SAPO PA RIN ni Sunset ang kanyang sentido hanggang sa makarating sa sasakyan na ipinadala ni Vincent dahil nasabi niya ritong hindi niya kayang mag-commute ngayon. Bakit naman kase iinom-inom siya nang marami tapos hindi niya naman pala kaya? Hindi na lang ang asawa ang may kakayahan na magpaikot sa kanya, damay na rin doon ang alak.
“Inom pa sa susunod, Sunset Gale!” kastigo niya pa sa sarili habang nagpapahid ng essential oil sa sentido.
Kung wala lang siyang aasikasuhing maraming trabaho sa panadirya ngayong tanghali baka tulog pa rin siya hanggang ngayon at nakakulong sa kwarto.
“Manong, pakigising na lang ako kapag malapit na,” bilin niya pa rito. Itutulog niya na lang muna ang sakit ng ulo na nararamdaman. Iyon lang din ang tanging paraan upang matigil siya sa malalim na pag-iisip.
Matagal-tagal din ang naging pagtulog ni Sunset sa sasakyan. Hindi pa nga siya magigising kung nakarininig ng malakas na busina kaya napabalikwas siya ng gising.
Ganoon na lamang ang pagtataka niya nang magmulat ng mga mata at madilim na sa labas ngunit nasa biyahe pa rin sila. Halos isang oras lang naman ang kanyang babaybayin upang makarating sa panadirya pero bakit umabot na ng gabi?
Doon pa lamang ay nakaramdam na siya nang labis na kaba. Hindi normal na pangyayari ito lalo na nang mapansin niyang hindi driver ni Vincent ang sumundo sa kanya.
Mas tumindi ang pagtataka niya at nahaluan na ng kaba noong huminto sila sa abandonadong warehouse.
“Manong, hindi ito ang daan sa—”
Nahinto sa pagsasalita si Sunset nang tutukan siya nito ng baril. Pagkalito ang unang rumehistro sa kanya. Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan noong huli. Unti-unti, kahit ang paghinga niya ay hindi na nagiging normal. Tagaktak na rin ang kanyang pawis habang litong-lito ang isipan.
“Huwag ka ng magtangka pang gumawa ng kalokohan,” pagbabanta na ng lalaking nakasuot ng balaclava face mask.
Titig na titig lamang si Sunset dito. Ang tumatak sa isipan niya nang mga sandaling iyon ay ang malaking sunog nito sa kanang bahagi ng mukha na nakalitaw sa suot nitong tabing.
“Baba!”
May pwersahan siya nitong hinila nang naroon pa rin siya sa kinauupuan at hindi nagtangkang gumalaw sa labis na takot.
Dahil hindi natitinag, mas malakas ang sumunod na paghila nito na naging dahilan ng pagkakasalampak niya sa damuhan.
“Tayo!” utos na naman nito. “Lakad!”
Sa pagkakataong iyon, pilit na pinapagana ni Sunset ang utak upang hindi ito magalit. Marami pa siyang pangarap. Ayaw niyang mapadali kaagad ang kanyang buhay.
Yakap-yakap niya ang sarili nang makapasok sa abandunadong lugar. Hindi magawang tumingin ni Sunset sa mga armadong lalaki dahil sa matinding takot na kanyang nararamdaman.
“S-sino kayo?” kinakabahan niyang tanong matapos na magkaroon ng lakas ng loob na makapagsalita. “Anong kailangan niyo sa akin? May nagawa ba akong masama? Mahirap lang ako! Wala kayong mapapala sa akin. Wala akong pera—”
“Hindi ka tatahimik?”
Mabilis ang pagtikom ng bibig ni Sunset habang matindi ang pagkakapikit ng mga mata matapos na itutok sa kanyang sentido ang baril na kakakasa lamang.
“Sa susunod na magsalita ka, hindi ako mangingiming iputok sa bungo mo ang hawak ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Mabilis ang naging pagtango ni Sunset. Hindi niya nagawang magreklamo nang pabalya siyang pinaupo sa upuang kahoy. Dama niya man ang pananakit ng kanyang pang-upo, pinilit ni Sunset na pakalmahin ang kanyang utak.
“Ngayon, tatawagan mo si Vincent at sasabihin mong ibebenta mo na ang pabrika—”
“P-pero!” nanlalaki ang kanyang mga mata. Kahit naman nakapangalan sa kanya iyon ay hindi niya masabing siya ang nagmamay-ari dahil nariyan pa si Vincent na siya namang dapat na tagapagmana.
