Kinabukasan... Habang nasa opisina si Dwight at nagbabasa ng papeles ay may tumawag sa kanyang telepono. Sinagot niya iyon habang ang mga mata niya ay nakatuon pa rin sa mga papeles na binabasa niya. "Hello." "Kumusta na, Dwight." Agad na napakunot ang noo ni Dwight sa boses ng babae sa kabilang linya. "Mitch?" "Akala ko makakalimutan mo na ako dahil ang tagal kong nawala sa Pilipinas, pero narito na ako at gusto kitang makita. Kumusta ang buhay, are you okay na ba?" Maliit na napangiti si Dwight. "Ganon pa rin." "Gusto mo bang i-check ko ang kalagayan mo ngayon? Mas malalim na ang kaalaman ko sa pagiging doctor dahil sa pag-aaral ko sa US. Baka ako na ang makahanap ng solusyon diyan sa mga paa mo." "Thank you, pero meron na akong doctor ngayon." "Huh, sino?" "Si Sandy Rivera, my fiance." Tila nawala sa kabilang linya si Mitch dahil naging tahimik at hindi agad nagsalita sa kabilang linya. "Hello. Nandiyan ka pa ba, Mitch?" "H-Hindi ko alam na meron ka palang naging nobya
"Bigyan mo ko ako ng pangalan at baka maalala ko siya. Kung makapag-akusa ka parang alam mo ang lahat sa akin." "Bakit hindi ba? Akala ko ba alam mo ang lahat dahil nag-aral ka sa Manila? May ganong gawain ang ibang babae kaya isa ka rin sa kanila!" Umupo si Sandy at tumignin kay Amara. "Kahit wala akong makain hindi ko gagawin ang binibintang mo sa akin. At isa pa, huwag kang masyadong mataas para sa mga taong kagaya ng sinasabi mo, suwerte ka pa nga dahil may pera ang magulang mo, sila kumakapit sa patalim kahit maging iba ang tingin kanila ng tao. Hindi ko rin sasabihin kung bakit ako umalis ng gabi na 'yon, para malagutan ka ng ugat kakaisip o 'di kaya tanong mo sa ating ina dahil alam niya kung saan ako nagpunta." Nagulat si Amara sa sinabi ni Sandy. "Alam ng mommy kung saan ka nagpunta?" "Kakasabi ko lang. Hindi ka naman siguro bingi." "Panalo ka ngayon, pero gaganti ako sayo!" Dinig na dinig ang tunog ng bawat pagtkapk ng tsinelas na pambahay ni Amara habang paalis ito n
Habang nagpapahinga si Sandy sa sala ay may biglang natanggap siya na mensahe sa kanyang telepono. Galing iyon sa kasamahan niya sa trabaho. "Sandy, tumawag na naman sa akin yung tao na gustong ikaw ang maging doctor. Puwede mo naman sigurong kausapin, at sabihin kung gusto mo ang offer sayo. Nakaka-awa na rin kasi dahil ikaw ang gustong-gusto." Napabuntong-hininga si Sandy at nagdesisyon na patayin na lang ang kanyang telepono para hindi na rin ito tumawag pa para kulitin siya sa sinasabi nitong pasyente. Sumandal siya sa upuan habang malungkot na nakatingin sa kawalan. Naalala niya ang kanyang lola na hindi niya naligtas dahil huli na. Pagbukas pa lang niya ng operating room bigla na lang tumunog ang makina na hudyat na tumigil na ang pagtibok ng puso nito, kaya ano pa ang saysay na maging magaling na doctor kung ang sarili niyang lola ay hindi niya nasagip agad. Biglang nagsalubong ang kilay ni Sandy sa boses na naririnig niya 'di kalayuan sa sala. Ang mga boses ng magulang niy
Sa tono ng boses ni Dolores ay hindi mapagkakaila na sobra-sobra ang pagmamayabang nito sa narating ni Amara. Tumingin muli si Sandy sa kanyang kapatid. Mula ulo hanggang paa, halatang hindi napabayaan, hindi katulad niya na simple lang ang pananamit at ang kutis ng balat ay hindi naman gaanong kaputian. Ngayon alam na niya kung bakit mas gusto ng kanyang ina na makilala siya na nagtapos sa paaralan na iyon, dahil kay Amara. Lumapit na sa si Amara sa kinatatayuan ni Dolores at Sandy. Huminto ito sa tapat nila. "Mommy! Mabuti at umuwi na kayo ni Daddy." Ngumiti naman si Dolores at hinawakan ang mukha ni Amara ng may pag-iingat. "Sabi ko naman sayo na hindi kami magtatagal doon. Halika na sa loob." Lumakad ang mga ito at naiwan si Sandy sa tabi ng kotse. Nanatili siyang nakatitig sa mga ito habang palayo at papasok sa malaking bahay. Malungkot siyang napangiti. Hindi ata naalala ng kanyang ina na meron siyang isa lang anak na dinala rito para ipakilala sa paborito nitong anak."Sand
