“TAKE my cock, slut! D’you like it?” Isang sampal ang tinanggap ni Lily nang pinilit niyang isara ang bibig. Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang pisngi. Nanlilisik ang mata nito. She used to fight against him. Hindi niya lang alam kung kailan natapos ang pakikipaglaban niya kay Kenneth. Siguro noong nahulog sa hagdan si Aling Puring? O kaya naman ay noong makita niya ang duguang aso niya habang may gilit ito sa leeg? “Open your slutty mouth, bitch!” “Nooooooo!” Napabalikwas ng bangon si Lily at saka niya binuksan ang ilaw sa kanyang tabi. Alas-tres ang oras ayon sa kanyang maliit na orasan. Tumuloy-tuloy ang kanyang pag-iyak kasunod ang pagyakap niya sa kanyang sarili. The moon outside her window was bright just like that night. Nagpatuloy ang kanyang luha sa pag-agos habang naninikip ang dibdib. Kailan ba siya makalalaya sa imahe ng gabing iyon? Mga katok sa pintuan gumambala sa kanya. “Miss Lily? Open the door,” narinig niyang hiling ni Orion. No, no, no… Nata
RAMDAM ni Lily ang malalaking hakbang ni Victor na nakasunod sa kanya sa hagdan. Tila hinihila ang kanyang paa hanggang sa maisara niya ang pintuan ng kanyang silid. Ini-lock niya iyon kahit pa nga alam niya na wala rin iyong silbi. Hindi niya alam ang gagawin. Sigurado na may ginawa ito kay Orion kaya ito nakahandusay sa sahig. Binuksan niya ang sliding door na nasa terasa, ngunit hindi magandang ideya na doon siya lumabas pwera na lang kung nais niyang mamatay. May kataasan ang ikalawang palapag ng bahay ni Drew dahil mataas ang ceiling ng ground floor nito. Malalaking hampas mula sa pintuan ang nagpapiksi sa kanya. “Lily! Sinabihan mo ba ang asawa mo na paghigantihan ang restaurant ko? This is all your fault! You, little whore!” ‘No!’ Ilang saglit pa ay dumadagundong ang makapal na kahoy ng pintuan ng kanyang silid. “Lily!” sigaw ni Victor mula sa labas. Nahihimigan niya ang sobrang galit sa tinig nito. Pinipilit nitong sirain ang kanyang pinto. Kailangan niyang gum
MAY NAGPUNTANG miyembro ng kinauukulan sa tirahan ni Drew kasama ang ilan sa security ng village kung saan sila nakatira. In-explain ni Orion ang mga naganap lalo na at ito ang talagang nakasaksi sa mga nangyari. Naroon lang si Lily sa couch na may bahid ng pintura habang may nakabalot ng kumot sa kanyang katawan. Hindi siya makatingin kay Victor na hawak na ngayon ng miyembro ng seguridad. Gayunman ay ramdam niya ang matalim nitong tingin sa kanya. Bakit ba siya nito sinisisi? “Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakapasok sa village ang isang iyan. Hindi ba’t mahigpit dito?” kuwestiyon ni Orion. Natatakot dito ang ilan sa mga bagong dating. Kahit papaano ay hindi siya nag-iisa. Matapang ang anyo ng bodyguard ni Drew. Hindi pa nga niya ito nakitang ngumiti kahit sa loob ng ilang araw nilang pagsasama. “Pasensya na kayo, Mr. Walton. Inaasahan kasi namin sa gate na may mga parating talaga dito sa bahay niyo. Tumawag po ang asawa n’yo sa ‘min para magbigay ng go-signal sa
