“Ano na namang gulo to?!” ang sigaw ni mama naman ang narinig ko.
Tumigil sa pananakit sa akin si Madeline at pumunta siya kay mama, umiiyak. “Malandi ‘yang anak mo, Ma! Inaahas niya si Andrew matapos niyang makipaglandian sa ibang lalaki kagabi!” sumbong ng kapatid ko. Umiling ako, sinusubukang ipaglaban ang sarili kahit umiiyak. “H-Hindi totoo ‘yan!” “Saan ka galing kagabi, Mallory? Bakit hindi ka umuwi? Totoo ngang may kabit ka kaya ka pinagpalit ni Andrew kay Madeline?” Hindi ko makapaniwalang tiningnan si mama. Nagagawa niya talaga ‘yang sabihin sa akin? Ni hindi man lang niya pinansin ang pananakit sa akin ni Madeline. Inuna niya pa akong pagbintangan kaysa ang mag-alala. Anak pa ba ang tingin niya sa akin? “Hindi ‘yan totoo, Ma! B-Bakit ba lagi mo na lang kinakampihan si Madeline, ha? Hindi mo ba nakikitang sinasaktan niya ako kanina?” humihikbi kong sabi. “At bakit ako pa ang sinisisi mo sa katarantaduhan ng dalawang ‘yan? Sila itong nagloko sa akin! Kayo! Matagal niyo na palang alam na may namamagitan sa dalawang ‘yan pero hinayaan niyo lang! Tapos ako na kahit maliit lang na bagay ay halos ipagtabuyan niyo na ako!” “Sumasagot-sagot ka na naman!” galit na sigaw ni mama. “Dahil hindi niyo naman ako pinakikinggan! Lagi na lang si Madeline! Hindi niyo ba ako nakikita? Nasasaktan na ako pero siya pa rin ang kinakampihan niyo!” “Kung maka-arte ka naman, akala mo talaga kung anong pang-aapi ang ginawa sa ‘yo. Feeling victim. Kasalanan mo rin naman ‘yon!” sabat naman ni Madeline na lalong nagpagalit sa akin. Mabilis kong sinugod si Madeline. Dahil katabi niya lang si mama ay mabilis din siyang humarang para pigilan ako pero dahil sa galit ko ay malakas kong naitulak si mama dahilan kaya napaupo siya sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. “Ma!” Dali-daling dinaluhan ni Madeline si mama para tulungan ito. “Ang sakit,” daing naman ni mama habang hawak-hawak ang balakang. Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanila, hindi nakagalaw dahil sa gulat. Sinusubukan ni Madeline na patayuin si mama pero mukhang nasaktan talaga si mama sa pagbagsak niya sa sahig kaya hindi siya makatayo. Dumalo na rin si Andrew sa kanila at halos matumba na rin ako nang nabunggo niya ang balikat ko sa kakamadaling daluhan sila. “Walang hiya ka, Ate! Tingnan mo kung anong ginawa mo kay mama!” Sinubukan kong hawakan si mama pero iwinakli niya lang ang kamay ko. “M-Ma, sorry p-po—” “Manahimik kang putangina ka!” Tumulo muli ang mga luha ko. Ano ba kasi ang ginagawa ko? Bakit lagi na lang akong nakakagawa ng mga mali? Ako ba talaga ang may problema? Kasalanan ko nga ba ang lahat? “Susan, anong nangyari sa ‘yo?” Dumating si papa at nadatnan niya si mama na nakaupo sa sahig habang iniinda ang sakit ng balakang. “Anong ginawa mo, Molly?!” Napatingin ako kay papa na mabilis na dinaluhan si mama. Hindi pa nga niya alam kung ano ang nangyari pero nahulaan na niya agad na ako ang tumulak kay mama. Na para bang alam niya na kung saan may problema, ako agad ang may kasalanan. “Anong ginawa mo sa mama mo!” Tumayo si papa at hinarap ako, galit na galit. Napalunok ako sa kaba. “H-Hindi ko sinasadya, Pa—” “Ganiyan na ba kasama ang ugali mo para saktan mo ang mama mo, ha?! Hindi ka na naawa sa mama mo!” Hindi ako nakapagsalita. Para namang nagkaroon ng paligsahan ang mga luha ko at nagsisiunahan ito sa pagtulo. Ang sakit. Ang dali nilang makita na nasasaktan ang iba, pero ako? Hindi ata nila nakikita na nasasaktan din ako. “S-Sorry po—” “Anong magagawa ng sorry mo? Maipapagamot mo ba ang mama mo niyan? Puro na lang talaga problema ang dala mo!” Para nang tinutusok ang puso ko ng libo-libong karayom sa sobrang guilty. Alam ko may kasalanan