Home / Romance / The Price of Her Love After Divorce / CHAPTER 3: Sa Muling Pagkikita

Share

CHAPTER 3: Sa Muling Pagkikita

Author: Rigel Star
last update Huling Na-update: 2024-05-30 12:12:22

TUMAAS ANG KILAY ni Sunset nang makitang muli ang kanyang asawa. Malaki ang ibinagsak ng katawan nito at nanlalalim ang mga mata na para bang ilang araw na walang tulog.

Hindi pa man siya tapos na obserbahan ito ay ganoon na lamang ang gulat niya nang kaladkarin ng asawa palabas ng pabrika. Galit na galit ito sa hindi malamang dahilan.

“Lucian, bitawan mo ako!” paulit-ulit siyang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Lucian.

“Hindi kita hiniwalayan para lang makita kita sa eskwater!”

Napamaang siya sa itinuran nito.

Hindi imposibleng hindi nito alam ang lugar na ito. Parati niyang naikekwento kay Lucian ang pangarap niya. Sa isiping hindi man lamang pinakinggan iyon ng asawa ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo.

“Ano ba? Nasasaktan ako!” ganoon pa rin katindi ang pagkakahawak ng asawa niya kaya ang nagawa na lamang ni Sunset ay mapadaing. “Ngayong tapos ka ng saktan ang damdamin ko, kaya ginagamitan mo ng pisikal?”

“Nasaan na ang lalaki mo?” galit na tanong nito.

Napamaang ang bibig niya sa naging tanong nito. Siya may lalaki? Gaano man kasakit ang nagawa nito sa kanya, hinding-hindi siya tutulad sa asawa.

“Kating-kati ka na bang makasama siya kaya pumayag kang—”

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Lucian nakapagpabigla sa kanya.

Hindi niya napansin ang paglapit ni Vincent sa kanilang pwesto. Narinig nitong lahat ang masasakit na salitang binitawan ng asawa niya kaya ganoon na lamang reaksyon nito.

“Baka nakakalimutan mong asawa mo ang binabastos mo!” galit na galit na dinuro ni Vincent si Lucian gamit ang kamaong ipinangsuntok dito.

Maling-mali ngunit bakit narito na naman siya sa bisig ng asawa habang labis na nag-aalala sa kalagayan nito?

“Lucian!” ganoon na lamang ang kabilis ang pagyakap niya sa asawa nang tangkain nitong gumanti kay Vincent. “Sabing tama na!”

Isang pagngisi ang pinakawalan ni Vincent habang may matalim na tingin kay Lucian.

“Malaman ko lang na sinaktan mo si Sunset, hindi lang iyan ang aabutin mo!”

“Lucian, sabing tama na!” namamaos na sigaw ni Sunset at pilit na hinihila ang asawa niya patungo sa sasakyang nakaparada sa may ‘di kalayuan.

“Bakit ba kinakampihan mo ang lalaking iyon?” nanggagalaiting tanong ni Lucian nang makapasok sila sa loob.

“Ito ba ang dahilan kung bakit ka narito?" nangingilid ang luha na tanong niya rito. "Para maliitin ang pangarap ko?”

“G-gale, that’s not my intention—”

“Pero ginawa mo pa rin,” heto na naman ang pilit niyang ngiti. “Sanay na ako. Dati pa, ang tingin mo sa akin ay para lang isang ipis na walang pagdadalawang-isip mong tinatapak-tapakan. Sa tagal nating nagsama, ni minsan, hindi ko naramdaman na may asawa ako. Pakiramdam ko, katulong mo lang ako. Sunod-sunuran sa mundo mo, Lucian.”

Ganoon na lamang ang paglihis ng tingin nito sa kabilang direksyon na para bang riding-rindi na sa kadramahan niya.

“Kung kailangan mo ng pera, sabihan mo lang ako para hindi ka nagtatrabaho sa eskwater na ito.”

Pagod na siyang makipagtalo rito...

