In-off ni Sandy ang telepono niya para hindi na ito muling makatawag. Sigurado siyang may susunod pa iyon, baka modus at bigla na lang manakot. Mahirap na at baka maniwala siya sa sasabihin nito. Magaling pa naman ang mga taong nanlalamang ng kapwa kaya maraming nauuto. Pumasok na lang muli si Sandy sa kanilang bahay at diretso sa kanyang kwarto. Magulo ang table niya maging ang kama dahil nagkalat ang mga papel na nabasa na niya. Umupo siy at kinuha ang isang papel na nakapatong sa mga papel na naka-ayos. Kahit anong basa niya sa medical records na nandoon at gustong-gusto niyang ang gawin ay medication hindi talaga puwede. Wala ng saysay na uminom ng gamot kung pang-opera na ang solusyon. Hindi nga pala natanong ni Sandy kung may iniinom pa bang gamot si Dwight. Nagsalubong ang kilay niya at tumingin-tingin sa paligid. Naalala niya yung calling card na binigay ni Dwight, ang kaso hindi niya alam kung saan niya nilagay. Tumayo siya at tiningnan ang bawat sulok ng kama, cabinet, at
"Kaya ako napatawag para sana ipatingin siya sayo. Nanghina kasi ang buong katawan niya at hindi na bumabangon. Magpapagamot lamang siya kung ikaw daw ang magiging doctor niya. Ako na mismo ang susundo sayo kung nasa malayo kang lugar." Nakaisip ng paraan si Sandy na makaalis ng bahay at makaiwas sa kaganapan sa party, kaya aalis siya ng tahimik. "Ako nalang ang pupunta sa bahay niya. Alam ko naman kung saan." "Really? Kung ganon, thank you. Kailan ka pupunta rito? Bukas ba at anong oras?" "Ngayon na ako pupunta kaya magpapa-alam na ako." Pinatay ni Sandy ang tawag sa telepono at tumayo. Kumuha siya ng jacket na may hoodie bago lumabas ng kwarto. Kinuha niya ang susi ng kotse ng kanyang ama na nakasabit sa pasilyo papunta sa kusina. Ang party ay nagaganap naman sa likod ng bahay kaya wala sa kanyang makakapansin. Kung meron man ay ang bisita ni Amara na hindi naman siya kilala. Mabilis ang kilos ni Sandy habang pasakay ng kotse. Meron siyang nakikitang kotse na nagpa-park sa ha
Bumaba si Sandy sa kotse at tumingala sa bahay ni Agustin Legaspi. Halos ilang taon na rin ang nakakalipas ng huli niyang pagtapak rito sa lupain na kinatitirikan ng bahay ng tinatawag niyang Lolo White. Lumapit siya sa harap ng bahay at nag-doorbell. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil bumukas iyon at pinapasok na siya ng katulong na kilalang-kilala siya kahit ilang taon na ang nakakalipas. Halos ilang beses rin siyang nagpabalik-balik dito dahil siya ang naging personal na doctor ni Lolo White noon. Kabisado rin ni Sandy kung saang kwarto natutulog si Agustin Legaspi, kaya walang pahintulot na agad siyang pumasok sa loob, pero napahinto siya sa lalaking nakatayo malapit sa higaan ni Agustin. Lumingon ang lalaki kay Sandy at bahagyang napakunot ang noo. "I-Ikaw ba si...Doctor Rivera?" Tumingin si Sandy sa nakahigang matanda sa kama, bago sinagot ang tanong nito, "Yes, ako nga." "Bakit hindi ka tumawag bago ka pumasok rito?" Napataas ang dalawang kilay ni Sandy sa tanon
Lumakad palapit ng konti si Angelo sa higaan ng kanyang lolo. "Huwag mong sabihin na hindi ka licensed doctor?!" May pagka-oa na sigaw ni Angelo kaya bahagyang napakislot si Agustin, pero nanatili pa ring nakapikit ang mata nito. "Ingay mo naman. Sa tingin ko, sayo tumaas ang dugo ng lolo mo, dahil sa lakas ng boses mo." "Huwag mong ibahin ang usapan! Hindi ka lisensyadong doctor?!" Sa inis ni Sandy sa lakas ng boses nito na parang hindi lalaki ay initsa niya ang ID niya na lagi niyang dala kahit saan siya magpunta. "O ayan, basahin mo ng mabuti. Pag hindi mo pa nakita ang sobrang laking word na 'licensed' diyan ewan ko na lang sa mata mo na maganda nga pero malabo." Kinuha naman ni Angelo ang ID at sinuri iyon. "Maganda ang pangalan mo, pero bakit iba ang ugali mo sa nakikita kong kahulugan sa pangalan mo." "May sarili kang internet diyan sa mata mo para makita sa google ang kahulugan, galing a." Lumingon si Sandy kay Agustin nang kumislot ito maging ang talukap ng mata h
