“Good morning, Ma’am Diana!” magkakasabay na bati namin nila Nanay Karina pagpasok ni Diana sa dining area. “Good morning din sa inyo!” Lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin nang tapunan niya kami ng tingin habang nakangiti. “Siya po ba ang bagong kasambahay, Nanay Karina?” tanong niya kay Nanay pero nasa akin naman nakatuon ang mga mata niya. “Oo, Iha. Siya si Belle Seballo. Galing siya sa probinsiya. Lumuwas siya dito sa maynila at nakitira sa kaniyang tiyahin para maghanap ng trabaho. May dalawang kapatid siyang pinapaaral,” kuwento ni Nanay. Bago ko tuluyang pabalikin si Belle sa kanilang probinsiya ay inalam ko muna ang ilang impormasyon tungkol sa kaniyang buhay. Nabuntis umano ang ina niya ng isang lalaking may asawa at mga anak na. Pinabayaan daw sila nang mahuli ng tunay na asawa. Pero kalaunan ay nambabae ulit at tuluyang inabandona ang legal na pamilya. Ipinaghila ni Nanay si Diana ng upuan. Gusto kong taasan siya ng kilay sa kaartehan niya
“Uhm, Belle . . .” Nahinto ako sa paghuhugas ng plato pagkarinig ko sa boses ni Karl. Humarap ako sa kaniya. Ngunit agad din akong yumuko para isipin niyang nahihiya pa rin ako sa nangyari kanina. “I would like to say sorry for what happened earlier. Hindi ko sinasadya na mapatingin sa ano mo. Busy kasi ako kanina kaya ngayon lang ako makahingi ng paumanhin.” Thirty minutes bago ko binalikan ang mga pinagkainan niya. Nakatutok siya sa laptop nang pumasok ako. Halos patakbo akong pumasok at lumabas sa kaniyang silid. “P-Pasensiya na din po, Sir. Huwag n’yo po sana akong pag-isipan ng masama. Ayaw ko pong mawalan ng trabaho. Ako na lang po ang katuwang ni Mama sa pagpapaaral sa dalawa kong nakababatang kapatid.” Mangiyak-ngiyak akong tumingala sa kaniya. “Nasabi nga sa akin ng asawa ko. Alam kong hindi mo naman ginusto ’yun. Ako nga ang may kasalanan sa ’yo. Huwag kang mag-alala, hindi kita tatanggalin sa trabaho.” “T-Talaga po? Hindi kayo galit sa ’kin? Hindi n’yo ’ko tatanggalin
Ilang araw kong iniwasang magpang-abot kami ni Karl. Tuwing magpapahatid siya ng pagkain sa itaas ay si Lanie ang inuutusan kong magdala. Pansamantala din akong nakipagpalit sa kaniya sa paglilinis sa itaas. Abala ako sa pagsasampay ng mga nilabahan kong damit nang maramdaman kong may papalapit sa kinaroroonan ko. Wala sina Nanay Karina at Tatay Mario dahil namalengke sila. Umalis naman si Diana Kasama si Lanie. Walang ibang pupunta dito kung ’di si Karl dahil siya lang naman ang hindi lumabas ng bahay. Tumikhim siya bago nagsalita. “Belle . . .” mahinang sambit niya sa pangalan ko. Nagkunwari akong hindi siya narinig. May nakalagay na earphones sa tainga ko pero kanina pa ako huminto sa pakikinig ng tugtog. Inayos ko ang pagkakasampay sa tuwalyang nilabahan ko. Itinapat ko ang katawan sa tumutulong tubig na nagmumula sa tuwalya. Mas lalong nabasa ang manipis kong damit kaya bumakat ang aking malulusog na d*bdib. Ramdam kong mas lumapit siya sa akin. Bigla akong pumihit pah