Kasabay ng pagkuyom ng palad ni Sunset ay ang pagpikit niya ng mga mata upang tanggapin ang lahat ng ibabatong masasakit na salita ng asawa.

“Sa mansyon,” nasabi na lamang ni Lucian.

Sa buong biyahe nila, palihim ang naging tingin ni Sunset sa asawa. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang pagiging talunan niya. Kahit yata isang libong rason ang ilapag sa kanya para talikuran ang asawa, sa isang dahilan na mahal niya pa rin ito ay muli siyang tatakbo sa bisig ni Lucian kahit nasasaktan na siya.

Hinayaan niyang makontento sa panakaw na pagtitig dito sa buong biyahe. Hindi niya magawang gisingin ito dahil ang kalagayan pa rin nito ang importante sa kanya.

“Apo!”

“Abuelo, Abuela!” malapad na ngiti ang pinasalubong niya sa dalawang matanda na parehong nasa hapagkainan na. Hinihintay lamang sila upang makapaghapunan na.

Ang mga ito ang lolo at lola ni Lucian. Ang dahilan kung bakit nakulong sila ng asawa sa arrange marriage.

“Kumusta na ang paborito kong apo?” nakangiting bati ng lola ni Lucian.

“Nasaan na ba iyong si Lucian? Kahit kailan talaga!” napa-palatak na lamang ang matanda kasabay ng paglagatok ng tungkod nito.

“Nakatulog ho sa sasakyan. Hindi ko na ho ginising, Lo,” pagrarason niya kasabay ng pagngiti sa dalawa.

May mga pagkakataon na nahihirapan pa rin siyang kausapin si Mr. Seville dahil bigla na lamang hinahaluan ng Espanyol ang sinasabi nito kaya madalas na to the rescue ang lola ni Lucian na purong Pilipina upang ipaliwanag ang mga sinabi ng isa.

“Wala pa rin bang nabubuong bata riyan sa sinapupunan mo, Hija?”

Ganoon na lamang ang malakas na pag-ubo ni Sunset dahil sa biglaang tanong ng lola ni Lucian.

“Abuela…” namumulang sambit ni Sunset.

“Alam mo, Hija. hindi lamang dahil sa pagpapasalamat ko sa tatay mo kaya ipinakasal kita sa apo ko. Wala na akong nakikitang ibang babae na nararapat sa kanya kung hindi ikaw lamang.”

“Simplemente una falta de respeto, Abuelo,” panghihingi ng galang na singit ni Lucian sa usapan. “Let us decide for ourselves, Abuelo.”

Nakatingin lamang si Sunset sa asawa. Kung ganoon, hindi pa nasasabi ni Lucian sa mag-asawa ang planong divorce nila?

“Bakit kailangan nating matulog sa iisang kwarto?” puno ng pagtutol ang tinig ni Sunset.

“Bakit hindi?” balik tanong ng asawa niya nang tuluyan silang makapasok sa loob. “Mag-iinarte ka pa ba ngayon nakita ko na ang lahat ng iyan?”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Sunset ang asawa na antipatikong nagtuloy-tuloy lang ng pagpasok sa banyo.

Hindi pa man ito nagtatagal sa loob nang mag-ring ang cellphone ng asawa. Paulit-ulit iyon at walang patid. Gustuhin niya mang katukin si Lucian sa banyo ay natatakot naman siyang mabulyawan nito kaya hindi nag-iisip na sinagot niya ang tawag sa kabilang linya.

"EVETH?" GULAT NIYANG tanong nang makarapasok siya sa bahay nito dahil binubuhusan na ni Eveth ang apartment na tinitirhan ng gasolina.

Kaya ba siya nito pinapunta roon para makita niya ang pagpapakamatay nito?

“W-walanghiya ka!” galit na galit ito at tila ba wala sa sarili. “Dahil sa iyo kaya nagdadalawang-isip na Lucian na piliin ako!”