“Kasasabi ko pa lang!”
“Mukhang matigas ang isang iyan!”
“Paputukan mo na!”
“Huwag,” singit naman ng isa. “Pagkatapos niyang mapirmahan ang kasulatan, pwede naman nating pagsalit-salitan!”
“Nakikita niyo ba? Napakakinis ng isang iyan! Matagal-tagal na rin akong hindi nakakatikim ng sariwa. Puro bilasa na ang nasa bar at matatanda!”
Nagsunod-sunod na naman ang paglunok ni Sunset dahil sa narinig. Abot-abot ang paghabol niya ng hininga habang napakabilis ng tibok ng kanyang puso.
“Tatawagan mo na ba—”
“O-oo!” mabilis niyang sagot habang paulit-ulit ang pagtango dahil sa pagiging desperada.
Nanginginig at wala sa sarili na nag-dial si Sunset ng numero. Ngunit sa dinami-rami ng maaari niyang tawagan nang mga sandaling iyon, ang asawa lamang ang tumatakbo sa kanyang isipan.
“H-hello, Vincent…”
“Anong kalokohan ito, Sunset?” galit na boses ng asawa niya mula sa kabilang linya.
“Hindi ako nakapunta sa pabrika. Masama ang pakiramdam ko. G-gusto ko lang sabihin na, hindi ko na itutuloy ang pakikisusyo sa negosyo mo. Nagseselos pa rin ang asawa ko. K-kapag nakita ka niya, isinusumpa niyang ipapalapa ka niya sa aso naming si Bruno—”
“Ginag*go mo ba ako, Sunset Gale?” galit na tanong ng asawa niya.
“Nakalimutan ko nga pa lang pakainin si Bruno. Makikisuyo na lang ako.”
“Anong nangyayari—”
Hindi na narinig pa ni Sunset ang ibang sasabihin ng asawa nang tanggalin na ang cellphone sa kanyang taynga.
“Kakaiba ka rin ano?” natatawang sabi ng isa sa mga nakamaskara.
“Ibinilin pa talaga ang aso!” dagdag pa ng isa habang tumatawa.
“Pirma!” may awtoridad na utos na naman ng isa habang idinudukdok sa ulo niya ang baril. “Sabi ng pirma!”
“S-sandali!” ipinakita ni Sunset ang kamay niyang nakabenda.
Walang pagdadalawang-isip na tinanggal niya ang nakabalot doon upang ipakita dito ang masamang lagay ng palad niya na nanginginig pa dahil sa pagkapaso.
“Ano namang kinalaman niya sa—”
“Ungas!” malakas na binatukan nito ang kasamahan. “Baka iyan ang ginagamit para makahawak ng ballpen ano?”
“Ginagawa lang tayong tanga niyan!” sulsol pa ng isa.
“Pirma!”
Tuluyang bumuhos ang luha ni Sunset na kanina pa pinipigilan sa pagtulo. Hindi niya alam ang gagawin nang mga sandaling iyon. Sa oras na pirmahan niya ang mga kasulatan, sigurado siya na katapusan niya na. Ngunit kung hindi niya naman gagawin ay ganoon din ang mangyayari sa kanya.
“Sabi ng pirma!” galit na galit na sabi nito kasabay ng magkakasunod na pagpapaputok ng baril.
Ramdam ni Sunset na ang araw na iyon na ang magiging katapusan niya. Ngunit bakit kahit pakiramdam niya’y ito na ang magiging huling hininga, ang asawa pa rin na hindi siya kailanman pinahalagahan ang nasa isipan?