“Ano ang ibig sabihin nito, Winsley? Bakit nakasandal sa ’yo ’yang secretary mo? Kulang na lang buhatin mo siya! Pinagtataksilan mo ba ako, ha?! Kaya ba parang lagi kang wala sa sarili?” Nabitin sa ere ang akma kong pagkatok sa pinto ng kwarto nila Diana. Ang akala ko ay nakaalis na siya kaya umakyat ako para maglinis at para akiting muli si Karl. Nakaawang ng bahagya ang pinto nila kaya dinig na dinig ko ang boses niya. “Wala akong ginagawang masama, Diane. Bigla siyang nahilo ng mga oras na ’yan kaya ko siya sinalo. Ano ang gusto mo, hayaan ko na lang siyang bumagsak sa sahig gano’n ba?” Paliwanag naman ni Karl sa tila naiiritang boses. “At saka pinababantayan mo ba ang mga kilos ko, ha? Bakit may mga ganitong pictures?” Dagdag pa niya. “Hindi kita pinababantayan, Winsley. May nagpadala lang sa akin ng mga pictures na ’yan. Kung wala kayong ginagawang masama, bakit madalas siyang sumakay sa kotse mo tuwing pauwi ka na? Tingnan mo ’to, nakaalalay ka pa sa kaniya! Last week may na
“Bakit ganiyan ka makatingin?” nakataas ang kilay na tanong ko kay Christan matapos kong ilapag ang baso na ininuman. Pangisi-ngisi siya habang nakatingin sa akin. Pinagkrus niya ang braso sa d*bdib saka isinandal ang likod sa upuan.“Ang tagal mong lumabas kanina sa kwarto ni Karl. May nangyari na ba sa inyo?” usisa niya at muling tumaas ang sulok ng labi. Naningkit ang mga mata ko at inilapag ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa. “Huwag mong sabihing naglagay ka ng camera sa tapat ng kwarto nila? Baka mamaya niyan pati sa loob ng silid may nilagay ka na din? Sige ka, masasaktan ka niyan kapag may napanood kang kababalaghan.” Pang aasar ko sa kaniya. “Kailangan kong maglagay ng camera para mabantayan ko sakaling saktan siya ni Martinez. At ’yung tungkol naman sa loob ng kwarto...” Napahawak siya sa baba at napaisip. “Well, kayang-kaya ko din namang lagyan doon pero siyempre kailangan din ng baby Yana ko ng privacy. Kaya hindi na lang siguro ako maglalagay.” Umalis siya sa pag
“Mukhang blooming ka yata, Belle?” tanong ni Christan. Nahinto ako sa akmang pagsubo ng pagkain. Ibinaba ko ang kutsara at binalingan siya ng tingin. “Gano’n talaga. Inaalagaan ko kasi sarili ko. Kaya ikaw, huwag ka nang masiyadong chismoso, maglagay ka na lang din ng pangpakinis ng mukha mo kaysa bantayan ang mga nasa paligid mo.” Inirapan ko siya at muling sumubo ng pagkain. Mahinang natawa sina Lanie at Nanay Karina. Si Tatay Mario naman ay pangiti-ngiti lang. “Kayong dalawa, ha? Para kayong aso at pusa palagi. Baka mamaya niyan magka-develop-an na kayo sa isa’t isa,” himig nanunukso na sambit ni Lanie habang palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. “Hindi ko siya type ’no!” Nakangiwi akong tumingin kay Christan. “Bakit, ano ba ang gusto mo sa isang lalaki, Iha?” tanong naman ni Nanay Karina. Napatingin ako sa kanila. Lahat sila ay nag-aabang sa isasagot ko. Bigla kong naalala si Marc na kaklase ko noong high school. Siya ang unang lalaki na nagustuhan ko. Mabait siya
“Mga kasama, bukas na ang birthday ni Sir Karl. Hindi mahilig sa marangyang selebrasyon ang alaga ko kaya dito lang ginaganap ang birthday niya. Huwag kayong mag-alala, may mga darating naman dito para tumulong sa atin sa paghahanda lalo at iilan lang tayo at saka day off din bukas ni Belle. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang naman ang iniimbita nilang mag-asawa. Kaya matulog tayo ng maaga ngayon ha. Kailangan bago dumating si Sir Karl nakahanda na ang lahat.” Anunsiyo ni Nanay Karina habang kumakain kami ng hapunan. At dahil may naisip na naman akong kalokohan, agad kong tinawagan si Karl pagpasok sa kwarto. “Hi honey! Busy ka po ba? Bakit ang tagal mong sagutin?” maarteng tanong ko sa kaniya. Naupo ako sa kama at sumandal sa headboard. “Sorry, katatapos ko lang maligo.” Ipinakita niya ang katawan na natatakpan pa ng tuwalya. “Ay! Bakit may takip? Patingin?” Inginuso ko ang ibabang bahagi ng katawan niya saka kumagat sa labi. “Sure.” Tumikwas ang dulo ng labi niya. “Wo
