"Audric?" Tatlong mahihinang katok ang kaniyang ginawa. naghintay siya ng ilang minuto pero walang sagot mula rito sa loob ng art room. "Audric, papasok ako ha?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan.
Wala roon ang lalaki. Paniguradong nasa music room ito ngayon pero wala siyang naririnig na kahit isang tunog ng musika. Akmang isasara niya ang pintuan nang mahagip ng kaniyang mata ang isang canvas sa gitna ng malawak na art room. May takip na puting tela
Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito. Ayaw ni Audric na mangialam siya roon sa silid na iyon. Hanggang pintuan lang siya dapat. Ang tanging tao lang na pwedeng mangialam at pumasok roon ay si Manang Minda
"Anong ginagawa mo rito?
Nagulat siya nang magsalita sa likuran niya si Audric. Agad niyang sinara ang pintuan ng silid at humarap sa asawa. "H-hinahanap kita. Kakain na sana tayo ng hapunan.
"Mauna ka na. Mamaya pa ako kakain." Binuksan nito ang pintuan
Napilitan tuloy siyang tumabi. Gusto sana niyang sabihin dito na alas-syete nang gabi at baka nagugutom na ito pero alam niyang magagalit lang ito kapag nagpupumilit siya
"Ano pa ang hinihintay mo?
"A-ah sige. Sumunod ka na lang.
Umungol lang ito at pumasok sa loob ng silid. Malakas na sinara nito ang pintuan at napabuntong-hinga na lamang si Ffion. Hindi siya pwede sumuko na lang
Nagtungo siya sa kanilang silid ni Audric. Kahit papaano, nararamdaman niyang mag-asawa sila. Sa iisang silid sila mag-asawa natutulog pero malayo sa isa't isa. Ang totoo niyan, walang namagitan sa kanila bilang mag-asawa. Kahit gustong-gusto niya ibigay ang katawan at puso sa lalaki, umaayaw ito. Tanging si Ivony pa rin ang mahal nito at iniintindi niya ito
Pabagsak siyang humiga sa kama at nakipagtitigan sa kesame. Paano ba siya mamahalin ni Audric nito kung nilalayo naman nito ang sarili sa kaniya? Oo inaamin niyang hindi siya nito kayang mahalin pero masisi ba niya ang pusong umaasang darating ang araw na mamahalin din siya nito nang mas higit pa? Na hindi lang bilang kababata nito at kaibigan. Gusto niya ng mas higit pa roon! Gusto niyang madama nito na siya 'yong nandito, siya 'yong nandito para sa lalaki nung tinalikuran ito ng mundo
Malungkot siyang humarap sa sementong dingding at nakipagtitigan doon. Malayang bumalik ang kaniyang utak kung saan at kung paano nauwing siya ang pinakasalan ng lalaki imbes ang babaeng mahal na mahal nito na si Ivony...
Ilang beses na pinagmasdan ni Ffion ang kaniyang suot na dress sa malaking salamin. Si Audric ang bumili niyon para sa kaniya at paborito niya itong kulay. Bagay sa kaniya ang damit pero ang puso niya, sobrang bigat.
Ngayon araw, ngayon araw na ikakasal ang kababata niyang si Audric Villanueva at parang hindi siya makahinga sa isipin na ikakasal na ito sa iba. Muli, nanubig ang kaniyang mata pero bago pa ito bumagsak at mauwi sa iyakan ang lahat, kinalma niya na ang kaniyang sarili.
Hindi siya pwedeng umiyak sa araw na kasal ng kaniyang kaibigan. Huling kita nila ay dalawang buwan na ang nakaraaan.
"Ffion?
Napalingon siya. Ang kaniyang Mommy ito at masuyong nakangiti sa kaniya. Kasama niya itong aattend sa kasal ng best friend niya. Mabait ang Ina niya at mahal na mahal siya nito. Sadyang hindi niya lang kasundo ang dalawang step-brother niya at amain.
"Mommy, bagay ba sa'kin?" Humarap siya sa Ina at pinakita ang kaniyang suot. Umikot-ikot siya sa harapan nito at nagdadalawang isip na iyon ang gamitin sa kasal ni Audric.
