“D-Danny, parang awa mo na... Ayusin natin ’to. Ano ba ang problema? Bakit mo kami iiwan?” Bahagya kong itinulak ang pinto upang sumilip sa loob ng kwarto nila Mama. “Pasensiya na, Belen. Tigilan na natin ’to. Umuwi lang ako dito para magpaalam sa ’yo,” ani ni Papa kay Mama na nakaluhod sa harap niya. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata. “P-Pero, paano si Dhanna? Paano na ang anak natin? Hahanapin ka niya. Malulungkot siya at masasaktan kapag nalaman niyang umalis ka para sa ibang babae.” Ipinulupot ni Mama ang mga braso sa balakang ni Papa. “Ikaw na ang bahalang magpaliwanag. Malaki na siya, maiintindihan na niya ang sitwasyon,” walang emosyong sambit ni Papa. “B-Babalik ka pa naman, ’di ba? Kahit twice a month or kahit isang beses lang sa isang buwan. Basta makita ka lang namin kahit papaano, masaya na ako do’n.” Rumehistro ang galit sa mga mata ni Papa at pilit niyang itinayo si Mama mula sa pagkakaluhod sa harapan niya. “Ano ba ang hindi mo maintindihan, Belen!?
Terakhir Diperbarui : 2025-01-23 Baca selengkapnya