THE BLIND BILLIONAIRE

THE BLIND BILLIONAIRE

last updateLast Updated : 2023-08-23
By:  VraielLajj  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
33 ratings. 33 reviews
149Chapters
74.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“I don't love you. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay at alam mo ito.” - Audric Villanueva “M-maghihintay ako. Maghihintay ako na darating ang araw na matutunan mo akong mahalin. Hindi ako m-mapapagod na hintayin ang araw na iyon, at kung s-sakaling mapagod man ako, magpapahinga lang ako at muli kang mamahalin ulit, Audric.” - Ffion Sacueza ••••• Isa lang naman ang gusto ni Ffion, ang mahalin ang asawa niya araw-araw kahit sobrang imposible na matugunan ito. Oo, mag-asawa sila pero sa papel lang ito dahil ang totoo, hinding-hindi siya kayang mahalin nito. Isa pa, paano siya magagawang mahalin ni Audric? Lalo na't muling bumalik at pumasok sa buhay nito si Ivony, ang babaeng totoong mahal ng lalaki. Ang babaeng dapat sana ay nasa katayuan niya bilang asawa nito. Ang babaeng pinakamamahal nito. Buntis ang babae. Magiging isang masayang pamilya na ang mga ito. Habang siya? Kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang lumayo kahit dala-dala niya sa sinapupunan ang isang gabing inangkin siya ni Audric. Kailangan niyang lumayo kahit parang hinihimay-himay ang kaluluwa niya sa sobrang sakit. . .

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

“Yes babe, I can’t really wait to see you.” Ang lawak ng ngiti ni Audric nang sabihin niya ang katagang ito sa long-time girlfriend, na ngayon ay fiancee.Nalalapit na ang kanilang kasal, isang linggo na lang at magiging kaniya na ang dalaga. Hindi siya makapaghintay na magsasama sila sa iisang bahay at matutulog sa gabi na kasama ito.“Same here, babe. Pipirmahan ko lang ‘yong contract ko rito sa Paris at aayusin ang mga schedule ko then uuwi na ako diyan sa araw mismo ng wedding natin.”Napabuntong-hinga si Audric sa sinabi ni Ivony pero hindi na siya umimik. Ganito niya kamahal ang babae kaya lahat ng gusto nito, nasusunod. Pwede itong hindi magtrabaho dahil kaya niyang ibigay lahat ng mga gusto nito pero wala siyang magagawa. Nagmahal siya ng Model. Mahilig ito sa spotlight at isa sa gusto nito, laman lagi ng internet.“Babe, I love you so much! Don’t worry, kapag kasal na tayo. Hihinto ako s

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

default avatar
GandangTaaalaa
Hi Ms Author please update po salamat .........
2024-04-12 23:56:40
0
default avatar
alcordoc26
Update pleaseeeeee!!!!!!!
2023-10-24 01:21:03
0
user avatar
Sol Consigna
ms A pa update po pls ........lucas and mariame salamat po
2023-08-06 14:28:09
1
user avatar
Holy Pamela Panganoron
Nice story but it's too lengthy...
2023-07-22 01:05:37
2
user avatar
Haven Bithiah
may bayad pala sayang
2023-06-30 06:21:06
0
user avatar
khulit forever
upDate po please
2023-05-25 06:04:35
0
default avatar
alcordoc26
Update plsssss!!!
2023-03-25 00:48:25
0
user avatar
Cah reighn
nice story ...️ nakakakilig
2023-02-16 02:26:51
0
user avatar
Shayna Jade
Kudos! Napakagaling pagkagawa ng kwento. Dalang dala ako da emosyon huhuh superb
2023-01-18 17:12:14
0
user avatar
Jericho Salas
i love this story
2023-01-07 00:40:55
1
default avatar
Light nur84
grabe mukhang inlababo s author ahhh,,napkagling magpkilig at magpaluha,, minsan khit msakit na pinipili nating mntili pra sa pagmamal
2023-01-04 14:19:26
1
default avatar
Rhea Corpuz ilagan
the story looks like a good story to read
2023-01-03 12:37:35
2
default avatar
Cah reighn
nice story...️
2022-12-26 21:01:20
1
user avatar
Shayna Jade
Grabi !!! Napakaganda ng kwentong ito. Nakita ko to sa tiktok and napasugod dito (⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠_⁠_⁠_⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠-̩̩̩⁠) napaiyak na lang ako sa Sobrang ganda. Ang galing ng author?! Napakaunique ng plot ng story mo.. thumbs up
2022-12-26 10:17:18
1
default avatar
alcordoc26
Update plsss
2022-12-24 01:04:24
0
  • 1
  • 2
  • 3
149 Chapters

