Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor.
"Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko.Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito.Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito.Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya?"Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?"Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigurado ko munang sarado ang pinto ng silid ko."Haaay, napakainit," sambit ko habang inaalis ang main uniform. Sa ilalim kasi ng polo shirt ay naka black long sleeve pa ako.Mag-quick shower lang ako. Nakakapagod ang araw na ito sa totoo lang. Masyado ang akting ko, ngunit kailangan ko pang galingan dahil napaka-observant ni Manang Selya. Hindi nga ako mabubuking ni Rozzean pero baka si manang naman ang makaalam ng sikreto ko."Hmm... hmmm..."Tinanggal ko sandali ang fake bangs ko at naghilamos. Napatingin ako sa mga fake freckles ko. Ang ginamit ko rito ay water proof brown ultra defining eyebrow pencil. Effective naman. Kinuskos ko at hindi talaga siya agad natatanggal.Nang maalis ko na ang lahat ng saplot sa katawan ko ay tumapat na ako sa ilalim ng shower. Napatili ako ng mahina nang maramdaman ang lamig ng tubig."Shet! ang lamig!"Ginamit ko agad ang heater. Mahina ang katawan ko sa lamig."Ano kaya ang mangyayari bukas? sabi ni manang ay tuturuan niya ako sa paglilinis ng pool. Na-excite akong bigla, ibig sabihin makikita ko na ang pool dito. Kaso, nasaan kaya iyon? hindi ko naman nakita iyong pool kanina kahit medyo nakapunta na ako sa ibang parte ng bahay."Kumuha ako ng shampoo at inilagay sa aking buhok. Nang makatapos akong maligo ay humarap akong muli sa salamin habang walang saplot. Humalukipkip ako."Kahit matakaw ka, Tangi, mabuti na lang at hindi ka nagkakabilbil at hindi nababago ang shape ng katawan mo--Napatigil ako sa pagsasalita nang makarinig ng tunog.May nag-ri-ring?Isinuot ko ang fake bangs ko at binasa iyon ng kaunti. Pagkalabas ko ng silid ay hinanap ko ang nagri-ring. Isang device iyon na nasa loob ng drawer. Cellphone?! bakit may cellphone dito?!Ang nakalagay sa screen ay master's bedroom. Napakunot ang noo ko. Sinagot ko iyon at itinapat sa tainga ko.Napakunot ang noo ko nang wala akong marinig."Hello?"Wala pa rin sumasagot."Hello?"Wala pa rin sumasagot! nang ibababa ko na ang tawag ay saka ako may narinig."W-Water..."Mahina pero rinig na rinig ko ang garalgal na boses ni Rozzean. Nanlaki ang mga mata ko. Sinasabi ko na nga ba! nagkasakit siya!Iyong paghimas niya ng lalamunan, pag-clear ng throat niya at ang pag-ubo niya. Maaari rin na kaya siya maagang umuwi ngayong araw ay dahil masama ang pakiramdam niya."S-Sir Rozzean?""I n-need water, bring water in my room.""Okay, sir! sandali!"Ibinaba ko na agad ang tawag at inilagay sa ibabaw ng kama ang cellphone. Sa sobrang pagmamadali ko ay baliktad ata ang suot kong green long sleeve. Iyong pajama ko naman ay kung ano na lang ang nadampot ko sa loob ng bag. Hindi pa kasi ako nakakapag-ayos ng mga damit sa drawer.Nang masiguro ko na okay na ang itsura ko sa salamin ay tinungo ko ang kusina. Dali-dali akong nag-prepare ng pagkain. Ininit ko sandali ng tinola. Kahit tubig lang ang sinabi niya, mainam na rin na madalhan siya ng pagkain para makakain siya at makainom ng gamot."Juice... juice, ay--"Ibinalik ko ang juice sa ref. Mas okay kung maligamgam na tubig ang inumin niya. Hinanap ko rin ang lagayan ng mga gamot sa mga drawer at nang makita ay kumuha agad ako ng paracetamol. Inilagay ko sa tray ang mga pagkain pati ang gamot.Nang masiguro na wala na akong ibang kailangan ay umakyat na ako sa third floor. Bwisit napakataas."Sir?" kumatok ako pero walang nagsasalita. Ibinaba ko ang tray at binuksan ang pinto. Hindi naman pala nakalock. Pumasok ako, binuhat ko ulit ang tray tapos ay muling isinara ang pinto. Napatingin ako sa aking kaliwan. Naroon ang pinaka-silid ni Rozzean.Muli kong ibinaba ang tray, may kabigatan kasi. Naglakad ako at