Share

CHAPTER 3

Author: SPICY SINGLE
last update Last Updated: 2025-01-23 22:41:55

“D-Danny, parang awa mo na... Ayusin natin ’to. Ano ba ang problema? Bakit mo kami iiwan?” Bahagya kong itinulak ang pinto upang sumilip sa loob ng kwarto nila Mama.

“Pasensiya na, Belen. Tigilan na natin ’to. Umuwi lang ako dito para magpaalam sa ’yo,” ani ni Papa kay Mama na nakaluhod sa harap niya. Hilam sa luha ang kaniyang mga mata.

“P-Pero, paano si Dhanna? Paano na ang anak natin? Hahanapin ka niya. Malulungkot siya at masasaktan kapag nalaman niyang umalis ka para sa ibang babae.” Ipinulupot ni Mama ang mga braso sa balakang ni Papa.

“Ikaw na ang bahalang magpaliwanag. Malaki na siya, maiintindihan na niya ang sitwasyon,” walang emosyong sambit ni Papa.

“B-Babalik ka pa naman, ’di ba? Kahit twice a month or kahit isang beses lang sa isang buwan. Basta makita ka lang namin kahit papaano, masaya na ako do’n.”

Rumehistro ang galit sa mga mata ni Papa at pilit niyang itinayo si Mama mula sa pagkakaluhod sa harapan niya.

“Ano ba ang hindi mo maintindihan, Belen!? Kaya nga kita kinakausap para ipaintindi sa ’yo ang desisyon ko. Ayaw kong masaktan ang anak namin ni Mariel kapag nalaman niya ang tungkol sa inyo. Birthday na niya sa susunod na buwan. Magmula ng magdalawang taong gulang siya, lagi niyang hinihiling na sana hindi na ako umalis lagi sa bahay. Gusto ko namang pagbigyan ang kahilingan niya ngayong ika-sampung kaarawan niya.” Galit na paliwanag ni Papa.

“M-Minahal mo ba talaga ako, Danny? Si Mariel ba, kailan mo pa siya natutunang mahalin?” Hinaplos ni Mama ang pisngi ni Papa.

“Maniwala ka, minahal kita kahit papaano. Salamat dahil nandiyan ka noong mga panahong hindi kami okay ni Mariel. Lumalaki na si Diana. Mas matanda si Dhanna kaya mas maiintindihan niya na ang mga bagay-bagay.”

“Ano ang sabi mo? Minahal mo ako kahit papaano? Ginawa mo lang ba akong panakip-butas, ha? Pagkatapos kong ibigay sa ’yo ang lahat! Buong buhay ko sa ’yo ko lang inilaan, Danny! Tapos ngayon siya ang mas pipiliin mo kaysa sa amin?” Sumbat ni Mama.

“Patawad ulit, Belen. Pero sila na ngayon ang mas mahal ko. Hindi ko kayang saktan ang damdamin ng anak namin. Masiyado pa siyang bata.”

Muli na namang pumatak ang mga luha sa pisngi ko. Dinig ko ang mga yabag na papalapit sa pinto pero hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko paalis. Walang kasing sakit para sa akin ang mga pinagsasabi ni Papa para kay Mama.

“Danny, please lang! Huwag mong gawin ’to!” Muling pagmamakaawa ni Mama.

Bumukas ng malaki ang pinto. Nanlaki ang mga mata ni Papa pagkakita niya sa akin.

“D-Dhanna, anak,” sambit ni Papa.

Napatingin ako sa maletang hawak niya. “H-Hindi n’yo na po pala kami mahal ni Mama? May ibang babae po pala kayo. B-Bakit po, Papa?” Tumingala ako sa kaniya.

“P-Pasensiya ka na, anak.” Yumuko siya at niyakap lang ako ng mahigpit. Hindi man lang kababakasan ng lungkot ang mga mata niya.

Wala akong nagawa kung ’di ang ihatid lang siya ng tanaw habang papalabas siya ng pinto ng bahay. Habang si Mama naman ay panay ang pigil sa kaniyang umalis.

Nanikip ang dibdib ko at napaluha nang muling maalala ang ginawang pag-abandona sa amin ni Papa. Gabi-gabi akong umiiyak magmula nang umalis siya. Dahil doon, unti-unti akong nakaramdam ng galit at inggit para sa naging anak nila ng babae niya.

Sobrang sakit ng ginawa ni Papa. Mas pinili niyang iwanan kami dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng anak niya sa iba. Hindi man lang niya naisip kung ano ang mararamdaman ko.