"Of course anak, sobrang ganda mo! and it's your favorite color, baby blue. Aside from that, ang crush mong si Audric ang pumili nito at nagbigay." Tinudyo siya nito na ikinangiti niya. Pumwesto ito sa kaniyang likuran at giniya siya paupo. Inayos nito ang kaniyang buhok.
"Kaya nga Mommy, ang bigat ng puso ko. Makikita kong ikasal sa ibang babae ang taong mahal ko.
"Oh, 'wag ka umiyak." Pinandilatan siya nito ng mata sa malaking salamin. "Minsan kasi Ffion, hindi napipilit ang pag-ibig. Ang gawin mo na lang ay maging masaya sa lalaking mahal mo. Saka sa ganda mong 'yan, hindi lang si Audric ang lalaki. Marami pang iba, okay? Kaya ngumiti ka na diyan at aayusin ko lang itong buhok mo. Pagkatapos ay aalis na tayo at pupunta ng simbahan!
"Pero Mommy, mahal ko si Audric. Ang hirap para sa'kin. Hindi lang simpleng pagmamahal 'tong nararamdaman ko sa kaniya My, mas malalim ang nararamdaman ko...
Hinaplos naman ng kaniyang Ina ang kaniyang buhok at saka nito hinalikan ang kaniyang ulo. "Alam mo ba anak na may dalawang uri ng pagmamahal?" Ngumiti ito sa kaniya mula sa harap ng salamin. "Una, pagmamahal na kaya mong ibigay ang lahat. Kahit wala ng matira sa'yo. Lahat ibibigay mo para sa taong mahal mo. Kahit hilingin niyang pakawalan mo siya, kaya mong pakawalan dahil iyan ang totoong pagmamahal. Handa mong pakawalan ang taong mahal mo dahil kaya mong ibigay lahat kasama ang kalayaan na hihingiin niya.
"Ano 'yong pangalawa?
Ngumiti ito na hindi abot sa mata. Sandali itong bumuntong-hinga at sinuklay ang kaniyang buhok. Nilagyan nito ng hair ornament ang kaniyang buhok saka siya tinitigan ng matagal sa salamin. "Pagmamahal na sakim. Wala kang pakialam kung may masasaktan sa gagawin mong hakbang basta mapasaiyo lang ang taong mahal mo. Pagmamahal na minsan ay nauuwi sa obsesyon. Pagmamahal na nagtutulak sa isang tao na gumawa ng isang bagay para pagsisihan niya sa huli. Mga bagay na alam mong sisira sa pagkatao mo. Pagmamahal na ikaw lang ang masaya.
Nakagat niya ang kaniyang labi at malungkot na napatingin sa Ina. Wala siyang maapuhap na sasabihin. Dama niya ang lungkot sa boses nito at alam niya kung bakit.
"Saan ka sa dalawang uri na pagmamahal na iyan, Ffion?
"Sa unang pagmamahal," dama sa boses niya ang sakit.
"I'm proud of you anak. Huwag kang gumaya sa'kin. Ayukong maranasan ang sakit na naranasan ko. kahit gusto kong kumalas, hindi ko na pwedeng gawin. Kerida man akong tawagin ng lahat, pero nagmahal lang ako anak. Nagmahal ako sa sakim na paraan at ayaw kong maranasan mo iyon. Huwag na huwag mo akong tularan.
Ngumiti lang siya at tumango sa Ina. Alam niya ang pinagdadaanan nito pero wala siyang karapatan na magreklamo. Tulad ng sabi nito, nagmahal lang ito. Sino siya para pangunahan ang kaligayahan nito? hindi nagkulang ang kaniyang Ina sa kaniya. Mahal na mahal siya nito at mahal niya ito kaya kahit labag sa kalooban niya, pikit-mata siyang sumama sa ina sa lalaki na ngayon ay amain niya.
Dumating sila sa simbahan. Marami ng tao ang nandoon at nasa harapan na si Audric. Gwapong-gwapo ito sa suot na kulay gray 3 set formal suit wedding. Sa dalawang buwan na pag-iiwas niya, napansin niyang mas lalo itong gwapo ngayon.
