Share

Kabanata 4

Aalis na sana si Dolores nang magsalita si Sandy, "Hindi na ako magpapalit ng damit."

Mabilis na lumingon si Dolores na may nanlalaking mata. "Anong sabi mo?"

"Hindi na ako magpapalit ng damit. Kung ano ang suot ko ngayon, ito na 'yon."

Naisip ni Sandy na bakit kailangang magbihis pa ng maganda. Makikipagkita lang naman sila sa pamilya ni Dwight.

Walang nagawa si Dolores dahil hindi naman niya mapapasunod ang anak. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay mapaghandaan ang kasal ni Sandy at Dwight, kaya sila tutungo sa pribadong restaurant.

Pagkatapos ng sagutan ni Dolores at Sandy ay tumulak na ang mga ito paalis. Samantala, si Amara ay hinawi ang kurtina at sumilip sa ibaba. Sinundan niya ng tanaw ang paalis na sasakyan. Bago pa man ang pagpunta ni Amara sa kwarto ni Sandy ay tumawag ang kapatid ni Dwight sa kanya upang magtanong ng mga personal na impormasyon tungkol kay Sandy.

Sa kabilang banda habang nasa isang pribadong kwarto na sila Dwight na kung saan magkikita-kita ang pamilyang Rivera at Montemayor ay may natanggap siyang mensahe.

"Wala kang mapapala sa babaeng pakakasalan mo, kuya. Mangmang ang babae na ipapakilala sayo ngayon, hindi siya nakapagtapos ng college,at higit sa lahat hindi siya maganda!"

Hindi na sana papansinin pa ni Dwight ang mensahe nanggaling sa kanyang kapatid kung hindi nagsalita ang ina niya sa kanyang likuran.

"Naniniwala ka ba sa kanya, anak? Handa ka ba kung sakali na totoo ang sinasabi ni Dylan?"

Napabuntong-hininga si Dwight. "Let's see."

Sa kabilang banda, nakarating na ang pamilya ni Sandy sa pribadong restaurant . Habang naglalakad ang mga ito papasok ay nagsalita si Dolores.

"Tandaan mo Sandy. Sasabihin mong nakapagtapos ka sa Ateneo School of Medicine and Public Health, doon ka rin nag-master's degree. Nagkakakaintindihan ba tayo, Sandy."

Hindi pinansin ni Sandy si Dolores. Patuloy lang ito sa paglakakad hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang pinto. Binuksan ng isang staff ang pinto. Nauna pang pumasok ang kanyang ina bago siya sumunod dito.

Batid ni Celeste na ang pamilyang Rivera na ang papasok sa pribadong kwarto kung nasaan sila ni Dwight kaya naghanda na rin siya para batiin ang mga ito. Makikilala na rin niya ang babaeng makakasama ng kanyang anak habang buhay. Nakangiti na si Celeste bago pa man pumasok ang mga ito, pero unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi nang makita na ng tuluyan si Sandy.

Simple lang ang suot ni Sandy. Kung tutuusin parang pang-bahay lang at walang masyadong special, hindi katulad ng ibang babae na magarbo ang kasuotan.

Napaawang ang labi ni Celeste ng matitigan ang mukha ni Sandy. "I-Ikaw... ba ang anak ni Dolores Rivera."

Biglang sumingit si Dolores upang makausap si Celeste. "Maganda gabi, Celeste. Oo, ito nga ang anak kong si Sandy." Kitang-kita ni Dolores ang itsura ni Celeste, kaya bahagyang napangiti siya. Batid rin niyang hindi rin ito handa na makita ang mukha ni Sandy.

Sa nabasa ni Celeste kanina sa telepono ni Dwight galing kay Dylan ay parang kay layo naman ng description sa anak ni Dolores. Oo at simple ito, pero hindi mapagkakaila na maganda ang nukha ni Sandy.

Humarap si Celeste sa anak niyang si Dwight na hindi nakatingin sa kanila.

"Have a sit," saad niya sa pamilyang Rivera.

