Home / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 6: Maraming Bakit

Share

CHAPTER 6: Maraming Bakit

Author: Rigel Star
last update Last Updated: 2024-06-03 15:24:50

HINDI ALAM NI Sunset kung pinapakinggan ba siya ng kalangitan o pinapatagal pa ang kanyang buhay upang magdusa siya sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Pilit niya mang pinipigilan ang sarili na umiyak ngunit bakas pa rin sa kanya ang matinding takot nang mga sandaling iyon.

Hindi siya mamamatay nang mag-isa at hindi lumalaban. Iyon ang itinatak niya sa isipan kahit pa nangingibabaw sa kanyang ang pagsisisi na hindi man lang niya naramdaman ang totoong kasiyahan sa buhay.

Dahil sa pagkapaso ng kanyang palad, hindi niya napirmahan nang maayos ang mga papeles na naging dahilan kung bakit nasa sitwasyon siyang ito ngayon. Sa inis ng pinuno ng mga kumuha sa kanya, napilitan pa ang mga ito na bumili ng painkillers.

Iyon na lang ang tanging paraan upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas.

Hindi nagsasalita si Sunset ngunit ang paningin niya ay umiikot sa paligid sa pagbabakasakaling may magagawa siyang paraan upang mailigtas ang sarili. Walang mangyayari sa kanya kung hahayaan niya na kainin ng takot.

“Naiihi ako, nasaan ang banyo?” matapang niyang sabi kahit na ang katotohanan ay dumadagundong pa rin ang puso niya dala ng matinding kaba.

“Nasaan ang banyo—”

“Sabi ng manahimik!” napipikong bulyaw ng kanyang bantay kasabay ng pagtutok nito sa kanyang sentido ng baril.

“Gusto mo bang magkalat ako rito?” nanghahamon na tanong niya pa rin. “Anong mangyayari sa ‘yo kapag naabutan ka ng boss mo na hindi maganda ang pakikitungo sa akin? Pwede namang piliin ko na mamatay na lang nang hindi pumipirma. Wala naman na akong dahilan para mabuhay.”

Sandaling nagkatinginan ang dalawa. Ipinapanalangin niyang talaban ang mga ito ng kanyang pagdadrama. Parehong pagsenyas lamang ang kanilang naging usapan. Hanggang nagdesisyon ang mga ito na dalhin siya sa palikuran.

“Tanggalan niyo ako ng tali,” may kataasan pa ang kanyang boses sa pag-uutos. “Paano ako makakaihi kung mahigpit ang pagkakatali niyo sa kamay ko?”

Alam niyang napipikon na ang dalawa at parehong gusto ng pairalin ang galit ngunit sa huli ay nakinig pa rin ang mga ito sa kanya at kinalag ang pagkakatali.

“Bilisan mo!” paalala pa ng isa na hindi niya binigyang pansin.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang sa palikuran, kaagad na umikot ang tingin ni Sunset sa kanyang paligid. Maliit lang iyon. Marumi ngunit hindi pagbabanyo ang kanyang pakay. Binuksan niya pa nang malakas ang tubig sa palikuran sa takot na marinig siya sa labas.

Natantya niya na, kasya siya sa bintana kung tama ang magiging pagpasok niya ng katawan sa siwang. Kaya naman, wala mang alam sa pag-akyat narating ni Sunset ang itinaas na bintana sa pagmamadali habang pilit na pinagkakasya ang sarili sa kakarampot na butas. Ngunit nakaka-kalahati pa lamang sa pagbaba nang mahiwa sa bakal ang kanyang tagiliran na naging dahilan ng labis na pagdurugo.

Gustuhin niya mang sumigaw dahil sa matinding sakit, pinili ni Sunset na makalabas doon nang hindi gumagawa ng ingay. Mangiyak-ngiyak pa siya nang makababa dahil sa dami ng dugo na kanyang nakikita ngunit mas tinatagan niya. Wala siyang ibang maaasahan kung hindi ang sarili. Itinali niya lamang ang sugat gamit ang suot na blaser upang maampat ang pagdurugo na natutunan niya sa kanyang tatay.

Pawis na pawis, hawak ang tagiliran na may malaking hiwa, dali-dali ang naging paglalakad ni Sunset. Hindi na siya lumilingon. Ang nasa isipan niya lamang nang mga sandaling iyon ay makatakas.

Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalayo, ganoon na lamang ang malakas na sigaw ng isa sa mga nagbabantay matapos na masilip siya sa pinagdaanang bintana.

“Hoy tumatakas ang bihag mga pulpol!”

“Habulin niyo, dali!”

Napakabilis ng pagtakbo ni Sunset. Nakalimutan na ang iniindang tagiliran na unti-unti na ring namamanhid.

Sa takot na nadarama niyang iyon na ang magiging huling araw sa mundo, kahit ang putok ng baril ay hindi niya na pinagtuunan ng pansin. Mas ikinababahala niya kung muling mahuhuli siyq ng mga ito at maparusahan.

“Doon tayo!”

“Malilintikan talaga tayo kay bossing!”

“Bakit kase hindi niyo binabantayan nang maayos?”

Malakas ang boses ng mga ito kaya dinig na dinig niya sa kanyang pwesto. Pilit na ipinagsisiksikan niya ang sarili sa talahiban kung saan may mga nakatambak na basura.

Heto na naman ang malakas na kalabog ng kanyang dibdib habang pilit na nanalangin sa Itaas na huwag siyang mahuli.

Nang makalayo ang mga ito, isang mapait na ngiti na naman ang rumehistro sa labi ni Sunset...

Bakit ba siya nagpupumilit pang mabuhay kung wala namang naghihintay sa kanya? May dapat pa ba siyang gawin sa mundo at pilit siyang lumalaban ngayon?

Tumulo na naman ang kanyang luha habang nakatingin sa malungkot na kalingatan. Kahit ang langit pinagkakaitan din siyang makakita ng kahit na isang bituin. Mukhang nagbabadya rin ang malakas na pag-ulan na lagi na lang natataon sa tuwing nasa pinakamababa siyang tagpo ng buhay.

Wala sa sariling napahawak siya sa kamay na nababalot na ng dugo. Dama niya na rin ang labis na panlalamig.

“Tay, mukhang hindi mo na ako maabutang magising…” may kahinaan niyang sambit.

Matindi na ang kanyang pamumutla at nagsisimula na ring magdeliryo. Hindi niya na rin alam kung ano ang totoo sa hindi.

“Tyang, pasensya kung maiiwan kitang mag-isa. Ikaw nang bahala kay tatay…”

Kahit na tatatlo lamang sila sa buhay, hindi naramdaman ni Sunset ang kakulangan. Nang mamatay ang kanyang nanay at magmahal muli ang kanyang tatay ang pinakamagandang desisyon nagawa nito sa buhay dahil naramdaman niya ang kalinga sa piling ng pangalawa niyang nanay.

Hindi man siya nanggaling dito, ang kanyang tyang ang nagpakita sa kanya kung anong ibig sabihin ng salitang pagmamahal. Ang hindi matatawarang atensyon na ibinibigay nito sa kanya kasama ng kanyang tatay ang dahilan kung bakit mayroong siya.

“Hanggang dito na lang ba talaga?” muli niyang tanong habang unti-unting bumabalik sa kanyang memorya ang mga pinagsamahan nila ni Lucian.

Kahit na isang tagpo, wala siyang matandaan na naging masaya sa piling nito. Tila sa kanilang relasyon, siya lamang itong lihim na nagmamahal kahit na may mga pagkakataong nasa impyerno na ang kanyang buhay.

Nag-aalaga siya ng baldado, sinasalubong ang lahat ng galit nito, at maging sa pinakamadilim na bahagi ng buhay ng asawa ay niyakap niya. Sa tinagal-tagal ng kanilang pagsasama, ngayon niya lang napagtanto kung bakit limang taon siyang nag-aksaya ng panahon sa piling nito?

Dahil ba sa pinagbuklod sila ng Diyos kaya pilit siyang nagtitiis? O dahil nangangarap siya na magkaroon ng sariling pamilya? Ngunit sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit si Lucian pa ang bumagsak kanya? Wala silang anak, ano pa ang dahilan kung bakit siya nagpakamartir?

Sa dinami-rami ng tanong, wala ni isang sagot siyang nakuha.

“Kapag nawala ba ako, iiyak ka, Lucian?”

Hindi iyon mangyayari. Sagot kaagad ng kanyang isipan. Si Eveth lamang minahal nito. Ano bang laban niya sa unang pag-ibig ng asawa?

Sa pagpikit ng kanyang mga mata ay siyang awtomatikong pagtulo muli ng kanyang luha.