Hindi na siya darating, Sunset…
Paalala niya pa sa sarili sa pagbabaka-sakaling kahit papaano’y naging mahalaga rin siya sa asawa…
HINDI ALAM NI Sunset kung pinapakinggan ba siya ng kalangitan o pinapatagal pa ang kanyang buhay upang magdusa siya sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Pilit niya mang pinipigilan ang sarili na umiyak ngunit bakas pa rin sa kanya ang matinding takot nang mga sandaling iyon. Hindi siya mamamatay nang mag-isa at hindi lumalaban. Iyon ang itinatak niya sa isipan kahit pa nangingibabaw sa kanyang isipan ang pagsisisi na hindi man lang niya naramdaman ang totoong kasiyahan sa buhay. Dahil sa pagkapaso ng kanyang palad, hindi niya napirmahan nang maayos ang mga papeles na naging dahilan kung bakit nasa sitwasyon siyang ito ngayon. Sa inis ng pinuno ng mga kumuha sa kanya, napilitan pa ang mga ito na bumili ng painkillers. Iyon na lang ang tanging paraan upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas.Hindi nagsasalita si Sunset ngunit ang paningin niya ay umiikot sa paligid sa pagbabakasakaling may magagawa siyang paraan upang mailigtas ang sarili. Walang mangyayari sa kanya kung hahayaan niy
KANINA PA BINABAGABAG ng huling tawag ni Sunset si Lucian. Gusto niyang balewalain iyon kung maaari. Lalo pa nang banggitin ng asawa ang pangalan ng kasosyo nito sa negosyo samantalang siya naman ang tinatawagan. Ngunit, hindi si Sunset ang uri ng babae na tatawag sa kanya upang pagselosen lang siya sa bagay na alam nitong hindi niya pinagtutuunan ng pansin.Lalo pa siyang naghinala na may hindi magandang nangyayari dito nang banggitin nito ang aso na ang pangalan ay Bruno. Hindi niya pinagtutuunan ng maraming oras si Sunset ngunit sigurado siya na wala itong aso. Isa pa, malabo na magkaroon ito dahil may trauma roon ang asawa.“Nakikinig ka ba, Lucian?” tanong sa kanya ni Eveth. “What did you say?” baling niya rito nang bumalik sa kasalukuyan ang atensyon niya. May lambing at arte na hinimas ni Eveth ang kanyang braso habang mapang-akit na iginaya ang tingin niya patungo rito.“I was just saying kung anong pakiramdam mo nang makita mo ako na nasa nasusunog na lugar Kinakabahan ka b
BAHAGYA ANG NAGING pagkasilaw kay Sunset ng liwanag na tumatama sa bintana noong magmulat siya ng kanyang mga mata. Pumikit pa siya nang sandali hanggang sa kaya niya ng imulat iyon nang tuluyan. Ang unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Akmang tatayo na siya mula sa kinahihigaang kama nang mapansin ang asawa na nasa tabi niya. Mahimbing ang tulog ni Lucian habang nakahilig sa higaan ng kama kinahihigaan niya. Pansin niya ang panlalalim ng ibabang bahagi ng mata nito senyales na wala itong maayos na tulog. Noong mga panahon na magkasama sila sa iisang bahay, hindi siya napalapit ng ganito kalapit sa asawa. Pakiramdam niya nang mga panahong iyon ay nasa iisang bubong sila at may pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Magkahiwalay din ang kamang tinitulugan nila at hindi siya maaaring magbigay ng kahit na anong opinyon sa buhay nito. Kailangan niya ring bantayan ang kanyang mga galaw dahil mabilis uminit ang ulo nito sa maliliit na bagay.
HINDI KOMPORTABLE SI Sunset na narito ang babaeng pinili ng kanyang asawa at kasama sa kwarto na inaakupa niya sa hospital ngunit hindi niya magawang sabihin iyon. Sapagkat ito na ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin. Masakit man at dinudurog siya ay kailangan niyang patigasin pa ang sarili.Pakiramdam niya, walang kwenta ang opinyon na ibibigay niya. Hindi rin mahalaga ang nadarama niya kung sakali mang magsabi siya. Isa lamang siyang latak para kay Lucian na naging bara sa maayos sana nitong buhay nang makilala siya.Kaya naman kahit masakit, pilit niya pa ring nilulunok ang sakit na idinudulot ng mga ito na para bang wala siyang pakiramdam na paulit-ulit nilang tinatapakan.“I will be out for a while,” sambit ng asawa niya. “Ayos lang na maiwan kita?” tanong nito kay Eveth.Malapad naman itong ngumiti kasabay ng paghimas sa braso ng kanyang asawa. Nang mga sandaling iyon, mahigpit na ang pagkakahawak ni Sunset sa kobre-kama kung saan natatakpan ang kanyang mga kamay sa ilal
