Share

Kabanata 23

Lumakad si Sandy ng lumakad hanggang sa huminto siya sa mga likuran ng mga tao na gustong makita ang aksidente. Mayroon na kasing harang mula sa kotse. Sumilip si Sandy, pero sa tangkad ng mga tao sa harap niya ay hindi niya makita kung ano ang lagay ng tao sa loob ng kotse.

Sumingit si Sandy sa gitna ng mga tao kahit naiipit na siya. Nang tuluyan siyang makalagpas ay napahinga ng maluwag, ang hirap makisiksik kung lalo pang sinisiksik ng mga tao. Nang mapatingin siya sa kotse ay bahagyang nanlaki ang mata niya, grabe rin ang wasak ng kotse sa gawing ng pinto ng driver, kaya siguro nasabi ng dalawang lalaki na naipit ang tao sa loob.

Inangat niya ang dilaw na warning sign, pero agad na may pumigil sa kanyang isang police.

"Hindi puwedeng pumasok, miss."

"Doctor ako, ako muna ang tutulong habang wala pa ang emergency vehicle dito."

Tiningnan ng police si Sandy mula ulo hanggang paa, mukhang hindi ito naniniwala. Napaismid si Sandy, kinuha niya ang ID niya na nagpapatunay na ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status