Prologue

“Yes babe, I can’t really wait to see you.” Ang lawak ng ngiti ni Audric nang sabihin niya ang katagang ito sa long-time girlfriend, na ngayon ay fiancee. Nalalapit na ang kanilang kasal, isang linggo na lang at magiging kaniya na ang dalaga. Hindi siya makapaghintay na magsasama sila sa iisang bahay at matutulog sa gabi na kasama ito. “Same here, babe. Pipirmahan ko lang ‘yong contract ko rito sa Paris at aayusin ang mga schedule ko then uuwi na ako diyan sa araw mismo ng wedding natin.”Napabuntong-hinga si Audric sa sinabi ni Ivony pero hindi na siya umimik. Ganito niya kamahal ang babae kaya lahat ng gusto nito, nasusunod. Pwede itong hindi magtrabaho dahil kaya niyang ibigay lahat ng mga gusto nito pero wala siyang magagawa. Nagmahal siya ng Model. Mahilig ito sa spotlight at isa sa gusto nito, laman lagi ng internet.“Babe, I love you so much! Don’t worry, kapag kasal na tayo. Hihinto ako s
Read more

Chapter 1 - Pagmamahal ng Isang Asawa

MAINGAT ang bawat galaw ni Ffion at ayaw niyang magising ang asawa. Konting galaw lang at nagigising ito at alam niya ang kasunod, mainit na ulo ang sasalubong sa kaniya buong araw kapag nangyari iyon. Nasa isang villa sila at sa harap ay malawak na lupain na puro mga pananim na cacao at iba't ibang klase pang mga pananim na kalimitan nakikita sa isang probinsya Nahigit niya ang kaniyang hininga nang gumalaw si Audric sa kinahihigaan. Laking tuwa niya nang mapansing tulog pa rin ito at walang senyales na nagising ang lalaki sa kaniyang mga galaw Napangiti siya. Agad niyang hinagilap ang kaniyang pambahay na tsinelas at una niyang tinungo ang malaking closet nilang mag-asawa. Maingat siyang kumuha siya roon ng damit na gagamitin ng lalaki pagkatapos nitong maligo Inabot niya muna sandali ang suklay at inayos ang buhok. Inayos niya rin ang pagkakabuhol ng suot niyang roba saka nagpasyang lumabas ng silid para paghandaan ng almusal ang asawa Hanggang ngayon, paulit-ulit siyang naglul
Read more

Chapter 2 - Huwag Sukuan

Para hindi siya tuluyan lamunin ng lungkot, hinarap ni Ffion ang kaniyang mga alagang halaman. Dito na lamang niya ibubunton ang lungkot. Ilang buwan pa lamang sila nagsasama ni Audric bilang mag-asawa pero kung susumain, para lang siyang tau-tauhan sa bahay nito. Kung sabagay, ano pa ba ang kaniyang aasahan? Naging asawa lang siya ng lalaki sa papel at sa harap ng maraming tao. Naiitindihan niya naman na si Ivony pa rin. Ano ba ang laban niya sa great love, first love at only love ni Audric? Wala. Simula nung mabulag ang lalaki, ayaw nitong maingay siya. Ayaw nito na tinatawag niya ito ng ‘Adi’. Ayaw nitong inaalalayan niya. Ayaw nitong tumanggap sila ng bisita kahit mga magulang nito, pinagbabawalan nitong bumisita sa Villa. “Ffion?” Napalingon siya kay Audric. Iisang deriksyon pa rin ang mga mata nito. “B-bakit?” “Sino ‘yang nasa gate?” Mabilis siyang napatingin sa malaking gate at doon nakita niya ang paparating na si Manang Minda. May dala itong basket na alam niyang mga p
Read more

