Share

Kabanata 2

Author: red_berries
last update Huling Na-update: 2024-08-24 02:13:13

Sa tono ng boses ni Dolores ay hindi mapagkakaila na sobra-sobra ang pagmamayabang nito sa narating ni Amara. Tumingin muli si Sandy sa kanyang kapatid. Mula ulo hanggang paa, halatang hindi napabayaan, hindi katulad niya na simple lang ang pananamit at ang kutis ng balat ay hindi naman gaanong kaputian. Ngayon alam na niya kung bakit mas gusto ng kanyang ina na makilala siya na nagtapos sa paaralan na iyon, dahil kay Amara.

Lumapit na sa si Amara sa kinatatayuan ni Dolores at Sandy. Huminto ito sa tapat nila.

"Mommy! Mabuti at umuwi na kayo ni Daddy."

Ngumiti naman si Dolores at hinawakan ang mukha ni Amara ng may pag-iingat. "Sabi ko naman sayo na hindi kami magtatagal doon. Halika na sa loob."

Lumakad ang mga ito at naiwan si Sandy sa tabi ng kotse. Nanatili siyang nakatitig sa mga ito habang palayo at papasok sa malaking bahay. Malungkot siyang napangiti. Hindi ata naalala ng kanyang ina na meron siyang isa lang anak na dinala rito para ipakilala sa paborito nitong anak.

"Sandy. Halika na sa loob." Ngumiti ang kanyang ama sa kanya bago ito nagsimulang lumakad, mabagal, at mukhang hinihintay talaga na magsimula siyang lumakad at sabay silang makapasok sa loob ng bahay.

Pagtuntong ni Sandy sa loob ay gumalaw agad ang ulo niya para tingnan ang buong sala. Sa pagbaba ng kanyang paningin ay nakita niya ang kanyang ina na kasama si Amara na nakaupo sa malambot na upuan habang inaayos ang buhok nito.

"Amara," tawag ni Amando sa anak nito.

Lumingon naman si Amara at tumingin sa gawi nila Sandy na hindi masabi kung ano ba ang itsura ng mukha nito, at kung ano ang ibig sabihin ng mata nito na nakatingin sa kanila.

"Hindi mo ba babatiin man lang ang iyong kapatid?"

Tumingin si Sandy kay Amara, pero walang salita ang lumabas sa bibig nito. Mukhang hindi ito masaya o sadyang nasanay ito na walang ibang anak ang kanilang magulang.

Tumayo si Dolores at lumapit kay Sandy. "Hindi pa siya sanay, kaya kailangan niyo pang kilalanin ang bawat isa. Sa ngayon, halika ka at ituturo ko na sayo ang magiging kwarto mo."

Sumama naman kaagad si Sandy sa kanyang ina, pero bago iyon ay lumingon muna siya kay Amara bago muling humarap sa nilalakaran nila. Sa ilang taon ba na lumilipas hindi ba siya kinokwento ng kanyang magulang sa kapatid niya? Hindi man lang ito nagalak na narito na siya at makakasama na nila, o sadyang natuon sa trabaho ang kanyang magulang kaya hindi nagkaroon ng araw na sabihin ang tungkol sa kanya. Sabagay, hindi rin naman niya alam na darating ang panahon na magkikita sila, maging ang kanilang magulang.

Binuksan ni Dolores ang isang kwarto, pag pasok sa loob ay agad na hinarap ni Dolores si Sandy.

"Huwag kang mahiya na magsabi kung may kailangan ka, Sandy."

"Okay. Salamat." Tinalikuran ni Sandy ang kanyang ina para ayusin na ang kanyang dalang gamit.

May bumadha na pait sa mukha ni Dolores sa kung paano siya kausapin ng kanyang panganay na anak na si Sandy. Hindi niya ito masisisi dahil matagal niyang hindi ito nakasama. Naging busy sila ni Amando sa pagpapalago ng negosyo, kaya bukod tanging kay Amara natuon ang atensyon din nila, at sa totoo lang, halos nakalimutan na niyang meron pa siyang isang anak, maging ang dapat na pagmamahal na binibigay niya dito ay parang kay hirap ng ibigay, dahil nasanay siyang isa lang ang nakakasama niyang anak.

