Nakita ko na nagsalubong ang makakapal na kilay niya. Ako naman ay na-realise kong bigla ang nasabi ko at napagtanto na hindi ko dapat iyon sinabi sa kaniya. Kung kanina ay 90% na ang tiyansa ko na matanggap bilang katulong ngayon ay mukhang 50/50 na.
"Ano ang sinabi mo?"
Itinaas ko ang isang kamay ko at nag-peace sign sa kaniya nang makita ko na namuo ang galit sa mukha niya. Grabe, sabi ni dad mabuting tao ito?! ba't ang bilis magalit?!
"J-Joke lang, sir. Hindi ka naman mabiro! h-hehe..."
Ibinaba ko ang kamay ko at pinagsalikop iyon.
"Huwag po kayong mag-alala sir, hinding-hindi po ako magkakagusto sa inyo. Hindi rin naman po kayo ang type ko. Iyong type ko kasi chinito, eh, hindi ka naman chinito. Saka, nakakatakot po kayo," sabi ko.
Lalo na yung hotdog niya na parang ready to attack any moment.
"By the way, I am Rozzean Cyron Valleje. I just want to clear things before I accept you, Tali-- ang ibig kong sabihin ay nais kong maging klaro sa iyo ang isang patakaran ko dito sa bahay ko," sabi niya.
Tumango ako at ngumiti. Nag-thumbs up ako sa kaniya na kaagad ko ring ibinaba nang hindi siya nag-reak.
Pero ang isa sa napansin ko... he's trying to translate his words when he speak to me in english. Ilalagay ko rin iyan sa notebook ko mamaya. Good at bad, I need to note his attitude! pero siyempre mas gusto kong isulat ang mga bad things about him! that's the reason why I am here.
"Dahil kaaalis lang ng dalawang katulong ko kanina, puwede ka nang magsimula ngayon. Cook me something to eat. Nagugutom na ako."
Tumayo ako at yumuko sa kaniya, "Okay, sir! ako po ang bahala! ano po ba ang gusto ninyong kainin?"
Tumayo rin siya. Ang tangkad. Napalunok ako nang mapatingin na naman ako sa gitnang bahagi ng katawan niya. Jusko mahihirapan ata akong ialis sa isipan ko ang nakita ko kanina.
"Tali, look at me, bakit sa iba ka nakatingin?" he asked me.
Naihilamos ko ang kanang kamay ko sa mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Kasalanan mo," bulong ko.
"Anong sinabi mo?" tanong niya.
Umiling siya at humawak sa sintido, "You are a different maid. You talk back, but it's okay as long as you do not fall for me. What I need in my house is a real maid. Not a btch who wants to seduce me."
Ay grabe!
"Matutulog ako. Bababa ako pagkatapos ng dalawang oras para kumain. Si Manang Selya ang maghahatid sa 'yo sa silid mo. Mamaya na rin kita kakausapin tungkol sa sahod mo buwan-buwan."
Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya at naglakad papasok sa silid niya. Habang nakatingin ako sa likod niya ay napatingin ako sa pang-upo niya. Bigla ko nahawakan ang pwet ko. Grabe, sobrang biniyayaan naman ang lalakeng ito. Malaki ang lahat.
Sa tono ng boses niya ay nahimigan ko ang pagod. Kaso, tanghali pa lang? ang aga ata ng uwi nito kung galing sa opisina?
"Okay, Tang-- este, Tali! first day mo na ngayon! tanggap ka at kailangan pagbutihin mo!" sabi ko sa sarili ko at lumabas ng silid.
Kailangan sa loob ng dalawang buwan ay makakita ako ng matibay na ebidensya na makapagpapatunay na hindi nararapat sa akin ang lalakeng ito.
"Tali ang pangalan mo, neng?"
Nilingon ko ang matandang katulong. Narinig ko na ang pangalan niya ay Selya.
"Opo," sagot ko.
"Saan ang lugar mo, neng?" tanong niya sa akin.
