Share

Kabanata 30

Author: red_berries
last update Huling Na-update: 2024-09-16 23:38:16

Habang pauwi si Dwight, si Dylan naman ay kakauwi lang galing sa bar kasama ang mga kaibigan nito. Kahit gumamit pa ng susi ng bahay si Dylan ay gising pa rin si Celeste ng oras na 'yon kaya naka-abang na ito sa likod ng pinto. Alam ni Celeste kung sino ang dumating dahil sumilip siya sa bintana.

Pagbukas ng pinto ni Dylan na muntik pang sumubsob ay natigilan siya nang makita ang kanyang ina sa kanyang harapan.

"Ma."

"Anong oras na, Dylan," sa mahinahon pang tanong ni Celeste.

Tumingin naman sa orasan si Dylan. "Mag-aalas-dose na."

"Tama, maghahating-gabi na pero ngayon ka lang umuwi. Hindi ka talaga nadala sa nangyari sayo noong nakaraang linggo! Wala ka talagang balak pumirmi sa ng bahay?!

Ngumiti pa si Dylan at lumapit kay Celeste na agad namang umiwas.

"Nagkasiyahan lang kami ng mga kaibigan ko kya ngayon lang ako umuwi."

"Really? Ilang beses kayo dapat magsaya ha, Dylan? Iyan ang araw-araw mong palusot. Baka gusto mong tumulong sa kumpanya."

"Kaya niyo na 'yon ni Kuya D
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 31

    Umismid si Dwight. "Bakit hindi mo naman sinabi na ganun ang theme ng photoshoot? Ginawa mo kaming character sa movie." Malaking napangiti si Celeste na pumalakpak pa ng dalawang beses. "Ang ganda 'di ba! Kung hindi lang ako busy pupunta ako doon para makita ko na kayo agad, pero naisip ko rin na hihintayin ko na lang yung album para magulat talaga ako sa kinalabasan. Next ko namang paghahandaan ay ang kasal mo, anak." Tipid na ngumiti si Dwight. "Matulog na tayo, Ma. Kailangan ko ng magpahinga at humiga sa kama dahil maghapon na akong naka-upo." Tumayo si Celeste at tinulak ang wheelchair ni Dwight papasok sa kwarto nito.Pagkalipas ng isang linggo... Nakatayo si Sandy sa tabi ng puno sa labas ng bahay. Tila ang lalim ng iniisip nito dahil hindi man lang kumukurap ang mata na nakatingin sa lupa. Napapaisip siya sa nabasa niya sa records ni Dwight. Sobrang lapit na niya sa papel na ayaw niyang mabasa, pero habang papalapit siya doon ay fifty percent na ang result sa utak niya na

    Huling Na-update : 2024-09-16
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 32

    In-off ni Sandy ang telepono niya para hindi na ito muling makatawag. Sigurado siyang may susunod pa iyon, baka modus at bigla na lang manakot. Mahirap na at baka maniwala siya sa sasabihin nito. Magaling pa naman ang mga taong nanlalamang ng kapwa kaya maraming nauuto. Pumasok na lang muli si Sandy sa kanilang bahay at diretso sa kanyang kwarto. Magulo ang table niya maging ang kama dahil nagkalat ang mga papel na nabasa na niya. Umupo siy at kinuha ang isang papel na nakapatong sa mga papel na naka-ayos. Kahit anong basa niya sa medical records na nandoon at gustong-gusto niyang ang gawin ay medication hindi talaga puwede. Wala ng saysay na uminom ng gamot kung pang-opera na ang solusyon. Hindi nga pala natanong ni Sandy kung may iniinom pa bang gamot si Dwight. Nagsalubong ang kilay niya at tumingin-tingin sa paligid. Naalala niya yung calling card na binigay ni Dwight, ang kaso hindi niya alam kung saan niya nilagay. Tumayo siya at tiningnan ang bawat sulok ng kama, cabinet, at

    Huling Na-update : 2024-09-16
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 33