Habang naglalakad si Celeste ay nakatanggap ito ng isang mensahe. Matagal niyang pinakatitigan ang telepono bago iyon binaba at muling lumakad. Huminto siya sa isang kwarto at binuksan iyon. May kadiliman ang kwarto pero kitang-kita niya ang kanyang anak na si Dwight na nakahiga ng diretso sa kama. Nakapikit ang mga mata nito, pero nang naramdaman sigurong may pumasok ay biglang dumilat. Maganda ang mga mata ni Dwight, ngunit hindi naman makikitaan ng liwanag ang mga mata nito, tila laging walang buhay at puno ng lungkot. Umupo si Celeste sa higaan, sa tabi ni Dwight. Hinimas niya ng dahan-dahan ang kaliwang pisngi ng kanyang anak. "Kailangan mong maghanda, anak. May kailangan tayong harapin na mga tao sa isang pribadong restaurant." "Ang babaeng sinasabi mong kailangan kong pakasalan," walang buhay na sagot ni Dwight. Natigilan man sa sinabi ng anak ay nagsalita muli si Celeste, "Batid mo na gusto ko lang na may mag-aalaga sayo anak. Hindi paurong ang edad ko. Makakabuti ito pa
Aalis na sana si Dolores nang magsalita si Sandy, "Hindi na ako magpapalit ng damit." Mabilis na lumingon si Dolores na may nanlalaking mata. "Anong sabi mo?" "Hindi na ako magpapalit ng damit. Kung ano ang suot ko ngayon, ito na 'yon." Naisip ni Sandy na bakit kailangang magbihis pa ng maganda. Makikipagkita lang naman sila sa pamilya ni Dwight. Walang nagawa si Dolores dahil hindi naman niya mapapasunod ang anak. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay mapaghandaan ang kasal ni Sandy at Dwight, kaya sila tutungo sa pribadong restaurant. Pagkatapos ng sagutan ni Dolores at Sandy ay tumulak na ang mga ito paalis. Samantala, si Amara ay hinawi ang kurtina at sumilip sa ibaba. Sinundan niya ng tanaw ang paalis na sasakyan. Bago pa man ang pagpunta ni Amara sa kwarto ni Sandy ay tumawag ang kapatid ni Dwight sa kanya upang magtanong ng mga personal na impormasyon tungkol kay Sandy. Sa kabilang banda habang nasa isang pribadong kwarto na sila Dwight na kung saan magkikita-kita ang pamilya
"Walang magsasabi na normal ang pagsasama kung ang asawa ay may kapansanan, Sandy. Lahat ay magiging kumplekado." Hindi sumagot si Sandy. Tumayo ito at dahan-dahan na pumunta sa kabila kung nasaan si Dwight. Paghinto ni Sandy sa tabi ni Dwight ay inikot niya ang wheelchair nito para makaharap niya ang katawan ni Dwight. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Dwight kay Sandy. "Kung bibigyan mo ako ng pahintulot. Maaari ko bang hawakan ang mga binti mo?" Bahagyang nagulat si Dwight sa paghingi nito ng pahintulot, pero hindi naman nagtagal ay sumang-ayon siya. Umupo si Sandy sa tabi niya at unti-unting hinawakan ang paa niya hanggang sa maalis iyon sa pagkakatapak sa paanan ng wheelchair. Inalis nito ang tela at tinabi sa gilid. Pinakatitigan ni Dwight ang ginagawa ni Sandy ngayon, dahil unti-unti nitong pinipisil ang hita niya pataas. "Wala kang nararamdaman?" Umiling so Dwight, kaya nagpatuloy si Sandy hanggang sa hita nito, pero napahawak na si Dwight sa kamay ni Sandy dah
Tahimik na pinaandar ni Amando ang sasakyan habang nagngingitngit na sa galit si Dolores. Si Sandy naman ay sa bintana lang nakatingin habang bumibiyahe na sila pauwi. Paghinto pa lang ng kotse sa tapat ng bahay nila Sandy ay agad siyang lumabas at lumakad ng walang tigil hanggang sa makapasok siya sa loob, pero may mga kamay na humablot sa braso niya at pilit siyang pinahaharap nito. "Talagang pinanindigan mo ang kabastusan mo, Sandy! Ngayon tayo mag-uusap tungkol sa sinabi mong kasinungalingan kay Celeste!" Matapang na tinitigan ni Sandy ang kanyang ina na puno ng galit ang makikita sa mukha. Ang mata ni Dolores na namumula na rin sa galit na pilit nitong huwag sumabog ng sobra. "Ano bang gusto mong marinig? Nagsabi ako ng totoo sa pamilyang Montemayor. May problema ba 'don?" "Hindi 'yon ang problema rito! Nahihibang ka na ba para sabihin sa pamilya ni Dwight na sa UPCM ka nagtapos ng pag-aaral. Sa Ateneo nga mahirap ng makapasok at makapagtapos doon, tapos ikaw ay may lakas n