Pinunasan ko ang aking pisngi at binilisan ang kain. Hangga’t maaari ay ayaw ko nang maalala ang ginawa sa amin ni Papa. Siguro nga ay hindi niya talaga kami mahal ni Mama. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili kung hindi niya na talaga kami mahal. Kung ayaw na niya sa amin, puwes ayaw ko din sa kaniya.

“Mama, mahiga na po muna kayo dito sa papag. Mamaya naman po ulit kayo maupo diyan,” ani ko kay Mama pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan namin.

Napangiti ako nang tumayo siya at lumapit sa papag. Inalalayan ko siyang mahiga. Binuksan ko ang maliit na bentilador na bigay sa amin ni Tito Vicente. Nagbubukas lang ako ng electric fan tuwing matutulog lang kami ni Mama dahil baka mag-over heat at tuluyang masira. Lumang-luma na kasi at sobrang hina na ng hangin.

Ayaw pa nga sana kaming pahiramin ni Tita Jocy mabuti na lang at napakiusapan ko si Tito Vicente. Ang dahilan niya, dagdag pa daw sa bayarin sa kuryente.

“Mama, mahiga po muna kayo dito dahil mananakit po ang likod ninyo.” Inayos ko ang unan na ginagamit ni Mama.

“A-Anak, pasensiya ka na, ha? Napapabayaan na kita,” malat ang boses na sambit ni Mama.

Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. Ngayon na lang ulit siya nagsalita. Halos dalawang buwan ko siyang hindi nakakausap dahil lagi siyang tulala.

“M-Mama... na-miss ko po ang boses mo. Huwag mo po akong alalahanin, ayos lang po ako.” Nag-unahang pumatak ang mga luha sa pisngi ko.

Mapait siyang ngumiti sa akin at saka napaluha. “P-Patawarin mo sana si Mama kung naging pabaya ako sa ’yo.”

“Mama, ayos lang po talaga ako. Kayo po ang inaalala ko. Sana bumalik na po kayo sa dati–’yung masigla at laging nakapostura. Huwag po nating panghinayangan ang pang-iiwang ginawa sa atin ni Papa. Siya ang nawalan, hindi tayo.”

“Huwag kang mag-alala, Anak. Bigyan mo lang ako ng kaonting panahon, babawi ako sa ’yo.”

“Hihintayin ko po ’yan, Mama. Magpaganda po ulit tayo kagaya ng dati. Sigurado taob sa inyo ’yung mga chismosa nating kapitbahay na lagi tayong pinag-uusapan.” Nahiga ako at tumabi sa kaniya.

“Huwag mo na lang silang pansinin, Anak. Hindi naman sila mga importanteng tao. Mga wala lang silang magawa sa buhay kaya pati buhay ng iba pinag-uusapan pa.”

“Opo, Mama.”

May isang bagay na bumabagabag sa akin dahil sa lantarang pag-uusap ng mga kapitbahay tungkol kay Mama pero hindi ko na inungkat sa kaniya. Ayaw kong paniwalaan ang mga gano’ng klaseng bagay lalo na at nanggaling lang sa mga chismosa.

“Mahal na mahal kita, Dhanna anak.”

“I Love you too, Mama.”

Yumakap siya sa akin kaya nagsumiksik ako sa katawan niya. Ipinikit ko ang mga mata. Ang sarap sa pakiramdam, ngayon na lang ulit ako nayakap ni Mama. Kahit anong paninira nila sa kaniya ay hindi ko paniniwalaan. Hindi siya gano’ng klaseng babae. Mas kilala ko si Mama kaysa sa kanila. At alam kong mabait siyang tao. Hindi niya gugustuhing makapanakit siya ng kapwa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 4

    Bumangon ako nang makatulog si Mama. Kinuha ko ang mga maruruming damit namin upang maglaba. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi siya magising. Isang putol ng baretang sabon at isang sachet lang ng detergent powder ang ibinibigay sa amin ni Tita Jocy. Para sa isang linggong labahin na daw namin kaya ang ginagawa ko ay pinuputol ko ulit ang isang bareta para hindi kaagad matunaw. “Tamang-tama, maglalaba ka pala. Isabay mo na ’tong mga uniporme na binili ko para kay Jovy. May sabon na din diyan. Dalawang linggo na lang at pasukan na kaya dapat malabahan na ’tong mga ’to.” Inilapag niya ang laundry basket. “T-Tita Jocy, pwede na din po ba akong mag-enroll?” nag-aalangan na tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at napakamot sa ulo. “Sige, bukas mag-enroll ka na. Magpahatid ka na lang sa Tito Vicente mo. “Salamat po, Tita. M-May uniform na din po ba ako dito?” “Aba! Ang galing mo naman kung ibibili din kita ng bagong uniporme? May ibinibigay sa akin si Ma

