-makatulog ako?” Parang hindi makapaniwala si Danica na nakatulog siya, “paano mangyayari iyon eh parang kakaupo ko pa lang?” “Halos 30 minutes ka ng nakaupo diyan. Ano bang nangyayari sayo?” Magkasalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin dito, “kaya mong matulog ng nakaupo? Huh, very talented!” Namula ang pisngi nito. Hindi makahagilap ng maisasagot sa kanya. Marahil, hindi nito akalaing makakatulog ito sa ganoong posisyon. Pinunasan pa ni Danica ang kanyang labi. “Ang tagal naman magawa ng el

    Terakhir Diperbarui : 2024-08-26

Bab terbaru

  • Unexpected Wife of a Billionaire   129.

    Hindi siya makapaniwala, saka siya bumaba..Nanginginig ang kanyang laman, habang binabaybay ang patungo sa likod ng sasakyan..Doon.. may umaagos na mapulang likido.. subalit mukhang hindi naman iyon dugo.."A--ano yan?" tanong niya sa mga pulis."Ma'am, mabuti pang buksan niyo yan, para makita niyo kung ano ang nasa loob.." sagot ng isang pulis.Nanginginig ang kanyang mga daliri.. saka itinaas ang likod na bahagi ng sasakyan.Unti unti, tumambad sa kanya, ang bahaging iyon ng sasakyan..May mga larawan nila doon nina Jethro at ng mga anak nila.Nakaayos ang bulaklak doon, at parang ibinuhos ang wine sa parteng iyon upang umagos.Natutop niya ang kanyang bibig at hindi makapaniwala sa sorpresang nakita. Ngunit.. nasaan na ang lalaki? Bakit gamit lang iyon? totoo bang mag aabroad na si Jethro?Dumaan ang isang van, at saglit na tumigil. Pag alis muli ng van, naroon si Jethro sa kabilang kalsada. Nakangiti, habang may dalang bulaklak.Nakasuot ito ng isang suit, na bagay na bagay sa

  • Unexpected Wife of a Billionaire   128.

    Nanatili siyang nakatayo sa harap nina Siren, Ian, at Vohn, habang ang kanyang puso ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Umalis na si Jethro? Papunta na ito sa Amerika?Bakit hindi niya alam?Hindi man lang nito nais na magpaalam sa kanya? Tuluyan na lang itong aalis?Paano ang kanilang mga anak?Nakita niya ang saglit na palitan ng tingin ng tatlo, tila nag-aalangan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang usapan. Pero si Vohn, na palaging prangka, ang hindi nakatiis."Danica, matagal na niyang plano iyon. Matapos ang lahat ng nangyari, siguro naisip niyang mas mabuting lumayo na lang muna. Hindi ka na rin naman niya makausap nang maayos, di ba? Ayaw mo rin naman ata siyang makita, kaya nakapagdisisyon siya ng ganoon."Gusto niyang magprotesta, gusto niyang sabihin na hindi totoo, pero paano? Hindi niya rin naman tinangka ang makipag-usap kay Jethro nitong mga nakaraang buwan. Sa tuwing susubukan niyang isipin ang gagawin, lagi na lang siyang nauunahan ng sama ng loob, hiya, o kaya nama'

  • Unexpected Wife of a Billionaire   127.

    Eksaktong anim na buwan, simula nong mawala si Vinz, unti unti na si Danica na nakakabangon.Ang kanyang katawan ay nakakabawi na, at maganda na ang takbo ng kanyang negosyo.Ang pagiexport ng mga damit ang kanyang ginawang negosyo. Hindi siya umasa sa mga pamana nina Vinz at Lovely, bagkus, kumilos siya para sa kanila.Walang bakas ni Jethro sa kanyang bahay, ngunit nalalaman niya sa kanilang mga anak at sa yaya, na pumupunta ang lalaki doon, kapag wala siya.Minsan, nalulungkot siya, dahil naiisip niyang tama si Vinz.. kailangang buuin nila ang kanilang pamilya ni Jethro, ngunit siya naman ay inaatake ng hiya.Hindi na kailanman kumontak sa kanya si Jethro..Mukhang sumuko na ang lalaki, panunuyo at pakikipag usap sa isang gaya niyang kasing lamig ng yelo makitungo.Mahalaga naman sa lalaki ang kanyang mga anak, subalit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Ano ang hungkag na damdamin na pilit lumalabas sa kanyang damdamin? bakit tila ba, ang alaala ng lalaki ay palaging nasa

  • Unexpected Wife of a Billionaire   126.