Handa na siyang sumuko. Magdesisyong huwag ng magpatuloy sa buhay nang bumuhos ang malakas na pag-ulan na sinabayan ng pagtawag sa kanyang pangalan. Paulit-ulit iyon at bakas sa tinig nito ang matinding takot.

Gustuhin mang idilat ni Sunset ang mga mata upang makikilala ang nagmamay-ari ng tinig ngunit hindi niya na kaya dahil tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 7: Nadudurog na Puso

    KANINA PA BINABAGABAG ng huling tawag ni Sunset si Lucian. Gusto niyang balewalain iyon kung maaari. Lalo pa nang banggitin ng asawa ang pangalan ng kasosyo nito sa negosyo samantalang siya naman ang tinatawagan. Ngunit, hindi si Sunset ang uri ng babae na tatawag sa kanya upang pagselosen lang siya sa bagay na alam nitong hindi niya pinagtutuunan ng pansin. Lalo pa siyang naghinala na may hindi magandang nangyayari dito nang banggitin nito ang aso na ang pangalan ay Bruno. Hindi niya pinagtutuunan ng maraming oras si Sunset ngunit sigurado siya na wala itong aso. Isa pa, malabo na magkaroon ito dahil may trauma roon ang asawa. “Nakikinig ka ba, Lucian?” tanong sa kanya ni Eveth. “What did you say?” baling niya rito nang bumalik sa kasalukuyan ang atensyon niya. May lambing at arte na hinimas ni Eveth ang kanyang braso habang mapang-akit na iginaya ang tingin niya patungo rito. “I was just saying kung anong pakiramdam mo nang makita mo ako na nasa nasusunog na lugar Kinakabahan

    Last Updated : 2024-06-09
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 8: Pagmamahal na Pinanghahawakan

    BAHAGYA ANG NAGING pagkasilaw kay Sunset ng liwanag na tumatama sa bintana noong magmulat siya ng kanyang mga mata. Pumikit pa siya nang sandali hanggang sa kaya niya ng imulat iyon nang tuluyan. Ang unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Akmang tatayo na siya mula sa kinahihigaang kama nang mapansin ang asawa na nasa tabi niya. Mahimbing ang tulog ni Lucian habang nakahilig sa higaan ng kama na kinahihigaan niya. Pansin niya ang panlalalim ng ibabang bahagi ng mata nito senyales na wala itong maayos na tulog. Noong mga panahon na magkasama sila sa iisang bahay, hindi siya napalapit ng ganito pulgada sa asawa. Pakiramdam niya nang mga panahong iyon ay nasa iisang bubong sila at may pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Magkahiwalay din ang kamang tinitulugan nila at hindi siya maaaring magbigay ng kahit na anong opinyon sa buhay nito. Kailangan niya ring bantayan ang kanyang mga galaw dahil mabilis na uminit ang ulo nito dahil sa malilii

    Last Updated : 2024-06-10
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 9: Maskara ng Pagtataksil

    HINDI KOMPORTABLE SI Sunset na narito ang babaeng pinili ng kanyang asawa at kasama sa kwarto na inaakupa niya sa hospital ngunit hindi niya magawang sabihin iyon. Sapagkat ito na ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin. Masakit man at dinudurog siya ay dapat niyang patigasin pa ang sarili.Pakiramdam niya, walang kwenta ang opinyon na ibibigay niya. Hindi rin mahalaga ang nadarama niya kung sakali mang magsabi siya. Isa lamang siyang latak para kay Lucian na naging bara sa maayos sana nitong buhay nang makilala siya.Kaya naman kahit masakit, pilit niya pa ring nilulunok ang pighati na idinudulot ng mga ito na para bang wala siyang pakiramdam na paulit-ulit nilang tinatapakan.“I will be out for a while,” paalam ni Lucian sa kanila. “Ayos lang na maiwan kita?” tanong nito kay Eveth.Malapad namang ngumiti si Eveth kasabay ng paghimas sa braso ng kanyang asawa. Nang mga sandaling iyon, mahigpit na ang pagkakahawak ni Sunset sa kobre-kama kung saan natatakpan ang kanyang mga kamay

    Last Updated : 2024-06-15
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 10: Muling Pagpapanggap