Bigla akong nag-isip ng probinsya.
"S-Sa nueva ecija po ako talaga, pero nakipagsapalaran sa iba't-ibang lugar para mabuhay. Hanggang mapadpad po ako dito sa Tagaytay," sagot ko.
"Napakasipag mo naman at palaban sa buhay."
Bigla akong nakunsensya sa pagsisinungaling. May puso kasi ako sa matatanda.
"Dito ang silid mo. Tig-isa ng silid ang lahat ng katulong na pumapasok dito sa bahay ni sir."
Napatingin ako sa buong silid. Grabe, ha? pang katulong lang ang silid na ito? may sariling cr, may aircon tapos may pang-isahang sofa sa loob. Kumpleto! in fairness, maalaga sa katulong si Rozzean.
"Ilan pa po ba ang natitirang katulong ni sir dito?" tanong ko.
"N-Nabanggit niya po kasi iyong nangyari kaya kailangan niya ng katulong," dagdag ko.
Ngumiti si Manang Selya sa akin, "Ako at ikaw na lang ang katulong. At, iyong nangyari ba? totoo iyon. Ang ibang mga naga-apply na katulong sa mansyon na ito ay hindi naman talaga nais kumita, nais lang nilang mapalapit kay sir at akitin ito."
Napangiwi ako. Ibig sabihin ay totoo nga.
"G-Ganoon po ba?" tanong ko.
"Oo, hija, ikaw ba? hindi tumibok ng mabilis ang puso mo nang makita mo siya? magandang lalake si sir, mayaman, maraming mga babae ang nagkakagusto sa kaniya," sabi ni Manang Selya sa akin.
Ang totoo ay nagulat ako kanina nang makita ko siya sa guard house. Stable pa naman ang puso ko, pero nang makita ko iyong hotdog niya doon na parang humiwalay iyong kaluluwa ko. Malamang rin titibok ng mabilis puso ko.
"Pero... may issue ba siya manang?" tanong ko.
Kumunot ang noo ni manang sa tanong ko.
"Issue? anong issue?"
Lumapit ako sa kaniya at bumulong kahit na kami lang naman ang naroon.
"Issue, masama ba ang ugali niya?"
Ngumiti na naman si manang, "Ikaw ang makakaalam niyan. Pero huwag kang matakot, hangga't hindi mo nalalabag ang isang patakaran niya walang mangyayari sa 'yong masama."
Napagdikit ko ang mga palad ko nang maisip ko na baka kaya mahigpit si Rozzean at ayaw nitong may nagkakagusto dito at napapalapit na katulong dahil may girlfriend na ito.
"Siguro manang may kasintahan na po si sir, 'no? kasi mahigpit po siya dito sa mansyon at ayaw na may nagkakagusto sa kaniyang katulong."
Hindi nagsalita si manang at ngiti lang ang iginanti niya. Na-curious ako tuloy lalo. Mas magandang ibedensya na may kasintahan na ito para hindi matuloy ang nais ni dad.
Pagkatapos kong makapagpalit ng uniform ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa body size mirror na nasa silid ko mismo. Inayos ko ang fake bangs ko na nabilis ko rin sa taytay. Sinigurado ko rin ang nunal ko na maayos ang dikit.
Tapos hinila ko ang long sleeve ko. Sampu ang dala kong tight long sleeve para maitago ang mga braso ko. At dahil slacks type naman ang pang-ibaba ng unifrom hindi na ako mag-aabala pa sa mga binti ko.
Lumabas na ako ng silid at bumaba para pumunta sa kusina.
"Halika, alam mo bang gamitin ang mga ganitong appliances?" tanong ni manang sa akin.
"Opo, marunong naman po ako ng oven, airfryer, ng rice cooker at iba pang kagamitan sa kusina. Nakapag-apply na po ako dati bilang katulong kaya maaasahan ninyo rin po ako sa kusina," sagot ko.