kumatok.Hindi siya sumagot kaya't pinihit ko ang door knob. Sinilip ko siya, nakatalukbong ang boss.Ang lamig pa dito sa kwarto niya! ano ba rito? Antarctica?!"Sir, narito na po ako," sabi ko. Muling kinuha ang tray at itinulak ang pinto gamit ang aking paa.Patingin-tingin ako kay Rozzean na nakataklob ng kumot. Ipinatong ko sa lamesa na nasa loob ng silid niya ang tray na hawak ko at ang una kong ginawa ay kinuha ko ang remote ng aircon at hininaan iyon.Giginawin siyang lalo. Napakalamig dito sa kwarto niya."Sir, nandito na po ang tubig, nagdala na rin ako ng pagkain mo para makakain ka. Nilalagnat ka, sir 'no?"Hindi siya nagsalita."Napansin ko iyan kanina, ilang beses mong hinilot iyong sikmura mo, ilang beses ka rin tumikhim tapos naubo ka pa, bakit hindi mo sinabi sir na masama ang pakiramdam mo? edi, sana, nakainom ka agad ng gamot para hindi luma...la."Napaatras ako nang ibaba niya ang kumot. Kita na ngayon ang ulo niya. Napalunok ako sa tingin na ibinigay niya sa akin.He's really sick. It's written all over his face. Pero, shet. He still look good."S-sir?" tanong ko.Ipinikit niya sandali ang kaniyang mga mata. Mukha siyang nahihirapan talaga. His face is pale, he looks so tired and he has droopy eyelids. Mukha siyang kawawa!"Water."Diretso na ang salita niya pero minamalat siya.Kaagad akong tumalima, kinuha ko ang tubig at nang maalala ang pagkain ay lumapit ako sa kaniya."Sir, may sakit po kayo, kailangan ninyo na kumain. Mainit pa po itong tinola, makakahigop kayo ng sabaw. May gamot rin dito," sabi ko."Sana sir sinabi ninyo po na masama ang pakiramdam ninyo, naagapan pa sana," dagdag ko.Iniabot niya sa akin ang tubig. Nang bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama ay nakita kong wala na naman siyang saplot pang-itaas. Maryosep! giginawin talaga siya ng malala."Sir, dapat ay nagdamit kayo. Kaya po kayo giniginaw. Malakas na po ang aircon dito pagpasok ko tapos wala pa po kayong pang-itaas. Nasaan po ba ang drawer ninyo?" tanong ko.Tinitigan na naman niya ako."Sir, nasaan po ang drawer ninyo? kailangan ninyong magdamit. Gusto po ninyong mamatay? hindi ninyo naman po siguro gusto magka-hypothermia?"Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako."Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo."Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya."S-Sir? saan po kayo pupunta?"Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko."B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya."Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s
Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya."Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko."Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagp
Lumubog ako sa pool. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi mawala sa isipan ko ang tingin ni Rozzean sa akin.Relax... relax ka lang, Tangi. Nasa third floor siya sa rooftop at madilim dito sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Imposibleng nakita niya ang mukha mo. Mestiza ako sigurado na sa puti kong ito ay nakita niya ang katawan ko! nag-floating ba naman ako, eh!Mabilis akong umahon sa tubig, nang tumingala ako ay wala na siya doon sa puwesto niya. Dali-dali kong isinuot ang pajama at ang tshirt ko. Sa likod ako dadaan para hindi kami magkasalubong sa sala!Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay kinuha ko ang tuwalya. Pero nang maalala ko ang aking nunal ay napatili ako ng mahina."Shet! ipinatong ko nga pala sa damit ko!" kaagad akong tumingin sa baba, pero dahil madilim ay nahirapan akong hanapin ang nunal ko.Sa sobrang taranta ay hindi ko naalala na ipinatong ko nga pala sa mga damit ko iyong nunal. Sigurado ako na nandito lang rin iyon at nalaglag.Buwisit nama