ako pero... “P-Pa, nasasaktan din naman po ako. Kanina g-gusto akong pagsamantalahan ni Andrew pero ako ang s-sinisisi ni Madeline at ni mama. Sinaktan ako ni Madeline pero siya pa rin ang k-kinampihan ni mama—” “Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ni Madeline. “H-Hindi totoo ‘yan,” depensa naman ni Andrew sa kaniyang sarili pero halata naman ang kaba sa boses. “Totoo lahat ‘yon!” Kahit alam kong walang kakampi sa akin ay sinubukan ko pa ring depensahan ang sarili ko. “Sinagot-sagot mo nga si mama kanina! Anong klaseng pag-uugali ‘yan?” “Dahil hindi niyo naman nakikita na nasasaktan na ako! Hindi ko nga alam kung bulag ba kayo o sadyang wala lang talaga kayong pakealam sa akin—” Natigil ako sa pagsasalita nang sinampal ako ni papa. Nakahawak ako sa namumula kong pisngi, gulat sa ginawa ni papa. Matinding katahimikan ang namutawi sa paligid. Halata ang gulat sa mukha ni Madeline, pero kay mama ay tanging blankong ekspresyon lang ang binigay niya sa akin. “Lumayas ka rito,” mahinang sabi ni papa, pero dahil sa sobrang tahimik ay narinig ko iyon. Napatingin ako kay papa. “P-Pa...” “Ang sabi ko...” Tinuro niya ang pintuan. “Lumayas ka rito.” Muling nagbadya ang luha sa aking mga mata. Sinubukan kong lumapit sa kaniya pero isang hakbang lang ang nagawa ko at tumigil din. “P-Pa naman—” “Hindi mo ba ako narinig? ‘Wag ka nang babalik.” Halos magmakaawa na ako sa kaniya. Muling nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko habang nakatingin kay papa. “P-Pa, ‘wag naman ganito—” “Lalayas ka rito o ako mismo ang kakaladkad sa ‘yo palabas?” matigas na sabi ni papa. Wala akong ibang nakikita sa mga mata ni papa kung ‘di galit. “Hindi ko kailangan ng bastos anak na katulad mo. Umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas.” Siguro nga hindi nila ako nakikita bilang isang anak nila— baka nga kahit bilang pamilya nila hindi, eh. Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanila? Wala akong ibang ginawa kung ‘di ang maging mabuting anak at maging sunod-sunuran sa kanila. Pero hindi pa pala sapat ‘yon. Ngayong hindi na nila ako kailangan, pwede na nila akong ipagtabuyan.Maraming tao ang kumakain ngayon sa karenderya ni Aling Mashang kaya busy rin kami. Dito na ako nagtatrabaho ngayon simula no'ng pinaalis ako sa amin ilang linggo na rin ang nakalipas.Akala ko hindi rin magtatagal ay hahanapin nila ako, hihingi sila ng tawad at sasabihing nagsisisi na sila na ginawa nila sa akin iyon. Pero hindi pala. Ilang linggo na ang nakalipas pero wala man lang akong narinig na hinahanap nila ako. Wala na rin akong balita sa kanila simula no'ng pinaalis ako. Hindi naman ito kalayuan sa bahay pero mukhang wala talaga silang pakealam sa akin.No'ng araw na pinalayas ako ay dinala ako ng mga paa ko rito kay Aling Mashang, bitbit ang isang bag ng damit na tanging nadala ko lang no'ng araw na ‘yon. Hindi ko rin alam ba't ko naisipang pumunta rito. Si Aling Mashang kasi ay masungit. Medyo may katandaan na rin at ilang beses na akong napag-initan nito pero ‘di ko aakalain na sa paglapit ko sa kaniya ay hindi man lang siya nagdalawang-isip na tanggapin ako. Nagsungit ma
“Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g