    May isang susi sa bag ni Vinz, para sa closet nito sa kanilang bahay.Kinuha niya iyon. At binasa ang isa, na naka date, noong panahong nakita niya ito sa isang bar...Mahal kong Danica..Ang una kong pagkakita sa iyo, marahil ay hindi sinasadya, kundi isang tadhana.. Ang puso ko ay tumibok ng mabilis, na parang isang barena.Wala akong ibang tinitigan ngayong gabi, kundi ikaw lamang. Sayang, at may nauna na pala sa akin.Kung nauna lang sana ako, ng kahit ilang buwan na makalapit saiyo, ginawa ko na..Nagkakilala na tayo, sa Manila. At dahil sa ganda mo, at pinalibutan ka ng mga tao, hindi ko na nakuhang lumapit. Nginitian mo ako, ng minsang magtama ang ating mga mata.. subalit mukhang hindi mo ako natandaan..Naalala ni Danica ang lalaking iyon, na nakatitig sa kanya buong gabi, at binigyan niya ng isang ngiti. Ngunit dahil hindi siya interesado dito, hindi na niya natandaan ang mukhang iyon. Bumuntunghininga siya, saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng liham ni Vinz..Hindi na kita ma

  • Unexpected Wife of a Billionaire   125.

    "IWANAN mo na ko, Jethro.." sabi ni Danica sa lalaki, "hayaan mo muna akong mag isa.."Umalis ito, kasama ang mga bata. Halos dalawang linggo itong nananatili sa kanilang tahanan. Hindi ito umaalis at inaasikaso ang mga bata.Nakita niya, na gustong gusto ito nina Juls at Julia. Kaya hinayaan na lang niya ito.Lumalapit lang ito sa kanya kapag aayain siyang kumain, o kukumustahin. Kapag hindi siya nagsalita, umaalis na ito.Si Jethro din ang kumuha ng vault sa bahay ni Lovely, pati ang bag sa bahay ni Vinz.Nasa harapan niya ngayon, ang mga bagay na sinasabi ng mga ito sa kanyang panaginip, at ayun din sa naiwang will ng dalawa, kailangang ibigay sa kanya ang mga gamit na iyon.Una niyang kinuha ang susi ng vault ni Lovely. Customize iyon. Kaya ang btanging susi para mabuksan ito ay nag iisa lang.Tumambad sa kanyang mga mata, ang punong pera na nasa vault ay may nakasulat na Juls at Julia, sa bandang secret case naman, may isang telepono, saka isang sulat.Una niyang binuksan ang so

  • Unexpected Wife of a Billionaire   124.

    "DANICA...." hinawakan ni Jethro ang kanyang balikat, "halika na, naghihintay na ang mga bata.."Hindi niya alam, kung paano mabubuhay ngayon. Si Vinz ang nagsilbing best friend niya, sa mga panahong down na down siya.Hindi ito nag take advantage sa kanya kahit minsan.Isang beses lang siya nahalikan nito, at sa noo pa iyon.Ang pagsasakripisyo nito sa kanilang mag iina, ay walang katumbas. Kaya hindi niya alam kung paano magsisimula muli, ng wala ito sa paligid.Sa loob ng isang linggo na pagdadalamhati, wala siyang ginawa, kundi umiyak. Mag dalamhati. Magmukmok.Ni hindi na niya alam ang nangyayari sa kanyang mga anak, na lumalapit sa kanya para i-comfort siya.Nakikita niya ang mga itong kumakain. Bagong ligo, bagong bihis.May mga yaya naman ang mga bata, kaya tiwala siya sa mga iyon.Sa harap ng puntod ni Vinz, tila bumabalik ang lahat ng alaala nilang magkakasama.Walang dull moment kapag kasama niya ito. Laging nagpapatawa, laging may sense kausap. Hindi nauuubusan ng jokes.M

  • Unexpected Wife of a Billionaire   123.