"Bakit nakasimangot ka, Tali? pinagalitan ka ba ni sir? may sinabi ba siya na ikinasama ng kalooban mo?"Iyon ang tanong sa akin ni manang nang makabalik ako sa kusina. Naupo ako sa upuan at tiningnan siya."Hindi naman ako pinagalitan, manang, nainis lang ako kasi lagi napapansin ni sir itong nunal ko. Pag nagkapera ako ay ipapatanggal ko na ito," sagot ko.Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni Rozzean sa totoo lang. Pero tingin ko ay nagpadalos-dalos rin ako at hindi ko tiningnan maigi kung saan ko ipinuwesto ang nunal ko. Baka nga mas bumaba, mabuti na lang at nakaisip kaagad ako ng palusot.Napahawak ako tuloy sa nunal ko."Cute naman iyang nunal mo, Tali. Baka kasi naku-cutean lang si sir?" nakangiting sabi ni manang.Imposible 'yon! sabi nga niya noong una Your mole bothers me. Ka-imposiblehan na naku-cutean siya dito."Oo nga pala, Tali, maiba ako. Bakit ka nag-suot ng salamin? ito ang unang beses na nakita kitang nagsuot, lumalabo na ba ang mga mata mo?" tanong ni manang.Nagsand
I don't know what happened next. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa likod ng pinto ng silid ko sa bahay ni Rozzean. He's pinning me to the back of my door. Ang kaniyang mukha ay sobrang lapit at ang mga mata niya ay seryosong nakatingin sa akin."S-Sir? bakit?"Hindi siya nagsalita. Nang aalis ako sa aking puwesto ay bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Kinakabahan ako! Ano ba itong trip niya ngayon? at bakit sobrang lapit niya sa akin?Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa sobrang lakas ay nabibingi na ako. Isa pa, iyong hininga niya ay naaamoy ko na. Lintek, ang bango, ha? kumain pa siya ng lagay na ito. Nasaan ang amoy ng chicken curry na iniluto ni manang?"Sir, kung pinagti-tripan mo ako ay tigilan mo na. Kung sa tingin mo mahuhulog ako sa patibong mo para mapaamin ako na gusto kita at mapalayas dito sa bahay ay hindi mo iyon magagawa. Hindi kita bet. Okay?"Hindi nagbago ang reaksyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko.Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at nanlalak
Nang makapagbihis ako ay tumingin ako sa salamin. Inaayos ko ang aking mukha, ikinabit ko ang nunal ko at maiging pinakatitigan sa salamin. Baka kapag bigla ko na lang isinalpak itong buwisit na nunal na ito sa aking kaliwang pisngi ay mapansin na naman ni Rozzean na nagbago ang puwesto."Napakatalas ng mga mata ng loko."Sunod kong inayos ay ang fake freckles ko. Huwag sana akong mag-break out dahil sa mga ito. Nang masiguro na ayos na ang aking itsura ay kinuha ko ang reading glasses at isinuot. Saglit akong umikot sa salamin.Tumingin ako sa orasan at napabuntong hininga. 5:40 am na.Naalala ko na naman ang panaginip ko. Tinapik ko ang magkabilang pisngi ko. Kaya siguro iyon nangyari ay dahil sa inisip ko kagabi ang ginawa ni Rozzean. Hindi nawala kaagad sa isipan ko ang ginawa niyang paghimas sa ulo ko."He has a good side. Kahit napakasungit."I can't deny that fact. Nang marinig ko sa kaniya na tinulungan niya si manang ay lumambot ang puso ko. Indeed, manang has a good life now
After 6 yearsWe are outside of the room. Birthday ni Rozzean ngayon at nag-bake ako ng cake para sa kaniya. I looked at my triplets. Their pointer finger was on their mouth. Sinabi ko kasi sa kanila na huwag maingay.Nakasunod sa amin ang mga alaga kong aso at pusa. I am thankful na wala sa mga anak ko ang may allergy sa mga hayop. At nakuha pa nila ang pagkakagusto ko sa mga ito. Thalia always play with Rose. Si Rozwell at Rockwell naman ay sa mga aso.Nang tumahol si Lily ay ngumuso si Rockwell dito na kaagad naman ikinatigil ng aso namin."Mommy, magugustuhan naman kaya ni Daddy itong surprise natin?" bulong niya."I think?" sagot ko kay Taki at sinindihan ko na ang kandila sa cake.Nang buksan ko ang pinto ng silid namin ni Rozzean ay dahan-dahan kaming pumasok. Takip-takip ng aking mga anak ang kanilang mga bibig upang hindi makagawa ng ingay. My husband is still sleeping. Nakadapa siya sa kama at kita ang hubad niyang likod."Shhh, Rockwell!" sita ni Rozwell sa kapatid.My tripl
Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje "R-Rozzean!" What the hell? a-akala ko ay next week pa? "Rozzean!" sigaw ko ulit. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng aming silid. Nang magkatinginan kaming dalawa ay mabilis siyang lumapit sa akin. "W-Why?" "My water just broke! m-manganganak na ako!" Nagkatinginan pa kaming dalawa. Hindi siya kumilos. "Rozzean!" sigaw kong muli. Nang mahimasmasan siya ay binuhat niya ako at tinungo ang garahe. Nadaanan pa namin si Luther. Mukhang nagtatrabaho pa sila! "Manganganak na?!" tanong ni Luther. "Oo!" Nakayapak pa si Rozzean at nang pinaandar niya ang sasakyan ay napahiyaw ako sa sakit. "Fck!" "Ako na ang magda-drive, nasaan iyong mga gamit ng mga bata?" tanong ni Luther na umikot. "Damn, oo nga!" rinig kong sabi ni Rozzean at lumabas ito ng sasakyan. Para akong mahihimatay sa sakit na aking nararamdaman. "Ahhh!!" sigaw ko nang makaramdam ng hapdi. Nang bumalik si Rozzean sa loob ng sasakyan ay dala na niya ang gamit ng mga bata. Luther dro
Rozzean Cyron Valleje."Baby... it's 1:45 am. Ano ang gusto mo?"Nakatingin ako sa aking asawa na nakasimangot habang nakaupo sa aming kama. Lumipat kami ng silid dito sa ibaba dahil nangangamba ako na baka madulas siya sa hagdan. It's dangerous for her to use the stairs dahil biglang lumaki rin ang kaniyang tiyan. Sinabi ni Ferline na normal lamang iyon at asahan pa raw namin na mas lalaki pa sa susunod na mga linggo."I want spaghetti. Ipagluto mo naman ako, asawa ko..."I nodded and smiled at her. We went out of the room. Nakahawak siya sa aking kamay. Naupo siya sa gilid habang nakamasid at pinapanood ako sa pagluluto."Gwapo..."Napangiti ako sa kaniya. Thaliana eats a lot but she's not getting fat. Siguro ay kaya palagi siyang gutom at malakas siyang kumain ay dahil nga sa tatlo ang ipinagbubuntis niya. I understand her that's why I am always with her to give her cravings. Sa bahay na rin ako nagtatrabaho muna. Thaliana said that it's okay to leave her but I refused.Tiyak na ku
Kinabukasan bilang bagong mag-asawa namin ni Rozzean ay ginising ko siya sa pamamagitan ng munting mga halik. Dahil nga sa antok na antok pa rin siya ay sinabi ko sa kaniya na bababa ako at magluluto ng aming pagkain. Sumang-ayon naman siya at muling natulog.Naabutan ko sa kusina si Manang, nag-aasikaso na rin siya ng umagahan at tinulungan ko na siya."Thaliana Tangi Dela Vezca Valleje," sabi ko habang nakatingin sa wedding ring ko."Gosh... para naman akong teenager na kinikilig!"Rozzean is my husband... we are married."Tangi... kalma! kumalma ka!"Nang maihanda ko na ang mga pagkain ay umakyat ako sa aming silid habang hawak ang tray. Pumasok ako at ibinaba ang aking dala sa table sa gilid at nilapitan ang aking asawa na natutulog pa rin."Good morning, husband..." sabi ko ng nakangiti at muling hinalikan si Rozzean sa kaniyang buong mukha."Hmmm..." he's smiling!"We are going to eat--""I will eat you.""Ay, Rozzean, ha! bumaba ako at ipinagluto ka, huwag mo ako paandaran ng '
Para pa rin panaginip dahil sa sobrang saya ng aming kasal ni Rozzean. Halos buong oras ay nakangiti lamang ako at nakatawa dahil sa mga kaganapan na hindi ko inaasahan. Even my Dad dance with him. Noon ko lang nakita na sumayaw ng ganoon ang Daddy.Tapos pati na ang mga kapatid ko ay nakisali pa. But the most memorable moment was the reaction of our family when we announced about my pregnancy. Naiyak pa sa huli ang aking mga magulang."Baby..."At ito na nga. Kabababa lang sa akin ni Rozzean sa silid niya. He was at my back. Pinapadaan niya ang kaniyang mga labi sa aking likod habang ibinababa niya ang zipper ng aking wedding gown."Sure kang puwede?" tanong ko."Hmmm... you didn't ask Ferline earlier to be sure."Naroon nga si Ferline kanina sa reception pero syempre nahihiya ako dahil itatanong ko pa kung safe pa ang pagtatalik kahit buntis at tatlo pa ang nasa sinapupunan ko.Nilingon ko siya nang naibaba na niya ng tuluyan ang aking gown."S-Sandali. Wala bang ligo-ligo ito? mali