Tumatak sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Aling Mashang, hanggang sa nakauwi na ako sa boarding house ay iyon pa rin ang nasa utak ko.“Buntis ka ba?”Parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang boses ni Aling Mashang.Wala sa sarili akong umupo sa maliit na kama at napatulala sa pader na may iilang sapot ng gagamba. Muli na naman akong binisita ng boses ni Aling Mashang sa aking isipan.“Kaya ba sobrang sensitibo mo sa amoy at nagsusuka ka rin dahil buntis ka? At itong kinakain mo, hindi naman masarap ‘yan pero sarap na sarap ka naman. Buntis ka nga!”Buntis ba ako?Mabilis akong umiling. Hindi ako buntis! Nagkataon lang talaga na gano'n!Pero kahit anong tanggi ko ata sa sarili ay hindi ko rin maipagkakaila na maaaring tama si Aling Mashang. Parang may biglang humalukay sa aking tiyan sa kaisipang iyon. Hindi pwede ‘to.Ilang linggo na ba ang nakalipas simula no'ng nangyari ‘yong gabing ‘yon? Hindi ko na gaanong naaalala. At posible kaya na mabuntis agad ako kahi
Pagkatapos ko sa trabaho ay dumiretso ako sa isang pharmacy para bumili ng pregnancy test. Tatlo ang binili ko para makasigurado. Umuwi rin ako agad pagkatapos.Pumasok na ako sa banyo para subukan ang pregnancy test na binili. Nanginginig ang aking mga kamay habang isa-isang kinukuha sa mga lalagyanan ang mga pregnancy test. Kinakabahan talaga ako pero gusto ko na ring malaman ang totoo.Kakalbuhin ko talaga si Aling Mashang kapag naging negative itong resulta. Siya naman kasi ang nagsabi na baka buntis ako, kaya ayan tuloy, pinapakaba niya ako. Pero kung... mag-positive ito? Matatanggap ko kaya?Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.Makalipas ang ilang minutong pagmumuni-muni ay napagdesisyunan ko nang subukan ang pregnancy test. Sinunod ko lang ang instructions kung paano iyon gamitin kaya kahit papaano ay hindi naman ako nalito at nagawa ko naman iyon nang tama.Kinakabahan kong tiningnan ang hawak kong pregnancy test habang nakaupo sa inidoro. Katatapos ko lang at naghihintay
Pinahintulutan ako ni Aling Mashang na magpahinga na muna ngayong araw dahil napapansin na rin niya na mabilis na akong mapagod. Hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang kondisyon ko pero kahit gano'n ay hindi pa rin siya nagdalawang-isip na pagpahingahin ako. Kung tutuusin ay hindi naman pala gaanong masungit si Aling Mashang, minsan lang talaga siguro ay sumasanib ang dragon sa kaniya kaya laging mainit ang ulo. Pero ngayon ay anghel ang nakasanib sa kaniya kaya nakapagpahinga ako. Dahil sa binigay niyang day-off ay kinuha ko na rin ang pagkakataong ito para makapagpa-checkup. Madalas na rin kasi akong nakakaramdam ng pagkahilo at pagsusuka kaya kinakabahan ako na baka nakakasama iyon sa baby ko. Baby ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga gaanong nagsi-sink in sa utak ko na buntis ako. Pagkatapos kong kumain ay naligo na rin agad ako at mabilis na inayusan ang sarili pagkatapos. Medyo kinakabahan ako sa gagawing checkup dahil first time ko pa lang ito, at ako lang mag-isa. K
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong tumakas mula sa kaniya. Hindi ko lang din talaga naiwasang kabahan lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa ultrasound na hawak ko na para bang alam niya kung ano ang ibig sabihin no'n. At no'ng nagsimula siyang humakbang papunta sa akin ay bigla na lang akong natakot kaya nag-panic na ako.Pero bakit ko nga ba naisipang umalis? Siya naman itong nakabuntis sa akin at may responsibilidad na kailangang gampanan. Dapat siya nga itong kabahan nang malala at magtago sa akin, eh.Pagkarating ko sa bahay ay uminom agad ako ng tubig para pakalmahin ang sarili.Ano na ang gagawin ko ngayon? Hahanapin ko ba siya at kakausapin tungkol sa bata? Manghihingi ba ako ng sustento sa kaniya?Inalala ko ang itsura niya kanina. Ang seryoso at dilim ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nakilala kaya niya ako? Alam niya ba talaga kung ano ang ipinunta ko roon?Ano na? Kakausapin ko ba siya?“Pero para saan pa?” tanong ko sa sarili. “Kilala s