Makakabuti rin naman ang gagawin nya sa pagpapakasal ni Sandy sa anak ng mga Montemayor na si Dwight, ang lalaking hindi na muling makalakad pa, dahil sa aksidente naging paralisado ang kalahati ng katawan nito. Hindi niya kayang si Amara ang mapangasawa ni Dwight, kaya si Sandy ang susubukan niyang ilapit sa mga ito para ipakasal. Sa estado ng naging buhay ni Sandy sa probinsya ay mas magiging maayos ang buhay nito sa oras na ikasal na ito kay Dwight. Sa paraan na lang na iyon siya puwede sigurong makabawi sa hindi niya pag-aalaga kay Sandy. Magiging marangya naman ang buhay nito sa piling ni Dwight Montemayor.

"Magpahinga ka muna, Sandy. Mamaya ay may pupuntahan tayo."

"Okay."

Umalis agad si Dolores sa kwarto, at kahit hindi nito sabihin, alam ni Sandy kung saan sila pupunta, sa bahay ng mga Montemayor. Batid din niya na may kapansanan ang anak ng mga Montemayor dahil na rin sa napanood niya sa balita sa telebisyon. Hindi naman talaga siya sumama dito para lang makasama ang magulang niya, ang anak talaga ng mga Montemayor ang dahilan kaya siya napilitan na sumama sa lugar na ito.

Bumukas muli ang pinto ng kwarto, at sumilip ang kanyang ina roon.

"Yung sinabi ko sayo, Sandy. Sundin mo na lang ang gusto ko para maging okay tayong dalawa. Alam kong pagsisinungaling iyon, pero mas mainam na iyon ang sabihin mo sa mga Montemayor."

Muling sinara ni Dolores ang pinto, at naiwan si Sandy na nakatingin sa nakasarang pinto. Tumayo siya at lumapit sa bintana. Halos palubog na rin ang araw. Inangat niya ang dalawa niyang kamay na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang panginginig dahil sa pagkamatay ng kanyang lola. Iyon ang naging dahilan kung bakit nararanasan niya ito ngayon. Handa na ang lahat noon, dahil siya mismo ang gagawa ng operasyon, kung paano siya naging handa, saka naman bumitaw ang lola niya at iniwan siya ng tuluyan na wala ng balikan.

Kumuyom ang kamao ni Sandy, dahan-dahan na binaba iyon at tumingin sa labas ng bintana habang may konting pamamasa sa kanyang mata. Kalaunan ay nagpahinga si Sandy sandali habang nakahiga sa kama.

Samantala, si Amara naman ay nanatili sa sofa habang hawak nito ang kanyang telepono. Sa yaman ng pamilyang Montemayor hindi maitatago na merong papakasalan ang anak nila na si Dwight sa pamilyang Rivera, at iyon nga ay si Sandy. Ngunit ang lahat ay may agam-agam sa kung ano nga ba ang itsura ng pakakasalan ni Dwight. Napahinto sa pagtipa sa kanyang telepono si Amara. Ngumisi ito ng maliit bago tumayo at pumasok sa sarili nitong kwarto.

Sa kabilang banda naman ay humahangos ang isang lalaki papunta sa isang kwarto.

"Mom, meron kang dapat malaman!"

Napakunot naman ang noo ng ina nito na si Celeste. "Ano 'yon?"

"Hindi ba't meron kayong gustong ipakasal kay kuya sa pamilyang Rivera? May nagsabi na hindi naman gaanong kahali-halina ang itsura ng panganay na anak ng mga Rivera. Huwag niyo ng ituloy ang kasal kung ganong babae lang naman ang mapapangasawa ni Kuya Dwight!"

"Huwag kang makisali rito, Dylan. Labas ka sa usapin na 'yon. Mabuti pa't bumalik ka na lang ng kwarto mo."

Umalis si Celeste sa kwarto niya at naiwan ang anak nitong si Dylan na may pagtataka sa mukha.