    "Kaya ako napatawag para sana ipatingin siya sayo. Nanghina kasi ang buong katawan niya at hindi na bumabangon. Magpapagamot lamang siya kung ikaw daw ang magiging doctor niya. Ako na mismo ang susundo sayo kung nasa malayo kang lugar." Nakaisip ng paraan si Sandy na makaalis ng bahay at makaiwas sa kaganapan sa party, kaya aalis siya ng tahimik. "Ako nalang ang pupunta sa bahay niya. Alam ko naman kung saan." "Really? Kung ganon, thank you. Kailan ka pupunta rito? Bukas ba at anong oras?" "Ngayon na ako pupunta kaya magpapa-alam na ako." Pinatay ni Sandy ang tawag sa telepono at tumayo. Kumuha siya ng jacket na may hoodie bago lumabas ng kwarto. Kinuha niya ang susi ng kotse ng kanyang ama na nakasabit sa pasilyo papunta sa kusina. Ang party ay nagaganap naman sa likod ng bahay kaya wala sa kanyang makakapansin. Kung meron man ay ang bisita ni Amara na hindi naman siya kilala. Mabilis ang kilos ni Sandy habang pasakay ng kotse. Meron siyang nakikitang kotse na nagpa-park sa ha

    Huling Na-update : 2024-09-16
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 34

    Bumaba si Sandy sa kotse at tumingala sa bahay ni Agustin Legaspi. Halos ilang taon na rin ang nakakalipas ng huli niyang pagtapak rito sa lupain na kinatitirikan ng bahay ng tinatawag niyang Lolo White. Lumapit siya sa harap ng bahay at nag-doorbell. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil bumukas iyon at pinapasok na siya ng katulong na kilalang-kilala siya kahit ilang taon na ang nakakalipas. Halos ilang beses rin siyang nagpabalik-balik dito dahil siya ang naging personal na doctor ni Lolo White noon. Kabisado rin ni Sandy kung saang kwarto natutulog si Agustin Legaspi, kaya walang pahintulot na agad siyang pumasok sa loob, pero napahinto siya sa lalaking nakatayo malapit sa higaan ni Agustin. Lumingon ang lalaki kay Sandy at bahagyang napakunot ang noo. "I-Ikaw ba si...Doctor Rivera?" Tumingin si Sandy sa nakahigang matanda sa kama, bago sinagot ang tanong nito, "Yes, ako nga." "Bakit hindi ka tumawag bago ka pumasok rito?" Napataas ang dalawang kilay ni Sandy sa tanon

    Huling Na-update : 2024-09-17
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 35

    Lumakad palapit ng konti si Angelo sa higaan ng kanyang lolo. "Huwag mong sabihin na hindi ka licensed doctor?!" May pagka-oa na sigaw ni Angelo kaya bahagyang napakislot si Agustin, pero nanatili pa ring nakapikit ang mata nito. "Ingay mo naman. Sa tingin ko, sayo tumaas ang dugo ng lolo mo, dahil sa lakas ng boses mo." "Huwag mong ibahin ang usapan! Hindi ka lisensyadong doctor?!" Sa inis ni Sandy sa lakas ng boses nito na parang hindi lalaki ay initsa niya ang ID niya na lagi niyang dala kahit saan siya magpunta. "O ayan, basahin mo ng mabuti. Pag hindi mo pa nakita ang sobrang laking word na 'licensed' diyan ewan ko na lang sa mata mo na maganda nga pero malabo." Kinuha naman ni Angelo ang ID at sinuri iyon. "Maganda ang pangalan mo, pero bakit iba ang ugali mo sa nakikita kong kahulugan sa pangalan mo." "May sarili kang internet diyan sa mata mo para makita sa google ang kahulugan, galing a." Lumingon si Sandy kay Agustin nang kumislot ito maging ang talukap ng mata h

    Huling Na-update : 2024-09-17
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 36

