"Hey bud!"Natigil si Audric sa pagpipinta nang kumatok si Lucas sa pintuan ng silid kung saan siya seryusong nagpipinta na walang nakikita kundi ang kaniyang imahinasyon."Come in."Narinig niyang bumukas at sumara ang pintuan. Pumasok si Lucas napahanga ito. "I didn't know that you are good in painting!""I'm glad you are here."Tumawa lang ito at inakbayan siya. "Same here."Tumango lang si Audric at tumayo. Inayos niya ang mga praint brush at mga kulay na ginamit na hinidi niya nakikita. "Ngayon nandito ka, I have a few things to ask. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.""Yeah, about that man who did this to you... wala pa rin akong lead. Pinapahanap ko pa rin sa mga tauhan ni Dad. But don't worry bud, mahahanap at mahahanap ko ang taong gumawa nito sa'yo and I will put him in jail till he rots in hell."Nagkibit lang siya ng balikat at humarap sa kaibigan. Tapos niya ng iligpit ang kaniyang mga gamit. "Hindi iyan ang paksa ko, Lucas.""Hindi?""It's about my wife, Ffion."Ilang se
Hindi sumagot si Audric. Tumayo lang siya at marahan humakbang patungo sa bintana na nasa kanang bahagi niya. Mula roon, naramdaman ni Audric ang malamyos na hangin na sumalubong sa kaniya. Naririnig niya ang mahinang sigok ng babae pero wala siyang ginawa para patigilin ang pag-iyak nito ngayon. Dahil tama si Ffion, kaya niya pinapunta rito si Lucas para ang kaibigan niya na ang bahala sa babae at dalhin ito pauwi pabalik ng Maynila. "Gusto kong mapag-isa, Ffion.""P-pero bakit? B-bakit mo ako kailangan itulak papunta kay Lucas kung alam mo naman na hindi ko siya magagawang mahalin ng mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo."Napailing siya sa narinig. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ffion? Ilagay mo ang sitwasyon mo sa kinatatayuan ko, hindi rin kita magawang mahalin dahil hindi ikaw ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ngayon, ang gusto ko ay mapag-isa rito sa Villa. Sumama ka kay Lucas pabalik ng Maynila.""Ayuko.""At sa tingin mo mamahalin kita sa pagmamatigas mo, Ffion? Hinid. Kaya h
Isang linggo ang dumaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Audric. Hindi rin siya nito napilit na umalis kasama si Lucas. Nagpaalam na rin ang lalaki pero nangako itong babalik agad. May aasikasuhin lang daw itong kaso. Isang attorney si Lucas at may sarili itong firm na pinapatakbo. Hindi rin basta-basta ang pamilyang pinagmulan ng binata, mayaman ang pinagmulan nito at linya ito ng mga attorney at pulis.Isa sa hindi niya nakalimutan na sinabi ni Lucas ay ang hanapin minamadali nitong hanapin ang taong gumawa kay Audric. Ang sabi nito, oras na malaman nito kung sino ang taong nasa likod ng pagkabulag ng kaniyang asawa, paparusahan nito. Dahil hindi raw siya maghihirap din ng ganito kung una-una hindi nabulag ang mata ni Audric.May punto si Lucas. Wala siya sa tabi ng kaniyang asawa ngayon kung hindi ito nabulag. Nasa bisig ito ni Ivony at dapat sana masaya ang dalawa ngayon. Pero dahil sa isang pangyayari, nawala lahat iyon. Nawala para sa lalaki pero para kay Ffion, isa iy
Pinigil niyang huwag mapaiyak sa sakit. Pakiramdam ni Ffion, namaga ang kaniyang mukha lalo na at malakas ang pagkakasampal sa kaniya ng Donya."Magsalita ka Ffion kung ayaw mong masaktan! Saan at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa bahay na ito?! Hindi mo ba ako kilalang babae ka, ha? Ako si Donya, Vilma Gasis Villanueva. Ang Ina ng lalaking tagapagmana ng Villanueva at ito ang gagawin mo sa'kin, p*****a ka!" Nameywang ang isang kamay nito at ang isang kamay ay pumapaypay sa sarili nito. "Saan ang aircon ng bahay na ito! Ang init. Ang yaman-yaman ng pamilyang meron kami tapos walang aircon sa bahay na ito?" Naglibot ito ng tingin at napaismid. "Ano? Yuyuko-yuko ka lang diyan? Kunan mo ako ng maiinom at kanina pa ako nauuhaw sa byahe, ingrata ka!"Kaagad siyang tumalima nang sabihin ito ng Donya. Hawak-hawak niya ang pisnging sinampal nito at aaminin niya o hindi, masakit ang pagkakasampal ng Donya.Kaagad siyang kumuha ng pitsel sa ref at isang baso. Nagsalin siya roon at sak