    Last Updated : 2025-01-24
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 5

    “’Ma?” Nagising ako kinabukasan na wala si Mama sa tabi ko. Nagtatakang inilibot ko ang tingin sa maliit naming kwarto. Bumangon ako at inalis ang kumot. Tumingin ako sa maliit na alarm clock na nakapatong sa lamesita sa may bintana. Four thirty pa lang ng umaga. “Mama?” Tawag ko ulit sa kaniya. Pinatay ko muna ang electric fan namin bago lumabas ng kwarto. Naamoy ko agad ang ginigisang bawang papunta pa lang ako sa kusina. Muli akong nagtaka. Hindi gumigising ng ganito kaaga si Tita Jocy. At higit sa lahat, hindi siya nagluluto. “Si Mama kaya ang nagluluto?” tanong ko sa sarili. At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko siyang kumakanta-kanta pa habang nakaharap sa kalan at nakatukod sa balakang ang isang kamay. Malapad akong napangiti. Nagmadali akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. “Goof morning, ’Ma! Ang aga po ninyong nagising ah!” bati ko sa kaniya. “Good morning din, Anak! Sabi ko naman sa ’yo, ’di ba? Babawi ako. Kaya gumising ako ng maaga at

    Last Updated : 2025-01-25
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 6

    “Salamat po sa paghatid, Tito,” ani ko kay Tito Vicente pagkababa sa tricycle niya. Hindi ko na siya hinintay na bumaba. Nauna na ako at agad na dumiretso sa kwarto namin ni Mama para makapagpalit. Nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sahig. Nakayupyop ang ulo niya sa papag. Hindi ko makita kung tulog ba siya o gising dahil nakatalikod siya. “’Ma? Ano po ang ginagawa mo diyan? Bakit diyan ka nakaupo? Malamig ang sahig.” Hinubad ko ang backpack na dala papuntang school at inilapag sa lamesita. Isinara ko muna ang bintana dahil magbibihis ako. Lumapit ako sa kahon na lagayan ng mga damit ko at naghanap ng damit pangbahay. “’Ma, natutulog ka po ba? Dapat dito ka na lang sa papag nahiga.” Hinubad ko ang puting polo shirt na suot ko at nagpalit ng blouse na kulay asul. Sunod kong hinubad ay ang maong na pantalon at saka isinuot ang asul din na cotton shorts na terno sa damit. Dinampot ko ang mga pinaghubaran at inilagay sa isang kahon na lagayan ng mga labahan namin ni Mama. “

    Last Updated : 2025-01-27
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 7

    “Ano na, Dhanna? Hindi ka pa ba diyan babangon? Pinagbigyan na kita kahapon na maghapong magmukmok dahil naiintindihan ko ang pinagdaanan mo. Pero baka nakakalimutan mo, may mga gawain ka na dapat gampanan. Alam mong may pasok ako sa trabaho. Matuto kang kumilos dahil wala nang libre sa ngayon. Nadala na ako sa pagtulong noon sa nanay mo kaya hindi ko na hahayaang maulit na naman ang nangyari noon.” Inalis ni Tita Jocy ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko. Kanina pa ako gising pero wala akong ganang bumangon at kumilos. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom. Mas gusto kong mawala na rin para makasama ko na si Mama. “Bumangon ka na diyan at kumain. Kahapon pa walang laman ang sikmura mo. Nagluto na ako ng almusal ninyo. Tumayo ka na diyan para makapaglaba ka. Hindi pwedeng tatamad-tamad ka na lang, ha?” Hindi ako kumilos. Nanatili akong nakahiga sa papag yakap ang unan na gamit ni Mama. “Wala po akong ganang kumain, Tita,” walang buhay na tugon ko sa kaniya. “Huwag mo nga akong p

    Last Updated : 2025-01-27
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    CHAPTER 8