Ngumiti si Sandy at tumango. "Yes, lolo. Narito pa rin ako bukas." Ngumiti ang matanda at namungay ang mga mata, kaya nahiga na ito at umayos ng puwesto hanggang sa maging malalim na ang pagtulog. Bago umalis ng kwarto ay chineck ulit ni Sandy ang blood pressure nito na bahagyang bumaba na dahil sa nainom na gamot. "Dadalhin na kita sa magiging kwarto mo. Sumunod ka sa akin," saad ni Angelo na naunang umalis ng kwarto ni Agustin. Isang sulyap muna ang ginawa ni Sandy sa natutulog na si Agustin bago siya sumunod kay Angelo. Hanggang sa huminto sila sa isang kwarto kung saan iyon din ang ginamit niyang kwarto nang manatili siya dito ilang taon na ang nakakaraan. "May magagamit ka naman diyan, meron ding banyo, meron—" "Alam ko." Napakunot ang noo ni Angelo. "Anong alam mo?" "Lahat ng sasabihin mo ay alam mo na. Nagtira ako dito ng isang buwan kaya alam ko." "Talaga?" "Oo." "Kaya pala parang mas apo ka pa ng lolo ko, kaysa sa akin." "Malamang dahil nakasama niya ako. Ikaw ngay
Nakahinto lang si Sandy at hindi nagsalita. "Ano, wala ka ng balak magpaliwanag kung saan ka pumunta kagabi habang kami ay naghahanap sayo at lalong-lalo na ang ama mo na hindi na natulog kakahanap sayo sa loob at sa labas ng bahay! Hindi puwede ang ginagawa mo Sandy na bigla na lang aalis ng hindi namin nalalaman. Nakakaperwisyo ka ng taong nananahimik!!" "Sino bang may sabi na hanapin niyo ako? Kung hindi mo naman gustong hanapin ako ay hindi na sana sumakit ang ulo mo." "Anong sabi mo?! Iyan pa talaga ang sasabihin mo sa lahat ng perwisyong dinulot ng pag-alis mo ng walang paalam. Imbitado ang mga Montemayor at hinahanap ka kagabi. Wala akong masabi na tunay dahilan dahil hindi ko alam kung saan ka nagpunta, at isa pa, birthday ng kapatid mo, pero umalis ka at kung saan-saan nagpunta gamit pa ang kotse ng ama mo!! Kung gusto mong maglayas at kung saan-saan magpunta, umalis ka ng walang dinadala na kahit ano!" "Meron akong emergency na pinuntahan kagabi kaya ako umalis." "Gaan
"Pumunta ka pala," nasabi na lang ni Sandy. "Yes. Kasama ko ang pamilya ko kagabi. Nagtaka lang ako kung bakit wala ka sa party kagabi ng kapatid mo. May sakit ka ba?" Umiling si Sandy kahit hindi naman nakikita ni Dwight. "Wala." "Are you sure?" "Oo. Bakit? Hinahanap mo ba ako kagabi?" Napakagat sa labi si Dwight sa sinabi ni Sandy. Anong dapat niyang isagot do'n? Muling nagsalita si Sandy," Pasensya na talaga kung wala ako kagabi o hindi mo ako nakita. Umalis kasi talaga ako ng bahay dahil may tumawag sa telepono ko, at kailangan kong puntahan ang pasyente." "Meron kang pasyente rito?" "Wala. Mga dating pasyente ko iyon na ako ang gustong maging doctor hanggang ngayon. Delikado na rin lasi ang kalagayan ng matanda kagabi kaya pumunta na ako kahit may kaganapan dito sa bahay." "Ganon ba." "May gusto ka bang sabihin o itanong, kaya mo ako hinahanap? Puwede mo ng itanong ngayon habang hindi ko ulit inuumpisahan basahin ang medical records mo." "Wala naman, pero delikado ang
Habang nagpapahinga si Sandy sa sala ay may biglang natanggap siya na mensahe sa kanyang telepono. Galing iyon sa kasamahan niya sa trabaho. "Sandy, tumawag na naman sa akin yung tao na gustong ikaw ang maging doctor. Puwede mo naman sigurong kausapin, at sabihin kung gusto mo ang offer sayo. Nakaka-awa na rin kasi dahil ikaw ang gustong-gusto." Napabuntong-hininga si Sandy at nagdesisyon na patayin na lang ang kanyang telepono para hindi na rin ito tumawag pa para kulitin siya sa sinasabi nitong pasyente. Sumandal siya sa upuan habang malungkot na nakatingin sa kawalan. Naalala niya ang kanyang lola na hindi niya naligtas dahil huli na. Pagbukas pa lang niya ng operating room bigla na lang tumunog ang makina na hudyat na tumigil na ang pagtibok ng puso nito, kaya ano pa ang saysay na maging magaling na doctor kung ang sarili niyang lola ay hindi niya nasagip agad. Biglang nagsalubong ang kilay ni Sandy sa boses na naririnig niya 'di kalayuan sa sala. Ang mga boses ng magulang niy