“Ano ba itong ginagawa mo? Akin na ang lighter, Eveth,” may pakiusap niyang sabi kahit pa binabalot siya ng labis-labis na kaba.

“Ngayong nakabalik na ako, ayos na sana ang lahat! Kung hindi lang kaartehan mo ang ipinapakita mo kay Lucian! Hindi ka na niya pipiliiin ngayon—”

“Huwag!” pagpipigil niya kahit naibato na nito ang lighter.

Mabilis kaagad na kumalat ang apoy dahil sa ibinuhos ni Eveth.

“Ano bang ginagawa mo?” galit niyang tanong sa babae. “Aalis tayo rito!”

Pilit niyang isinasama si Eveth palabas ngunit matigas ang babae at walang takot na hinihintay ang apoy na lumapit dito.

“Eveth!” pilit niya itong hinihila.

“Ouch!” malakas nitong pagdaing matapos mapahiga malapit sa apoy.

“Eveth!” natatarantang sigaw ni Lucian kasabay ng malakas na pagkatulak sa kanya.

Hindi siya maaaring magkamali, pinapalabas ni Eveth na itinulak niya ito at naging dahilan ng pagkapaso.

Madaluhan lang kaagad nito si Eveth ay hindi na inisip na maaari din siyang masaktan.

“Lucian. Ano—” hindi matagpuan ni Sunset ang tamang salita upang maipaliwanag ang sarili sa asawa.

Malinaw sa kanya, siya ang sinisisi ni Lucian sa pagkapahamak at pagkasunog ng apartment ni Eveth. Itinago na lamang ni Sunset ang kamay na napaso dahil sa ginawang pagtatanggol sa iba.

Kaugnay na kabanata

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 4: Sa Piling ng Iba

    GUSTONG IPAGSIGAWAN NI Sunset na wala siyang kasalanan at kailanman ay hindi siya gagawa ng makakasakit sa kapwa niya. Ngunit hindi niya alam kung paano dedepensahan ang sarili sa asawa. Alam niya rin naman na kahit anong paliwanag niya ay hindi siya nito paniniwalaan. Nakatago pa rin sa likod niya ang mga kamay na nanginginig na dahil sa labis na sakit ng pagkapaso. Kung ikukumpara ang sakit, wala iyon sa kalingkingan ng nadarama niya ngayon. “Ganoon ka na ba kadesperada kaya naisipan mong patayin ang importanteng tao sa buhay ko?” may pang-uuyam na tanong sa kanya ng asawa. “Kaya mong pumatay dahil sa selos, Gale?” Napamaang ang labi ni Sunset dahil sa mabigat na paratang ni Lucian. “Kaya ba kaagad-agad na pumayag ka sa divorce dahil ito ang plano mo?” naiinis pa ring akusa nito. “Hindi ka lang pala makati, mamamatay-tao ka pa—” Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa asawa na naging dahilan ng pagkatahimik nito. Hindi siya makapaniwala na kaya iyong sabihin ng asawa nang

    Huling Na-update : 2024-05-30
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 5: Sa Huling Paghinga

    SAPO PA RIN ni Sunset ang kanyang sentido hanggang sa makarating sa sasakyan na ipinadala ni Vincent dahil nasabi niya ritong hindi niya kayang mag-commute ngayon. Bakit naman kase iinom-inom siya nang marami tapos hindi niya naman pala kaya? Hindi na lang ang asawa ang may kakayahan na magpaikot sa kanya, damay na rin doon ang alak. “Inom pa sa susunod, Sunset Gale!” kastigo niya pa sa sarili habang nagpapahid ng essential oil sa sentido. Kung wala lang siyang aasikasuhing maraming trabaho sa panadirya ngayong tanghali baka tulog pa rin siya at nakakulong sa kwarto. “Manong, pakigising na lang ako kapag malapit na,” bilin niya pa rito. Itutulog niya na lang muna ang sakit ng ulo na nararamdaman. Iyon lang din ang tanging paraan upang matigil siya sa malalim na pag-iisip. Matagal-tagal din ang naging pagtulog ni Sunset sa sasakyan. Hindi pa nga siya magigising kung hindi lang nagulat sa malakas na busina kaya napabalikwas siya ng ayos. Ganoon na lamang ang pagtataka niya nang ma