"Mabuti naman, sige, Tali, maaari ka nang magluto. Maya-maya lang ay bababa na si sir," sagot ni manang.
Mayaman kami pero pinalaki ako ng mommy na hindi spoiled. Marunong akong magluto ng iba't-ibang klase ng pagkain. Marunong akong maglinis ng bahay at maglaba. Wala naman kasi akong katulong sa sarili kong bahay, lahat ng gawain ay ako ang gumagawa. Pati nga pupu ng mga anak ko ay ako rin ang naglilinis.
"Okay, siguro ay afritada na lang ang iluluto ko," sabi ko at kinuha na ang mga ingredients na gagamitin.
Nagsimula na akong magluto. Patingin-tingin ako sa orasan. Sabi ni Rozzean ay dalawang oras lang siyang matutulog at bababa na.
"Hmm, tama na ang lasa--
"What's that smell?"
"Ay hotdog!"
Gumawa ng ingay ang nalaglag na sandok sa gilid ng stove. Nang lingunin ko ang nagsalita ay nakita ko si Rozzean na gulo-gulo ang buhok at walang pang-itaas. Tanging ang sweatpants na lang ang suot niya.
Holy moly. Paano ngang hindi magkakagusto sa kaniya ang mga katulong na papasok sa kaniya kung palagi niyang ibinabalandra iyang katawan niya?!
"Are you done cooking?"
Naalarma ako. Hindi pa naman dalawang oras, ah?
"S-Sir, sabi mo ay dalawang oras bago ka bababa--
Nagulat ako nang maglakad siya palapit sa akin. Natulos ako sa kinatatayuan ko lalo nang sumobra ang lapit niya. Itinukod niya ang kaniyang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Napaatras ako dahil sobrang lapit niya!
Ganito ba ang ginagawa niya sa mga katulong niya?! abay talagang mahuhulog sa kaniya!
"S-Sir, ano bang--
Napasinghap ako nang isubo niya iyong hintuturong daliri niya habang nakatingin sa akin.
"Hmm... taste good."
Help!
Ipit na ipit ang sarili ko at nakaliyad pa para lang hindi mapadikit sa lalakeng ito sa harapan ko. Kung ganoon ay tinikman niya pala iyong iniluto ko. Pero kailangan ba sa ganitong posisyon pa? Hingang malalim, Tangi. Huwag ka magpaapekto sa lalakeng iyan. Kailangan mong lakasan ang loob mo. Narito ka sa pamamahay niya para imbestigahan ito, hindi ka maaaring mahulog sa patibong niya mukhang tine-test niya ang pasensiya ko at tinitingnan kung type ko siya, katulad ng mga katulong na napalayas niya. "Sir, kung nagugutom na po kayo ay maghahanda na ako," magalang kong sabi. Umatras siya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Talaga bang naglalakad siya dito sa bahay niya ng walang pang-itaas na saplot? "Nasaan si Selya?" tanong nito sa akin. "Siguro po ay nasa labas," sagot ko naman habang nagsasandok ng kanin niya. Naglagay na rin ako ng ulam. Naiilang ako. Pakiramdam ko ba ay pinapanood niya ang bawat pagkilos ko. Binuksan ko ang ref at kumuha doon ng juice. Nagsalin ako sa pitse
Lumipas ang oras, hindi na muling lumabas pa ng silid si Rozzean. Alas otso syete na ng gabi at nakaluto na rin ako ng hapunan. Tinanong ko si manang kung ano ang maaaring gustong ulam ng boss ko ang sabi niya ay paborito nito ang tinola. Kaya iyon kaagad ang niluto ko. Kaso ito, hindi pa rin siya bumababa. Nakakapagod umakyat para pumunta sa silid niya. Ang taas-taas naman kasi nitong bahay. Ngayon nandito ako sa may sala kasama si manang. Nanonood kami ng palabas sa TV. "Manang, ikaw? hindi ka pa ba kakain?" tanong ko sa kaniya. Ako kasi nakakaramdam na ng gutom. Hindi naman ako nananghalian. Nakalimutan ko nang kumain bago umalis ng bahay ko. "Hangga't hindi pa kumakain si sir, hindi ako maaaring kumain," sagot niya. Napabilog ang mga labi ko. Patakaran kaya ni Rozzean iyon? Pero sa totoo lang, ilang oras pa lang ako dito marami na akong napansin sa ugali niya. Una, mainitin ang ulo niya. Pangalawa, mahilig siyang magpakita ng katawan. Kailangan ko maging alerto. Pakira