    Ngumiti si Sandy at tumango. "Yes, lolo. Narito pa rin ako bukas." Ngumiti ang matanda at namungay ang mga mata, kaya nahiga na ito at umayos ng puwesto hanggang sa maging malalim na ang pagtulog. Bago umalis ng kwarto ay chineck ulit ni Sandy ang blood pressure nito na bahagyang bumaba na dahil sa nainom na gamot. "Dadalhin na kita sa magiging kwarto mo. Sumunod ka sa akin," saad ni Angelo na naunang umalis ng kwarto ni Agustin. Isang sulyap muna ang ginawa ni Sandy sa natutulog na si Agustin bago siya sumunod kay Angelo. Hanggang sa huminto sila sa isang kwarto kung saan iyon din ang ginamit niyang kwarto nang manatili siya dito ilang taon na ang nakakaraan. "May magagamit ka naman diyan, meron ding banyo, meron—" "Alam ko." Napakunot ang noo ni Angelo. "Anong alam mo?" "Lahat ng sasabihin mo ay alam mo na. Nagtira ako dito ng isang buwan kaya alam ko." "Talaga?" "Oo." "Kaya pala parang mas apo ka pa ng lolo ko, kaysa sa akin." "Malamang dahil nakasama niya ako. Ikaw ngay

    Huling Na-update : 2024-09-18
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 37

    Nakahinto lang si Sandy at hindi nagsalita. "Ano, wala ka ng balak magpaliwanag kung saan ka pumunta kagabi habang kami ay naghahanap sayo at lalong-lalo na ang ama mo na hindi na natulog kakahanap sayo sa loob at sa labas ng bahay! Hindi puwede ang ginagawa mo Sandy na bigla na lang aalis ng hindi namin nalalaman. Nakakaperwisyo ka ng taong nananahimik!!" "Sino bang may sabi na hanapin niyo ako? Kung hindi mo naman gustong hanapin ako ay hindi na sana sumakit ang ulo mo." "Anong sabi mo?! Iyan pa talaga ang sasabihin mo sa lahat ng perwisyong dinulot ng pag-alis mo ng walang paalam. Imbitado ang mga Montemayor at hinahanap ka kagabi. Wala akong masabi na tunay dahilan dahil hindi ko alam kung saan ka nagpunta, at isa pa, birthday ng kapatid mo, pero umalis ka at kung saan-saan nagpunta gamit pa ang kotse ng ama mo!! Kung gusto mong maglayas at kung saan-saan magpunta, umalis ka ng walang dinadala na kahit ano!" "Meron akong emergency na pinuntahan kagabi kaya ako umalis." "Gaan

    Huling Na-update : 2024-09-18
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 38

    "Pumunta ka pala," nasabi na lang ni Sandy. "Yes. Kasama ko ang pamilya ko kagabi. Nagtaka lang ako kung bakit wala ka sa party kagabi ng kapatid mo. May sakit ka ba?" Umiling si Sandy kahit hindi naman nakikita ni Dwight. "Wala." "Are you sure?" "Oo. Bakit? Hinahanap mo ba ako kagabi?" Napakagat sa labi si Dwight sa sinabi ni Sandy. Anong dapat niyang isagot do'n? Muling nagsalita si Sandy," Pasensya na talaga kung wala ako kagabi o hindi mo ako nakita. Umalis kasi talaga ako ng bahay dahil may tumawag sa telepono ko, at kailangan kong puntahan ang pasyente." "Meron kang pasyente rito?" "Wala. Mga dating pasyente ko iyon na ako ang gustong maging doctor hanggang ngayon. Delikado na rin lasi ang kalagayan ng matanda kagabi kaya pumunta na ako kahit may kaganapan dito sa bahay." "Ganon ba." "May gusto ka bang sabihin o itanong, kaya mo ako hinahanap? Puwede mo ng itanong ngayon habang hindi ko ulit inuumpisahan basahin ang medical records mo." "Wala naman, pero delikado ang

    Huling Na-update : 2024-09-18

Pinakabagong kabanata

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 99

    Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 98

    "Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 97

    "Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 96

    Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 95

    Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 94

    Sinunod ni Dwight ang sinabi ni Sandy, sinukat niya ang bigas at ang tubig bago iyon takpan. Si Sandy na ang naglagay sa rice cooker at pinindot iyon para maluto. Mga ilang minuto rin ang itatagal kaya maliligo muna si Sandy. "Dito ka muna. Maliligo lang ako." "Sige." Umalis si Sandy at naiwan sa kusina si Dwight. Lumapit siya sa ref, pero wala pa pa palang frozen food doon. Ang alam niya merong dalang grocery si Sandy kaya hinanap niya iyon sa mga cabinet na abot niya, pero wala doon. Mukhang nasa itaas, bumalik na lang siya sa dati niyang puwesto para hintayin si Sandy. Habang nakatitig si Dwight sa telepono niya ay naglalakad na si Sandy sa likuran niya para tanungin, "Dwight kumakain ka ba ng sardinas?" "Oo naman." "Iyon nalang ang lulutiin ko para dumami. Wala naman kong ibang maluluto kun'di 'yon lang at noodles, pero gusto ko sardinas ngayon kaya teka lang." Naghiwa ng sibuyas at bawang si Sandy at nilagay sa kawali na mainit. Habang ginigisa iyon ni Sandy ay naaamoy na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 93