Kaugnay na kabanata

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 3

    Habang naglalakad si Celeste ay nakatanggap ito ng isang mensahe. Matagal niyang pinakatitigan ang telepono bago iyon binaba at muling lumakad. Huminto siya sa isang kwarto at binuksan iyon. May kadiliman ang kwarto pero kitang-kita niya ang kanyang anak na si Dwight na nakahiga ng diretso sa kama. Nakapikit ang mga mata nito, pero nang naramdaman sigurong may pumasok ay biglang dumilat. Maganda ang mga mata ni Dwight, ngunit hindi naman makikitaan ng liwanag ang mga mata nito, tila laging walang buhay at puno ng lungkot. Umupo si Celeste sa higaan, sa tabi ni Dwight. Hinimas niya ng dahan-dahan ang kaliwang pisngi ng kanyang anak. "Kailangan mong maghanda, anak. May kailangan tayong harapin na mga tao sa isang pribadong restaurant." "Ang babaeng sinasabi mong kailangan kong pakasalan," walang buhay na sagot ni Dwight. Natigilan man sa sinabi ng anak ay nagsalita muli si Celeste, "Batid mo na gusto ko lang na may mag-aalaga sayo anak. Hindi paurong ang edad ko. Makakabuti ito pa

    Huling Na-update : 2024-08-24
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 4

    Aalis na sana si Dolores nang magsalita si Sandy, "Hindi na ako magpapalit ng damit." Mabilis na lumingon si Dolores na may nanlalaking mata. "Anong sabi mo?" "Hindi na ako magpapalit ng damit. Kung ano ang suot ko ngayon, ito na 'yon." Naisip ni Sandy na bakit kailangang magbihis pa ng maganda. Makikipagkita lang naman sila sa pamilya ni Dwight. Walang nagawa si Dolores dahil hindi naman niya mapapasunod ang anak. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay mapaghandaan ang kasal ni Sandy at Dwight, kaya sila tutungo sa pribadong restaurant. Pagkatapos ng sagutan ni Dolores at Sandy ay tumulak na ang mga ito paalis. Samantala, si Amara ay hinawi ang kurtina at sumilip sa ibaba. Sinundan niya ng tanaw ang paalis na sasakyan. Bago pa man ang pagpunta ni Amara sa kwarto ni Sandy ay tumawag ang kapatid ni Dwight sa kanya upang magtanong ng mga personal na impormasyon tungkol kay Sandy. Sa kabilang banda habang nasa isang pribadong kwarto na sila Dwight na kung saan magkikita-kita ang pamilya

    Huling Na-update : 2024-08-24
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 5

    "Walang magsasabi na normal ang pagsasama kung ang asawa ay may kapansanan, Sandy. Lahat ay magiging kumplekado." Hindi sumagot si Sandy. Tumayo ito at dahan-dahan na pumunta sa kabila kung nasaan si Dwight. Paghinto ni Sandy sa tabi ni Dwight ay inikot niya ang wheelchair nito para makaharap niya ang katawan ni Dwight. "Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Dwight kay Sandy. "Kung bibigyan mo ako ng pahintulot. Maaari ko bang hawakan ang mga binti mo?" Bahagyang nagulat si Dwight sa paghingi nito ng pahintulot, pero hindi naman nagtagal ay sumang-ayon siya. Umupo si Sandy sa tabi niya at unti-unting hinawakan ang paa niya hanggang sa maalis iyon sa pagkakatapak sa paanan ng wheelchair. Inalis nito ang tela at tinabi sa gilid. Pinakatitigan ni Dwight ang ginagawa ni Sandy ngayon, dahil unti-unti nitong pinipisil ang hita niya pataas. "Wala kang nararamdaman?" Umiling so Dwight, kaya nagpatuloy si Sandy hanggang sa hita nito, pero napahawak na si Dwight sa kamay ni Sandy dah

    Huling Na-update : 2024-08-24
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 6

    Tahimik na pinaandar ni Amando ang sasakyan habang nagngingitngit na sa galit si Dolores. Si Sandy naman ay sa bintana lang nakatingin habang bumibiyahe na sila pauwi. Paghinto pa lang ng kotse sa tapat ng bahay nila Sandy ay agad siyang lumabas at lumakad ng walang tigil hanggang sa makapasok siya sa loob, pero may mga kamay na humablot sa braso niya at pilit siyang pinahaharap nito. "Talagang pinanindigan mo ang kabastusan mo, Sandy! Ngayon tayo mag-uusap tungkol sa sinabi mong kasinungalingan kay Celeste!" Matapang na tinitigan ni Sandy ang kanyang ina na puno ng galit ang makikita sa mukha. Ang mata ni Dolores na namumula na rin sa galit na pilit nitong huwag sumabog ng sobra. "Ano bang gusto mong marinig? Nagsabi ako ng totoo sa pamilyang Montemayor. May problema ba 'don?" "Hindi 'yon ang problema rito! Nahihibang ka na ba para sabihin sa pamilya ni Dwight na sa UPCM ka nagtapos ng pag-aaral. Sa Ateneo nga mahirap ng makapasok at makapagtapos doon, tapos ikaw ay may lakas n