NANG pumasok si Drew sa loob ng bahay, napuna niya si Lily na pantay na ang paghinga habang nakapikit ang mata. Pinangko niya ito at saka inakyat sa ikalawang palapag. Sira ang pintuan ng silid nito kaya naisip niyang ipasok ang babae sa kanyang silid. Matapos niyang ilapag si Lily sa kama ay nagdilat ito ng mata. “Thank you…” usal ni Lily bago napansin na hindi nito silid ang lugar. “Bakit dito mo ako dinala?” “There are marks of blood on your sheet, and the door cracked. Dito ka na lang matulog. Lilipat ako sa guest room,” aniya. Hinawakan siya nito sa pulsuhan. “Can you stay with me?” tanong ni Lily. Naisip niya na baka natatakot pa rin ito sa naganap. Of course, hearing that, he was happy. Umusog sa isang panig ng kama si Lily para ibigay ang isang parte sa kanya. Hinila rin naman niya ito para ilapit sa kanyang bisig. “Hindi pa tayo kumakain ng dinner,” bulong niya rito. “I’m not hungry. Pero kung gusto mong kumain, magluluto ako sa baba.” “Ayos lang
‘KUNG ganoon ay parehas silang may sikreto, naisip ni Drew.’ Isang siraulo na pinaglaruan ang asawa niyang si Lily at ang isang babae na ibinenta ang katawan sa kanya dati. Ang pagkakaiba lang nila ay walang nagawa si Lily noon habang maligaya ang asawa nito sa kanya. Naninikip ang kanyang dibdib sa tuwing iisipin niya ang tungkol doon. “Ayon sa nasagap naming imbestigasyon, limang taon na silang kasal ngunit wala pa silang anak. Jericho is anxious about it dahil gusto niyang masiguro ang kasal niya kay Jenny,” tukoy ni Sarah sa pangalan ng babae. Ah, yeah. She’s Jenny… "Either ayaw magbuntis ni Jenny, o may hormonal issue si Jericho Cordova. Aware tayo na pinalaki sa isang tipikal na pamilya si Jenny, na nag-udyok sa kanya na maging prostitute kahit na model siya. Mahilig siya sa mga magagandang bagay, pero hindi kayang ibigay ni Jericho ang materyal na bagay dahil umaasa lang siya sa kinikita niya sa negosyo ng pamilya. May ari ng kumpanya ang pamilya niya, pero ginagawa p
HABANG sakay ng kotse si Drew ay napaisip siya sa mga plano niyang gawin. Posible na makasira o makatulong sa kanya ang paglapit niya kay Jenny. Hindi niya sigurado kung ano ang mararamdaman ng asawa niyang si Lily at ayaw niyang magkaroon ng problema. Hangga’t maaari gusto niya na malinis ang relasyon niya rito sa loob ng isang taon na kasunduan nila. Habang nasa biyahe ay naisip niyang tawagan na lang si Finn para makahingi ng payo. “Hello!” sagot ng kaibigan niya sa kabilang linya. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. “Are you busy?” “Nasa opisina pa ako. May problema?” "I just needed some advice. I met Jenny; she was one of the women I hired before and I met her tonight.” Nang manahimik si Finn, alam ni Drew ang iniisip nito. Dahil kakilala siya ng kanyang kaibigan, hindi rin niya ito masisisi kung mayroon man itong alinlangan sa kanya. Sumulyap nang bahagya si Drew kay Mark, na tila nagkukunwaring hindi naririnig ang lahat, at saka nagpaliwanag, "We met by chance be
