Habang papunta sila Sandy sa kwarto para magpalit ulit ay tinanong niya si Dwight, "Ikaw ba ang nakaisip ng theme ng pre-wedding photoshoot? Fan ka ba ng fantasy?" Hindi naman nakita ni Sandy kung ano ang naging reaksyon ni Dwight dahil nasa likod siya habang tinutulak ang wheelchair ni Dwight kahit hirap siyang maglakad sa suot niyang gown. "Mas preferred ko ang simple lang. Black and white, at walang masyadong design sa photoshoot." "Kung ganon, sino ang nakaisip ng theme na fantasy?" "Si mama. Gusto niya ay makulay at masaya ang paligid para mag-reflect sa litrato." Napatango naman si Sandy. Akala niya ay si Dwight ang nakaisip. Sa personality nito hindi maiisip ni Dwight na ganung theme ang gawin sa photoshoot. "Saka biglaan kung magdesisyon ang iyong ina, Dwight. Hindi ko alam na may ganito pala bago ang kasal." "Actually nagulat rin ako kanina dahil wala rin akong alam. Akala ko ay diretso na sa paghahanda sa kasal, hindi pala. Ang aking ina kasi ay maraming alam sa gani
Balintulot na sumagot si Sandy dahil anong oras na rin, baka kailangan na niyang umuwi. Tumingin siya kay Dwight, sa huli ay sumagot siya ng oo para pagbigyan ito. Mabilis lang ang nangyari dahil habang kumakain sila Sandy ay walang nagsalita. Hindi na rin sila nagtagal dahil gabi na at ihahatid pa nila Dwight si Sandy. Lulan na muli sila ng kotse ngayon at bumibiyahe na sila pauwi. Si Sandy ay pa pikit-pikit na ang talukap ng mata dahil sa antok. Kalaunan ay sumandal na lang siya sa bintana at pumikit. Lumingon si Dwight kay Sandy. Nagsalubong ang kilay ni Dwight nang mapansin na natutulog si Sandy sa hindi magandang puwesto. Umusog siya palapit kay Sandy para idantay ang ulo nito sa balikat niya. Sa posisyon ni Sandy ay maaaring magkaroon pa ito ng stiff-necked. Gigisingin na lamang niya ito mamaya pag nasa tapat na ng bahay ng mga Rivera. Ilang saglit pa ay huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila Sandy. Tulog pa rin ang dalaga na nakapatong pa rin ang ulo sa balikat ni Dwig
Habang pauwi si Dwight, si Dylan naman ay kakauwi lang galing sa bar kasama ang mga kaibigan nito. Kahit gumamit pa ng susi ng bahay si Dylan ay gising pa rin si Celeste ng oras na 'yon kaya naka-abang na ito sa likod ng pinto. Alam ni Celeste kung sino ang dumating dahil sumilip siya sa bintana. Pagbukas ng pinto ni Dylan na muntik pang sumubsob ay natigilan siya nang makita ang kanyang ina sa kanyang harapan. "Ma." "Anong oras na, Dylan," sa mahinahon pang tanong ni Celeste. Tumingin naman sa orasan si Dylan. "Mag-aalas-dose na." "Tama, maghahating-gabi na pero ngayon ka lang umuwi. Hindi ka talaga nadala sa nangyari sayo noong nakaraang linggo! Wala ka talagang balak pumirmi sa ng bahay?! Ngumiti pa si Dylan at lumapit kay Celeste na agad namang umiwas. "Nagkasiyahan lang kami ng mga kaibigan ko kya ngayon lang ako umuwi." "Really? Ilang beses kayo dapat magsaya ha, Dylan? Iyan ang araw-araw mong palusot. Baka gusto mong tumulong sa kumpanya." "Kaya niyo na 'yon ni Kuya D
Umismid si Dwight. "Bakit hindi mo naman sinabi na ganun ang theme ng photoshoot? Ginawa mo kaming character sa movie." Malaking napangiti si Celeste na pumalakpak pa ng dalawang beses. "Ang ganda 'di ba! Kung hindi lang ako busy pupunta ako doon para makita ko na kayo agad, pero naisip ko rin na hihintayin ko na lang yung album para magulat talaga ako sa kinalabasan. Next ko namang paghahandaan ay ang kasal mo, anak." Tipid na ngumiti si Dwight. "Matulog na tayo, Ma. Kailangan ko ng magpahinga at humiga sa kama dahil maghapon na akong naka-upo." Tumayo si Celeste at tinulak ang wheelchair ni Dwight papasok sa kwarto nito.Pagkalipas ng isang linggo... Nakatayo si Sandy sa tabi ng puno sa labas ng bahay. Tila ang lalim ng iniisip nito dahil hindi man lang kumukurap ang mata na nakatingin sa lupa. Napapaisip siya sa nabasa niya sa records ni Dwight. Sobrang lapit na niya sa papel na ayaw niyang mabasa, pero habang papalapit siya doon ay fifty percent na ang result sa utak niya na