HABANG NAGMAMANEHO, BIGLA na lamang inihinto ni Lumi ang sasakyan nito at may galit na tumingin sa kanya saka muling tumingin sa manibela ngunit ibinalik ang tingin sa kalsada. Muli na naman itong huminga nang malalim kaya hindi na nakatiis si Sunset at tinanong ang kaibigan.“May gusto kang sabihin, Lumi?”“Naiinis ako sa ‘yo!” hindi na napigilan nitong sambit. “Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na ganon-ganunin ng babaeng iyon? Masyado kang mabait, Sunset! Ikaw lang ang nakita kong ganyan na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman niya.”“Lumi—”“Look, Sunset, you are still the legal wife, not just an ordinary person to his life. You will not be the one to adjust with his mistress. Treat yourself with kindness. You have all the rights to say no if you’re not comfortable with one situation. Hindi kasalanan ang magsabi ng ‘no’ kung ayaw mo. Understood?”Saglit na nakatingin si Sunset dito atsaka nahihiyang tumango.“I don’t have the right to meddle with your business bu
DAHIL NAGKAROON NG problema sa pabrika ng pagawaan ng tinapay, kinailangang makarating kaagad doon ni Sunset sa pinakamabilis na paraang alam niya. Iyon ang tanging paraan upang wala ng maging aberya sa pagbubukas nila ng first branch na nasa pangangalaga niya. Mabuti na lamang at padaan si Vincent sa lugar na malapit sa mga lolo at lola ni Lucian. Ang problema niya ngayon ay sa dinami-rami naman ng maaari niyang makasalubong palabas ng bahay, bakit si Lucian pa? Ginawa niya nga ang lahat para iwasan ito ngunit makikita niya naman ngayon. Parang walang nakita, tuloy-tuloy ang paglalakad ni Sunset ngunit bago pa man makalagpas dito, kaagad na pinigilan siya nito sa paglalakad nang hawakan ang kanyang kamay.Tila napapaso, kaagad ang paghila ni Sunset ng kamay sa asawa. “Nagmamadali ako, Lucian,” sabi niya bago tuloy-tuloy ang paglabas ng bahay.Ngunit nang makarating naman siya sa labas ng bahay ay naroon na naman ang asawa. Parang wala itong narinig sa mga sinabi niya.“Kailangan n
KANINA PA HINDI maipinta ang mukha ni Lucian nang pumasok sila sa loob ng mall ni Eveth. Paano’y halos lahat ng ng mapasukan nitong bahagi ng mall ay may bitbit parating ilang piraso ng paperbag. Kaya tuloy, heto ngayon at hindi siya magkandaugaga sa dami ng dala niya. Kinailangan niya na ring tawagin ang kanyang secretary upang pagbitbitin ng ibang mga dala at dalhin sa parking lot.“Bakit naman ang lungkot mo Lucian?” tanong nito sa kanya nang may pagtataka. “Hindi ka ba nag-enjoy? Halos lahat ng gusto ko ay nabili ko.”“Hindi ka pa rin ba tapos?” tanong niya rito.“Naiinip ka na ba?” bakas ang pag-aalala rito. “I thought you would enjoy being with me?”Lalong hindi naipinta ang mukha ni Lucian dahil sa sinabi nito ngunit sa kabila ng lahat, wala siyang sinabi na kahit na ano rito.“Let’s eat na lang. Mukha namang hungry ka na? What do you like ba? It’s my treat!” masiglang sabi nito sa kanya. “Anything, simple niya lang na sagot dito.”“Great!” may pagpalakpak pa nitong sambit. “L
RUMARAGASA ANG KANILANG emosyon habang dama niya ang lahat sa asawa. Sa paraan ng pagtitig nito na humahalukay sa kanyang pagkatao ang dahilan kung bakit hindi makatingin si Sunset nang maayos sa asawa. Maging ang paraan ng paghalik ng asawa sa bawat bahagi ng kanyang katawan na para bang wala itong ibang sinasabi kung hindi ang katagang mahal siya at tanging siya lamang ang nakikita nang gabing iyon. Hindi siya nanaginip. Pinagmamasdan talaga siya ng asawa. Sa limang taon ng kanilang pagsasama, ngayon niya lamang nadiskubre na kaya pala nitong tumingin sa kanya nang walang galit sa mga mata.Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap nito... Pakiramdam niya’y ligtas siya kahit pa maging kalaban niya ang mundo.Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, natikman niya rin ang tamis ng unang halik mula kay Lucian. Mag-asawa sila. Oo. Ngunit ang lahat ng iyon ay sa papel lamang.Bahagya siyang napangiti. Gusto niya munang kalimutan ang lahat. Ang kasalukuyan ang mas mahalaga sa kanya.“Masaya k