Sa likuran sila umupo ng kaniyang Ina. Napansin niya ang pagbubulungan ng mga bisita at isa na roon na hindi sisipot ang bride. Napatingin siya sa orasan-pambisig na suot, late na pala sila ng sampung minuto at wala pa ang bride.
Napatingin siya kay Audric at sa tabi nito ay si Lucas. Kasunod ni Lucas ay ang dalawang kapatid na lalaki ni Audric. Nakita niya ang mukha ni Audric na walang emosyon ang mata at blangko ang tingin. Parang may kumurot sa kaniyang puso.
Sa isipin na ikakasal na ito sa iba ay sinasakal ang kaniyang puso sa sakit. Hindi matanggap na puso niya kahit ilang taon na ang nagdaaan. Sa nagdaan na mga taon, patuloy siyang umasa na mababaling ang pagmamahal nito sa kaniya pero ang hirap yata kalabanin ng tadhana lalo na kung nakatadhana na ang dalawang taong nagmamahalan.
Gusto niyang nakawin ang pagmamahal ni Audric at kung pwede lang sanang manakaw ang pagmamahal nito, matagal niya ng ginawa. kaya ang gagawin niya ngayon ay pagmasdan at panoorin ang taong mahal na ikakasal sa iba.
Marahan bumagsak ang luha sa kaniyang mata. Ayaw niyang magpakasal ito sa iba pero sino siya para pigilan ang kasal ng lalaki? Kaibigan lang siya at mananatiling kaibigan lang. Iyon lang ang role niya sa buhay ng lalaki.
"Ffion?"
"Po?" napatingin siya sa kaniyang Ina.
"Mukhang walang bride na sisipot.
"Ha?" Nalito naman siya. napatingin siya sa paligid. Puro bulungan na ang mga bisita at may ibang nagsitayuan at lumabas nang simbahan. "Imposible iyon My, mahal na mahal nila ang isa't isa kaya imposible na hindi sisipot si Ivony.
"Baka nga na-traffic lang.
Baka nga... Pero nakatuon ang kaniyang mata kay Audric sa harapan. Wala pa rin reaksyon sa mata nito. Parang may kung anong nagtulak sa kaniya na lapitan ito pero pinigil niya ang sarili.
Ngunit dumaan na lang ang dalawang oras, walang Ivony na dumating. Walang bride na sumipot. Nagsiuwian na rin ang mga bisita. Ang tanging natira ay siya, si Lucas at ang pamilya nito. Nauna na rin umuwi ang kaniyang Ina dahil tinawagan ito ng kaniyang Amain.
"Son, we need to go." Ama ito ni Audric.
"Mauna na kayo. Kaya kong maghintay hanggang sa sumipot si Ivony.
"Audric, hijo...
"Huwag niyo akong kaawaan, Mom. Mauna na kayo kung ayaw niyong hintayin ang kasal ko.
Audric... parang pinagsaksak ang kaniyang puso. Marahan niyang nakagat ang labi. Para lang siyang kahoy na napako sa kaniyang kinauupuan. Habang si Lucas ay malungkot na nakatingin sa kaniya. Alam nito ang nararamdaman niya para sa binata.
"Pero anak, wala ang fiancee mo. Hindi sumipot si Ivony sa mahalagang araw niyo. We should go. Marami ng mga press at media sa labas ng simbahan.
"The hell I care?!" nanatiling kalmado pa rin ang mukha ni Audric nang sambitin ang katagang iyon pero dama niya sa boses ng lalaki ang matinding galit at pagtitimpi.
"Dude." Si Lucas. "Ivony is calling..." Binigay nito ang phone nito sa lalaki.
"See? She loves me. Nagkaroon lang siguro ng kaunting problema sa daan." Nabuhayan ng sigla ang lalaking mahal niya at mabilis na tinanggap ang phone ni Lucas.
Habang siya ay sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa kaniyang mata. Mas masakit pala 'pag harap-harapan niyang nakikitang nasasaktan si Audric. Parang mas doble ang sakit sa kaniya.