    Huling Na-update : 2024-05-30
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 6: Maraming Bakit

    HINDI ALAM NI Sunset kung pinapakinggan ba siya ng kalangitan o pinapatagal pa ang kanyang buhay upang magdusa siya sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Pilit niya mang pinipigilan ang sarili na umiyak ngunit bakas pa rin sa kanya ang matinding takot nang mga sandaling iyon. Hindi siya mamamatay nang mag-isa at hindi lumalaban. Iyon ang itinatak niya sa isipan kahit pa nangingibabaw sa kanyang ang pagsisisi na hindi man lang niya naramdaman ang totoong kasiyahan sa buhay. Dahil sa pagkapaso ng kanyang palad, hindi niya napirmahan nang maayos ang mga papeles na naging dahilan kung bakit nasa sitwasyon siyang ito ngayon. Sa inis ng pinuno ng mga kumuha sa kanya, napilitan pa ang mga ito na bumili ng painkillers. Iyon na lang ang tanging paraan upang magkaroon siya ng pagkakataong tumakas. Hindi nagsasalita si Sunset ngunit ang paningin niya ay umiikot sa paligid sa pagbabakasakaling may magagawa siyang paraan upang mailigtas ang sarili. Walang mangyayari sa kanya kung hahayaan niya n

    Huling Na-update : 2024-06-03
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 7: Nadudurog na Puso

    KANINA PA BINABAGABAG ng huling tawag ni Sunset si Lucian. Gusto niyang balewalain iyon kung maaari. Lalo pa nang banggitin ng asawa ang pangalan ng kasosyo nito sa negosyo samantalang siya naman ang tinatawagan. Ngunit, hindi si Sunset ang uri ng babae na tatawag sa kanya upang pagselosen lang siya sa bagay na alam nitong hindi niya pinagtutuunan ng pansin. Lalo pa siyang naghinala na may hindi magandang nangyayari dito nang banggitin nito ang aso na ang pangalan ay Bruno. Hindi niya pinagtutuunan ng maraming oras si Sunset ngunit sigurado siya na wala itong aso. Isa pa, malabo na magkaroon ito dahil may trauma roon ang asawa. “Nakikinig ka ba, Lucian?” tanong sa kanya ni Eveth. “What did you say?” baling niya rito nang bumalik sa kasalukuyan ang atensyon niya. May lambing at arte na hinimas ni Eveth ang kanyang braso habang mapang-akit na iginaya ang tingin niya patungo rito. “I was just saying kung anong pakiramdam mo nang makita mo ako na nasa nasusunog na lugar Kinakabahan

    Huling Na-update : 2024-06-09
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 8: Pagmamahal na Pinanghahawakan

    BAHAGYA ANG NAGING pagkasilaw kay Sunset ng liwanag na tumatama sa bintana noong magmulat siya ng kanyang mga mata. Pumikit pa siya nang sandali hanggang sa kaya niya ng imulat iyon nang tuluyan. Ang unang tumambad sa kanya ay ang puting kisame ng hospital na pinagdalhan sa kanya. Akmang tatayo na siya mula sa kinahihigaang kama nang mapansin ang asawa na nasa tabi niya. Mahimbing ang tulog ni Lucian habang nakahilig sa higaan ng kama na kinahihigaan niya. Pansin niya ang panlalalim ng ibabang bahagi ng mata nito senyales na wala itong maayos na tulog. Noong mga panahon na magkasama sila sa iisang bahay, hindi siya napalapit ng ganito pulgada sa asawa. Pakiramdam niya nang mga panahong iyon ay nasa iisang bubong sila at may pader na nakapagitan sa kanilang dalawa. Magkahiwalay din ang kamang tinitulugan nila at hindi siya maaaring magbigay ng kahit na anong opinyon sa buhay nito. Kailangan niya ring bantayan ang kanyang mga galaw dahil mabilis na uminit ang ulo nito dahil sa malilii

