Dahil binigyan naman niya ako ng pahintulot na mangialam sa closet niya ay iyon ang gagawin ko. Naglakad ako papunta sa pinto na itinuro niyang kwarto kanina. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Kahit umaga na ay madilim pa rin sa loob dahil sa makapal at itim na kurtinang nakaharang sa bintana. Hinanap ko ang switch sa aking gilid at nang nakita ay agad kong binuksan ang ilaw.Kung ang sala ay masyadong maaliwalas dahil sa pinaghalong puti at krema na kulay, dito ay parang may takot sa maliwanag ang nakatira. Ang pader nito ay may light gray at black na kulay, ang kama at ang single sofa ay light gray. Ang kurtina at carpet ay itim. At ang iba pang nandito ay naglalaro lang din sa ganoong kulay. Ang sahig lang ang naiba dahil ang tiles nito ay kulay puti, at may malaki ring chandelier sa itaas na nagsisilbing liwanag sa buong paligid. May lamp din sa gilid ng kama na nakapatong sa maliit na kabinet kung ayaw mo ng masyadong maliwanag. Wala ring gaanong dekorasyon ang kwartong ‘to katulad
“Kung kunin ko na lang kaya ang mga damit ko sa boarding house?” suhestyon ko pero mabilis naman siyang umiling at tumutol.“No. We will buy you new clothes.”Napanguso ako. Napansin niya bang pangit ang mga damit ko? Arte naman nito. Luma lang ang mga iyon pero hindi naman pangit! “Kumain ka na ba?” pag-iiba niya sa usapan.Tumango ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang titigan niya ako.“Kumakain ako ngayon,” sabi ko saka binalingan siya. “Ikaw ba... kumain ka na?”Hindi siya sumagot. Nakakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan pa rin ang damit ko, mukha talaga siyang na-offend sa suot ko. Parang gusto niya pa akong pagsabihan pero pinipigilan niya lang ang sarili.“What did you eat? Did you cook?” Iniwas na lang niya ang tingin sa akin. Nauna siyang naglakad papunta sa kusina kaya sumunod ako sa kaniya.“Hindi na ako nakapagluto, eh...” bigla akong nahiya nang nakakunot na naman ang noo niyang tiningnan ang pagkain kong nasa lamesa.“Ano ‘to?” Tinuro niya ang plato na may
Naging awkward ang pagkain namin ng hapunan. Madalas ang pagtingin niya sa akin kaya hindi na ako masyadong kumikilos dahil pakiramdam ko binabantayan niya ang bawat galaw ko. At dahil do'n ay natapos ang gabi namin nang hindi nag-uusap.Nandito ako ngayon sa isang kwarto na binigay sa akin ni Cargorios. Panibagong araw na ngayon at nakahiga pa ako sa kama. Maaga akong nagising dahil sa pagsusuka. Sobrang lala ng pagsusuka ko kanina kaya no'ng humiga ako ay muli akong nakatulog. Ngayon ay kakagising ko lang ulit, medyo magaan na ang pakiramdam.Hindi pa agad ako bumabangon dahil pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa isang kwarto sa bahay ni Cargorios Mertimor, nakatira kasama siya, at bitbit ang magiging anak niya sa aking tiyan.Pagkatapos ng ilang minutong pagmumuni-muni ay pinilit ko na ang sariling lumabas sa kwarto. Damit pambahay ko na ang suot ko ngayon, natuyo na rin kasi ito kaya sinuot ko na. Baka pag-initan na n
“Your baby is perfectly healthy, Mallory. Iwasan mo lang ang masyadong pagpapakapagod at lalo nang ‘wag kang magpapaka-stress because it might affect your baby,” sabi ni Dra. Almanda.Tapos na ang ultrasound at ngayon ay nakaupo na kami at nireresetahan na niya ako ng vitamins sa kaniyang lamesa.“Alam kong nakapagpa-checkup ka na and I know nasabihan ka na rin sa kung anong pwede at bawal sa mga nagbubuntis, but incase lang na may ibang tanong ka pa, just ask me, okay? I am now your doctor so don't hesitate to ask me. And here.” Nilapag niya sa harap ko ang isang parang magazine na may litrato ng babaeng nagdadalang-tao. “Since this is your first time, you can read this.”Kinuha ko sa lamesa ang ibinigay niya at nginitian siya. “Thank you po.”“You're welcome!” malaki ang ngiti nitong sabi sa akin. Binalingan naman niya si Cargorios na natahimik sa aking tabi habang hawak-hawak ang printed ultrasound ng baby. “Cargo, are you listening? Masyado ka nang natutulala riyan.”Nahimigan ko