"Babe? Where are you? Its our wedding..." Natigilan si Audric. Matagal ito bago nakasagot. Nagtagis ang bagang nito habang hawak ang cellphone ni Lucas. Bumalatay sa gwapong mukha nito ang sakit. Nagsimulang magtubig ang mata nito habang kausap ang babaeng mahal nito. "The fuck you are talking about! Ivony? Ivony! Bullshit!" Tuluyan nagwala ang lalaki.
Inawat ito ng mga kapatid nito at ni Lucas pero dahil matikas ang pangangatawan at matangkad si Audric, hindi napigilan ng mga ito ang pagwawala nito na pati ang Padre na magkakasal ay natakot.
Doon na siya tumayo at naglakas loob na lumapit sa binata.
"Adi!"
Natigilan ito nang marinig ang kaniyang boses. Napalingon ito sa kaniyang deriksyon pero ang tagos ang tingin na binigay nito sa kaniya. Tingin na parang hindi siya nakikita. "Ffion?"
Pumatak ang luha niya. Marahan niyang kinagat ang labi. Lumapit siya rito at niyakap ng mahigpit ang binata. "Yeah its me.
Sandali itong kumalma nang marinig ang kaniyang boses at maramdaman ang yakap niya. Pero saglit lang iyon dahil mas lalo ito nagwala sa harap ng altar. Sumisigaw ito sa galit na pati Ama at Ina nito ay takot na awating ang binata. Siya lang ang nanatiling nakayakap dito at umiiyak na pinapatigil ito sa pagwawala. Hindi niya kayang pagmasdan ang lalaki na nagwawala dahil sa sakit na ginawa ni Ivony.
"Damn you Ivony! You think hindi kita kayang palitan kahit bulag ako?!
Natigilan naman siya at hindi makapaniwalang napatingin sa lalaki. Doon lang tuluyan pumasok sa kaniyang isip na bulag nga ang lalaki dahil walang sigla at emosyon ang kislap ang mga mata nitong lumuluha.
"Let's get married, Ffion."
"Ha?!" Nagulat siya
"What?! Hindi pwede, Audric!" Ang Ina nito ang mabilis na umayaw
"Ffiona!" nagulat din si Lucas at akmang babawiin siya nito kay Audric pero mahigpit na hinawakan ng binata ang kaniyang kamay
"Father!" Agad lumapit ang Padre sa kanila nang tawagin ito ng binata. "Ibang babae ang ihaharap ko sa altar ngayon araw. Simulan niyo na ang kasal.
Audric... ito na lang ang tanging naibulong ng puso niya habang nakatunghay sa binata.
At simula sa araw na iyon, naging mag-asawa sila ni Audric. Sa kaniya nito sinuot ang singsing na para sana dapat kay Ivony at nagkasya iyon sa maliit niyang kamay. Marami ang umangal at isa na si Donya Vilma Villanueva na hindi matanggap ang nangyayari pero walang magawa ang mga ito nang magdeklara ang Pari na mag-asawa na sila sa harap ng Diyos at tao. Habang si Lucas ay umalis ng simbahan at hindi pinanood ang kaniyang kahibangan.Maraming nakiusyong media nang lumabas sila ng simbahan. Maraming kumuha ng larawan at nagtatanong kung saan ang totoong bride pero ang Ama ni Audric ang humarap sa mga ito. Habang and isang kapatid ni Audric na si Asher ay nakaagapay sa lalaki at nagmistulang mata nito.Hawak siya ni Audric sa kabilang kamay at damang-dama niya ang galit sa pagkakahawak nito. Mahigpit! Pero hindi siya nagreklamo. Nakasunod lang siya sa bawat hakbang ng lalaking pangarap lang niya pero ngayon ay asawa niya na ngayon."Ffion?" Napatingin siya kay Asher. "Salamat.""Ha?"