    Huling Na-update : 2024-06-10
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 9: Maskara ng Pagtataksil

    HINDI KOMPORTABLE SI Sunset na narito ang babaeng pinili ng kanyang asawa at kasama sa kwarto na inaakupa niya sa hospital ngunit hindi niya magawang sabihin iyon. Sapagkat ito na ang reyalidad na kailangan niyang tanggapin. Masakit man at dinudurog siya ay dapat niyang patigasin pa ang sarili.Pakiramdam niya, walang kwenta ang opinyon na ibibigay niya. Hindi rin mahalaga ang nadarama niya kung sakali mang magsabi siya. Isa lamang siyang latak para kay Lucian na naging bara sa maayos sana nitong buhay nang makilala siya.Kaya naman kahit masakit, pilit niya pa ring nilulunok ang pighati na idinudulot ng mga ito na para bang wala siyang pakiramdam na paulit-ulit nilang tinatapakan.“I will be out for a while,” paalam ni Lucian sa kanila. “Ayos lang na maiwan kita?” tanong nito kay Eveth.Malapad namang ngumiti si Eveth kasabay ng paghimas sa braso ng kanyang asawa. Nang mga sandaling iyon, mahigpit na ang pagkakahawak ni Sunset sa kobre-kama kung saan natatakpan ang kanyang mga kamay

    Huling Na-update : 2024-06-15
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 10: Muling Pagpapanggap

    HABANG NAGMAMANEHO, BIGLA na lamang inihinto ni Lumi ang sasakyan nito at may galit na tumingin sa kanya saka muling tumingin sa manibela ngunit ibinalik ang tingin sa kalsada. Muli na naman itong huminga nang malalim kaya hindi na nakatiis si Sunset at tinanong ang kaibigan.“May gusto ka bang sabihin, Lumi?”“Naiinis ako sa ‘yo!” hindi na napigilan nitong sambit. “Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na ganon-ganunin ng babaeng iyon? Masyado kang mabait, Sunset! Ikaw lang ang nakita kong ganyan na hindi kayang ipaglaban ang pagmamahal na nararamdaman niya.”“Lumi—”“Look, Sunset, you are still the legal wife, not just an ordinary person to his life. You will not be the one to adjust with his mistress. Treat yourself with kindness. You have all the rights to say no if you’re not comfortable with one situation. Hindi kasalanan ang magsabi ng ‘no’ kung ayaw mo. Understood?”Saglit na nakatingin si Sunset dito atsaka nahihiyang tumango.“I don’t have the rights to meddle with your business

    Huling Na-update : 2024-06-17
  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 11: Bagong Pagkakataon

    DAHIL NAGKAROON NG problema sa pabrika ng pagawaan ng tinapay, kinailangang makarating kaagad doon ni Sunset sa pinakamabilis na paraang alam niya. Iyon ang tanging paraan upang wala ng maging aberya sa pagbubukas nila ng first branch na nasa pangangalaga niya. Mabuti na lamang at padaan si Vincent sa lugar na malapit sa mga lolo at lola ni Lucian. Ang problema niya ngayon ay sa dinami-rami naman ng maaari niyang makasalubong palabas ng bahay, bakit si Lucian pa? Ginawa niya nga ang lahat para iwasan ito ngunit makikita niya naman ngayon. Parang walang nakita, tuloy-tuloy ang paglalakad ni Sunset ngunit bago pa man makalagpas dito, kaagad na pinigilan siya nito sa paglalakad nang hawakan ang kanyang kamay. Tila napapaso, kaagad ang paghila ni Sunset ng kamay sa asawa. “Nagmamadali ako, Lucian,” sabi niya bago tuloy-tuloy ang paglabas ng bahay. Ngunit nang makarating naman siya sa labas ng bahay ay naroon na naman ang asawa. Parang wala itong narinig sa mga sinabi niya. “Kailan