Marami ang binili ni Cargorios na damit ko, at lahat nang iyon ay puro mamahalin. Halos lahat pa ay dress at konti lang ang normal na damit, at puro galing pa sa mamahaling brands. Hindi ko alam kung bakit niya pa kailangang gumastos nang ganoon kalaki para sa mga damit lang.Siguro ganiyan na talaga ang mga mayayaman, hindi na nila kailangang tingnan ang presyo at kukunin na nila agad kapag natipuhan nila na para bang wala na silang mapaglagyan ng pera nila kaya winawaldas na lang.Magaganda at mamahalin nga ang mga damit na nasa aking harapan ay hindi ko pa rin maiwasang maisip iyong babae kanina. Marami kaming nakakasalubong kaninang kakilala niya at base sa obserbasyon ko, lalo na sa mga babae ay halos pare-pareho lang ang nakikita ko, hindi lang sila simpleng bumabati kay Cargorios. Parang nang-aakit din sila sa pamamagitan ng kanilang mga tingin at may pinapahiwatag din sila na katulad lang no'ng babae kanina.Nakauwi na kami at nasa kwarto na ako ngayon, inaayos sa cabinet ang
At paano naman ako magpapaalam kay Cargo? Ni hindi ko nga alam kung paano siya kokontakin. At higit sa lahat ay wala naman akong cellphone para ipang-contact sa kaniya!Busangot akong bumalik sa loob ng bahay. Kahit paulit-ulit ko nang kinukulit si Manong ay hindi niya talaga ako pinapalabas. Pero hindi rin nagtagal ay lumabas ulit ako para kulitin na naman siya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag wala akong nakain ngayong araw na ikakakalma ng tiyan ko.Nang nakita ako ni Manong na papalit muli sa kaniya ay tumayo siya.“Manong, sige na, oh. Kung nag-aalala ka ay pwede mo naman akong samahan mamili, mas maganda ‘yon at para mabilis lang din tayong makabalik nang hindi malalaman ng kung sino man na lumabas tayo,” pangungumbinsi ko agad sa kaniya pagkalapit ko.Umiling ang gwardiya. “Hindi po pwede, Ma'am. Ako ang malilintikan ni sir kapag pinagbigyan kita.”Napasimangot ako. “Hindi ko naman kasi siya mako-contact kasi wala naman akong cellphone. Ikaw na lang kaya ang tumawag sa kani
Nagising ako dahil sa marahang katok sa aking pintuan. Hindi pa nga ako nakakabangon ay bumukas na ang pinto at pumasok si Cargorios. Nagulat ako kaya dali-dali akong napabangon at mabilis na inayos ang magulo kong buhok. Tumayo siya sa gilid ng kama at mataman akong tiningnan, habang ako ay nakatingalang nakatingin sa kaniya at nanatiling nakaupo sa kama.“A-Anong kailangan mo?” utal kong tanong.Sa higit isang linggo kong pananatili rito ay ngayon lang siya pumasok sa kwarto ko. Magkasama naman kaming tumitira sa iisang bubong pero ibang usapan na kapag nasa kwarto kaya nagulat talaga ako.“How are you feeling?” tanong niya.Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa kalituhan. Napabaling ako sa bintana at nakitang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Maaga pa lang pala? Himala at maaga siyang nakauwi ngayon? At ngayon pa talaga siya umuwi nang maaga kung kailan ayaw kong makita ang pagmumukha niya. Nakatulog nga ako buong maghapon pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang inis ko kanina.”Wa
Ang guilty na nararamdaman ko kanina ay unti-unting nalusaw at napapalitan ng inis. Dito talaga siya magaling, eh.Halos magsalubong na ang mga kilay ko dahil sa inis ko sa kaniya. Sinunod naman niya ang sinabi ko pero nakikita ko pa rin ang pagpipigil ng pilyong ngiti niya. Inirapan ko siya para ipakita sa kaniyang hindi ako natutuwa.Bumalik siya sa paghahalo ng kaniyang niluluto. Noong una ay masama pa ang tingin ko sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin pero kalaunan ay unti-unting nawawala ang pagkakunot ng aking noo at namalayan ko na naman ang aking sarili na nakatitig na naman sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwas ang tingin ko sa kaniya. Para bang may kung anong humihigop sa mga mata ko at sa kaniya lang pwedeng tumitig ang mga ito.Lumingon siya bigla sa akin kaya naabutan niya akong nakatingin sa kaniya. Mabilis naman ang pag-iwas ko ng tingin sa kaniya, at kahit na alam ko namang nakita na niya ako ay sinubukan ko uling isalba ang sarili sa pamamagitan n