    HABANG NAGMAMANEHO, BIGLA na lamang inihinto ni Lumi ang sasakyan nito at may galit na tumingin sa kanya saka muling tumingin sa manibela ngunit ibinalik ang tingin sa kalsada. Muli na naman itong huminga nang malalim kaya hindi na nakatiis si Sunset at tinanong ang kaibigan.“May gusto ka bang sabihin, Lumi?”“Naiinis ako sa ‘yo!” hindi na napigilan nitong sambit. “Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na ganon-ganunin ng babaeng iyon? Masyado kang mabait, Sunset! Ikaw lang ang nakita kong ganyan na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman niya.”“Lumi—”“Look, Sunset, you are still the legal wife, not just an ordinary person to his life. You will not be the one to adjust with his mistress. Treat yourself with kindness. You have all the rights to say no if you’re not comfortable with one situation. Hindi kasalanan ang magsabi ng ‘no’ kung ayaw mo. Understood?”Saglit na nakatingin si Sunset dito atsaka nahihiyang tumango.“I don’t have the rights to meddle with your business

    Last Updated : 2024-06-17
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 11: Bagong Pagkakataon

    DAHIL NAGKAROON NG problema sa pabrika ng pagawaan ng tinapay, kinailangang makarating kaagad doon ni Sunset sa pinakamabilis na paraang alam niya. Iyon ang tanging paraan upang wala ng maging aberya sa pagbubukas nila ng first branch na nasa pangangalaga niya. Mabuti na lamang at padaan si Vincent sa lugar na malapit sa mga lolo at lola ni Lucian. Ang problema niya ngayon ay sa dinami-rami naman ng maaari niyang makasalubong palabas ng bahay, bakit si Lucian pa? Ginawa niya nga ang lahat para iwasan ito ngunit makikita niya naman ngayon. Parang walang nakita, tuloy-tuloy ang paglalakad ni Sunset ngunit bago pa man makalagpas dito, kaagad na pinigilan siya nito sa paglalakad nang hawakan ang kanyang kamay. Tila napapaso, kaagad ang paghila ni Sunset ng kamay sa asawa. “Nagmamadali ako, Lucian,” sabi niya bago tuloy-tuloy ang paglabas ng bahay. Ngunit nang makarating naman siya sa labas ng bahay ay naroon na naman ang asawa. Parang wala itong narinig sa mga sinabi niya. “Kailan

    Last Updated : 2024-06-18
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 12: Pumasok sa Isipan

    KANINA PA HINDI maipinta ang mukha ni Lucian nang pumasok sila sa loob ng mall ni Eveth. Paano’y halos lahat ng ng mapasukan nitong bahagi ng mall ay may bitbit parating ilang piraso ng paperbag. Kaya tuloy, heto siya ngayon at hindi magkandaugaga sa dami ng dala niya. Kinailangan niya na ring tawagan ang kanyang secretary upang pagbitbitin ng ibang mga dala upang dalhin sa parking lot. “Bakit naman ang lungkot mo, Lucian?” tanong nito sa kanya nang may pagtataka. “Halos lahat ng gusto ko ay nabili ko.” “Hindi ka pa rin ba tapos?” tanong niya rito. “Naiinip ka na ba?” bakas ang pag-aalala rito. “I thought you would enjoy being with me?” Lalong hindi naipinta ang mukha ni Lucian dahil sa sinabi nito ngunit sa kabila ng lahat, wala siyang sinabi na kahit na ano rito. “Let’s eat na lang. Mukha namang hungry ka na? What do you like ba? It’s my treat!” masiglang sabi nito sa kanya. “Anything." “Great!” may pagpalakpak pa nitong sambit. “Let’s eat na lang there!” sabi nito sabay turo

    Last Updated : 2024-06-19
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 13: Ang Reyalisasyon

    “BIBILHIN MO ‘YAN sa akin ‘di ba?” nakangiti pa ring tanong ni Eveth habang hindi nakakakutob na mainit pa rin ang ulo ni Lucian. Parang walang narinig, nagtuloy-tuloy sa pagpasok ng shop na iyon si Lucian upang bilhin ang natipuhan niyang kwintas para sa asawa. Wala siyang masyadong alam sa mga uri ng alahas ngunit kaya niyang kumilatis kung nababagay iyon sa magsusuot. At sa nakikita niya, kay Sunset lamang niya nakikita ang napakagandang kwintas na iyon. “I’m ready, Lucian!” Hindi pa rin tumitigil na sabi ng babae at kinukulit siya upang makuha ang kwintas. Maarteng itinaas na rin nito ang nakalugay na buhok upang madaling mailagay ang kwintas sa babae. Dahil alam niyang hindi ito titigil, basta na lamang siyang dumampot ng kwintas na nakalagay sa estante. “Iyan ang gusto ko,” pagpupumilit pa rin nito at pilit na kinukuha sa kanya ang kwintas. “Choose whatever you want if you don’t like what I put on you. Just don't test my patience, okay?” tuloy-tuloy sa paglalakad na sabi