    Huling Na-update : 2024-06-18

Pinakabagong kabanata

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 30: Puno ng Panghuhusga

    GUSTONG SAMPALIN NI Sunset ang sarili niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa tagumpay na natatamasa ng panaderya na pinaghirapan nilang maitayo at maiayos hanggang sa matapos. Hindi lamang siya ang nagpakahirap doon. Kasama sa tagumpay na iyon ang dugo't pawis ng mga empleyado na patuloy na nagtitiwala sa kanya.Sa dinami-rami ng kanyang pinagdaanan, labis ang pasasalamat niya sa sarili dahil hindi siya sumuko. Inilaban niya ang paniniwala niya na magagawa niya ang pangarap basta magtiwala lamang siya. Kaya ganoon na lamang ang pagtapik niya sa sarili. “Congrats self…” sambit niya pa habang nakatingin pa rin sa kabuuan ng lugar.Dahil iisang branch pa lamang ulit ng Martina’s Bakeshop ang binuksan, karamihan ng mga ibinebenta nilang produkto ay sa online. Wala siyang kahit na anong ekspektasyon nang magsimula ngunit hindi niya akalain na magiging patok iyon sa customer at ngayon ay halos pa-sold out na ang dalawang araw na preperasyon ng mga ginawa nilang tinapay.“

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 29: Ako ang Nagdurusa

    “AYOS LANG HO ba kayo?” nag-aalalang tanong ni Sunset nang makarating sa bahay ng dalawang matandang Seville.“O, Apo!” nakangiting bati sa kanya ng lola ni Lucian.“Pinapunta mo rito si Sunset, Gloria?” heto na naman at maririnig sa tinig ni Facundo ang pagiging istrikto. “Sinabi ko ng magiging mabuti ang kalagayan ko. Bakit kailangan mo pang abalahin ang bata?”“Ayos lang po, Abuelo,” nakangiting sambit ni Sunset bago magmano sa dalawang matanda. “At saka, na-miss ko na rin ho kayong dalawa. Matagal-tagal na rin ang huli kong pagbisita.”“Sinabi na sa ‘yo, Facundo.” Umiiling na sambit ng maybahay na si Gloria. “Hindi ko naman pinilit ang bata.”Nahihiyang ngumiti na lamang si Sunset nang makita na nagtatalo ang dalawa dahil sa kanya. Kung may isa man siyang dahilan para hindi kainin nang tuluyan ng galit dahil kay Lucian, masasabi niyang ang dalawang matanda na iyon. Hindi niya makakaila na ang pagmamahal ng mga ito sa kanya ang dahilan kung bakit hindi masyadong naging miserable a

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 28: Nagsisisi na siya

    NAIINIS SI LUCIAN sa kanyang sarili. Hindi siya nakapagsalita nang kailanganin niya ang kanyang bibig habang kinakausap siya ng asawa. Nararapat na humingi siya ng tawad kay Sunset at isa pang pagkakataon para maayos ang gusot sa buhay nila.Pinagsisihan niya ang nagawa. Kung maaari lang, kung pwede niya lang ibalik ang oras kung saan kaya niyang ipakita rito ang nararamdaman at dahilan kung bakit siya nagkakaganito ay baka maintindihan siya nito. Hindi rin malabo na bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Sunset.Kung pinakitaan niya rin ito ng kahit isang kabutihan, maaaring lumakas ang loob niya na pakiharapan ang asawa nang taas ang noo at walang kahit na anong pangamba. Ngunit kahit pagbali-baliktarin man ang mundo, alam niya sa sarili na siya ang nagkasala. Wala siyang karapatan na magdemand ng kahit na ano kay Sunset.Kahit na ganoon pa man, lakas-loob na nagtungo ng pabrika si Lucian para puntahan si Sunset. Ngunit ang kaninang binubuo niyang pag-asa, unti-unting nasisira na