Para na akong nag-ugat sa aking kinatatayuan habang nakatingin kay Cargorios Mertimor. Gustuhin ko mang umatras nang naglakad na siya papalapit sa amin ay hindi ko na rin nagawa. Nakaawang lang ang labi ko na nakatingin sa papalapit na si Cargorios habang tinatanggal nito ang kaniyang sunglasses.Huminto siya nang nasa harapan ko na siya. Dahil mas matangkad siya sa akin ay kailangan ko pang tumingala para makita ang mukha niya. Ang kayumanggi niyang mga mata ay isa-isang nilakbay ang aking mukha at buong katawan, pero nahinto siya at nagtagal ang paninitig sa aking tiyan.Ilang sandali lang din ay inangat niya sa aking mga mata ang tingin niya. Yumuko siya upang magpantay ang aming paningin. Bahagya ko namang inatras ang aking ulo dahil sa lapit ng mukha niya sa akin.“Long time no see, Mallory. I finally found you...” bulong nito sa akin at may munting ngiti sa labi. Pero ang ngiti nito ay hindi palakaibigan, naghatid lang ito ng kilabot sa akin.Tuluyan na akong napaatras nang hakb
Medyo naging mahaba rin ang byahe hanggang sa pumasok kami sa subdivision at huminto kami sa isang bahay. Hindi ito gaano kalaki pero hindi rin naman masyadong maliit, wala rin itong pangalawang palapag. Simpleng bahay lang talaga siya pero sa tingin ko ay kasya naman ang may limang myembro na pamilya. Wala rin itong kapitbahay, tahimik at payapa ang paligid pero hindi naman nakakatakot. May iba pa naman sigurong nakatira dito sa loob ng subdivision pero malayo lang ang bahay, hindi rin ako sigurado.Bumukas ang gate at agad ding ipinasok ni Cargorios ang sasakyan sa loob. Nang nai-park na niya nang maayos ang sasakyan ay agad din naman siyang bumaba, dahil masyado pa akong namamangha sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay naging mabagal din ang pagtanggal ko sa aking seatbelt kaya si Cargorios na rin ang nakabukas sa pinto ko. Dahan-dahan akong lumabas habang hindi pa rin natatanggal ang pagkamangha sa akin sa pagtanaw ko sa paligid. Tahimik naman niyang pinagmamasdan ang bawat galaw k
Tahimik kaming kumakain ng tanghalian sa bench sa harap ng lawa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin at ang mga naglalarong pato sa tubig.Katatapos lang naming libutin ang buong lugar at sobrang sakit ng paa ko kakalakad. Gusto ko pa sanang maglakad-lakad pa pero hindi na niya ako pinayagan. Kaya heto kami ngayon at kumakain na lang sa harap ng lawa.Ang saya ng araw na ito. Nakakapagod man pero worth it naman. Sinadya ko talagang sulitin ang pamamasyal dito dahil hindi ko na alam kung kailan ulit mauulit ito. Pakiramdam ko kasi ay pinagbigyan lang ako ni Cargorios ngayon kasi nakita niyang umiiyak ako kanina.Wala sa sarili akong napalingon kay Cargorios na nasa tabi ko at tahimik lang ding kumakain. Naramdaman niya ang pagtingin ko sa kaniya kaya napalingon din siya sa akin. Kumurap ako at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, dali-dali ko namang iniwas ang tingin sa kaniya saka nagpatuloy sa pagkain.“Are you okay?” tanong niya.Tinanguan ko siya nang hindi lumilingon sa kan
Pagkalabas ko ng bahay ay nakaabang na ang sasakyan ni Cargorios sa labas, nasa loob na siya ng sasakyan at ang gate ay nakabukas na rin. Ako na lang pala ang hinihintay kaya dali-dali na akong sumakay sa passengers seat.Hindi ko pa maitago ang ngiti ko nang lingunin ako ni Cargorios pagtapos kong ikabit ang aking seatbelt.“Masayang-masaya ka, ah,” komento niya.Minaneho naman niya ang kaniyang sasakyan. Yumukod si Manong guard nang nadaanan namin siya bilang pagbati at respeto, hindi ko na siya ginantihan dahil tinted itong sasakyan at hindi niya rin iyon makikita.Tinanguan ko si Cargorios kahit sa daan naman siya nakatingin. “Sobra!”Marahan siyang ngumiti nang marinig ang excitement sa aking boses.Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin kasi ako pamilyar sa lugar na ito kaya wala akong alam kung saan ito patungo. Medyo mahaba-haba din ang byahe pero kahit gano'n ay hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Buong byahe ay inaliw ko lang ang sarili sa pagtingin-tingin sa laba