    Huling Na-update : 2024-08-30
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 7

    Tumaas naman ang isang kilay ni Amara. "Hindi mo ba alam na may isa pang anak si Mommy? Oh wait...kami nga lang pala dapat ang anak, bigla ka lang sumulpot." Hindi pinansin ni Sandy ang pinagsasabi ni Amara. Mas nakapokus siya kay Sander ngayon, dahil hindi niya alam na meron pa siyang kapatid bukod kay Amara. Napahinto at biglang nanlaki ang mata ni Sander habang nakatingin at nakaturo ang daliri niito kay Sandy. "I-Ikaw si... Ate Sandy?!" sa himig na boses ni Sander ay parang gulat na may halong galak iyon. Gulong-gulo si Sandy sa nangyayari ngayon. Paanong nagkaroon pa ng isang anak ang kanyang ina na hindi niya nalalaman? Ang alam niya lang ay dalawa sila ni Amara, pero bakit kilala siya ng sinasabi ni Amara na bunsong anak ng kanilang ina. "Anong nangyayari rito?" tanong ni Amando nang sumilip ito sa kwarto ni Sandy. Sumagot naman si Amara, "Ito kasing si Sandy dad. Hindi niya ata alam na may isa pa kayong anak. Hindi ba niya alam 'yon o sadyang tanga lang siya sa part na

    Huling Na-update : 2024-08-30
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 8

    Tumango naman si Dwight bilang sagot. Tumayo si Celeste at pumunta sa likod ni Dwight para itulak ang wheelchair nito. Nang nakapasok sila sa kwarto ay agad na nanghingi ng tulong si Celeste para mabuhat si Dwight papunta ng kama at maihiga ito ng maayos. Pagkatapos no'n ay iniwan na rin siya ng kanyang ina para magpahinga. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame ay naalala n Dwight ang itsura ni Sandy. Hindi pansinin ang ganda ni Sandy kung ikukumpara sa babae na nakatira sa siyudad na may kolorete sa mukha. Kailangan munang matitigan ng mabuti ang mukha ni Sandy para makita ang tunay nitong ganda na hindi maikukumpara sa ibang babae. Napansin lang ni Dwight na laging seryoso ang mukha ng dalaga kahit pa may himig na pabiro ang sinasabi nito kanina. Ang maliit na ngiti ni Sandy ang nagpapagulo sa isip ni Dwight ngayon. Ang ngiti na maganda, pero parang pamilyar sa kanya. Kinabukasan.... Hindi nagising ng maaga si Sandy dahil sa sakit ng ulo niya. Hindi rin siya makatulog ng diret

    Huling Na-update : 2024-08-30
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 9

    Napahimas na lang sa batok si Amando at bahagyang napapikit. "Oo alam kong magkaiba 'yon, pero iba naman kami. Pamilya mo kami, Sandy. Huwag sanang balutan ng yelo ang puso mo, puwedeng magpatawad anak." Tumitig si Sandy sa daan palabas ng dining area. "Hindi ko pa kayang ibigay 'yon para sa inyo, ama. 26 years akong naghintay ng pagmamahal mula sa inyong dalawa ni ina, hindi niyo man lang ako nabuhat ng matagal dahil iniwan niyo ako kay lola, tapos kayo ay umalis ng hindi ako kasama. Bumabalik lang kayo pag may kailangan tapos aalis ulit!" Ang seryosong mukaha ay napanatili ni Sandy, pero ang mata niya ay hindi maitatago ang sakit na nadarama sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig. "Kaya kung hihingin niyo sa akin ang kapatawaran. Hindi pa ngayon, ama. Maaaring magpatawad ako... maaring hindi." Iniwan ni Sandy si Amando na nakatulala habang may luhang pumatak sa pisngi nito, habang si Amara ay sinundan lang ng tingin si Sandy habang paalis ng dining na may mukha na hindi mab