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 27: Sigurado na Siya

    “JARREN, NASAAN ANG Tiya Lorna?” iyon kaagad ang tanong ni Sunset nang makauwi ng bahay nila mula sa pabrika. “Anong oras na. Hindi naman nagpapagabi iyon nang husto.”“Nagtataka rin po ako, Ate. Hindi naman po nagpapagabi si nanay ng ganito. Hindi niyon hahayaan na magutom ang bulate ko sa tyan!”Bahagya siyang natawa ngunit balot naman ang isipan niya ng pag-aalala. Kaagad ang naging pagpunta niya ng kusina para magsaing. Ipinainit niya na lamang din ang natirang ulam nila sa ref habang hinihintay pa rin ang pagdating ng tiyahin niya. Nang lumipas ang isang oras na wala pa rin ito, isang desisyon na ang ginawa niya. “Jarren, mauna ka ng kumain ha? Nailagay ko na ang rice cooker sa mesa. Pati ang ulam na ininit ko. Hahanapin ko lang ang Tyang Lorna.”“Sige po, Ate. Uwi kayo kaagad ha?”Tango lamang ang naging sagot niya habang makailang ulit muling tinawagan ang cellphone ng tyahin niya. Nagri-ring ang cellphone nito ngunit walang sumasagot kaya lalo siyang binalot ng pag-aalala.A

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 26: Ako Naman Muna

    HINDI ALAM NI Sunset ang gagawin nang simulan silang kuyugin ng media na naroon sa lugar. Bawat kislap ng camera, takot ang namamayani sa kanya. Hindi niya alam kung paano itatago ang sarili nang mga sandaling iyon. Ganoon katindi ang pangamba niya na muling maulit ang aksidente na naging dahilan para manatili siya nang matagal sa hospital. Marami siyang dapat gawin. Napakarami ng dapat niyang ayusin sa pabrika at hindi parte ng mga iyon ay ang pagharap sa nagkikislapang camera. Ipinag-aalala niya rin na maugnay ang pangalan niya kay Vincent at sabihin ng mga tagahanga nito na ginagamit niya ang pangalan ng binata. Pangarap niyang may mapagtagumpayan nang hindi nakakabit ang pangalan ng kahit na sino sa kanya. “Nabalitaan namin na dati mong naging nobya ang babae, totoo ba, Vincent?” “Bakit kailangang itago ang mukha niya? Malaking tyansa na makilala rin siya.” “Siya ba ang dahilan kung binalikan mo ang pangarap mo?” “Isang pasilay naman sa mukha niya!” Iyon ang mga katagang

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 25: Paghingi ng Kapatawaran

    WALANG HUMIHINGI NG tawad sa mga pasakit na ginawa sa kanya. Kahit ang ina ni Eveth na gumawa ng kwento para lamang magmukha siyang masama ay nagmamalaking pang umalis sa kwarto niya sa kabila ng ginawa nitong palabas. Si Lucian? Bigla na lamang ang pagtatangkang paghawak sa kanya para ipaliwanag ang nangyayari ngunit tinabig niya lamang ang kamay nito. Simula’t sapol, ito ang dahilan ng mga pasakit na pinagdadaanan niya sa buhay. Kasalanan nito kung bakit nasa sitwasyon niya na kailangan niyang patunayan ang sarili niya at hindi lamang siya asawa ng isang makapangyarihang Seville.Patutunayan niya sa lahat. Lalong-lalo na sa kanyang sarili na magtatagumpay siya. Kailangan niya lamang maniwala na kaya niya. Siya lang din naman ang makakatulong sa sarili niya. Wala ng iba pa.Bahagya ang pagkagulat sa mukha ni Sunset nang biglaan na lamang ang pagluhod sa harapan niya ng babaeng inakala niyang trabahante sa pabrika. Paulit-ulit ang paghingi nito ng tawad sa kanya habang lumuluha nang