Nang matapos kaming mag-check ng mga appliances kung may nakasaksak pa at nang maisara na namin ang lahat ng bintana at pinto sinabihan ako ni manang na maaari nang magpahinga. Pero nang makaakyat ako sa second floor ay napatingin ako sa hagdan papuntang third floor. "Hindi pa rin siya bumababa para kumain," sabi ko sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at pumunta na sa aking silid. Malayo ang room ni manang sa akin, nasa ibaba ang silid niya, hindi ko na siya ma-chi-chika at bukas ko na maitatanong ang mga nais kong malaman sa bahay na ito. Na-curious ako sa sinabi niya na maaaring kalungkutan ang dahilan kung bakit maraming halaman si Rozzean dito. Bakit ito malulungkot? kung tutuusin ang laki nitong bahay, ang ganda. Dream house talaga ng karamihan, saka ang dami niyang pera. Kahit anong gusto niya ay maaari niyang bilhin. Ano ang dahilan para malungkot siya? "Teka? bakit ko naman iniisip kung ano ang dahilan?" Tumayo ako at tinungo ang cr ng room ko pero bago iyon ay sinigur
Inilayo niya ang mga mata sa akin at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tinitingnan niya at kaagad akong tumayo nang makuha ko ang nais niyang sabihin. May isang room pa na nakakonekta sa silid niya na ito. Naglakad ako para puntahan iyon. Nang makita ko na mga damit, sapatos, relo at alahas ang naroon ay namangha talaga ako. Napaka-organize ng lalakeng ito! Kumuha ako kaagad ng itim na damit. Puro itim, gray at white ang mga narito sa pambahay niya. Nang makabalik ako ay lumapit ako sa kaniya. "Sir, suotin mo na po," sabi ko at ibinaba sa gilid ng kama ang damit. Nakapikit ang mga mata niya. "Natutulog po ba kayo ulit sir?" "M-Makakasagot... ba... ang tulog?" kahit mahina ay narinig ko ang sinabi niya. May sakit na nga at lahat suplado pa rin! Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama. Nang kukuhanin na niya ang damit at isusuot ay nakita kong nahirapan siyang itaas ang dalawa niyang kamay. Napahinga ako ng malalim at lumapit, itinukod ko ang tuhod ko sa kama at k
Bigla akong napadilat nang may malakas na tunog akong narinig. Kinuskos ko ang aking mga mata at bumangon. Hinanap ko ang bagay na tumutunog. Hindi naman 'yon yung cellphone kung saan tumawag si Rozzean kagabi.Ang tunog ay parang alarm clock."Nasaan ba 'yon--"Nang tumingala ako ay nakita ko na ang tumutunog. Napabuntong hininga ako at sumampa sa bangko. Kitang-kita ko ang oras, mukhang may alarm ang mga katulong dito sa bawat kwarto. Alas singko na pala.Mas maaga ito sa gising ko. Tuwing alas sais ako nagigising, tapos alas otso naman ako pumupunta sa Tinatangi para mag-ayos ng mga bulaklak.Pinatay ko na ang alarm clock, tinungo ko ang banyo at naghilamos. Habang nagpupunas ako ng mukha ay naalala ko ang nangyari kagabi.Kamusta na kaya 'yon? may sakit pa rin kaya?"Mukhang kawawa pag may sakit, pag naman wala mukhang demonyo sa sungit."Huminga ako ng malalim at nagsimula nang mag-toothbrush. Kailangan ko nang gumayak, tiyak na si Manang Selya ay gising na rin. Naghanda ako ng p