    Huling Na-update : 2024-08-30
  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 10

    Lumingon si Amando kay Sandy na may nagtatakang mukha. "Nagkita lang kayo kagabi. Bakit gusto mo na ulit makausap ang anak ni Celeste?" Bumuntong-hininga si Sandy at tumingin sa kalangitan. "May kailangan lang akong tanungin sa kanya, ama." "Ano naman iyon?" "Gusto ko na ako ang humawak sa mga dokumento na kailangan kong pag-aralan para muling makalakad si Dwight." "Pasensya na anak. Saang ospital ka nga pala nabibilang?" Napangiti ng maliit si Sandy. "Wala akong ospital na kinabibilangan, ama." Nagsalubong ang kilay ni Amando. "Paanong nangyari 'yon?" "Ako ay doctor na tinatawagan lamang kung may emergency o malala ang kalagayan ng pasyente. Kaya ko nasabing wala akong kinabibilangan na ospital ay dahil hindi naman ako permanente doon, at isa pa pinipili ko lang ang gusto kong pagalingin gamit ang kamay ko." "Hindi naman ata maganda ang ganon, Sandy. Ang obligasyon mo ay hindi dapat namimili." Tumayo si Sandy at naglakad ng ilang hakbang palayo sa kanyang ama. "Mahihirap,

    Huling Na-update : 2024-08-31

Pinakabagong kabanata

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 99

    Mula sa pagkakatitig sa upuan ay lumipat ang tingin ni Sandy sa lalaki sa harap niya, malabo ito at hindi niya mapagtanto kung sino ang nasa harap niya ngayon at tinawag siya sa pangalawa niyang pangalan. "S-Sino ka?" saad niya habang pinipilig ang ulo dahil may pumipintig na doon. Seryoso ang mukha ni Dylan habang nanatiling nakatayo sa harapan ni Sandy. "Sandy?" "Hmmm." Iyon na lamang ang nasagot ni Sandy dahil nawalan na ito ng malay at pabagsak na sa sahig. Mabuti na nga lang at mabilis na nakalapit si Dylan para yakapin ito nang hindi mabagok ang ulo. Hindi malinaw, pero ang sagot ni Rae sa kanya ay totoo. Si Rae at si Sandy ay iisa lang. Dumating si Dwight sa loob ng bar. Ang bumungad sa kanya sa paghahanap niya kay Sandy ay ang kanyang kapatid na hawak si Sandy habang nakapikit ang dalaga. "Dylan," seryosong saad ni Dwight. Lumingon si Dylan. "Kuya. Mabuti at narito ka na, ito ba ang mapapangasawa mo?" "Paano mo siya nakita rito?" "Mahabang kwento, pero kailangan na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 98

    "Ako pa talaga ang gagawin mong example sa kalokohan mo!" Malakas na binitawan ni Sandy ang buhok ni Alexis, halos gusto na lang gumulong sa sahig ni Alexis sa sakit ng anit niya sa paghila ng buhok niya ni Sandy. "Ang brutal mo talagang babae ka! Kaya ayokong lumalabas ang side mo na 'yan, masyadong palaban, ibang-iba sa isa mong ugali na hindi makabasag pinggan!" "Dapat ko lang ipakita, dahil na-agrabyado ako at alam mo 'yon Alexis." Bukod kay Lady at Sam, isa rin sa nakaka-alam ng estado ng buhay niya sa kanyang pamilya ay si Alexis. Dinaig pa kasi nito ang babae sa pagkausisa kaya na kwento niya ang buong detalye tungkol sa kanyang pamilya. Mukha naman itong katiwala-tiwala, kaya kahit sa maliit na rason ay na kwento niya kay Alexis. Humarap muli ito sa bote ng mga alak na nasa dalawa na ang walang laman, at hindi simpleng bote lang iyon dahil nasa one liter ang bawat isa kaya lasing ng matuturing si Alexis. "Tsk. Bakit kasi gusto mo pang bumalik sa pamilya mo kung hindi k