Pero hindi pala madali ang buhay asawa iyon agad ang natutunan ni Ffion sa loob ng dalawang linggo. Sumama siya kay Audric nang magpasya ang lalaki na tumira sa Villa sa San Mateo. Sa villa ng Villanueva kung saan malayo sa mga tao at sa media.Walang magawa ang kaniyang Ina nang sumama siya sa lalaki. Nasa tamang edad na siya. 25 years old na siya at hindi na siya bata kaya alam niya kung ano itong pinasok niyang sitwasyon. Isa pa, hindi niya hahayaan si Audric na mamumuhay sa madilim na mundo nito ngayon. Sasamahan niya ito kahit katangahan ang kaniyang gagawin. Masisisi ba niya ang kaniyang puso kung nagmahal lang naman ito?Nagbago ang dating kilala niyang Audric. Kung dati ay malambing ito sa kaniya at tinatrato siyang nakakabatang kapatid, ngayon ay hindi. Nag-iba ang ugali ng lalaki at lagi itong mainit ang ulo. Minsan ay nagwawala ito sa loob ng kanilang silid at siya ang taga-sunod ng mga kalat mula sa pagwawala nito.Minsan naman ay naririnig niya itong umiiyak at kasunod niy
MAGANDANG umaga ang bumungad kay Ffion sa araw na iyon. Tulad ng kaniyang nakagawian bilang asawa ni Audric, hinanda niya ang susuotin nito at agad siyang nagtungo sa kusina. Magluluto siya. Magluluto siya kahit pa paulit-ulit na masayang iyon at basurahan ang nakikinabang. At masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang luto ngayon umaga. Hindi sunog ang tocino pati ang itlog. Mas lalong naging masigla ang kaniyang araw nang kainin ito ni Audric. Walang reklamo na lumabas sa bibig nito at inisip niyang nagustuhan nito ang kaniyang hinandang almusal sa umagang iyon. Kahit papaano, masaya siya na maganda ang gising ngayon ni Audric dahil sabay sila ngayon na kumakain."How's your hand?"Natigilan siya nang magtanong ito. Nagtaas siya ng tingin at tumingin sa kaniyang gwapong asawa na kahit bulag ito, wala pa rin nagbago. Nagsimula rin humaba ang buhok nito pati ang balbas nito pero gwapo pa rin sa paningin niya si Audric. "O-okay naman.""Hindi masakit?"Nakagat niya ang labi. Pinigil niyan
Ivony is wild, hot and dangerous. While Ffion, is sweet, innocent and fragile. Mga katulad ni Ffion ang babaeng hindi niya nagugustuhan pero exemption ito dahil matalik na kaibigan niya ang babae at kababata. Niligtas siya nito noon mula sa isang malaking aso na muntikan siyang kagatin. He's 12 years old that time at 7 years old ito. Baguhan pa sa Maynila at wala pang kaibigan.Si Ffion ang humarap sa aso at sinabihan nito ang aso na umuwi na at huwag siyang saktan. Himalang nakinig ang aso at tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa at simula noon, naging magkaibigan sila. Simula rin noon, naging attached sa kaniya si Ffion. Iisang school sila ng pinapasukan at palagi ito sa kaniya tumatakbo 'pag may nambubully rito. Siya ang naging sandalan at takbuhan ng lahat ng babae at sa kaniya rin ito unang nasaktan."Huwag kang mag-alala, araw-araw ko kayong aalagaan dito. Hindi ko kaya hahayaan na may isang malalanta.""Ffion—" Natigil sa ere ang kaniyang sasabihin nang mag-ring ang telepono s
"Mukhang malungkot ka yata, Ineng?"Napalingon siya kay Manang Minda. Nasa palengke na sila kasama ang anak nito."Hindi ho, Manang Minda. May iniisip lang po.""Gano'n ba? Kamo, babalik din sa dati si Audric. Tiwala lang, Ineng."Ngumiti lang siya. Alam niyang babalik din ang dating si Audric pero sana 'pag bumalik ang dating ito, natutunan na rin siya nitong mahalin. Mayamaya lang ay na-busy na sila sa pamimili ng stocks nang mahagip ng mata ni Ffion ang isang lalaki na nakatayo sa kalayuan. May hawak itong sigarilyo at suot na sumbrero. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo sabay buga sa hangin.Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Anong ginagawa niya rito? Nag-unahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Kinakabahan siya."Ffion ineng?""Po?" Napatingin siya sa matandang ginang."May gusto ka pa ipabili?"Mabilis siyang umiling. "W-wala na ho." Muli niyang binalik ang tingin kung saan nakita niya ang lalaki. Wala na ito roon. Mas lalo siyang kinabahan sa isipi
