Napahimas na lang sa batok si Amando at bahagyang napapikit. "Oo alam kong magkaiba 'yon, pero iba naman kami. Pamilya mo kami, Sandy. Huwag sanang balutan ng yelo ang puso mo, puwedeng magpatawad anak." Tumitig si Sandy sa daan palabas ng dining area. "Hindi ko pa kayang ibigay 'yon para sa inyo, ama. 26 years akong naghintay ng pagmamahal mula sa inyong dalawa ni ina, hindi niyo man lang ako nabuhat ng matagal dahil iniwan niyo ako kay lola, tapos kayo ay umalis ng hindi ako kasama. Bumabalik lang kayo pag may kailangan tapos aalis ulit!" Ang seryosong mukaha ay napanatili ni Sandy, pero ang mata niya ay hindi maitatago ang sakit na nadarama sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Kaya kung hihingin niyo sa akin ang kapatawaran. Hindi pa ngayon, ama. Maaaring magpatawad ako... maaring hindi." Iniwan ni Sandy si Amando na nakatulala habang may luhang pumatak sa pisngi nito, habang si Amara ay sinundan lang ng tingin si Sandy habang paalis ng dining na may mukha na hindi mab
Lumingon si Amando kay Sandy na may nagtatakang mukha. "Nagkita lang kayo kagabi. Bakit gusto mo na ulit makausap ang anak ni Celeste?" Bumuntong-hininga si Sandy at tumingin sa kalangitan. "May kailangan lang akong tanungin sa kanya, ama." "Ano naman iyon?" "Gusto ko na ako ang humawak sa mga dokumento na kailangan kong pag-aralan para muling makalakad si Dwight." "Pasensya na anak. Saang ospital ka nga pala nabibilang?" Napangiti ng maliit si Sandy. "Wala akong ospital na kinabibilangan, ama." Nagsalubong ang kilay ni Amando. "Paanong nangyari 'yon?" "Ako ay doctor na tinatawagan lamang kung may emergency o malala ang kalagayan ng pasyente. Kaya ko nasabing wala akong kinabibilangan na ospital ay dahil hindi naman ako permanente doon, at isa pa pinipili ko lang ang gusto kong pagalingin gamit ang kamay ko." "Hindi naman ata maganda ang ganon, Sandy. Ang obligasyon mo ay hindi dapat namimili." Tumayo si Sandy at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kanyang ama. "Mahihirap,
Hinawakan ni Dwight ang gulong ng wheelchair nito at pinagulong iyon para mapalapit kay Sandy. Nagsalubong naman ang kilay ng dalaga dahil mas malapit na ang binata sa kanya. "Nagmamadali ka ata? Kagabi mo lang sinabi ang tungkol sa pagtulong mo, kaya wala pa sa kamay ko ang dokumento na hinahanap mo."Napaiwas ng tingin si Sandy. Nagmamadali nga ba siya o sadyang tinatawag na siya ng tungkulin niya para makatulong at maresolba agad ang problema ni Dwight? "Hindi naman, pero dahil mahirap ang case mo ay kailangan kong pag-aralan ng mabuti ang lahat bago kita irekomenda sa ibang doctor." Tumingin si Dwight kay Sandy habang magkasalubong ang kilay nito. "Irekomenda sa ibangdoctor. Tama ba ang narinig ko?" Napabuntong-hininga si Sandy. "Oo tama ang narinig mo. Tutulungan lang kita tungkol sa medical records mo, pag napag-aralan ko na at nakuha ang tamang gawin ay saka kita irerekomenda sa ibang doctor, kung ang naiisip mo ay kung sakali na operahan ka ay ako ang doctor mo. Pasensya
Nagkibit-balikat si Dylan nang mawala na sa paningin niya ang kotse nila Sandy. Pumasok siya sa loob at nadatnan ang kuya at ina niya na nasa sala habang magkaharap ang mga ito. "May meeting ba kayo?" tanong ni Dylan. "Wala naman. Meron lang naging bisita ang kuya mo," sagot ni Celeste. "Sino?" "Si Sandy, ang mapapangasawa ng Kuya Dwight mo." Lihim na napangiwi si Dylan. Matutuloy pa rin pala ang kasal kahit na galing lang sa probinsya ang babaeng iyon. "Tuloy pa rin pala ang kasal." Kumunot ang noo ni Celeste. "Matutuloy talaga iyon kahit anong mangyari. Ayaw mo bang ipakasal ang kuya mo sa kapatid ni Amara?" Si Dwight ay nanatiling tahimik habang nakatingin sa kapatid nitong si Dylan. "Labas na ako diyan, Ma. Basta pag nauwi sa hindi magandang pangyayari ang pagpapakasal na 'yan, ewan ko na lang." Tinalikuran ni Dylan ang kanyang ina at kuya habang may mukhang nalilito si Celeste. "Dylan!" tawag ng malakas ni Celeste, pero hindi na lumingon pa si Dylan hanggang sa mawal