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 97

    "Mamaya na!" Napatingin tuloy ang ibang tao na nasa cafe sa boses ni Sandy na may kalakasan. Pilit na lang siyang ngumiti bago humarap kay Alexis na may nanlilisik na mata. "Oo. Bukas aalis na ako." Napakamot na lang si Sandy sa ulo niya at nilagok ang tirang kape na malamig na sa kanyang tasa. Dinuro niya ang mukha ni Alexis, pero may kalayuan naman sa mukha nito. "Pag ako talaga napahamak sa pag-aaya mo. Irereto talaga kita sa mga babaeng naghanap ng katulad mo. I-la-lock ko kayo sa isang kwarto at hahayaan ko yung babae na gawan ka ng kahalayan para hindi sayang ang lahi mo!!" Buong lakas niyang sabi kay Alexis kahit pa marinig siya ng ibang tao na katabi lang nila ng table. Umismid naman si Alexis at hinigop ang kape sa tasa nito. "Ang hirap mong hingan ng pabor, baka magkatotoo 'yang sinasabi mo sa akin, pero syempre hindi kita aayain kung mapapahamak ka lang. Magsasaya lang tayo doon." Wala ng nagawa si Sandy kung hindi sumagot ng oo, tutal hindi naman na siya nakatira s

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 96

    Hindi mapuknat ang ngiti ni Dwight kahit nakalabas na sila ng ospital, maging ang driver niya ay nagtataka kung bakit siya nakangiti ng sobra. Lito man ay ginawa na lang ng driver niya ang ginagawa nito sa tuwing isasakay siya sa kotse. "Puwede niyo po ba akong dalhin sa address na 'to?" Pinakita ni Sandy ang address sa driver ni Dwight habang sumasakay ng kotse. "Sige ho." Nang umandar na ang kotse ay saka nagtanong si Dwight, "Anong gagawin mo sa address na pinakita mo sa driver ko?" "May gusto sa aking makipagkita ngayon." Nagsalubong agad ang kilay ni Dwight. "Sino?" "Naging close ko nang mag-stay ako ng ilang araw sa hospital kung saan siya nagtatrabaho." "Babae?" Kunot ang noo ni Sandy na napatitig sa likuran ng upuan ng driver seat. "Bakit mo pa tinatanong kung babae? Paano kung lalaki, sige nga?" Iniwas ni Dwight ang mata niya kay Sandy at nagkunwaring tumitingin sa mga nadadaanan nilang mga kabahayan. "Wala naman akong sinabi. Tinanong ko lang kung babae." "Sa par

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 95

    Napabuntong-hininga na lamang si Dwight a t lumapit kay Sandy. Kailangan pala niyang dumapa at tumihaya, maging ang mga binti niya ay lalagyan ng mga wire kahit pa hindi ito makadama ng kahit ano. Sinimulan ni Sandy na ilagay ang wire sa binti muna ni Dwight kung saan hindi muna nito mararamdaman ang mga kuryente na dadaloy doon. "Subukan muna natin dito sa binti mo habang inaalis mo ang kaba sa iyong dibdib." Nang inumpisahan ni Sandy na i-on ang makina ay nakatitig siya sa mukha ni Dwight, inuna niya sa binti nito para makasiguro muna na wala pa talaga itong nararamdaman, tama naman siya walang reaksyon si Dwight habang nakatitig ito sa itaas. Hindi man lang din ito napangiwi, tinaas niya sa pinaka-high volume ang kuryente sa binti nito pero wala ring reaksyon si Dwight. Nang okay na ang minuto na nilaan niya para sa binti ni Dwight ay nilipat naman niya ang mga wire sa likod ni Dwight. Tinagilid niya muna ito bago tuluyan na idapa ang katawan ni Dwight sa higaan. "Hingang mal

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 94

    Sinunod ni Dwight ang sinabi ni Sandy, sinukat niya ang bigas at ang tubig bago iyon takpan. Si Sandy na ang naglagay sa rice cooker at pinindot iyon para maluto. Mga ilang minuto rin ang itatagal kaya maliligo muna si Sandy. "Dito ka muna. Maliligo lang ako." "Sige." Umalis si Sandy at naiwan sa kusina si Dwight. Lumapit siya sa ref, pero wala pa pa palang frozen food doon. Ang alam niya merong dalang grocery si Sandy kaya hinanap niya iyon sa mga cabinet na abot niya, pero wala doon. Mukhang nasa itaas, bumalik na lang siya sa dati niyang puwesto para hintayin si Sandy. Habang nakatitig si Dwight sa telepono niya ay naglalakad na si Sandy sa likuran niya para tanungin, "Dwight kumakain ka ba ng sardinas?" "Oo naman." "Iyon nalang ang lulutiin ko para dumami. Wala naman kong ibang maluluto kun'di 'yon lang at noodles, pero gusto ko sardinas ngayon kaya teka lang." Naghiwa ng sibuyas at bawang si Sandy at nilagay sa kawali na mainit. Habang ginigisa iyon ni Sandy ay naaamoy na