    Last Updated : 2024-07-03
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 14: Sa Kaarawan 

    GANOON NA LAMANG ang pagtataka ni Sunset nang makita ang asawa sa labas ng pabrikang pinagtatrabahuhan niya. Nakasandal si Lucian sa kotse nito habang ang tingin ay nasa malayo. Bahagyang nakalapit na siya nang magbaling ito ng tingin. Awtomatiko, ganoon na lamang ang paglapad ng ngiti ni Lucian nang makita siya nitong papalapit. Dali-dali ang pagbukas nito ng kotse at pag-abot sa kanya ng pumpon ng bulaklak. Nang mga sandaling iyon, bakas sa kanya ang labis na pagtataka. Ngayon lang siya nakakaranas ng ganitong trato sa asawa. Bakit kung kailan maghihiwalay na sila saka siya nito pakikitaan ng mga bagay na hindi niya kailanman naranasan sa asawa? “Para saan ‘to?” tanong niya rito nang may malamlam na mga mata. “F-for you…” sambit ng asawa niya matapos na tumikhim. “Alam kong para sa akin, pero bakit?” Sinalubong ni Lucian ang tingin niya. Nang mga sandaling iyon, napakaraming emosyon ang nakikita niya sa mga mata ng asawa ngunit wala itong sinasabi na lalo nakapagbigay ng mat

    Last Updated : 2024-07-06

Latest chapter

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 82: Biyaya sa Kalangitan

    NAGISING SI SUNSET na matinding liwanag ang bumungad sa kanya. Sandali pa ang nakalipas bago tuluyang makapag-adjust ang kanyang mga mata sa pagkasilaw. Sumunod niya namang napansin ang apat na puting kanto ng kwartong iyon. Nang tuluyang makapag-adjust ang kanyang paningin, saka niya napansin ang swero na nakakabit sa kanyang kamay. Naroon din ang sekretarya niya na nakatulog na. Makikita sa mukha ni Liezel ang matinding pagod na maaaring siya ang dahilan.Mayamaya pa ay siya ring pagpasok ni Lumi sa kwartong tinutuluyan niya. Kapansin-pansin ang pamamaga ng mga mata nito na nagbigay ng matinding kaba sa kanya nang mapagtanto ang dahilan kung bakit siya naroon sa hospital.“Anong nangyayari, Lumi?” kinakabahan niyang tanong sa kaibigan. “B-bakit tayo narito?”Hindi kaagad nakasagot sa kanya si Lumi. Hinawakan ng kaibigan niya ang kanyang kamay habang nakatingin sa kanyang mga mata.“W-what is it, Lumi?”“I want to tell you something—”“I’m pregnant?” diretsahang tanong ni Sunset sa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 81: Parusa sa Sarili

    “UMUWI NA TAYO, Ms. Sunset. Nag-aalala na kami sa ‘yo,” sabi ng kanyang sekretarya nang sunduin siya nito sa paliparan.Ilang araw na rin siyang nakikibalita patungkol sa maaaring maging kalagayan ng ibang mga nawawala pa sa nangyaring plane crash. Uuwi lamang siya sa kanilang bahay para magpahinga sa gabi at babalik din doon matapos na makapagpahinga. “Maghintay pa tayo, Liezel. Baka mayamaya may balita na sila kay Lucian. Hindi ako pwedeng umalis dito. Kailangang ako ang unang makaalam. Ayaw ko ng pag-alalahanin pa ang mga Seville.”Makikita sa mukha ng sekretarya niya na may gusto itong sabihin sa kanya ngunit pinipigilan ang sarili. Alam niyang nag-aalala ang mga taong nakapaligid sa kanya ngunit hindi niya magawang pilitin ang sarili niya na gawin ang mga bagay na labag sa loob niya.Mababaliw lamang siya kung uuwi siya sa kanila. Puro memorya lamang ng asawa niya ang makikita niya. Hindi makatutulong sa kanyang kung walang gagawin. “Ms. Sunset, nalipasan na naman kayo ng tangh