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 24: Pagpanig sa kanya

    “DO YOU THINK it will work?” tanong ni Sunset sa secretary niya na nasa pabrika pa rin at kausap niya lamang sa cellphone. “Aabot kaya tayo sa opening?” “Yes, Ms. Sunset. Aabot tayo kung magkakaroon ng overtime ang mga empleyado.”Hindi kaagad sumagot si Sunset. Bakas ang malalim na pag-iisip sa kanya.“Okay. Ganito na lang, Liezel. Ask them if they want to have overtime. Ang mga ayaw, huwag mo silang pilitin. By hour ang magiging bayad natin sa mga magtatrabaho nang lagpas na sa oras.”“Copy, Ms. Sunset,” sambit nito. “For my second concern, dumating na po ang mga bagong makina na kinuha niyo. Sa ngayon, ina-assemble na po ang mga iyon dito. Dahil bagong model, kailangan po ng training ng mga tauhan natin.”“Then, make a one day allotment,” sagot niya rito bago ilipat sa kabilang bahagi ang cellphone. “Ituro sa kanila ang mga dapat nilang malaman. May tiwala akong matutunan nila ang mga iyan dahil alam naman nila ang basic.”“About sa ingredients na mga tinapay—”“Don’t worry,” sagot

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 23: Ginagawa mong Komplikado 

    “YOU’RE WASTED, DUDE!” iyon ang naging bungad ni Jigs nang pumasok ito sa opisina niya. “Nakikita mo na ba ang karma mo?” Nabaling ang tingin ni Lucian sa kanyang kaibigan. Masama ang naging pagtitig niya kaya ganoon na lamang ang pagtataas nito ng kamay na para bang sumusuko na kaagad sa usapang maaari pang lumaki.“Anong nangyari?” tanong nito sa kanya matapos na umupo sa sofa na katapat ng mesa niya sa kanyang opisina. “Hulaan ko, tungkol na naman ito kay Sunset? Kase kung ang pinsan ko ang dahilan, hindi ka magkakaganyan.”Sumandal si Lucian mula sa kanyang kinauupuan kasabay ng pagpisil sa nananakit niyang sentido. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang nangyari sa pagitan nila ng asawa. Kung paano siya ipagtabuyan nito nang punong-puno ng galit.“Sinabi ko na kaseng huwag mong ituloy ang mga binabalak mo. Tapos ngayon magsisisi ka?” Pumalatak ito. “Masyado kaseng malakas ang tiwala mo sa sarili mo na hindi ka niya pakakawalan. Ngayong natikman mo na ang sarili mong laso

  • The Price of Her Love After Divorce   CHAPTER 22: Pinal na Desisyon

    BAKAS ANG MATINDING galit kay Lucian nang mga sandaling nakatingin kay Sunset. Gusto niyang sumigaw upang mabawasan ang prustrasyon na nararamdaman niya. Ngunit hindi niya magawa. Iniiwasan niya na kahit takot ay maramdaman na rin nito dahil sa pagiging walanghiya niya. Nag-aalala siya.Bibitawan siya ng asawa…Hindi siya makapaniwala nang ganoon lang kadali rito na iwan siya…Umiling siya. Hindi iyon maaaring gawin sa kanya ni Sunset! Hindi siya makapapayag.Alam niya sa sarili na napakagago niya ngunit hindi kailanman tumatak sa kanyang isipan na ang inakalang niyang simpleng galit lamang at pagbabanta ni Sunset ay magiging totoo na. Pagkamuhi na iyon kung maituturing dahil handa na siyang isumpa nito para lamang hindi na muling makasama pa.Nasasaktan siya…Nagsisisi…Paulit-ulit na naglalaro sa kanyang isipan ang maraming katanungan. Maraming paano na hindi mabigyang kasagutan dahil sa pagiging pipi niya na maipahayag ang nararamdaman.Paano kung sa simula pa lang ay pinakataan ni

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status