Nang matapos ang napakasayang intermission number ng aking pamilya ay nilapitan ako ni Rozzean na hinihingal. Hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako. Idinikit niya ang bibig sa aking tainga at bumulong."Nakakahiya..."Natawa akong muli at hinimas ang likod niya."Nahiya ka pa ng lagay na 'yon? bigay na bigay ka."Malakas kong narinig ang pagtawa ni Rozzean. When he let go of me I wiped the sweat on his face and neck. Pawis na pawis kahit na air conditioned itong reception!"It was Thes idea. Sabi niya na sobrang matutuwa ka kapag sumayaw ako ng jumbo hotdog. And she was right."Napatingin ako kay Thes na nakatutok sa screen ng cellphone niya mukhang pinapanood niya iyong video niya na kinuha kanina dahil tumatawa pa rin siya."And Luther? paano mo napapayag na sumayaw?" tanong ko ng nakangiti."I don't know what happened. I think Thes talked to him. Mukhang napilitan lang rin, hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Thes para mapapayag si Luther para sumayaw kasama ko. I was surpris
"I now pronounce you man and wife. You may now kiss the bride."Malakas na palakpakan ang narinig namin ni Rozzean sa loob ng simbahan pagkatapos ng isang mabilis na halik."Ahhh..." napalingon ako kay Rozzean nang marinig ko ang boses niya. He was holding my hand and kissing it."Mine... finally, you are mine."Napangiti ako sa sinabi niya. Hinawakan ko siya sa kaniyang pisngi at mahinang kinurot iyon."Sa 'yo naman po talaga," sagot ko sa kaniya."Hmm... I can't wait for our honeymoon."Pinanlakihan ko siya ng mga mata at lumingon sa paligid dahil baka may nakarinig sa sinabi niya. Pinalo ko ng mahina sa dibdib si Rozzean. Honeymoon na naman!"Nauna na nga ng ilang beses ang honeymoon, ang isip mo ay honeymoon pa rin."He's still kissing my hand."That's different. My performance this time with you is not as your boyfriend but as your husband."Ang dami niyang nalalaman! at anong performance pa 'yon? I was about to talk again but the crowd went in front to congratulate us."Congratu
Pagkalipas ng sampung minuto ay nakita ko na palapit na sa akin ang organizer. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at lumabas na ako. Maraming mga photographer ang kumukuha ng larawan habang naglalakad ako."Ma'am kayo na po ang papasok," sabi sa akin ng organizer.Tumango ako sa kaniya at nagpasalamat. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng simbahan ay huminga ako ng malalim.Nang bumukas iyon unti-unti ay mahigpit kong nahawakan ang aking bouquet. Nakatayo ang lahat ng nasa loob ng simbahan. Nasa akin ang lahat ng kanilang atensyon habang dahan-dahan ang aking paglakad.I looked at the aisle and saw Rozzean. Gwapong-gwapo sa itim na tuxedo na suot. Nakangiti siya sa akin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Nakita ko rin na inayos niya ang kaniyang suot kahit sa paningin ko ay ayos naman. Is he nervous?Nang salubungin na ako ng aking mga magulang sa gitna ay humalik ako sa kanilang pisngi. My father is crying again!"Dad..." sabi ko.We continue to walk in the aisle."I-I'm just hap
Rozzean and I decided to keep my pregnancy until we get married. Sinabihan rin namin si Luther at si Thes pati na si Ferline na huwag munang ipapaalam sa iba. Nais namin na sabihin sa aming pamilya ang tungkol sa pagbubuntis ko pagkatapos namin makasal.We wanted to surprise everyone that we are having triplets.Hindi ko rin talaga makakalimutan ang araw na nalaman namin na tatlo ang magiging anak namin ni Rozzean. It was memorable because my husband fainted. Nag-alala ako sa nangyari sa kaniya pero nang magising siya ay halos hindi ako makahinga katatawa.He was so fckng embrassed. Luther was also laughing and so Ferline and my bestfriend Thes. Kahit ako ay hindi ko mapigilan, naawa na lang ako sa kaniya at tumigil sa pagtawa nang yumakap siya sa akin at ibaon ang kaniyang ulo sa aking leeg.Rozzean keep on cursing and he's saying that he was just so happy. Sa sobrang saya ay hinimatay nang malaman na triplets ang aming magiging mga anak.Hindi natigil ang kaniyang kapatid. Palagi si