KENNETH gritted his teeth while clenching his fist in anger. Naroon siya sa kanilang tambayan kasama sina Jericho at Brian na mga kaibigan niya dahil nakakulong sa kasalukuyan si Victor. Bukod sa trespassing ay kinasuhan ito ni Lily ng attempted rape. Hindi ito makalabas ng kulungan dahil positibo rin ito sa droga. “Kausapin mo ang brother-in-law mo. Hindi naman siguro sasabihin ni Lily ang mga ginawa natin sa asawa niya,” ani Brian Mendoza. Modelo ito sa kasalukuyan. “Everything that happened to Victor was his fault,” sagot niya bago nilagok ang alak nang naniningkit ang mata. Ang totoo ay hindi nito iyon kasalanan. Ginamit niya si Victor para alamin kung ano ang kakayahan ni Drew. Hindi nga siya makalapit sa babae dahil mahigpit ang lugar ng tirahan ng mga ito. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na pinagmamasdan sila ni Drew. He must do something! “Sinubok ni Victor ang asawa ni Lily. Alam nating pare-parehas na ang restaurant niya ang may kasalanan sa naganap na pagsa
“WHAT are you doing here?” matigas na tanong ni Lily kay Kenneth. Kailangan niyang ipakita kay Kenneth na hindi na siya papayag pang bastusin nito! “You did this to Drew! You fucking bastard! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nabundol si Drew!” Hindi napigilan ni Lily ang kanyang mga luha na umagos. Nais niyang sunggaban si Kenneth sa kasalukuyan. Ito mismo ang umamin sa kanya sa ginawa nito sa kanyang asawa. Sobra na ang ginagawa nito sa kanya. “Lily, calm down… I’m a doctor. Saan ba ako dapat naro’n? Anyway, gusto ko lang sabihin sa inyo na nabalian ng buto si Mr. Walton sa binti niya at pilay sa ribs. Iminumungkahi kong manatili siya sa ospital ng ilang araw. Kailangan namin siyang bantayan pansamantala para ma-monitor ang kalagayan niya” “No! Ilalabas ko si Drew!” ani Lily. Mababaliw siya sa pag-iisip na mananatili ang asawa niya sa ospital habang nasa paligid nito si Kenneth. Pinipilit niyang labanan ang takot laban sa huli. “Ilalabas ko si Drew sa ospital na ito para ma
Months before Lily and Drew’s wedding With Kael's assistance, Lily and Drew moved to a new home near Burnham's villa. Mas malaki ito sa luma nilang tirahan, ngunit binuksan na ni Lily ang kanyang puso na tumira sa mas malaking tahanan tulad ng nais ng kanyang asawa. Nakapagsimula na siyang magrehistro ng kanyang business sa tulong ni Danica na ngayon ay mas piniling magpunta sa resort nito sa Boracay para asikasuhin ang kabubukas lang na resort doon. Ayaw ni Drew na kunin ang serbisyo ni Kael, ngunit walang ibang mapagkakatiwalaan si Lily kung hindi ang lalaki kahit pa nga may naganap sa pagitan nito at Danica. “I accepted your dad's offer to lead the engineering team about his project in Melbourne, Australia,” pagbibigay-alam ni Kael kay Lily habang nililibot nila ang bago niyang tirahan na katatapos lang nito. “Hindi ako nagtanong sa kung ano ang naganap sa inyo ni Danica dahil bothered din ako sa kaso ni Carmela at Kenneth. Ano ba ang tunay na nangyari, Kael?”
KITA ni Lily mula sa bintana na seryoso ang pinag-uusapan nina Drew at Mr. Walton. Lumapit sa kanya si Danica. “By the way, sis. Heto ‘yong pinabili mo sa ‘kin,” anito at saka inabot ang supot sa kanya na dinukot mula sa bag. “Did you tell Orion?” Umiling si Danica. “Good! Kapag sinabi mo kay Orion sigurado ako na sasabihin niya kay Drew.” “Bakit nga ba ayaw mong sabihin kay Drew, eh, asawa mo ‘yon?” ani Danica na nakakunot ang noo. “Ayoko kasing ma-pressure siya. Isa pa, gusto ko munang makasiguro.” Umikot ang mata nito. Abala sina Lauren at Kori sa anak ng mga ito. Sina Orion, Finn at Brett ay kasalukuyang naroon sa tabi ng pool at nagkukuwentuhan kasama ng kanyang ama. Pumuslit si Lily sa silid nilang mag-asawa. Nakasunod sa kanya si Danica. Nitong mga huling araw ay sumasama ang pakiramdam niya sa umaga. Nagkaroon pa ng pagkakataon na hilong-hilo siya sa amoy ng sasakyan habang papasok at isinuka niya rin iyon sa opisina. Hinugot niya ang pregnancy