    “Gawin mo lahat nang ’yan. May pupuntahan ako kaya ikaw na lang muna ang bahala.” Napatingin ako sa mga notebook na inilapag ni Jovy sa lamesa. Lagi na lang tuwing may takdang-aralin siya ay ako ang pinapagawa niya. “Pero marami din akong gagawin, Jovy. Mas marami nga ang sa akin kaysa sa ’yo. Bakit kasi hindi mo pa ginawa kanina pagdating mo? Wala ka namang ginawa kanina. Ngayon ko nga lang magagawa ’tong mga ’to kasi marami din akong ginawa pagkarating ko galing school.” Reklamo ko sa kaniya. Sa kusina ako gumagawa ng takdang-aralin. Pundi na kasi ang ilaw ko sa kwarto at ayaw namang palagyan ni Tita ng bumbilya dahil mataas daw lagi ang bayarin sa kuryente. Mabuti na lang at hinahayaan pa niya akong gumamit ng electric fan. Kaya sa tuwing may hahanapin ako, flash light lagi ng cellphone ko ang gamit. “Mas marami ang sa ’yo? Bakit, dati mo namang ginagawa ’yan, ah! Ngayon nagrereklamo ka na? Nagmamalaki ka na yata ngayon! Dahil ba matataas lagi ang grades mo? Para sabihin ko

    Last Updated : 2025-01-28
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 9

    “T-Tita, baka pwede pong padagdagan ang baon ko. May project po kasi kami sa school,” nakikiusap na sambit ko kay Tita Jocy nang bigyan niya ako ng pera. “Singkwenta pesos na ’yan, Dhanna! Kulang pa ba? Magkano lang ba ang pamasahe mo, 30 balikan. May bente pang matitira. Hindi mo na din naman kailangang bumili ng pagkain dahil may baon ka na. Ano ba ang tingin mo sa ’kin? Tumatae ng pera? Kita mong hirap na hirap na akong pagkasyahin ang sweldo ko sa mga gastusin dito sa bahay. At saka bakit hindi mo gastusin ’yung kinikita mo sa paglalako ng mga kakanin?” Halos mag-isa nang itinataguyod ni Tita Jocy ang pamilya nila magmula nang maaksidente si Tito Vicente. Hindi na siya nakakapamasada. Kaya naman katakot-takot lagi na sermon ang inaabot ko sa tuwing manghihingi ako ng dagdag allowance para sa ibang pangangailangan ko sa school. “P-Pasensiya na po, Tita. Halos naubos na din kasi ’yung itinabi kong pera. Kapag kinakapos po ako doon ako kumukuha ng pangbili.” Madalas ay pamasahe

    Last Updated : 2025-01-29
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 10

    Dumiin ang hawak ko sa hand bag na aking dala. Kasabay ng pagbabalik sa lugar kung saan kinitiI ni Mama ang sariling buhay ay ang pagdagsa ng mga masasakit na pinagdaanan ko sa kaniyang nakatatandang kapatid. Wala na sana akong balak pang bumalik dito kung hindi lang dahil kay Tito Vicente. Kung hindi dahil sa kaniya, baka ilang beses akong napagbuhatan ng kamay ni Tita Jocy at ni Jovy. “Nandito na tayo, Dhanna. Hindi ka pa ba bababa?” tanong ng kaibigan kong si Cathy Corpuz. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Inilibot ko ang tingin pagkababa ko. Marami na ang nagbago sa lugar na naging tahanan ko sa loob ng pitong taon. Nadagdagan na ang mga bahay. Sementado na din ang ang mga kalsada. Maging ’yung mga dating bahay na gawa lang sa kawayan ay gawa na ngayon sa semento. Ang hindi lang nagbago ay ang bahay nila Tita Jocy na niluma na ng panahon. ’Yung ibang bahay na kagaya ng bahay niyang sementado noon ay mas lumaki at gumanda na ngayon. Sila na lang ang

    Last Updated : 2025-01-30
  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 11

    “Maraming salamat sa pagbisita mo sa amin, Iha. Kumusta ka na pala? Sa nakikita ko ngayon, mukhang natupad mo na ang pangarap mong makapagtapos ng pag-aaral at guminhawa ang buhay,” nakangiting turan ni Tito Vicente. “Wala pong anuman, Tito. Ikaw po talaga ang una kong naalalang puntahan. May mga pasalubong po pala ako. Nasa sasakyan po. Dadalhin na lang po maya-maya ng driver ko.” Sa kabila ng mga ginawa sa akin ni Tita Jocy, itinuturing ko pa ring utang na loob ang pagkupkop at pagpapaaral nila sa akin lalo na kay Tito Vicente. Dalawang libo lang ang sumobra sa pera ko matapos kong magbayad ng pamasahe papuntang Maynila. Mabuti na lang at binigyan ako ni Tito ng extra na pera bago ako umalis. Sariwa pa sa alaala ko ang huling araw ng pag-uusap namin bago ako umalis sa lugar na ito. “Heto, idagdag mo para sa pag-alis mo. Alam kong kulang na kulang na ang ipon mong pera magmula nang maaksidente ako. Mahal manirahan sa Maynila kaya huwag mo na ’tong tanggihan. Ipon ko ’yan noong nam