    Mahimbing na natutulog si Sandy, Hindi nito naramdaman na may nakapasok sa kanyang kwarto. Ngumiti si Dwight nang makita na tulog pa ang dalaga. Palihim talaga siyang pumasok dahil nasa kanya naman ang mga susi at lalo na ng mga hidden fingerprint sensor sa bahay na ito kaya kahit hindi niya tawagan si Sandy na bukas ang pinto ng bahay ay makakapasok pa rin siya. Lumapit siya kay Sandy na nakalilis pa ang damit hanggang sa ibabaw ng pusod. Inayos iyon ni Dwight at mas lalong lumapit kung nasaan ang ulo ni Sandy. Titingnan niya ang mukha ni Sandy na walang makikita kahit isang pimple, pero may napansin siya sa ilalim ng ilong nito, may manipis na bigote. Pinatong ni Dwight ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama ni Sandy upang makapagnakaw ng halik sa labi nito, at nang nagtagumpay siya habang inaalis ang labi niya ay malapad siyang ngumiti dahil hindi pa rin nagising si Sandy. "Sandy, gising na." Bahagyang kumunot ang noo ni Sandy habang nakapikit ang mata, pero pamaya-maya ay n

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 92

    Kinuha ni Dwight ang telepono niya dahil balak niyang tawagan si Sandy at makipag-video call, pero napahinto siya sa wallpaper ng kanyang telepono. Si Sandy na bagong gising habang nakatulala at nakahawak sa ulo. Pinagmasdan muna niya iyon bago tumawag kay Sandy. Taranta naman si Sandy na sagutin ang tumatawag dahill kalalabas lang niya ng banyo at nakatuwalya lang, wala na siyang nagawa nang napindot na niya ang green na button at bumungad na sa screen ang mukha ni Dwight. "Sandy, hindi kita makita." Tinapat na lang ni Sandy sa kanya mismong mukha ang screen ng telepono para hindi makita ni Dwight na nakatuwalya lang siya. "Ang lapit naman masyado ng mukha mo. Hindi ko makita ng maayos." Wala ng nagawa si Sandy, kaya nilayo ng konti ang telepono sa kanya, kaya maging ang kalahati ng katawan niya na may tuwalya ay kita ni Dwight. Napalunok si Dwight at bahagyang umiwas ng tingin nmhabang nagsasalita, "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Magbihis ka na muna." Agad namang sumunod

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 91

    "Hindi kita kilala para magpunta rito, pero dahil hindi naman ako busy ay pinagbigyan kitang makausap ako. Ngayon, ano ang kailangan mo sa akin?" "Pasensya na kung nabigla ka sa pagpunta ko rito, pero hihingi sana ako ng tulong mula sayo." "Tulong?" "Oo, para sana sa negosyo namin. Kailangan kasi namin ng malaking pera para muling makausad." Ngumisi si Raul. "Hindi ako ang tamang tao para hiraman mo ng pera, misis." "Utang na loob na lang Mr. Raul. Iyon na lamang po para magpahiram lang po kayo ng pera o makipagsosyo sa amin." Kumunot ang noo ni Raul. "Utang na loob? Hindi nga kita kilala, bakit magkakaroon ako ng utang na loob sayo." Ngumiti si Dolores kahit kinakabahan na siya sa sinasabi niya, "Tanda mo pa ba ang doctor na nakapagpagaling sayo noong na mild stroke ka at hindi mo malakad ang iyong mga paa, ako ang ina ng dalaga na iyon. Na kwento niya rin na kung sakaling may problema ay puwede siyang manghingi ng tulong mula sayo. Kaya ako narito." "Si Doctor Rivera?" "Oo,

DMCA.com Protection Status