NATUKOY ng mga pulis si Keith, ang taong umatake sa bahay nina Drew at Lily, matapos lang ang ilang araw dahil sa mga mensahe na ipinadala nito sa cellphone ni Brian at sa dash cam ng sasakyan ng huli na nagkataong bukas ng oras na iyon at nakuhanan ang motor ni Keith at ang license plate nito. Binuksan muli ang kaso ni Carmela at nanghingi ng tawad dito si Faye matapos nitong makapagsalita ng hindi maganda sa nurse. Tulad ng nasa isipan ni Lily, pressured na ang babae sa publiko, sa korte, sa pamilya at sa trabaho nito sa ospital. Nagsinungaling naman talaga ito at nais nitong kunin ang atensiyon ni Kenneth. Tulad ng alam niya, malaki ang pagkakagusto nito sa doktor. Masyadong masalimuot ang mga naganap, ngunit nakuha ni Lily ang nais niya. Alam niya na katapusan na ng kampo ni Kenneth lalo na at may murder pa na nadagdag para kay Keith sa pagpatay kay Brian at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. *** SIX MONTHS LATER… Lumipat ng bagong tirahan sina Lily at Drew. Hindi
PATULOY na nanginginig si Danica sa takot, lungkot, at sakit sa puso niya sa lahat ng nangyari sa araw na iyon, hanggang sa dumating si Kael, kasama si Faye. Lalo siyang naiyak dahil tila pinatotohanan ng mga ito ang sinabi sa kanya ni Lily. Akala pa naman niya ay nasa Hong Kong pa rin ang lalaki. Malakas ang kumpiyansa ng babae, para bang nakahanda ito sa giyera ano mang oras. Nagsipasukan ang mga ito sa loob ng bahay ni Lily para tingnan kung ano man ang laman ng USB na bigay ni Brian. Naiiyak naman siya habang nakaupo sa bench. Hindi siya makatingin kay Kael. Ang totoo ay ramdam niya na para bang may kakaiba sa inaakto nito. Para bang napapagod na ito sa oras na iyon. Nilapitan siya ni Kael habang naroon sila sa labas. “Are you alright, Dan?” Umiling siya habang naglalandas ang luha. “May masakit ba sa ‘yo?” Tumayo siya. Kailangan niyang alamin ngayon ang totoo. "All I want is the truth, Kael. Did you have a relationship with Attorney Faye?" Natigilan ang lala
[This chapter may be unsettling for some readers due to the uncomfortable situations encountered while uncovering the truth in the evidence.] “Ahhhhh!” Umalingawngaw ang sigaw nila ni Danica kasabay ng mga putok. Nahila siya ni Drew padapa. Nanginginig sa takot habang nanlalaki ang mata ni Lily na pumailalim sa kanyang asawa. Palibhasa ay alerto si Orion, nagawa nitong tumalikod para protektahan si Danica at saka tumalon sa pool ang mga ito, nagtago sa ilalim ng tubig. Nabasag ang mga vase, ang salamin at ang lahat ng nahagip ng mga bala. Matapos ang sandali ay narinig na lang ni Lily ang pagtigil ng mga putok kasunod ang papalayong motor. “Damn it!” mura ni Drew bago umupo. “D-Drew? Are you alright?” garalgal ang tinig na tanong ni Lily. “I’m fine!” “D-Danica!” Kinakabahan niyang tawag sa kapatid. “Orion!” Umahon mula sa kinatataguang tubig ng pool ang dalawa. “Kuya!” sigaw ni Danica matapos mapuna ang sumisirit nitong dugo sa braso. “Kuya Orion!