    Ang damdaming iyon na pilit niyang kinakalimutan, ay muling nabuhay.'Bakit? bakit akala ko ay wala na? bakit akala ko ay tapos na?'Ang mga katanungan ni Danica ay kusang lumabas at pilit na kumakawala sa kanyang isipan.Hindi pala nawala ang pagmamahal niya kay Jethro, ito ay natakpan lamang ng poot, at sakit.Mas nanaig sa kanya ang matinding galit na dulot ng nakaraan. At ngayon, ng aminin na ni Lovely ang lahat ,parang mas gumaan na ang pagdadala niya ng kasalanan ni Jethro.Ang kanyang pagmumuni muni, ay nagbalik ng kanyang mga lumang alaala na tila ba kumakatok sa kanyang puso. Yung panahong sila ay masaya pa, at panahong wala pa silang pinag aawayan.Ang buhay nila noon ay talagang matatawag na ideal, lalo na, ng iopen ng lalaki sa kanya ang tungkol sa kasal.Isa iyon sa pinakamagandang bahagi ng kanyang buhay. Lahat naman ng babae ay nangangarap na maikasal. Nais niyang bumuo sana ng pamilyang mapayapa at masaya, na ipinagkait noon sa kanya.Subalit bakit ba napakadamot ng ta

  • Unexpected Wife of a Billionaire   122.

    Subalit ang kaligayahang iyon, ay hindi nagtagal.Hindi dumating ang puso sa tamang panahon.At hindi na iyon makukuha kailan man.Bumagsak ang helicopter na pinagkargahan nito, at nasunog iyon na parang barbecue.Nang malaman nina Danica ang nangyari, nagpanic sila, lalo na ang mga doctor.Mahinang mahina na si Vinz. Mukhang hindi na nito kayang magsurvive sa loob ng 24 oras."Anong gagawin natin," lumuluhang sabi ni Danica kay Lovely.."Maghahanap ako ng paraan, maghintay ka dito!" paalam nito sa kanya.Lutang na lutang ang pakiramdam ni Danica.Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa paligid.Biglang may tumawag sa kanyang pangalan. Ang tinig na iyon!"Jethro?" bulong niya."Okay lang ba si Vinz?" agad hinawakan ni Jethro ang wala sa sariling si Danica, "magsalita ka..""Jethro.." hilam ng luha ang mga mata ng babae, habang nakatingin sa kanya.Hindi ito makapagsalita ng maayos ,na parang takut na takot.Agad niyang niyakap ito at pinakalma. Si Santi naman ay nagpaalam sa kan

  • Unexpected Wife of a Billionaire   121.

    Danica, na nakikipaglaro pa sa mga bata sa labas, ay napalingon nang marinig ang hysterical na sigaw ni Lovely. Agad niyang binitiwan ang mga laruan at mabilis na tumakbo papasok sa bahay. Pagkarating niya sa loob, bumungad sa kanya ang walang malay na si Vinz, nakasandal sa sofa habang nanginginig ang mga kamay ni Lovely sa paghawak sa kanya."D-Danica! Tumawag ka ng ambulansya! Bilis!" nanginginig na utos ni Lovely, habang pinipilit niyang alalayan si Vinz.Hindi na nag-aksaya ng oras si Danica. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumawag sa emergency hotline. Nanginginig ang boses niya habang ibinibigay ang address nila at sinasabing may emergency—may taong nangangailangan ng agarang atensyong medikal."Vinz! Vinz! Kaya mo 'to!" halos maiyak si Danica habang hinahaplos ang mukha ng lalaking mahal niya. "Huwag kang bibitiw, ha? Please, andito ako..."Mahina na ang paghinga ni Vinz, at kitang-kita ang panghihina sa kanyang katawan. Walang malay ngunit may bahagyang paggalaw sa k

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status