All Chapters of MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret : Chapter 21 - Chapter 30

35 Chapters

Chapter 21

“Saan tayo pupunta, Honey?” tanong ni Karl habang papalabas kami ng apartment. “Diyan lang sa may malapit,” tipid na sagot ko. Pagkatapos kong ibigay sa kaniya ang “premyo”, naligo ulit ako. Maging siya ay pinaglinis ko din ng katawan. Dalawang pelikula ang pinanood namin bago ko napagpasyahang ayain siyang lumabas. “Huwag na tayong sumakay sa kotse mo. Mag-commute na lang tayo papunta doon,” saad ko nang lumapit siya sa sasakyan niya upang pagbuksan ako ng pinto. “Commute lang tayo?” Ngumiti ako saka tumango. “Yup! Sabi ko nga ’di ba diyan lang tayo sa may malapit,” tugon ko. “Halika na.” Hinawakan ko ang kamay niya saka sinimulang maglakad. “Akala ko magco-commute tayo?” tanong niya makaraan ang ilang minutong paglalakad namin. “Oo, pero lalakarin natin ang papunta sa paradahan ng tricycle.” Medyo pinagpapawisan na siya dahil malayo-layo din sa apartment ang paradahan ng tricycle pero hindi ko siya narinig na nagreklamo. “Dito ako sa loob, doon ka sa likod ng driver. Masi
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 22

“Saan ka galing kahapon, Karl? Magdamag kang hindi nagparamdam sa akin,” mariing sambit ni Diana habang pinagmamasdan si Karl. “Nag-aalmusal tayo, Diane. Hindi mo ba pwedeng ipagpaliban ’yang tanong mo?” tugon ni Karl na hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa at patuloy lang sa pagkain.Tahimik lang kami ni Nanay Karina na nakatayo sa may gilid. Naghihintay ng iuutos nila. Pinapauna nila kaming kumain para sa oras ng kain nila ay busog na kami at mapagsilbihan namin sila ng maayos. “Pagdating mo kagabi natulog ka na agad. Ngayon naman late ka na nagising kasi nga hatinggabi ka na umuwi. Madalas kang umiwas sa mga tanong ko sa ’yo, Karl. Tuwing umaga nagmamadali kang umalis papunta sa trabaho. Sa gabi naman pagdating mo dito trabaho pa din ang inaatupag mo. Kailangan ko pa bang magpa-set ng appointment sa secretary mo para lang makapag-usap tayo, ha?” Pabagsak na ibinaba ni Diana ang kutsara at tinidor na hawak. Puno ng hinanakit ang mga mata niyang nakatuon sa asawa. Lihim ak
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 23

“Belle, may gagawin ka na ba?” tanong sa akin ni Nanay Karina pagpasok ko sa kusina. “Wala pa naman po, Nanay. May ipag-uutos po ba kayo?” “Tamang-tama, makikisuyo muna ako. Pakidala ako nitong meryenda para sa bisita ni Karl, nasa library sila. Hindi pa kasi ako tapos magluto ng meryenda natin.” Inilapit niya ang tray sa akin matapos timplahin ang juice sa babasaging pitsel. “Sige po, Nanay ako na po ang bahala dito.” Ngumiti ako sa kaniya bago ko kinuha ang tray na naglalaman ng dalawang platito na may cake, isang pitsel ng juice at dalawang baso. Maingat kong dinala ang tray papunta sa library. Ipinatong ko muna ang tray sa mataas na lamesa na nasa gilid ng pinto. Kumatok ako at hinintay na sumagot ang nasa loob bago pumasok. Isang lalaking nakaputing polo shirt at maong na pantalon ang nakatayo sa likuran ni Karl. Nakaharap siya sa bintana na animo nagmamasid sa labas kahit sarado naman ang kurtina. “Ayusin mo ang pamilya ninyo, Winsley. Masiyado nang nangayayat ang anak ko
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more