“Are sure you're okay?” pang-ilang tanong na ito sa akin ni Cargorios.Tinanguan ko siya.Hinatid niya ako rito sa kwarto ko at ngayon ay nakahiga na ako at siya ay nakatayo sa gilid ng kama. Hawak niya pa ang kaniyang cellphone dahil kung magsuka raw ulit ako ay hindi siya magdadalawang isip na tawagan si Dra. Almanda.Napaka-OA naman ng lalaking ‘to. Hindi ba siya nakinig no'ng nagpa-checkup kami?“Ipagpatuloy mo na ang trabaho mo. Ayos na ako. Magpapahinga lang ako saglit tapos lalabas na rin ako,” sabi ko sa kaniya.“You don't have to force yourself. Rest as long as you want. You need that” kunot noo nitong sabi, pero hindi dahil naiirita siya.Tumango na lang ako para matapos na. Bumuntong hininga siya at tiningnan pa ako ulit bago lumabas ng aking kwarto.Pagkatapos niyang masaksihan ang matinding pagsusuka ko ay sinabi niyang dito na lang daw siya magtatrabaho. At tinotoo nga niya. Akala ko no'ng una ay nagbibiro lang siya, napaisip din ako dahil pwede bang gawin ‘yon? Pero nga
Hindi ko alam kung paano kami naging close at ganito na siya kung makapang-asar sa akin. Mag-iisang buwan pa lang ako rito at sa mga araw pa na iyon ay tuwing gabi lang kaming nagkakasama, minsan wala pa. Kaya hindi ko na nasundan kung paano kami naging ganito ngayon.Tapos na kaming mag-agahan pero nasa hapagkainan pa rin kami ngayon. Naligpit at nahugasan na rin ang pinagkainan at pinaglutuan namin kanina pero tumambay lang muna kami rito saglit para magpahinga. Mukhang wala talaga siyang planong magtrabaho ngayong araw. Kanina kasi habang naghuhugas ako ng mga plato ay kinuha niya ang kaniyang laptop pero hindi naman siya nakapangbihis ng pang-alis, sa tingin ko ay dito siya sa bahay magtatrabaho.Tama nga ang hinala ko dahil makalipas lang ang ilang sandali ay hinarap na niya ang kaniyang laptop habang nag-umpisang magtipa roon. May suot pa siyang eyeglasses na sa paningin ko na naman ay mas lalong nagpagwapo sa kaniya nang husto. Hindi ko tuloy magawang umalis dito dahil sa kakat
“Hey, ako na ang magluluto,” sabi niya nang nakasunod na siya sa kusina. “Magpahinga ka na lang sa sala— or you can just stay here and watch me instead?” Ayan na naman siya sa pang-aasar niya.Humugot ako nang malalim na hininga. Anong nakain ba ng lalaking ito at ang lakas ng tama sa utak? Hindi ko siya pinansin at dumiretso ako sa ref para kumuha ng hotdog at itlog. Kahit sa pagkuha ko ng kawali at pagpe-prepare ko ng mga gamit na kakailanganin sa pagluluto ay sinusundan niya pa rin ako. Pinipilit ko lang talaga ang sarili ko na hindi magpaapekto sa presensya niya, kahit na sa loob-loob ko ay nagwawala na talaga sila.Nilublob ko muna sa tubig ang hotdog at hinayaan na muna roon para matunaw ang yelo, siya naman ay nagbiyak ng mga itlog at isinalin sa mangkok at ekspertong hinalo iyon kasama na ang ibang pampalasa. Tiningnan ko siya at sobrang laki ng ngiti niya, halatang natutuwa at nag-eenjoy na asarin ako.Pinabayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa at inabala na lang ang sar