Medyo magulo pa ang buhok ni Cargorios at ang damit ay may gusot pa, halata na bagong gising. Nasa isang restaurant na kami ngayon at kumakain na ng agahan. Ang busangot na mukha ni Cargorios sa aking harapan ay nagpapahiwatig na hindi siya pa rin siya natutuwa, at ako ang dahilan no'n. Badtrip pa rin siya sa akin.Kahit nakabusangot siya at halatang bagong gising pa ay litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya. Hindi na ata iyon mawawala sa mukha niya, kahit siguro anong emosyon ang ipakita niya ay gwapo pa rin siya. Pero iba ata ang kagwapuhan niya ngayong bagong gising siya, hindi ko alam pero parang mas naga-gwapuhan ako sa kaniya ngayon.Napanguso ako at itinuon sa pagkain ang atensyon nang napansin na tumititig na pala ako kay Cargorios. Ilang beses ko rin atang nabanggit sa isip ko na ang gwapo niya.Talaga ba, Mallory? Kahit galit siya sa ‘yo ngayon ay gwapo pa rin siya?Tahimik kaming natapos sa pagkain at nanatili pa ring nakabusangot si Cargorios. Uminom siya ng tubig haban
Tahimik lang akong nakatitig sa karagatan habang nakaupo sa buhangin. May iilan nang naliligo roon at ang iilan naman ay kagaya ko lang na nakaupo sa dalampasigan at pinagmamasdan ang magandang tanawin, ang kaibahan nga lang namin ay sila nakasuot ng bikini samantalang ako ay naka-bestida na ginamit ko pa pantulog kagabi.Naglalaro pa rin sa aking isipan ang text sa akin ni Madeline na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nare-replyan. Naantala lang ang pagmumuni-muni ko nang tumunog na naman ang cellphone ko dahil sa tawag, akala ko si Madeline na naman iyon pero saglit akong natulala sa screen nang nabasa ang pangalan ni Cargorios. Hindi ko maalala na si-nave ko ang number niya rito sa cellphone ko.Napatagal ang pagtitig ko roon dahil sa pagtataka at gulat kaya hindi ko na nasagot ang tawag at namatay na iyon, pero hindi pa nga nag-iilang segundo ay nagpakitang muli sa aking screen ang pangalan niya. Kumurap ako at agad sinagot ang tawag.“H-Hello...”“Shit, Mallory, where are you?!”
Nagising ako kinabukasan na maganda ang pakiramdam, nagulat nga ako dahil hindi ako dinalaw ng pagsusuka na araw-araw kong nararanasan, pero ngayon ay maaliwalas ang pakiramdam ko at tingin ko ay nakatulog din ako nang maayos kagabi.Bumangon ako habang humihikab at kinukusot ang mata. Tumingin ako sa bintana at nakitang maliwanag na sa labas at mataas na ang araw. Matapos ng ilang minuto kong pagkatulala sa bintana ay napabaling ako sa sofa kung saan mahimbing na natutulog si Cargorios. Muntik ko nang makalimutan na magkasama pala kami sa iisang kwarto ngayon at bahagya pang nagulat nang nakita siya roon na natutulog. Nang naalala ko ang nangyari kagabi ay uminit ang pisngi ko.Bumuntong hininga ako at nagdesisyon na lang na bumangon na at pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon, mataas na ang sikat ng araw sa labas at medyo nagugutom na rin ako kaya hula ko ay baka ala syete na ngayon, o baka alas otso? Pero tulog pa si Cargorios,
“Ano ba ‘yang p-pinagsasabi mo riyan?” Sinubukan kong isalba ang sarili sa pamamagitan ng pagsusungit. Pinilit kong ikunot ang noo ko at pinainis ang boses pero dahil sa pagkakautal ay kinagat ko na lang ang ibabang labi ko.Bahagya ulit siyang tumawa. Inayos niya ang kumot sa aking bewang at hindi na tinanggal doon ang kamay. Nagmukha tuloy siyang nakayakap sa bewang ko. Napanguso ako habang pinagmamasdan ang braso niyang bahagyang nakapatong sa aking tiyan. Ang kamay niya na nasa aking bewang ay unti-unting gumapang sa aking tiyan at marahang hinaplos iyon. Natigilan ako. Sa unang pagkakataon ay hinawakan niya ako roon.“How's our baby?” malambing niyang tanong, kung hindi na naman ako pinaglalaruan ng pandinig ko.Marahan ko munang binuga ang hanging naipon sa aking baga bago siya sinagot. “A-Ayos lang.” Umayos ako sa pagkakaupo.“Uh-huh...” Nanatili ang marahan niyang paghaplos sa aking tiyan habang nakatingin pa rin sa akin. “How about you? How are you?”Binalingan ko siya pero a
Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi
Ang boses niya ay sobrang rahan, at kung assuming pa ako ay iisipin kong malambing iyon. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nakatitig lang ako sa kaniya, gulat na gulat at namamangha na nandito siya sa aking harapan at nakaluhod. Sobrang lapit niya sa akin kaya amoy na amoy ko ang bango niya, naghalo ang sabon na ginamit at ang natural niyang bango na lagi kong naaamoy sa bahay. Kung pwede lang na singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na.“May problema ba tayo?” muli nitong tanong.Sa kabila ng seryoso niyang mga mata ay nakikita ko pa rin doon ang paghahanap niya ng kasagutan, mukhang nahihirapan at ngayon ay hindi na nakayanan kaya tinanong na niya ako nang harap-harapan.“W-Wala namang problema, C-Cargorios,” nauutal kong sagot at hindi makatingin nang diretso sa nakakapaso niyang mga mata. Hindi ko siya kayang titigan. Hindi sa gitna ng biglaang pag-iinit ng katawan ko!Dahil sa malikot kong mga mata ay bahagya niyang ginalaw ang aking baba kaya nahuli niya ulit a
Naghanap kami ni Cargorios ng makakainan habang nakapulupot pa rin ang braso niya sa aking bewang. Habang naglalakad ay para na akong poste na tuwid na tuwid ang pagkakatayo at halos manigas pa dahil sa braso niyang nakadikit pa rin sa akin.Hindi ko kayang matago ang nararamdaman ko, pakiramdam ko ay nararamdaman din niya ang kaba ko pero wala lang siyang pakealam at patuloy lang sa paglalakad.Huminto kami sa isang kainan na puro seafood ang binibenta. Doon na rin kami kumain at nagpalipas ng ilang sandali bago napagdesisyunan na maglakad-lakad muna at mamasyal na rin saglit.“Are you okay?” Ilang beses na niya akong tinanong niyan at tanging tango lang ang sinasagot ko sa kaniya at hindi siya tinitingnan. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin na para bang tinitimbang niya kung totoo ba ang sinasabi ko pero hindi ko na siya binalingan pa at nagpatuloy lang sa paglalakad.Hindi na siya nakahawak sa bewang ko pero napakalapit naman niya sa akin sa puntong nararamdaman ko na ang init
Kinakabahan ako habang nakasakay na kami sa elevator, paakyat na kami ngayon sa kwarto namin. Kung sa panlabas na anyo ko ay parang wala lang, pero sa loob-loob ko ay para na akong uod na binudburan ng asin at hindi mapakali.Kung saan-saan na napupunta ang mga mata ko, iniiwasan ko lang na mapunta ang tingin ko sa harapan ng elevator dahil nakikita ko si Cargorios sa salamin nito. Nakatayo lang siya sa aking tabi habang bitbit ang aming mga gamit, parang wala lang din sa kaniya na magsasama kami sa iisang kwarto, sobrang relax lang niya at mukhang nababagot pa dahil ang tagal bumukas ng elevator. Sa tuwing napapatingin ako sa harapan ng elevator ay nakikita ko si Cargorios na nakatingin sa akin mula sa salamin, dahilan kaya mas lalo akong hindi mapakali.Napatingin ako sa itaas nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami, bumukas ang pinto at naunang lumabas si Cargorios. Hindi pa agad ako gumalaw at napatulala pa saglit sa labas.“Mallory...”Saka lang ako napaba
Hindi pa agad ako gumalaw at hinayaan na lang muna ang sarili na sumandal sa kaniya habang dinaramdam ang marahang paghaplos niya sa aking braso. Nakakaantok ang ginagawa niya pero hindi ko na magawang makatulog pa dahil ayaw ko ring sayangin ang pagkakataong ito. Pakiramdam ko ay normal lang ito, pakiramdam ko ay ayos lang na magpahinga sa kaniya at damhin ang init na dala ng braso niyang nakaakbay sa akin at halos nakayakap na sa akin. Kinalimutan ko na muna ang katotohanan at pinagsawa muna ang sarili na mapalapit sa kaniya. Binalot ng mabango niyang amoy ang aking ilong, kung pwede lang singhutin ko lahat ng bango niya ay ginawa ko na, eh. Sa tuwing humuhugot ako ng hininga ay sumasama ang bango niya sa hangin na nalalanghap ko na nagpapakalma sa akin, at sa tingin ko, kapag nawala ang amoy niya ay hahanap-hanapin ko iyon.Nararamdaman ko na ang pangangalay ng ulo ko dahil sa pagkakasandal sa kaniya, at ‘yon na rin ang senyales ko na dapat na rin akong bumangon at tigilan na ang