Chapter 24

“Saan ka pupunta, Diana?” mahinang tanong ni Karl kay Diana paglabas nito sa elevator. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo. Tumayo siya at lumapit sa kaniyang asawa. Nasa bandang likuran ni Diana si Christan na hila ang isang malaking maleta. Lumapit ako sa may hagdan at pinunasan ang hawakan kahit tapos na ako doon para mas malinaw sa pangdinig ko kung ano man ang kanilang pag-usapan. “Aalis muna ako. Kailangan ko munang lumayo sa ’yo dahil sobra na akong nahihirapan sa ginagawa mo,” walang emosyon na tugon ni Diana. “Nag-usap na tayo kagabi. Hindi pa ba malinaw sa ’yo ang gusto kong mangyari? Ano ba ang hindi mo naintindihan sa mga sinabi ko?” “H-Hindi ako sang-ayon sa gusto mo. Lalayo muna ako pangsamantala. Pagbalik ko, magpa-counseling tayo. Ayusin natin ang pagsasama natin dahil hindi ako papayag na mauwi lang tayo sa ganito,” ani Diana sa nanginginig na tinig.Mula sa sulok ng mga mata ko, nakita kong humakbang siya kay Karl at tumingala dito. Wala na sa pagpupunas ang a
last updateLast Updated : 2025-02-21
Read more

Chapter 25

Abala ako sa pagsusuklay ng buhok. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa pader matapos kong makarinig ng magkakasunod na katok. “Nine thirty pa lang, nandito na kaagad siya.” Tukoy ko kay Karl. Halos wala pang fifteen minutes mula nang mag-text siya sa akin na pupuntahan niya ako ngayong gabi. Alam kong siya ang kumakatok sa labas. Apat na magkakasunod na katok ang palatandaan namin kapag pupunta siya dito sa kwarto “Hi!” bati ko kay Karl nang pagbuksan ko siya ng pinto. “Ang aga mo yata nga–” Hindi ko naituloy ang iba pang sasabihin nang agad niya akong hinapit at siniil ng nagbabagang halik. “Wait! Wait! Hindi ko pa naisasara ang pinto.” Awat ko sa kaniya. Hindi siya bumitaw mula sa pagkakayakap sa akin. Itinulak niya ang pinto gamit ang isang paa niya at ako naman ang nag-lock. Muling bumaba ang mga labi niya. Inangat ako mula sa sahig at isinandal sa malamig na pader. Awtomatikong naikawit ko ang mga braso sa kaniyang leeg. Halos kapusan na ako ng hininga sa paraan ng pa
last updateLast Updated : 2025-02-23
Read more

Chapter 26

“Hello Cath?” Bungad ko kay Cathy matapos kong sagutin ang tawag niya. “Hoy! Babaita ka! Ano na? Buhay ka pa ba? Hindi mo man lang naalalang magparamdam sa akin! Anong petsa na ’te?” Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko sa lakas ng boses ni Cathy. Matutulog na sana ako pero biglang nag-ring ang cellphone ko. Na-guilty ako bigla dahil hindi ko na siya nagawang i-update sa nangyayari sa akin dito sa bahay ni Karl.“Pasensiya na, madalas kasi akong pagod. Kumusta ka na?” Hinging paumanhin ko na lang. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. “Heto buhay pa naman kahit alalang-alala na ako sa kalagayan mo diyan.” Pagtataray niya pa rin sa akin. Hindi ko man siya nakikita, nasisiguro kong nakataas na naman ang kilay niya. “Ayos nga lang ako. At saka may good news ako sa ’yo,” excited kong sabi sa kaniya saka napangiti.“Tagumpay na ba ang plano mo?” usisa niya. “Oo naman. Ako pa ba?” may pagmamalaking tugon ko. Ikinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari magmula nang dumating ako dit
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 27

Inilibot ko ang tingin sa malawak na silid nina Karl. Bitbit ko ang isang brown envelope na pina-deliver para sa kaniya. Si Tatay Mario ang nakatanggap nito pero ako ang inutusan niyang umakyat para iabot sa amo namin. Dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Naupo muna ako sa sofa habang hinihintay siyang matapos maligo. Sobrang laki ng kanilang kwarto. Doble ang laki nito sa kwartong inookupa ko noon sa ibang bansa. Kung tutuusin ay kaya ko namang bumili ng mas malaking bahay pero mas pinili ko ’yung hindi gaanong malaki dahil ako lang naman at si Cathy ang titira. Habang nagmamasid sa silid ay napuna kong wala na ang mga maliliit na picture frame na nakapatong sa may cabinet na nasa gilid ng bintana. Dati ay puno ’yon ng mga larawan nilang mag-asawa. Inilapag ko sa lamesa ang brown envelope at nilapitan ang cabinet. Puro pictures na lang ni Karl ang mga natirang naka-display. Siguro’y inalis ni Karl magmula nang mag-alsa balutan si Diana. Napangiti ako sa isiping baka si
last updateLast Updated : 2025-02-25
Read more