    Last Updated : 2025-01-31

Latest chapter

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 43

    “K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 42

    “Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 41

    Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 40

    “Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 39

    “Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 38

    “Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 37

    “Good morning!” masiglang bati ko kay Diana pagpasok niya sa silid namin ni Karl. Bitbit niya ang mga gamit na panglinis sa kwarto. Inalis ko ang kumot na nakatabing sa aking katawan. Tumayo ako at naglakad palapit sa kaniya. Biglang namilog ang mga mata niya pagkakita sa suot kong pangtulog na halos wala namang maitago dahil sa sobrang nipis. Kasalukuyang naliligo si Karl kaya ako na lang ang naiwan sa kama. Hindi siya tumugon sa naging pagbati ko. Itinaas niya ang noo at blangko ang kaniyang mukha bago nagsalita, “Masaya ka na ba sa ginawa mong pagsira sa pamilya namin? Hindi mo lang inagaw ang asawa ko, pati pamamahay ko inagaw mo na rin,” aniya sa kalmadong tinig. “Wala akong inaagaw sa ’yo, Diana. Kusang lumapit sa akin ang asawa mo. Siya ang unang nagpakita ng motibo at umamin na may gusto sa akin. Pasalamat ka pa nga at inalisan kita ng sakit sa ulo.” Ngumiti ako sa kaniya ng nakakaloko. Tumalim ang mga mata niya at naikuyom ang isang kamao. “Ang kapal din talaga ng pagmu

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 36

    “Hi! Ang aga mo yatang pumunta dito?” Bungad ko kay Karl pagbukas ko ng pinto. Ngumiti ako sa kaniya na agad din niyang ginantihan. Halos katatapos ko lang gawin ang skincare routine ko tuwing gabi. Na-receive ko pa ang text niya bago ako pumasok sa banyo para maligo. Heto at naririto na siya kaagad. Nilakihan ko ang bukas ng pinto para papasukin siya. Hinapit niya ako at pinatakan ng mabilis na halik sa labi.“Na-miss kita kaya inagahan ko ang punta,” anas niya matapos pagdikitin ang noo naming dalawa. Ipinulupot ko ang braso sa kaniyang leeg. “Gusto mo doon na din ako matulog sa kwarto mo?” malambing kong tanong. Natigilan siya at biglang inilayo ang mukha sa akin. “R-Really? You want to sleep in my room?” hindi makapaniwala na tanong niya sa akin. Mahihimigan ng pagtataka at excitement sa boses niya. Kumislap din sa tuwa ang kaniyang mga mata. Tumango ako at muling nagpakawala ng matamis na ngiti. “Opo, gusto kitang makatabi. Basta tabi lang, walang gapangan, ha?” Umawang an

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 35

    “Saktong-sakto ang pagkahuli sa inyo ni Diana kagabi, ah.” Nakangising bungad sa akin ni Christan pagpasok ko sa kusina upang mag-almusal. Kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. “So, naglagay ka din pala ng CCTV sa tapat ng kwarto ko?” Tinaasan ko siya ng kilay. Tinungo ko ang counter island at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. “Oo naman! Malay ba natin, baka mamaya puwersahin ka ni Martinez na may mangyari sa inyo. At least ’di ba may ipapakita tayong ebidensiya sakaling may gawin siyang hindi maganda.” Pinagkrus niya ang mga braso sa d*bdib at sumandal sa upuan na yari sa matibay na uri ng kahoy. Napairap ako. “Tsk! Wala pang nangyayari sa amin. Hindi siya kagaya ng iba diyan na sinamantala ang pagiging problemado ng babaeng mahal niya para lang makuha ang gusto.” Pasaring ko sa kaniya. Muli siyang napangisi sabay iling. “Lalaki ’yun, imposibleng hindi ’yun maakit sa ’yo. Sa ganda ba naman ng mukha at katawan mo. Kung wala nga lang akong ibang babaeng mahal baka nagu

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status