Chapter 3 - Nagmahal Lang Naman

“Baliw. May asawa na ako, at bestfriend mo pa.” pabirong anas niya rito. “Asawa sa papel, Ffiona.” Napepe siya. tama naman si Lucas, asawa sa papel. Alam nito ang katayuan niya sa puso ng lalaki. “K-kailangan ko ng patayin ang tawag ha? Paalam, Lucas.” Hindi niya na hinayaan na magsalita ang lalaki, pinatay niya na ang tawag at malungkot na napatingin sa labas ng bintana. Sinilid niya sa bulsa ng kaniyang cotton short ang cellphone at nilapitan ang bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtinang nakatabing doon. Pumasok ang maaliwalas at magandang tanawin sa labas kasunod ang malamig at masarap na simoy ng hangin nang buksan niya ang salaming bintana. Kung ikukumpara, para siyang salaming bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Pero masisi ba niya ang kaniyang sarili kung baliw siya sa pag-ibig na ito? Baliw siya kay Audric na alam naman niyang pagmamahal bilang kaibigan lang ang pinapakita nito sa kaniya noon. Kahit ilang beses nitong pinapamukha sa kaniya na mahal nito ang b
Read more

Chapter 4 - Dalawang Uri ng Pagmamahal

"Audric?" Tatlong mahihinang katok ang kaniyang ginawa. naghintay siya ng ilang minuto pero walang sagot mula rito sa loob ng art room. "Audric, papasok ako ha?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Wala roon ang lalaki. Paniguradong nasa music room ito ngayon pero wala siyang naririnig na kahit isang tunog ng musika. Akmang isasara niya ang pintuan nang mahagip ng kaniyang mata ang isang canvas sa gitna ng malawak na art room. May takip na puting tela Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito. Ayaw ni Audric na mangialam siya roon sa silid na iyon. Hanggang pintuan lang siya dapat. Ang tanging tao lang na pwedeng mangialam at pumasok roon ay si Manang Minda "Anong ginagawa mo rito? Nagulat siya nang magsalita sa likuran niya si Audric. Agad niyang sinara ang pintuan ng silid at humarap sa asawa. "H-hinahanap kita. Kakain na sana tayo ng hapunan. "Mauna ka na. Mamaya pa ako kakain." Binuksan nito ang pintuan Napilitan tuloy siyang tumabi. Gusto sana niyang sabihin dito na a
Read more

Chapter 5 - Suot ang Singsing

At simula sa araw na iyon, naging mag-asawa sila ni Audric. Sa kaniya nito sinuot ang singsing na para sana dapat kay Ivony at nagkasya iyon sa maliit niyang kamay. Marami ang umangal at isa na si Donya Vilma Villanueva na hindi matanggap ang nangyayari pero walang magawa ang mga ito nang magdeklara ang Pari na mag-asawa na sila sa harap ng Diyos at tao. Habang si Lucas ay umalis ng simbahan at hindi pinanood ang kaniyang kahibangan.Maraming nakiusyong media nang lumabas sila ng simbahan. Maraming kumuha ng larawan at nagtatanong kung saan ang totoong bride pero ang Ama ni Audric ang humarap sa mga ito. Habang and isang kapatid ni Audric na si Asher ay nakaagapay sa lalaki at nagmistulang mata nito.Hawak siya ni Audric sa kabilang kamay at damang-dama niya ang galit sa pagkakahawak nito. Mahigpit! Pero hindi siya nagreklamo. Nakasunod lang siya sa bawat hakbang ng lalaking pangarap lang niya pero ngayon ay asawa niya na ngayon."Ffion?" Napatingin siya kay Asher. "Salamat.""Ha?"
Read more

Chapter 6 - Matugunan Ang Pagmamahal

Pero hindi pala madali ang buhay asawa iyon agad ang natutunan ni Ffion sa loob ng dalawang linggo. Sumama siya kay Audric nang magpasya ang lalaki na tumira sa Villa sa San Mateo. Sa villa ng Villanueva kung saan malayo sa mga tao at sa media.Walang magawa ang kaniyang Ina nang sumama siya sa lalaki. Nasa tamang edad na siya. 25 years old na siya at hindi na siya bata kaya alam niya kung ano itong pinasok niyang sitwasyon. Isa pa, hindi niya hahayaan si Audric na mamumuhay sa madilim na mundo nito ngayon. Sasamahan niya ito kahit katangahan ang kaniyang gagawin. Masisisi ba niya ang kaniyang puso kung nagmahal lang naman ito?Nagbago ang dating kilala niyang Audric. Kung dati ay malambing ito sa kaniya at tinatrato siyang nakakabatang kapatid, ngayon ay hindi. Nag-iba ang ugali ng lalaki at lagi itong mainit ang ulo. Minsan ay nagwawala ito sa loob ng kanilang silid at siya ang taga-sunod ng mga kalat mula sa pagwawala nito.Minsan naman ay naririnig niya itong umiiyak at kasunod niy
Read more