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 80: Sa Pagkalugmok

    “ANO BANG NANGYARI? Bakit wala sa inyong makapagsalita?” tanong niyang muli sa mga ito. Walang nagawang makasagot ng mga kay Sunset. Ibinaling lamang nila ang tingin sa ibang direksyon na tila ba takot na sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganito ang asta ng ng pamilya niya.“Anong nangyayari sabi? Sagutin niyo ako!” sa pagkakataong iyon, kahit si Sunset ay hindi na rin makontrol ang kanyang emosyon. Natagpuan niya ang sarili na umiiyak sa hindi malamang dahilan. “Sunset…”“Abuelo?” nakikiusap niyang tanong sa matanda matapos nitong maglakas ng loob na lumapit sa kanya. “Ano pong nangyayari?”“Gusto kong ikalma mo muna ang sarili mo, Anak. May nangyari kay Lucian,” sabi naman ng tyang niya.“Ano po bang—”Hindi niya na kailangan ng sagot sa kanyang pamilya. Ang tadhana na mismo ang tumulong sa kanya. Nalaman niya na ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang kanyang pamilya nang marinig ang balita mula sa telebisyon. Tila naging bingi si Sunset nang marinig ang pangalan ng asawa

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 79: Masayang Salo-salo

    “HOW WAS THE wedding?” biro sa kanila ni Lumi na sinalubong sila ng yakap sa kanilang bahay.“Nag-enjoy ka ba, Jarren?” tanong din ng Tyang Lorna niya na sinalubong sila sa pinto ng bahay. May dala-dala pa itong sandok at halatang abala sa pagluluto.“Opo, Nay. Bakit hindi kayo kasama?”“Mapapagod lang ako roon,” biro nito sa bata.Sinundo lang kase nila si Jarren sa school nito kaya hindi na sila nakauwi sa mansyon para isama ang tyang nila. Tumanggi din ito kahit noong inaya nila kaya silang tatlo lamang ang nakapunta. “Tyang, may mga pasalubong na dala si Lucian sa inyo.”Tamang-tama din ang pagpasok ng asawa niya na dala-dala ang mga pasalubong nito para sa kanila.“Ang dami naman nito!” gulat na tanong ng tyang niya na hindi pa sigurado kung kukunin ang mga pinamili ni Lucian.“Tanggapin mo na lang, Tyang. Para sa ‘yo talaga iyan kase masarap ka raw magluto,” nakangiting sambit ni Sunset. “Hay nako! Nambola pa. Pero, salamat!”“Abuela, Abuelo, you’re also here!” gulat na bulala

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 78: Bilang Isang Magulang

    NORMAL NA YATANG nakangiti parati si Sunset kung ang asawa niya ang bubungad sa kanya na katabi niya sa paggising. Kahit na matagal niya na itong nakakasama, hindi niya pa rin maiwasang huwag maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso niya ngayong ganito siya kalapit kay Lucian.Isiniksik niya pa ang sarili upang makadikit nang husto sa asawa. Amoy na amoy niya ang natural na amoy nito kaya mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Dahil sa paggalaw niyang iyon ay naalimpungatan na tuloy ang asawa niya.“Good morning, Love,” garalgal ang boses na bati ni Lucian sa kanya.“Good morning,” nakangiti niya ring sagot kaagad.Mas niyakap siya nito nang mahigpit bago siya nito halikan sa noo. “Five minutes…” sabi pa nito na naging dahilan ng kanyang pagngiti.Sa pagpikit ng mga mata ni Lucian, malayang napagmasdan ni Sunset ang mukha ng kanyang asawa. Nakikita niya nang malapitan ang mahaba nitong pilikmata na nakadaragdag sa pagiging magandang lalaki nito. Nakikita na rin ang kakarampot na big

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 77: Pamilya Robles

    “WHAT HAVE YOU done this time, Eveth?” heto na naman ang pagdagundong ng boses ng ama ni Eveth sa kabuuan ng kanilang mansyon.“I don't know what youre talking about, Dad.”“At magsisinungaling ka na rin ngayon!” galit pa ring sambit ng dad niya. “You cannot fool your dad.”“Dahil wala naman akong ginagawa!” mas mataas din na boses niya ang sumagot sa kanyang ama. “Hanggang kailan mo ako gagawing tanga?” galit na tanong ng dad niya.“Isipin mo na ang mga gusto mong isipin, Dad. Pagod ako—”Pagalit na itinapon ng dad niya ang mga larawan sa center table ng bahay. Doon, tumambad sa kanya ang maraming larawan ng nangyaring kaguluhan sa kanila ni Lucian sa airport. “Magde-deny ka pa rin?” Hindi makatingin si Eveth sa kanyang ama. Hindi niya na alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ngayong nabisto nito ang pagsisinungaling niya.“Alam mo ba ang ginagawa mo? Hindi lang pangalan ko ang masisira, damay ang mama mo at maging ang angkan natin! Hindi ka ba titigil hanggang hindi nalalagay