Napasimangot siya at napakunot-noo. Mabilis akong umalis sa kandungan niya at patakbong tinungo ang kusina. Gusto kong matawa sa itsura niya. Ang bilis nagbago ng mood niya pagkasabi kong kakain muna. “At bakit mo ako tinakbuhan, hmm?” Nahinto ako sa pagsandok ng kanin. Biglang pumulupot ang mga braso niya sa balakang ko at hinalikan ako sa leeg. “Mamaya na, kakain muna tayo. Nagugutom na ako,” ani ko habang pilit na inilalayo ang leeg sa kaniya. “Pwede ko bang unahin muna ang dessert?” bulong niya habang hinahaplos ang impis kong tiyan pati na ang balakang.. Humarap ako sa kaniya. “Honey, mamaya na. Please? Ipinagluto kita kaya kumain na muna tayo.” Hinalikan ko siya sa labi. Wala siyang nagawa kung ’di maupo sa lamesa. Dalawang putahe ng ulam ang iniluto ko. Mainit-init pa naman ang kaldereta kaya ’yung isang putahe na lang ang ininit ko. Nagsalin ako ng tubig sa baso matapos kong ihanda ang mga pagkain. “Mukhang masarap ’yan, ah.” Kukunin na sana niya ang kutsara upang simul
“Saktong-sakto ang pagkahuli sa inyo ni Diana kagabi, ah.” Nakangising bungad sa akin ni Christan pagpasok ko sa kusina upang mag-almusal. Kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. “So, naglagay ka din pala ng CCTV sa tapat ng kwarto ko?” Tinaasan ko siya ng kilay. Tinungo ko ang counter island at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. “Oo naman! Malay ba natin, baka mamaya puwersahin ka ni Martinez na may mangyari sa inyo. At least ’di ba may ipapakita tayong ebidensiya sakaling may gawin siyang hindi maganda.” Pinagkrus niya ang mga braso sa d*bdib at sumandal sa upuan na yari sa matibay na uri ng kahoy. Napairap ako. “Tsk! Wala pang nangyayari sa amin. Hindi siya kagaya ng iba diyan na sinamantala ang pagiging problemado ng babaeng mahal niya para lang makuha ang gusto.” Pasaring ko sa kaniya. Muli siyang napangisi sabay iling. “Lalaki ’yun, imposibleng hindi ’yun maakit sa ’yo. Sa ganda ba naman ng mukha at katawan mo. Kung wala nga lang akong ibang babaeng mahal baka nagu
Makaraan ang ilang sandali ay dumating na si Karl. Agad na nanuot sa ilong ko ang shower gel na gamit niya. Medyo basa pa ang kaniyang buhok. Namumutok ang muscles niya sa suot na puting kamiseta na pinaresan niya ng gray na cotton shorts. Sumiklab ang matinding pagnanasa sa mga mata niya matapos akong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok siya ng ilang beses. Inilabas niya ang dila at binasa ang ibabang labi niya na ubod ng pula. Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ay baka maraming beses nang may nangyari. Bukod sa mayaman siya, gwapo na at maganda pa ang pangangatawan. Wala nga lang talaga akong maramdamang kakaiba para sa kaniya. At mabuti na rin ang gano’n, dahil mangloloko siya ng asawa. Hinding-hindi ko pangangarapin ang isang lalaking walang respeto sa taong pinag-alayan niya ng pangalan. Pareho lang sila ng ama namin ni Diana, handang magkasala para lang sa sariling kapakanan. “Honey . . .” anas ni Karl sa namamaos ng tinig. Hinapit niya ako sa bayw