"May pera ka man ngayon, nakatapak ka pa rin sa lupa. Pare-parehas lang tayo kahit mayaman pa ang isang tao— sandali hindi nga pala tayo parehas, dahil masama ang ugali mo kaysa sa sinasabi mong mahihirap." "Talaga bang iyan ang magiging pag-uusap natin ha! Ano, mas pinapaboran mo ang mga taong iyon kaysa sa sarili mong kadugo!" Tumaas ang dalawang kilay ni Sandy. "Mas pipiliin ko na sila, kaysa sayo." Lumakad si Sandy, pero hinagip siya ng kamay ng kanyang ina at handa sanang sampalin muli sa pangalawang pagkakataon, pero hindi natuloy dahil pumasok sa bahay si Amando. "Dolores!!" may himig na galit ang boses ni Amando. Tinulak ni Dolores si Sandy ng mahina. "Ano na naman bang pinag-aawayan niyo at pagbubuhatan mo na naman ng kamay ang anak mo?!" "Ito..." Dinuro ni Dolores ang noo ni Sandy. "Masyadong matabil ang dila nitong panganay mo. Nakakakulo ng dugo sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya!" Hinawi ni Sandy ang daliri ni Dolores ng malakas, kaya gulat itong napating
Tiningnan ni Sander si Sandy ng matagal bago ito umupo sa kahoy na upuan malapit sa bintana. "Ayos naman," maikling saad ni Sander. Binaba ni Sandy ang mangkok sa lamesa at umupo na nakaharap kay Sander. "Alam kong ngayon lang tayo nagkita o magkakausap, pero huwag mo sanang masamain nag itatanong ko. " Naghintay si Sandy ng sagot mula kay Sander, pero katahimikan lang ang natanggap niya. "Bakit hindi mo pinagpatuloy ang pag-aaral?" Malungkot na tumingin si Sander kay Sandy, hanggang sa dahan-dahan niting binaba ang mata at tumigil ang paningin sa sahig. "Matanda na ako para magpatuloy pa sa pag-aaral." "Wala sa edad ang edukasyon, Sander. Kaya mo pang magtapos kung sakali na babalik ka ulit sa pag-aaral ngayon." Umiling si Sander. "Hindi ko na kaya ang pangkukutya na makukuha ko mula sa magiging kaklase ko na mas bata sa akin. Ayos naman ang buhay ko ngayon. Pinapakain at binibigyan naman ako ng pera." "Pagmamahal at pag-aalaga, meron bang binibigay sayo ang ating magulang?"
Sa kabilang banda, maliit na napangiti si Dwight habang nasa tenga niya pa ang telepono. Binaba niya iyon at tinitigan ang screen. Sinubukan lang naman ni Dwight tawagan ang numero ni Sandy, pero hindi niya magagawa iyon kung hindi nalaglag sa kanyang ina ang papel na binigay ni Sandy. Mas mainam na meron din siyang numero ng telepono ni Sandy, para na rin sa mga pag-uusapan nila tungkol sa monitoring ng mga paa niya. Tumingin si Dwight sa orasan. Hindi siya makatulog kaya umabot na siya sa ganong oras, ala-una. Uminom naman siya ng gamot, pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Tumingin muli siya sa screen ng telepono niya, pero bahagyang nagulat siya ng biglaang umilaw iyon. Ang numero ni Sandy ang nasa screen dahil naka-save na iyon sa kanya. Sinagot niya iyon, pero hindi siya nagsalita. "Maaari ko bang malaman kung sino ka? Baka may kailangan ka sa akin at kilala kita" tanong ni Sandy sa kabilang linya. Kailangan na bang magpakilala ni Dwight, parang may ibig sabihin naman k
Napahinto si Amara sa pagpasok ng bahay. Lumingon siya kay Sandy na nakatingin sa ibang direksyon, pero alam niya na para sa kanya ang sinabi nito. "Pakialam mo ba kung umuwi ako." Napataas ng isang kilay ni Sandy at tumingin kay Amara. Alam na alam talaga kung saan ito nag-aaral base sa uniform nito. "Hindi pa oras ng uwian." Tumingin si Sandy sa kalangitan. "Hindi rin naman masama ang panahon para magkansela ng klase." "Hindi ako uuwi kung hindi nagkansela ng klase. Puro ka kasi salita!" Handa na sanang lumakad muli ni Amara nang magsalita muli si Sandy, "Baka naman lumiban ka sa klase mo." Nanlilisik ang mata ni Amara na tumingin kay Sandy. Nagmamadali pa itong makalapit. "Puwede bang huwag kang makialam sa gingawa ko. Sino ka ba para pagsabihan ako?! "Tanong mo sagot mo rin. Sino nga ba?" Nagtitimping kumuyom ang kamao ni Amara. "Hindi kita binigyan ng permiso para tanungin ako ng kung ano. Kaya huwag na huwag ka ulit manghihimasok sa buhay ko!" Ngumisi si Sandy. "At si