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 76: Malalim na Pagkakakilala

    MATAGAL PA NA nanatili sina Sunset at Lucian sa loob ng sasakyan. Hinintay nila ang pina-deliver na pagkain na pagsasaluhan dahil walang kahit na sinong katulong sa bahay nila na maaaring magluto ng pagkain. Habang naroon, hindi niya maiwasang huwag mapangiti. Hindi niya akalain na aabot sila sa ganitong punto. Iyong makakapag-usap sila ng hindi siya tinataasan ni Lucian ng boses nito at kalmado lamang siya sa matagal na oras na magkasama. Wala rin siyang nararamdaman na kahit na anong hinanakit sa asawa. Iyon ang labis na nakapagpapagaan sa loob niya ngayon.Masarap pala sa pakiramdam. Tila napakalaya ng puso niya na gawin ang mga bagay na gusto at pinangarap kasama ang kanyang asawa. Ngayong malaya na siya na gawin ang lahat ng gusto sa harapan nito ay mas nagiging magaan na ang lahat sa kanya na gawin ang nararapat.Nang dumating ang pagkain, saka lamang sila pumasok sa loob ng bahay. Nang makarating sa sala, napahinto sa paglalakad si Sunset dahil sa panunumbalik ng mga alaala

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 75: Hindi na Maglilihim

    NAG-AALALANG IBINALING NI Sunset ang tingin sa kanyang asawa. Wala pa rin ito sa sariling wisyo dahil sa ipinainom dito ni Eveth. “That girl!” gusto niya itong tirisin nang buhay. Umiinit ang ulo niya dahil sa mga pinaggagawa ng babae.Muli na namang nanumbalik sa kanyang isipan ang naging komprontasyon nila kanina ni Eveth. Kung may isang bagay man siyang ilalarawan dito, iyon na ang pagkabaliw. Tila wala na ito sa sarili at nahihibang na nang labis sa kanyang asawa.Pumasok na sa kanyang isipan kanina na isiwalat sa buong mundo ang totoong ugali ng babae. Ipaalam sa mga tagahangan nito na ito ang totoong ugali ng iniidolo nila. Siguradong masisira ang pangalan nito na magiging dahilan ng pagbagsak nito kapag ginawa ni niya iyon.Ngunit si Lucian ang mahihirapan. Siguradong ito ang sasalo ng mga kristisismo na ibabata sa kanila ng mga tagahanga nitoIsa pa sa dahilan, kahit gustong-gusto niyang ipakulong ang babae. Idiretso ito sa presinsto ngayong may nakuha na siyang ebidensya kan

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 74: Subukan mo ako

    “NGAYON ANG UWI ni Lucian? Susunduin mo sa airport, Gale?” “Opo, Tyang! Sinabihan ko na rin kase ang driver na ako na ang bahala kay Lucian.”“Dito pa ba kayo maghahapunan?”“Hindi ko ho alam, Tyang. Kung sakali man, kahit iyong sa inyo na lang ni Jarren na pagkain ang lutuin niyo.”“Oh sige pala, mag-ingat ka!”“Salamat po!” sabi niya nang buksan pa nito ang gate kung saan ilalabas niya ang sasakyan. Automatic naman iyon pero sadyang ganito siya alagaan ng tyang niya. Gagawa pa ito minsan ng dahilan para gawin ang mga bagay na magpapadali sa kanya.Habang nasa biyahe patungo sa kanyang asawa, heto na naman ang hindi niya maiwasang pagngiti. Ilang araw din silang hindi nagkita ni Lucian kaya ganoon na lamang ang pagiging excited niya. Nang makarating sa airport, kaagad niyang sinabi rito na naghihintay na siya sa labas ngunit wala ng sumagot sa mensahe niya. Tinawagan niya rin ang asawa ngunit out of coverage na ito na labis niyang ipinagtataka.“Sigurado ako na alam niyang pupunta

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status