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 93

    Mahimbing na natutulog si Sandy, Hindi nito naramdaman na may nakapasok sa kanyang kwarto. Ngumiti si Dwight nang makita na tulog pa ang dalaga. Palihim talaga siyang pumasok dahil nasa kanya naman ang mga susi at lalo na ng mga hidden fingerprint sensor sa bahay na ito kaya kahit hindi niya tawagan si Sandy na bukas ang pinto ng bahay ay makakapasok pa rin siya. Lumapit siya kay Sandy na nakalilis pa ang damit hanggang sa ibabaw ng pusod. Inayos iyon ni Dwight at mas lalong lumapit kung nasaan ang ulo ni Sandy. Titingnan niya ang mukha ni Sandy na walang makikita kahit isang pimple, pero may napansin siya sa ilalim ng ilong nito, may manipis na bigote. Pinatong ni Dwight ang dalawang kamay niya sa gilid ng kama ni Sandy upang makapagnakaw ng halik sa labi nito, at nang nagtagumpay siya habang inaalis ang labi niya ay malapad siyang ngumiti dahil hindi pa rin nagising si Sandy. "Sandy, gising na." Bahagyang kumunot ang noo ni Sandy habang nakapikit ang mata, pero pamaya-maya ay n

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 92

    Kinuha ni Dwight ang telepono niya dahil balak niyang tawagan si Sandy at makipag-video call, pero napahinto siya sa wallpaper ng kanyang telepono. Si Sandy na bagong gising habang nakatulala at nakahawak sa ulo. Pinagmasdan muna niya iyon bago tumawag kay Sandy. Taranta naman si Sandy na sagutin ang tumatawag dahill kalalabas lang niya ng banyo at nakatuwalya lang, wala na siyang nagawa nang napindot na niya ang green na button at bumungad na sa screen ang mukha ni Dwight. "Sandy, hindi kita makita." Tinapat na lang ni Sandy sa kanya mismong mukha ang screen ng telepono para hindi makita ni Dwight na nakatuwalya lang siya. "Ang lapit naman masyado ng mukha mo. Hindi ko makita ng maayos." Wala ng nagawa si Sandy, kaya nilayo ng konti ang telepono sa kanya, kaya maging ang kalahati ng katawan niya na may tuwalya ay kita ni Dwight. Napalunok si Dwight at bahagyang umiwas ng tingin nmhabang nagsasalita, "Bakit hindi mo naman sinabi agad? Magbihis ka na muna." Agad namang sumunod

  • The Doctor's Dilemma: Healing Her Billionaire Fiance   Kabanata 91

    "Hindi kita kilala para magpunta rito, pero dahil hindi naman ako busy ay pinagbigyan kitang makausap ako. Ngayon, ano ang kailangan mo sa akin?" "Pasensya na kung nabigla ka sa pagpunta ko rito, pero hihingi sana ako ng tulong mula sayo." "Tulong?" "Oo, para sana sa negosyo namin. Kailangan kasi namin ng malaking pera para muling makausad." Ngumisi si Raul. "Hindi ako ang tamang tao para hiraman mo ng pera, misis." "Utang na loob na lang Mr. Raul. Iyon na lamang po para magpahiram lang po kayo ng pera o makipagsosyo sa amin." Kumunot ang noo ni Raul. "Utang na loob? Hindi nga kita kilala, bakit magkakaroon ako ng utang na loob sayo." Ngumiti si Dolores kahit kinakabahan na siya sa sinasabi niya, "Tanda mo pa ba ang doctor na nakapagpagaling sayo noong na mild stroke ka at hindi mo malakad ang iyong mga paa, ako ang ina ng dalaga na iyon. Na kwento niya rin na kung sakaling may problema ay puwede siyang manghingi ng tulong mula sayo. Kaya ako narito." "Si Doctor Rivera?" "Oo,

DMCA.com Protection Status