Morning sickness pa ata ang papatay sa akin. Pagkagising ko kinabukasan ay pagsusuka na naman ang bumungad sa akin. Hindi naman na bago ito sa akin pero hindi pa rin talaga ako nasasanay, makakapagdasal pa rin talaga sa iba't ibang santo maitigil lang ang pagsusuka ko.Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay naligo na lang din ako at nag-ayos ng sarili. Dress ulit ang suot ko ngayon at sa pagkakataong ito ay plain white na. Pansin ko lang nitong mga nakaraang araw ay naging maarte na ako sa sarili ko, lagi ko nang sinisigurado na maayos ang itsura ko. Hindi naman ako ganito dati.Nang natapos na ako sa sarili ko ay sumilip ako sa bintana. Malamig ang simoy ng hangin at hindi pa masyadong mainit. Sa tingin ko ay alas sais pa ng umaga ngayon. At tingin ko rin ay nakaalis na ngayon si Cargorios, ganitong oras din kasi siya umaalis tuwing umaga.Na-realize ko na mas maganda ang makukuha kong hangin kapag nasa labas ako kaya napagpasyahan kong lumabas na lang para makalanghap ng sariwang hangi
Ang guilty na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nalusaw at napapalitan ng inis. Dito talaga siya magaling, eh.Halos magsalubong na ang mga kilay ko dahil sa inis ko sa kaniya. Sinunod naman niya ang sinabi ko pero nakikita ko pa rin ang pagpipigil ng pilyong ngiti niya. Inirapan ko siya para ipakita sa kaniyang hindi ako natutuwa.Bumalik siya sa paghahalo ng kaniyang niluluto. Noong una ay masama pa ang tingin ko sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin pero kalaunan ay unti-unting nawawala ang pagkakunot ng aking noo at namalayan ko na naman ang aking sarili na nakatitig na naman sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya. Para bang may kung anong humihigop sa mga mata ko at sa kaniya lang pwedeng tumitig ang mga ito.Lumingon siya bigla sa akin kaya naabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Mabilis naman ang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya, at kahit na alam ko namang nakita na niya ako ay sinubukan ko uling isalba ang sarili sa pamamagitan n
Nagising ako dahil sa marahang katok sa aking pintuan. Hindi pa nga ako nakakabangon ay bumukas na ang pinto at pumasok si Cargorios. Nagulat ako kaya dali-dali akong napabangon at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Tumayo siya sa gilid ng kama at mataman akong tiningnan, habang ako ay nakatingalang nakatingin sa kaniya at nanatiling nakaupo sa kama.“A-Anong kailangan mo?” utal kong tanong.Sa higit isang linggo kong pananatili rito ay ngayon lang siya pumasok sa kwarto ko. Magkasama naman kaming tumitira sa iisang bubong pero ibang usapan na kapag nasa kwarto kaya nagulat talaga ako.“How are you feeling?” tanong niya.Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa kalituhan. Napabaling ako sa bintana at nakitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Maaga pa lang pala? Himala at maaga siyang nakauwi ngayon? At ngayon pa talaga siya umuwi nang maaga kung kailan ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nakatulog nga ako buong maghapon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang inis ko kanina.”Wa
At paano naman ako magpapaalam kay Cargo? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kokontakin. At higit sa lahat ay wala naman akong cellphone para ipang-contact sa kaniya!Busangot akong bumalik sa loob ng bahay. Kahit paulit-ulit ko nang kinukulit si Manong ay hindi niya talaga ako pinapalabas. Pero hindi rin nagtagal ay lumabas ulit ako para kulitin na naman siya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag wala akong nakain ngayong araw na ikakakalma ng tiyan ko.Nang nakita ako ni Manong na papalit muli sa kaniya ay tumayo siya.“Manong, sige na, oh. Kung nag-aalala ka ay pwede mo naman akong samahan mamili, mas maganda ‘yon at para mabilis lang din tayong makabalik nang hindi malalaman ng kung sino man na lumabas tayo,” pangungumbinsi ko agad sa kaniya pagkalapit ko.Umiling ang gwardiya. “Hindi po pwede, Ma'am. Ako ang malilintikan ni sir kapag pinagbigyan kita.”Napasimangot ako. “Hindi ko naman kasi siya mako-contact kasi wala naman akong cellphone. Ikaw na lang kaya ang tumawag sa kani