Nang nakaupo na si Sandy ay tumingin siya kay Dwight na katapat ng kanyang upuan. Sa transparent na table kitang-kita niya na naka-wheelchair ito at may mukha na seryoso, may tela rin ito na nakapatong sa hita, kahit tela lang ang nakikita niya ay pinasadahan niya iyon ng tingin hanggang sa balakang nito. Nabatid rin ni Sandy na mukhang wala itong interes na narito na sila.

Samantala si Dwight ay hindi komportable sa ginawa ni Sandy na paghagod ng tignin sa kanyang mga binti. Nahuli pa niyang ngumiti ito sa kanya ng mapatingin siya sa dalaga. Lumikot ang kanyang mata at umiwas.

Habang abala ang dalawa na si Dolores at Celeste sa pag-uusap ay parang hindi naman interesado si Sandy at Dwight sa pinag-uusapan ng mga ito. May kanya-kanya silang ginagawa katulad ni Dwight na pinaglalaruan ang hibla ng sinulid sa tela sa hita niya, habang si Sandy ay nakatulala lang sa kawalan.

"Sandy, ikaw daw ay nagtapos na may master's degree sa Ateneo School of Medicine and Public Health, tama ba?"

Sumagot si Sandy na hindi tumutunghay ang kanyang ulo kay Celeste, lalo na sa kanyang ina, "Hindi ako sa Ateneo nagtapos ng pag-aaral."

Gulat naman si Dolores sa sinagot ng kanyang anak . Makikita rin sa mukha ni Celeste ang pagtataka sa sinagot ni Sandy. Hindi na mapakali sa kinauupuan si Dolores sa nakitang pagkabigla sa mukha ni Celeste. Hindi talaga nakikinig ang si Sandy sa lahat ng paalala niya. Magsasalita na sana si Dolores, nang biglang magsalita si Sandy.

"Sa University of the Philippines College Medicine ako nagtapos."

Sa isip ni Dolores ay nakuha pang magsinungaling ng kanyang anak sa paaralan nito. Mas okay na ang Ateneo School of Medicine and Public Health, dahil mas mahirap makapasok sa University of UPCM. Magsisinungaling na rin lang naman si Sandy bakit hindi pa ang sinabi niyang paaralan.

Kung si Dolores ay hindi naniniwala, si Celeste ay nagulat sa sinabi ni Sandy.

Pasimpleng tumingin si Dwight kay Sandy. Ngumiti ito sa kanya, kaya nagbaba siya gad ng tingin. Hindi siya nagulat sa sinabi nitong paaralan, pero sa ngiti nito siya nakaramdam ng kakaiba.

"Pasensya na Celeste kung may pagkakamali sa sinabi ko kung saan nagtapos si Sandy. Mas naalala ko lang si Amara kung saan siya nag-aaral ngayon." Pagsisinungaling ni Dolores para pagtakpan ang kawalang alam niya sa sinabi ni Sandy.

Malaki ang ngiti ni Celeste. "It's okay. Matutuloy ang kasal nilang dalawa ni Dwight. Sa tingin ko naman ay okay ang anak ko kay Sandy. Ang kasal ay mangyayari..."

"Ma!" biglang saad ni Dwight sa kanyang ina.

"Bakit anak?"

"Puwede niyo ba kaming iwan ni Sandy. Gusto ko lang siyang makausap na kami lang dalawa sa kwartong ito."

Nagkatinginan si Dolores at Celeste. "Are you sure?"

"Yes."

Mabilis na tumayo naman ang dalawa, pero bago iyon ay bumulong muna si Celeste kay Dwight. Pinaalalahan ang kanyang anak na huwag ng magsabi pa ng kung ano kay Sandy para hindi matuloy ang kasal. Nang makalabas ang dalawa ay kinuha ni Sandy ang kanyang baso at humigop ng konti, pero may pasimpleng ngiti siya habang umiiinom ng tubig, pero may munting saya siyang nadama ngayon.

"Hindi na ako buo. Paralisado na ang mga paa ko, kaya hindi rin magiging masaya at normal ang pagsasama nating dalawa."

"Iyon ba ang depinisyon mo sa taong paralisado na ang mga paa— ang hindi maging masaya."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status