“Hanggang kailan ka magiging anay ng tahanang ito? Umalis ka na, pakiusap. Magkakaanak na sila. Bakit hindi ka na lang maghanap ng binata? Ano ba ang dahilan at ginagawa mo ’to?” Bungad sa akin ni Nanay Karina pagbukas ko ng pinto. Malamig ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “Hindi po ako aalis dito. Wala akong ginagawang masama,” kalmado ang tinig na tugon ko sa kaniya. “Pinahihirapan ni Karl si Diana. Alam naman nating lahat na buntis siya. Kahapon, sa halip na ikaw ang katuwang ni Selya maglaba, si Diana ang pinatulong niya. Akala mo ba hindi ko kayo nakitang pumasok sa library?” “May pinaayos lang po siya sa akin,” tipid na sagot ko. Tumalim ang mga mata niya. “May pinaayos? Mahigit tatlumpong minuto ang itinagal mo doon. Tapos sasabihin mong may pinaayos lang siya sa ’yo? Maayos ang library niya. Gabi pa lang ay inayos ko na ’yun!” Singhal niya sa akin. Tumaas baba ang d*bdib niya sa galit. Mariin niya ding naikuyom ang mga kamao. “Si Karl ang amo ko. Siya ang magdedesis
Muli akong napabuntong-hininga pagdating ko sa laundry area. Kagabi ay nakaramdam ako ng hiya at takot sa maaaring iniisip ni Nanay sa akin dahil sa pagpatol ko sa amo namin na mayroon nang asawa. Pero agad ko ding iwinaglit ang ganoong pakiramdam. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito, kaya hinding-hindi ako magpapapigil kahit kanino. “Iha, bakit hindi gaanong kumikibo si Karina? Napakaseryoso ng mukha niya ngayong araw. Nakakapanibago. Dati naman laging maaliwalas ang itsura niya,” usisa ni Nanay Selya pagdating niya sa likod ng bahay. Siguro ay nahihiwagaan siya sa ipinapakitang malamig na pagtrato ni Nanay sa akin. “Baka may mga iniisip lang po siya.” Agad akong nag-iwas ng tingin. “Simulan na po agad natin Nanay para matapos po kaagad tayo at maaga kang makauwi,” dagdag ko pa upang mabaling sa iba ang atensiyon niya. “Mabuti pa nga at nag-aalala talaga ako sa anak ko. Nagkataon naman kasi na wala sa bahay namin ang matalik niyang kaibigan kaya sila lang ng apo ko ang nar
“N-Nanay Karina, g-gising pa po pala kayo,” nauutal na sambit ko kay Nanay. Bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay bigla akong pinagpawisan ng malamig. “Kayong dalawa, bakit gising pa kayo? Lalo ka na, Belle? Hindi magandang tingnan na pagala-gala ka dito ng ganitong oras tapos ganiyan lang ang suot mo. Alam mo namang may mga lalaki tayong kasama dito sa bahay. Sa tingin mo ba ay magandang gawain ’yan?” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi niya itinago ang disgusto sa kaniyang mga mata lalo na nang tumapat ang tingin niya sa n*ppl*s kong bakat na bakat sa manipis kong pangtulog. “A-Ano po kasi...” Kasabay ng garalgal kong tinig ay ang panginginig ng mga kamay ko. Napayuko ako. Hindi ko magawang salubungin ang mapanghusgang titig niya. Itinago ko sa likod ang mga kamay kong nanginginig. Akala ko noon ay handa na ako sa kahihinatnan sakaling may makahuli sa amin. Pero iba pa din pala talaga kapag nangyayari na. Lalo na at ang taong nakahuli sa i
“Ate Belle, grabe ’yung mga eksena kahapon, ’no?” panimula ni Lanie sa mababang tono. Lumingon siya sa likod namin, marahil siniguro muna niya na walang ibang tao saka muling nagpatuloy. “Kung ako kay Ma’am Diana, iiwanan ko na si Sir Karl. Pinagtatabuyan na siya pero ayaw pa ring umalis. Hay naku, ang pag-ibig nga naman! Para kang mawawala sa katinuan,” napapailing niyang turan. Kasalukuyan kaming nagmemeryenda. Nauna na si Nanay Karina at Tatay Mario, kasabay nila sina Diana at Christan kaya kaming dalawa na lang ang magkasama. Ayon kay Christan, pinakiusapan daw ni Diana si Karl na manatili din siyang trabahador dito. “Kaya ikaw, huwag mong ibibigay lahat ng pagmamahal at atensiyon mo sa karelasyon mo o kahit pa asawa mo na ’yan. Kahit gaano pa kayo katagal nagsasama at kahit pa may mga anak na kayo. Hindi kasi natin hawak ang damdamin ng isang tao. Mamaya hindi mo namamalayan bigla na lang siyang nagising na wala na palang pagmamahal sa ’yo. Sa panahon ngayon, kung sino ang ma