"Ffion?" Napasinghap siya nang marinig niya ang boses ni Audric. Nasa sala ito. Ngumisi naman si Lorenzo at sumenyas sa kaniyang aalis na ito. "Hindi ko nagustuhan ang nakikita ko..." Tumawa ito ng walang ingay at matalim siyang tiningnan. Agad itong tumalikod nang nasa bukana ng pintuan ang kaniyang asawa, nakatayo."A-audric!" Nagkukumahog siyang lumapit sa lalaki. Abot-abot ang kaniyang kaba at nagpapasalamat siya ng wala na si Lorenzo at nakaalis na ito. Huwag na sana itong bumalik at magpakita pa sa kaniya. "Sino ang kausap mo?""W-wala. Mga halaman ko lang at... nakawala ang isang alaga kung kuneho." Nakagat niya ang kaniyang labi. Hindi siya sanay magsinungaling sa asawa."Kung nakawala, hayaan mo na ito. Bumili ka na lang ng bago, o kaya naman, bumalik ka na sa Maynila at sa pamilya mo," walang kaemosyon saad ni Audric at agad na tumalikod. Lumabas lang ito para tanungin siya kung sino ang kaniyang kausap."S-sige, bibili ako ng bago." Napahinga siya ng maluwang. Nagpapasala
"Hey bud!"Natigil si Audric sa pagpipinta nang kumatok si Lucas sa pintuan ng silid kung saan siya seryusong nagpipinta na walang nakikita kundi ang kaniyang imahinasyon."Come in."Narinig niyang bumukas at sumara ang pintuan. Pumasok si Lucas napahanga ito. "I didn't know that you are good in painting!""I'm glad you are here."Tumawa lang ito at inakbayan siya. "Same here."Tumango lang si Audric at tumayo. Inayos niya ang mga praint brush at mga kulay na ginamit na hinidi niya nakikita. "Ngayon nandito ka, I have a few things to ask. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.""Yeah, about that man who did this to you... wala pa rin akong lead. Pinapahanap ko pa rin sa mga tauhan ni Dad. But don't worry bud, mahahanap at mahahanap ko ang taong gumawa nito sa'yo and I will put him in jail till he rots in hell."Nagkibit lang siya ng balikat at humarap sa kaibigan. Tapos niya ng iligpit ang kaniyang mga gamit. "Hindi iyan ang paksa ko, Lucas.""Hindi?""It's about my wife, Ffion."Ilang se
Hindi sumagot si Audric. Tumayo lang siya at marahan humakbang patungo sa bintana na nasa kanang bahagi niya. Mula roon, naramdaman ni Audric ang malamyos na hangin na sumalubong sa kaniya. Naririnig niya ang mahinang sigok ng babae pero wala siyang ginawa para patigilin ang pag-iyak nito ngayon. Dahil tama si Ffion, kaya niya pinapunta rito si Lucas para ang kaibigan niya na ang bahala sa babae at dalhin ito pauwi pabalik ng Maynila. "Gusto kong mapag-isa, Ffion.""P-pero bakit? B-bakit mo ako kailangan itulak papunta kay Lucas kung alam mo naman na hindi ko siya magagawang mahalin ng mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo."Napailing siya sa narinig. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ffion? Ilagay mo ang sitwasyon mo sa kinatatayuan ko, hindi rin kita magawang mahalin dahil hindi ikaw ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ngayon, ang gusto ko ay mapag-isa rito sa Villa. Sumama ka kay Lucas pabalik ng Maynila.""Ayuko.""At sa tingin mo mamahalin kita sa pagmamatigas mo, Ffion? Hinid. Kaya h
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!