In-off ni Sandy ang telepono niya para hindi na ito muling makatawag. Sigurado siyang may susunod pa iyon, baka modus at bigla na lang manakot. Mahirap na at baka maniwala siya sa sasabihin nito. Magaling pa naman ang mga taong nanlalamang ng kapwa kaya maraming nauuto. Pumasok na lang muli si Sandy sa kanilang bahay at diretso sa kanyang kwarto. Magulo ang table niya maging ang kama dahil nagkalat ang mga papel na nabasa na niya. Umupo siy at kinuha ang isang papel na nakapatong sa mga papel na naka-ayos. Kahit anong basa niya sa medical records na nandoon at gustong-gusto niyang ang gawin ay medication hindi talaga puwede. Wala ng saysay na uminom ng gamot kung pang-opera na ang solusyon. Hindi nga pala natanong ni Sandy kung may iniinom pa bang gamot si Dwight. Nagsalubong ang kilay niya at tumingin-tingin sa paligid. Naalala niya yung calling card na binigay ni Dwight, ang kaso hindi niya alam kung saan niya nilagay. Tumayo siya at tiningnan ang bawat sulok ng kama, cabinet, at
"Kaya ako napatawag para sana ipatingin siya sayo. Nanghina kasi ang buong katawan niya at hindi na bumabangon. Magpapagamot lamang siya kung ikaw daw ang magiging doctor niya. Ako na mismo ang susundo sayo kung nasa malayo kang lugar." Nakaisip ng paraan si Sandy na makaalis ng bahay at makaiwas sa kaganapan sa party, kaya aalis siya ng tahimik. "Ako nalang ang pupunta sa bahay niya. Alam ko naman kung saan." "Really? Kung ganon, thank you. Kailan ka pupunta rito? Bukas ba at anong oras?" "Ngayon na ako pupunta kaya magpapa-alam na ako." Pinatay ni Sandy ang tawag sa telepono at tumayo. Kumuha siya ng jacket na may hoodie bago lumabas ng kwarto. Kinuha niya ang susi ng kotse ng kanyang ama na nakasabit sa pasilyo papunta sa kusina. Ang party ay nagaganap naman sa likod ng bahay kaya wala sa kanyang makakapansin. Kung meron man ay ang bisita ni Amara na hindi naman siya kilala. Mabilis ang kilos ni Sandy habang pasakay ng kotse. Meron siyang nakikitang kotse na nagpa-park sa ha
Bumaba si Sandy sa kotse at tumingala sa bahay ni Agustin Legaspi. Halos ilang taon na rin ang nakakalipas ng huli niyang pagtapak rito sa lupain na kinatitirikan ng bahay ng tinatawag niyang Lolo White. Lumapit siya sa harap ng bahay at nag-doorbell. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil bumukas iyon at pinapasok na siya ng katulong na kilalang-kilala siya kahit ilang taon na ang nakakalipas. Halos ilang beses rin siyang nagpabalik-balik dito dahil siya ang naging personal na doctor ni Lolo White noon. Kabisado rin ni Sandy kung saang kwarto natutulog si Agustin Legaspi, kaya walang pahintulot na agad siyang pumasok sa loob, pero napahinto siya sa lalaking nakatayo malapit sa higaan ni Agustin. Lumingon ang lalaki kay Sandy at bahagyang napakunot ang noo. "I-Ikaw ba si...Doctor Rivera?" Tumingin si Sandy sa nakahigang matanda sa kama, bago sinagot ang tanong nito, "Yes, ako nga." "Bakit hindi ka tumawag bago ka pumasok rito?" Napataas ang dalawang kilay ni Sandy sa tanon
Lumakad palapit ng konti si Angelo sa higaan ng kanyang lolo. "Huwag mong sabihin na hindi ka licensed doctor?!" May pagka-oa na sigaw ni Angelo kaya bahagyang napakislot si Agustin, pero nanatili pa ring nakapikit ang mata nito. "Ingay mo naman. Sa tingin ko, sayo tumaas ang dugo ng lolo mo, dahil sa lakas ng boses mo." "Huwag mong ibahin ang usapan! Hindi ka lisensyadong doctor?!" Sa inis ni Sandy sa lakas ng boses nito na parang hindi lalaki ay initsa niya ang ID niya na lagi niyang dala kahit saan siya magpunta. "O ayan, basahin mo ng mabuti. Pag hindi mo pa nakita ang sobrang laking word na 'licensed' diyan ewan ko na lang sa mata mo na maganda nga pero malabo." Kinuha naman ni Angelo ang ID at sinuri iyon. "Maganda ang pangalan mo, pero bakit iba ang ugali mo sa nakikita kong kahulugan sa pangalan mo." "May sarili kang internet diyan sa mata mo para makita sa google ang kahulugan, galing a." Lumingon si Sandy kay Agustin nang kumislot ito maging ang talukap ng mata h