Chapter 7 - Maghihintay Ako

MAGANDANG umaga ang bumungad kay Ffion sa araw na iyon. Tulad ng kaniyang nakagawian bilang asawa ni Audric, hinanda niya ang susuotin nito at agad siyang nagtungo sa kusina. Magluluto siya. Magluluto siya kahit pa paulit-ulit na masayang iyon at basurahan ang nakikinabang. At masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang luto ngayon umaga. Hindi sunog ang tocino pati ang itlog. Mas lalong naging masigla ang kaniyang araw nang kainin ito ni Audric. Walang reklamo na lumabas sa bibig nito at inisip niyang nagustuhan nito ang kaniyang hinandang almusal sa umagang iyon. Kahit papaano, masaya siya na maganda ang gising ngayon ni Audric dahil sabay sila ngayon na kumakain."How's your hand?"Natigilan siya nang magtanong ito. Nagtaas siya ng tingin at tumingin sa kaniyang gwapong asawa na kahit bulag ito, wala pa rin nagbago. Nagsimula rin humaba ang buhok nito pati ang balbas nito pero gwapo pa rin sa paningin niya si Audric. "O-okay naman.""Hindi masakit?"Nakagat niya ang labi. Pinigil niyan
Read more

Chapter 8 - Kakapit Hanggang Sa Mapagod

Ivony is wild, hot and dangerous. While Ffion, is sweet, innocent and fragile. Mga katulad ni Ffion ang babaeng hindi niya nagugustuhan pero exemption ito dahil matalik na kaibigan niya ang babae at kababata. Niligtas siya nito noon mula sa isang malaking aso na muntikan siyang kagatin. He's 12 years old that time at 7 years old ito. Baguhan pa sa Maynila at wala pang kaibigan.Si Ffion ang humarap sa aso at sinabihan nito ang aso na umuwi na at huwag siyang saktan. Himalang nakinig ang aso at tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa at simula noon, naging magkaibigan sila. Simula rin noon, naging attached sa kaniya si Ffion. Iisang school sila ng pinapasukan at palagi ito sa kaniya tumatakbo 'pag may nambubully rito. Siya ang naging sandalan at takbuhan ng lahat ng babae at sa kaniya rin ito unang nasaktan."Huwag kang mag-alala, araw-araw ko kayong aalagaan dito. Hindi ko kaya hahayaan na may isang malalanta.""Ffion—" Natigil sa ere ang kaniyang sasabihin nang mag-ring ang telepono s
Read more

Chapter 9 - Kumusta?

"Mukhang malungkot ka yata, Ineng?"Napalingon siya kay Manang Minda. Nasa palengke na sila kasama ang anak nito."Hindi ho, Manang Minda. May iniisip lang po.""Gano'n ba? Kamo, babalik din sa dati si Audric. Tiwala lang, Ineng."Ngumiti lang siya. Alam niyang babalik din ang dating si Audric pero sana 'pag bumalik ang dating ito, natutunan na rin siya nitong mahalin. Mayamaya lang ay na-busy na sila sa pamimili ng stocks nang mahagip ng mata ni Ffion ang isang lalaki na nakatayo sa kalayuan. May hawak itong sigarilyo at suot na sumbrero. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo sabay buga sa hangin.Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Anong ginagawa niya rito? Nag-unahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Kinakabahan siya."Ffion ineng?""Po?" Napatingin siya sa matandang ginang."May gusto ka pa ipabili?"Mabilis siyang umiling. "W-wala na ho." Muli niyang binalik ang tingin kung saan nakita niya ang lalaki. Wala na ito roon. Mas lalo siyang kinabahan sa isipi
Read more
DMCA.com Protection Status