Chapter 28

“Mag-usap tayo. Tumawag ka sa ’kin.” Text ko kay Christan matapos kong gawin ang skincare routine ko kinagabihan. Mamayang ika-sampu pa ng gabi pupunta si Karl dito sa kwarto ko kaya kailangan kong makausap kaagad si Christan. Lumipas ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone ko. “Huhulaan ko, nakita mo din ang pictures ’no?” Tila nagmamalaking bungad niya sa akin. “Oo. At galit na galit si Karl. Alam ba ni Diana ang ginawa mo? O, nilasing mo siya para lang magawa ang plano mo?” may pagdududa sa tinig na tanong ko sa kaniya. “Wow! May gana pa talaga siyang magalit sa lagay na ’yan? Eh kung tutuusin mas nauna siyang magpakasasa sa katawan ng ibang babae bago ko mahawakan ang asawa niya,” patuyang tugon niya. Inalmahan ko ang kaniyang sinabi. “Magdahan-dahan ka sa pananalita mo! Para sa kaalaman mo, hindi pa kami lumagpas sa limitasyon. Hindi ko pa nagawang ipagkaloob sa kaniya ang sarili!” Napatuwid ako ng upo sa kama. “Teka! Teka! Kumalma ka muna.” Awat niya sa akin.
last updateLast Updated : 2025-02-26
Read more

Chapter 29

“Tumayo ka diyan, Diana. Tigilan mo na ang kalokohang ’to dahil wala nang dahilan pa para patuloy tayong magsama,” malamig na turan ni Karl sa asawa habang nakatunghay dito. “M-Magkakaanak na tayo, Karl. Kailangan nating ayusin ’to kahit para na lang sa magiging anak natin.” Patuloy sa pagpatak ang mga luha ni Diana. Nagmamakaawa ang mga mata niya. “Bakit hindi mo ipaako ’yang dinadala mo doon sa lalaking tunay na nakabuntis sa ’yo? Mas mapera ba ako sa kaniya kaya iginigiit mong ako ang tatay ng dinadala mo?” Puno ng galit ang mga mata niyang nakatuon sa asawa. Tumalungko siya at muling pinisil ng mariin ang mukha ni Diana. Tumaas-baba naman ang d*bdib ni Christan habang tahimik na pinagmamasdan ang dalawa. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niyang nakatutok sa kamay ni Karl na nakahawak kay Diana. Alerto siyang nakatingin sa mag-asawa na para bang sa sandaling may ginawang mas malala si Karl ay handa siyang daluhan ang babaeng pinakamamahal niya. Gusto kong umalis at bigyan sila n
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 30

“Ate Belle, grabe ’yung mga eksena kahapon, ’no?” panimula ni Lanie sa mababang tono. Lumingon siya sa likod namin, marahil siniguro muna niya na walang ibang tao saka muling nagpatuloy. “Kung ako kay Ma’am Diana, iiwanan ko na si Sir Karl. Pinagtatabuyan na siya pero ayaw pa ring umalis. Hay naku, ang pag-ibig nga naman! Para kang mawawala sa katinuan,” napapailing niyang turan. Kasalukuyan kaming nagmemeryenda. Nauna na si Nanay Karina at Tatay Mario, kasabay nila sina Diana at Christan kaya kaming dalawa na lang ang magkasama. Ayon kay Christan, pinakiusapan daw ni Diana si Karl na manatili din siyang trabahador dito. “Kaya ikaw, huwag mong ibibigay lahat ng pagmamahal at atensiyon mo sa karelasyon mo o kahit pa asawa mo na ’yan. Kahit gaano pa kayo katagal nagsasama at kahit pa may mga anak na kayo. Hindi kasi natin hawak ang damdamin ng isang tao. Mamaya hindi mo namamalayan bigla na lang siyang nagising na wala na palang pagmamahal sa ’yo. Sa panahon ngayon, kung sino ang ma
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more
PREV
1234
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status