Chapter: Chapter 43Medyo magulo pa ang buhok ni Cargorios at ang damit ay may gusot pa, halata na bagong gising. Nasa isang restaurant na kami ngayon at kumakain na ng agahan. Ang busangot na mukha ni Cargorios sa aking harapan ay nagpapahiwatig na hindi siya pa rin siya natutuwa, at ako ang dahilan no'n. Badtrip pa rin siya sa akin.Kahit nakabusangot siya at halatang bagong gising pa ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Hindi na ata iyon mawawala sa mukha niya, kahit siguro anong emosyon ang ipakita niya ay gwapo pa rin siya. Pero iba ata ang kagwapuhan niya ngayong bagong gising siya, hindi ko alam pero parang mas naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon.Napanguso ako at itinuon sa pagkain ang atensyon nang napansin na tumititig na pala ako kay Cargorios. Ilang beses ko rin atang nabanggit sa isip ko na ang gwapo niya.Talaga ba, Mallory? Kahit galit siya sa ‘yo ngayon ay gwapo pa rin siya?Tahimik kaming natapos sa pagkain at nanatili pa ring nakabusangot si Cargorios. Uminom siya ng tubig haban
최신 업데이트: 2025-03-14
Chapter: Chapter 42Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”
최신 업데이트: 2025-03-13
Chapter: Chapter 41Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,
최신 업데이트: 2025-03-12
Chapter: Chapter 40“Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a
최신 업데이트: 2025-03-11
Chapter: Chapter 39Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi
최신 업데이트: 2025-03-11
Chapter: Chapter 38Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a
최신 업데이트: 2025-03-07