Share

Kabanata 29

Balintulot na sumagot si Sandy dahil anong oras na rin, baka kailangan na niyang umuwi. Tumingin siya kay Dwight, sa huli ay sumagot siya ng oo para pagbigyan ito.

Mabilis lang ang nangyari dahil habang kumakain sila Sandy ay walang nagsalita. Hindi na rin sila nagtagal dahil gabi na at ihahatid pa nila Dwight si Sandy. Lulan na muli sila ng kotse ngayon at bumibiyahe na sila pauwi. Si Sandy ay pa pikit-pikit na ang talukap ng mata dahil sa antok. Kalaunan ay sumandal na lang siya sa bintana at pumikit.

Lumingon si Dwight kay Sandy. Nagsalubong ang kilay ni Dwight nang mapansin na natutulog si Sandy sa hindi magandang puwesto. Umusog siya palapit kay Sandy para idantay ang ulo nito sa balikat niya. Sa posisyon ni Sandy ay maaaring magkaroon pa ito ng stiff-necked. Gigisingin na lamang niya ito mamaya pag nasa tapat na ng bahay ng mga Rivera.

Ilang saglit pa ay huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Sandy. Tulog pa rin ang dalaga na nakapatong pa rin ang ulo sa balikat ni Dwig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status