"B-bakit ayaw mong magpa-opera?" Parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan nang tanungin niya ito. Sa silid nilang mag-asawa sila nagtungong dalawa. Hawak-hawak pa rin nito ang kaniyang kamay at ginigiya siya nto papasok sa loob."Dahil ayuko.""Bakit?""Dahil walang rason, Ffion. Walang rason para makita ang masayang mundo kung ang totoo, hindi ako masaya. Ano ba ang halaga ng paningin kung hindi ko naman nakikita ang babaeng sanay nasa tabi ko ngayon at hindi ikaw."Ouch! Mariin siyang napakagat ng labi para hindi pumiyok na kausap ang lalaki. Ayaw na ayaw ni Audric na umiiyak siya. "Kung gano'n, habang-buhay ka na lang ganito?""Bakit, hindi ba at dahil sa kapansanan kong ito... kaya ka nandito at pinakasalan? Sa tingin mo ba, kung kompleto ang dalawang mata ko, ikaw ang dapat sa katayuan ni Ivony?" Mapakla itong natawa at binitawan ang ang kaniyang kamay. "Anong pinaglalabanan mo ngayon, Ffion? Bakit hindi ka na lang magsaya na kasama mo ako sa Villa na ito? Tutal ayaw mo
PINILIT na ipikit ni Ffion ang kaniyang mata kinagabihan. Wala si Audric, mamaya pa ito papasok sa kanilang silid kapag nasigurado na nitong tulog na siya at kuha niya na ang bagay na iyon. Gano'n ang set-up nila lagi mag-asawa.Masakit na masakit ang kaniyang ulo at para itong mabibiyak. Mainit din ang kaniyang katawan kahit tapos na siyang uminom ng isang pirasong paracetamol. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya dinadalaw ng antok. Mailap ito sa kaniya na parang isang hayop. Gusto niya ng magpahinga mula sa nakakabaliw na pangyayari sa araw na ito. Ito yata ang dahilan sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya ng Donya o sa takot na nararamdaman niya kay Lorenzo. Alinman sa dalawa, hindi niya na ito pinansin. Hinihiling niya na sana ay makatulog na siya at maaga pa siya bukas para paghandaan ang lalaki.Nagpasya siyang bumangon at kasunod niyon ang pagsigid ng sakit sa ulo niya. Mainit na mainit ang kaniyang balat at para siyang napapaso sa sarili niyang init. Hindi naman siguro siya
"Adi!" Awtomatikong napabangon si Ffion sa kanihihigaan. Mabilis siyang napalingon sa kaniyang tabi, wala ang lalaki. Napatingin din siya sa bintana, umaga na!No! no! Baka gutom na siya. Nagmadali siyang bumaba ng kama. Ang pangit ng kaniyang panaginip! Nagkasakit daw siya at nawalan ng malay sa banyo. Si Audric din daw ang bumuhat sa kaniya at buong gabi siyang binantayan.Saglit siyang natigilan nang makitang ibang oversize shirt ng kaniyang asawa ang suot niya. Mas lalo pa siyang nagulat nang makitang wala siyang underwear na suot kundi boxer short ni Audric!Gusto niyang pawian ng ulirat nang maalalalang hindi pala siya nanaginip. Kundi totoong nagkasakit siya at ang asawa niya ang nagpalit sa kaniya ng damit?!Kaagad na kumalat kahihiyan sa kaniyang magkabilang pisngi pero nang maalalang wala naman pala itong nakikita ay nakahinga si Ffion ng maluwang. Pero bakit nakadama siya ng panghinayang nang maalalang wala man lang itong nakita sa kahit anong parte ng katawan niya?Ffion!
"I'm ready." Napakislot si Ffion. Parang kabayong nagsikarerahan ang kaniyang puso nang dumapo ang kaniyang tingin sa lalaki. Tapos na itong maligo. Suot nito ay kulay abuhin na t-shirt at itim na casual shorts. Bawat damit nito ay naka-arrange sa closet kung ano ang kulay. Inaarrange niya iyon dahil ito ang gusto ng ni Audric."Hey?""Oo!" Napaigtad siya. hindi pa rin siya makapaniwala na niyayaya siya nitong mamamsyal sila sa labas ngayon. "Wait lang ha, kukunin ko lang ang phone ko—""No need. Gusto ko na walang isturbo sa pamamasyal natin."Namula naman ang kaniyang pinsgi. Ito na ba? Ito na ba 'yong sign na hinihingi niya na tuluyan na siyang mapansin ng lalaki?"Let's go? Habang hindi pa mainit.""S-sige..." Lumapit siya rito para sabay silang lumabas ng gate. Nagdalawang isip siya kung hahawakan ba niya ang braso ni Audric o hindi. Nalilito siya kung aalalayan ba niya ito ngayon lalabas sila ng bahay though my folding blind stick itong hawak sa kanan kamay. "Here." Naglahad it
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!