Share

Kabanata 11

Hinawakan ni Dwight ang gulong ng wheelchair nito at pinagulong iyon para mapalapit kay Sandy. Nagsalubong naman ang kilay ng dalaga dahil mas malapit na ang binata sa kanya.

"Nagmamadali ka ata? Kagabi mo lang sinabi ang tungkol sa pagtulong mo, kaya wala pa sa kamay ko ang dokumento na hinahanap mo."

Napaiwas ng tingin si Sandy. Nagmamadali nga ba siya o sadyang tinatawag na siya ng tungkulin niya para makatulong at maresolba agad ang problema ni Dwight?

"Hindi naman, pero dahil mahirap ang case mo ay kailangan kong pag-aralan ng mabuti ang lahat bago kita irekomenda sa ibang doctor."

Tumingin si Dwight kay Sandy habang magkasalubong ang kilay nito. "Irekomenda sa ibangdoctor. Tama ba ang narinig ko?"

Napabuntong-hininga si Sandy. "Oo tama ang narinig mo. Tutulungan lang kita tungkol sa medical records mo, pag napag-aralan ko na at nakuha ang tamang gawin ay saka kita irerekomenda sa ibang doctor, kung ang naiisip mo ay kung sakali na operahan ka ay ako ang doctor mo. Pasensya
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status