“Tumayo ka diyan, Diana. Tigilan mo na ang kalokohang ’to dahil wala nang dahilan pa para patuloy tayong magsama,” malamig na turan ni Karl sa asawa habang nakatunghay dito. “M-Magkakaanak na tayo, Karl. Kailangan nating ayusin ’to kahit para na lang sa magiging anak natin.” Patuloy sa pagpatak ang mga luha ni Diana. Nagmamakaawa ang mga mata niya. “Bakit hindi mo ipaako ’yang dinadala mo doon sa lalaking tunay na nakabuntis sa ’yo? Mas mapera ba ako sa kaniya kaya iginigiit mong ako ang tatay ng dinadala mo?” Puno ng galit ang mga mata niyang nakatuon sa asawa. Tumalungko siya at muling pinisil ng mariin ang mukha ni Diana. Tumaas-baba naman ang d*bdib ni Christan habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawa. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niyang nakatutok sa kamay ni Karl na nakahawak kay Diana. Alerto siyang nakatingin sa mag-asawa na para bang sa sandaling may ginawang mas malala si Karl ay handa siyang daluhan ang babaeng pinakamamahal niya. Gusto kong umalis at bigyan sila n
“Mag-usap tayo. Tumawag ka sa ’kin.” Text ko kay Christan matapos kong gawin ang skincare routine ko kinagabihan. Mamayang ika-sampu pa ng gabi pupunta si Karl dito sa kwarto ko kaya kailangan kong makausap kaagad si Christan. Lumipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko. “Huhulaan ko, nakita mo din ang pictures ’no?” Tila nagmamalaking bungad niya sa akin. “Oo. At galit na galit si Karl. Alam ba ni Diana ang ginawa mo? O, nilasing mo siya para lang magawa ang plano mo?” may pagdududa sa tinig na tanong ko sa kaniya. “Wow! May gana pa talaga siyang magalit sa lagay na ’yan? Eh kung tutuusin mas nauna siyang magpakasasa sa katawan ng ibang babae bago ko mahawakan ang asawa niya,” patuyang tugon niya. Inalmahan ko ang kaniyang sinabi. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo! Para sa kaalaman mo, hindi pa kami lumagpas sa limitasyon. Hindi ko pa nagawang ipagkaloob sa kaniya ang sarili!” Napatuwid ako ng upo sa kama. “Teka! Teka! Kumalma ka muna.” Awat niya sa akin.
Inilibot ko ang tingin sa malawak na silid nina Karl. Bitbit ko ang isang brown envelope na pina-deliver para sa kaniya. Si Tatay Mario ang nakatanggap nito pero ako ang inutusan niyang umakyat para iabot sa amo namin. Dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay siyang matapos maligo. Sobrang laki ng kanilang kwarto. Doble ang laki nito sa kwartong inookupa ko noon sa ibang bansa. Kung tutuusin ay kaya ko namang bumili ng mas malaking bahay pero mas pinili ko ’yung hindi gaanong malaki dahil ako lang naman at si Cathy ang titira. Habang nagmamasid sa silid ay napuna kong wala na ang mga maliliit na picture frame na nakapatong sa may cabinet na nasa gilid ng bintana. Dati ay puno ’yon ng mga larawan nilang mag-asawa. Inilapag ko sa lamesa ang brown envelope at nilapitan ang cabinet. Puro pictures na lang ni Karl ang mga natirang naka-display. Siguro’y inalis ni Karl magmula nang mag-alsa balutan si Diana. Napangiti ako sa isiping baka si