"O-Oo naman, sir! anong akala mo sa nunal ko, nawawala?" tanong ko at gumilid ako para makaiwas sa mga tingin niya. Kinakabahan na ako."Si sir, nagha-hallucinate po ata kayo kagabi," sabi ko sa kaniya.Sht. Grabe naman ang memorya ng lalakeng ito. Hindi rin naman ako nagtagal kagabi, ah? napansin niya pa talaga iyong nunal ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na mukhang napaisip siya. Nakahawak siya sa baba niya, nang tingnan niya akong muli ay muli akong lumayo."Sabihin mo kay manang pag dumating na bukas ako uuwi."Pagkasabi niya non ay tumalikod na siya sa akin. Ako naman ay humakbang. Nabigla ako sa sinabi niya."S-Sir? saan po kayo pupunta?"Napahinto siya. Nilingon niya ako, "Why?"Oo nga, bakit ko ba tinanong? Kaagad akong nag-isip ng dahilan. Nang maalala ko si manang ay siya na lang ang idinahilan ko."B-Baka lang po itanong ni manang, para alam ko rin ang sasabihin ko," sabi ko sa kaniya."Hindi nagtatanong si manang kung saan ako pumupunta, basta't sabihin mo s
Masama ang mukha ko na nakatingin sa TV at nanonood ng cartoon. Nagluto ako ng popcorn. Sabi ni manang ay maaari naman akong magluto ng pagkain na gusto ko. Hindi naman daw iyon ipinagbabawal ni Rozzean dito sa mansyon niya."Bwisit na lalakeng iyon. Saan kaya nagpunta? ang sabi noong byernes ay hindi lang siya uuwi ng gabi, pero lunes na ng gabi at wala pa rin siya! saan 'yon nagpunta?"Pakiramdam ko ay natakasan ako ng daga. Paano kung hindi niya dinadala sa bahay niya ang babae niya? paano ako makakakuha ng ebidensya?Tuloy-tuloy ang pagsubo ko ng popcorn habang naiinis na bumubulong. Nang magsawa ako kakanood ay pinatay ko ang TV. Pumunta ako sa kusina at ibinaba sa sink ang bowl na puno ng popcorn kanina. Sa sobrang inis at pag-iisip ko sa dahilan kung bakit hindi umuwi si Rozzean ay sandali ko lang naubos ang popcorn na iniluto ko."Kapag nagpatuloy na mawawala siya palagi ng ilang araw ay mauubos ang dalawang buwan ko nang walang nalalaman. Nakakainis, saan naman kaya iyon nagp
Lumubog ako sa pool. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba. Hindi mawala sa isipan ko ang tingin ni Rozzean sa akin.Relax... relax ka lang, Tangi. Nasa third floor siya sa rooftop at madilim dito sa ibaba dahil patay ang lahat ng ilaw. Imposibleng nakita niya ang mukha mo. Mestiza ako sigurado na sa puti kong ito ay nakita niya ang katawan ko! nag-floating ba naman ako, eh!Mabilis akong umahon sa tubig, nang tumingala ako ay wala na siya doon sa puwesto niya. Dali-dali kong isinuot ang pajama at ang tshirt ko. Sa likod ako dadaan para hindi kami magkasalubong sa sala!Nang maisuot ko na ang aking mga damit ay kinuha ko ang tuwalya. Pero nang maalala ko ang aking nunal ay napatili ako ng mahina."Shet! ipinatong ko nga pala sa damit ko!" kaagad akong tumingin sa baba, pero dahil madilim ay nahirapan akong hanapin ang nunal ko.Sa sobrang taranta ay hindi ko naalala na ipinatong ko nga pala sa mga damit ko iyong nunal. Sigurado ako na nandito lang rin iyon at nalaglag.Buwisit nama