INAYA ni Danica si Lily na lumabas makalipas ang dalawang araw. Namimili sila ng mga damit nang mapag-usapan nila si Kael. “May gusto ka ba kay Engineer Kael?” tanong ni Lily sa dalaga. “Ha? Wala noh! Bakit mo naman naitanong?” tugon nito, namumula ang pisngi at halatang umiiwas. “Dahil hindi kita masisisi kuung sakali na magkaroon ka ng pagtingin sa kanya. Mabait si Kael, guwapo, at saka may maayos na buhay at relasyon sa pamilya nila… Higit sa lahat, gusto kong malaman kung kailangan ko bang protektahan ang damdamin mo. He’s still in love with Faye Burnham.” Natigilan ang kapatid niya sa pagkilos. “‘Y-yong abogada?” Tumango si Lily. “P-pero hindi ba’t may nobyo ‘yon? Magpapakasal na si Faye, ‘di ba? At saka, paano silang nagkaroon ng relasyon?” Hinaplos niya ang buhok ni Danica. Alam ni Lily na nagsisimula na itong makaramdam ng pagmamahal kay Kael kahit na i-deny nito ang lalaki. "Unfortunately, they have a history. Masyado lang metikuloso ang pamilya ni Lauren dah
KOWLOON, Hong Kong. Alas siyete ng gabi, ibinaba ng taxi si Kael sa tapat ng Artus Hotel. Dito siya itinuro ni Faye. Nakailang pag-aatubili siya bago niya naisip na tumuloy dito sa ibang bansa. Nagwagi ang isipan niya na kailangan niyang samahan ang dalaga—kahit ngayon lang. Nagpunta siya sa opisina at hinintay ang oras ng flight niya. Nang sumapit ang tanghali ay sinabihan niya ang sekretarya niya at ikansela ang lahat ng kailangan niyang gawin sa araw na iyon dahil kailangan niyang umalis. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta dahil sa tabil ng dila nito ay baka masabi pa nito kay Lauren na nangibang bansa siya. Dalawang palit ng damit lang ang dinala niya dahil wala naman siyang plano na magtagal dito sa ibang bansa. Kailangan niyang pilitin si Faye na umuwi sa Pilipinas dahil una, pakiramdam niya ay magtataksil siya kay Danica. Kaninang umaga nga ay iniwan niya ito nang tulog pa sa kanyang kuwarto. Hinayaan niyang magpahinga ang dalaga. Ikalawa, kapag nalaman ito
NALUNGKOT si Lily nang bawiin ni Carmela ang kaso. Nanatili ito sa bahay habang kasama ni Drew. Nais ni Danica na sorpresahin si Kael—na ang bahay sa tapat nito na bigay ng kanyang ama—ang lilipatan niya. Masaya siya dahil siya mismo ang magde-decorate o mag-aayos nito. Dumating ang ilang gamit at nagsimula siyang ayusin ang mga kasangkapan na inabot ng tatlong oras. Nang dumating ang alas-sais ay nakatanggap siya ng tawag kay Kael. Mula sa bintana sa kuwarto sa itaas ay pasimple niyang sinilip ang kabilang bahay at natagpuan ang lalaki mula sa silid nito, nakahubad. Nasamid siya sa nasaksihan. Napalunok din habang pinapasadahan ang mala-adonis nitong katawan. Hindi niya inaasahan na balewalang nagtanggal lang ito ng saplot. Hindi ba nito alam na posible itong makita ng kapitbahay? They are neighbors now, right? “Hello, lady! Have you already taken your dinner?” tanong ng lalaki sa kanya. Hindi na iyon bago sa kanya. Madalas siya nitong ayain na kumain sa bahay nito. Bas
MADAMI ang naganap sa kaso ni Carmela. It was chaotic. Ang hindi inaasahan at nakasama sa loob ni Lily ay biglang binawi ng babae ang kaso laban sa grupo ni Kenneth. Nabigla doon si Lily at lalo siyang nasaktan. Nais niyang umiyak sa sobrang sama ng loob. “I’m going to Faye’s office,” hiling niya kay Drew. Nakapahinga siya sa loob ng ilang araw at alam niya sa sarili na handa siyang harapin kung ano man ang problema. She needed to face this before she could truly accept it. “Babe… Hindi ko alam kung makabubuti sa ‘yo ang pagpunta sa opisina nila,” ani Drew na nag-aalala. “Drew! Gusto kong malaman kung bakit walang nangyari sa kaso! Ano ang mararamdaman mo kung ikaw ang nasa posisyon ko? Nananahimik ako nang kasama ka. Nakahanda na akong ipagpaubaya kung ano ang mga naganap noon dahil gusto ko ng peace of mind. Sila itong nangulit sa ‘kin! Binuksan ko ang sarili ko at inalala ang nakaraan ko na pinilit ko nang kinalimutan! At pagkatapos ay biglang aatras si Carmela? Naniwala